Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Life Guide [ A Detour to Love ]

    Share

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:41 am

    Kahit sabado ngayon, maaga akong gumising dahil marami akong gagawin. Tinadtad kasi kami ng mga homework. Sinagutan ko na muna yung iba pero meron akong hindi maintindihan. Gagamitin ko sana yung phone para tawagan si Erlyn tungkol sa homework pero naabutan ko si Jelaine sa phone stand.

    “tinanong ka niya kung kilala mo daw ba? alam na ba niya?.. buti naman at hindi mo sinabi na--” narinig kong sinasabi niya yun sa kausap niya.

    Sino kayang kausap nito? kilala ang sino? alam na ba ang ano? Anyway, hindi ko naman kailangang malaman yun. It’s none of my business. Kailangan ko lang talaga yung phone para masagutan ko na yung homework.

    “Jelaine, bilisan mo diyan, gagamit ako.”

    “Hilary?!” parang nagulat siya nang makita niya ‘ko.

    “ako nga, bakit? nagulat ka yata! bilisan mo na diyan.”

    “sandali lang..” kinausap niya ulit yung nasa phone. “sige na, may gagamit ng phone, bye.” binaba niya ka’gad yung telepono. “pwede mo ng gamitin.”

    “thanks.”

    kinuha ko yung phone para makatawag na kay Erlyn. Nang makausap ko na siya at naipaliwanag naman niya sa’kin yung isang item na hindi ko maintindihan, tinuloy ko na yung paggawa ng homework ko.


    Nung Linggo wala namang nangyari masyado. Pagkatapos magsimba, normal lang naman ang takbo ng lahat. May pasok na nung sumunod na araw kaya maaga akong bumangon para pumasok. Nagklase lang kami buong magdamag at chinekan din yung mga homeworks. Buti nalang natanong ko kay Erlyn yung hindi ko naintindihan kung hindi baka nagkamali ako. Gano’n din ang nangyari sa ibang subjects hanggang sa nag-breaktime na din. Kakain na dapat kami ni Jake pero nilapitan ako ni Mike.

    “sumama ka sa’kin..may pupuntahan tayo.”

    “saan?”

    “sa kapatid mo.”

    “bakit naman?”

    tumingin siya sa’kin habang nakangiti. “kilala ko na. alam ko na kung sino siya..”

    “sino? teka, ano bang pinagsasasabi mo?”

    “puntahan na muna natin siya..”

    “Mike, pupunta kaming cafeteria eh..” sumabat si Jake.

    “’tol, kailangan niya munang sumama sa’kin, ayos lang?”

    tumingin muna sa’kin si Jake tapos kay Mike. “uhh..sige.”

    Hinila na ako ni Mike palabas ng classroom. Dahal hila-hila na niya ‘ko, sumunod nalang ako. “sa’n pumupunta si Jelaine pag ganitong oras?”

    “ewan ko. bakit ba kasi natin siya pupuntahan?”

    huminto siya bigla. Kinuha niya yung cellphone niya at nagpipindot. Akala ko naman may itetext lang yun pala may tinawagan na siya dahil tinapat na niya sa tenga niya.

    “Khyle! kasama mo ba si Jelaine?.. nasa’n kayo?..okay.” binulsa niya ka’gad yung phone niya. “Hilary, sa poolside tayo.”

    Ano bang meron? ???

    Pumunta naman kami sa poolside na hindi ko naman alam kung bakit. Nagtataka na talaga ‘ko. Pagdating namin do’n, lumingon-lingon si Mike sa paligid.

    I went in front of him. “Mike, ano bang nanyayari?”

    Hindi naman niya ko sinagot. Nilagpasan lang niya ‘ko at nakita ko nalang na papalapit siya kung sa’n naka-upo si Khyle at Jelaine.

    “ba’t mo kami hinahanap?” Khyle asked him as he walked towards them.

    Pinuntahan ko na din kung nasa’n sila. Napatingin sa’kin yung dalawa.

    “kasama ka din pala Hilary?” mukha na ding nagtaka si Jelaine.

    “sinama ako ni Mike eh.” hinila ko naman yung manggas ni Mike. “ano ba kasi ‘to?”

    “Hilary, gusto mong malaman kung sino yung angel mo diba?” tiningnan ako ni Mike sabay turo. “ayan na siya..”

    Tiningnan ko kung sino yung tinuro niya.

    “ikaw?!”

    Jelaine abruptly stood up. “pa’nong--” then she turned to Khyle. “sinabi mo ba?”

    Khyle shook his head vehemently. “wala akong sinabi sa kanya. Nung tinanong nga niya ko kung kilala ko ba, sinabi kong hindi diba? pero.. pa’no nga?”

    Nagkatinginan silang tatlo. “walang sinabi sa’kin si Khyle. narinig ko lang yung pag-uusap niyo sa phone nung sabado.”

    “narinig mo?” Khyle also stood up from his seat.

    “i overheard.”

    “kayo yung magka-usap sa telepono?” I looked at Jelaine. “may narining din akong few lines from you Jelaine but I don’t get it! Can someone explain to me what’s going on?”

    “Hilary, your so called angel and Jelaine are just one.” Mike spoke.

    “pero pa’nong siya?” I gave Mike a puzzled look.

    may kinuhang papel si Mike sa bulsa niya. “eto yung copy ko ng mga messages galing sa phone mo and sa phone ko na sinend ng angel na sinasabi mo. try to analyze every situation, and think of any possibilities. At the end you’ll know, it is really her.”

    kinuha ko kay Mike yung papel. “Jelaine, totoo ba?”

    She stared at me for a while. “sasabihin ko na yung totoo..” she sighed. “ako nga.”

    Huh?! But for what I know, the angel is a guy! How could he be Jelaine?

    “kailangan niyong mag-usap..” nginitian kami ni Mike. “maiwan na muna namin kayo.” nagsimula siyang maglakad paalis. “Khyle, tara..”

    “okay..” sumunod na siya kay Mike.

    Umu-po naman ako sa bench at tinitigan ko si Jelaine. “pa’nong naging ikaw? the angel said he’s a guy.”

    “don’t you get it? iniba ko lang yung gender na sinabi ko sa kung ano yung totoo..” um-upo din siya sa tabi ko. “nung retreat niyo, habang nasa Antipolo ka pa, binilhan na ako ng cellphone nina mama. Hindi ko pa nga agad napakita sa’yo diba? Pupuntahan sana kita sa kwarto mo para ipakita na sa’yo kaso narinig kitang umiiyak. naisip ko tuloy na wag na munang ipaalam sayo na may cellphone na ‘ko kasi may binalak ako. yung angel thingy.”

    Nung gabing umiiyak ako sa kwarto ko, that was the exact moment when that angel began texting me.

    “pero may binigay si mama sa’kin na number mo nung araw na sinundo ka ni Khyle dahil gagawa kayo ng project. Ti-next pa nga kita do’n na umuwi ka na ka’gad dahil gabi na pero wala ka pa rin nun. Kung ikaw yung angel, bakit magka-iba ang number niyo?”

    “yung number na binigay sa’yo ni mama, number ko talaga yun kasi yun yung binili nilang simcard kasabay ng cellphone pero may binili na din akong simcard dati bago pa ko magkacellphone. since naging doble na yung sim ko, ginamit ko nalang yung isa para sa angel effect. Nagpapalit-palit lang ako ng simcard pero hindi ko pinapakita sa’yo tuwing ginagamit ko yung phone para hindi ka maghinala agad..”

    Tiningnan ko yung papel. Nakasulat do’n yung message na sinend kay Mike nung gabing harangin ako ng mga lasing.

    >follow her sa Greensville subdivision! gabi na eh.

    Inagaw naman sa’kin ni Jelaine yung papel. “akin na, i-e-explain ko lahat sa’yo..” binasa niya yung papel tapos tiningnan niya ‘ko. “tungkol naman dito sa pag-text ko kay kuya Mike, kinuwento mo nga kasi sa angel mo through text na pinapakanta ka ni Mike for the English group work diba? alam kong kayo yung magkasamang magpapractice. Gabi na nun pero wala ka pa kaya hiningi ko kay Khyle yung number ni kuya mike para may maghahatid sayo kasi nag-aalala lang ako for you..”

    “kaya pala ti-next mo sa kanya yung subdivision natin..”

    “that’s it!”

    Nalala ko naman yung letter na nakuha ko sa locker. “at kaya pala alam nung angel na yun na sa’kin yung locker na pinaghulugan niya ng letter is because ikaw pala siya..”

    “exactly..siyempre alam ko naman kung sa’n banda yung locker mo kaya na-ilagay ko yung letter.. Nung araw naman na pumunta sa school yung alumni, nakita kita na nakatingin sa lalaking yun nung nasa first floor ka kaya tinext nanaman kita as the angel..”

    Oo nga, naalala ko pa na nakita ko nga silang dalawa ni Khyle na magkasama sa garden nung araw na dumating si Anthony. Kaya pala alam nung angel na nakatingin ako kay Anthony eh dahil si Jelaine pala yun.

    “next circumstance na tayo..” tinuro niya yung nasa papel. “sinabi mo sa’kin pati na rin sa parents natin na pupunta ka sa party ni Jake. Dahil nga iisa lang kami, natural lang na malaman din ng angel mo ang tungkol do’n kaya nga tinext ka niya ng: ‘enjoy and take care of yourself.’ at hindi din totoong kilala ko si mike dahil naririnig ko lang yung tungkol sa banda niya, matagal na siyang kinukwento sakin ni Khyle. Nung ipinakilala mo si Mike pagkagaling niyo sa party ni Jake, umarte lang ako na nagulat ako na kasama mo sila. Pero ang totoo, alam ko naman talaga na darating sila kasi tinext na ako ni Khyle na gusto pala akong makilala ni kuya Mike kaya ang sabi ko, ihatid ka nila para magkakilala kami.”

    “kaya pala nagtetext si Khyle pagbaba namin ng jeep nung gabing yun eh. ikaw pala yung katext niya!”

    Tumawa si Jelaine. “ngayon naniniwala ka na? ako talaga yung angel mo.”

    “okay, naniniwala na ako na ikaw nga siya. But Jelaine, what’s the point of everything? Bakit mo ginawa yun?”

    “kasi..” dumiretso siya ng tingin. “i just wanted to know you better..”

    “what are you talking about?”

    “hindi kasi tayo close! I don’t know many things about you kasi hindi ka nag-oopen-up sa’kin kasi alam kong hindi mo ko pinagkakatiwalaan.” tumayo siya at naglakad ng konti palayo sa’kin. “Naisip ko lang na kapag nagpanggap ako na iba, baka sakaling malaman ko yung mga bagay na hindi ko alam tungkol sa’yo..katulad nalang nung tungkol kay Anthony. Kung hindi pa ako nagtext as your angel, hindi ko malalaman na you’ve gone through being hurt before. Ni hindi ko nga alam na nililigawan ka na pala Jake. Kay Khyle ko pa yun nalaman imbis na sa’yo.” humarap siya sa’kin. “Hilary, mali yung tingin mo sa’kin! kapatid mo ‘ko, pwede mo naman akong pagkatiwalaan pero hindi mo ginagawa.. I just felt na may kulang. hindi kita gano’n kakilala kahit na magkapatid tayo kaya ginawa ko yun. I just wanted to know you more and that’s the only way I thought..”

    Noon kasi, ayokong sinasabi ko sa kanya ang kahit ano tungkol sa’kin dahil iniisip ko na mag-iinterfere lang siya sa private life ko. I realized that I was all wrong about her. It turns out na hindi niya intensiyon na mag-interfere sa buhay ko but instead, she’s just being concerned about me.

    I went near her and gazed at her. “galit ka ba sa ginawa ko?”

    I held her shoulders. “hindi ako galit..” then hugged her. “Jelaine, I’m sorry..”

    We broke free from the embrace and I saw her smile. “things will be different now, right?”

    tumango ako. “it will sure be. alam ko na ngayon na mali yung tingin ko sa’yo before. I’m so sorry..”

    “it’s okay..”

    I smiled back. “pero gusto ko lang malaman, ba’t mo kami sinet-up ni Mike dati?”

    “yun ba?” natawa siya. “yun kasi yung pinaplano namin na ayaw naming sabihin sa inyo dati.”

    “talaga? pero para sa’n?”

    “since nalaman ko yung tungkol sa first love mo, naisip namin yung planong yun para makalimutan mo na yung Anthony na yun. pero nasa sa’yo pa rin naman yun, i just tried to do something.. hindi ko naman makokontrol yung feelings mo..”

    “gano’n pala yun..ang kulit niyo namang dalawa ni Khyle, kung anu-ano ang naiisip niyo.” natawa ako ng mahina. “anyway, thanks for your concern, sis.”

    Sabay na kaming umakyat ni Jelaine pagkatapos namin mag-usap. Habang naglalakad kaming dalawa sa corridor, nakatanggap ulit ako ng rose. Janitor namin yung nag-abot pero hindi daw niya kilala kung sino yung nagpabigay. Binuksan ko yung card. May letter “L” na nakasulat.

    “kanino kaya galing yan?”

    “eto? kay Jake..”

    “oo nga pala, nanliligaw kasi siya sa’yo..”

    Naghiwalay na din kami ni Jelaine dahil bumalik muna ako sa room. Yung ibang classmates ko nga na nando’n, nang-asar pa dahil nakita nila yung rose.

    “sagutin mo na kasi!”

    “ang sweet naman ni Jake..”

    Hindi ko na sila pinansin at nilagay ko nalang sa loob ng bag ko yung bigay ni Jake. Paglabas ko sa pinto, nakasalubong ko si Jake at niyaya na niya ulit akong kumain sa cafeteria dahil nga hindi pa ko nakakain kasi isinama ako ni Mike sa poolside kanina. Nando’n na din naman sina Carla kaya naki-join kami.

    Bumili na ko ng kakainin ko pero nung iaabot ko na yung bayad ko, inunahan nanaman ako ni Jake. Treat na daw niya. Araw-araw na nga lang yata ganun ang ginagawa niya. Pagbalik namin sa table nina Carla, kumain na ko at nakipagkwentuhan ako sa kanila. Hinatid naman ako ni Jake pagdating ng uwian.

    Naging mas-okay na ang relasyon namin ni Jelaine sa mga sumunod na araw. Sa tingin ko, nakatulong din naman yung angel thing na binuild-up niya. At least now, we’re starting to become more intimate. Tama lang yun, we’re sisters, we should be. And I’m happy about it.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:41 am

    ***


    Nung sumunod na araw, Hindi um-attend ng klase si Mike. Pinatawag kasi sa intercom kina-umagahan lahat ng banda na kasama sa battle of the bands na pumunta sa music room. May orientation yata sila at pinagpraktis na din.

    Pagdating naman ng dismissal, hindi ako mahahatid ni Jake pauwi dahil may training pa siya sa basketball. Ako naman eh maglilinis pa ng classroom kaya pina-una ko na ding umuwi sina Carla.

    Nagwalis-walis ako at nag-ayos ayos naman yung iba kong mga kasama. Mabilis din naman kaming natapos kaya umuwi na ‘ko. Sa kasamaang palad, habang nakasakay ako sa jeep, bigla nalang umulan. Wala pa naman akong dalang payong. Pagbaba ko ng jeep, medyo tumila na yung ulan kaya itinakbo ko nalang.

    Paggising ko kinabukasan, pakiramdam ko ang lamig kaya pinatay ko kaga’d yung electric fan sa kwarto. Naligo na ‘ko at nagbihis. Pati sa pagligo ko, gininaw ako pero hindi ko na pinansin at pumasok na ako sa school.

    Nagka-usap kami ni Mike nung dumating siya sa classroom pero saglit lang dahil pumunta na ulit siya sa music room para sa band practice nila. Sa first subject naman namin, sinubukan kong makinig sa mga pinagsasasabi ng teacher pero hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko nung umagang yun, nanghihina ako at parang ang bigat ng katawan ko.

