Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Grow Old With You [ Love Story ]

    Share

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:59 pm

    51:


    Pagkatapos ng isang linggo... Weeheee!!! Alive alive na uhlet ako... Very Happy Namiss ako ng mga people... Very Happy charing! Lumipas pa ang mga linggo... okay lang naman... Kami pa rin ni Johann, don't worry, kahit medyo nawiwindang utak ko sa gagawin ko... Ayoko namang magmadali noh... Baka di pa matuloy ung bahay ko sa Hollywood...-__- joke! Very Happy



    Isang Friday na pumasok ako, avah, bonggaciouz! Late! wahahahaha... ;D Tinanghali ako ng gising eh -- in short, napasarap sa pagtulog... Halos di tuloy ako nakapag-ayos ng buhok... at malamang mukha pa kong panic-stricken dahil sa pagmamadali...


    Pagpasok ko sa classroom...


    Applause!!! Wooohooooo!!!


    Napatigil akong bigla sa may pinto... Teka, tamang classroom ba napasukan ko?
    Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa... Mga kaklase ko naman toh ah... Anong nangyayari? ???

    Biglang may yumakap sa'kin... Si Crizelle...


    Ako: (bulong sa kanya) Anong nangyayari? Birthday ko ba?
    Crizelle: Gaga! Nahagilap na ng lahat ung commercial mo! Ang taray sister! Very Happy



    Eh? Lumabas na?



    Lumakad na ko sa loob, salubong ang palakpakan at hiyawan -- wala kasi teacher eh! At panunukso ng mga kaklase kong lalaki...



    John: (sigaw galing sa kabilang dako ng classroom) Marge! Pagpalit mo si Johann! Tayo naman! Very Happy
    Ako: Neknek mo! May Tianne ka na noh!



    Napasilip ako sa pinto, at nakitang dumaan si Johann... Nahagilap nya ung mata ko tapos ngumiti...



    Weeheeeeeeeeeeeeee.... Very Happy




    Ahyoz din naman pala tohng commercial na toh eh... dagdag ganda points! ;D


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:59 pm

    52:


    Lumipas pa ang ilang buwan... Everything's okay pa naman... Di pa kami uhlet nag-aaway ni Johann... And Pasko na! Very Happy

    Syempre, pag pasko, dapat peace muna ang lahat ng people... Maging mabait sa mga nang-aasar -- wag mo munang batukan...


    Christmas break na... Ano pang mas magandang pamasko ang matatanggap mo galing sa school kundi ung break na un? Pinatapon na kung saan-saang probinsya mga kabarkada ko, kaya ehto, at ako na lang ang natira dito sa city... Nandito pa rin naman si Johann... Loko un eh... Tumakas sa pagpapatapon sa kanya sa Pampanga nung nalamang mag-sstay ako for Christmas... Buti na lang, close kami ng mommy nya, kaya yan, change of plans, dito na rin sila sa city magpapasko! Very Happy



    December 24... Buong araw kaming magkasama ni Johann... Nakailang kain na nga kami sa Jollibee, at nakapagpa-spa na rin kami... Wahihi... nakita nyo sana mukha ni Johann nung pumasok kami... Parang hihimatayin na sa hiya! ;D Pero mas nag-enjoy naman kesa sa'kin... Napasarap nga, kailangan ko pang hilahin para umalis na... :Smile



    Maggagabi na nun nung naglalakad kami sa may park... Tanda nyo ung tinakbuhan ko nung nagbreak kami ni George? Ung park na pinaliguan namin ni Johann ng ulan... Bastah, un na un... Dun kami sa same na puno na inupuan namin nung araw na un nakarating...


    Tumigil muna kami at naupo...


    Johann: (inakbayan ako) Tanda mo nung nag-usap tayo dito, pagkabreak nyo ni George?
    Ako: Yup...
    Johann: Alam mo.... (tumingin ako sa kanya) Ang gwapo ko kahit non noh?



    Tinitigan ko syang mabuti...


    Ako: Hmmmmm... Nah!
    Johann: (hinila ng konti ung buhok ko) Ang yabang mo...



    Nginitian ko lang sya... Tapos may kinuha sya sa bulsa nya... Syempre, dahil ipinanganak akong tsismosa, todo tingin naman ako kung ano un...


    Ako: Ano yan? ???


    May hawak na maliit na box si Johann... Nothing fancy, pero la lang... tsismosa nga ako eh... kayo naman... Very Happy


    Johann: Christmas present ko for you... (inabot nya sa'kin) Sige na, dali, buksan mo...
    Ako: Di naman toh engagement ring ha? O_O
    Johann: Nababaliw ka na ba? Mahal un noh...
    Ako: Suz... Kuripot ka lang talaga... :Smile



    Binuksan ko ung box...



    Oh my golay!!!



    Sa loob nung box, may silver necklace... May silver ring na nakasabit to act as a pendant... Danda... O_O


    Johann: Ehto na ung panahong sasabihin mo, (gaya boses ko -- and doing a bad work at it) "Awww... Johannn... ang sweet mo naman... I love this..."
    Ako: Okay... Imaginin mo na lang na sinabi ko na un...
    Johann: Damot... (kinuha nya ung necklace tapos tinuro ung loob nung singsing) Basahin mo ung naka-engrave...
    Ako: (tiningnan kong mabuti ung loob nung ring) "I'll Grow Old With You..."



    Aawwwww...Ang sweet naman... Pero di ko sasabihin ng malakas un noh... Very Happy



    Ako: Totoo ba itich?
    Johann: Bakit? Ayaw mo? Bawiin ko?
    Ako: Neknek mo!
    Johann: Okay, I'll take that na nagustuhan mo ung regalo...
    Ako: (yakap sya) Yup... Thankz... Smile



    Oist, wag nyong isipin na bad ako... Binigay ko na ung regalo nya kasabay nung mga regalo ng tropa ko -- nung Dec 20, before sila mag-alisan... Pewo, in fairness, teddy bear lang un na langyang mahal galing sa Blue Magic... Di ba mas sweet naman tohng ring nya?


    Ok lang...girl naman ako eh...hihi... Connectment noh? :Smile


    Sinuot nya sa'kin ung necklace at nag-stay muna kami sa ilalim nung puno...


    Namimili na sa mga dumadaang kotse ng kung alin ang bibilhin namin someday... nakz! Very Happy

    Tapos niyaya ko uhlet si Johann bumalik sa Jollibee...


    Johann: Ano ka ba? Kanina pa tayo pabalik-balik... Kilala na tayo nung guard!
    Ako: (paawa effect) Sige na, gusto ko ng palabok eh... Tsaka nung swirly bitz... T_T


    Ano pa ba idadagdag ko? Very Happy



    Ako: At pasko ngayon... Wag kang kuripot!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:59 pm

    53:


    After Christmas break, ahyan, busy na uhlet ang mga hallways ng school... Mga hyper galing sa bakasyon eh...

    Pagkadating ko sa school... as usual, wala pa si Johann -- malamang napasarap nanaman sa tulog... Nakikipagkwentuhan ako sa mga tropa ko -- nakz, bago cp ni Raphael! puro pic na nga namin kagad eh...Very Happy -- nang lumapit sa kin ung isa sa mga kaklase ni Johann... Abby yata name nito? Sinama nya ko dun sa medyo malayo sa tropa ko (kahit napansin kong nagsi-urong sila para makinig.. :Smile )..



    Ako: Yup?
    Abby: Bakit di ka pa nakikipagbreak kay Johann?



    What? O_O


    Ako: huh? ???
    Abby: Alam mong aalis na sya, bakit di ka pa nakikipagbreak sa kanya?
    Ako: Bahket naman ako makikipagbreak? Babalik pa naman sya... di ba? ???
    Abby: (natawa) Sinong may sabing babalik pa sya?
    Ako: Sya...
    Abby: Naniwala ka naman...



    Langya... ano pang problem nitong babaeng toh at bigla bigla na lang sumusulpot at pinapahirapan ang utak ko?! May geometry na para gawin un noh!


    Ako: Ano bang sinasabi mo? Babalik pa sya...



    Dahil kung hinde, ipapa-ambush ko sya kay Tito Bush!


    Abby: Marjorie, wag ka ngang tanga... Sa tingin mo, babalik pa si Johann kung nasa mas maganda na syang lugar?



    Parang namang patay un... -__-



    Ako: (bulong) Uh-huh.... Bakit hinde....?
    Abby: Take it from me... I'm just trying to spare you the pain that I went through nung nagmigrate si Lex... Hindi ka na nya babalikan... Maghihintay ka na lang sa wala... at pag na-realize mo na un, too late na... Hinde mo na alam kung anong nangyari...
    Ako: Ano.... Anong sinasabi mo?
    Abby: Break up with him habang maaga pa... Para masanay ka na... At bago pa sya umalis, hinde na ganon ka-sakit... (lumapit sya sa'kin) And besides, pano kung may nakilala syang iba dun? He fell in love?



    Ouch naman! O_O Napahawak ako dun sa necklace na binigay ni Johann...


    Abby: Tapos hinde nya ma-fulfill ung fate dahil nakatali sya syo? Don't you think he deserves to be free?
    Ako: .....
    Abby: Well?



    Ay, tinatanong pala talaga ako...


    Ako: Bahket mo ba sinasabi sa'kin toh?
    Abby: Coz you deserve to know...



    Pagkasabi nya nun, umalis na sya... Ako naman, bumalik na sa table kung saan naghihintay ang mga ears ng barkada ko...



    Martha: Anong sabi nya?
    Ako: Makipagbreak na raw ako kay Johann...
    Pauline: Ano? ???



    Inulit ko lahat ung mga sinabi ni Abby... At kahit confused to the bones ako sa bigla nyang pag-mushroom, eh parang nagkakaron ng sense ung mga words nya habang inuulit ko... Di ko lang talaga getz kung bahket ngayon lang sya lumabas, eh di naman kami ganon ka-close... Magkakilala lang kami by name... Nagngingitian sa hallway... Ay ehywan!



    Sheesh! Bubwit in the cornfield talaga! Magpawindang nanaman sa brain!



    Raven: Anong gagawin mo?


    Pinaglaruan ko ung kwintas habang nag-iisip... Anong gagawin ko?


    Ako: Di ko alam....


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:59 pm

    54:



    Ilang araw din di natahimik ang kaluluwa ko sa mga pinagsasabi ni Abby... Sabi nina Pauline wag ko raw pansin un -- flirt kasi reputation nun na mahilig manungkit sa sampayan ng may sampayan... Getz nyo? Very Happy Ngunit, anong magagawa ko kung ito'y di matigilang isipin ng...isip ko? (Langyang tagalog yan!) Hanggang, isang araw, bumigay na rin ako... May point naman talaga sya di ba?


