Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Guitara [ A Modern Love Story ]

    Share

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    Total Votes: x

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 10, 2009 6:46 pm

    Janessa



    Ehto na... Thiz iz it! Thiz iz really iz it!

    Lumipas ang dalawang araw kong pag-iimpake, at ehto na... WaaaaaaaaHHH!!! Nandito na ko sa pinto ng apartment ni Joshua... *sniff* mommy... Hala... si mommy nga nagpadala sa'kin dito...

    Oh well... Since nandito na rin naman ako, eh lubus-lubusin na natin ang pambubulabog sa buhay ni horsey...

    ding! dong!

    1...2...3.. Ang tagal!

    Press uhlet ng doorbell...la lang, para lang mataranta ang people sa loob...

    ding! dong! ding! dong! ding! dong! ding--!

    "Oo na!!! Sandaleeee!!!"

    Wehehehe... Napikon nga...

    Pagbukas nung pinto...

    Ako: Good morning!
    Joshua: (nanlaki mata) Anong ginagawa mo dito?!?
    Ako: Uh, hello? New roomie?
    Joshua: Oh, yeah... Kala ko pa naman pag natulog ako, mawawala na lahat un... (tingin sa likod ko) Sinong naghatid syo?
    Ako: (pumasok na) La poh... Umalis na sina mommy papunta sa airport... So, ako naman, eh pumunta na dito... San poh kwarto ko?

    Tinuro ako ni Joshua dun sa isang kwarto na medyo malapit sa kusina... Pagpasok ko... Tingin ako sa paligid... Bakit may gamit na?

    Tumingin ako kay Joshua na nilalagay ung iba kong maleta dun s isang sulok ng room...

    Joshua: Dito ka muna sa kwarto ko habang di pa ayos ung kabilang kwarto...

    Kwarto mo?!?

    Tumingin sa'kin si Joshua...

    Joshua: Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan... Sa living room muna ako matutulog noh... Tsk... Green-minded ka masyado eh...

    Hala! Binato ko nga sya ng unan!

    Ako: Anong green-minded?!? White na white-minded toh noh!

    Wahehe... Kulay na ng La Salle noh? Green and white!

    Tumingin ako uhlet sa paligid, tapos lumapit dun sa isang sulok sa may bintana...

    Ako: Uuuuy... gagamba oh...
    Joshua: (biglang napatakbo sa tabi ko) Nasan?!? Teka! Papatayin ko na habang maliit pa!
    Ako: (hinawakan ung kamay nya) Hoyz! Ano ka?! Bakit mo papatayin?!
    Joshua: Eh gagamba eh!

    Best argument ever noh?

    Ako: Wag na... Maliit lang naman... Tsaka pabawas rin yan ng kung anu-anong insekto...
    Joshua: Hinde na noh! I-evacuate mo na lang sya sa kwarto mo pag tapos na! Ayokong may gagamba sa kwarto ko!

    Napatitig ako sa mukha ni Joshua...

    Joshua: (napastepback ng konti) A-ano n-naman?
    Ako: Aha! (turo sa kanya) Takot ka sa gagamba!
    Joshua: Ano?!?
    Ako: Tsk... horsey na takot sa gagamba... Haaaayy...
    Joshua: Hinde ako takot sa gagamba!!! At anong HORSEY?!?!?
    Ako: (stepback, tawa ng konti) Relax... hehe... Binibiro ka lang eh...
    Joshua: Horsey... horsey... di naman ako horsey!
    Ako: hehe... Hinga muna, horsey -- este, Joshie, hinahigh blood ka na eh...

    My golay... Ang init ng ulo ni horsey. Baka naman maagang ma-heart attack toh sa'kin! wahehehe...



    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 10, 2009 6:48 pm

    -=CHAPTER 8=-



    Joshua

    Pag-uwi ko nung gabing un, nagulat ako nang makita kong bukas pa ung ilaw sa living room, pati ung TV bukas din... Gising pa si Janessa? Halos mag-aalas dose na ng umaga ah!

    Dahan-dahan kong sinara ung pintuan, ni-lock, tapos lumakad papunta sa living room... Sssh! Manggugulat lang ako...

    Kaya ahyun, tiptoe-tiptoe papunta sa couch kung san nakahiga si Nessy...

    1, 2 --

    Biglang umupo si Janessa sabay umikot para tingnan ako...

    Ako: WAAAAAAAAAaaaaaaaHHHHHhHH!!!!!! Maligno!!!!

    Yoko pa mamatay!!! WAaaaAAAAAAAAAhhhHHHH!!! Janessaaaaaa!!!

    Pak!

    Langya, kapal ng mukha ng malignong toh! Batuhin pa ko ng unan?!?

    "Anong maligno?!?"

    Binuksan ko ung isa kong mata, tapos tinanggal ung kamay ko sa mukha ko... Shucks, si Janessa pala ung maligno... Bakit puting-puti mukha nito?

    Ako: Langya! (napahawak sa puso ko) Bibigyan mo ba ko ng atake sa puso?!?
    Janessa: Sira! Sino bang may sabi syong magsisigaw ka dyan?
    Ako: (umupo sa tabi nya) Ano ba yang nasa mukha mo?
    Janessa: (hinawakan nya ung mukha nya) Ah ehto... Nag-ddry kaseh ung mukha ko eh... Binigay toh sa'kin ni Richie kanina sa school... Effective na moisturizer raw...
    Ako: Naniwala ka naman dun sa bading na un?
    Janessa: Sure why not?

    Nanahimik kami sandali... Napansin ko ngang bumabagsak-bagsak na ung mata ni Janessa eh... Kulang na lang eh saluhin ko at ibalik dun sa butas...hehe...

    Ako: (inabot ung remote sabay patay ng TV) Bakit ba gising ka pa? Halos madaling araw na oh, matulog ka na nga...
    Janessa: Eh hinihintay kita eh...*yawn*
    Ako: Eh? Bahket?
    Janessa: (binatukan ako) Loko! Eh kanina ka pa dapat nandito eh!
    Ako: Aray naman! Anoh ba?!
    Janessa: San ka ba galing?
    Ako: Eh di san pa? Eh di kina Paolo...
    Janessa: Bakit di ka man lang nagtext?
    Ako: Bakit pa?
    Janessa: (tumayo) La lang... para naman di ako nag-aalala...

    Hmm??!

    Pumasok si Janessa sa banyo... It's either mali sya ng pasok at doon sya matutulog, o mag-CCR lang talaga sya... Maya-maya, lumabas na uhlet sya, nagmumukha nang tao..

    Umupo si Janessa sa tabi ko, sabay tingin sa relo... Narinig ko pang nagbuntung-hininga... Tapos tumingin sya dun sa gitara na nakasabit sa isang sulok...

    Janessa: Bakit di mo ginagamit ung gitara mo?
    Ako: La lang.. I just don't play it anymore.
    Janessa: Ano yan? For display purposes only?
    Ako: Parang...
    Janessa: Will you play at least one song for me? Please?
    Ako: Hala... bahket?!
    Janessa: La lang...

    Napatingin uhlet sya sa relo... This time, di na umalis ung tingin nya.. Mag-aalas dose na...

    Whoa!

    Napatayo akong bigla nang mag-vibrate ung cellphone ko sa bulsa ko... Piningwit ko at tiningnan kung sinong hinayupak ang nagtetext sa'kin...

    Okay... di pala text... reminder lang...

    Janessa's Bday!

    Tumingin ako kay Janessa na nakatingin din sa'kin...

    Oh, birthday nya na... Ano nang gagawin ko?!

    Ako: Uh...happy birthday?

    Tiningnan lang ako ni Janessa... Nagiging alien ba ko o ano? Bakit ganyan sya makatingin?

    Nanahimik lang uhlet kami... Langya! Ang awkward naman!

    Sige na, Joshua! Magtanong ka na!


    Hala! Yoko nga! Eh kung kagatin ako nyan?!?
    O kaya tabunan ako ng spaghetti na may meatball?!?



    Naririnig mo ba sarili mo? Huh

    Ako: Uh, ahem... Ano bang meron sa birthday mo?
    Janessa: Gusto mo talaga malaman?
    Ako: Yah, sure... Kung gusto mo bang sabihin eh...
    Janessa: I don't mind telling you... pero...
    Ako: Ano?
    Janessa: (ngumiti sa'kin) Play the guitar, and sing me a song muna...

    Hala!

    Ako: Di ko na nga ginagamit yang gitara na yan...
    Janessa: Yup, just as I figured... (ngumiti ng konti)

    Patayo na sana sya nang bigla kong hinablot ung braso nya, kaya un, napaupo uhlet...
    Haaaaayyy... mga ginagawa ko nga naman dahil sa curiosity..

    Tumayo ako at kinuha ung gitara... tapos umupo uhlet sa tabi nya... Tumingin sya sa'kin na parang hinihintay na ibaba ko ung gitara at hayaan na syang umalis... Hala, mataas ang pride ko eh...

    Ako: Okay... Anong kanta gusto mo?
    Janessa: Hmm?! Seryoso ka?!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 10, 2009 6:50 pm

    Janessa


    Totoo ba itich? Ganun-ganun lang, papayag na syang i-play ung antique na gitara na un na model ng pader nya? Huh Ava'y lakas naman pala ng hatak ko dito eh! nyaha!

    Tinitigan ko si Joshua na nakatitig din sa'kin...

    Joshua: Oh, ano na? (pinatong ung gitara sa lap nya)
    Ako: Ikaw bahala... (relax sa couch)
    Joshua: Sigurado ka?
    Ako: Oo nga...

    Nag-shrug sya, tapos pinosisyon na ung fingers nya sa chords... Mag-pplay na talaga ah... hmm...

    Joshua: Ay, teka...

    Poof!

    Ako: Anoh?
    Joshua: Mag-totono na muna ako...

    Nyekz! Yan kaseh, ginagawang decoration ung gitara eh... Pinanood ko muna sya -- nakakatulog na nga ako eh...tagal... Stay yata ni Lisa Loeb ung pang-tono nya...ahyuz noh? Maya-maya, after 10 years, ngumiti na sya...

    Joshua: Yan na! Tapos na! Kakanta na ko!
    Ako: (pikit mata) Oo na, sige na... Kumanta ka na nga lang... Dame mo pang ka-eck-eckan eh...

    Sama noh?

    Joshua: Okie pyn... ahem...
    G D7 G
    Mary had a little lamb, little lamb, little lamb
    G D7 G
    Mary had a little lamb, it's fleece as white as snow...

    Langya, napabukas bigla ung mata ko...

    Ako: Ano ba namang kanta yan?!?
    Joshua: (tumigil sabay tingin sa'kin) Mary had a little lamb... Di mo alam un?
    Ako: Kung nandito ung lamb ni Mary, kanina ko pa binato syo... Kala ko pa naman tutugtog ka ng kung anong matino...
    Joshua: Sabi mo kahit ano tugtugin ko... Buti nga pinagbigyan pa kita eh, tinakwil ko na pagtugtog ng gitara simula nung umalis si Trixie...
    Ako: Si Trixie nanaman? Ano ba naman yang buhay mo? Masyado kang kumakapit dun, pati ung isang bagay na gustung-gusto mong gawin pinagtatakwilan mo...

    Nakz! Speech! nyaha!

    Joshua: (bulong) Di naman... Sya lang kaseh nagbigay ng gitara na toh eh...

    Suz my golay sa palayan... Un lang pala!

    Ako: Ano ka ba?! Ang gitara binigay para tugtugin noh... Kaya nya binigay yan para naman i-continue mo ung music mo kahit wala na sya... Common size nga...
    Joshua: Hala, binigay nya toh dahil sinabi ko sa kanya noh...
    Ako: My golay! Anong ka-senti dun?! Eh hiningi mo pala yan...

    Gulo rin ng lahi nito... Kaloka!

    Joshua: Ang lakas mo mang-trip, parang ikaw wala kang kinakapitan sa nakaraan mo ah!

    Toink! Sapul to the heart!

    Ako: (napabulong) I'm sorry...

    Napa-bow ako, sabay pahid ng luha... Pasensya na, iyakin kaseh talaga ang beauty ko eh...

    Joshua: Hala!!! Umiiyak ka ba!?!?! (pinagpapawisan na yata Tongue ) B-baket n-naman? S-sorry na...
    Ako: K-kase naman eh!! I'm just trying to point out something lang naman syo eh...
    Joshua: Oo na nga... Na-turo mo na... Tahan na...Anoh ba kaseh nangyari at pati birthday mo eh katakwil-takwil syo?
    Ako: My twin died because of me...
    Joshua: Whoa?

    Haaaaaaaayyyy...ehto nanaman tohng story na toh... Itz hurtz talaga! Gwabeh!

    Joshua: Ano nangyari?

    Sumandal sya sa likod nung couch para makinig sa'kin... Ahyoz noh? Hatinggabi at ehto kame, nagkkwentuhan...

    Ako: It's like this kase eh... (deep breath muna) Identical twins kame... As in! Kahit si mommy nga, nalilito sa'min kung minsan...hehe... Sarap tuloy pagtripan nung mga un.. Sa family namin, we were known as the "art" and the "music"... Ibang klase ang talent ni Jeanie sa art...kahit nung bata pa lang kame, sobrang vivid na nung mga details nung mga paintings nya... Kaya ang ginawa ni mommy, pinasok ako sa music school, tapos si Jeanie sa art school...

    Pause muna...

    Ako: As usual, nung entrance exam ko eh may kakulitan nanaman ako... May nakilala akong guy from a bar, and he wanted to meet with me again nung day ng entrance ko... Syempre, ako naman tohng pumayag kahit alam kong may exam ako... I asked Jeanie kung pwedeng sya na lang kumuha nung exam para sa'kin... Pumayag naman sya, basta ang promise ko na magsshopping daw kame the next day... (natawa) Ang babaw kase nung kaligayahan nun eh... Kahit walang pera, sige, punta sa mall.. And besides, birthday namin the next day eh...
    Joshua: Go on...

    Shwoop...

    Ako: Pagdating ko nung gabi, nagtataka ako kaseh wala pa rin si Jeanie... Supposedly, dapat kanina pa sya nandun... Sabi ni Ate Janet, sila lang kase ni Kuya nakakaalam, simula raw nung umalis sya to take my exam, di pa rin bumabalik, ni di nga tumatawag... Then, biglang nag-ring ung telepono... It's from Northwestern Memorial Hospital... Sinugod daw dun si Jeanie that afternoon...And she was dying... Sumugod kagad kami nina ate sa ospital habang tinawagan ni kuya sina mommy... Pagdating namin sa ospital, nasa emergency room pa rin si Jeanie... *sniff* S-sabi nung guy na nagdala sa kanya dun, nag-crash raw ung car ni Jeanie with a truck on her way pauwi... *sniff* It was so bad daw na ilang oras sinubukan tanggalin si Jeanie from the driver's seat, and the car was a total wreck... She lost so much blood...