    “Hilary? Hilary!”

    hinawakan ako ni Jake sa balikat tapos bumulong. “Hilary, tinatawag ka..”

    tumingin ako sa kanya. “huh?”

    “tumayo ka na..” bulong naman ni Drew.

    tumayo nalang ako kahit hindi ko naman talaga alam yung nangyayari.

    “what do you think? is the statement true?” nakatingin sa’kin yung teacher namin.

    “ma’am, I don’t--”

    “it’s false..false yung sagot.” binulungan nanaman ako ni Jake.

    “uhmm..I mean, it’s false.”

    “your correct, you may sit down.”

    “thanks ma’am.” umupo na ako. “thanks din Jake.”

    “ayos ka lang ba?” tinanong agad ako ni Jake pagka-upo ko.

    Hindi ako sumagot pero tumango lang ako.

    “ba’t parang hindi?” hinawakan niya ko sa noo. “My God Hilary, ang init mo!”

    “may sakit si Hilary?” tumingin sa’kin si Drew.

    “oo, mainit siya eh.” sabi niya kay Drew tapos tiningnan niya ko. “sasamahan na kita sa clinic!”

    “hindi na, kaya ko pang mag-stay dito..” Nagtaas ng kamay si Jake pero pinigilan ko. “Jake, wag na..”

    “Hilary, inaapoy ka ng lagnat!” nagtaas ulit siya ng kamay pero hindi ko na siya napigilan dahil nanghihina na din ako. “ma’am, sasamahan ko lang si Hilary sa clinic.”

    “bakit? anong problema kay Hilary?” tinanong siya ng teacher namin.

    “she’s sick..”

    “sige Jake, go with her..”

    “halika na.” tumayo na si Jake. Hinawakan niya ko para maalalayan niya ko sa pagtayo.

    “hindi na tayo dapat pumunta sa clinic, kaya ko naman tiisin eh. dito nalang tayo.”

    “hindi ka din makakaconcentrate kung masama ang pakiramdam mo. magpahinga ka nalang do’n.”

    Panay lang ang pilit ko sa kanya na wag na kaming pumunta sa clinic pero ayaw niya. Dinala niya parin ako doon. Pagdating namin, pinahiga ako ng nurse sa kama. Nakita kong naka-upo lang si Jake habang kinukuhanan ako ng temperature ng nurse.

    “39.5 ° ang taas ng lagnat mo..” sabi niya sa’kin tapos si Jake yung kinausap niya.
    “hijo, iwan mo na muna siya dito. Bumalik ka na sa room niyo, ako ng bahala.”

    “sige Hilary, babalik nalang ako dito mamayang break. magpahinga ka ah?”

    “okay, thanks.”

    Naiwan na ako kasama yung nurse sa clinic. Pina-inom niya ‘ko ng gamot at pinatulog. Sinabihan ko nalang siya na gisingin ako before mag-breaktime para makabalik na ako sa klase. Pagkatapos nun, alam kong nakatulog na ako.

    Nagising ako nang maramdaman kong may humawak sa noo ko. Pagdilat ko ng mata, nando’n na si Jake.

    “kamusta na?”

    “anong oras na?”

    “12:30 na..”

    “12:30?!” sinubukan kong bumangon. “sabi ko sa nurse gisingin niya ko before mag-breaktime pero lunch time na ngayon ah!”

    hinawakan niya ko sa balikat para i-higa ulit. “bumalik ako dito kaninang break, sinabi ko sa nurse na wag ka munang gisingin.”

    “bakit?”

    “kailangan mo din kasi ng pahinga hija, hindi ka pa magaling..” sabi ng nurse.

    “pero may klase pa ‘ko!”

    “don’t worry, ma-eexcuse ka naman. kukunin ko lang yung gamot mo..” iniwan niya muna kaming dalawa ni Jake.

    bumangon ulit ako. “Jake, babalik na ‘ko sa taas.”

    “hindi pa pwede, magpahinga ka na muna.. ba’t ka ba biglang nagkasakit?”

    “siguro dahil na-ulanan ako nung pa-uwi na ‘ko kahapon..”

    “hindi ka nagdala ng payong?”

    “hindi eh..”

    dumating na yung nurse at dala-dala niya yung gamot at baso ng tubig.

    “ako nalang po..” kinuha yun ni Jake sa kanya.

    “oh sige, painumin mo siya niyan..iche-check ko ulit yung temperature niya pagkatapos..” umalis na ulit yung nurse.

    tumingin sa’kin si Jake. “Hilary, inumin mo na ‘to.”

    Kinuha ko yung gamot at ininom ko na. “there! I took it already. Aakyat na ‘ko.” aalis na ‘ko dapat sa kama pero pinigilan niya ‘ko.

    “you have to stay here!”

    “ayokong mag-stay dito!”

    “wag ng matigas ang ulo Hilary.. sana pala naibigay ko nalang yung payong ko sa’yo kahapon bago ako nagtraining. nagkasakit ka tuloy..”

    “it’s okay Jake.. basta, aalis na ‘ko dito sa clinic.”

    “no, you won’t!” pinahiga niya nanaman ako.

    “Jake! ayoko nga dito eh! masgusto ko--”

    Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil in-interrupt niya ko..




































    “Let me just take care of you, will you?!”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:41 am

    take care of me? right. parang si Mike lang ah! i could still remember when Mike told me that he will always take care of me.

    I don’t even see the point why Mike assured me before. Ba’t nga ba niya kasi sinabi sa’kin yun noon? Siguro dahil close friends na kami at that time? Ang masama nga lang, I don’t see him as just a friend right now. How I wish hindi nalang niya sinabi yun. Because at this moment, I was like..

    expecting that he’s the one right beside me.

    But who’s with me right now? si Jake.

    Bakit gano’n? Nandiyan naman si Jake. At tungkol sa sagot ko sa tanong ni Mike noon kung type ko ba si Jake, oo yung sagot ko. Si Jake yung tipo ng lalaking magugustuhan ko, actually, ng kahit sinong babae naman. Yun nga lang, hindi ko sinisigurado na sasagutin ko nga siya. He’s the type of guy that I would want but I didn’t say that I have feelings for him. Magka-iba pa rin ang “tipong lalaki” sa “lalaking mahal” diba?

    Ngayon alam ko na, na mahal ko nga si Mike pero bakit pa ba ‘ko aasa? kahit sabihin ko pang masclose na kami ngayon ni Mike kaysa dati, there came Diane, his new found love after his ex. Ano naman laban ko? Mahal niya si Diane at ako, close friend lang. Bakit ba parang nauulit nanaman yung dati tulad ng nangyari sa first love ko? Minahal ko si Anthony pero may iba siyang mahal. Ngayon ba gano’n din ang mangyayari sa’min ni Mike?

    Alam ko, napatitig lang ako kay Jake nung mga oras na yun. “Jake, you don’t have to, you know that?” bumangon ako ng konti para maka-upo. “bakit ba ganyan ka?”

    “bakit ganito ako? what do you mean?”

    “bakit ba sobrang bait mo pa rin sa’kin inspite the fact that nothing’s sure between the two of us yet?”

    “it’s my choice to face the risks. I’m trying not to be afraid.” diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. “nagmamahal lang ako Hilary..yun ang alam ko.” ngumiti siya. “nagugutom ka ba? gusto mo dalhan kita dito ng pagkain?”

    “no need, hindi ako gutom..”

    “sure ka?”

    I smiled back and nodded. “yeah, thanks nalang.”

    Bakit ba kasi hindi nalang si Jake yung minahal ko?

    Mahal niya ‘ko. Ramdam ko yun. Kung susubukan ko siyang mahalin, baka maging maayos na ang lahat. Hindi ako masasaktan tulad ng alam kong mangyayari kapag tinuloy kong mahalin si Mike. May Diane siya samantalang si Jake mahal naman ako.

    I’ll suppress my feelings for Mike. Is that the right thing to do?

    Maybe. :-\

    Bumalik naman na yung nurse para kuhanan ulit ako ng temperature. Tiningnan niya yung thermometer.

    “ano na po?” tanong ni Jake.

    “buti naman medyo bumaba na..” may kumatok naman sa pintuan kaya nilingon ng nurse kung sino ba yun. “yes?”




































    “excuse me lang po, I just want to check on Hilary..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:42 am

    “sige, pasok ka..” sabi ng nurse.

    Hindi ko pa nakikita kung sino pero kilalang-kilala ko yung boses ng taong yun. Si Mike.

    Lumapit na si Mike papunta sa kama. “Hil--” napatingin siya kay Jake. “hey, Jake..”

    “hey..”

    nagkatitigan sila.

    “Pa’no mo nalaman na nandito ako? nasa music room ka diba?”

    Mike turned to me. “dumaan kasi ako sa classroom kaya nabalitaan ko kay Drew. Okay na ba pakiramdam mo?”

    “medyo..” I returned.

    “i see.” he looked at Jake. “so Hilary, I guess I’ll get going..” then he returned his gaze back at me. “pagaling ka, huh?” I nodded.

    “sige bro..” Mike gave him a tap on the shoulder and Jake also tapped him at the back as he made his way out of the clinic.

    “Hilary..” I had realized that I was staring for a long time at Mike’s back as the vision of him faded away so I turned my head immediately to look at Jake. “uhmm..” he threw a glance to where Mike walked out then focused his eyes on me again. “no, nothing.” he went near me. “i mean, magpahinga ka na, susunduin kita dito mamayang dismissal para maihatid kita..”

    Pagdating ng uwian, hinatid nga ako ni Jake. Sina mama at papa naman pinagsabihan ako na sa susunod, wag na daw akong magpa-ulan. Si Jelaine eh tinanong din kung okay na daw ba ‘ko. Hindi daw niya ko napuntahan sa clinic dahil naging busy sila sa klase nila pero ayos lang naman sa’kin yun.

    Ayaw sana nina mama na papasukin ako kinabukasan dahil baka mabinat daw ako pero nagpumilit ako at sabi ko, ayos na naman na ‘ko. Hindi na din naman nila ‘ko napigilan kaya nakarating pa rin ako sa school. Bago pa ko makapasok sa gate, in-abutan ako ng guwardiya ng rose. Kinuha ko nalang at hindi na nagtanong pa. May nakasulat na letter “O” sa card.

    Pagala-gala lang ako sa school grounds nung umaga at nakita ko naman si Mike sa corridor ng second floor. may kausap pero hindi ko makita, medyo natatakpan kasi ni Mike. Nung malapit na ‘kong lumiko, tumingin ulit ako. Napayuko ako kaga’d dahil hindi ko naman nagustuhan ang nakita ko.

    Hindi ko nga alam kung bakit nasasaktan ako tuwing nakikita kong magkasama sila ni Diane. Wala naman akong karapatan.

    Maliban sa nakita kong yun, normal lang yung takbo ng araw. Nagkaro’n ng discussions and seatworks. Pagkatapos um-attend sa iilang subjects, umalis din naman ulit si Mike para sa band practice nila.

    Sa garden ako pumunta nung breaktime. Dala ko pa yung notebook ko dahil may tinatapos akong seatwork na ipapasa mamayang dismissal.

    “kumain ka na?”

    may umupo sa tapat ko kaya tiningnan ko naman. “ikaw pala Mike.. tapos na, kanina pa..”

    “madami na ba kayong ginagawa sa klase?”

    “seatworks, discussions..mga ganun..”

    “mukhang busy ka ah..”

    “seatwork ‘to eh..”

    tiningnan niya naman yung notebook ko. “letter c yung sagot sa number 5.”

    “pa’no mo nalaman?”

    “nabasa ko na yang lesson eh.. sure ako do’n, ilagay mo na..”

    tiningnan ko din yung tanong do’n dahil nasa number 4 palang ako. Tama siya, c nga. “kayo, panay yung battle of the bands nalang ang inaatupag samantalang yung ibang contestants naman nasa klase lang nila. buti pinapayagan pa kayo ng mga teachers na magpractice during class hours.” sinulat ko na yung sagot. “eh pa’no naman yung academics niyo?”

    “yung mga hindi naman kayang pagsabayin yun, pinag-iistay lang sa klase pero kami kasi, lahat ng mga nasa banda namin eh wala pang failing grade at constant yun kaya pinapayagan kami. sinabi naman namin na kaya pa namin humabol sa mga lessons kaya ayos lang.”

    Ang galing naman, napagsasabay nila yung pag-aaral at yung passion nila sa music. “ano bang band name niyo?”

    Tinaas niya yung kilay niya. “don’t tell me you don’t know?”

    “itatanong ko ba kung alam ko?!”

    “pero last year pa nabuo yung band.. mas may alam pa yata si Jelaine kaysa sa’yo eh!”

    “ang sabi lang niya noon, she heard about your band pero hindi naman niya binanggit yung band name niyo. Ako din naman eh, naririnig ko last year na may band na sumali sa battle of the bands na galing sa batch natin at alam kong kayo yun but I didn’t mind knowing the band’s name. so ano nga?”

    “never mind.”

    I shrugged. “I’m just asking..”

    “no, i mean the band’s name. it’s ne-ver mind.” he leaned closer at the table. “ba’t hindi mo ba kami pinanood last year?”

    “hindi ako nanood!”

    “buti pala hindi mo pinanood, talo naman kami nun eh!” he chuckled. “but for this year’s battle, I hope that you would watch..”

    “bakit? mananalo na ba kayo?” I jokingly said.

    “who knows?” he smiled. “pa’no mo malalaman kung hindi ka manonood?”

    “kahit naman hindi ako manood malalaman ko pa rin naman yung results noh! mabilis kaya kumalat ang balita..”

    “pa’no naman yung performance? ayaw mo ba kaming mapanood mag-jamming?”

    “eh gastos lang yun! may bayad pa yung ticket.” 100 pesos kasi yung ticket para do’n. tiningnan ko naman yung notebook ko para ituloy yung seatwork.

    “edi ako ng bahala sa ticket mo.” napatingin ako sa kanya. “basta lang manood ka, support us..”

    “whatever!” bumalik ako sa pagsasagot sa notebook at umiling-iling habang nakangiti. Siya naman eh tahimik lang na naka-upo.

    Malapit ko ng matapos yung seatwork nang bigla namang may binati si Mike.

    “Diane!” kumaway siya.

    tumingin naman ako sa bandang likuran ko. nakita kong naglalakad si Diane kasama yung mga kaibigan niya at kumaway din naman siya kay Mike. Nag-iba yung pakiramdam ko!

    “uhmm..oo nga pala, kamusta naman yung panliligaw?” I asked when Diane had already passed by.

    he smiled. “ayos naman.”

    “talaga? buti naman..” I said in a dry tone. Why did I asked anyway?!

    I tried to focus on my notebook then Mike suddenly grabbed his phone from his pocket. “nag-text si Pao..”

    “let me guess, pinapapunta ka niya sa music room.” I rolled my eyes. “band practice again, right?”

    “ang galing! tama ka..” he chuckled and stood up. “mauna na muna ko ah?”

    tumango nalang ako at naglakad na siya paalis. tumingin naman ulit ako sa notebook, isang item nalang pala at matatapos na ‘ko.

    “Hilary!”

    Akala ko ba nakaalis na yun? inangat ko yung ulo ko para tingnan kung nasa’n si Mike. Medyo malayo na siya pero nakatayo lang.

    “what?” I shouted back.

    “on that night,”







































    ..be there!”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:42 am

    Chapter 20
    Follow the Heart


    Ipinaalam sa’min na magkakaro’n kami ng community service sa Saturday. Hahatiin sa dalawang grupo yung section namin para maglinis ng village na iaassign sa’min. Yung iba nga eh umangal pa. Weekend daw yun kaya dapat wala ng kung ano mang activity pero wala na rin naman silang magagawa kung ayaw nila dahil kailangan yun. Grade kasi namin yun para sa C.A.T. Kung ako lang naman ang tatanungin, masgusto ko na yung community service kaysa sa pagmartsa-martsahiin pa kami noh! Pahirap lang yun eh!