    Kumakain kami ni Johann sa Jollibee... La lang... trip lang namin kumain... At, syempre, kailangan puno ang tyan pag makikipagbreak ka... Connectment noh? :Smile


    Ako: Oist! (tiningnan ko si Johann na kinuha ung Peach Mango Pie ko) Akin yan
    Johann: Ano ka? Ako bumili nito noh...



    Tiningnan ko sya ng masama... Bad... kaninang umaga pa ko naghahanap ng Peach Mango Pie eh! hmpf!


    Johann: (medyo hinila ung buhok ko) Oist, kakamatay yang titig mo ah... Wag kang mag-alala, bago tayo umuwi, ibibili kita ng Peach Mango Pie... Kainin mo habang pauwi tayo... (nginitian nya ko) Baka makipagbreak ka pa sa'kin eh... :Smile
    Ako: (tumingin sa lamesa at bumulong) Yeah... I think we should na nga eh...
    Johann: Ano un? ???



    Shushi shushi... Ang bingi naman...


    Ako: Ang sabi ko... Siguro nga dapat magbreak na lang tayo...
    Johann: Dahil sa Peach Mango Pie? ???


    Ay suz... Oo!


    Ako: Uh, haller?!?
    Johann: Seryoso ka ba? ???


    Tumungo ako... Di na nga ako makatingin eh...


    Johann: Bakit?
    Ako: Kasi aalis ka na...and unfair naman sa'ting dalawa kung nakatali ka sa taong sandamakmak na dagat ang layo... di ba?



    Tinitigan ako ni Johann...


    Johann: Seryoso ka talaga? O_O
    Ako: Oo nga...
    Johann: Bakit?
    Ako: Di ka ba nakikinig?


    Natahimik si Johann... Nilipat nya ung tingin nya dun sa Peach Mango Pie...


    Bibigay nya pa kaya sa kin un? Hmmmmm... -__-


    Johann: Nakikipagbreak ka talaga?... Pero... binabatukan mo lang ako kanina ah...
    Ako: I'm really sorry... I feel really bad... Pero I don't see this going anywhere kung aalis ka... Maiiwan ako...
    Johann: Pero babalik naman ako eh... (tumingin uhlet sya sa'kin) Babalik naman ako eh.....



    Okaaaaaaaaayyyyyyyyy.... Now I really feel VERY bad...
    Stupid stupid Marjorie!


    Ako: Then... kung magkita man tayo nun... fate na lang?
    Johann: (bumulong) Sh*t... (tiningnan nya ko) Buo na ba isip mo? Di ko na mababago?



    Well... Kung lilibre mo ko ng Peach Mango Pie at palabok... Baka magbago pa...


    Whoosah... ano ka ba, Marge?!


    Di na lang ako nagsalita... Maya-maya, tumayo na si Johann... Napatingin ako...


    Johann: Sige... Kita na lang tayo bukas...


    Pagkatapos nyang sabihin un, umalis na sya... Ni di ko nga nakita kung anong expression ng mukha nya... Basta na lang sya naglakad palabas... iniwan akong mag-isa...


    Mukhang wala akong kakaining Peach Mango Pie pauwi ah..... :'(


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:59 pm

    55:


    Buong gabi kong tinitigan ung telepono at cellphone ko... Mukha nga akong eng-eng... :Smile Nagkaron pa ng time na napatingin sa'kin si Ate Julie kasi tinanong ko ba naman ung telepono kung gusto nya gamitin ko sya? Haaaayyyy... :Smile
    Pewo natakot ako eh... Pano kung babaan nya ko or dedmahin ung text ko? Eh di wa sleep pa ko sa paghihintay di ba? In short, mataas nanaman ang pride ko... Halos di tuloy ako nakatulog buong gabi... tsk tsk tsk..


    Kinabukasan, pagdating ko sa school, sinalubong kagad ako ng tropa ko...


    Crizelle: Marge! Ano nangyari snyo? O_O
    Ako: Huh? ???
    Martha: Bahket ka nakipagbreak kay Johann?
    Ako: Alam nyo na kagad? O_O
    Crizelle: Haller?!? Alam na kaya ng buong school... (hinila si Raphael) Pag may malakas kang radar, di ka mahuhuli sa balita noh... And besides, (turo sa sarili nya) gf ng pinsan...



    Umupo ako sa pagitan nilang lahat... Ang bilis talaga kumalat ng news!



    Raven: Di ka matahimik dun sa sinabi ni Abby noh?
    Pauline: Gaga... Bahket mo pa ba iniisip un? Di mo na dapat pinakinggan un eh!
    Ako: Pero may sense naman talaga ung mga sinabi nya eh...
    Martha: (tumuro sa may entrance ng building) Hello? Mukha bang may sense ung babaeng yan sa ginagawa nya ngayon?



    Nagtinginan kaming lahat sa tinuturo nya, at -- oh my golay! -- ahyun si Abby, parang tarsier na nakadikit kay Johann... Si Johann naman, tumingin lang sa'kin sandali tapos balik pakikipag-usap kay Jerome...



    Raphael: Gaga ka talaga... Bahket mo pa pinakawalan? Sana inabot mo na lang sa'kin.
    Martha: Bakit ka ba talaga nakipagbreak?



    Kasi di nya ko binigyan ng Peach Mango Pie! Razz


    Ako: Kasi nga, aalis na sya... And... pano kung may makilala syang iba? Di ba, it's easier to let go ngayon, kesa naman sa time na naghintay ako ng naghintay.....



    Naluluha na ko... Sheesh! Ayoko pa naman ng umiiyak sa harap ng kahit na sino!


    "Whenever you feel vulnerable -- or sad -- asahan mo, andito ako... Umiyak ka, sumigaw ka, hampasin mo pa ko sa sobrang galit mo, basta, nandito ako...."


    Si Johann nagsabi nun....



    Napatingin ako sa mga kabarkada ko... Pero...



    Ako: Mukha naman syang ok na eh...



    Sobrang bilis nya ngang maging ok...



    Raven: Syempre, lalake eh... Alangan namang mag-emote yan...
    Crizelle: At lam mo ba... (tumabi sya sa'kin) Sabi ni Jerome... Kagabi, halos madaling araw na, di pa rin daw tumitigil sa kakaiyak si Johann...
    Martha: Owz? (hinampas ako) Anong gayuma ba ginamit mo dun?



    Tinitigan ko sya...


    Martha: Oh, yeah... Seryoso nga pala tayo... Sowee... Razz
    Ako: So, you think, nagkamali ako?
    Raphael: Ay, di pa ba masyadong obvious? Marge, utak mo, natapakan mo nanaman... :Smile
    Ako: Sira, nilagay ko sa bag ko kanina un noh...
    Pauline: So, kakausapin mo sya?



    Tumingin uhlet ako dun sa tambayan tuwing umaga ng tropa ni Johann... Nakapulupot pa rin sa kanya si Abby... Parang gusto kong manakal... -__-



    Ako: Yeah... (tumingin uhlet ako sa mga kabarkada ko) Mag-ssorry ako mamaya...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:00 pm

    56:


    Nag-decide ako na lapitan si Johann sa uwian...para wala nang rush... May basketball practice sila, kaya pagkatambak ko ng mga gamit ko sa locker, bumaba na ko sa gym... At ang swerte ko, nakasalubong ko si George...


    Ako: (habol kay George) Gee!



    Tumigil sya nung nakita nya ko...



    George: Oh, Marge? Anong ginagawa mo dito?
    Ako: Ano... Pwede bang i-excuse muna si Johann? Sandali lang poh...
    George: Narinig ko na nagbreak daw kayo ah...



    Medyo may pagkatsismoso rin pala toh noh? -_-



    Ako: Yah... May misunderstanding eh..So, pwede mo bang i-spare muna sya ng ilang minutes? PPLease?
    George: (natawa) Pasalamat ka, malakas ka sa'kin... At captain ako, kundi baka di mo na nakausap un... :Smile



    Ngumiti ako... Iba na talaga pag charming ka... wahahahahaha... Very Happy Naglakad kami papasok sa gym...


    Hmp... Bahket nandito si Abby? Jologs na sya ngayon?


    Nakita ko si Johann na nagppractice mag-freethrow... Ooohhhh... macho! Very Happy wahaha...joke lang... Tinawag sya ni George.... At syempre, dahil captain, punta naman kagad sya...



    George: (kay Johann) Mag-usap muna kayo...


    Iniwan nya na kaming dalawa... Bait ni George noh? Teka, si Johann nga pala kaharap ko na...


    Johann: (nagpunas ng pawis) Anong ginagawa mo dito?
    Ako: La lang... Gusto kitang makausap...



    "Johannn?"



    Napatingin ako sa may bleachers at nakita ko si Abby na papalapit... Tinaasan ko sya ng kilay...



    Ako: You better not step out of that bench and go here... Dahil talagang hahabulin kita at itatapon sa basurahan! You hear me?!?! >Sad


    Napatigil si Abby sa steps nya at napatitig sa'kin... Yah I know... Di ko kayang itapon si Abby sa loob ng basurahan -- di ako amazona noh! -- pero, haller?!? Basketball team toh... At malakas ang hatak ko sa mga players! Very Happy


    Hinila ako ni Johann papalayo, dun sa labas ng gym...


    Johann: (ngumiti) Buti naman at ginawa mo un... Promise, pag narinig ko pa ng isang beses ung (ginaya boses ni Abby) "Johaannnn, nandito naman ako for you eh!" (balik sa boses nya) Sisigaw ako at itatambak na sya mismo sa basurahan!



    Napatawa ako... tapos, here comes the awkward silence...


    Take a deep breath, and --


    Nagsalita bigla si Johann...


    Johann: Alam mo, Marge, napag-isipan ko ung mga sinabi mo kahapon...
    Ako: Really? ???



    So naisip mo rin na nonsense ung mga pinagsasabi ko?



    Johann: And na-realize ko na tama ka...






    Wait... What?!



    Ako: Huh? ???
    Johann: Tama ka... Mas mabuti nang ngayon pa lang nasasanay na tayo na di magkasama... Para pag wala na ko, okay ka na na makipagkita sa iba... di ba un ibig mong sabihin?



    Yaahhh... Pero... Eng-eng ka talaga! Bahket ngayon ka pa pumayag!??!