    My dear, dear sister..

    Ako: After ilang hours sa emergency room, may lumabas na nurse... Hinahanap daw ako ni Jeanie... And di na sya ma-calm nung mga doctors kaya tinawag na nila ako... Oh my god... When I went inside...that couldn't be my sister... She was all bloody...and -- and... *sniff*
    Joshua: Take it easy... Kung ayaw mo nang ituloy, I understand...
    Ako: No, no... Ung arms nya, puro blood..and her face, puro cuts... and -- and... *sniff* I was just so scared... This couldn't be my sister... Then, lumapit ako sa kanya... The doctors were starting to give up on her coz she lost too much blood... (smile weakly) And when I stood next to her... She tried to smile at me...and then sabi nya, "Nessy, sorry, seems like we can't go shopping tomorrow... I'm gonna buy you your debutante's gift pa naman..." *sniff* She was still thinking about me!

    I started crying na... Di ko na nga namalayan na niyakap na pala ako ni Joshua...

    Ako: She didn't even do anything... She wasn't supposed to die... Ako ung nag-ask sa kanya to go out that day para lang makapag-meet sa isang guy na wasn't even worth any of my time... And -- and it's because of me na she's gone... We were supposed to turn 18 together... And suddenly, she's gone... I've never felt so alone...

    Medyo nag-hhush na ung luha ko, pero sige, tuloy pa rin ang pag-sob ko... Hika na aabutin ko nito... Si Joshua naman, iniistroke lang ung buhok ko... Ginagawa nanaman akong aso... Then he said something...

    Joshua: Lam mo, Nessy, if it means anything to you... Gusto ko lang malaman mo... Nandito na ko... and I won't let you be alone again...







    Hmmm... Anoh yan? Pang-spur of the moment lang? Huh But still... that was nice di ba? Payag ka di ba?

    Ako: (pahid luha) Thank you....

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 10, 2009 6:51 pm

    Joshua


    Nakatulog si Janessa sa couch pagkatapos ng halos isang oras na pag-iyak at ng isang dagat ng tubig... Langya, ibang klase rin palang atakihin ng iyak toh! Kala ko mangangailangan na kame ng bangka eh! S Pero syempre, pag namatay nga naman ung isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo...di ka naman ba maiiyak?

    Nung napansin kong tulog na sya...haaaaaaaaaayyy... kailangan ko nanamang magpaka-gentleman... Alangan namang ako matulog dun sa kama tapos sya dito, all alone sa living room...

    ..bakit nga ba hinde? wahehehe...

    Haaaaaaaayyy...no choice... Mu~g kailangan kong buhatin si meatball papunta sa kwarto... Bubwit, dito ba naman kaseh matulog... Tinitigan ko ung nakahiga nyang katawan... Measure-measure muna... Cheesy Mu~g mabigat! Tumayo ako...

    Kailangang mag-stretch! To the left! To the right! Up! Down! Yan! Game! Hoof!!!

    Lumapit ako kay Janessa, at binuhat sya... Nyekz... Di naman pala sya ganon kabigat... Sayang ung energy ko pag-eexercise... Binuhat ko sya hanggang sa kwarto ko, tapos binagsak sa kama...di joke lang... dahan-dahan ko namang nilagay...

    Janessa: (mumble sa sleep) Thankz, horsey...

    Hmp! horsey?! Dapat nga binagsak ko na lang...

    Janessa: (bulong pa rin sa tulog) Will you sing me a real song tomorrow?... For my birthday?
    Ako: Kala ko ba ayaw mong alalahanin na birthday mo? Huh
    Janessa: (umikot sa kabilang side ng kama) *yawn* Yah... But you said you're here na...
    Ako: Ganon? Teka... Okay na ba syo London Bridge naman? Oi... (pindot-pindot ung braso nya)

    At ehto ako, kinakausap ang tulog...

    Naupo ako sa tabi nung kama...la lang... Tinitingnan ko lang sya matulog... Lam nyo bang ang sarap tingnan ng isang babaeng matulog? Ehwan ko ba...Parang kase sobrang peaceful... bastah!

    *yaaawwwwwnnnnn!*

    Tumayo na ko... Halos 1 AM na... matutulog na nga rin ako...

    ~~~

    Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng usok! Oh sh*t! Sunog?!?!? Napatayo akong bigla... Langya! Puno ng usok ung apartment! Takbo kagad ako sa kitchen...at ahyun!

    ..si Janessa, nagluluto ng kung ano...

    Janessa: (nung nakita ako) Ei, good morning, horsey! Nagluto na ko ng scrambled eggs, tsaka bacon, tapos dumaan ung pandesal kanina kaya bumili na rin ako... Tapos pinagtimpla na rin kita ng juice... Kain ka na... May pasok ka ba?
    Ako: W-wala...

    Whoa! Full breakfast toh ah! Napasarap yata si Janessa sa pagluluto?!

    Naupo ako dun sa lamesa, at parang waitress, naglagay si Janessa ng plato sa harap ko, nilagayan nya ng scrambled eggs, bacon, tinabi sa'kin ung pandesal, tapos naglagay na rin ng juice sa baso ko...

    Ako: (pinulot ung tinapay) Ganito ka ba araw-araw? O ngayon lang na mu~g maganda ang gising mo?
    Janessa: (natawa) Syempre... ngayon lang! Birthday ko eh!

    Tumingin sya sandali sa space, tapos biglang nagbounce back... Ehwan ko ba kung umaarte lang toh o talaga pinipilit nya lang na kalimutan ung nangyari sa kapatid nya... Ah bastah! Kakain na ko!

    Umikot si Janessa papunta sa mga bintana, at pinagbubuksan... Ngayon nya lang naisipan gawin un kung kailan puno na ng usok ung bahay... Tapos umupo na sya sa harap ko para kumain...

    Janessa: Tumawag nga pala si Paolo... (inom ng juice) Mag-barhopping daw kayo mamayang gabi...
    Ako: Eh?

    Ganda ng sagot noh? hehe... Smiley Absent-minded ako eh... Busy sa pagkain...

    Janessa: Yup... Mga 8 yata... Dadaanan ka na lang raw nya...
    Ako: okay...
    Janessa: Sasama ka?
    Ako: (napatingin sa kanya) Oo naman... hihindi-an ko ba naman ang beer?
    Janessa: Hmp!

    Hala ano nanamang ginawa ko?!

    Eng-eng ka talaga, Joshua! Birthday nga nya ngayon eh!

    Ako: I-ikaw? Gusto mo bang sumama?
    Janessa: (biglang tingin sa'kin) Really?
    Ako: Sure... Siguradong those people won't mind...
    Janessa: Wow! Sure!

    Tapos nun, nanahimik muna kame habang nakain... Tapos, ako pinaghugas ng pinggan ni Janessa -- kaya pala sya nagluto, ayaw nyang maghugas ng pinggan... Tapos, since pareho kameng walang pasok, naupo kame sa living room... Pumunta si Nessy sa gitara ko, sabay binigay sa'kin..

    Ako: Ano? Papatapusin mo na ung Mary Had A Little Lamb ko?
    Janessa: (umupo sa tabi ko) Sira! Ibabato ko na talaga syo ung lamb na un eh... Play something real naman... please? Birthday ko naman eh...

    Weehhhh... I-blackmail ba ko!

    Janessa: Sige na, isa lang... Mu~g matagal-tagal na ring di na gagamit tohng gitara eh... Pagbigyan mo na rin naman...

    Tiningnan ko ung gitara... Ano toh? Nagsasalita at kinakampihan ni Janessa?

    Ako: (inayos ung gitara) Oh, sige na... Malakas ka sa'kin eh...
    Janessa: Yehey! Ung matino ha!
    Ako: Oo na nga...

    Inayos ko uhlet ung gitara, tapos pinosisyon na ung mga daliri ko... Tagal na rin nung huli akong naglaro ng gitara... Kakamiss... nyaha!

    Ako:
    E B
    lumayo kana sa akin
    C#m B
    wag mo kong kausapin
    A E C#m B
    parang awa mo na wag kang magpapaakit sakin
    E B C#m
    ayoko lang masaktan ka
    B A E C#m B
    malakas akong mambola hindi ako santo

    Ganda ng kanta noh? nyaha... La lang...yan pumasok sa utak ko eh... "Pero para syo... ako'y magbabago, kahit mahirap, kakayanin ko..." Wag nyong seryosohin meaning nyan... Nanghingi lang si Janessa ng matinong kanta eh...

    Pagkatapos nung kanta, nakatingin lang sa'kin si Janessa... Langya, katakot talagang tumitig toh! Di mo maintindihan kung anong iniisip eh!

    Ako: Ano?
    Janessa: May boses ka naman pala eh... Galeng mo pa maggitara! haaaayyy...Abnormal ka talaga... Di ko maisip kung bakit gusto mong itigil ung pagplay ng guitar...

    Think of the compliment na lang ako... Tsk...

    Biglang tumayo si Janessa...

    Ako: San ka punta?
    Janessa: (ngiti sa'kin) La lang... La rin naman tayong magawa, ipapakilala kita sa beauty products...

    Ano?

    Pumasok si Janessa sa kwarto ko... Paglabas nya, may dala syang isang maliit na parang pouchbag yata un...

    Ako: Ano yan?

    Umupo sya sa tabi ko sa carpet, tapos binuksan ung bag... Sa loob, puro make-up ung lumantad...

    Ako: Anong balak mong gawin?!?
    Janessa: (natawa) Wag kang mag-alala, di toh permanent pen... Mabubura pa toh...

    May hinalungkat sya sandali, tapos nilabas ung lapis...lapis ba un? Bakit may takip ung lapis?

    Ako: Ano yan?
    Janessa: (tinanggal ung takip) Eyeliner... (tingin sa'kin) Pikit! Dali!
    Ako: (napasandal palikod) B-bakit!??
    Janessa: Dali na... Sandali lang toh...

    Ako naman tohng uto-uto, eh di un, pumikit nga... Naramdaman ko syang lumapit, tapos dinodrawing-an ung talukap ng mata ko... Sa takot ko namang matusok ako at mabulag, eh di naki-cooperate na!

    Pero talaga lang... Mommy! I'm scared!

    Maya-maya, lumayo na ng konti si Janessa...

    Janessa: Yan!

    Inabot nya sa'kin ung salamin para makita ko ung "work of art" nya raw... Nakita ko ung mata ko, may kung anong kulay violet yata...o blue? Huh bastah may kulay...

    Ako: (tingin pa rin sa salamin) Nessy...
    Janessa: Hmmm? (kagat ung labi)
    Ako: I don't think blue is my color eh...
    Janessa: (natawa) Ano ka ba? Ang ganda kaya... Brings out your eyes...
    Ako: Tingin mo?
    Janessa: Yah!

    Di pa ko bumibigay noh! Just figured na since kame lang naman ni Janessa nandito, eh di maglaro na lang... Tsaka sabi nya naman natatanggal ng tubig toh eh... Ano ba naman ung may konting kulay sa mata?

    Besides, mu~g nag-eenjoy si Janessa eh... That's good enough para sa kahit anong kahihiyan...



    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 10, 2009 6:53 pm

    wahahah...

    sumisipag aq mag post ah!!...wahahaha

    may nxt story aq ipopost after q mapost lahat toh^__^

    title : Right next to you

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:36 am

    -=CHAPTER 9=-




    Joshua


    Janessa: (kanta) And you said that I was naive and
    I thought that I was strong, oh
    I thought---

    ding! dong!

    Prffft!!!

    Tumigil bigla sa pagkanta si Janessa, ako naman, syempre, tigil din sa paggigitara... Nagtinginan kami, sabay tingin sa relo...

    Janessa: Oh my golay! 7 na?!?

    Bigla kameng napatayo... Sya tumakbo sa kwarto, ako naman sa pinto... Langya! Ilang oras na pala kameng nagkakantahan dito! Ni di pa nga ako naliligo nandito na si Paolo!

    Binuksan ko ung pinto...

    Paolo: Tol! An-- (napatingin dun sa gitara sa kamay ko) Aba... Hawak mo na uhlet-- (tingin sa mukha ko) Tol... ano nangyari?
    Ako: Huh?

    Tinulak nya ko papasok, sabay sara nung pinto... Tinitigan nya ung mata ko...

    Ako: (turo sa mata ko) Ah, ehto ba? Ganda noh? Sabi ni Nessy pinapakita raw nito ung mata ko...

    Napa-stepback si Paolo... Langya, namumutla na oh!

    Paolo: Tol, best friend kita... Wag mo namang sabihing magiging "This Guy's In Love With You Pare" ang kahahantungan natin!
    Ako: (batok sa kanya) Tange! Ano ka?! Hinayaan ko lang gawin toh ni Janessa dahil birthday nung tao... Maliligo na nga ako, pagkalabas ni Janessa ng banyo...
    Paolo: Awww...ang sweet nyo naman... Nagsshare na kayo ng isang banyo...

    Binatukan ko nga sya!

    Ako: Anong sweet-sweet ka dyan?!? Alangan namang magpatayo pa ko ng isa pang banyo dahil lang nandito sya?!?
    Paolo: Wehe! (turo bigla sa'kin) Namumula ka na! Wahahaha...

    Biglang sumulpot si Janessa sa likod namin...

    Janessa: (silip) Ey, ano nangyayari?
    Paolo: Si Joshua--

    Tinalonan ko bigla si Paolo! Wapak! Ahyun, flat sa sahig ung mukha nya...

    Ako: (kay Janessa) Wala! Magbihis ka na! Maliligo na ko!

    Tiningnan lang kami ni Janessa na parang mga baliw... malamang eh un nga itsura ng dalawang binata na nagwwrestling sa sahig dahil lang ayaw pagsalitaan ung isa... Tapos nun, pumasok na sya sa kwarto...

    Binitawan ko na si Paolo...

    Paolo: Whoosah! (hinga ng malalim) Bwiset ka! Papatayin mo ba ko?!
    Ako: (upo sa tabi) Suz! Parang namang mamatay ka ng ganon lang... Eh masama kang damo...
    Paolo: (binatukan ako) Ano ka?! Nahawa lang ako syo, sira!

    Tumayo na ko, nakasalubong ko pa si Janessa na palabas ng kwarto... Ibang klase rin bilis nito noh?

    Janessa: (ngiti kay Paolo) Eiz... kumain ka na ba? Baka gusto mong ipagluto kita ng kahit anong pantawid gutom lang...
    Paolo: (biglang tayo) Oh sure!

    Suz, if I know... Kakakain lang nito, kakain nanaman...

    Lumapit si Paolo sa'kin sabay bulong...

    Paolo: Kung ito ipapalit mo kay Trixie, ngayon pa lang, pare, sinasabi ko na... Sa kanya na buong boto ko!

    Hmmm?

    Napatigil ako habang pinapanood sina Janessa at Paolo na nagkkwentuhan na parang ilang taon na silang magkakilala... Boto raw sya kay Janessa? Kailan pa sya bumuto sa kahit sinong babaeng nagustuhan ko?