    Dumating na yung Sabado na yun. Pumunta muna ko sa school dahil doon naman ang meeting place namin at doon palang namin malalaman kung sinu-sino yung magiging magkakagrupo. May pinapirmahan sa’min na papel para sa attendance at pagkatapos nun, pi-nost nila sa bulletin kung sino ang nasa group 1 and 2. Hinanap ko naman yung pangalan ko. Group 1 ako. Hindi ko na masyadong tiningnan kung sino yung mga kasama ko dahil makikita ko din naman mamaya pag naglinis na kami. Lumapit naman sa’kin si Joyce at tuwang-tuwa siya. Magkagrupo daw pala kami pati na rin si Erlyn at Kryzl. Malamang sina Carla at Joy, sa kabilang group naman.

    Sumakay na kami sa service bus namin at um-upo ako sa tabi ng bintana. Katabi ko naman si Joyce.

    “nakakatamad naman yung gagawin natin!” nakasandal si Joyce na parang gusto na yatang matulog.

    “hayaan mo na, madali lang naman eh. maglilinis lang tayo.”

    tumingin ako sa labas kaya nakita ko na nakatayo pa rin doon sina Jake, Mike, at Drew. Ayaw pa yata nilang sumakay. Nagtatawanan pa nga sina Jake at Drew eh. Si Mike naman pangiti-ngiti lang sa kanila. Bigla namang tumingin sa direksyon ko si Mike kaya iniwas ko ka’gad yung tingin ko.

    Maya-maya, tinawag na din ng teacher namin yung mga nasa labas pa na sumakay na daw dahil aalis na kami. Nasa iisang bus lang yung section namin.

    Pagdating sa village na inassign sa section namin, nauna nang bumaba yung iba pati sina Jake. Ako naman eh medyo natagalan pa dahil um-upo lang muna ‘ko. Ayoko kasing makipagsiksikan sa daanan. Nung konti nalang yung tao sa bus, tumayo na si Joyce kaya sumunod na din ko. Pagbaba ko sa hagdan ng bus, sinalubong ako ni Drew.

    “ang tagal mo naman bumaba Hilary, nag-aabang ako dito eh!”

    “bakit ba?”

    tumawa siya. “para sa’yo daw ‘to..” nakatago yung isang kamay niya sa likod tapos nilabas niya. May in-abot siyang rose. Kinuha ko naman at pagkatapos eh tumakbo na siya papunta sa iba naming classmates.

    tiningnan ni Joyce yung rose na hawak ko. “may card pala, anong nakasulat?”

    binuksan ko naman. “eto.. “V” yung nakalagay.”

    “V? ano yun?”

    “ewan ko ba kay Jake.. sa kanya naman galing ‘to eh..” pumasok ulit ako sa bus para ilagay sa bag yung rose. Pagkatapos eh pumunta na kami sa mga kasamahan namin.

    Pinagsama-sama na yung group 1 at pinagwalis kami doon sa playground. Yung group 2 naman sa may likod ng clubhouse yata pinapunta. Punung-puno ng mga nahulog na dahon yung winalis ko. Kung di pa kami nagkaro’n ng community service eh wala sigurong maglilinis doon.

    “ang dumi dito noh?” tumabi sa’kin si Mike na may dala-dalang dustpan. Ka-grupo ko pala ‘to.

    inangat ko yung ulo ko. “oo nga..sana kayanin ng powers natin na linisin lahat ‘to!” tapos tinuloy ko na yung pagwawalis.

    “basta ba kasama kita eh, bakit hindi?”

    napatingin ako sa kanya. “naman, di ka man lang naki-ride!” tumawa siya. “ako na nga maghahakot niyan.” hiniram niya muna sa’kin yung walis para mailagay niya sa dustpan yung mga dahon. Nung puno na yung dustpan, binalik na niya sa’kin yung walis pagkatapos, umalis siya para itapon yung mga yun.

    So it’s just one of his jokes? sana totoo nalang.

    Binigyan naman kami ng lunchbreak. Bahala na daw kami kung sa’n namin gustong kumain basta bumalik daw kami ng 1:00 pm.

    Kami nina Erlyn, Kryzl at Joyce, sa may tindahan nalang pumunta. Mapapalayo pa kasi kung sa mga fastfood chain kami pupunta. Sa labas pa yun ng village at nakakatamad ng maglakad dahil mainit na din. Nang nakabili na kami,um-upo kami sa sidewalk.

    “ba’t nga pala hindi ko nakikita si Drew ko?” Joyce asked while we were eating.

    “nasa kabilang group yun eh, kasama niya do’n si Jake.” answered Erlyn.

    “sayang naman! sana dito nalang siya sa’tin, group 2 pala siya..”

    “puntahan mo kaya do’n!” I jested.

    “classmates natin oh!” Kryzl was looking at my back.

    “sino?”

    lumingon naman ako at nakita ko si Mike na kasama yung isa naming classmate na si Brian. Bumili sila ng inumin pagkatapos eh nilapitan din nila kami.

    “babalik pa kayo do’n?” Brian asked.

    “oo naman..” Kryzl uttered.

    “wag na, tumakas na tayo!”

    “sira ka Bri, bi-ni-b.i. mo ‘tong mga to!” siniko ni Mike si Brian.

    “hindi, loko lang yun..”

    “woooh! may patakas takas ka pa diyang nalalaman di naman pala kaya!” sabi ni Erlyn tapos tinawanan niya lang si Bri.

    ngumiti naman si Brian. “sige na, do’n kami uupo..”

    Um-upo din silang dalawa sa sidewalk pero sa may tapat naman namin. Katapat ko pa nun si Mike. Napapatingin nga ako sa kanya eh. Bakit ba habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa kanya?

    Hilary, forget it! This can’t be! It just can’t. Remember Diane?

    Alas tres natapos yung grupo namin. Kung tutuusin nga, hindi pa masyadong malinis pero sabi ng barangay captain okay na daw yun dahil mukhang napagod na kaming lahat. Ang huli nalang na ginawa eh yung pagsiga ng mga dahon. Mga lalaki na yung gumawa nun. Yung group 2 naman, hinintay pa namin. Um-upo lang daw kasi yung iba at walang ginawa kaya pinaglilinis pa rin sila.

    Mga 4:30 na rin siguro kami pinabalik lahat sa bus. Napagod ako kaya nakasandal lang ako sa upuan ko para umidlip samantalang si Joyce naman eh hindi na natapos sa kakadaldal sa nasa kabilang upuan.

    “oo kaya! patawa nga yun eh!” tumawa si Joyce. “hmm? ahh okay, sige!”

    Naramdaman ko nalang na parang tumayo siya kaya gumising ako. “Joyce ba’t ka tuma-- uy Jake..”

    lumipat si Jake sa tabi ko. “sinabi ko kay Joyce na palit muna kami. okay lang?”

    “ahh..sure.” nginitian ko lang siya at pagkatapos eh pumikit nalang ulit ako.

    “napagod ka?” tumango ako habang nakapikit. Sinandal naman niya yung ulo ko sa balikat niya. “sige, matulog ka lang..”

    hinawakan niya yung ulo ko.

    “babantayan kita.”


    ***


    Hindi naman dumating yung teacher namin sa Math nung sumunod na week kaya nagpunta muna ‘ko sa c.r.

    “hey Hilary!” pabalik na dapat ako sa classroom nang magkasalubong kami ni Giselle. “may klase kayo?”

    “hindi umatend yung teacher namin ngayon eh. kayo?”

    Iginilid naman niya ko dahil nasa gitna kami ng corridor. “wala din yung sa’min eh, may iniwan lang na activity pero natapos ko na. kamusta naman?”

    “i’m fine. ikaw?”

    “ayun, naghahabol sa deadlines ng mga requirements pero ayos lang.” ngumiti siya. “hey Mike!”

    “hi girls!” sumulpot ba naman galing sa likuran ko.

    “as usual, late nanaman..” sabi ko.

    “oh well..” napahawak siya sa batok niya. He had a strange smile in his face, halatang guilty. “anyway, ano nang ginagawa niyo sa class Hilary?”

    “wala pa masyado. inform nalang kita about sa activities pag meron..”

    “really? thanks!”

    “ba’t hindi ka ba dumaan sa room niyo?” napansin ni Giselle na dala pa ni Mike yung bag niya. “Ooh, mukhang hindi ka pa nga dumaan. eh sa’n ka papunta?”

    “sa music room.” Giselle nodded as if to say “ahh-okay”. “I got to go.. see you around, okay?” he then turned to me. “Hilary, as usual, band practice..”

    I chuckled. “i see, sige.” he beamed at us and went off.

    I gazed at him while he left then I leaned at the wall. I noticed that Giselle was staring at me. “oh bakit?”

    nakatingin siya sa mga mata ko pagkatapos eh umiling. “wala naman.” ngumiti naman siya bigla. “tambay tayo do’n sa tapat ng classrooms natin, sa may bench.”

    I agreed so we went there and sat. We were chatting about various stuffs when Jake came our way and sat beside me.

    “hello there Giselle.”

    “hi din! hay nako Jake hindi ko na masolo solo si Hilary kasi nandito ka nanaman!” Giselle gave him a smile. “hindi, joke lang! so ano na pala status niyo?” she pointed at the both of us.

    tumingin naman ako kay Jake. Sumulyap din siya sa’kin. “friends.”

    “still courting?”

    Jake smiled back at her. “yah..”

    Giselle gave me meaningful look which I didn’t know what really meant.

    “Jake!” sumilip si Drew sa bintana. “your with girls pala ah..pinagpalit mo na ko?” ngumiti siya ng nakakaloko. “tara muna dito dude! iniwan mo naman ako dito sa loob eh!”

    “samahan mo na nga, kawawa naman!” I chuckled and so is he.

    “Drew talaga!” Jake tapped me in the hand. “sige, samahan ko lang muna yun..”

    “sure, sure.. dito lang muna kami.” he nodded while smiling and entered the room.

    “you’re being unfair to him.”

    I turned my head at Giselle and gave her a puzzled look. “huh?”

    “let me ask you the question that I wasn’t able to ask before.. whenever he’s around, ano bang nararamdaman mo para sa kanya?”

    naaalala pa pala niya yung interview na na-udlot nung nasa garden pa kami noon. “I.. I like him?”

    “I know you like him, who doesn’t? almost everyone in this school likes his personality but there’s a big difference between “I like” and “I love,” you know that?”

    tumingin ako sa paanan ko. “alam ko..”

    “you don’t love him.” I looked back at her. “am I right? Hilary, kilala kita. si Mike, siya yung mahal mo diba?”

    “how did you know? I didn’t even say it yet..” I paused. “actually, plano ko palang sabihin sa’yo but I guess you figured it out already.”

    “kanina nung kina-usap ka ni Mike, nakita ko sa mata mo yung spark na nakita ko noon nung in love ka pa kay Anthony. Yung spark na hindi ko makita kapag si Jake naman yung kasama mo..”

    “but it was just lately when I realized that I love him and it’s too late.” I looked down. “he’s courting someone else.”

    “ano?” nagsalubong yung kilay niya. “kailan pa?”

    “since last week. kaya nga hindi tamang magkaro’n pa ko ng feelings sa kanya eh. masasaktan lang ulit ako.”

    “at anong balak mong gawin kay Jake? bakit hindi mo pa siya tinu-turn down?”

    “mahal niya ko. ayoko din siyang saktan..”

    “alam mo ba kung anong ginagawa mo? later on, magiging panakip butas lang niyan si Jake eh. maslalo lang siyang masasaktan kung patatagalin mo pa lahat. Tingin ko, umaasa pa rin siya, alam mo naman yung feeling ng umaasa diba dahil naramdaman mo na yun. hahayaan mo nalang ba siyang umasa sa'yo?”

    “I’m supposed to be in love with him, not with Mike..”

    She held my hand. “no Hilary, your not supposed to be in love with him just because he’s courting you. we don't choose the person we fall for or get attracted with.” she looked eagerly into me and smiled. “the only thing that matters is just following your heart..

    and eventually you’ll finally get it right.”

    Pinag-isipan ko yung sinabi niya. Naisip ko pa nga na ilagay yun sa Life Guide para gawing Philosophy #14.

    Follow my heart..







































    Should I?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:42 am

    continuation..


    Niyaya ako ni Jake nung breaktime at sumabay kaming kumain kasama sina Carla at Joyce. Ang alam ko pinaglaruan ko lang yung pagkain ko dahil hindi naman ako makakain.

    “wala ka bang balak kainin yan?” Carla asked me.

    “kami patapos na samantalang ikaw hindi ka pa nangangalahati diyan!” Joyce uttered while looking at me.

    “kasi..”

    “ayos ka lang ba?” Jake asked me too.

    I looked at him. “wala lang akong gana, yun lang..” then I looked back at my food. “uhmm..alis muna ko, maiwan ko na muna kayo.”

    “gusto mo samahan kita?” Jake offered.

    “no, not now. okay lang ako.” I stood up from my seat and started to leave them.

    “Hilary!” Carla called out so I turned my head. “pa’no yung pagkain mo?”

    “sa’yo nalang kung gusto mo, malinis pa naman yan.” I continued walking and made my way out of the cafeteria.

    Paglabas ko sa cafeteria, may freshman student na hindi ko naman kilala na kuma-usap sa’kin. Tinanong ako kung ako daw ba si Hilary at ayun, may in-abot na rose. Nang maibigay na niya yun eh umalis na siya. Hawak-hawak ko lang yun habang naglalakad ako. Wala naman akong maisip na mapuntahan kaya sa classroom nalang ako nag-stay. Alam ko bawal mag-stay do’n kapag breaktime at dapat nasa labas lang kami pero wala naman sigurong sisita sa’kin ngayon.

    Naka-upo lang ako sa upuan ko at napansin ko naman ulit yung rose na nilagay ko sa desk ko. Hindi ko pa pala natitingnan yung nakasulat sa card kaya binuksan ko. May letter “E” doon. Pansin ko lang, puro letters nalang yung nilalagay ni Jake sa card. Baka naman may gusto siyang i-spell? Ipinasok ko na sa bag yung rose pero kinuha ko yung ibang cards na tinago ko na galing sa mga roses. In-arrange ko according sa pagkakasunud-sunod ng pagkakabigay sa’kin at eto ang lumabas.

    I LOVE

    Napasandal nalang ako sa upuan ko. The Heck! Eto pala yung meaning ng mga letters. Konti nalang pala at mabubuo na pero tinanong ko yung sarili ko: “kapag nabuo na, “I love you too” ba ang isasagot ko?”

    Akala ko kapag hinayaan ko pa rin hanggang ngayon na manligaw si Jake, we could work it out and maybe I could forget about Mike. Kaso kahit anong gawin niya, si Mike pa rin eh. Tama nga si Giselle, kailangan ko na nga siyang patigilin dahil umaasa na siya sa wala. Dahil kahit subukan ko, kahit anong gawin niya hindi ko pa rin siya magawang mahalin. I don’t feel the same way about him.

    I acquired my Life Guide and took a look at it. Philosophy #14: The only thing that matters is just following your heart and eventually you’ll finally get it right.

    And now that I’m going to follow it, how would I tell Jake everything without hurting him too bad..??

    I slumped at my desk when I decided to give up on mankind and spend the rest of my day wallowing privately in my own self-pity.

    “you okay?” even though I can’t actually see Mike’s face I recognize his voice immediately.

    “yes, I guess so. It’s nothing I could explain anyway.”

    “you could try.” replies Mike, gently touching my head.

    “no, i couldn’t.” especially to you!

    bakit ba dumating ‘to? dapat nando’n nalang siya sa music room eh!