    Bigla nya kong niyakap...



    Johann: Kung tayo talaga dapat, magiging tayo, kahit ano mangyari... di ba?
    Ako: Y-y-yaah... I guess...
    Johann: (binitawan na ko at ngumiti sa'kin) Kita mo naman? Ang talino ko talaga noh?! Wink
    Ako: (hinampas sya ng konti) Ang hangin mo!
    Johann: Coool ako eh... Teka, may sasabihin ka ba?



    Kanina, oo... Kaya lang binara mo ko eh... Sad



    Ako: Nah... Just making sure we're still friends...
    Johann: (hinila ng konti ung buhok ko) Syempre naman noh... Worried ka na mababawasan mga gwapo mong kaibigan noh? Wag ka mag-alala, magkaibigan pa rin tayo... Wink



    Pagkatapos nun, nagpaalam na sya at bumalik na sa loob ng gym... Sumunod ako maya-maya, pero dun lang ako sa pinto... Pinanood ko lang sya sandali maglaro...



    Nah! Mas magaling pa rin si Rukawa sa kanya! :Smile



    Tsk tsk tsk...


    Lumabas na ko para umuwi... Haaaaaaaaaaayyyyyy.... Tange-tange talaga yang si Johann...


    And supposedly, eight months na kami bukas.....


    Sayang noh? Fate nga naman... Napaglaruan nanaman ako...

    Haaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy....




    __________________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:00 pm

    57:



    Kinabukasan, di pumasok si Johann... May inaasikaso yata sila about dun sa pag-alis ni Johann -- un sabi ni Jerome... Kaya buong araw ko syang di nakita... Ok lang un... May bukas pa naman eh...


    Nung hapon, nakahiga ako sa kama -- tinatamad gumawa ng assignments -- at tinititigan ung cellphone ko... Hinahalungkat ko inbox at mga folders ko, naghahanap ng kowt na ipang-ggroup message kashi gusto ko nang ubusin ung load ko... La lang... trip ko lang...


    Biglang nag-ring ung telepono... At syempre, sa reflex ko, napatalon ako dun sa side ng bed kung saan nakapatong ung cordless na phone...


    Ako: Hello? Johann?



    Ay, nadulas!



    Crizelle: Well... Sorry kung di ako kasing-gwapo ni Johann... Maganda lang ako eh... :Smile



    Si Crizelle lang pala... Balik higa ako sa kama at naghanap na uhlet ng kowt na i-fforward to everybody...


    Ako: Anong kidlat ang tumama syo at napatawag ka?
    Crizelle: Hmmmm... la lang... Mizz lang kita...
    Ako: Ahsuz... Spill na....



    Lesson #1 about these people: laging may dahilan ang pagtawag nila...
    Lesson #2: laging latest chikka na di makapaghintay bukas ung reason na un...


    Nakakita na ko ng ipapasa kong kowt at nagsimula nang gawing group message un... Pa-ubos talaga ng load eh...


    Ako: Anoh na?
    Crizelle: Oh sige na nga...


    See? :Smile


    Crizelle: Narinig mo na ba ung pinagkakalat ni Abby?


    Langya, si Abby nanaman?!


    Ako: Suz, care ko ba sa kanya? Ipagkalat nya pang maganda sya, sinong maniniwala?
    Crizelle: Oh no... Sa tingin ko may care ka dito, dahil may kinalaman ka dito...



    Ako? ???


    Ako: Huh? ???
    Crizelle: Okay... Ang narinig ni Lisette, na narinig kay Mike, na narinig kay Jazzy --
    Ako: Okay! Okay! Endless chain na ng people yan... Ano ba ung narinig ng people na un?
    Crizelle: Uh okay... *ahem*



    Toot!


    Tumingin ako sa cellphone ko... Check Operator Sevices na... Tinapon ko na sa may paa ko ung cellphone at nag-stretch pa... Hmm...antok! -__-



    Crizelle: Sabi nya iniwan ka raw ni Johann para sa kanya...
    Ako: WHAaaAATTTtTTTTt?!?!?!? OoO


    Napatayo akong bigla... Uh-oh...head rush... Nag-blink ako nang ilang beses para bumalik ung paningin ko at tumigil ang pag-ikot ng world...


    Crizelle: Well, yah... un ang pinagkakalat nya...
    Ako: Bruhang un! Ang kapal naman ng face nya! >Sad
    Crizelle: Anong gagawin mo?
    Ako: Bahala na...
    Crizelle: Nyekz! Ano ka ba naman?!?! Wala ka man lang gagawin? Kung ako un, nasapak ko na un at pinaliguan pa ng tubig sa pond!
    Ako: (natawa) Parang ikaw ang siniraan ah... :Smile
    Crizelle: Ava, op cors...wat are prendz are por! Very Happy



    Tumunog ung cp ko... Ahyan na ung mga nagrreply pabalik ng mga kowts... Kinuha ko ung cellphone at binuksan ung message...


    Si Johann... ???



    Crizelle: Uy, may nagmamahal... Sino yan?
    Ako: (automatic na answer) Si Johann...
    Crizelle: OOOOoooohhhhh.... Anong sabi?
    Ako: Wala...kowt lang...
    Crizelle: Ano ngang sabi? Basahin mo sa'kin...



    Huh? ???



    Ako: Bahket pa? Eh hahalughugin mo rin naman cellphone ko bukas para mangopya ng kowts...
    Crizelle: Oo nga noh... Pero trip ko nang pakinggan ngayon eh... Razz



    Oh chigi... Payag na... :Smile


    Ako: Oo na... panalo ka na...
    "Napadaan ka, sabe ng kaibigan ko "di ba minahal mo yan?" sabe ko "sobra" sabe nya "bakit mo pinakawalan?" sabe ko naman, "ndi naman ako eh, sya ung nangiwan..."

    Crizelle: Kowt un?
    Ako: Obvious ba?
    Crizelle: Loka! Nagdadalawang isip na yan tungkol sa break-up nyo! Itext mo na dali! Very Happy


    Ay sheesh!


    Ako: Wala na kong load eh...
    Crizelle: Eh di bumili ka...
    Ako: Di pwede... Bad trip si mommy... Di ako makakalabas...



    Nagdadalawang isip kaya talaga si Johann? Bahket di nya pa ko tinetext? Kumag talaga un!


    Narinig ko si Crizelle na nagtetext... After ilang seconds... (astig ang daliri nitong babaeng toh eh, ang bilis magtext!)



    Crizelle: Yan, pinabili ko si Jerome ng load... Hintayin mo na lang at issend nun syo ung pin #...
    Ako: 300 pinabili mo?! O_O
    Crizelle: Ya-ah! Ok lang un... Babayaran mo naman eh... Razz


    Ahyun nga... Pwede namang 30, naging 300 pa utang ko... -__-


    Crizelle: Chige na, babush na! Tawagan mo ko pag kayo na uhlet! Wink



    Binaba na ni Crizelle ung phone... At, after ilang minutes, dumating na nga ung load ko... Galing ni Jerome ah! Ang vilis! Very Happy


    Tinitigan ko ung cellphone ko... What if kowt lng pala talaga un? Eh di napahiya pa ko?


    Pero what if iniisip nya na nga talaga na makipagbati...?

    Ugh! Confucius nanaman! Ayoko pa naman ng na-cconfuse ako!


    Bago pa ko maging manok, tinawagan ko na si Johann...


    Oh my golay! nag-rring na! Nag-rring! O___O



    Eh ano bang inaasahan mo? :Smile



    Biglang tumahimik sa kabilang linya...



    Ako: Hello?



    Tao poh?



    "Hi!"



    Whow! O_O



    Bigla kong binaba....





    Bakit babae sumagot ng cellphone ni Johann? O_O


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:01 pm

    58:


    Kinabukasan, pumasok ako nang bad trip to the bones... Di ako nakatulog dahil tawag nang tawag si Johann hanggang sa pinatay ko na ung cp ko at dinisconnect ung telepono sa kwarto ko....

    Ayoko lang syang kausapin... Baka ma-sungitan ko lang to the max eh! At baka isipin nya hinahabol ko sya -- which medyo ginagawa ko pero ayoko lang pahalata... Razz



    Binagsak ko ung bag ko sa table naming magkakabarkada...



    Martha: Whow... Mukhang may nagkamali ng tulog sa kama ah... ???



    Iniisip ko na ang ibig sabihin nun ay "Someone woke up at the wrong side of the bed..." Pero, hayaan na lang natin syang gumawa ng sarili nyang version...



    Raven: Ano nangyari syo?
    Crizelle: Nakausap mo na ba si Johann? Di mo na ko tinawagan kagabi eh...
    Ako: Yah, well, tinawagan ko sya...
    Pauline: And?
    Ako: May girl na sumagot ng phone nya! >Sad



    Natahimik silang bigla...



    Raphael: Sino un? Si Abby ba un?
    Ako: Malay ko! >Sad
    Martha: Woist... Kakampi mo kami, remember? Relax ka muna dyan...
    Ako: (sigh) Sorry... Bad trip lang talaga ako...
    Crizelle: Gusto mo tanungin ko si Jerome kung anong nangyayari kay Johann?
    Ako: No... Break na kami, so care ko ba kung meron na syang iba? Kahit sino pa un... Si Abby man o kung sinong napulot nya dyan sa tabi-tabi... Wa care ako!


    Whoosah! Daig mo pa ang tupperware, Marjorie!



    Martha: (napatingin sa likod ko) Speaking of the bruha...



    Umikot kaming lahat, at nakita namin si Abby... As usual, nakadikit nanaman kay Johann... Bruha talaga un! Una, kung ano-ano pinagkakalat nya.. Ngayon, feeling nya sila na?!? >Sad



    Akala ko ba wa care ka na? :Smile



    May hinalungkat ako sa bag ko, tapos hinaltak ko si Raphael para samahan ako...



    Raphael: San tayo pupunta? Aray, wag mo naman akong kaladkarin...


    Hinarangan naming dalawa ung nilalakaran ni Abby at Johann...



    Johann: Marge... About kagabi--



    Dinedma ko sya, at tiningnan lang nang masama si Abby... Wa care ako sa mga taong tumitigil para tingnan kung anong mangyayari... Langya, ganon na siguro karami ung nakarinig nung tsismis! GRRRRRR! >Sad



    Ako: Anong narinig kong may pinagkakalat kang tsismis?
    Abby: Wala noh...
    Ako: Haller?!? Ako kausap mo... I ALWAYS hear kung anumang tsismis ang kumakalat...