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:36 am

    Joshua


    Pagdating namin sa bar nina Paolo at Janessa sa bar, nandun na ung iba dalawa ko pang ka-tropa... Nag-iinuman na nga eh...Di talaga makapaghintay... Pag-upo namin, ung mata nung dalawa, lumipad na kagad kay Janessa...

    Ako: Huy! (upo sa tabi ni Nessy)

    Langya! Nakatitig pa rin!?

    Ako: Ano bang tinitingin-tingin nyo dyan!?
    Janessa: (bulong sa'kin) Joshie...

    Nagblink ung dalawa, sabay lumipat naman ung tingin sa'kin... Tingin up-down, tapos sumiksik dun sa sulok para magbulungan...

    Mark: (bulong) Tingin mo gf nya na un? Huh
    Ralph: (bulong din) Di ba inaway nya pa yan nung pyesta? Pang-karaoke daw ung boses? Tapos ngayon sila na?
    Mark: Nakalimutan nya na yata si Trixie?

    Mga g*gong toh!

    Pak! Pak!

    Binatukan ko nga ung dalawa! Magbubulungan na nga lang eh, rinig pa rin!??

    Mark: Aray naman! (hawak sa ulo nya) Anoh ba?!
    Ako: (tumayo) Kuhlet ng mga lahi nyo... Lika nga, Pao, bili na tayo ng inumin... Anong gusto mo, Nessy?

    Biglang sumiksik uhlet sa sulok ung dalawang mokong para magbulungan!

    Ralph: Narinig mo un?
    Mark: Nessy raw... Tinatawag nya sa nickname!
    Ralph: Mu~g close na sila!

    Pak! Pak!

    Grrrrrrrrrrrr!

    Ralph: Tol, magkaka-brain damage na ko!
    Paolo: (natawa) Tange! Matagal nang damaged ung brain mo noh!
    Ralph: Che! Panget!

    Tumawa si Paolo, tapos tumingin kay Janessa...

    Paolo: Oist, noh gusto mo?
    Janessa: Cali na lang poh...

    Umalis na kame ni Paolo para kunin ung order namen... Ice Cali kay Janessa, San Mig kay Paolo, at San Mig Light para sa'kin... Baka mapikon pa si Janessa pag nalasing ako eh... Sumandal si Paolo sa counter habang hinihintay namin ung waiter...

    Paolo: Mu~g close nga talaga kayo ni Janessa ah...

    Tumingin ako dun sa table namin... Mu~g kinukulit na nina Mark at Ralph si Nessy... Toh namang babaeng toh, mu~g nakikipagkulitan din...

    Ako: Eh may magagawa ba ko? Eh kahit san ako umikot, pinagtatabi kami ng kung ano!
    Paolo: Yihee! Enjoy ka naman?!
    Ako: Anoh?!?! Baliw!

    Tumawa si Paolo, tapos tumingin din kay Janessa... Sa tawa ng tatlo, mu~g close na sila... Ang bilis talaga ng gayuma nung babaeng un...

    Paolo: Alam mo, ngayon ko lang napansin... Kung bubuhusan mo ng sandamakmak na gallon ng make-up yang si Janessa, medyo pagbibihisin mo ng malandi... Tapos ilugay mo ung buhok... kamu~g-kamukha nya si Trixie...

    Tumingin ako kay Janessa...Kala mo ba di ko napansin un? Bakit sa tingin mo di ko mapigilan sarili kong dumikit kay Nessy?

    Paolo: Tapos pareho pa silang magaling kumanta! Aba! Punong-puno ng music ang buhay mo!
    Ako: He! Tigilan mo nga ako!

    Nilabas na nung bartender ung order namin... Pagbalik namin, sinalubong kagad kami ng ngiti nung dalawang mokong...

    Mark: Uy, Josh, sabi ni Janessa tuturuan nya raw kame magluto balang araw!
    Ako: (upo uhlet sa tabi ni Janessa) Tuturuan o papakainin?
    Janessa: Joshie...
    Ralph: Beh! Pinagtatanggol kami oh! Tongue
    Ako: Baka gusto nyong matuluyan yang brain damage nyo...
    Janessa: (binatukan ako) Tama ka na nga!
    Ako: Aray!

    Tumingin ako sa kanya, all set para sigawan sya... Aba, eh bago pa ko makahirit, nginitian na ko!
    Poof! Di na ko nakapagsalita... Sandal na lang sa upuan, sabay tungga ng San Mig Light ko...

    Mark: Weeeheeee!!! Di mapatulan!
    Ralph: (ngiti kay Janessa) Nessy, sama ka lage pag may lakad kame ha!
    Janessa: (tawa ng konti) Ganon?

    Kinausap ni Paolo ung dalawa... As usual, banatan nanaman ng asaran yan... Tumingin ako kay Janessa...

    Ako: Mu~g nakuha mo na rin boto nung dalawang toh ah... Ibang klase talaga campaign manager mo...
    Janessa: Oo noh... Mataas bayad ko dun eh...
    Ako: (natawa) Puno na ung balota mo! San mo ba napulot yan?
    Janessa: (ngumiti) Sa'yo...
    Ako: Ano?
    Janessa: (tumawa) Wala..!
    Ako: Ano nga?!

    Nilapit nya ung mukha nya sa'kin, sabay ngiti...

    Janessa: Sikretong maluphet!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:37 am

    Janessa


    Kinabukasan, syempre pumasok ako, may pasok eh... Buong araw lang akong nakipaglandian kay Richie (na gusto nga palang magpatawag na beauty queen ), kay Arianne, tsaka kay Jodi... Nakita ko si Joshua sa Theater class ko, kaya sige lang! Asarin si horsey!

    Pag-uwi ko, good mood ako... avah, ang ganda ng araw ko eh! Since alam kong uuwi si Joshua ng after three hours, ni-raid ko na ung ref para ipagluto sya ng kung ano.. Oh di va? Ang vaet! haha...

    Prepare ako ng beefsteak, fried rice... Nilabas ko na rin ung fruits... Since dalawa lang naman kame, di ko na ginawang masyadong bonggaciouz... Tingin ako sa relo... 6:04 PM... Sakto... Pauwi na un.. Nilabas ko ung scented candles, sinindihan tapos binaba ung glow ng ilaw... (di bonggacious noh? ) Tapos naupo na ko sa living room... Malapit nang magdoorbell si Joshua...



    9:30 PM...

    Nasan na si horsey?

    Tunaw na ung kandila, lameg na nga nung beefsteak... Pati tyan ko tumutunog na... San na si horsey? Sinubukan ko uhlet magpa-ring... Nag-ring naman... And again... and again... Aba'y la pa rin!


    Sumali na yata sa karera sa Sta. Rosa!
    Sige, hintay pa ko...



    11 PM... la pa rin...

    haayyy...

    Tumayo na ko... Pumunta sa kusina, niligpit ung dinner dapat namen... Tinambak sa ref...

    Bigla kong narinig bumukas ung pinto...

    Ako: Joshie?

    Napatakbo ako sa pinto... Ahyun nga si Joshua, sinasara palang ung door... Lumapit ako... Pag-ikot nya...

    Oh my golay!

    Tumakbo kagad ako sa kanya, sabay tingin sa mukha nya...

    Ako: Napaaway ka?
    Joshua: (lakad papunta sa living room) Hinde... Ginulpe ko ung sarili ko

    Hmp? Ang shungit ng lolo...

    Ako: I-I...

    Umupo sya sa couch, binagsak ung gamit nya dun sa isang sulok...

    Ako: I'm sorry...

    Napatingin sa'kin si Joshua, sabay nagbuntung-hininga...

    Joshua: Sorry... Di ko dapat nilalabas syo galit ko...

    Umikot ako para pumunta sa banyo...

    Joshua: Uy! Sorry na! Galit ka ba?
    Ako: (tingin sa kanya) Ako? Hinde, sira... Kukunin ko ung 1st aid kit... Mu~g napuruhan ka eh...

    Pumunta ako dun sa closet sa banyo, kinuha ung box ng first aid, tapos patakbo uhlet lumabas... Tumabi ako kay Joshua para gamutin ung sugat nya...

    Ako: (nilabas ung bulak) Wawa ka naman...
    Joshua: Anong kawawa?! Di ako napuruhan noh!
    Ako: (lagay ng gamot sa bulak) Hm? Eh?
    Joshua: Hinde nga!
    Ako: Sure, sabi mo eh.. Oh, ehto na, mahapdi toh...
    Joshua: Anong tingin mo sa'kin ba--- Aaaaahhhhhhhh!!!! Aray! Sh*t!
    Ako: Wag ka ngang malikot!
    Joshua: Eh masakit eh!
    Ako: Sinabi ko na nga eh!

    Nanahimik uhlet sya... Pero ung mukha nya, wahehehe... kulang na lang umiyak...
    Maya-maya...

    Ako: Bakit ka ba napaaway?
    Joshua: Sila eh... Susundan lang ako... Maghahanap ng away...
    Ako: Eh di dapat di mo pinatulan...

    Natahimik uhlet sya...

    Joshua: ... Ininsulto nila si Trixie eh...
    Ako: Ahh....











    Si Trixie nanaman?....



    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:37 am

    -=CHAPTER 10=-




    Joshua



    Kinabukasan, nakakulong si Janessa sa kwarto ko, habang ako naman eh tinuturo dun sa mga delivery men kung saan ilalagay ung kama, ung dresser, at ung drawer sa kwarto nya... Langya, dapat sya nag-aasikaso nitong mga toh eh! Kwarto nya toh ah!

    Pagkatapos ayusin nung mga tao ung mga furniture, inabot ko na ung pera na binigay ni Janessa para dun sa mga nag-akyat... Tapos umalis na ung mga lalake... Tumingin ako sa orasan... Simula nung tanghalian, limang oras ko nang di nakikita si Janessa...

    Ano kayang ginagawa nun sa kwarto ko?

    Tumigil ako sa pinto, tapos dahan-dahang binuksan para di ako marinig... Baka sabihin iniisip ko sya o concerned pa ko! pwe!

    Nakita ko si Janessa na nakaupo sa kama, nakatalikod sa'kin... Mu~g may ginagawang seryoso ah...
    Sinubukan kong lumapit, ung di ako mahahalata...kaya lang, kahit si Superman di magagawa un nang hinde napapansin kaya sinara ko na lang ung pinto, tapos dumiretso sa kusina.. Ikakain ko na lang toh...

    Binuksan ko ung ref...Bakit may beefsteak dun? Sinigang ulam namin kanina ah... Oh well...
    Nilabas ko ung tirang cake nung birthday ni Nessy na binili kanina ni Paolo habang pauwi kame... Sweet nung mokong noh? Feeling close...

    Kinakain ko na ung cake nang napatingin ako dun sa lamesa... Anoh toh?
    May kung ano dun sa gitna nung lamesa... Hinawakan ko... Kandila?

    Anoh ba ginawa ni Janessa kagabi? Nangkulam?

    "Horsey! Horsey!"

    Napatalon ako bigla...

    Langya! Si Janessa lang pala... Ahyun, excited na tumatakbo papunta sa'kin...

    Ako: Ano?!
    Janessa: Shush... high blood ka nanaman... (umupo sa harap ko) Lam mo ba kung anong nakita ko net?

    Ahhhh...nag-iinternet pala sya kanina... Malamang ung laptop ung nasa harap nya...
    Hahaha! Mystery solved! Sige, eenjoy ko na tohng cake ko...

    Ako: Ano? (subo)
    Janessa: May one-night concert sa HardRock Cafe... Naghahanap sila ng singers...
    Ako: Ngayon?
    Janessa: Oh, c'mon... Ayaw mo bang sumali? Just for fun?
    Ako: Sabi ko naman syo, di na ko kumakanta o tumutugtog sa mga ganyan...
    Janessa: Eh? You used to do it?

    Ah eh... Ung kanta sa bar? hinde!

    Ako: Ibig kong sabihin ung kanta sa harap ng maraming tao...
    Janessa: Pero kumanta ka nung pyesta ah
    Ako: Iba un!
    Janessa: Bakit?
    Ako: Pinilit lang ako nina Paolo nun noh!

    Tumahimik si Janessa... Syempre, tinigilan ko muna ung cake at tumingin sa kanya... Nakatulala sya sa'kin... Kakilabot! Parang may ginawa nanaman akong mali ah!

    Ako: B-bakit ganyan ka makatingin?!

    Pinagpapawisan yata ako...

    Janessa: La lang...

    Tumayo na sya...

    Janessa: Ayaw mo talaga?
    Ako: Di mo na ko mapipilit...
    Janessa: (bulong) I bet kung si Trixie nag-ask syo, daig mo pa nagmmarathon sa bilis ng pagpayag mo...
    Ako: Ano?
    Janessa: (ngumiti) Wala poh... Titingnan ko na ung kwarto ko ha... Lilipat ko na rin ung gamit ko...

    Umikot na sya para lumakad...

    Janessa: Oo nga pala, horsey... Cake ko yan!

    Prfft!

    Pumasok sya sa kwarto ko, maya-maya, hinahaltak nya na ung gamit nya papunta sa kwarto nya...


    Tama ba ung rinig ko kanina? Binanggit nya ba talaga si Trixie?


    So?

    Bumalik na ko sa pagkain ko...

    Eh ano naman kung binanggit nya pangalan ni Trixie? La namang ibig sabihin un...




    ...Except, parang nanunubok ung boses nya...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:38 am

    Janessa


    Nung Sabado, pumunta ako sa Megamall...All alone, since may pasok si Joshua at busy naman sina Richie... Eh may sale... Papalagpasin ko ba naman un?! Nung bandang hapon, nagtext si Joshua, hinahanap ako... Tingnan mo tohng lokong toh... Kung kailan di ko sya hinihintay, dun umuuwi ng maaga... Shush... Eh di reply naman ako na nasa Megamall ako...

    So sick of love songs, so sad and blue--

    Hala! Tumawag ba?!

    Ako: (sagot cp) Hello?
    Joshua: Anong ginagawa mo dyan?!
    Ako: Salamat sa napakagandang bati...
    Joshua: Ano nga?
    Ako: La lang... Nagpapalamig... ang init eh...

    Lumakad ako papunta dun sa ice cream parlor ng McDo at bumili ng choco sundae..

    Joshua: Sinong kasama mo?
    Ako: Wala.. Ako lang...
    Joshua: Anoh?!? Umalis kang mag-isa?! Eh kung may mangyari syo?!

    Hm?! Concerned?!

    Ako: Relax... Megamall lang ako...

    Kinuha ko ung order ko, sabay naglakad papunta sa mga bench para maupo..