    I lifted my head. “ba’t ka ba nandito?”

    He showed me a paper. “guitar chords, binalikan ko. at ikaw, anong ginagawa mo dito?”

    “wala.” I slouched my head back. “gusto ko lang kasi mapag-isa.”

    “i can see that.” I heard him say. “sige, aalis na ko. kung may problema ka, nandito lang naman ako.” he stood up and I heard his footsteps moving away.

    Kung kaya ko lang sabihin sa kanya, di na sana ganito.


    ***


    Dumaan ang ilan pang mga araw na panay pag-iisip ang ginagawa ko. Kung hindi man pag-iisip kung pa’no ko sasabihin kay Jake yung desisiyon ko, pag-iisip naman sa isasagot ko sa mastery tests. Nagkakaro’n kami ng mastery tests bago mag periodical exams. Yung periodical exams naman, magaganap yun 1 week after ng battle of the bands. Minabuti ko nang i-set aside muna yung tungkol kay Jake at Mike dahil maapektuhan yung mga grades ko. Mas-okay kung uunahin ko muna yung tests and after that, maybe I could deal with them.

    Nakatanggap din ulit ako ng rose na in-abot ng hindi ko nanaman kilala kung sino ba yun. Gaya nga ng inaasahan ko, letter “Y” na yung nakasulat. Natapos din naman yung Mastery week dahil Friday na ngayon at last day na ng tests. Nakaya ko naman dahil nag-aral talaga ako.

    “sis, pinapainvite ka sa’kin ni Khyle!” yan ang ibinungad sa’kin ni Jelaine nung pagka-uwi ko sa bahay.

    nilagay ko yung bag ko sa sofa. “para sa’n?”

    “birthday niya tomorrow. pinapapunta niya tayo sa bahay nila.”

    bahay nila? so bahay din yun ni Mike. “pwede bang wag nalang akong sumama?”

    “ano ka ba, sumama ka na. maliit na salu-salo lang naman yun eh.” napa-isip naman siya. “ako, ikaw, barkada niya, si Diane at barkada lang ni kuya Mike yung ininvite. tatlo lang naman yung kabarkada ni Khyle at apat naman sina kuya Mike diba? konti lang tayo. Piling-pili lang yung gustong papuntahin ni Khyle at isa ka na do’n kaya sumama ka na.”

    “ikaw nalang..” nandon si Diane eh.

    “kapag ako lang yung pumunta, wala akong kasama. samahan mo naman ako..”

    kung di ko lang to mahal eh! “sige na nga, sasamahan na kita.”

    “basta bukas ah?”

    Tumango ako at nginitian ko siya. Pumasok na ako sa kwarto para makapagbihis pagkatapos, nahiga ako sa kama. Nando’n bukas si Jake, siguro bukas ko na sasabihin. Yun na nga ang dapat kong gawin.


    ***


    “Happy Birthday Khyle!” sabay-sabay naming bati sa kanya.

    Konti nga lang talaga kami. Ayaw kasi ni Khyle yung masyadong maraming bisita. Nagkaro’n ng kainan at kanya-kanya na kami ng upo. Nakita kong magkakasamang kumain sina Khyle, Diane, at si Mike. Kami naman ni Jelaine yung magkasama sa may sala. Pinuntahan din ako ni Jake at nakisama sa’min.

    “may sing along sina Mike diba?” narinig kong tinanong ni Paolo kay Drew.

    “oo nga noh.” tinawag naman niya yung attention ni Khyle. “kantahan tayo after kumain ah!” umayon naman si Khyle.

    Hindi ko talaga maiwasang tingnan sina Mike. Mukhang masaya silang nag-uusap habang kumakain. Nando’n pa si Diane.

    Di nagtagal, nag-umpisa na din yung kantahan. Nanguna pa si Drew na niloko-loko naman yung pagkakakanta niya kaya tinawanan lang namin. Sunod na pinakanta yung isang kaibigan ni Khyle. Umayaw pa nga eh pero sabi ni Paolo bawal daw umayaw kundi may consequence na ibibigay. Napilit din naman nila.

    Umalis saglit si Jelaine at tumabi do’n sa mga classmates niya na kabarkada ni Khyle. Ako naman, binalak ko na sanang puntahan si Jake na naka-upo malapit kina Drew para magka-usap na kami. Nadaanan ko naman si Mike na katabi sina Khyle at Diane.

    “Hilary, kanta ka din mamaya ah?” sabi ni Mike kaya huminto muna ako sa tapat nila.

    “huh? ewan ko, bahala na.”

    “maganda siguro boses mo noh Hilary?” Diane gave me a smile so what I did was just smile back.

    “sinabi mo pa! she has an angelic voice.” Mike said to her.

    Natuwa ako nung sinabi niya yun.

    “hey, ikaw din Diane, I want to hear your voice later. I bet you have a nice voice too, right?” he smiled at her.

    Tuluyan ko nang pinuntahan si Jake kaysa tagalan ko pang tingnan na nagngingitian yung dalawang yun. Nagseselos lang yata ako eh kahit alam ko namang hindi dapat.

    “Jake, we need to talk, sa labas muna tayo..”

    “okay..” he gave Drew a tap on his shoulder. “bro, sa labas muna kami.” he then stood up and followed me outside.

    pagdating namin do’n, tumayo siya sa harapan ko. “tungkol sa’n ba?”

    “Jake, kasi..” I paused.

    “ano yun?”

    That’s when I came up with Philosophy #15: Tell what you feel. Say what you mean and mean what you say.

    I went closer to him. “I know that you’ve been so nice and you’re a great guy..” before I continued, I looked at his eyes. “but I’m sorry.”

    “are you telling me to stop?”

    “dapat dati ko pa sinabi sa’yo eh pero ngayon ko lang kasi na-realize na kahit anong gawin mo, hindi kita kayang mahalin.. ayaw kitang paasahin lang sa wala kaya tama na. I’m so sorry, sorry talaga.” nakatingin lang din siya sa’kin. “kung galit ka sa’kin, sabihin mo na yung gusto mong sabihin. isumbat mo na lahat.” I looked down after saying that.

    “Hilary, tumingin ka nga ulit sa’kin..” he lifted my chin. “hindi ako galit sa’yo.. I understand.” I saw a smile on his face.

    “thank you.” I uttered.

    he looked at my eyes. “siya yung dahilan noh? I know there’s something about him but I just ignored it before. pero napapansin kita tuwing tinitignan mo siya and now I really could tell, there’s more than that.”

    “sino?” I looked at him. Napansin na pala niya yun?

    “I know you know Hilary..” he smiled again then hugged me. “I’m still glad that you came in my life and I’m thankful for all the memories with you. we’re still friends, right?”

    I embraced him more tightly. “ano ka ba, of course!” I returned.

    At least ngayon, medyo relieved na ko. Pagkatapos namin mag-usap, bumalik na ulit kami sa loob and this time, si Diane na pala yung kumakanta. Napahinto ako sa may pintuan para tingnan yung reaksiyon ni Mike. Nakatingin siya kay Diane habang nakangiti.

    naramdaman ko si Jake na hinawakan yung kamay ko. “hey, what’s wrong?”

    tiningnan ko siya at umiling. “nothing.”

    nakita kong tumingin din siya kay Diane pagkatapos sa’kin ulit. “it’s not what you think it is. really.”

    “what?” I became bewildered.

    “mukhang may gumugulo sa’yo.” ngumiti siya. “malilinawan ka din pero hindi ako dapat ang magpalinaw sa’yo. halika na, pumasok na tayo.” hinila na niya ko.

    Ano yung sinasabi ni Jake? ???

    Pagpasok namin, tapos nang kumanta si Diane at sa’kin naman in-abot ni Drew yung microphone. “ikaw na Hilary..”

    “hindi, uuwi na ko.” palusot ko lang naman yun.

    “wag naman K.J. Hilary!” tumawa si Paolo. “game na..”

    “wag na muna ako, yung iba na muna.”

    “ikaw na kasi.” nakisama pa si Jelaine sa pagpilit.

    “go Hilary!” sabi naman ni Khyle.

    “kumanta ka na.” bulong sa’kin ni Jake dahil katabi ko siya nun. “okay?”

    tumingin ako sa kanya at ngumiti. “isa ka pa eh!” pabiro kong sinabi.

    “nahihiya yata si Hilary..” napatingin ako kay Mike kasi tumayo siya. Siguro siya nalang yung magpiprisintang kumanta imbis na ako.

    Pero hindi pala tulad ng inaasahan ko.








































    “I’ll go with her, we’ll be on a duet.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:42 am

    continuation..


    para mas ma-imagine niyo yung events, nag-upload ako ng mp3 ng song. you can download it here: You Gave Me A Reason pero kung ayaw niyong i-download, okay lang din naman, hehe. Wink



    “oh ayan, duet daw pala eh! duet na!” tuwang-tuwa pa si Drew.

    Nakatayo na si Mike at pumipili na ng kakantahin. Kinuha ni Drew yung kamay ko at pagkatapos eh nilagay niya sa palad ko yung microphone pero parang ayaw ko paring tumayo.

    “dali na Hilary, hindi ko pa naririnig yung boses mo eh.” Paolo nudged me slightly.

    “naman eh, ma--”

    “so many tears that I’ve cried..” for the first time, I heard Mike’s voice singing.

    “magaling din pala kumanta si kuya Mike?” Jelaine murmured. I then turned my head to look at him.

    “so many nights asking why,
    why all my dreams fell apart..
    and letting go is so hard.”

    he walked towards me and offered his hand. “your turn.” he smiled. I looked at his hand first uncertain whether to take it or not but because it was already time to sing the second verse and I’m still staring at his hand, he still sang a line.

    “I held my pain deep inside and I thought that love was a lie..” he was still smiling at me and nodded. I then took his hand and stood up.

    “and I felt it might be too late.” I crooned then we walked forward. “I saw it all fade away..”

    I shifted my look to the screen.

    Both (Chorus)
    “but then, you gave me reason to love again..”

    Girl
    “you came and changed the way the story ends”

    Both
    “you’ll always be..” we glanced at each other. “here in my heart endlessly.”

    Boy
    “Ooh..” he faced me. “and now my dreams have come true”

    “I found myself there in you..” I faced him too and we simultaneously sang this line.

    “and all the things that I missed,
    I found them here in your kiss”

    We both looked at the screen again.

    Both (Chorus)
    “baby.. you gave me reason to love again..
    you came and changed the way the story ends
    you’ll always be.. here in my heart endlessly.”

    “you gave me..”

    “you gave me reason you’re all i need
    you showed me love and now my heart believes
    you made me see, you gave me reason to be..”

    He looked at me once again with a smile.

    “you gave me reason to love again (you gave me reason to love)
    you showed me love, you made me see | see the reason | you gave me reason to be..”

    “you gave me reason to love again.. (to love again)
    “you came and changed the way the story ends (changed the way)
    you’ll always be | you’ll always be | here in my heart endlessly (you’re in my heart endlessly)

    “you gave me reason you’re all i need (you’re all i need)
    you showed me love and now my heart believes”

    “you made me see”

    We stared at each other.

    “you gave me reason to be..”

    When the song ended, his gaze was fixedly at me. “nice performance.” he smiled.

    I smiled back. “ang dami mo namang talent!” he chuckled then we both went back to where we seated. I, near Jake and Jelaine while him, beside Diane.

    Nagprisintang kumanta si Paolo kaya tumayo na siya. Patapos na ding kumanta si Pao nang naisipan ko nang umuwi.

    “Jelaine, uuwi na ‘ko, sasabay ka na ba?”

    “huh? bakit? hindi pa ko pwedeng umalis.” tumingin muna siya kina Khyle pagkatapos may binulong siya sa’kin. “may surprise kasi kami mamaya kay Khyle.”

    “gano’n ba? gusto ko nang umuwi eh, hindi ko na maabutan kung ano man yung surprise niyong yan..”

    “oh sige na nga, mauna ka nalang umuwi, ingat ka ah?” hinawakan niya yung kamay ko. “halika, magpa-alam ka na muna kay Khyle.”

    tatayo na dapat ako pero tinanong muna ako ni Jake. “sa’n ka pupunta?”

    “gusto ko nang umuwi eh..”

    “ang aga mo namang aalis..”

    “oo nga eh.” Jelained reacted then she turned to me. “ba’t ayaw mo kasing mag-stay?”

    ayoko naman nang sabihin yung dahilan kaya in-iba ko na yung sasabihin. “tara na, magpapa-alam na ko.” tumayo na ‘ko at sinamahan naman ako ni Jelaine papunta kay Khyle.

    “Kyle, mauna na ‘ko..”

    “bakit? maaga pa ah..” sabi ni Khyle. napatingin din sa’kin nun sina Mike at Diane.

    “may gagawin pa kasi ako.” kahit wala naman talaga.

    “kahit after 1 hour pa muna, wag ka na munang umalis..” Diane suggested.

    “ayaw magpapigil eh..” Jelaine shrugged.

    I managed to smile. “enjoy nalang kayo..” then I turned to Khyle. “happy birthday ulit and thank you.”

    “okay, basta ingat ka on your way..” he smiled back at me. “thank you din for coming.”

    tinawag ko naman yung tatlo sa kabilang side. “Jake, Pao, Drew! I’ll go ahead na..”

    “aww, aalis ka na pala! isang song pa ulit bago ka umalis!” ngumiti si Drew ng nakakaloko.

    tumawa ako. “weh ka! ayoko na noh! sige na, bye!”

    “take care Hilary!” Pao returned.

    Lumapit naman si Jake sa’kin. “yeah, ingat..” hinawakan niya yung balikat ni Mike. “kayo!”

    tumingin ako kay Mike at pagkatapos kay Jake. “anong kami?” hindi naman sumagot si Jake pero nakangiti lang siya sa’kin.

    tumayo naman si Mike. “wala kang kasabay umuwi?“ umiling ako.

    “edi ganito, ihahatid ka na muna niya..” sabi ni Jake.

    “Ooh..” I gave Jake a meaningful look. “I get it.” kaya pala “kayo” kasi ihahatid ako.

    “so, you’re off! ingat ah?”

    Naunang naglakad si Mike. “halika na..” sumunod naman ako.

    Tahimik lang kami habang naglalakad palabas ng bahay nila. Hanggang sa makalabas na kami sa gate, gano’n pa rin. Nakalagay lang yung mga kamay niya sa bulsa niya.

    “uhmm.. Hilary.” he finally spoke.

    “yeah?” we were still walking.

    “ano.. sa battle of the bands, manood ka, huh?”

    nilingon ko siya. “lagi mo nalang pinapaalala sa’kin yan ah. basta, bahala na.” tumingin na ulit ako sa dinadaanan ko.

    Huminto siya kaya napahinto din ako. Pumunta siya sa harapan ko at tiningnan ko naman siya. Nang tinitigan ko yung mukha niya, bigla nalang akong may naalala..

    “nga pala, gusto mo bang kalimutan si mr. bmoc?”

    “of course! kung kaya ko lang ng mabilisan, ginawa ko na noh!”

    “tutulungan kita..”

    ngumiti siya bigla. “anong bahala na? nabilhan na pala kita ng ticket kaya pupunta ka talaga.” hinawakan niya kung kamay ko at hinila ako. “tara.. wag tayong mag-tricycle ah? maglalakad lang tayo.”

    “okay lang, malapit lang naman eh, magkatapat lang naman subdivision natin..” I was looking straight ahead.

    “sana nga masmalayo eh para masmatagal pa tayong maglalakad..”

    “bakit naman? edi nakakapagod! kung masmalayo pa, mag-tatrycicle ako noh!”

    he laughed. “hindi naman kita hahayaang makasakay do’n sa trycicle, haharangan kita! tapos babagalan ko pa yung lakad ko.” he paused for a while and looked at me. “para masmatagal kitang makasama.”