    Nakita ko si Abby na napa-step backward...



    Johann: Marge...
    Ako: Shut up! May kasalanan ka pa sa'kin! >Sad



    Tumahimik nga si Johann... Di ko alam kung anong kasalanan nya... Trip ko lang sabihin un para may effect naman... Very Happy



    Raphael: (bulong sa'kin) Marge, wag kang manununtok... Di kayo best friend nung Discipline Officer...



    As if di ko alam... :Smile



    Nilapitan ko si Abby at inabot sa kanya ung hawak kong papel...



    Ako: Bakit di ka na lang bumili ng vacuum cleaner? Yan ang uso sa mga bruha ngayon... Tapos, gamitin mo na rin, dahil next time na nakita kita, ipapakilala na talaga kita sa basurahan!



    Tapos nun, hinaltak ko na uhlet si Raphael pabalik sa table namin...



    Crizelle: Kung ano man ung sinabi mo, mukhang tumalab.. (nakatingin sya kay Abby na iniwanan na ni Johann) Handa nang himatayin si Abby oh... Daig nya pa ang apple sa sobrang pula! ;D
    Martha: Mapa-speechless ka ba naman dahil sa isang junior... Nakakahiya para sa kanya un noh... 4th year na sya... :Smile
    Pauline: At sa dinami-dame ba naman ng koneksyon ni Marjorie, may karapatan syang matakot... ;D
    Raven: (tumingin sa'kin) Di mo kinausap si Johann?


    Ngumiti ako... Medyo gumaan ung pakiramdam ko sa ginawa ko eh... wahahaha... pangpalipas ng galit... effective! Very Happy


    Ako: Sya ang lumapit sa'kin... Bahket ako lalapit eh di naman ako ang magpapaliwanag...
    Raphael: Ay ang taray! Very Happy
    Pauline: Pero, lam mo, sa tingin ko, hindi naman si Johann at Abby eh... Kasi kung sila, eh di dapat pinagtanggol sya ni Johann... di ba?



    Sa tingin ko rin...



    Crizelle: So... Sino ung sumagot nung cellphone ni Johann? ???


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:01 pm

    59:


    Usual-usual ang takbo ng schedule ko... Kain ng Clover sa English class... Magpasaway sa CL class... Matulog sa THE class... at makipagtsismisan sa teacher ko sa Filipino class... Nung lunch, happy-happy na uhlet ang mood ko habang pababa kami ni Crizelle sa cafeteria... Nakita ko pa si Justin -- kaya nagpabili na ko ng makakain... Ang angas noh? Happy naman silang ibili ako eh, tska pera ko naman un noh... Very Happy


    Ilang minutes bago matapos ang lunch -- naubos ko na ung siomai ko....



    Raphael: Oh my super pretty eyes! Totoo ba itich na nakikita ko?!



    Napatingin kami sa tinitingnan nya...


    Oh my golay! O_O


    Martha: Di ba yan ung kasama mo sa commercial? Ano nga name nya?
    Pauline: Carlo... Very Happy


    Nagtinginan silang lahat sa'kin...


    Teka, pupulutin ko lang ung nahulog kong puso...



    Ako: Ehwan? O_O
    Martha: Langya, ang gwapo pala nyan lalo sa personal! (hinila ako) Lapitan natin...
    Ako: HuH?!? Bahket? O__O
    Martha: Para tanungin kung anong ginagawa nya dito...at syempre, para ipakilala ako noh... Joke lang... Very Happy



    Haaaayyyy... :Smile


    Nilapitan namin si Carlo habang naglalakad sya...



    Ako: Oist!
    Carlo: Uy! Marge...


    Tumigil muna sya sa paglalakad... Medyo sinipa ako ni Martha...


    Ako: Ay, nga pala, ehto si Martha... Martha, si Carlo...



    Nag-shake hands sila... Wahsush... Namumula na si Martha... At napapansin ko ring tumitingin kay Carlo ung mga nagdadaanan na babae...


    Haaaaayyy... lakas talaga ng hatak nito sa mga babae...



    Ako: (tingin kay Carlo) Ano nga pala ginagawa mo dito?
    Carlo: Di mo alam?
    Ako: Kung alam ko, sa tingin mo tatanungin pa kita?
    Carlo: Hala, nagsusungit ka nanaman... :Smile Nag-inquire lang ako about the enrollment...
    Ako: Bahket? ???
    Carlo: Anoh ka ba naman? Igno ka talaga...


    Binatukan ko nga sya...!


    Carlo: Aray naman! (napahawak sa ulo nya) Child abuse ka naman!
    Ako: Sira! Mas matanda ka sa kin noh...
    Carlo: Eh talaga? ???
    Ako: Avah, malay ko... Trip ko lang sabihin un... Anoh nga ginagawa mo dito?
    Carlo: Tanda mo na talaga... Di ba sabi ko dito na ko papasok next year?
    Martha: Eh?!? O_O



    Napatingin kami kay Martha...



    Martha: (medyo namula) I mean... uh, never mind...
    Ako: (tingin uhlet kay Carlo) So seryoso ka na talaga?
    Carlo: Yup! Di naman siguro magagalit si Johann di ba? Wink
    Martha: It's not like nandito sya next year... Eh ilang dagat na layo nya sa panahon na un...
    Carlo: Aalis si Johann? ???
    Martha: Yah... Lilipad na sa America for college...



    Tumingin sa'kin si Carlo... No comment ako kaya nag-shrug na lang ako... Eh ano sasabihin ko?



    Martha: Kaya nga sila nagbreak ni Marjorie --



    Siniko ko si Martha... Too much info!



    Carlo: (nabigla) Break na kayo?!?! O_O
    Ako: Yah...
    Carlo: Aahhh....



    Awkward silence... Ganon ba talaga nakakagulat un?


    Carlo: (napatingin sa relo nya) Oops... Kailangan ko nang umalis... Papatayin na ko ni Kuya Jimmy... (tumingin sya sa'kin) Oo nga pala... Natanggap mo ba ung sulat ni kuya?
    Ako: Anong sulat? ???
    Carlo: Ung nag-iimbita para sumali ka sa modeling talents nya... Di ka ba nakatanggap? Imposible... kasi ikaw iniisip nya nung naisip nya un... Natuwa syo! ;D
    Ako: Aahhh... yah, nakatanggap ako... Kaya lang, di pa ko sure kung gusto ko... Baka mahirapan ako lalo sa studies ko eh...
    Carlo: Suz naman... Ay, ganito na lang... Mamaya, may party dun sa bahay nung isa sa mga recruit ni kuya... Punta ka... Sunduin kita snyo...


    Hm? ???


    Carlo: Sige na, mag-eenjoy ka kasama ung mga un... Di sila nangangagat... Wink


    Welll... Sabado naman bukas... And kesa naman tumunganga ako sa bahay... Magliliwaliw na lang ako! Very Happy



    Ako: Okay... Malayo ba un?
    Carlo: Galing sa bahay mo?
    Ako: Duh! Syempre... :Smile
    Carlo: Sungit... Razz Yah, medyo... Bahket?



    Ayyyy... ibig sabihin mag-momotorcycle pa rin kami... Langya, magugulo nanaman hair ko... -__-



    Ako: (sigh) Wala lang... tanong ko lang... Sige na, lumayas ka na nga...
    Carlo: Hehe... Sige poh, ganda, alis na ko... Sunduin kita ng around...uhmmm... 7 okay?
    Ako: Yah sure...
    Carlo: Sige na, bye... (tingin sya kay Martha) Nice meeting you...
    Martha: Kaw din...



    Pagkaalis ni Carlo...



    Martha: Owh my gosh! Ang gwapo!!! Very Happy




    Haaaayyy... ang effect nga naman ni Carlo... :Smile


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:01 pm

    60:


    Nung gabi, all set na ko para lumayas... Nakikipagtsismisan na lang ako kay mommy na nanonood nanaman ng kung anong soap opera... Hilig mag-emote ni mommy eh... :Smile Maya-maya, may nagdoorbell na... Napatalon na ko para buksan ung pinto...


    Nandun sa labas si Carlo, patingin-tingin sa paligid na parang inaabsorb lahat ng nakikita nya... Casual lang suot nya...pero whoooow! Very Happy



    Carlo: Ready ka na?
    Ako: Yup... Wait lang, paalam lang ako sa mommy ko...



    Sumama sya sa loob para raw magpaalam din... Feeling close... :Smile Trip naman ni mommy ung pagkafeeling close nya... haaaaaaayy...


    Sa labas, naka-park ung motorcycle nya... Inabot nya na sa'kin ung isang helmet..



    Carlo: Para naman di masyadong magulo buhok mo...


    Haaayyy...



    Di ko alam kung nasan na kami, basta mukha namang alam ni Carlo kung san kami pupunta, kaya kumapit na lang ako... Maya-maya, tumigil kami sa harap ng isang condominium... May pondo ung nagpapaparty... ;D


    Pagkatigil namin, naglabas kagad ako ng suklay... Napatingin sa'kin si Carlo...



    Carlo: (ngiti) Di naman ganon kagulo buhok mo eh... Nakakatakot pa rin itsura mo... Very Happy


    Binatukan ko nga sya... Yah, I know... Nagiging suki na ng pangbabatok ko yang si Carlo...



    Pagkasuklay ko ng hair ko, pumasok na kami, sumakay sa elevator (YAh! Very Happy ), at tumigil sa rooftop...



    Ako: (bulong kay Carlo) Uhmmm... bahket nga pala nagpapaparty tohng Vincent na toh?
    Carlo: La kasi parents nya...



    Lumapit kami sa isang kumpol ng mga babae at lalaki na nagkakatuwaan dun sa isa sa mga mesa...



    Carlo: Uy!



    Nagtinginan sila kay Carlo, tapos sa'kin...



    Girl na malapit sa'kin: Uy, ito ba si Marjorie?
    Carlo: Yup...



    Isa-isang pinakilala sa'kin ni Carlo ung mga people... Tapos umusog na rin sila para paupuin ako at si Carlo...



    Cherry: Ang ganda mo pala talaga... Bahket di mo tinanggap ung invitation ni Kuya Jimmy?
    Ako: Baka kasi mahirapan ako i-balance ung studies ko and modeling...
    James: Naku, okay lang un... Sino bang may kailangan ng studies kung sikat ka nanaman? Very Happy
    Faye: Sira, manahimik ka nga dyan, James... (tumingin sa'kin) Di naman araw-araw ung modeling workshops at photoshoots... Nung una, ako rin akala ko mahihirapan ako, pero as time goes by, okay na naman...