    Ako: Gusto mo ice cream, horsey?
    Joshua: Che! Nasan ka?
    Ako: Sa Megamall nga... Anoh ba?!
    Joshua: Alam ko! San sa Megamall?
    Ako: Sa 5th floor... Sa may ice cream ng McDo... Bakit?
    Joshua: Wag kang aalis dyan! Hintayin mo ko...
    Ako: Anoh?! Bahket!?

    Toot...toot...

    Ako: Hello?! Hello?!

    Shwish! Binalik ko sa bag ko ung cp... Bubwit na kabayo un... Babaan ba ako!

    Anyway, naka-upo ako sa bench sa 5th floor, kumakain ng ice cream, pinapahinga ang paa ko... Ava'y sa laki ba naman ng Megamall, kailangang magrecharge! Nanahimik ako, nagbibilang ng mga taong nakikita kong may yellow na sandals (avah, madame-dame rin ah! ) nang biglang may sumulpot sa tabi ko...

    Pasimpleng tingin...Oh my golay! Fafable na fafa!

    Ako: *cough* *cough*

    Bubwit! Nabilaukan pa!

    Ako: *cough*
    Fafable: (napatingin sa'kin) Miss, ok ka lang ba?

    Mukha ba kong ok? Nalunok ko yata ung kutsara..

    Maya-maya, nabawi ko na ng hangin ko, at medyo nakakahinga na rin.
    Naluwa ko na ng kutsara...hehe...

    Nakatingin pa rin sa'kin si faffy...Wa poise! Nabilaukan ako! Kaseh naman kung anu-anong iniisip noh...

    Faffy: Ok ka na?
    Ako: Uh, yeah... Thankz...

    Biglan syang natawa, eh di syempre, tingin ako... Anong nakakatawa?

    Faffy: Namumula ka...

    Aba'y bubwit... Pagtawanan ba ko?!?

    Faffy: (ngiti) Ang cute...

    Gawin ba kong aso?!

    Faffy: Ako nga pala si Warren...
    Ako: Ahh... (ngiti) Okay...

    Anoh ba toh?

    Warren: Kaw? Pangalan mo?
    Ako: Ako? Ah eh...
    Warren: (ngiti) Wag kang mag-alala, di ako kidnapper o rapist...
    Ako: Sure ka?

    Hala! Sabihin ba un ng diretsuhan!

    Warren: Oo... Malamang, iniisip na ang presko ko... Lumapit ba naman ako syo, tapos magpakilala na lang bigla. Nabilaukan ka tuloy...
    Ako: Sinong may sabing kaw dahilan kung bakit ako nabilaukan?

    Namumula nanaman ako...

    Warren: Maraming nagkakaganyan pag nilalapitan ko eh...

    Hmmm... Lumalakas yata ung aircon dito...

    Ako: ahhh...
    Warren: So, name mo?
    Ako: Janessa...
    Warren: Nice name.
    Ako: Alam ko.

    Ahyun, ehwan ko ba... Since feeling close sya, eh di naki-feeling close na rin ako... nyaha! Usap-usap kame about dito at doon... Hanggang sa napunta sa music, at dun sa HardRock Cafe...

    Warren: Bakit ayaw kang samahan nitong Joshua na toh?
    Ako: Ehwan... (tinapon ung baso ng ice cream sa basurahan) Tinakwil nya na yata ung music since nag-break sila ng gf nya... Pang-telanobela nga eh...
    Warren: Tange rin pala un noh...
    Ako: Di naman... Ayaw nya lang talaga tumugtog... (shrug)
    Warren: I can play the guitar din... Gusto mo ako na lang mag-aaccompany syo?
    Ako: Talaga?!
    Warren: Sure! This sounds really fun... And kung maganda naman boses mo, aba, eh di sulit na pagtugtog ko...

    Galeng mambola ah...

    Ako: Wow, thankz!

    Tumayo si Warren...

    Warren: Halika, mag-karaoke tayo...
    Ako: I can't... May hinihintay ako eh...
    Warren: Sino? Bf mo?
    Ako: (natawa) No, di kame... Si Joshua... We're roomies...
    Warren: Okay lang yan... Magttext naman un pag nandito na sya, eh di bumalik na lang tayo...
    Ako: But...

    Inextend ni Warren ung kamay nya sa harap ko...

    Warren: Lika na...

    Sasagot pa sana ako nang mapansin kong may nakatayo sa likod ni Warren...
    Whoa! Si horsey!

    Napansin ni Warren na may tinitingnan ako sa likod nya kaya umikot sya... At nakaharap ni faffy si horsey.. Kung nandito si Richie, nako poh, naloka na un sa tuwa! Dalawang papable ba naman nasa harap nya!

    Joshua: (tingin ng masama kay Warren) Sino ka?
    Warren: Pake mo?

    Woist!

    Joshua: Nessy, ginugulo ka ba nito?

    Langya, nagtatanong, di man lang tumingin sa'kin..

    Ako: Uh, no...

    Tumingin sa'kin si Warren, sabay ngiti...

    Warren: So, ehto na si Joshua... Sige, Nessy...

    Hala, naki-Nessy naman toh...

    Warren: See yah!

    Tapos nun, lumakad na sya paalis... Tinitigan ko lang sandali, tapos tumingin ako kay horsey...

    Ako: Ano? Bakit ganyan ka makatingin?

    Nilapit nya ung mukha nya sa'kin, sabay titig...

    Joshua: Sino un?

    Kakilabot ang titig! Brrrrr!

    Ako: (tumayo) Wala noh... Bagong kakilala...

    Lumakad na ko palayo, humabol si Joshua...

    Joshua: Sinong nangunang magpakilala? Anong sinabi nya? Gano kayo katagal nag-usap? Bakit parang iniisip nya na magkikita uhlet kayo?
    Ako: Horsey...

    Tumigil ako, sabay harap sa kanya...

    Ako: Shut up!

    Ikot, at lakad uhlet palayo... Sunod pa rin sa'kin si Joshua, at tuloy ang pang-interview...
    My golay! Ang daldal! Tigil uhlet ako...

    Ako: Horsey, kung nagseselos ka, eh sabihin mo na lang ok?! Sheesh...

    Napa-stepback si Joshua, tapos, ung mukha nya parang napahiya na nagddeny na di mo maintindihan... Mu~g alien! wahahaha...

    Joshua: A-a-anong s-s-selos?! D-di ako nagseselos noh!
    Ako: Oh really?

    Naglakad na uhlet ako palayo... Shush... Dedeny pa, obvious naman..

    Joshua: (habol sa'kin) At di nga "horsey" pangalan ko!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:38 am

    Janessa


    Kinabukasan, nakatambay kami ni horsey sa apartment...Ako, pinagpapaguran ung homework ko, sya naman, kinakalikot ung gitara nya... I swear, simula nung tinugtog nya uhlet un, halos di nya na binitawan uhlet!

    After 10 years, natapos ko rin ung homework ko...yihee!!! haha.. Tumingin ako kay Joshua... May kung anong tinutugtog sya eh... Familiar... Hmmmm...

    Joshua: (napatingin sa'kin) Ano?
    Ako: May iniisip ako... May pumapasok sa isip ko sa tinutugtog mo eh...
    Joshua: Ano?

    Ano nga ba? Hmmmm...

    Pinanood nya lang ako sandali habang pinipilit kong isipin kung ano man ung kailangan kong isipin...

    Ako: Aha!
    Joshua: Ano?

    Word of the day: Ano?

    Ako: Pumasok na sa isip ko kung ano un!

    Tumingin ako kay Joshua, sabay ngiti...

    Ako: Kwek-kwek!
    Joshua: Ano?!?

    Word of the day nga talaga ni Joshie un...

    Ako: Gusto ko ng kwek-kwek...

    Binaba ni Joshua ung gitara, tapos tumingin sa'kin...

    Joshua: Anong kinalaman ng itlog ng pugo na binalot sa kung anong kulay orange, sa tinutugtog ko?
    Ako: Ehwan? Gusto ko lang nun... Bili mo naman ako...
    Joshua: Ano ako, oto-san? (sumandal sa upuan) Bumili kang mag-isa mo!

    Hmp! Shwungit!

    Tumayo ako, pero syempre, di ako patatalo noh... Slow motion pa galaw ko habang kinukuha ko ung bente dun sa ibabaw nung TV...

    Ako: Okay... Ako na lang mag-isa lalabas... Mag-isang maglalakad... Mag-isang tititigan ng mga tambay dun sa kanto... Mag-isang babalik...o...(tingin sa kanya ng konti) kung babalik pa nga ba ako...
    Joshua: (biglang tayo) Wah, oh sige na! Halika na nga!

    Wehehehe...

    Inagaw ni Joshua ung pera sa kamay ko, tapos hinila na ko palabas ng apartment... hehe...

    Ako: (ngiti sa kanya) Sasama ka rin pala eh...
    Joshua: Che! Manahimik ka nga dyan!

    Napangiti lang ako habang naglalakad na kame papunta dun sa may kanto ng tindahan ng kwek-kwek... Bili kami ng sampung pisong kwek-kwek tapos ikot uhlet para umuwi...

    Ako: Ayaw mo? (abot sa kanya nung kwek-kwek) Sarap oh...Hmmm!
    Joshua: Ssh!

    Napatahimik ako... May tinitingnan si Joshua sa bandang likod namin... Eh di syempre, ang reflex ko, iikot din ako para sumilip...

    Joshua: Wag kang titingin!

    Owwwhhhkkkaaaaaaaaayyyy... Balik ang tingin sa kwek-kwek...

    Ako: A-ano ba un?
    Joshua: Mga pesteng wala nanamang magawang matino sa buhay...

    In short, malamang eh tao nanaman galing sa kabilang gang...

    Joshua: (hawak sa braso ko) Listen... Pag-ikot natin dun sa kanto, tumakbo ka na pauwi, i-lock mo ung pinto hangga't di ako kumakatok...

    Weh?!

    Ako: Ano?!?
    Joshua: Naghahanap ng away tohng mga toh eh... Di lang sila makasugod ngayon at kasama kita...
    Ako: Neknek mo, eh bakit ako aalis kung kaya pala di ka nila sinusugod eh dahil sa'kin?!
    Joshua: Ang kulit mo!
    Ako: Matagal na!

    Shinove ko sa kamay nya ung plastik ng kwek-kwek, para kunwari ang pinag-aawayan namin ung kwek-kwek? haha, ehwan ko, bastah binigay ko lang sa kanya..

    Pagdating namin sa kanto, kinaladkad ko talaga sya pabalik sa apartment... Hinila paakyat ng hagdan, at halos itinapon sa apartment.. Ni-lock ko ung pinto, tapos umikot na para pumasok...

    Joshua: Ano ka ba?! Di ka ba nakikinig sa'kin?!?

    Umikot uhlet ako, sabay tingin ng masama kay Joshua...Napa-stepback si Joshua, pinagpawisan pa yata... Huh Hala, ganon ba ko katakot-takot?

    Nung di sya nagsalita, umikot na uhlet ako para pumasok sa kwarto ko...

    Ay, whoops!

    Lumapit ako kay Joshua na nagstep-back uhlet... Tiningnan ko lang sya, tapos kinuha ko ung kwek-kwek na hawak nya...then, fly ng hair, and isnob ang face ni horsey... Pumasok ako sa kwarto ko at naupo sa recliner...

    La pang one minute, bigla ring pumasok si horsey...

    Joshua: Bakit ba nagagalit ka?!
    Ako: I'm not...
    Joshua: (lumapit sa'kin) Weh!? Bakit di mo ginawa ung sinabi ko syo?
    Ako: (subo ng kwek-kwek) Coz I know na mapapaaway ka nanaman if I do...
    Joshua: So? La namang bago dun...

    Ay bubwit... Tinapon ko ung plastik sa basurahan tapos tumingin kay Joshua...

    Ako: Ayoko nang napapaaway ka... I'm worried...

    Mu~g nagulat dun si Joshua...Pero di naman sya kumontra eh...

    Ako: I'm scared na baka mag-collapse ka, tapos -- tapos... baka mapunta ka sa ospital... I worry about you a lot...

    Napatingin ako sa sahig... Nahihiya na kong tumingin kay Joshua eh... Kaya nung napunta si horsey sa tabi ko, hala, ang gulat ng lola moh! Biglang nanamang sumulpot...

    Joshua: I...I didn't know that... Sige, simula ngayon, I'll try my best not to make you worry anymore, okay?

    Hmm?! Totoo ba itich?! La man lang kontra? O sermon? O kahit anong negative? Pumapayag si horsey?

    Napangiti ako...

    Ako: Okay... (tumayo) So, what do you want for dinner?
    Joshua: (tumayo na rin) Whoo... Glad na di ka na galit... Kala ko di mo ko pagluluto ng hapunan eh...

    Aba'y lokong toh...

    Tiningnan ko sya... Nah... He's just joking...


    May sardinas naman sa cupboard...



    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:39 am

    -=CHAPTER 11=-



    Joshua

    Lumipas ang isang linggo, at dumating ung gabi ng performance ni Janessa at nung aso na un, si Warren...grrr! Naaalala ko pa talaga sinabi ni Janessa nung tinanong ko uhlet sya tungkol dun sa bwiset na un...

    Ako: Si Warren? Uh, yeah... medyo mahangin, pero don't deny ang cute nya di ba?

    Grrrrr!!! Anong cute?!?

    Sa bagay... aso lang naman ang cute...kaya aso ung Warren na un... Aso!

    Haaaaayyy.... Ang saklap talaga ng araw na toh... Nung hapon, nagkapikunan nanaman kame ni Janessa... Aba, eh di ko naman sinasadyang sunugin ung blouse nya noh!... Bakit ba kaseh ako pinagpaplantsa nya?!

    Kaya, ahyun, dedmahan kame hanggang sa umalis sya papunta sa HardRock Cafe... Ako, naupo lang sa living room... Langya, ka-inip! Anong oras ba babalik si Janessa?!?

    Huy! Kakaalis lang noh... Eh kung sundan mo na lang kaya kesa di ka mapakali dyan?

    Ahyuz, pinapayuhan ako ng sarili ko... Malubha na toh! At bahket ko sya susundan?! Baka isipin nya pa mag-ssorry ako sa pagsunog nung damit nya! Di ako aalis dito!



    Ay sheesh!

    Tumayo ako at kinuha ung susi ng kotse... Last time I checked, free country pa rin toh... At di naman kailangan ng invitation para makapasok ng HardRock noh!

    Pagdating ko sa HardRock, aba, saktong kumakanta na si Janessa at tumutugtog ung aso... Wahahaha...tumutugtog ung aso! Marunong din kayang mag-meow un?

    Tumayo lang ako sandali dun sa may sulok, nanonood... Ganda talaga ng boses ni Janessa... Mukha ngang gustung-gusto rin sya nung mga tao... Ganyan ba naman kase kaganda bumalandra sa harap mo, sinong di mapapakinig noh?

    Janessa: (kanta) And you say... Stay...
    You say... I only hear what I want to...