    I tossed my head to look at him after I heard that.

    “uhh..gusto lang kitang pagurin hanggang sa maasar ka!” tumawa siya at iniwas na yung tingin niya sa’kin. “yun ang ibig kong sabihin.”

    binatukan ko nga. “sira-ulo ka!” tinawanan ko nalang din.

    Maya-maya nakarating na kami sa tawiran at kagaya noon, gusto niya siya yung nasa side kung nasa’n yung mga sasakyan. Konting hakbang nalang, nasa tapat na din kami ng bahay namin.

    “Mike..”

    “hmm?”

    nakarating na kami kaya huminto na kami sa paglalakad. “natulungan mo na ‘ko.”

    “huh?” nagtaka siya.

    “wala. babalik ka na ba?”

    “oo eh, may surprise kasi kami para kay Khyle. sayang, di mo maaabutan.”

    “okay lang, sige, pasok na ko..ingat ka pabalik.”

    tumango siya at ngumiti. “ipapaalala ko lang ulit sa’yo, next week na yung battle.”

    “oo na! ang kulit naman!”

    tumawa lang siya. “sige, bye!”

    Nag-wave ako habang paalis na siya. Habang papasok na ko sa loob ng bahay, naibulong ko nalang sa sarili ko..

    “natulungan mo na ‘ko. nakalimutan ko na si Anthony because now..








































    ..you gave me reason to love again.” I sighed.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:43 am

    Chapter 21
    Prisoners


    Foundation week. Wala ng regular classes pero kailangan pa rin naming pumasok para mag-partake sa mga school activities. Isa na sa mga activities na yun ay yung “battle of the bands” na sa Friday night gaganapin. Ilang araw nalang sa ngayon yun kaya lahat ng contestants, sa music room pumupunta. Meron ding marriage booth, dedication booth, jail booth, horror booth at kung anu-ano pang mga booth na ilalagay sa quadrangle na sponsored ng iba’t ibang clubs or organizations within our school. Magkakaro’n din ng mga programs sa week na ‘to. Sasayaw yung dance troupe, kakanta naman yung school’s choir, at magpeperform din yung pep squad.Yung mismong foundation day naman, sa Saturday. Since no regular classes naman, pinayagan kami na mag-civilian clothes for this week.

    YFC club yung sinalihan ko kaya natapat sa’min yung dedication booth. Pinagdala kami ng mga cd’s para sa songs and stationeries para kung may magbibigay ng letter, may gagamitin kami. Pati roses and stickers meron din para magmukhang creative.

    Yung guy members ng club, kinuha na yung sound system. Kami naman ni Allysa na classmate ko at ka-club ko din, naiwan sa booth para mag-ayos ayos kasama yung iba pang members. Kinolekta namin yung ibang cd’s pagkatapos gumawa kami ng listahan ng mga songs na magiging reference ng mga students na gustong mag-dedicate mamaya.

    Sina Carla naman, member ng kabilang club na marriage booth yung sine-set-up. Nakita ko pa nga siya na pinaglalaruan yung mga wedding stuffs. Feeling niya siya yung ikakasal kaya natatawa ako nung pinapanood ko siya. Nasa ibang booths pa yung iba kong close friends. Si Jelaine natanaw ko siya sa may horror booth samantalang sina Drew naman na hindi ko naman malaman kung ano ba yung booth nila dahil wala pang mga gamit na naka-set-up, naka-upo lang sa tabi. Aba, wala nga yatang tinutulong eh!

    Puro preparations lang naman ang pinag-gagagawa namin hanggang sa mag-break time na. Kumain na ako at pagbalik ko, ayos na pala lahat pati yung ibang booths. Nagsimula na ring magpuntahan yung mga elementary students sa quadrangle para magtingin-tingin. Sa horror booth sila nagsipuntahan.

    Nagpatugtog na muna yung booth namin habang wala pang nag-dededicate para naman magkaro’n ng music sa school grounds. Maya-maya, may mga bumisita na ding mga high school students sa booth namin at namili na sila ng mga kantang gusto nilang ipatugtog.

    “this song is dedicated to Laurice..” sabi ni Allysa sa microphone dahil siya ang ginawang announcer ng club moderator namin. Pagkatapos, nilagay na niya yung cd sa player at tumugtog yung “she could be” by Christian Bautista.

    habang nagpapatugtog kami, may lalaki naman na lumapit. “anong i-dededicate?” tinanong ko siya.

    “letter with rose..”

    Binigyan ko siya ng stationery para sulatan niya at pagkatapos, hahanapin naman namin yung pagbibigyan niya. Nung natapos na din siya sa pagsulat, kumuha na ako ng rose para isama sa letter. Kinuha naman yun ng kasamahan ko at ayun, hinagilap na niya kung sino man yun. Nung bandang hapon, dumami na yung nagdededicate ng song pati na din ng mga letters. Hindi pa nga nakakabalik yung iba kong kasama sa paghahanap ng pagbibigyan nila meron nanamang nag-dedicate ng letter kaya ako na yung kumuha nun. Babae yung gumawa ng letter kaya lalaki naman yung hinahanap ko. Pumunta ako sa covered court, sa cafeteria at corridors para mahanap yung Alfred. Ngayon alam ko na kung bakit ang tagal bumalik ng iba kong mga kasama! Ang hirap maghanap ah! Siyempre kailangan ko ng information kaya nagtanong-tanong ako sa ibang students na mukha namang ka-batch nun. Nahanap ko din naman siya kaya naibigay ko din. Inasar pa nga ng mga kasama niya eh. Bigyan ba naman kasi siya ng love letter nung babae.

    Pabalik na dapat ako sa booth namin nang harangin ako ni Drew.

    “hi Hilary!”

    “oh Drew! Anong ginagawa mo dito? Nakita kita kanina, hindi ka naman tumutulong sa booth niyo tapos ngayon naman pagala-gala ka. ikaw ah!”

    “ako? Hindi tumutulong?” tinuro niya yung sarili niya pagkatapos, ngumiti siya. “now I’m contributing to our booth.” Bigla nalang siyang may kinabit sa kamay ko na toy handcuff.

    “Drew!” I stepped backward. “jail booth ka pala!!” I pulled my hand back but he didn’t let go of me.

    “you're already caught!” natuwa pa ang loko! “ikukulong na kita.”

    “ano bang hinuhuli niyo?” tinanong ko siya habang kinakaladkad niya ko sa corridors.

    “mga may necklace.”

    “edi aalisin ko na! ano ka ba, parang di tayo magkaibigan ah!” I exclaimed.

    “sorry, wala munang kaibi-kaibigan. Kailangan may mahuli para magkapera.” Tumawa siya. Nang-aasar ‘to ah!

    Kahit anong gawin kong pagpapabigat at pagpalag, nadala pa rin ako ni Drew do’n sa kulungan nila.

    “oh! Hinuli mo pala si Hilary?” Jake was the one standing at the entrance of their jail.

    “uh-huh!” Drew nodded. “this..” he pointed at my necklace.

    Tinatanggal na ni Drew yung posas kaya naisipan ko na tatakbo nalang ako kapag natanggal na niya nun.

    Napa-iling si Jake. “aww.. dapat di ka nagsuot niyan Hilary.”

    I shrugged. “malay ko ba..”

    Natanggal na yung posas kaya tumakbo na nga ako kaso naharangan ako ng kasamahan nila pagkatapos eh hinawakan ako ng mahigpit ni Drew sa kamay. “tatakas ka pa ah!” ngumiti si Drew ng nakakaloko.

    “kailangan kong bumalik sa booth namin!”

    “kailangan mo munang magbayad ng 20 pesos miss..” sabi nung lalaki na humarang sa’kin.

    “hindi ko dala yung pera ko, nasa booth!”

    “edi magstay ka muna dito..” ipinapasok na ako ni Drew sa kulungan nila.

    Hindi ako pumasok. “arrgh! Ano ba Drew!”

    “hey, I’ll pay for her bail..” Jake offered.

    “nah-uh!” umiling si Drew. “bawal yun Jake. As members, we can’t pay for the bail of others, remember?” tumingin siya sa naka-upong teacher sa may mesa. Yun yata yung club moderator nila. “diba sir?”

    Busy naman yung teacher sa pangongolekta ng bente na ibinabayad sa kanya ng ibang nahuli kaya tumango lang siya. Buti pa sila may naibabayad, ako wala. Pati cellphone ko iniwan ko sa booth eh, kaya hindi ko tuloy ma-text si Allysa na dalhin sana yung bag ko. Haay!

    “oo nga pala. tsk, tsk.” Jake turned to me with a sorry look.

    Pinilit nanaman akong ipasok ni Drew. Wala naman na akong nagawa kaya nakulong nga ako. “don’t worry, after 1 hour makakalabas ka na.” sinara na niya yung pinto.

    Umupo ako sa loob at may nakasama naman akong 2 girls and a guy. Pero yung guy kakakuha lang niya ng pera sa bulsa niya pagkatapos eh tumayo na. Ayun, pinakawalan. Kaming 3 nalang ang naiwan. May nahuli pa silang iba pero bago pa man sila makulong, nagbabayad na sila. Ako naman, tingin lang ng tingin sa orasan ko. Ni wala pang 30 minutes. Ang tagal ng oras!

    “naiinip na ‘kong maghintay. Magbayad nalang kasi tayo..” sabi nung babae sa kasama niya. Pati sila naiinip na din.

    “sayang kasi yung bente eh.. balak ko pa sanang hintayin nalang yung 1 hour pero sige, mainit din kasi dito kaya magbabayad na nga lang ako..” tumayo na siya at sumunod din naman yung isa.

    Nagbayad na yung dalawang yun kaya ako nalang tuloy ang naiwan sa loob.

    Sumilip sa’kin si Drew. “ano Hilary? Kaya pa?” inirapan ko nga!

    Forty minutes na din ang nakalipas sa paghihintay ko. Malamang hinihanap na ako nina Allysa doon sa booth.

    Umalis ulit si Drew at naghanap nanaman ng mabibiktima. si Jake naman, pagkatapos niyang makahuli ng mga schoolmates namin na hindi naman nakukulong dahil may naibabayad, patingin-tingin din at chi-ne-check niya ako. Sabi ko naman kaya ko pa dahil konting paghihintay nalang din at lalabas na ‘ko.

    Fifty-five minutes passed by. Five minutes nalang! Tiningnan ko yung orasan ko at naghintay pa. “10.. 9.. 8.. 7.. 6.. 5.. 4..” tumingin ako sa may pinto at eksaktong kababalik lang ni Drew. “Drew! Tapos na yung 1hour ah!”

    Tumingin din siya sa orasan niya. “oo nga noh..”

    Lumapit na siya doon sa pinto kaya tumayo na ako. Bubuksan na sana niya yung lock pero may lumapit sa kanya na ka-club niya at may ibinulong. “yun na ba yung sunod? Okay, sige maghanap ka na. susunod ako..” tumakbo naman yung bumulong sa kanya.

    Naiinip na talaga ako kaya hinawakan ko yung grills ng kulungan at inalog ko. “bilisan mo naman!”

    “eto na..” inaalis na niya yung kandado pero napahinto siya. Napatingin siya sa damit ko. “eh Hilary, hindi ka pa pala pwede eh..”

    “bakit nanaman ba?!”

    “next target namin yung mga nakasuot ng layered clothes eh.” Tinuro niya yung suot ko. “you’re wearing a bolero..”

    I looked at what I’m wearing and returned my gaze at him. “have you heard of the word mercy?” I crossed my arms.

    “sorry Hilary!” hindi na niya tinuloy yung pagbukas ng pinto pagkatapos tumakbo na siya. Arrgh!

    Eh pa'no pala kung lahat nalang ng tatargetin nilang gamit every hour eh meron ako, edi hindi na ako nakalabas?!?

    I sat alone inside again and rested my head on my knees. Not too later, I heard that the jail’s door opened so I lifted my head and I saw someone struggling..






































    “hey, stop! kailangan ako sa music room, ano ba?!?”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:43 am

    Nasa loob na siya ng kulungan at sinaraduhan na siya ng pinto ng nakahuli sa kanya na kasamahan nina Drew. Nakasuot kasi si Mike ng polo and may shirt siya sa loob.

    “what the?!” Mike held the jail’s grills and shook it. Maybe when he realized that he can’t get anything from what he’s doing, he finally stopped and turned at my direction. “so you’re here too?”

    I didn’t say a word and just gawked at him with an isn’t-it-obvious?! look.

    He went near me and sat beside me. “grabe, I can’t believe these people!” he said with a tinge of irritation in his voice.

    “if you can’t believe these people, well, believe them now! Kanina pa nga ‘ko nandito eh!”

    “since when?”

    “an hour ago!”

    “eh bakit hindi ka pa pinalabas?”

    “nasa booth namin yung pera ko kaya hindi ako makabayad. Papakawalan na dapat ako after 1 hour pero..” hinawakan ko yung manggas ko.

    Tiningnan niya yung suot ko. “layered clothes, kaya pala. na-target ka nanaman.”

    “ikaw, bakit hindi ka nagbayad? Please naman, ibayad mo na din ako para makalabas na tayo dito!”

    “I would as much as I want to pero nagastos ko na kasi sa cafeteria yung dala kong pera eh at doon ako hinuli. Nasa music room yung mismong wallet ko, sorry.”

    “how about your cellphone? i-text mo si Pao!”

    sumandal siya sa grills. “it’s up there too..”

    “ugh!” I rested my head on my knees again. Hopeless! I feel so tired waiting for another hour in here. It’s not even convenient ‘cause it’s hot inside!

    “may pamaypay ka ba or something?” malamang eh naiinitan na din siya.

    “wala!!” I exclaimed without lifting my head. Sira ba siya?! Kita na ngang wala akong dala kahit ano eh!

    “oh, okay. oist bro!” I heard that he stood up but I just remained on my position. “Jake! pwe--”

    “hindi pwede, may rules for the jail booth kaya pasensiya na.” I heard Jake talking.

    “hihiram lang ako ng pamaypay eh! mainit sa loob, alam mo ba yun?”

    “Ooh. teka, hihiram ako kay sir, baka meron siya..”

    After a while, naramdaman ko nalang na may hangin na. Pag-angat ko ng ulo ko, katabi ko na pala ulit si Mike at pinapaypayan niya ‘ko. “there you go.. ikaw, ang sungit mo nanaman ah! meron ka ba?”

    “wala noh, shut up!”

    He just chortled and continued fanning me and his self.

    May bagong dating nanaman na nahuli but as expected, hindi pa man sila nakakatungtong sa kulungan eh nagbabayad na kaga’d sila. Sigurado akong makaka-ipon yung moderator ng malaking budget para sa club nila dahil sa mga nagbabayad na yun.

    “tama ba yung nalaman ko?” Mike suddenly asked. “you already turned down Jake?”

    “nalaman mo na pala eh..” iniwas ko yung tingin ko sa kanya. “ba’t tinatanong mo pa?”

    “gusto ko lang na sa’yo manggaling..” I glanced at him, he was staring at me.

    “yah, I turned him down.” bago pa siya magtanong kung bakit, inagaw ko nalang sa kanya yung pamaypay. “ako na nga, ang hina mong pumaypay eh!”

    hindi naman niya binigay. “ako nalang, sige, lalakasan ko na..” bumitaw na ‘ko sa pamaypay pagkatapos, ngumiti naman siya.

    Luckily, nakita kong dumaan si Joyce kaya tinawag ko siya. Lumapit naman siya sa’min. “oh! na-jail booth pala kayo..”

    tumayo ako. “Joyce, may dala kang pera? pa-utang naman kami..”

    “oo, me--” napatingin siya sa likod ko at binalik din naman sa’kin yung tingin niya. “ay! wala pala.. nando’n sa bag ko eh..”