    Bakit ba parang gustung-gusto nila akong isali? -__-



    Melanie: Dali na, sali ka na... Attend ka next Saturday... Mag-eenjoy ka, promise! Very Happy
    Carlo: Kitam, sabi syo may back-up akong sumali ka eh... Wink
    Ako: Yah, pansin ko nga eh... :Smile
    Vincent: (inom sa baso nya) The more the merrier... Kaya wag nang magdalawang isip pa, sumali ka na... Smile
    Cherry: (bulong sa'kin) Aspiring Market-Advertiser yan, kaya pagpasensyahan mo na...
    Trish: Di mo naman kailangan sumagot ngayon.. (kuha cellphone nya) Kinukulit ka lang ng mga yan... (inabot sa'kin ung cp) Lagay mo # mo, tapos pa-ringan mo na rin cp mo, para makuha mo # ko...



    Pagkalagay ko nung number ko, isa-isa na rin ibinigay sa'kin ung mga cp nung iba para gawin ung ginawa ko sa cp ni Trish... (Getz nyo?)... Very Happy



    Maya-maya, medyo nagdisband na ung grupo para kumain, mag-kakanta at kung ano-ano pa... Naki-join ako kina Cherry at Faye na nanonood ng billards nina Carlo, Vincent, Pao, at Marco...



    Cherry: Kayo ba ni Carlo?
    Ako: Huh?! Hinde ah! O__O
    Faye: Really? Akala ko pa naman kayo na... Since nung commercial nyo, nagulat pa ko kasi ikaw lagi bukang-bibig nyang mokong na yan... :Smile



    Ganon? ???



    Cherry: Pero balita ko may bf ka raw ha...
    Ako: Uhm, nagbreak na kami...
    Cherry: Bakit?!




    Nakz, sobrang interesado ah... :Smile


    Ako: Mga misunderstandings lang...
    Faye: Yang si Cherry, kakabreak lang din... Pinagpalit sya nung ex nya for someone else -- na nakilala lang sa net!!!...
    Ako: (tingin kay Cherry) Awww... I'm sorry...
    Faye: Naku, wag... Nakarma na naman un.. :Smile
    Cherry: (natawa) Ang narinig ko, ang pangit daw nung gurl... na nung nag-eeyeball sila, nagtago ung ex ko... ;D Hmpf, buti nga sa kanya... Kung ano-ano kasi pinaggagawa...



    Uminom na lang ako sa baso ko... Di ko namalayan na nakatayo na pala si Carlo sa tapat ko...


    Hmmmm...bango-bango... Amoy Penshoppe! Very Happy



    Carlo: Oist, 10 PM na... uwi na tayo...
    Cherry: What?! Uuwi na kagad kayo? Bakit?
    Carlo: Kasi, sabi ko sa mommy nya iuuwi ko sya ng maaga... Bahket, may reklamo?
    Faye: Oooohhh... Nakilala si mommy ha... (medyo siniko nya ko -__-)
    Carlo: (namula) Tigilan nyo nga ako... (hinila na ko) Tara na...
    Ako: (napatalon mula sa inuupuan ko) Aray naman... Dahan-dahan, mahal ko ung braso ko...


    Nginitian nya lang ako, tapos nagpaalam na sya kay Vincent... Maya-maya, nasa labas na uhlet kami, at inabot nya na uhlet ung helmet sa'kin...


    Carlo: Nag-enjoy ka ba?
    Ako: (sinuot ung helmet) Yah...
    Carlo: Tingin mo okay ung mga taong un?
    Ako: Yup... Mabait naman...
    Carlo: (sumakay na sa motorcycle) Eh di aatend ka na nung workshop sa Sabado? Smile



    Haaaayyyy...sabi na nga ba, dun pupunta toh eh...


    Ako: (sumakay na rin at pinulupot na ung braso sa waist nya) Ehwan... Tatanungin ko muna si mommy...



    Binuksan nya na ung motor, pero bago kami umalis, nagsalita muna sya...



    Carlo: Lam mo, I really, enjoyed this night....kasi kasama kita... Wink


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:01 pm

    61:



    Halos 11 na nang makarating kami ni Carlo sa bahay... Hinintay nya lang ako makapasok tapos umalis na sya... Ako naman, napulot ko na uhlet ung puso ko... Nahulog dahil sa sobrang bilis magpatakbo ni Carlo!!! Motorcycle pa un ah! Mangiyak-ngiyak na nga ako sa sobrang kaba eh... T^T


    So, anyway, kinaladkad ko na ang sarili ko papasok ng bahay, all the way sa kwarto ko... Antok na ko!!! Tinapon ko ung bag ko sa malapit na silya tapos, nag-collapse na sa kama...



    "Marge?"



    Binuksan ko ung isa kong mata... Nakasilip si mommy sa pinto...



    Ako: Hm?
    Mommy: May tumawag syo...
    Ako: (yawn) Sino? -__-
    Mommy: Si Johann...



    What?!?!?!?! O__O



    Yan, napatakbo nanaman kung saan ung antok ko...



    Ako: Sinabi mo ba kung nasan ako?
    Mommy: Tinanong nya eh...
    Ako: Mommy! OoO



    Oh my golay!



    Mommy: Hey, di ko gulo toh noh... Kaya nga masaya ako't di na ko teenager... :Smile




    Pagkatapos nyang sabihin un, umalis na sya at sinarado na ung pinto... Nagcollapse uhlet ako sa kama...



    Oh my golay... Bahket kaya tumawag si Johann?


    Eh kung itext mo kaya?


    Eh gabi na... Baka tulog na un... Tska, di ko pa nga alam kung sino ung sumagot nung cp nya eh...


    Haller?!? Kaya nga itetext mo lang eh... Para di obvious... Eng-eng ka talaga...



    Tinambak ko ung unan sa mukha ko... Eng-eng talaga ako... Awayin ba naman ang sarili!



    Kinapa ko kung san ko natapon ung cp ko... Tapos, nagtext...


    oi! gising ka pa ba? kung nagising ka, sorry...


    Nah, pampahaba pa yan eh...



    Erase, erase, erase...


    tumawag ka raw? y poh? mizz mo na ko? joke! rep ka ha... nite nite!


    Hmmmmm....ok na yan... Send...



    Siguro naman tulog na un noh? Kaya matutulog na rin ako, dahil talagang antok na ko... (Nahanap ko na uhlet ung antok ko! Very Happy )


    I need a soldier that ain't scared to stand up for me Gotta know to get dough
    And he betta be street--



    Anoh ba yan?!?! Di pa nga ako nanaginip may nanggigising na kagad?


    Kinapa ko uhlet ung cp ko, at dun ko na-realize na di pa pala ako nagbibihis... Hala, bukas na...



    "So...si Carlo ha..."




    Whooosah! Biglang bumukas ung mata ko... O___O



    Bubwit sa cornfield! Gising pa si Johann?!?!



    ____________________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:02 pm

    62:


    mgndang gbi rn syo..gcng k p pla.. ano c carlo?


    Naka naman... pa-innocent pa noh? Very Happy Pagpasensyahan nyo na... Ganyan talaga ang nangyayari pag tulog na ang utak mo at nagtetext ka pa...


    Napapapikit na ko nang biglang tumunog uhlet ung cp ko... Waah! Ang ingay! Vinibrate ko nga...


    Si Johann uhlet... Talaga gising pa ang mokong!



    magksama raw kayo ni carlo..san kayo pumunta?



    Wiheeee! Curious oh.. Very Happy



    Ako: (sige, tuloy ang pagttext kahit halos d ko na makita ung tintype ko!) bahket selos ka? joke! sinama nya ko dun sa party ng mga modeling talent..la lng..
    Johann: (text uhlet) ganon? kayo na ba?



    Waha! Asa... :Smile



    Ako: Nekie-nek mo...mas anyok ka pa pla skn eh... hahaha



    Pagkatapos ko i-send un, pinatong ko ung cellphone ko sa tummy ko... Iidlip muna ako habang di sya nag-rreply... Naka-vibrate naman ung phone eh... so... imaginin nyo na lang pag nagreply na nga sya... Razz :Smile



    yawn! antok na me... -__-



    ~~~


    Ummpf...


    Bukas mata...maliwanag na araw...



    nam...nam...



    Stretch pa...


    Umaga na...

    Gasp! Surprised



    Biglang kapa sa buong kama para sa cellphone...



    Oh my golay!

    1 Message Received pa nakalagay... Chuva chuchu!!! Natulugan ko si Johann!



    Binuksan ko kagad ung msg nya...



    mhal mo pa ba ko marge? d kta pinipilit n sagutin ng oo...kng hindi na, wag ka na lang magreply... getz ko na un...



    Bubwit!!!



    Sa dinami-dami nga naman ng message na pwedeng tulugan!!! Surprised


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:02 pm

    63:



    Ooooohhhhh...anong gagawin??



    Umagang-umaga, hinaltak ko si Crizelle sa basketball court (sya na kasi pinakamalapit ang bahay sa'min na madaling gisingin!)... Ang alam ko magppractice sina Johann ngayon ng basketball...
    Well, actually, di ko alam... Very Happy Nagdasal lang ako sa mga santo na kilala ko... Wag nyo na lang sabihin kay Crizelle na nanghuhula lang ako... Very Happy


    Pero, tingnan mo nga naman... May lugar talaga ang magaganda sa heaven (charing! ;D ), isa-isa nang nagdadatingan ung mga varsity... Wahahahaha... May practice nga talaga sila! Very Happy



    Crizelle: Siguraduhin mong ililibre mo ko ng lunch, dahil sa init na toh, mapapatay kita pag di sumipot si Johann!
    Ako: (yakap sya) Kaw naman... What are prendz are por... Very Happy



    Maya-maya, nakita na namin ung kotse ni Johann na nagpark dun sa may kanto... Tiningnan ako ni Crizelle...



    Crizelle: Well... mabuti pang takbuhin mo na sya... Mas konti tao dun sa posisyon nya...



    Sumunod naman ako, at patakbong lumapit sa kotse nya na kaka-lock nya pa lang... Pag-ikot nya...



    Johann: (napatalon) Ay pusa! Surprised
    Ako: Avah... marunong ka palang magulat... Very Happy
    Johann: (umikot para kunin ung gymbag nya sa trunk) Ano ka ba? Bigla-bigla kang sumusulpot!
    Ako: Sira! Kung di ka ba naman parang robot na gumagalaw dyan, eh di sana kanina mo pa ko napansin... :Smile



    Dinedma nya ko, at nagsimula nang maglakad papunta sa court... Syempre, ako naman, sunod lang...