    Yan na, tapos na sila... Nakz, kulang na lang standing ovation... Umikot ako tapos pumunta sa side nung stage...

    Ako: (hawak sa braso ni Janessa) Uy...
    Janessa: Joshie? Anong ginagawa mo dito?
    Ako: Galit ka pa ba?

    Napangiti si Janessa... So, malamang, di na toh galet..

    "Aba...dumating pala ang butiki..."

    Umikot ako... Langya, sa dinami-dame ng makikita, ung aso pa... haaaaaaaayyyy...

    Ako: Hoy, aso, sinong butiki??!

    Sasagot sana si Warren nang biglang maghiyawan ung mga tao... Mu~g pinapabalik si Janessa...

    Warren: Well, sige na, butiki... (kinuha ung kamay ni Janessa para umakyat ng stage) May performance pa kami ni Nessy...
    Ako: Ano?!?

    Aba, hinila ko nga ung T-shirt nya... Wahehe... halos bumagsak pabalik ung aso...

    Warren: Aray! (biglang tayo sabay tingin ng masama sa'kin) Anoh ba?!?
    Ako: Anoh?! Laban ka?!
    Janessa: Ano ba kayong dalawa? Tama na nga yan... (hinila nya ung sleeve ng damit ko)
    Ako: Hmp! Kumakahol nanaman kaseh ung aso eh!
    Warren: Anong aso?!?

    Bigla kong kinuha ung kamay ni Janessa, sabay hinila paakyat ng stage... Kinuha ko na rin ung gitara na nakalagay dun sa may sulok...

    Janessa: Whoa! Anong gagawin mo?! Shocked
    Ako: Eh di tutugtog... Di lang naman ung aso marunong tumugtog noh!
    Janessa: Sure ka? Akala ko ba you don't play na sa harap ng maraming tao? Huh
    Ako: Kumanta ka na nga lang!

    Tumingin ako dun sa aso sa gilid ng stage... Behlat! Hmp!
    Tapos nagpalagay ako ng isa pang mic na kapantay ko habang naka-upo ako... Maya-maya, sinimulan ko na ung chords ng Miss You... Kinakanta lang namen toh ni Nessy nung isang araw, matatandaan nya naman siguro noh?

    Janessa: (kanta) Everyday and every night, this feeling I’d fight
    Try as I might but I won’t win, I surrender, I’d die
    You are winning here, alright
    Ako: (kanta) Every morning when the sun would shine on me
    I’d flash a smile but deep inside
    I feel so sad and lonely
    I need you here and now...

    Yan, tuloy lang... Pagkatapos namin ni Janessa, tuwang-tuwa ung mga tao..Pero syempre, may susunod pang kakanta, kaya kailangan na naming bumaba...

    Habang naglalakad, tumingin sa'kin si Nessy...

    Janessa: That was really nice... Tingnan mo nga naman, horsey, talented ka naman pala eh!

    Busssh! Ngayon nya lang napagtanto?!

    Pagbaba namen, tiningnan ko uhlet ung aso... Langya! Nakadikit na kagad kay Janessa! Hawak pa ung kamay!

    Warren: Ang galing mo talaga, Nessy...
    Janessa: Uh...hehe...s-s-salamat...

    Gumitna nga ako, tapos tinago si Janessa sa likod ko...

    Ako: Huy, aso! Umuwi ka nga! Hawakan mo uhlet kamay ni Janessa at tadyak na aabot syo!
    Warren: (tingin sa'kin) Weeh, di nga?! Kala mo ba natatakot ako?! Yoko lang patulan ka dahil kaibigan ka ni Janessa noh! (tingin kay Nessy) Sige, Nessy, see yah uhlet!

    Umalis na rin ung aso... Grrr! Kapal ng mukha nung hayup na un!

    Janessa: Horsey?

    Umikot ako... Pfft! Nasasanay na yata ako sa kakatawag nitong meatball-head na toh ng horsey na sumasagot na ko sa pangalan na un?!?

    Janessa: Lika, inom tayo...

    Bigla nyang kinuha ung kamay ko sabay hila sa'kin papunta sa bar...Ako naman, napatingin lang dun sa kamay ko na hawak nya... Eeeh!!! Wag nyo nang tanungin kung anong iniisip ko!!!

    Janessa: Horsey?

    Napatingin akong bigla kay Janessa... Baka mahuli pa ko kung san-san nakatingin..

    Ako: A-ano?
    Janessa: Ung pagtugtog mo in front of a crowd kasama ako...

    Naghintay ako... Di naman tinuloy... Haaaayyyy, mga babae talaga... Lage na lang putol ung sinasabi... Sasabihin na nga lang eh...

    Pinisil ko ng konti ung kamay ni Janessa...

    Ako: We'll do that again... Promise...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:40 am

    Janessa

    The next day, tahimik kame ni Joshua na nakatunganga sa harap ng TV, nanonood ng MYX, at kumakain ng V-Cut (special request ko, op cors!)... Balak namen na mag-stay lang sa bahay, kaseh one week holiday... Araw ng mga patay....wooooooohhhhh... Pero di va nga? Kung ano ung ineexpect mo, madalas, nag-bback fire!
    ding! dong!

    Nagkatinginan kami ni Joshua...

    Joshua: Jack-n-poy, one point, talo magbubukas ng pinto...

    Sheesh! Kala ko pa naman mauunahan ko sya sa pag-utos ko!

    Kaming dalawa: Jack-n-poy!

    Uhhhhhh...

    Ang hina ko talaga sa jack-n-poy! Un, bato sya, gunting ako... tsk... tatayo pa tuloy ako para buksan ung pinto...haaaaaaaaaaaaayyy...

    Tamad noh? hehe...

    ding! dong! ding! dong! ding! dong! ding! dong!

    Ako: (sigaw sa pinto) Oo na! Wait lang!

    Tinanggal ko ung lock nung door, and bulaga! Lumantad ang gwapong mukha ng bakla!

    Ako: R-richie?

    Kasama nya pa si Arianne...

    Ako: Anong ginagawa nyo dito?

    Tinulak ako ni Richie patabi para makapasok sya -- feel at home yan eh Tongue -- ngumiti naman sa'kin si Arianne habang nilalagay nila ung mga dala nilang plastic bag sa lamesa...

    Arianne: La kame magawa eh... Kaya ehto, bubulabugin ka na lang namen...

    Pumunta si Richie sa living room kung san malamang eh nakahiga pa rin sa couch si Joshua... At sa sigaw ni Richie, malamang eh tama ako..

    Richie: Fafa Joshie!!!
    Joshua: WAaaaaAAAAAAAAAHHhhhhhh!!! Anong ginagawa mo dito?!?!?!?

    Sumunod kami ni Arianne sa living room pagkatapos ilagay ung mga plastik... Nakatayo si Joshua, mu~g handa nang ipamalo ung unan sa mukha ni Richie...

    Ako: (lapit kay Joshua at kinuha ung unan) Joshie, hinga muna...
    Richie: Fafa naman, masyado ka namang excited sa pagkakakita sa'kin... Grabeh! Flattered ang beauty ko!
    Joshua: (umupo na uhlet) Anong excited?!? Langya, eh natakot nga ako nung nakita kita! Kala ko maligno!
    Ako: Horsey...

    ding! dong!

    Ako: (napatingin kay Arianne) May bitbit pa kayo?
    Arianne: Di ah... wala na... Bitbit ko na ung skeleton eh...(ngiti kay Richie)
    Richie: Ay bruha ka! Anong skeleton?!?

    Haaaayyyyy...

    Lumakad na ko palabas ng living room para pagbuksan ung nag-ddoorbell...

    Whoa my golay! Warren?!?

    Warren: Yo! Cool
    Ako: W-w-warren? A-anong ginagawa mo dito? Huh

    Biglang sumulpot si Joshua sa likod ko...

    Joshua: (tingin kay Warren) Sus! Sabi na nga ba may naaamoy akong masama sa hangin eh... Hoy, aso, di ka pa naliligo noh!
    Warren: (tingin kay Joshua) Hoy, butiki, wag ka ngang makisingit... Si Nessy lang binisita ko dito noh!
    Joshua: A-anong butiki?!?!?

    And as usual, ahyan nanaman ung very tensed at sobrang pikon na titigan nung dalawa... Kung anime lang toh, makikita mo na ung kuryente na dumadaan between sa mga eyes nila eh... Pwede nang saksakan ng charger!

    Hinila ko palayo si Joshua para makapasok si Warren...

    Ako: Okay... Awat na... Pasok ka, Warren... Nandito rin mga kaibigan ko eh...

    Tumingin ako sa relo... Nyekz! Halos tanghalian na pala!
    Waaahhh...ang dame kong ipagluluto...

    Ako: Bakit di na lang kayo manood ng TV, habang nagluluto ako? Para naman may magawa kayo...
    Joshua: Papaupuin ko yang asong yan sa sofa?!? Eh pano kung may garapata yan?!?
    Warren: Bakit? Kung ung butiki nga nauupo sa sofa, eh kung san-san ka naman lumulusot!

    Tinulak ko silang dalawa papunta sa living room... habang nagbabangayan pa rin...

    Richie: (nung nakita si Warren) Oh my chuva! Helloooooo, lover!
    Warren: Uh...

    And there goes ang tahimik na holiday....haaaaaaaaaayyyy...

    Bumalik na ko sa kusina kasama si Arianne para magluto... After ng sandamakmak na minuto, yan na ok na... Binuksan ko ung ref para maglabas ng Coke... Lam ko laging may stock si Joshie eh...

    ..or maybe not...

    Ubos na ung Coke...

    Ako: Joshua?
    Joshua: (sumilip sa pinto) Oh?
    Ako: Inubos mo na ung coke?
    Joshua: Ah...eh...
    Ako: i-o-u?
    Joshua: Eh nauhaw ako eh!
    Ako: Sabi syo, matuto kang uminom ng tubig eh...

    Nilabas ko ung pitchel ng tubig...

    Joshua: Oh sige na, bibili na nga ako eh...
    Ako: (lagay ung pitchel sa lamesa) Hmm? Di na...Ok lang... Umiinom naman siguro ng tubig ung mga people dito di ba?
    Joshua: Eh...

    Kumuha sya ng bente pesos dun sa alkansya namin...

    Joshua: Bibili na ko...
    Ako: Sure ka? I'm not mad, you know?
    Joshua: Ok lang... Baka magreklamo pa ung aso eh...

    Warren: (galing sa living room) Hoy! Narinig ko un!
    Joshua: (sigaw pabalik) Eh ano naman ngayon?!?

    Haaaaaaaaaayyyy... Ang ingay talaga ng dalawang toh...

    Lumabas na si Joshua... Ako naman, sumunod na kay Arianne pabalik sa living room, habang wala pa si Joshie... Sandali lang un... Mga... 5 minutes lang...

    6...7...8...9...10...11...12...13...14...15...

    Abah, nasan na si horsey? Nalunod na yata nung coke?

    Nag-ring bigla ung cp ko...Dive naman ako para masagot kagad... Reflex movement na un noh...

    So sick of love songs, so sad and --

    Ako: Hello?
    Joshua: Nessy?
    Ako: Nasan ka na? Nilamon ka na ba nung tindahan?
    Joshua: Di...

    Hmmm...bakit ganon boses nito?

    Ako: What's going on?
    Joshua: May sumusunod sa'kin, kanina pa eh... Nagpaikot-ikot na nga ako... Mga sampu siguro...

    Oh dear...

    Ako: But... Takbo ka na lang... Ibalik mo na dito ung Coke!
    Joshua: Alam ko... Langya, mas concerned ka pa sa coke...
    Ako: joke lang...
    Joshua: Di ako makikipag-away noh... I promised you na nga di ba? Sinasabi ko lang, in case-- Sh*t!
    Ako: Josh?! Joshie?!?

    Wala... Line was dead na... Ano kaya nangyari? Oh no! Baka kung anong mangyari kay horsey ko!
    Napansin ko na nakatingin sa'kin ung tatlo sa living room...

    Ako: May sumusunod daw sa kanya eh... And, then... may narinig ako...tapos nawala... Baka kung anong nangyari sa kanya...

    Tumayo bigla si Warren...

    Warren: Ung butiki talaga na un... Lampa!

    Lumabas sya ng apartment, syempre, sunod naman kami nina Richie...

    Arianne: San ka pupunta?
    Warren: Hahanapin ko ung butiki... (tingin sa'kin) Pag-alalahin ba naman si Janessa ng ganito!
    Ako: (naiiyak) Pano kung may weapon ung sumusunod sa kanya? O kaya...10 against 1?! Di fair un! Baka.. baka...kung anong mangyari sa kanya... This is all my fault... Dapat pinilit ko na lang sya na wag umalis...or, sumama na lang ako...
    Warren: Nessy, di mo kasalanan un noh... Di mo naman alam na may susunod sa kanya...Tsaka, malay ba nating lampa pala un...

    Pak!

    "Anong lampa?!?? Aso ka talaga!"

    Napatingin kami sa likod ni Warren... Si...Si Joshie!!!

    Warren: (biglang tingin kay Joshua) Butiki ka! Anong ginagawa mo dito?!?
    Joshua: Kala mo ba ganon lang ako kadaling matakot nung mga un?! Eh nabugbog ko na ung mga un dati pa noh!
    Warren: Sira ka pala eh! Tatawagan mo pa si Nessy para lang pag-alalahanin sya!??!!!
    Joshua: Eh malay ko bang tatakbo na kagad ung mga taong un!??!!!

    Si Joshie talaga... He's okay...

    Tumakbo ako papunta kay Joshua, sabay yakap...

    Joshua: (nagulat) Nessy...
    Ako: (iyak) Akala ko -- akala ko..may nangyari na syo... Baka napuruhan ka nung mga un... I'm sorry I made you go out.. I'm sorry...
    Joshua: Nessy... Hey... (pinatingin ako sa kanya) It's alright... I'm fine, oh? Di mo kasalanan na may mga taong walang magawang matino, ok?

    Niyakap nya rin ako...

    Joshua: It's okay... Tahan na...

    Nanahimik lang sandali... Maya-maya...

    Richie: (kay Warren) Oh, Warren, la kang gagawin?
    Warren: Mu~g upset si Janessa eh... (kay Joshua) Hoy, butiki! Wag mong isipin na ehto na huli! Di ako susuko kay Janessa!
    Joshua: (tingin kay Warren) Mag-give up ka na nga! Di mo ba nakikita?! Talo ka na! Shtuuuuuupid!
    Warren: A-ano?! Heh! Wag ka ngang magmalaki sa isang yakap lang! Shtuuuuuupid!
    Joshua: Grrrr!!! Sumuko ka na! Obvious namang la ka nang pag-asa! Shtuuuuupid!!!

    Arianne: Wow... They're calling each other stupid...
    Richie: At ang pagkakarinig ko, ung mga taong nagtatawagan ng stupid, eh sila talaga ung stupid...
    Joshua at Warren: (kay Richie) Anoh!??!?!?!?!?