    “ganito nalang, pakikuha nalang pala ng bag ko sa dedication booth para makaalis na kami dito..”

    “eh kasi..” tumingin ulit siya sa likuran ko.

    Lumingon naman ako para tingnan kung ano ba yun. Si Mike pala yung tinitingnan niya. Nakatingin din siya sa’min nang nakangiti habang nagpapaypay. Hindi ko alam kung bakit siya tinitingnan ni Joyce pero hindi ko na yun masyadong pinansin at kina-usap ko na ulit si Joyce. “sige na Joyce..”

    “ano eh.. hinahanap ko pa yung ikakasal namin sa marriage booth eh!” nagsimula na siyang tumakbo. “pasensiya na.”

    “Joyce!” tinawag ko ulit siya pero nakalayo na siya.

    “so that means hindi pa tayo lalabas, right?” I turned my head at Mike and he was smiling.

    “parang natutuwa ka pa?” I gave him a perplexed look. “ayaw mo bang makalabas?!”

    “ako? natutuwa? hindi ah! haay..” nilakasan pa niya yung pagpaypay niya sa sarili niya. “gusto ko nang makalabas dito..”

    “yun naman pala eh! tulungan mo na kong makahanap ng taong kakilala natin na dadaan noh!”

    “sure, sure.” tumayo na din siya para tumingin-tingin sa paligid at ako naman yung um-upo.

    Naghintay pa ako ng 15 minutes. Pinapanood ko lang yung iba kong schoolmates na pumupunta sa booth dahil nahuli sila at nakakalayas din naman right after pati na din yung pagtakbo takbo nina Drew tuwing aalis na sila para manghuli ng bago. Ang boring naman ng ginagawa ko!

    Sinubukan ko nang i-check si Mike. “ano may duma--” his was just gazing at me with his arms crossed. “pa’no mo makikita yung mga dumadaan kung hindi ka naman sa labas nakatingin?!”

    “sa labas ba ko dapat nakatingin? sabi ko nga eh..” sa labas na siya tumingin nun.

    Eh loko pala ‘to eh! sa 15 minutes na yun sa’kin pala siya nakatingin, ano namang mapapala namin kung ganun!

    may nakita akong batchmate namin na naglalakad. “Mike, teka, diba kaibigan mo yun?”

    “saan?”

    “ayun oh!” tinuro ko naman. “nakita ko kayo dating magkasama eh, tawagin mo na!”

    “nasaan nga?”

    tumayo ako para lapitan si Mike. “nandoon!” Mike was looking at a different direction so I turned his head to the other side. “nakikita mo na?”

    “sino ba diyan?”

    Ang bulag naman nito!

    “yung naka-blue! dali na! bago pa makalayo!”

    “ahh oo nga, kaibigan ko yun..”

    “edi tawagin mo na!” I looked at Mike.

    he shook his head. “wala na, naka-alis na eh..”

    Hindi naman nagtagal, may dumaang lalaki sa harapan namin.

    “Mike!” binati siya nung lalaki.

    “uy, hi!” wala naman na siyang ibang sinabi kaya dinaanan lang kami nung lalaking yun.

    hinawakan ko siya sa braso. “anong ginawa mo?”

    “nag-hi. masama ba yun?”

    Alam ko nag-hi ka! Haay, mabatukan ko ’to eh! “kakilala mo pala yun eh ba’t hindi ka umutang?”

    “ay! oo nga, nakaliimutan ko.” nginitian nanaman niya ko. “sa iba nalang..”

    Ba’t ba nakukuha pa niyang ngumiti samantalang ako wala na kong hinangad kundi makalabas na doon.

    Nangawit na ako sa pagtayo kaya umupo na ulit ako pero nakatingin pa rin naman ako sa labas. May nakita ulit ako na alam ko namang nakasama na ni Mike noon. “eh siya?”

    “si Jed?”

    “aba malay ko ba kung anong pangalan niya! basta nakita ko kayong nag-usap dati eh, tawagin mo!” paalis na yung Jed at may pupuntahan yatang ibang direksyon.

    “Jed..” tinawag nga niya pero mahina lang naman yung boses niya. “hindi ako narinig eh!” yung Jed naman nakalayo na.

    “pa’nong di ka mariring eh ang hina naman nung pagtawag mo!”

    Ngumiti nanaman siya. “edi maghintay nalang tayo dito hanngang mag-1 hour na..”

    “eh akala ko ba gusto mo na ding lumabas?”

    “gusto ko na ngang lumabas..” naglakad siya papunta sa kabilang corner sa may tapat ko at doon umupo. May binulong-bulong pa siya na hindi ko naman naintindihan.

    tumingin ako sa kanya. “ano? may sinasabi ka?”

    “sabi ko gusto ko na ngang lumabas!” umiwas siya ng tingin.

    Chin-neck ko yung orasan ko, 40 minutes na pala ang nakalipas. Tahimik lang kaming naghintay sa loob. Patingin-tingin ulit ako sa labas at pinapanood ko lang yung mga tao. Kapag sumusulyap naman ako kay Mike, nakatingin siya sa’kin. Na-ilang ako kaya binato ko sa kanya yung pamaypay.

    Nasalo naman niya. “bakit ba?”

    “tigil-tigilan mo nga ‘ko!”

    “ano bang ginagawa ko sa’yo? nananahimik na nga yung tao eh..” tumawa siya.

    “ewan ko sa’yo!”

    Sa lahat naman ng makakasama ko, si Mike pa! Ang hirap.. mahirap sa pakiramdam. Laking tuwa ko nalang nang buksan na yung kulungan at pwede na daw kaming maka-alis. Paglabas namin, wala si Jake. Nanghuhuli pa siguro yun pero dumating naman si Drew na may hinuli nanaman.

    “nakalabas ka na pala Hilary, sorry ah?”

    “I hate you Drew!” I was joking around and laughed. “sige na, babalik na ko sa booth namin..”

    “sige, wag ka na ulit magpahuli sa’kin kung ayaw mo na..”

    “oo, mag-iingat na ‘ko sa’yo!” I gave him a slight punch in his arms.

    “sabay na tayo maglakad..” sabi ni Mike.

    Habang naglalakad kami, narinig kong may tumunog na cellphone. Hindi naman sa’kin yun dahil hindi ko nga dala pero ang lapit ng tunog eh. Nilingon ko si Mike at nakita ko nalang na hawak na niya yung phone niya.

    “eh akala ko ba nasa music room yan?!”

    “huh?” tiningnan niya yung phone niya. “kasi..” tumingin ulit siya sa’kin at ngumiti ng nakakaloko. “dito na pala yung daan ko, sige ah?” tumakbo na siya papunta sa hagdan pagkatapos.

    Nananadya ba siya?! Ewan ko ba sa taong yun!

    Dahil nakatakbo na naman siya, hinayaan ko nalang at binilisan ko na yung lakad ko dahil siguradong kailangan ako sa dedication booth.

    “sa’n ka nanggaling?” yan ang tanong nilang lahat sa’kin nang makarating na ‘ko.

    Sinabi ko naman sa kanila kung ano yung nangyari pagkatapos bumalik na sila sa kung ano man yung ginagawa nila. Bumalik na din ako sa pwesto ko sa tabi ni Allysa.

    “nandito ka na pala.. eto oh..” may binigay siyang rose.

    kinuha ko naman at tumayo para mag-ready na sana sa paghahanap ng pagbibigyan nun. “kanino ‘to ibibigay?”

    “ano ka ba? sa’yo yan noh! nung umalis ka kanina para hanapin yung Alfred, may dumating dito at pinapabigay niya yan sa’yo..”

    “sino naman?” tanong ko.

    ngumiti si Allysa. “kung itatanong mo daw yan sa’kin, wag ko na daw sagutin eh..” may dumating sa harapan niya para mag-dedicate ng song kaya na-preoccupy na siya.

    Tiningnan ko nalang yung rose na may card pala. Pagbukas ko, letter “O”

    Teka! I already turned down Jake, and if that’s so..














































    bakit nakatanggap pa rin ako ng red rose??


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:44 am

    Chapter 22
    Unveiling


    Mga bandang alas kwatro ng hapon, pagkatapos ng mga activities sa booth, dumiretso na ‘ko sa classroom namin para puntahan sina Carla. Wala na kasi sila sa booth nila kaya malamang umakyat sila doon. Yung iba kong classmates kagaya nina Erlyn, nakita ko na umuwi na kaga’d dahil hindi pa ‘ko nakakatungtong sa room, nakakasalubong ko na silang paalis. Saktong pagdating ko eh nando’n na sina Drew at Jake na parang wala pa yatang balak umuwi. Nilalaro laro pa nga ni Drew yung hawak niyang handcuff. Si Carla at Joyce naman, nagpapahangin sa may electric fan. Dala-dala ko pa yung rose nang pumasok ako.

    “Hilary!” nag-wave sa’kin si Drew. Lumingon naman si Jake dahil nakatalikod siya sa may pintuan.

    Lumapit ako sa upuan ko at nilapag doon yung bag ko. “Jake, akala ko ba--” hindi ko naman natuloy yung sasabihin ko at pinakita ko nalang sa kanya yung rose. “then what’s this?”

    Tiningnan ni Jake yung hawak ko. Magsasalita na sana siya pero biglang tumawa si Drew.

    “bakit?” nagtaka naman ako.

    Tuloy pa rin sa pagtawa si Drew. Binalik ko naman yung tingin ko kay Jake, nakatingin na siya kay Drew.

    “don’t tell me, iniisip mo na kay Jake yan galing?” Tumigil din sa pagtawa si Drew.

    I exchanged glances with the both of them. “bakit, hindi ba?”

    “it’s not from me Hilary..” Jake smiled.

    I looked at Drew. “eh yung binigay mo sa’kin sa bus?”

    “may binigay kang rose sa kanya sa bus?” Jake inquired Drew.

    “yeah, meron nga.” he answered Jake.

    I shifted my gaze at Jake. “hindi mo yun alam?” Jake shook his head.

    “it’s because hindi naman galing kay Jake yun Hilary.” Drew said.

    “how about the rest of ‘em? starting from the rose with the letter “I”?” I inquired once more.

    “ano bang rose yung pinag-uusapan niyo?” Mukha ngang walang ka-ide-ideya si Jake.

    “kasi, may natatanggap akong red roses. Each of them has a card with corresponding alphabet letters written on it. I thought--”

    “no Hilary, hindi siya.” Drew shook his head while smiling.

    All this time, I was thinking that those roses were coming from Jake then all of a sudden, hindi pala?

    “eh sino yung nagpabigay sa’yo nun?” I threw him a perplexed look.

    Instead of answering my question, he turned to Jake. “got it bro?”

    “kung hindi ako nagkakamali..yah, I got it.” then he smiled at me. “hay nako Hilary, hindi niya ba sinabi sa’yo?”

    “nino? ang alin?” huh? ano ba ‘to?

    Medyo natatawa na din nun si Jake at pagkatapos, humarap siya kay Drew. “tsk, tsk. patorpe effect talaga yun!”

    “well, what can we do? that’s his style!” tumawa na naman si Drew.

    Habang nagtatawanan sila, um-upo naman ako sa upuan sa harapan nilang dalawa at tinitigan ko lang sila. Napansin naman nila yun kaya sa wakas eh napatingin na din sila sa’kin at pinansin na din ako. Para naman kasing wala ako noh! Kanina pa ako tanong nang tanong, di naman ako sinasagot.

    “oo nga pala, manonood ka ba sa battle?” tanong ni Drew sa’kin.

    alam ko binilhan ako ni Mike ng ticket pero wala naman siyang binibigay sa’kin ah. Totoo bang binilhan ako nun? “siguro..”

    “you should be there Hilary.. last battle of the bands na natin yun kasi gagraduate na din tayo after ilang months eh..” sabi ni Jake.

    “yung ticket kasi--”

    “wala ka pa? bilhan ka namin, gusto mo?” nag-offer si Drew.

    “hindi! nabilhan na daw ako ni Mike eh.. kaso wala naman siyang binibigay sa’kin..”

    “busy kasi yun sa music room pero baka ibigay niya na din yun, hintayin mo nalang..”

    “oh sige..” napansin ko naman na parang iniba na nila yung usapan. “eh teka hindi pa nasasagot yung tanong ko ah!”




    “sooner or later, you’ll find out..” Grabe, nasagot yung tanong ko!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:44 am

    ***


    Sa mga sumunod na araw ng foundation week, gano’n pa rin naman. Magkakaro’n kami ng customer sa booth, ako naman eh hahanapin yung pagbibigyan. Ang pinagkaiba lang, masmarami ng tao ngayon sa campus. May program kasi sa elementary kaya siyempre may mga parents na um-attend. Muntik muntikan na nga ulit akong mahuli ng jail booth na yun eh! Pero this time, nakatakbo naman ako at iniiwasan ko nang makasalubong yung mga members nun. Hindi ko naman masyadong nakikita si Mike. Malamang busy sa pagpractice yung mga yun.

    Pagdating ng Friday, sinabi sa’min na hanggang 12:00 nn nalang daw yung mga booths at kailangan na daw tanggalin yun pagdating ng hapon. Ipapapanood kasi sa’min yung program ng high school sa covered court. Natuwa din naman ako nun kasi ayoko na rin maghanap hanap ng mga taong pagbibigyan ng letters na dinededicate. Kapagod kaya!

    Nakapagligpit na kami around 1:00 pm. Pinatawag naman sa intercom lahat ng students na pumunta na daw sa covered court dahil mag-uumpisa na daw yung program. Pero dahil hindi pa naman ako nakakapaglunch, hindi na muna ako dumiretso do’n. Aba, bahala na kung may nagpeperform na doon basta ako sa cafeteria ako pupunta.

    Konti lang yung tao sa cafeteria dahil karamihan siguro ng mga tao, nanonood na nga ng program. Um-upo naman ako sa corner malapit sa may bintana at doon kumain. Matatapos na din ako pero ayoko pa namang makipagsiksikan sa mga audience sa may covered court kaya nag-stay na muna ako sa loob ng cafeteria.

    “Hilary! nagpapakataba ka dito ah!” dumating si Carla kasama si Joyce.

    “hindi pa kasi ako nag-lunch kaya ngayon lang ako nakakain..” um-upo naman sila sa harapan ko.

    “grabe, ang daming tao sa covered court! ang init pa do’n kaya bumili kami ng inumin. nandito ka rin naman pala..” sabi ni Joyce habang nagpupunas siya ng pawis.

    “kaya nga hindi ako pumunta do’n eh..”

    “sama ka ba sa’min mamaya?” uminom si Carla sa mineral water na binili niya.

    “saan?”

    “hello??” nag-snap si Joyce sa harapan ko. “ano bang meron mamaya?”

    nag-isip naman ako. meron ba silang lakad? “ahmm.. magmo-mall ba kayo?”

    “loka! battle kaya mamaya!” sabi ni Carla.

    Mamayang gabi na nga pala yun, nawala sa isip ko. Ni hindi pa nga ako nakapag-paalam eh.

    “so ano? manonood kasi kami.. ikaw?” tinanong ulit ako ni Joyce.

    “of course, manonood siya!” may bigla nalang sumingit sa usapan namin. Nilingon ko naman kung sino yun.

    Pumunta si Paolo sa gilid namin. “diba Hilary?”

    Dumating din si Ray na may hawak-hawak na bote ng mineral. Kakabili niya lang kasi. “ticket mo nga pala..” may in-abot sa’kin si Ray na maliit na papel.

    “nasa taas siya eh, pinabigay nalang.” Paolo uttered.

    I reached for the ticket. “pakisabi, thank you..”

    “Panoorin mo kami ah?” Paolo then turned to Joyce and Carla. “pati kayo, okay?” he asked with a smile.

    “oo naman noh!” Carla returned.

    Nginitian naman nila kami pagkatapos eh umalis na din para bumalik na ulit sa music room. Si Carla naman kilig na kilig kay Paolo.