    Ako: Galit ka ba?
    Johann: Hinde...
    Ako: Bahket di mo ko pinapansin?



    Biglang tumingin sa'kin si Johann...



    Johann: Ano bang inaasahan mo?! Kagabi --



    "Johannn!!!"




    Ay bubwit! Sino nanaman ba tohng storbo na toh?!?! >Sad


    Umikot ako para tingnan kung sino ung intruder... At lalong kumulo ang dugo ko! >Sad Napahawak nga ako sa ears ko, baka may steam nang lumalabas eh...

    Si Abby nanaman...


    Lumapit si Abby sa'min -- uhmm, actually kay Johann...



    Ako: Ikaw nanaman? Di ba ang sabi ko syo--
    Johann: Tama na, Marge.



    Napatingin ako kay Johann... Ehwan ko kung anong itsura ko -- bastah ang alam ko, shocked ako...



    Ako: What?
    Johann: Ako ang nag-imbita kay Abby na pumunta dito...




    Pagkasabi nya nun, tinalikuran nya na ko, habang nakasabit sa kanya ung bruhang un... Di pa sila nakakapasok ng court nang umikot si Abby para tingnan ako... And I swear, kung di lang ako nilapitan ni Crizelle, susuntukin ko paalis sa mukha nya ung ngiting suot nya.... >Sad



    Crizelle: Ano nangyari? Bahket may bruhang sumulpot? Di ba dapat mamayang gabi pa lilipad un?



    Hinila ko si Crizelle paalis... Nanggigigil ako sa inis... Gusto ko sapakin si Abby... Gusto kong sabunutan si Johann....



    Geez! Sana may malapit na walis na nakakalat nang nahabol ko ung mokong na un!



    Ako: Halika na nga, Crizzy... Mag-Jollibee na lang tayo... At least si Jollibee, may chicken joy!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:02 pm

    64:


    Simula nung araw na yun, halos di na kami nagpansinan ni Johann... Sa twing nakikita ko sya, nakadikit pa rin sa kanya ung Abby na un... Gusto ko na ngang batuhin ng basurahan eh! >Sad



    Ilang linggo pa ang lumipas... Sushi! Malapit na mag-prom... I can't believe na wala akong date! And worse, mukhang magkasama pang pupunta sina Johann at Abby sa prom! Grrrrrrr!!!!



    Nung lunch, a week before nung prom, nagkaron ng assembly about the rules at kung ano pang mga chuchu... As usual, excuse ko lang naman ung assembly na un para magbasa ng Pugad Baboy na dala ng kaklase ko araw-araw... Very Happy



    Nag-eenjoy na ko ng pagbabasa nang biglang sumulpot sa mukha ko si Martha...



    Martha: Marge! Narinig mo un? Malamang hinde, kailan ka ba nakinig?
    Ako: Shoo, go away, nagbabasa ako noh...
    Martha: (inagaw ung libro sa'kin) Anoh ba?! Makinig ka nga!
    Ako: Oi! Anoh ba yan? Ano nanaman bang narinig mo?
    Raphael: (tinulak si Martha para makausap ako) Loka, di mo talaga narinig? Ehto na ang answer to all your problems, the miracle of all miracles, the realization of the dream, the fulfillment of the fantasy... Very Happy
    Crizelle: Saang libro mo nanaman nabasa yan?
    Raphael: Gaga, sa internet ko nabasa un noh... Very Happy
    Martha: Wahsushu... Tama na nga kayo... Si Marjorie kausap ko noh... May mga date na kayo sa prom -- except si Rap -- kaya hayaan nyo nang answer to all chuchu itich ni Marge...


    Ehto ang dahilan kung bahket medyo sa gitna kami nauupo... Pag nagdaldalan tohng mga toh, walang tigil... Pati si Raven at Pauline, nakiki-join na rin... Haayy... Kasi pag sa harap kami naupo, kitang-kitang di kami nakikinig... Pag sa likod na likod naman, parang nagtatago, di va? Razz


    Wait lang, balik tayo sa usapang di ko narinig dahil sa pagbabasa ng Pugad Baboy...



    Martha: Okay, (tingin sa'kin excited pa) ganito, para sa date mo sa prom, bakit di mo imbitahin si Carlo?



    HUWAAAatTTtT?!?!? Nababaliw ka na ba?!? Surprised Surprised



    Crizelle: Hey, great idea...
    Raphael: Siguradong sasama un...
    Raven: Medyo close na naman kayo...
    Pauline: Oo nga, invite mo na sya...



    Back and forth ang tingin ko sa kanila (nasa gitna kasi ako eh)...Nababaliw na ba silang lahat?! Surprised



    Ako: Okay lang kayo? Haller?!? Ano na lang sasabihin ni Jo..hann... :-X
    Martha: (turo sa kabilang dako ng room kung saan nakaupo ung mga seniors) Well, sa pagkakasabit sa kanya nung tarsier, di nya na naman siguro ma-nnotice kung sinong dala mo...



    Tumingin ako sa tinuturo nya... Ohkayyy... may point sya dun... Daig pa nga ni Abby ang tarsier kung makakapit eh!


    Ako: (kinuha uhlet ung Pugad Baboy kay Martha) Pero di naman sya dito napasok eh...
    Pauline: Anoh ba yan? Di nakikinig? :Smile
    Crizelle: Oo nga... Sabi ni del Mundo, since marami raw na students here ang may relationship out of campus, at may space pa naman sa building na gagawin ung prom, so why not invite kung sino mang date ang taga-outside...
    Raven: Kaya imbitahin mo na si Carlo... May date ka na, may papable ka pa! Very Happy



    Binuksan ko na uhlet ung libro ko at hinanap kung nasang page na ko... Seryoso talaga tohng mga toh... Gusto talaga nilang imbitahin ko si Carlo sa prom...


    think think think...


    Si Carlo... ako... sa prom...


    Hmmmmm....





    Wala namang masama di ba? Razz




    _______________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:02 pm

    65:


    Isang linggo na ang lumipas... Oh yeah, umatend nga pala ako nung modeling workshop ni Kuya Jimmy, and gwabeh enjoy! Very Happy at syempre, dahil maganda ako, niyaya ko na rin si Carlo sa prom (connectment noh? Razz )...



    So, ehto, 6:30 PM at nakatitig pa ko sa mirror... nag-iisip ng kung ano pang gagawin ko sa sarili ko... syempre, gusto ko maging all-pretty -- lalo na't tatalbugan ko ung Abby na un... >Sad Ahem!


    Maya-maya, may nagdoorbell na, at narinig ko na tawag ni mommy... Si Carlo na siguro un... Hinagilap ko na ung white purse ko at binuhos ung mga kikay utensils ko...


    Lipgloss (ayoko ng lipstick eh, panget lasa! Very Happy ), blush-on, suklay, hair-pin, eyeliner, mascara... okay na!


    Sinuot ko na ung high-heeled sandals ko (matangkad kasi si Carlo eh! yoko naman magmukha kaming magtatay noh...), at lumabas na ng kwarto... Pagbaba ko ng hagdan, nandun si Carlo, may hawak na corsage -- natulala sa'kin...


    Ako: (lumapit sa kanya) May papasok nang langaw sa bunganga mo, di mo pa alam... :Smile
    Carlo: Wow... O__O
    Ako: Ano? ???


    Okay, na-over dress-up ba ko? ??? :-X


    Carlo: Mukha kang babae! Very Happy


    O__O


    Hinampas ko nga sya... -___-



    Ako: Sira! Girlaloo naman talaga ako noh! >Sad


    Tumawa sya, tapos inabot na sa kin ung corsage... Pinicturan kami ni mommy sandali, tapos pinalayas na...

    Sa harap nung bahay, may naka-park na white na car...


    Ako: Sa'yo yan?
    Carlo: Hinde, carnap ko lang yan... :Smile
    Ako: Ha..ha... Ano nangyari sa motorcycle mo?
    Carlo: Gusto mong pumunta sa prom sakay ng motorsiklo?!


    Oo nga naman, Marge... Ano na lang itsura mo nun? Razz :Smile


    Pinagbuksan nya ko ng pinto, tapos umikot sya sa harap nung car para sumakay sa driver's seat... Tumingin ako sa salamin...


    May suot akong white, spaghetti-strapped dress na nag-ffall a little above my knees...may nakapulupot sa arms ko na white shawl, or kung ano mang tawag dun (ung soft na tela na nakasabit sa mga arms mo)... Tapos ung hair ko, la lang.. Very Happy nothing special, naka-braid lang sa likod ko tapos nilagyan ni mommy nung maliliit na flowers (na di ko alam kung san nya napulot)... silver earrings na F na F ko ung pagdadangle sa twing gumagalaw ako, silver na bracelet...at silver necklace -- ung regalo ni Johann...



    Carlo: (nag-simula nang mag-drive) Tama na tingin, oy, maganda ka na... Baka mabasag ung salamin, papatayin ako ng bro ko...
    Ako: Uh, tatawa na ba ako?
    Carlo: Wahahahaha... Sungit... Very Happy



    Gosh, I can't believe na stuck ako whole night kasama tohng pasaway na toh...


    Haaaaaay... :Smile


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:03 pm

    66:


    Ilang oras na kaming nasa prom... Nakita nyo sana mga reaction ng mga people nung naglakad kami ni Carlo papasok... As in parang red sea! Very Happy ;D Tapos, halos bawat galaw namin, may mga babaeng sumusunod (pa-simple pa, kukuha lang naman ng pictures... :Smile )... Best of all, nakita nyo sana ung mukha ni Johann! Very Happy


    Enjoy talaga me sa attention at sa mga pasulyap-sulyap ni Johann -- na halos di naman pinapansin si Abby, na parang tarsier pa ring nakasabit sa kanya... Siguro tingin ni Abby branch sya ng puno kaya ganon na lang makasabit un! Very Happy



    Malapit na matapos ung prom... Naupo muna kami ni Carlo (bubwit na high-heels yan! T-T), kasi i-aannounce na ung prom king and queen... Syempre, picture-picture muna habang may time... Wink Pose kami ng mga tropa ko (si Carlo dakilang cameraman! wahahaha), tapos maya-maya, tinira ko na ung pagkain na nasa mesa... Pag malakas kumain mga kabarkada mo, asahan mong lagi may pagkain sa mesa! Very Happy


    Nung banggitin ung name ni Crizelle as the first candidate for prom queen, napa-bigay attention kami bigla! Avah, ang inaasahan namin, puro seniors ang candidates -- eh maglalayasan na ung mga un eh!