    Napangiti ako... Langya, pano ka ba naman iiyak kung ganyan mag-usap mga tao sa paligid mo?

    Oh well... It's nice... okay lang si Joshua... and he's hugging me pa! wahahaha...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:40 am

    Janessa


    Nung gabi, after itakwil ni Joshua lahat ng people paalis, ahyun, balik kami sa harap ng TV... Kakakain lang namen ng hapunan, at nag-iisip na ng midnight snack..

    Ako: Gusto mo V-Cut na lang uhlet?
    Joshua: Hala! Ano ba yan?! Di ka pa ba nagsasawa dun?!
    Ako: Bakit? Sarap naman ah!

    ding! dong!

    Nagkatinginan nanaman kame... Sino nanaman kaya itich?

    Joshua: Jack-n-poy uhlet?
    Ako: (tumayo) Di na... Ako na magbubukas...
    Joshua: Yan ang mabait!
    Ako: Baitin ko yang mukha mo eh...

    Tumawa lang sya... Ako naman, pumunta na again dun sa door... Pagbukas ko, may gurl sa labas... Naka, parang nakatingin ako sa salamin... Except, ung eyes nya, nakakatakot...parang...ehwan...dull? lifeless? somethin like that... Tongue Tsaka, medyo curly ung hair nya, straight kaseh si akowh eh...

    Ako: Uh, yes?
    Gurl: Does Joshua still live here?

    Sa accent na yan, I bet galing states toh...

    Ako: Yah...Yah, he does... Cmon in... He's in the living room...

    Lumakad na sya... Aba, di man lang ako hinintay habang sinara ko ung door... Pero in fairness, alam nya kung nasan ung living room... Huh Pagkasunod ko, nakita ko si Joshua... Biglang napatayo... Tapos ung face nya, avahhhh, daig pa ang mumu sa sobrang pale! Mu~g shocked syang makita ung gurl...

    Ooooohhhh... interesting...

    Gurl: Josh... I came back...
    Joshua: Trixie...?

    Whoa! My mama mia de golay!!!


    T-trixie?!?!?



    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:41 am

    -=CHAPTER 12=-


    Joshua

    Nanaginip yata ako... Nakatulog siguro ako sa sofa habang nanonood kame ni Janessa ng TV... ARGH!!! Baka make-up-an ako nung meatballs na un habang natutulog ako!!! Pero at least... panaginip lang toh... di ba?

    Tumingin si Trixie sa likod nya, diretso kay Janessa...

    Trixie: So, nakahanap ka na pala kagad ha...

    Tumingin uhlet sya sa'kin... Whoa! May lumalabas na yatang kutsilyo sa mga mata nya! Brrrrr!
    Okay...so hinde toh nightmare na gigisingan ko mamaya...

    Napangiti si Janessa na parang ninenerbyos... Tapos, lumakad sya papunta dun sa coffee table sa likod ko at kinuha ung cp nya...

    Janessa: (patakbo sa kwarto nya) Sige, iiwan ko na kayo... Usap lang kayo... Magpapatugtog ako sa kwarto, kaya di ko kayo maririnig...

    Pagkaalis ni Janessa, tumingin uhlet ako kay Trixie.. Ehto na ung panahon na magsasalita ako...

    ...magsasalita ako...

    ...magsasalita ako...


    Huy! Magsalita ka na! Anything smart... Dali!

    Ako: ...

    Say anything! Kahit di na smart... bastah kahit ano!

    Kakilabot ung titig nya, tapos samahan mo pa ng sobrang tahimik na kwarto...eh talaga naman! ung parang sa mga horror movies na nangyayari bago ka mapatay...

    Trixie: How could you betray me like this?!?
    Ako: What -- what are you talking about? Anong betray?
    Trixie: Sabi mo hihintayin mo ko! (tumuro sa kwarto ni Janessa) Seems like you were planning na may kasama sa paghihintay!
    Ako: What?!? Si Nessy?! Hell, no! Roommates lang kame! na may napakahabang storya... I did wait for you! I still am! Kahit nung sinabi mong may iba ka na...
    Trixie: Wag ka na ngang gumawa ng excuses... You wrote to me, sabi mo nakahanap ka na ng iba! I didn't believe it at first coz...(napatingin sa sahig) Sinabi mo na maghihintay ka... I believed that... (sigaw) And then, pag-uwi ko, ahyan nga! My father was right!
    Ako: Ano bang sinasabi mo?!? Sinulatan kita for six months, pero wala akong sinusulat na ganon!
    Trixie: Don't lie to me!

    Napatingin sya dun sa couch sa tabi ko kung san nakalagay ung gitara...

    Trixie: Ha... Seems like you still have your music... And to think.. (tumingin sakin) Sabi mo, pag nawala ako, mawawala na rin yang music mo...
    Ako: I...

    Umikot na sya para umalis...

    Trixie: You really are a liar...

    Lumabas sya, sabay BOOG!, bagsak ng pinto... Di ko naman nahabol... Baka kagatin na ko eh...
    Dahang-dahan bumukas ung pinto ni Janessa...

    Janessa: Horsey...
    Ako: Heh, kala ko ba di ka nakikinig?
    Janessa: Ok ka lang?! Eh nasa genes ko na pagiging tsismosa... (lumapit sa'kn) Bakit di mo hinabol?
    Ako: Para san pa? Sa sobrang galit nya, di rin un makikinig sa'kin...
    Janessa: Why did you write that letter?
    Ako: Di ko nga sinulat un!
    Janessa: (umupo sa couch) Hmmmm... Maybe, ung family nya nag-plot nito...
    Ako: Sa tingin mo?
    Janessa: Well yah... Ahyun lage nangyayari sa mga telanobela eh!
    Ako: *groan*
    Janessa: Hoy, may natututunan din dun noh! Wag ka nang kumontra!

    Eh di nanahimik ako... Pinaghihiwalay nga ba talaga kame ng pamilya nya? Sila nga kaya gumawa nun?
    Bakit di naisip ni Trixie un? Kaseh di sya nanonood ng telanobela...

    Janessa: Yo, horsey...

    Tumingin ako kay Janessa...

    Janessa: Anong iniisip mo?
    Ako: Wala...
    Janessa: ahhhh...okay...

    Tahimik sya sandali, tapos tingin uhlet sa'kin...

    Janessa: Ei, horsey...
    Ako: Ano?
    Janessa: Kung wala ka nang iniisip na heavy, pwede na ba kitang bigyan ng pag-iisipan?
    Ako: huh?
    Janessa: Kaseh kanina ko pa iniisip...

    Nakinig ako sa kanya... Mu~g seryoso toh ah...

    Janessa: Anong midnight snack natin?



    Haaaaayyyyy....

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:41 am

    Janessa


    Kinabukasan, umagang-umaga, mga 8:30, tumayo ako ng kama, tumingin sa cellphone ko, sabay collapse uhlet sa kama -- tulog uhlet! aga pa eh! joke! hinde, nung makita ko ung oras, tumayo na ko... Nagshower, syempre, toothbrush, suklay...ung mga seremonyas sa umaga... Tapos pumunta na ng kusina para magluto ng almusal... Baka ma-spaced out nanaman si Joshua nang buong araw pag di nakakain ng almusal eh...

    Sumilip ako sa labas ng pinto, nandun na ang aming daily newspaper... Kinuha ko na rin, buklat -- entertainment page kagad! nyaha!

    Ava'y teka...

    Nakita ko ung advertisement ng Star City... Ang tagal-tagal ko na ring di nakakapunta sa ferris wheel!
    Weeeeehhhh!!!

    Takbo ako sa kwarto ni Joshua, dahan-dahan sumilip sa loob... Tulog pa si horsey... Lumapit ako sa kama nya, sabay luhod sa tabi nung mukha nya... Ang cute-cute nyang matulog... Parang di makabasag pinggan...

    Pero pag gising naman, basag na lahat ng plato!

    Nilapit ko ung mukha ko sa mukha nya...

    Ahem...

    Ako: HoRSEEEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!

    Biglang napatayo si Joshua... As in talon talaga! wahahahaha... Pati nga ako nagulat eh... Tapos ung mukha nya, parang na-panic na nalilito na ehwan...hahahahaha...

    Syempre, ako naman, tawa...

    Joshua: Bwiset... (umupo sa kama) Aga-aga, nambubulabog ka...*yawn*
    Ako: (ngiti) Good morning...
    Joshua: Good morning ka dyan... Ano bang ginagawa mo dito?!

    Tinapat ko sa mata nya ung advertisement ng Star City...

    Ako: Look mo oh, may discount ang Star City ngayon... Halika!
    Joshua: *yawn* Ano ba? Ang aga-aga pa eh...
    Ako: Eh, sige na... Para naman mawala na yang paawa affect sa mukha mo...
    Joshua: Anoh?!
    Ako: Masyado kang nag-ssulk after Trixie eh... Kaya, i-ttreat kita sa Star City, para di ka na mu~g horsey na natalo sa race, okay?
    Joshua: Anong natalo sa race?!?! Di ako pangkarera noh!

    Hehe...Parang inaamin nya nang horsey sya...
    Napa-blink si Joshua, as if na-realize nya ung sinabi nya... hahaha...

    Joshua: Ang ibig kong sabihin, di ako nagmumukmok noh!
    Ako: Sure...

    Tumayo na ko, sabay bato sa kanya nung bath towel na nakasampay sa likod ng pinto

    Ako: Maligo ka na... Dahil kung di ka sasama, iiwanan kita...
    Joshua: Eh ngayon? *yawn*

    Binuksan ko na ung pinto para lumabas...

    Ako: Kaw rin, la kang MATH...
    Joshua: Ano? Huh
    Ako: (ngiti sa kanya) Wala kang MATH... Merienda, Agahan, Tanghalian, at Hapunan!

    Lumabas na ko para dumiretso sa kusina... Narinig ko pa si Joshua na sumigaw...

    Joshua: Akala mo ba may pakielam ako dun!??!? Binagsak ko Math simula nung Calculus noh!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Mar 11, 2009 5:42 am

    Joshua


    "Relax.. We're gonna have fun today, ok? "

    Tumingin ako kay Janessa na nakasabit sa braso ko, hinahaltak ako pabilis sa entrance ng Star City... Yeah, yeah... Nahila rin ako nitong meatball head na toh dito... Haaaaayyy... Kung di ko lang naisip na walang matinong pagkain ng buong araw... sheesshh...

    Janessa: (turo sa ticket line) Whoa! Ang daming people!
    Ako: Anong inaasahan mo? Eh holiday ngayon...
    Janessa: Grouchy horsey...

    Hinayaan ko syang hilahin ako sa pila... All the way, daldal sya kung anu-ano ung sasakyan namin... Haaaayyyy... Daig pa ang bata eh...

    Janessa: Syempre, save the best for last, ang last na sasakyan natin, ung ferris wheel!

    Wha-?! Ano!??!

    Ako: A-ano?!? Ferris wheel?!?
    Janessa: Yup! Ung malaking umiikot--
    Ako: Alam ko kung ano ung ferris wheel, sira!
    Janessa: Great! Sasakay tayo dun! Dami natin makikita!

    Di naman por que sinabi nyang sasakay kame, eh ibig sabihin eh mapapasakay nya ko di ba?

    Pagkatapos ma-stamp nung mga ticket namin, hinila nya na ko kagad papunta sa kung saan-saan... Booth dun, ride dito, kain dun, pasok dito...

    Sinong mag-aakala na ma-eenjoy ko ng sobra toh?


    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:30 pm

    -=CHAPTER 13=-



    Janessa


    Halos 6 PM na nang matapos namin ni horsey lahat ng rides, booth, at mga horror houses na gusto naming pasukin... Syempre, time to go na -- ferris wheel na! yipeeeeeee!!!

    Hinila ko si Joshua papunta sa ferris wheel... Enjoy na enjoy ang mokong... Turo ng turo sa mga rides na gusto nyang sakyan... Parang bata... Pagtigil namin sa harap ng ferris wheel, bigla syang nanigas, sabay namutla...

    Ako: What's wrong?
    Joshua: S-s-sakay tayo d-dyan?
    Ako: Yup, it's the grand finale nga di ba?

    Bigla nya binitawan ung kamay ko, sabay nag-stepback ng konti...

    Joshua: Sige, ano... hihintayin na lang kita dito...
    Ako: Huh? Ano ka ba? Ang ganda-ganda ng view sa taas, ma-mmiss mo pa...
    Joshua: Di... May view naman dito eh... Ung mga rides... cotton candy... Yup, satisfied na ko sa view dito...
    Ako: Ano ka ba?

    Tinitigan ko syang mabuti sa mata... Iniisip kung ano nanaman kayang problema at nagiging KJ toh...

    Toink! -- At tinamaan ako ng idea!

    Ako: Aha! (turo sa mukha nya) Takot ka sa heights noh!
    Joshua: A-ano?!?! H-hinde ah!
    Ako: Ahsuzzz... Sipain kita dyan eh...

    Kinuha ko uhlet ung kamay nya, sabay haltak sa kanya papunta dun sa naghihintay na cabin nung ferris wheel... Bago pa sya makawala, pina-ikot na nung worker ung wheel para makasakay sa susunod na cabin ung nasa likod namin...

    Ako: (tingin kay Joshua) Horsey, relax... Di tayo babagsak, promise!
    Joshua: Heh!

    Maya-maya, nagsimula nang umikot ung ferris wheel! Yahoo!!! Pagdating namin sa taas, hinila ko ng konti ung sleeve ni Joshua...

    Ako: Horsey, wag ka ngang tumingin sa sahig lang...

    Tumuro ako sa labas...

    Ako: Look mo oh... Kitang-kita dito ung araw na lumulubog! Dali, tingnan mo!

    Umikot sya ng konti para tumingin... Nung nakita nya ung mga sunset, ahyun, na-focus na ung mata nya dun... At everytime na nasa taas kame, tumitingin na sya dun...

    Pagkatapos nung ride, ngumiti ako kay Joshua...

    Ako: See? Patakot-takot ka pang nalalaman sa heights... Ganda ng sunset sa taas noh...
    Joshua: Sino bang may sabing takot ako sa heights?

    Hmm? Palusot pa ang loko...

    Joshua: Sa'yo ako natakot eh! Tayong dalawa lang nandun, eh kung rape-in mo ko!??!?

    Pak!

    Binatukan ko nga ung mokong!

    Ako: Sira!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:30 pm

    Janessa


    7:37 PM na rin nang makalagpas kami sa traffic... after 10 years, malapit na rin kami sa apartment... waahahaha... Ako nagddrive, kaseh nga, kinidnap ko lang si Joshua...hehe... Kaya, ahyun, busy si Joshie sa pagpipindot sa radyo... Langya, may balak pa yatang sirain ung radyo ng kotse ko!

    Huh?