    “sinong nagpabigay ng ticket mo?” asked Joyce.

    “si Mike..” I kept the ticket inside my wallet.

    “buti ka pa nilibre..” Carla commented.

    “close sila eh! feeling mo naman ililibre ka ni Paolo mo!” Joyce joked around.

    “malay mo balikan ako dito tapos may ibibigay din siya..” Carla chortled.

    “eh nakabili na tayo eh, ano ka ba!”

    “sa bagay, kahit pala bigyan niya ko ngayon madodoble lang yung ticket ko. tara na nga! nangarap pa tuloy ako!” Carla laughed and stood up.

    Natawa naman ako kay Carla tapos tumayo na din kaming dalawa ni Joyce. Sinilip namin yung program kaya nakita ko yung mga sumasayaw doon kaso hindi ko din masyadong napanood dahil puro ulo naman ang nakita ko. Hindi na namin tinapos yung program. Umuwi na kami para makapagpalit ng damit at magkita nalang daw kami sa entrance gate pagdating ng 5:30 pm dahil 6 mag-uumpisa yun.

    Pag-uwi ko sa bahay, nando’n na si Jelaine. Sinabi ko sa kanya na manonood ako ng battle pero siya, hindi daw siya manonood. Magpapa-alam na dapat ako sa parents ko pero wala sila! Dapat kapag ganitong oras naka-uwi na sila galing sa trabaho eh.

    Hindi ko naman alam kung papayagan ako pero nagbihis na din ako para kung papayagan, ready to go na kaga’d. Kumain na muna ako habang hinihintay ko sila.

    5:20 na pero hindi pa rin dumarating yung parents ko. Tinawagan ko yung phone nila pero unattended naman. Naghintay pa ulit ako at nakinood nalang muna ng tv kasama si Jelaine. Ilang minuto nanaman ang lumipas.

    “anong oras ba sila babalik?” naiinip na din ako kakahintay pero hindi naman ako pwedeng umalis kaga’d nang hindi nakakapag-paalam. Dapat kasi kahapon pa ko nagpa-alam kaso nawala kasi sa isip ko yun.

    “hindi ko alam. anong oras ba yung battle?”

    “6 pm!”

    tumingin si Jelaine sa wall clock namin sa taas ng tv. “eh lampas 6 na ah! eh kung pumunta ka na kaya, ako nang magsasabi pagdating nila..”

    “hindi kaya sila magagalit?”

    “ako na bahala! balitaan mo ko kung sinong mananalo ah?”

    Niyakap ko naman si Jelaine pagkatapos eh tumakbo na ako sa sakayan. Nag-abang na ako ng sasakyan kong jeep kaso puno na yung mga naunang dumaan. Naghintay pa ulit ako at nakasakay din naman ako mga bandang 6:20.

    Habang nasa jeep ako, chineck ko yung cellphone ko. May messages pala ako.

    : asan kn?

    : hoy loka! nasan knb? kanina pa kami dito..

    : pa2sok na kami ah..txt ka pg dmating kn..

    Eh wala naman akong load! Pa’no ko mag-rereply? Chineck ko pa yung ibang messages.

    : nag-start na, ba’t wala kp d2?

    : bilisan mo!

    : Hilary, hinahanap ka ni Mike..wer r u?

    : nasan kn bng babae ka?!

    : nasa’n ka..? nandito ka ba..??

    Nang makarating ako sa school, may pila pa sa gate. Kung hindi ako nagkakamali, yung iba sa kanila mga outsiders dahil hindi ko naman mamukhaan. Yung mga schoolmates ko siguro kanina pa nasa loob. Nakipila na din ako at pagdating ko sa loob, may tumutugtog ng banda sa may stage. Hindi ko nga alam kung nasa’n ba sina Carla kaya nagpalakad-lakad ako. Nadaanan ko pa yung board kung sa’n nakalagay yung mga pictures ng mga banda pati na din yung rank nila sa botohan para sa people’s choice award. Nangunguna yung “never mind”

    “Hilary! dito!” nakita ko si Jake na naka-upo kasama sina Drew at Carla. Nag-save pala sila ng upuan para sa’kin.

    “anong petsa na?” tanong ni Drew habang papalapit ako sa kanila.

    “oo nga! hindi ka man lang nagrereply!” sabi naman ni Carla.

    “hinihintay ko pa kasi yung parents ko dahil hindi pa ko nakakapagpaalam saka wala akong load.” um-upo na ako sa bakanteng upuan sa gitna nina Jake at Carla.

    sumilip sa’kin si Joyce. “dumating ka din sa wakas! manood ka na.”

    “buti nakaabot ka, malapit na sila eh. pabalik-balik pa kanina dito si Mike..” sabi ni Jake.

    “talaga? bakit daw?”

    ngumiti si Jake. “mamaya malalaman mo din..”

    Tapos nang tumugtog ng “stars” yung naabutan kong banda kaya pumunta yung emcee sa stage. “that was the band ‘clap your hands’..okay ba sila?”

    Okay naman yung performance nila. Pinalakpakan sila which gave dignity to their band name. We clapped our hands nga.

    “next in line is a band from the seniors. let’s welcome “never mind!” palakpakan naman diyan!” sabi ng emcee.

    Hindi lang naman palakpak ang narinig ko, may hiyawan pa nga eh! Gano’n kalakas yung dating nila?

    Nakita kong umakyat sa stage si Paolo papunta sa drumset. Si Joey naman nando’n na sa tapat ng microphone at nag-sound check. Si Ken at Ray, pinlug-in na yung gitara nila. Si Mike naman medyo nahuli pa sa pag-akyat.

    Lahat ng contestants, required na tumugtog ng dalawang kanta. Yung una, contest piece na lahat ng bandang kasali, yun ang tutugtugin, magkakaiba-iba lang yun sa rendition na gagawin at doon ibe-base kung paano sila bibigyan ng score.Yung pangalawa naman, kahit na anong song.

    Tinugtog na nila yung contest piece. Ang lakas ng audience impact pagdating sa kanila. Nung natapos na sila sa first song, saka lang sila nagpakilala.

    “I’m Joey Cruz for vocals.” pinasa niya yung microphone kay Paolo.

    “Paolo Rodriguez here!” nag-wave siya tapos ngumiti.

    “Mike Guererra, lead guitar.” sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa audience. Sa gitara niya siya nakatingin at may ina-ayos yata.

    Nagpakilala din naman sina Ken at Ray tapos naghihiyawan ulit yung mga tao.

    “sa next song namin, magiging second voice nalang ako..” tumawa ng mahina si Joey.

    Umakyat naman yung isang teacher sa stage at may dinagdag siyang microphone stand sa gitna. Na kay Joey kasi yung isa, eh dinala niya yun sa may gilid. Wala namang lumalapit doon sa microphone na yun kaya nagtaka naman ako. Sinong kakanta?

    “ready na kayo?” tinanong ni Joey yung audience. Lumingon naman siya sa mga kasama niya at may sinabi yata na kung ano. “title nito, For You I Will (Confidence)”

    Nagulat nalang ako nung nakita kong papalapit si Mike sa microphone sa gitna. “I like to dedicate this song to someone special..” nag-strum na siya ng gitara.

    “Alright, yeah..” si Joey pa rin yung nag-umpisa.

    “Wandering the streets, in a world underneath it all..” pero boses na ni Mike yung sunod kong narinig. “Nothing seems to be, nothing tastes as sweet as what I can't have.
    Like you and the way that you're twisting your hair ‘round your finger.
    Tonight I'm not afraid to tell you, what I feel about you.”

    May mga naghiyawan mula sa ibang audience.

    “I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    and cannon ball into the water.
    I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    for you I will, for you I will...”

    “ang galing kumanta ni Mike! wooh!” Joyce applauded.

    “Forgive me if I st-stutter
    from all of the clutter in my head...
    ‘Cause I could fall asleep in those eyes,
    like a water bed.
    Do I seem familiar; I've crossed you in hallways a thousand times.
    No more camouflage I want to be exposed
    And not be afraid to fall.”

    Pinanood ko si Mike habang kumakanta siya at nag-gigitara at ewan ko ba, immediate reaction ko eh hanapin kung nasaan si Diane kaya lumingon-lingon ako.

    “I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    and cannon ball into the water.
    I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    for you I will.
    You always want what you can't have
    but I've got to try.
    I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    For you I will.. For you I will..
    For you I will.. For you..”

    “sinong hinahanap mo?” napansin ako ni Jake.

    Nakita ko siya na nandoon pala sa kabilang dulo. “si Diane..”

    “If I could dim the lights in the mall and create a mood, yeah, I would…”

    “pero bakit?” hindi ko naman na siya sinagot at pinilit ko nalang na ngumiti.

    “…shout out your name so it echoes in every room, yeah.”

    Sinasabi na niya yung nararamdaman niya para kay Diane. I already expected this before, alam kong wala namang patutunguhan yung feelings ko para kay Mike.

    “That's what I'd do,
    That's what I'd do..
    To get through to you, yeah

    I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    And cannon ball into the water.
    I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    For you I will.
    You always want what you can't have,
    But I've got to try.”
    I'm gonna muster every ounce of confidence I have,
    For you I will..” yumuko si Mike para tumingin sa pag-strum niya. “for you I will..”
    tumingin ulit siya sa audience. “for you I will..”

    Naramdaman ko naman na nag-vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko na muna.

    “Hilary, for you I will.”

    Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko pa nache-check yung message sa phone ko pero tumingin na ako ka’gad sa stage. Pangalan ko ba yun?! Nakatingin na din sa’kin sina Carla at Joyce habang nakangiti.

    “now you know why he’s looking for you..”

    tumingin ako kay Jake. “a-ano?” naguluhan ako. Ngumiti lang sa’kin si Jake kaya binalik ko na yung tingin ko sa stage. Narinig ko na naman yung palakpakan at hiyawan ng mga tao.

    “yeah! you guys are great! and whoever is Hilary, you’re a lucky one girl!” sabi ng emcee habang pumapalakpak din.

    Ako?! Eh akala ko ba si..








































    “Hilary, sa’n ka pupunta??”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:44 am

    Chapter 23
    Uncluttering Notions


    Tumakbo ako palabas ng school at kahit narinig kong tinatawag ako nina Carla, hindi na ako lumingon. Pinara ko na agad yung unang jeep na nakita ko. Sinundan ako ni Jake at Drew sa labas pero sumakay na ako sa jeep kaya hindi na nila ko nahabol. Hindi ako mapakali sa loob ng jeep. Tuwing bumabagal yung takbo ng sinasakyan ko, gustong-gusto ko na bumilis na agad para makarating na ko sa pupuntahan ko. Tumingin ako sa bintana at natanaw ko din yung mataas na puting building na yun kaya pumara na ako.

    Pumasok ako ka’gad sa loob ng entrance hall ng hospital at dumiretso ako sa front desk habang hinihingal-hingal pa. “nurse, sa’n po yung naaksidente? yung car accident na ngayon lang nangyari.”

    “anong pangalan ba miss?” tinanong ako ng nurse.

    “mr. and mrs. Delarante po!”

    tumango siya. “sandali lang..” kinuha niya yung listahan nila ng mga pasyente at hinanap na doon yung parents ko. “eto pala.”

    Tinuro niya naman sa’kin kung saan yun at nagtatakbo na ulit ako sa hallway. Nakita ko din yung kwartong sinabi sa’kin ng nurse at tinulak ko yung malaking pinto. Nakita ko doon si Jelaine na nakatayo sa tapat.

    “natanggap ko yung text mo, ano, kamusta na daw sila?”

    “ba’t hingal na hingal ka?” hinawakan niya ako sa balikat. “relax ka nga muna..”

    “okay.” huminga naman ako ng malalim. “nasa’n sila?”

    “Hilary! nandito ‘ko..” narinig ko yung boses ng mama ko. Lumingon ako sa gilid at nakita ko siya na naka-upo sa harap ng desk ng doctor na may sinusulat sa medication slip.

    “okay ka lang Ma?” I asked as I embraced her tight.

    “ayos naman, may konting pasa lang..” she answered while stroking my back.

    I finally broke free from the embrace. “eh si Papa?”

    she touched my face and smiled. “he’s in the x-ray room. he’s still undergoing some tests but other than that, hindi naman gano’n kalubha yung pagkakabangga namin..don’t worry too much, okay?”

    Hindi ko naman mapigilan na maluha nung time na yun. “akala ko kasi--”

    “shh..it’s okay now dear.” she hugged me once again.

    I saw the view of Jelaine going near to our mother’s back while I was resting on her shoulders. “wag ka ng umiyak..” she smiled and wiped some of my tears.

    Our mother also cuddled Jelaine and I wiped the remaining tears in my cheeks. “grabe, kinabahan naman ako!” I slightly chuckled.

    “sandali lang, sabi ni Jelaine may pinuntahan ka daw na event sa school ninyo, tapos na ba yun?” my mom asked.

    “hindi pa po pero umalis na ko do’n nung nabasa ko yung text niya na naaksidente daw kayo kaya pinuntahan ko kayo dito..”

    “hindi ka na ba babalik? kung gusto mo, tapusin mo na yun..okay lang.”

    I shook my head. “hindi na po, dito nalang muna ako.” then I smiled.

    “mrs..” the doctor spoke after writing something and looked at us with a warm smile.

    “girls, sa waiting area na muna kayo, kakausapin na muna ako ng doctor..”

    Lumabas naman kami at um-upo ako doon sa isa sa mga upuan sa corridor. Tumabi din sa’kin si Jelaine. “sorry, pinakaba kita. ibabalita ko lang sana sa’yo kaso napasugod ka pa tuloy dito..”

    “ano ka ba..” I put my hand on hers. “okay lang yun noh!” nag-ring naman bigla yung cellphone ni Jelaine kaya kinuha niya sa bulsa niya. “sino yan?”

    “si Khyle.. sagutin ko muna ah?” tumango ako. “uy Khyle! Kuya M--” parang nag-iba yung tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya. “I mean Khyle pala.. hmm, oo..” ngumiti sa’kin si Jelaine pagkatapos tinanggal niya sa tenga niya yung phone at tumayo siya. “excuse lang muna..” sabi niya sa’kin.

    Binalik niya ulit yung phone sa tapat ng tenga niya. “nasa hospital kami..” narinig kong sabi niya habang naglalakad siya palayo papunta sa kabilang side.

    Saka ko lang din naisipan na i-check yung phone ko. Nakita ko na may 17 na miss calls galing kay Mike pero hindi ko nasagot dahil hindi ko naman na pinansin yung phone ko kanina. May mga messages din galing kay Jake. Binasa ko lahat yun at halos pare-pareho lang naman na tinatanong kung bakit daw ako umalis. Hindi ko na kasi nasabi sa kanila sa sobrang madali ko kanina. Naka-sampung text sa’kin si Jake at pagdating sa may dulo, nakita ko yung isang text ni Mike.

    Sender:
    miKe
    +63919*******
    nakita kita, ba’t ka tumakbo..??

    Hindi ko naman sila ma-replayan. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano na kayang nangyayari sa school? Sa battle of the bands? Si Mike? Totoo ba yung narinig ko kanina? Pero pa’nong naging ako?

    tiningnan ko si Jelaine, hindi pa siya tapos makipag-usap sa phone pero tinawag ko pa rin siya. “Jelaine, sa labas muna ako ah?” nilingon niya ko at tumango lang siya.

    Naglakad na ako palabas sa hospital. Haay, too many questions in my head, kailangan ko ng hangin! Gabi na, kaya malamig yung hangin sa labas pero okay na ‘to kaysa nasa loob naman ako. Ayoko naman yung amoy ng hospital. Nagpalakad-lakad ako at nakita ko yung malaking puno na may nakapalibot na semento paikot sa puno na yun kaya doon nalang ako um-upo. Dinaanan pa ako ng ambulansiya na pumasok sa gate. Kahit pa’no eh natuwa naman ako dahil hindi naman pala malubha yung nangyaring aksidente sa parents ko kaya thankful pa rin ako.