    Tapos si Raven tinawag rin -- todo attention na yan... Very Happy May ilan pang mga tinawag na seniors, pito na nga yata eh... Ako naman, balik sa pagkain nang biglang lumiwanag ang world ko!


    Uh-oh... O__O



    Announcer: And last but not the least, Marjorie Ann Reyes!



    Langya namang timing yan, kumakain pa ko eh!



    Tinulak ako ni Raphael para tumayo, pinunas ko muna ung hands ko dun sa napkin, tapos naglakad na sa stage at tumabi kina Raven at Crizelle...



    Crizelle: Tingnan mo nga naman ang mga sinuswerte... Tatlo lang tayong 3rd year...
    Raven: Hirap na maging maganda eh! Very Happy
    Ako: (tingin sa table namin) Sana di ubusin ni Raphael ung cake ko...



    Naghintay lang kami sandali habang inaannounce naman ung mga names nung candidates for Prom King... Bahket ganon? Isang 3rd year lang ung tinawag, tapos ngayon puro 4th year na...


    Announcer: And of course, mawawala ba sa mga candidates si... (tingin sa'kin) Johann Lee Vargas!


    Oh boy...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:03 pm

    67:



    Okay, kalimutan mo na ung cake! Magdadasal na ko!



    Crizelle: (bulong sa'kin) Wouldn't it be interesting kung kayo ni Johann maging king and queen? Very Happy


    Langya, un nga pinagdadasal ko na wag mangyari eh!


    Hinawakan nina Crizelle at Raven ung mga kamay ko -- parang pang-support ba kung sakali ngang mangyari un... Kinuha na nung announcer ung envelope (parang Ms. Universe noh? Very Happy ), and tumingin sa mga people sa nanonood...



    Please wag poh ako...wag poh ako...wag poh ako... wag poh ako...

    Ay teka... bahket ako pinagdadasal ko eh ang saya-saya maging prom queen?

    Again...

    Please wag poh si Johann... wag poh si Johann... wag poh si Johann...



    Announcer: The Prom King for the year '03-'04 is... (tingin sa side) Drumroll please...


    La drumroll...


    Announcer: Huy, ung drumroll!



    Ano ba yan?! Mag-nnervous breakdown na ko dito, pa-drumroll drumroll pa... Eh kung i-roll kaya kita ngayon?!?!



    Announcer: (pagkatapos nung drumroll) Is... Johann Lee Vargas!



    Ay sheesh...


    Nagpalakpakan ung mga people, may narinig pa nga akong sumigaw (na lalake!) ng "I love yooouu!!!"... Tiningnan ko si Johann... Namumula...wahahahaha... Very Happy ;D Tumayo sya dun sa elevated platfrom nung stage...


    Announcer: Okay... ngayon naman, for the prom queen... (drumroll -- nakz, natuto na kung sino man ung nagddrumroll na un!)... Ladies and gentlemen, prom queen for year '03-'04 is...


    Oh Lord, wag Nyo poh akong panalunin at... at...


    Announcer: Marjorie Ann Reyes!


    Oh well, never mind, Lord... -__-


    Crizelle: (biglang yakap sa'kin) OMG!! Nanalo ka! Iba na talaga ang psychic powers ko! Very Happy


    Naghiyawan ung mga tao sa building... Sino ba naman kasing di nakakaalam ng everythang between meh and Johann nowh?! :Smile


    Inalalayan ako nung announcer papunta dun sa elevated platfrom para maki-join kay Johann... Nung binitawan nya na ko... Tumingin ako kay Johann na nakatingin din sa'kin...


    So okay, magtinginan na lang tayo para masaya... Razz


    Announcer: Ladies and gentlemen, your JS Prom King and Queen 2003-2004!



    Weh! Shut up! Hinayaan ko ung mga tao na ikabit sa kin ung crown ung ribbon at nag-abot pa nung stick -- ceptyr ba tawag dun? Whatever! Very Happy


    Announcer: Okay... (nagsignal sa audio room sa likod) First dance as king and queen please...


    Oh my golay!


    Johann: (medyo nagbow and inextend ung hand nya) May I have this dance?



    Yuck, ang formal ng mokong...



    Ako: (kinuha ung hand nya at nagpa-lead sa dancefloor) Wag ka nga masyadong formal, kinikilabutan ako eh...
    Johann: Wag ka ngang ganyan... Alam mo ba kung ilang oras bago ko na-suot tohng tux na toh! Avah, kailangan ko nang lubus-lubusin para naman sulit ung pagod ko!


    Nagstart ung song na sweet, slow... Wag nyo nang tanungin kung anong title, kasi di ko alam.. Yinakap ako ni Johann, tapos dahan-dahang sinayaw...


    Johann: (bumulong sa'kin) Namiss kita....


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:03 pm

    68:


    Napatingin ako sa kanya... Avah, unexpected un ah... Namizz mo kowh?!


    Ako: Owz? May Abby ka naman, namiss mo pa ko?
    Johann: Hala, napupuno na nga ako dun eh... Sobra kung makadikit... Minsan nga akala ko may kung anong Mighty Bond ako... Di mo ba ko namiss?
    Ako: (pinatong ung ulo ko sa chest nya) Sobra...


    Kung alam mo lang kung gano...


    Tahimik kami sandali... After nung song, dun ko lang na-realize na nakatingin pala lahat ng people sa'min... Malamang, naghahanap ng pang-tsismis bukas... :Smile After ilang minutes, may nag-play uhlet na kanta, as usual, slow pa rin, kaya, sige, tuloy kami sa pagsayaw! ;D


    Johann: Aalis na ko next week...


    Schreeeeeeech!!! Surprised Surprised



    Napatingin ako sa kanya bigla...



    Ako: What?!
    Johann: Sa Monday, next week... Lilipad na ko...
    Ako: Bahket...ang bilis naman... O__O
    Johann: Tapos na ung finals namin... Practice for graduation na lang... Kaya pinapunta na ko ni dad sa Amerika next week para di sayang ung time ko...


    Natahimik ako sandali... Di ko alam kung iiyak ba ko o i-bbody slam ko sya sa middle ng dance floor (yah, nakakahagilap naman ako ng Wrestling! Very Happy )...


    "I wanna make you smile whenever you're sad
    Carry you around when your arthritis is bad
    All I wanna do is grow old with you"


    Nagtigilan ung mga thoughts ko nung narinig ko ung starting song na un... Kinakantahan ako ni Johann...


    Johann: I'll get your medicine when your tummy aches
    Build you a fire if the furnace breaks
    Oh it could be so nice, growing old with.. you


    Nagsasayaw pa rin kami, pero wa care na ko sa world... Ni di ko na nga matandaan kung tumigil na ba ung music o nagpalit lang eh... Bastah... Kinakantahan ako ni Johann...


    Johann: I'll miss you
    Kiss you
    Give you my coat when you are cold

    Need you
    Feed you
    Even let ya hold the remote control

    So let me do the dishes in our kitchen sink
    Put you to bed if you've had too much to drink
    I could be the man who grows old with you
    (hinalikan nya ung top ng head ko)
    I wanna grow old with you...



    Niyakap ko sya lalo...



    Ako: Nakakasar ka talaga... :-[
    Johann: Bahket? Maganda naman boses ko ah...



    Ay, eng-eng...



    Ako: Sira! Aalis ka na pala next week, di mo man lang sinabi sa'kin... Di mo man ako kinakausap... :-[
    Johann: Kasi, nung isang gabi... Di ka naman nagreply... Akala ko... :-\
    Ako: Haller?! Alam mo ba kung anong oras na nun?! Nakatulog lang ako noh... Tapos kinabukasan, mas pinili mo na si Abby kesa sa'kin... It's hurts nowh?! Sya pa siguro ung sumagot nung cp nung tumawag ako...
    Johann: Ano? Kailan? ??? ???
    Ako: Nung...



    Kailan nga ba un?


    Ako: Nung wala ka... Tinawagan kita, may babaeng sumagot... :-\
    Johann: (natawa) Masyado talagang active yang imagination mo... ;D Pinsan ko un... Wala kasi ako, ni-rraid nya ung cp ko, nung tumawag ka, akala nya importante kaya sinagot nya... (hinila ng konti ung hair ko) At about kay Abby, never kong pipiliin un over you noh... Smile
    Ako: Really?
    Johann: (ngumiti) Ayaw mo? Okay! Very Happy


    Kinurot ko nga sya... -__-


    Ako: Bugs Bunny ka talaga!
    Johann: Bahket? Kasi cute ako? Very Happy
    Ako: Pang-aso lang ung cute, sira!


    Binitawan ko muna si Johann...


    Ako: Halika, labas muna tayo... Masyadong maraming mata dito eh...



    Tumingin ako sa table namin ng tropa ko... Busy si Carlo sa pakikipag-usap kay Martha (hmmmm...mukhang nagkakaintindihan ung dalawa Razz )...

    Paglabas namin ni Johann...


    Oh my golay! Ang la-MEG! Surprised


    Naramdaman kong may nagpatong ng coat sa kin...


    Johann: Medyo nawawala talaga minsan yang brain mo noh? Ang lakas ng loob mong lumabas, sa ganitong kalakas na hangin... :Smile
    Ako: Sorry ha... Ganyan talaga kasi minsan ang magaganda eh... Nakakalimutang bumili ng vitamins for the brain..


    Naglakad-lakad lang kami sandali, tapos tumigil dun sa ilalim ng puno...


    Johann: (tumingin sa sky) Uy, full moon oh! Baka bigla kang mag-transform dyan ha... Wink
    Ako: Wag kang mag-alala, uminom ako ng potion... Ikaw, baka lumabas ung mga balahibo mo... Very Happy
    Johann: Wag ka ring mag-alala, nagpa-shave ako this morning... (napatingin sya sa neck ko) Ahyan ba ung...
    Ako: (hinawakan ung necklace) Ya-ah... Bahket?
    Johann: La lang... tanong ko lang... Masama?



    Tahimik for a while... Tapos nag-reach ako para tanggalin ung necklace...