    Pag-turn ko sa street ng apartment namin, may nakita akong nakasilip sa balcony sa harap ng pintuan... Syempre, dahil mabait na bata ako at laging kumakain ng gulay , malinaw ang mata ko... di ako pwedeng magkamali kung sino un...

    Tumigil ako sa harap nung apartment building...

    Joshua: (napatingin sa'kin) Bakit di ka pa magpark?
    Ako: A-ano eh...

    Sumulyap uhlet ako sa balcony, kakapasok lang nung shadow sa apartment namin... Sinara ung pinto...

    Ako: (balik tingin kay Joshua) Nakalimutan ko, may dadaanan pa nga pala ako... Bakit di ka na bumaba, tapos susunod na lang ako mamaya?
    Joshua: Samahan na kita...
    Ako: No!
    Joshua: Huh
    Ako: I mean, wag na... Mabilis lang naman...

    Tinulak ko na sya palabas ng pinto...

    Ako: Sige na, horsey... Pumasok ka na... Shoo! Pag naging mabait ka, uuwian kita ng carrots.
    Joshua: Anong carrots?!?

    Ngumiti ako... hehe... Di ba gusto ng mga horse ang carrots?
    Lumabas naman si Joshua... Hinintay ko syang makapasok sa apartment, bago ko pinatay ung makina, tapos umupo lang sa loob... Dito na muna ako..maghihintay... Malamang kailangan nila ng space dun sa taas...

    Di nagkakamali ung mata ko eh... Alam ko...

    Si Trixie ung nasa balcony kanina...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:31 pm

    Janessa


    HAaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy... Ang tagal naman!

    Mga ten minutes na siguro since umakyat si Joshua... Malamang nag-uusap na ung dalawa... Grrrr! Nangangati na ung paa kong sumugod sa taas at maki-tsisims..

    Pero bad un... Need nila ng privacy... Kailangan kong magtiis at magdusa upang umunlad ang ating bayan!

    Weeeh! Bayan-bayan ka dyan!

    Binuksan ko ung pinto, sabay takbo papunta dun side ng building na may hagdan na malapit sa apartment namin sa taas.. Inakyat ko ung stairs na un, two at a time pa! Buti nga di ako nadulas eh...nyaha...

    Pagdating ko sa harap ng pinto, avaaaahhh, lakas talaga ng hatak ko sa taas... Medyo naiwang bukas ung door.. Binuksan ko pa ng konti, tapos luhod ako sa floor para di halata...hehe... Nasa loob ung dalawa in plain view... Awwww... Nag-uusap na sila...


    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:33 pm

    -=CHAPTER 14=-


    Joshua

    Tinitigan ko si Trixie na nakaupo pa rin dun sa harap ng dining table... Ang tahimik ah! Malamang naalala nyang dun sa crack sa wall ko nilalagay ung spare key... Kaya ehto, nakapasok...

    Biglang tumayo si Trixie, tapos humarap sa'kin...

    Teka...hinga lang muna ako...

    Trixie: Bakit, Josh?

    Huh?

    Trixie: Why did you break your word? Sabi mo you'll wait for me... Kahit gano katagal...
    Ako: Trix, I did... Naghintay ako.. I still am!
    Trixie: Then bakit may kasama ka na kagad na iba dito?!?
    Ako: Si Janessa?! Trix, I swear, we were forced to live together! Kahit tanungin mo pa sya.. And about dun sa letter... Di ako nagsulat nun...
    Trixie: Then who did?!?
    Ako: How about your family?!

    Natahimik syang bigla...

    Trixie: No... My dad finally gave me his permission to go back... They wouldn't write such a thing...
    Ako: Don't you see?! It's a perfect crime!

    Nakz, perfect crime! wahaha...

    Ako: Papaisipin nilang ok na sila sa'tin, tapos lalabas un, eh di ang labas, inosente sila...

    Tiningnan ako ni Trixie... Una, langya! Ang lamig ng tingin! Kung X-Men toh, malamang, may lumalabas nang ice cubes sa mata nya! Tapos biglang natunaw ung ice... Halos paiyak na ung mata nya...

    Trixie: I don't know what to think anymore...

    Na-frozen ako... Langya! Umiyak ba naman sa harap ko!?? Eh na-papanic nga ako pag may umiiyak!

    Eh di syempre, ginawa ko kung anong normal na gagawin ng mga tao sa TV.. (Nahawa na kay Nessy panonood ng telanobela)... Nilapitan ko si Trixie, tapos niyakap ko...

    Ako: Wag kang mag-alala, Trix... I'll be here... I'll be here for you... Lagi na yan...

    Squuueeakkk...

    Napaikot kaming dalawa sa likod ko, kung nasan ung pinto... Nanlaki bigla ung mata ko nang makita ko si Janessa na nakaluhod sa sahig... Dahan-dahan kong binitawan si Trixie...

    Janessa: (biglang tumayo) I... I'm sorry... I...

    Tumingin sya sa'kin tapos kay Trixie, tapos sa'kin uhlet... Nangilabot ako sa tingin nya... Di naman ung nakakatakot na galet... Walang expression eh... Un ung nakakatakot... Di ko alam kung anong iniisip nya...

    Bigla syang umikot para tumakbo paalis... Eh ako naman, by reflex, eh di hinabol ko!

    Ako: Nessy! Sandali!

    Ang bilis tumakbo ng meatballs sa hagdan! Buti di sya nahulog...

    Ako: (habol pa rin sa kanya) Nessy!

    Pumasok si Janessa sa kotse nya... Ako naman, sige, mag-superman na at humabol bago masarado ung pinto... Nahuli ko naman... Buti na lang bukas ung bintana...

    Ako: Nessy... Ano ba?
    Janessa: (inistart ung kotse) Go away, Joshua...
    Ako: Wait, bakit ba nagagalit ka?

    Biglang syang tumingin sa'kin... Ahyan nanaman tayo dyan eh... Expressionless nanaman... Kakilabot!

    Janessa: Oh, anoh?...

    Napa-stepback ako! Nabitawan ko ung pinto, kaya sinarado nya na tapos, nagdrive na sya paalis... Ako naman, hanggang titig na lang... San kaya sya pupunta?

    "Josh..."

    Napaikot ako... Nandun si Trixie, nakatayo, hawak ung gitara ko...

    Ako: Trix.. I'm sorry... (nilabas ko ung cp ko) I just have to make sure na okay si Nessy...
    Trixie: Why?!?

    Napatingin akong bigla... Ahyan ang halata ang emotions... Ung handa nang makapatay sa galit...

    Trixie: Does that girl mean more to you than I am?

    Natigilan akong bigla... Sa mga tanong na ganito, anoh bang dapat na isagot?

    Ako: Trix...
    Trixie: I knew it... There IS something between the two of you...

    Umikot na rin sya papunta dun sa other direction...

    Oist! Teka! Ba't dala mo ung gitara ko?!?

    Trixie: (tinaas ung gitara) I guess you won't be needing this anymore...
    Ako: Teka, ano? Trix!

    Bago pa ko makakilos, hinampas nya ung gitara dun sa may gilid ng building... And syempre, ahyun, nagkawatak-watak ung gitara...

    Ako: (na-shock) A-anong ginawa mo?
    Trixie: (tumingin ng masama sa'kin) If I can't be your music anymore, then you don't need this at all!

    Tapos nun, tumakbo na sya paalis... As usual, like the old times, eh galit nanaman sa'kin... Tiningnan ko sandali ung wasak ko nang gitara... Haaaayyyy...Di ko na maliligtas yan, i-CPR ko man yan... Nilabas ko uhlet ung cp ko...

    Teka, tinuruan ako ni Nessy mag-speed dial eh...

    Press two nang matagal para sa number nya...

    Ahyun, nag-ring! Wahahahaha... Galing kong mag-speed dial! haha..

    Wait lang...

    Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!

    C'mon, Nessy... Answer the phone...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:33 pm

    Janessa

    Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

    Haba ng "haaaayy" noh? hehe... Pagkatapos ng aking panicked walk-out -- drive-out? -- kina Joshua, eh sa park ako bumagsak...Nagmukmok sa isa sa mga bench dun... Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy talaga... Ehwan ko ba kung bakit ako nag-react ng ganon... Ang ganda-ganda ko pa naman... nyahahaha...

    Kaseh naman... nung nakita ko silang magkayakap... May mahigpit na tumali sa aking puso at ako'y nakulangan ng hininga! naka naman... kakilabot ang tagalog! haha..

    Pero... Nung sinabi ni Joshua un... He'll be there for Trixie daw lage... Di ba sinabi nya rin sa'kin un? Can someone really be there that way for two people at the same time?

    Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

    Teka nga...Bakit ba ko nag-rreact ng ganito eh di naman kame?

    I mean, sure, medyo naging close kami ni horsey... Bakit hinde, eh nasa iisang apartment kame?
    And besides, sweet sya -- kahit once in a blue moon... Tsaka may sense of humor... Pasaway ng konti...hehe...Lage na lang akong kinukulit, sarap sipain... And...

    And...he said....


    Sabi nya he'll always be there for me... He'll protect me...

    Gusto ko... Gusto kong i-keep nya ung promise nya... I don't want him to slip away from me...
    Ayoko syang mawala...

    Napahawak akong bigla sa pisngi ko.. May tumulong basa eh... Umuulan ba? Tingin naman ako sa taas... Gaga noh? hehe...

    Umiiyak na pala ako... dahil kay horsey?


    Now I know.... Gosh, ngayon ko lang na-realize... Ha, di ko man lang namalayan...
    I'm falling in love with Joshua na pala...

    Pero di pwede! He loves Trixie -- kahit pa-showbiz pa ung dalawang un... So, anong lugar ko? Ang dakilang extra -- bow...

    Bubwit... Ma-inlove ba naman sa horsey ng knight in shining armor ko! Kaseh naman yang knight na yan, kung san-san iniiwan ung kabayo nya!

    Sige, next time ko na lang aawayin ung knight in shining armor ko...

    Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

    "Nessy?"

    Napatingin ako sa tabi ko... Hala ka! May mumu na nakatayo!

    "Anong ginagawa mo dito?"

    Tiningnan ko ng mabuti, pahid luha, nakaka-blur ng vision eh...

    Ako: Ah... Warren...?
    Warren: Umiiyak ka ba?
    Ako: Ha? Hinde! Nako, napuwing lang ako!

    Nyekz... may kalawang na yang excuse na yan, suz ko poh!

    Warren: Pinaiyak ka nanaman nung butiki na un noh! Nasan un?! (tingin sa paligid)
    Ako: Ah, eh... Hinde noh...

    Langya, sa lamig na toh, pinagpapawisan pa ko...

    Warren: Okay, hatid na lang kita snyo para mabatukan ko ung butiki sa pagpapaiyak syo

    Eh bahket ba pinagpipilitan mong pinaiyak ako ni horsey?

    ..kahit totoo naman...hehe...

    Ako: Nah, I brought my car.
    Warren: Okay.. I'll just ride with you... Nag-jeep lang ako, ban ung kotse ko eh...

    Talaga lang?

    Ako: I don't want to go home yet...
    Warren: Eh? Lokong un, si butiki talaga nagpaiyak syo noh! (biglang tumingin sa'kin) San mo gustong pumunta?
    Ako: I think, I'll go na lang muna sa dati naming apartment... I'm sure, makakausap ko ung may-ari at least to make me stay for one night... Close kame eh...
    Warren: O-okay... Samahan na kita...
    Ako: okay.

    Tumayo ako tapos pinakita kay Warren kung nasan ung kotse ko...

    Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...
    I should just stop being a burden to Joshua and Trixie...


    Maganda pa naman ako...


    I should move out na sa apartment ni Joshie...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:34 pm

    Joshua

    Nasan na kaya si Janessa?

    Ilang oras ko na ring tinatawagan ung cp nya... Langya, gusto ko na ngang ibato sa sobrang inis eh! Since di rin naman ako mapakali sa apartment, eh lumabas na ko... Dala nya naman ung kotse, sa laki ba naman nun, imposible namang di ko makita un di ba?

    Pagkatapos ng pang-labing-limang pagpaparing ko, eh tinigilan ko na... Kung ayaw sagutin, eh di wag... Bwiset! Nasan na kaya sya? Gabi na...

    Bigla akong napatingin sa likod ko... Sobrang absent-minded ko, di ko napansin na may sumusunod na pala sa'kin... Langya...

    Ako: (tago nung cp ko) Oh ano nanaman at nakasunod nanaman kayo sa'kin?

    Isa-isa silang naglabasan... Isa...dalawa...tatlo... Ay, sige, tago na lang uhlet kayo, dame nyo pala...

    Hinanap ko kagad kung may napuruhan na ba ko sa mga toh... Ay, wala.... Haaaaaaaayyyy, mu~g mapapaaway nanaman ako nito...

    "I don't like it pag nakikipag-away ka..."

    Bakit naman biglang pumasok sa isip ko un? Boses ni Janessa...

    Nakita kong pinapalibutan na ko nung mga kumag... Mga syam o walo siguro sila, laban sa nag-iisang ako... Suz! Yakang-yaka ko toh!

    Biglang pumasok sa isip ko ung mukha ni Janessa... Shake ng head... Parang namang mamatay na ko ah!

    Kumag 1: Lakas din ng loob mo ah... Susugurin mo kame, eh nag-iisa ka lang...
    Ako: Eh sunod kayo ng sunod eh!

    Tingnan mo nga naman... di lang pala ung Warren na un ang aso sa mundo...

    Kumag 1: Anoh, handa ka na?

    Tanungin ba ko?

    "I worry about you pag nakikipag-away ka..."

    Ano ba?! Awat na sa pag-isip dyan!

    Tumingin uhlet ako sa paligid ko... Sino ba tohng mga toh at inaabangan ako lage?
    Who cares? Kung gusto nila ng away, bakit ko pipigilan?

    "I'm scared na baka di ka magising, or ma-ospital ka... I worry about you..."

    Parang may tumama yata sa ulo ko nung naalala ko un... Umayos ako ng tayo, tapos tumingin dun sa kumag na mu~g leader ng mga kumag...

    Ako: Wala ako sa mood makipag-riot ngayon... (umikot na ko para umalis) Next time na lang.
    Kumag 1: Ano?!? Ano ka ba?! Duwag?!

    Tumigil ako sabay tingin ng masama sa kanya...

    Ako: Wag mo kong guluhin ngayon... Nauubos na energy ko sa problema ko, wala akong balak magsayang pa syo ng aura ko.

    Napa-stepback sya... Lakas ng kamandag ko noh? Nung napansin kong di na sya gagalaw, eh nginitian ko...

    Ako: Sige, see you na lang isa sa mga araw na toh!

    Tapos nun, umikot na ko para iwanan sila... Uuwi na lang ako... Baka umuwi rin si Janessa, eh di bawas pagod pa... Di naman ako sinundan nung mga kumag... Suz...