    Johann: Anong ginagawa mo? ???
    Ako: Di ba obvious? (natanggal ko na Very Happy )
    Johann: Bahket mo tinatanggal? ???
    Ako: (inabot ko sa kanya) Kasi gusto kong ibigay syo...
    Johann: Whoist! Ang laki ng nagastos ko dyan, ibabalik mo lang?! O__O


    Kuripot ka lang talaga noh... :Smile


    Ako: Sira! Sinong may sabing binabalik ko? Someday, pwede ko tohng isangla noh... Very Happy
    Johann: (kinuha ung necklace) Eh, bahket mo inaabot sa'kin?
    Ako: Para di mo ko makalimutan pag-alis mo... Suotin mo lagi, para pag may nakita kang iba, maalala mong mas maganda ako dun!
    Johann: (sinuot ung necklace -- bahket parang ang bilis nyang nasuot?!) Hala, ang lakas ng confidence mo ah... bagong bili? :Smile
    Ako: Yup... Ibabalik mo pa sa'kin yang necklace na yan ha... ingatan mo!
    Johann: Opo, ma'am!
    Ako: Gusto ko pagbalik nung necklace... gusto ko... :-[ :-X :-[


    Swallow the hiya!


    Ako: Gusto ko....kasama ka...okay?... :-[


    Niyakap ako ni Johann...


    Johann: Wag kang mag-alala... Sisiguraduhin kong babalik toh syo...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:03 pm

    69:


    Isang linggo pa kami nagkasama ni Johann... Let's see... Nag-shopping, kumain sa Jollibee, nanood ng mga romantic movies... :Smile Oist, may ginawa naman kami na sya may gusto noh: magpa-SPA!!! wahahaha... nag-enjoy talaga sya dun... Very Happy ;D


    Nung Monday, nagpicnic kami ng mga kabarkada ko sa park... Way raw un para matanggal ang isip ko sa pag-alis ni Johann... Funny... eh ang dame-dameng lumilipad na eroplano sa langit... -__-


    6:45 PM na...



    Pauline: Okay... (tumingin sa hawak nyang plastik) Oh no! Surprised
    Ako: Bahket? ???
    Pauline: (nilabas ung Piatos na laman nung plastik) BBQ ung nabili ko, hinde cheese... Bad, bad... T_T


    Ang laki ng mga problems nila noh? :Smile


    Biglang may maingay na eroplano na lumipad sa ibabaw namin ( sa langit naman noh... :Smile )...




    Nakaalis na si Johann....




    ~~~~~~~~~~~~~~~~
    Updates:


    Six years na ang nakalipas since umalis si Johann... Syempre, maganda pa rin ako! wahahaha... charing! Very Happy Pagbigyan nyo na ko noh, six years nang broken hearted! Very Happy


    So, anyway, I just graduated from college (St. Scholastica's College -- Fine Arts)... Pero bukod dun, busy pa rin me sa pag-mmodel... Yup! Nagtuloy-tuloy poh ang career ng lola moh! Ang taray noh? Very Happy Nakapag-shoot na ko ng billboard dyan sa C-5 at EDSA, at kumakalat na rin ang mukha ko sa mga TV commercials! Asensado talaga... Very Happy


    Teka, wag nyong isiping martyra ako noh... Since umalis si Johann, naka-walong bf na ko... un nga lang, walang tumagal... either too sweet, too serious, too playboy, or two kami sa buhay nya! oh well... :Smile


    Si Carlo... Kasama ko pa rin sa modeling world... Papable un eh... :Smile And, well, sila na ni Martha! Very Happy Yup, mag-ttwo years na yata sila -- and na-meet na nila ang mga families... Shosyal noh? So, un, happy-happy sya...model...still studying Engineering sa Mapua... happy sa lovelife..... Naka-reserve na nga ung Maid of Honor para sa'kin eh! Very Happy


    So ahyun... Jollibee happy na silang lahat... Kahit naman ako noh... Yun nga lang... kulang pa rin...


    Wala pa rin si Johann...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 4:05 pm

    Re: Grow Old With You ♣ |Re-Post| o1.16.2oo9
    « Reply #135 on: January 17, 2009, 08:51:13 am »

    Epilogue:



    Merry Christmas na! Very Happy Very Happy


    Well, almost... Dec 24 pa lang naman... Pero gabi na rin, so parang Christmas na rin di ba? Teka nga, ang gulo-gulo ko na... Pagpasensyahan nyo na... Galing ako sa shopping spree kasama ung pinsan ko eh (un na raw Christmas gift ko sa kanya -- halos maubos nga laman ng credit card ko eh...T-T )... Pinauna ko na syang umuwi, inuwi nya na lahat nung pinamili nya (na buong mall na yata!), dala nya naman ung car... Sabi ko mag-jjeep na lang ako...


    La lang... Naglakad-lakad lang muna ako sa park... Medyo nag-iba na toh... May katapat nang McDo! Note to self: kumain ng chicken sa McDo bago umuwi... Masarap eh! Crunchy! Very Happy


    Pumunta ako dun sa tree sa dulo ng park at naupo... Ilang taon na rin akong pumupunta dito tuwing Pasko... Di pa rin dumadating ung hinihintay ko... Iniisip ko nga na baka di na sya babalik eh... Pano na lang ung silver necklace ko na pwede kong isangla? -__-


    Sumandal ako dun sa puno... Naalala ko pa, iniisip ko na baka alien ako kasi lagi akong iniiwan baka may abnormal sa kin... Ngayon ko lang naisip, baka naman dwende mga kamag-anak ko, hinde alien... O kaya naman...uhmmm... aswang? Very Happy Very Happy



    Pinikit ko muna mata ko... Malay mo noh, dumating ung elf ni Santa! Very Happy


    "Marjorie?"



    Kabayo! Kilala na kagad ako nung elf ni Santa?! I'm a very good girl... O__O


    Binuksan ko ung mata ko, at tumayo para tingnan kung sino ung tumawag sa'kin...


    Ang tangkad naman ng elf na toh?! Nanliliit tuloy ako...



    Ako: Yeah? ???



    Lumapit sa'kin ung tao, at medyo nailawan na...


    O_____O


    Oh my golay!



    Ako: Johann?! O__O



    Ngumiti sya...



    Ako: Ikaw nga!!! Very Happy Very Happy


    Napatakbo ako sa kanya -- naka-heels pa ko nyan, say nyo? Very Happy -- at sabay yakap...



    Johann: Whow! Very Happy (niyakap din ako) Uy, tumaba ka?
    Ako: Sira! (binatukan ko sya) Ngayon mo na nga lang uhlet ako nakita, mang-aasar ka pa...
    Johann: (hinila ng konti ung buhok ko) Kaw naman... pikon... Namizz ko buhok mo ha... Wala na kong ma-doorbell dun eh... Wink


    Nagtitigan lang kami sandali... Nakz, nagpa-highlight ng hair ang mokong...wahihihi... Di naman sobra, okay lang... Gwapo pa rin! yiiihhheeeee! Very Happy



    Johann: Ay, oo nga pala... (binitawan nya muna ako tapos may kinalas sa neck nya) Ibabalik ko na toh...



    Tiningnan ko ung nasa kamay nya... Well, alam nyo nanaman siguro kung ano un noh? Wink


    Ako: (kinuha ko ung necklace) Wow... Suot mo pa rin toh...


    Ganun pa rin ung necklace...ung singsing... "I'll Grow Old With You" pa rin ung naka-engrave...


    Ako: Yak, eh di pag pawis ka, suot mo pa rin toh?!?!
    Johann: Hoy, mabango naman ako noh... -__-
    Ako: Joke lang... Wink



    Tinry kong suotin ung necklace... Pero as usual, nahihirapan pa rin ako... Mapili ung kamay ko eh! -__- Tiningnan ko si Johann...



    Ako: A little help?
    Johann: Anoh ba yan? Kwintas na nga lang... :Smile
    Ako: Che!



    Sinuot nya sa'kin ung necklace, tapos hinawakan ung kamay ko...
    Umupo kami sa ilalim nung puno...



    Ako: J... :-X
    Johann: Hm?
    Ako: Kailan ka...babalik...?
    Johann: Saan? ???
    Ako: Dun.
    Johann: Dun? ???



    Ang slow naman!



    Ako: Kailan ka babalik sa Amerika?
    Johann: Sa tingin mo? Smile
    Ako: Avah, malay ko... Kung alam ko ba, itatanong ko pa?
    Johann: Ang sungit mo pa rin... Di na ko babalik...
    Ako: Owh? ???
    Johann: Di ako babalik, hangga't di kita kasama... Smile



    REEeeaaLLLLLyyyyy?!?!?! Surprised



    Pumulot sya ng bato, tapos may inukit sa puno...


    Ako: (pinapanood sya) Alam mo naman sigurong vandalism yan noh?
    Johann: (tuloy lang sa pag-ukit) La naman tao... Pag sinumbong mo ko, dadamay kita...



    Pinanood ko sya sandali, nung matapos na, tiningnan ko ung sinulat nya...



    Ako: "J and M...for life..." Abah, ano nangyari sa traditional na "forever"?
    Johann: Hala, para maiba naman... and for life...



    Tiningnan nya ko sa mata... Syempre, pag ganong kagandang mata ang tumitig syo, no choice ka kundi titig pabalik!



    Johann: I'm ready na, Marge...
    Ako: Ready? ???
    Johann: Ready nang tumanda kasama ka... Hanggang pumuti lahat ng buhok mo... Hanggang magkahulog-hulog ka sa hagdan sa sobrang lasing...hanggang magkarayuma ka na... hanggang twenty na maliliit na apo na ang tumatawag syo ng 'lola' --
    Ako: Twenty?!?! Surprised
    Johann: Oo...ang cuuuttteeee nga eh! Very Happy



    Langyang sipag naman ng mga magiging anak namin!


    Hmmmm...magiging anak namin..... Smile



    Ako: You know what?
    Johann: Nope... what?



    Niyakap ko sya, sabay isang mabilis na kiss sa lips... Tapos smile...



    Ako: I think.. I'm ready to grow old with you na rin... Labz... Smile




    The End.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 3:06 pm

    rerename ko lang poh


    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14333

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by W32.Downadup.D on Sat May 02, 2009 4:56 pm

    ung alin?


    _________________


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Sun May 03, 2009 1:39 pm

    wla un...wahahah


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:23 pm

    waha,
    ang kulit ng story...
    nahawa na ko,
    kinakanta ko na ung 'i wanna grow old with you' ni adam sandler,
    haha!


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17676

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:36 pm

    oo..gusto ko ung song


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    Sponsored content

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by Sponsored content Today at 9:35 pm


      Current date/time is Fri Dec 09, 2016 9:35 pm