    Pagdating ko sa apartment, sinilip ko ung usual parking space ni Janessa.. La pa rin ung kotse nya... Haaaaaaaayyyyy... mu~g di pa rin sya umuuwi...

    Pumasok na ko sa apartment... Ang tahimik! Parang...ehwan... may kulang since ako na lang mag-isa nandito... Haaaaaaaaaaayyyy...

    Pumasok ako sa kwarto ko, sabay kuha ng bagong damit... Maliligo na nga lang ako... Baka mamaya, pagkatapos ko, matawagan ko na si Nessy... sagutin nya na...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:34 pm

    Janessa

    Tumingin ako sa orasan... halos 11 PM na... Ilang oras na rin akong wala sa bahay... Tumingin ako sa tabi ko... Si Warren... Nasa living room kami ni Patrick, ung anak nung may-ari ng apartment namin dati ni Kristine... MU sila ni Kristine, kaya ehto, feeling close si ako.. hehe...

    Ako: Haayy...

    Napatingin silang dalawa sa'kin...

    Patrick: Gabi na, Nes.. Di ka pa ba uuwi?
    Warren: Di ka ba nakikinig? Inaway nga sya nung butiki dun! Grrr! Pupuruhan ko na talaga un eh!
    Ako: (ngiti ng konti kay Warren) Okay lang ko noh... Naiilang lang akong umuwi...
    Patrick: Ganito na lang kaya... Wala namang tao dun sa apartment nyo dati ni Tin... Kung gusto mo, dun ka muna... Tapos kausapin mo na lang si dad pag gusto mong bumalik. Sure ako papayag si daddy... (*wink* sa'kin) Ginayuma mo un eh...
    Ako: Talaga?! Okay lang na dun muna ako?

    Waahahaha...Iba na talaga pag malakas hatak mo sa taas!!!

    Patrick: Sure... Tsaka, baka ipa-ambush pa ko ni Kristine pag nalaman nyang pinabayaan kitang matulog kung saan...

    Tingin sya kay Warren.

    Warren: H-hoy! Di ako ganon noh!

    Natawa ako, tapos tumayo na...

    Ako: okay...(tumingin ako kay Warren) I think you should go home na... Gabi na eh... I'll be fine na poh...
    Warren: H-huh... Ah... Yah...

    Namula ang loko... Tumayo na rin sya, tapos nagpaalam na sa'min... Manghuhuli pa raw sya ng tricycle tsaka jeep... Pagkaalis nya, tumingin naman ako kay Patrick.

    Ako: Uuwi muna ako... Kukunin ko mga gamit ko... Knowing Joshua, baka nandun un sa bahay ng mga katropa nya or kina Trixie...

    Oooh, arouch kowh...

    Patrick: (tumayo) Sure ka?
    Ako: Yup, I'll be back soon... Tetext kita pag papunta na ko... Wag mo kong tulugan ha!

    Hinatid ako ni Patrick sa kotse ko... Nakz, dagdag pogi points kay Kristine toh...haha... boto na si akowh! Nag-drive ako pabalik sa apartment... Tumatawag sa lahat ng santo, santa, santetista, at kung anu-ano pang may san, na sana eh wala si Joshie...

    Nagpark ako dun sa may kanto, tapos kinapa ko sa upuan ung bag ko... Ang una kong nakapa ung cp ko..

    Hala! 18 Missed Calls?!?

    Puro si Joshie pa... Di rin sya matyaga noh? hehe... Iniwan ko pa naman tohng bag ko sa kotse... Sunod kong kinapa ung susi ng apartment.. Gotcha! Lumabas na ko ng kotse tapos umakyat ng hagdan...

    Take a deep breath -- *cough*cough* -- Langya, di naman sobrang deep!

    Sige na nga... Binuksan ko dahan-dahan ung pinto nung apartment namen... Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa... The coast is clear! Sugod! Mu~g wala nga si horsey ah...

    Pumasok ako sa kwarto ko... Binuksan ung cabinet, at sige, labas ng maleta... Ikot again and kuha ng damit from the cabinet, balik sa maleta... Kahilo tohng pabalik-balik, prhumiz! Kuha damit, balik sa maleta, kuha damit, balik sa maleta --

    "Nessy..."

    Hopia!

    Na-freeze ang aking body...nagtayuan ang mga buhok ko sa braso... Hala! Bahket nandito toh?!?
    Dahan-dahan akong umikot... Nandun nga si Joshie, nakatayo sa pinto... Nakatingin dun sa maleta sa kama ko...

    Ako: Uh, hi... N-nandito ka pala... Natutulog ka na ba? Sorry kung nagising kita ha... Don't worry, I'll be real quiet from now on.. Go back to sleep...
    Joshua: San ka pupunta?

    Sa dami poh ng sinabi ko, ang layo ng sagot nya...

    Ako: Lilipat na ko ng apartment... Ung apartment namin dati ni Tin, it's still vacant kaya dun na lang ako... Para di na ko makagulo snyo ni Trixie...

    Hala, ang peke ng ngiti mo Janessa...

    Eh pakielam mo ba? At least maganda pa rin...wahehe...

    Joshua: Bakit ka lilipat?
    Ako: Nakikinig ka ba? (umikot na uhlet ako para i-resume ang aking pag-iimpake) Nanggugulo lang ako dito, kaya I'll just leave... I don't have a place here...

    Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko... Oh di va? Parang slow motion... Ang bilis maglakad ng horsey at napigilan na kagad ako... Napatingin akong bigla sa kanya...

    Joshua: Don't...
    Ako: J-joshie...
    Joshua: I need you... Don't you understand that?

    Whoshie! A-ano raw?!

    Napatawa ako ng konti... Pasensya na! Eh natatawa ako pag ninenerbyos eh!
    Binawi ko ung kamay ko, tapos balik sa cabinet... Pero di naman ako makakuha ng mga damit, kaseh hala, daig pa ang may epilepsy sa sobrang nginig ng kamay ko eh!

    Ako: Of course you do... Kahit ung apartment kailangan ako eh... The kitchen needs me to cook meals... Ung washing machine needs me to wash dirty clothes... The bathroom needs me to scrub it hard... Ung living room needs me to keep it clean...

    Lumapit nanaman sa'kin si Joshua... Kala ko kokontra eh... Bigla nanamang kinuha ung braso ko, sabay hila para yakapin ako!

    Ako: Josh...
    Joshua: Everything needs you... (humigpit ung yakap nya) But don't forget about me... Because without you, I'll lose my way...

    Ahyan na, nahulog na ang toktokitok ng heart ko... Nako poh!!! Kalaglag puso naman talaga!

    Joshua: Please, Nessy...stay...wag kang umalis...

    Eh kumag ka pala eh... Pagkatapos mo ba naman akong yakapin ng ganito, kala mo ba aalis pa ko?!?!

    Napangiti ako habang nagrelax sa yakap nya...

    Ako: okay... I'll stay for you...

    Magkaron man ng war between Trixie and me... or kumontra man ang buong world... I'll stay... as long as you want me to...

    Oh di ba? Haba ng hair ko...


    -=To Be Continued=-

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Thu Mar 12, 2009 4:35 pm

    -=CHAPTER 15=-


    Janessa

    Paggising ko nung umaga, ang una kong tiningnan ay ung orasan... At ang unang inisip ko... Gutom na ko... Kaya lang antok pa win ako eh.. Abah, 8 lang oh, anong oras na kame natulog ni horsey...halos 1 na win... shosyal, kumain lang kame habang nag-uusap...hehe...

    Abah, teka...

    Napabukas uhlet ung mata ko, tapos biglang tayo...Bakit parang may gumagalaw sa labas?

    Dahan-dahan kong binuksan ung pinto, tapos sumilip sa labas...

    "Biglang may box from outerspace
    Nakita ko sabay kinuha ko
    `Yung box from outerspace
    Binuksan ko at nasindak
    May picha pie sobrang laki
    Tinikman ko within five seconds
    Naubos ko parang mani"

    My golay... Si horsey ba ung kumakanta na un?

    Naglakad ako palabas, tapos pumunta sa kusina... My gush! Si horsey! Nagluluto! Tumayo lang muna ako dun sa may pinto, pinapanood sya -- tsaka nakikinig na rin sa kanya early morning na alarm clock -- este, kanta pala...

    "`Coz now I love my picha pie
    As long as I eat picha pie
    I know I'll be alive
    I want all my garlic beef
    Pepperoni, double cheese
    Ang picha pie, picha pie...Penge!"

    Langya, aga-aga, yan ba naman kantahin...

    Nung tinanggal nya na sa kawali ung sa tingin ko eh dapat na sunnyside-up na itlog (na mu~g scrambled eggs?), dun nya lang ako napansin...

    Joshua: Oh, Nessy, gising ka na pala...
    Ako: Sa lakas ba naman ng pagkanta mo, sinong di magigising?

    Tukso lang...hehe...

    Joshua: Hoy, maganda naman boses ko noh.
    Ako: (umupo na para mag-almusal) Sige, sabi mo eh...
    Joshua: Pa-deny ka pa dyan, in Lab ka rin naman sa boses ko...
    Ako: Horsey, ang yabang mo... Sipain kita dyan eh

    ding! dong!

    Napatigil kaming dalawa.. Tumingin ako sa kanya... Sya naman, tumingin din sa'kin...

    ding! dong!

    Joshua: Ano? Makikipag-bato-bato-pick ka nanaman?

    Haaaayyy, bubwit...

    Tumayo na ko, tapos papalagpasin ko ba naman...bago ako tuluyang makalabas, eh guluhin ko muna buhok ni horsey...hehe...

    Joshua: Oy, anoh ba?!?

    Wahehe...tapos nun, takbo na palabas para buksan ung pinto... Pagbukas ko nung pinto, sumalubong kagad sa mukha ko ung three stooges!

    Mark: Nessssyyyy!!!

    Whoa!

    Ako: Mark? Paolo? Ralph? Anong ginagawa nyo dito?

    Hinayaan ko silang pumasok...

    Ralph: La magawa eh... (tingin sa paligid) Nasan si Josh?
    Ako: Nasa kusina... Kumakain... Kayo? Kumain na ba kayo?
    Mark: Di pa!
    Paolo: Mga loko! Kakakain lang natin eh!
    Ralph: Eh gusto namin kumain nung luto ni Nessy eh...
    Mark: Oo nga... (naglakad papunta sa kusina) Kung ayaw mong kumain, eh di wag...

    Pagpasok nila sa kusina, tiningnan sila ni Joshua mula ulo hanggang paa...

    Joshua: Anong ginagawa nyo dito?
    Mark: (umupo sa tabi ni Joshua) Aba, binibisita ka...
    Ralph: (umupo sa harap ni Mark) Di mo man lang ba kami na-miss?
    Joshua: Bakit? May ka-miss-miss ba snyo?
    Mark: You're mean!
    Ralph: (tingin sa'kin) Janessa oh, inaaway kame...
    Ako: (tingin kay Joshua) Joshie naman, dumadaan lang naman sila eh...
    Mark at Ralph: (kay Josh) Behlat!
    Joshua: Hmpf!

    Naramdaman ko na lumapit si Paolo sa tabi ko... Tapos, napatingin sya dun sa pagkain sa mesa...

    Paolo: Nessy, no offense... Ano yan? scrambled eggs ba yan?
    Ako: Don't ask me, kakagising ko lang... Si Joshua nagluto nyan...
    Mark: (biglang tigil nung fork na kumukuha ng egg) Si Joshua?!?
    Ralph: (napatingin sa'kin) Di ikaw?
    Ako: Nope..

    Biglang inusog nung dalawa ung mga plato nila palayo...

    Joshua: Mga kumag kayo! Walang lason yan noh!
    Mark: Di na, kakakain lang din naman namin eh...

    ding! dong!

    Tumingin ako kay Paolo -- ang kaisa-isang matino sa apat na lalakeng toh...

    Ako: May bitbit pa kayong iba?
    Paolo: Hinde, wala na...
    Ako: (lumabas uhlet para buksan ung pinto) Sino kaya toh?

    Si Trixie kaya? Bumalik?

    Nag-toktokitok ang aking heart sa sobrang kaba! Di ko nga lam kung bakit ngayon ko lang na-realize na baka nga bumalik si Trixie... Oh well, alangan naman di ko pagbuksan...

    Ehto na!

    "Ganda xa!!!"

    Ganda xa?

    Binuksan ko ng husto ung pinto, at voila! Kaharap ko ang vaklush na si Richie...kasama sina Arianne tsaka si Jodi...

    Ako: Oh, naligaw kayo?
    Jodi: Mag-yayaya kame sa pyerya sa Cembo eh...
    Ako: (pinapasok sila) Pyerya?
    Arianne: Yup... Sama ka... Dali, bihis ka na.
    Richie: (tingin sa paligid) Nasan si fafa Joshie ko?
    Ako: Nasa kusina... Nandun mga ka-tropa nya eh...
    Richie: Really?!?!? May mga papables sa kusina! Yum!

    Heheh... Richie talaga...

    Sumunod kaming tatlo papunta sa kusina...

    Joshua: (tingin sa'kin) Bakit nandito nanaman toh? (turo kay Richie)
    Ako: Sinusundo nila ako..
    Joshua: Bakit!? San ka pupunta?! Kala ko ba--
    Ako: Relax... Pupunta lang kame sa pyerya...

    Horsey talaga.. Naparanoid nanaman...

    Napansin ko na biglang natahimik ung mga people sa kusina, at nakatingin sa'ming dalawa ni Joshua...

    Ako: A-ano? Bakit?
    Jodi: Abaaaahhhh...anong nangyari dito?
    Richie: I smell something fishy-fish...
    Mark: Ikaw ung naaamoy mo.. Di ka naligo noh.
    Richie: Ay, gaga! Naligo ako noh! Bubble bath pa!
    Ako: Nako, tama na nga yan.. (umikot na ko para lumabas) Maliligo na ko para makaalis na tayo...
    Joshua: Oy, di ka pa nakain.
    Ako: (tingin sa kanya) Sa labas na lang ako kakain..

    Palabas na sana uhlet ako nang tawagin uhlet ako ni horsey...

    Joshua: Wait lang!
    Ako: Ano?
    Joshua: Sasama ako...

    Hmm?!

    Ako: Bahket?

    At again, nakatitig nanaman sa'min ang tatlong pares ng mata... Mukha ba kameng sine na sarap panoorin?

    Joshua: Eh gusto kong sumama eh.. Bakit, masama?
    Ako: Pyn...kung san ka masaya, eh suportahan ta ka...

    Lumabas na ko para pumasok sa kwarto ko at nang makaligo na... Nakz, sasama raw si Joshie sa'min..

    Wahsuz... happee-happe ka naman?


    avah, op cors!


    Eh di may manglilibre na sa'kin...

    Sponsored content

    default Re: Guitara [ A Modern Love Story ]

    Post by Sponsored content Today at 12:26 pm


      Current date/time is Mon Dec 05, 2016 12:26 pm