    Naramdaman ko naman na parang may nagpatong ng kung ano sa balikat ko. Tiningnan ko pa yung balikat ko at may jacket na pala. Lumingon ako sa likuran ko at nandoon na si Mike na nakangiti sa’kin.








































    “nakakainis ka naman eh!”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:44 am

    I stood up to face him and I also held the jacket because it almost fell from my shoulders. “Mike?! bakit ka nandito? pa’no na yung battle of the bands?”

    “iniwan ko. tapos na naman yung performance namin eh at alam mo bang nakakainis ka, tatambay tambay ka dito sa labas eh ang lamig pa naman! baka sipunin ka eh ayoko pa naman na nagkakasakit ka kasi baka mag-alala na naman ako sa’yo tulad nalang nung nilagnat ka sa school!”

    Magsasalita na dapat ako pero nagtuluy-tuloy siya sa sinasabi niya.

    “nakakainis talaga! tawag ako nang tawag, hindi mo naman sinasagot!”

    “kasi--”

    “at ang nakakainis pa, tinakbuhan mo ‘ko! alam mo ba kung ga’no kahirap para sa’kin yung ginawa ko kanina?” he interrupted me again.

    I gave him a perplexed look then he smiled. “you don’t have to explain actually.” umupo siya at tumingin sa paanan niya. “akala ko galit ka sa’kin kaya hindi mo sinasagot yung mga tawag ko..naisip ko tuloy na si Jelaine nalang ang tawagan kasi baka kasama mo siya pero kung sakaling magkasama nga kayo at nalaman mong ako yung kausap niya, baka ipababa mo naman sa kanya yung phone. Hinanap ko pa tuloy si Khyle mula sa audience kanina at phone nalang niya ang ginamit ko.. saka ko lang nalaman yung nangyari.” tumingin siya sa’kin. “you scared me, you know that?! inisip ko na wrong move yata yung ginawa ko kanina sa battle, yun pala may nangyari sa parents mo. sana sinabi mo naman..”

    “nag-alala ako kaya nagmadali na kong umalis.” tumalikod ako sa kanya. “isa pa, ano bang kalokohan yung ginawa mo kanina?”

    pumunta siya sa harapan ko. “hindi yun kalokohan.” mahinahon niyang sabi sa’kin.

    tiningnan ko siya. “si Diane? pa’no siya?!”

    “you’re thinking that Diane and me—” natawa siya ng mahina. “are you kidding me? Diane is Khyle’s girlfriend! kahit tanungin mo pa si Jake, Drew, or si Pao. alam nila yun.”

    “ano?!”

    Naalala ko naman yung sinabi sa’kin ni Jake sa party ni Khyle.

    “it’s not what you think it is, really. malilinawan ka din pero hindi ako ang dapat magpalinaw sa’yo.”

    So.. mali yung inisip ko?

    tinitigan ko siya. “eh pero, nung araw na una ko kayong nakitang magkasama, that was also the day when you said to me that you’re going to start courting the girl that you’re talking about at the park!”

    “nung mga times na nakikita mo kaming magkasama ni Diane, yun yung mga araw na nagpapatulong siya sa’kin para sa surprise kay Khyle. Yung surprise para sa birthday niya, remember?”

    ina-lala ko naman yung party ni Khyle. Oo nga, may sinabi si Jelaine at Mike na may surprise daw para kay Khyle na hindi ko maaabutan dahil umalis na ‘ko ka’gad.

    “si Diane kasi ang nakaisip na gumawa daw kami ng video. Lahat ng message na gustong sabihin ng mga taong importante sa buhay ng utol ko, doon ire-record and to prove na totoo yung videong sinasabi ko, why don’t you ask your sister? Kasama din kasi sa video na yun yung kapatid mo since close friends sila ni Khyle. yun lang yun Hilary, nothing more and nothing less.”

    “are you serious?”

    “makinig ka muna..” hinawakan niya yung kamay ko. “nung araw na sinabi kong uumpisahan ko na yung panliligaw ko, nakatanggap ka ng rose. Sabi nung bata, matangkad yung nagpapabigay diba?” ngumiti ulit siya sa’kin.

    ako naman eh tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

    “nakakainis ka talaga!” tumawa siya. “hindi pa ba ko matangkad sa lagay na ‘to?”

    “sa’yo galing yung mga red roses na yun?”

    tumango siya. “the girl that I’m talking about at the park is none other than you, Hilary.” bigla naman niya ‘kong niyakap. “dati, naguluhan pa ko. Iniisip ko kung bakit of all people, ikaw pa. Alam ko kasi na may gusto sa’yo si Jake at ayokong makipag-kompitensiya sa kanya dahil bestfriends kami. But I can’t help my feelings for you kaya kinausap ko na si Jake at inamin ko sa kanya lahat. Naintindihan naman niya and that was when I decided to start courting you..yun nga lang, about the roses, you gave the credit to Jake not knowing that those were from me.”

    hinampas ko naman siya sa likod pero mahina lang. “sira ka! hindi mo naman nilagay yung pangalan mo do’n eh!”

    umalis na siya sa pagkakayakap niya. “I know. sorry, my bad.” may kinuha naman siya sa likod ng shirt niya. “for you..”

    Kinuha ko yung binigay niyang red rose at siyempre may card nanaman. Binuksan ko yun at binasa yung nakasulat, the last alphabet letter was already there.

    “U”
    -Mike

    “improving, may pangalan mo na sa dulo ah!” medyo tumawa ako.

    “ahmm, wait lang..” may kinuha siya sa bulsa niya, yung phone pala niya. Binasa niya yung screen ng phone niya pagkatapos nakita ko nalang siya na ngumingiti.

    “what was the text about?”

    inangat niya yung ulo niya. “inanounce na yung results, panalo daw kami.”

    “talaga? wow! congrats!”

    binalik na niya yung phone niya sa bulsa niya at pagkatapos, ningitian niya ko. “nasa’n yung life guide mo?”

    “bakit?” aanhin niya ba yun?

    “pahiram muna..”

    Kinuha ko naman sa bag ko yung memo notebook na yun pagkatapos eh binuklat niya. “now I believe in your 11th Philosophy. tama ka nga, the right time of telling you how I feel will never come all by itself unless I make it happen.” tiningnan niya ko sa mga mata ko. “as for now, the right time is currently happening..” niyakap niya na naman ako. “ and as what the letters in the roses spell..”









































    “Hilary, I LOVE YOU.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:45 am

    Niyakap ko din siya nang marinig ko yun. Mixed emotions ang naramdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Kakaiba talaga. Matagal kami na nasa gano’ng posisyon, walang nagsasalita lalo na ako. Wala akong sinabi.

    Siya yung unang bumitaw sa pagkakayakap at tiningnan niya yung mukha ko na parang nag-oobserba. “now is the time to say something, you know that?”

    wala naman akong ginawa kundi ngumiti lang. As I’ve said before, some joys are better explained in silence, as a smile gets more audible than laughter. That’s one of my philosophies, remember?

    “wait, does that mean--”

    I pushed his shoulder slightly. “wala naman akong sinabi ah!”

    “bakit?” he chuckled. “ano bang sinabi ko? wala din naman akong sinasabi ah! well, wala pa dahil di mo naman ako pinatapos. ikaw diyan ang defensive!” he said good-humoredly.

    “well, actually.. yes!” I returned.

    “what do you mean yes? yes.. defensive ka?”

    “uh-huh..” I nodded. “I think defensive nga ako..”

    “defensive ka kasi--” he smiled adorably. “is what I’m thinking, what you’re thinking?”

    “hay nako, ewan ko sa’yo! babalik na ko sa loob!” I turned my back at him and started to walk a few steps but I made a halt when he pulled my hand.

    “ano nga?”

    “yun na nga yun!” I pulled back my hand and continued walking towards the hospital building when he impeded my way.

    “anong yun na yun? hindi ko nga alam kung ano yun..” the smile in his face didn’t wreck at all.

    “bahala ka!” I passed over him and to my surprise, he didn’t hinder me once again but instead, he gave way.

    Hindi na ‘ko kinulit ah.

    Habang papunta ako sa loob, sinabayan lang akong maglakad ni Mike papunta kina Jelaine at sa parents ko. Tahimik nga siya eh. Nagalit ba siya? Para binibiro ko lang naman! Siya lang ba may karapatang mang-ganun?

    “kuya Mike! nandito ka!” sinalubong ni Jelaine ng ngiti si mokong pagkapasok namin sa kwarto kung nasa’n sila.

    Sina mama at papa na nando’n na pareho, nagtaka pa kung sino yung kasama ko kaya pinakilala ko si Mike. Hindi pa nila alam yung tungkol sa’ming dalawa. Oh well, sa bahay ko nalang siguro sasabihin yun. Natapos na din si Papa sa mga tests na ginawa sa kanya. May mga sugat siya pero hindi naman grabe eh. Si mama, kagaya ng sinabi niya, may mga pasa-pasa lang naman. Pagkatapos ng mga medications na binigay ng doctor, umalis na kami. Nag-offer naman si Mike na ihahatid niya kami. Tinawagan na daw niya yung driver nila para may magamit na sasakyan.

    “may driver pala kayo eh ba’t lagi kang na-le-late sa school?”

    ako nga dahil wala kaming driver, gusto ko na ihatid ako ni papa sa school kaso siyempre may trabaho din sila at baka sila naman ang ma-late ni mama kaya wag nalang. Ginusto ko nga noon na sana nagkadriver kami eh. Pero dahil nasanay na din naman akong mag-commute, hindi ko na yun inisip.

    “sobra ka naman, hindi naman lagi eh, madalas lang!” tumawa siya. “mas gusto ko kasing nag-cocommute eh..”

    Dumating din naman kaagad yung van nina Mike at maayos kaming naka-uwi. Mukhang natuwa sina mama at papa kay Mike sa ginawa niya kaya nag-thank you sila para sa paghatid sa’min. Nauna nang pumasok si Jelaine sa loob ng bahay namin. Kasunod niya na din yung parents ko at ako naman, medyo nagpaiwan pa sa labas. Pinanood ko lang silang pumasok.

    “oh pa’no, thanks ah? bye!” papasok na din dapat ako pero hinawakan niya ako sa kamay.

    “bye? hindi pa!” Tumingin naman siya sa likuran niya kung sa’n nakapark yung van. Hinila niya ko papunta doon sa side kung nasa’n yung driver nila at kinatok niya yung bintana nun.

    binaba ng driver yung bintana para kay Mike. “manong, i-uwi niyo na po yan, hindi ako sasabay..”

    “sigurado ka?” tinanong siya nung lalaki na medyo may edad na.

    “sure ako..” tumango si Mike.

    “oh sige, ingat ka hijo..”

    “salamat po, kayo din.” pagkatapos nilang mag-usap, itinaas na ulit ni manong driver yung windowpane at nag-drive na siya paalis.

    Naiwan kaming dalawa ni Mike doon. “bakit ba?”

    “we’re not done yet..” hinila niya ako pabalik doon sa gate namin.

    “we’re not done yet ka diyan!”

    natawa siya sa’kin. May nakakatawa ba?

    “ano ba kasi yun?”

    “alin ba?”

    “ang kulit mo rin ano?” sumandal siya sa gate pero hawak pa rin niya yung kamay ko. ayaw bitawan! “yun nga eh..”

    “ako pa ang makulit? ikaw nga diyan eh!” hinila ko naman yung kamay ko at nag-cross arms ako. “I don’t have to say the obvious!”

    “I want to hear it from you..” he had a silly grin decorating his face. “what now?” he leaned closer.

    1 inch nalang yata yung pagitan ng mga mukha namin. “hey! back-off nga!” tinulak ko siya.

    “just say it..” he says, still grinning like an idiot.

    “oo na! I love you too, happy?!?”

    inilapit niya sa’kin yung tenga niya. “huh? ano yun? hindi ko yata narinig eh!”

    ang kulit talaga nitong mokong na ‘to kahit kelan oh! “ayoko na, nasabi ko na, ba’t ko pa uulitin?!” nag-attempt ulit ako na pumasok na sa loob ng bahay pero hinawakan niya yung braso ko.

    “eto naman, hindi mabiro!” lumapit na naman siya sa’kin at bumulong sa tabi ng tenga ko. “thanks Hilary..”


    The next thing I know?








































    I felt his lips in mine.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:46 am

    That Path In Our Hearts..



    Sinabi ko na sa parents ko yung tungkol sa’min ni Mike. Ang sabi nila, hindi naman daw sila tutol pero dapat daw hindi muna ako nakipag-relasyon dahil bata pa naman kami. But still, naintindihan nila ako dahil desisyon ko yun. Basta wag ko lang daw pabayaan yung studies ko, okay na. Si Jelaine naman nung una, nagulat din. Parang dati lang daw eh sinet-up nila kaming dalawa ni Mike tapos ngayon, mag-eend up din naman pala kami as couples.

    Ibinalita ko din kay Giselle ang tungkol do’n at siyempre happy din siya para sa’kin. In favor naman daw kasi siya kay Mike. Nalaman na din yun ng mga classmates namin sa school. Pa’no ba namang hindi? Pumunta kasi sa harapan ng classroom si Mike at in-announce na kami na.

    “ano ka ba!? ba’t mo ginawa yun?”

    inakbayan niya ko. “I want the world to know how much I love you, maling rason ba yun?”

    Palagi kaming magkasama sa school at napapadalas din yung dalaw niya sa bahay. Araw-araw nga din niya akong hinahatid eh. Kahit na minsan super busy siya, he still finds time para siguraduhing makaka-uwi ako ng safe. Tuwing magkakaro’n naman kami ng quizzes, tinutulungan din ako ni Mike sa mga lessons na hindi ko maintindihan. grabe, ang talino talaga nun.

    We graduated from high school after a few months. We are now currently in first year college taking up different courses but we’re still in the same school. Eight months na kami at monthsary namin ngayon kaya nag-usap kami na mag-meet kami.

    “anong gusto mong kainin?” he asked.

    “burger and fries..”

    “okay, just wait for me here..” he was about to leave but I called him back.

    “large yung fries and coke ah!”

    “I know, hindi ka naman nagda-diet eh!” he grinned then walked towards the cashier to get the order.

    Naghintay lang ako sa table nang maalala ko nung senior’s promenade, medyo nainis ako sa kanya. Sa hotel yung venue namin at maganda yung arrangements na ginawa. Carpeted yung malaking kwartong yun at yung mga tables and catering, sa gilid nilagay tapos yung gitna, yun yung dance floor namin.

    Prom date ko siya nun pero hindi niya ‘ko sinasayaw. Yung iba naman naming classmates sinasayaw niya. Nakasayaw ko din sina Drew, Pao, at Jake pati na din yung iba pero si Mike talaga yung hinihintay ko. Tinanong ko nga sina Jake kung ba’t gano’n siya pero ang sinasagot nila: “hayaan mo lang yun..”

    “how’s your night?” tinabihan ako ni Giselle sa table nung gabing yun.

    “fine, I guess..”

    “eh ba’t mag-isa ka dito?” lumingon-lingon siya. “where’s Mike?”

    “nasa dance floor..” pinaglaruan ko naman yung napkin na nasa table. “nakakainis na nga eh!”

    “oh, bakit?”

    “kasi naman eh! matatapos na yung prom pero hindi pa niya ko sinasayaw!” hanggang alas dose kasi yung prom namin. 11:30 na nun and yet, no sign of Mike asking me to dance.

    May dumating na lalaki at niyaya niyang sumayaw si Giselle. Nung una, parang ayaw sumama ni Giselle kasi maiiwan na naman daw ako ng walang kasama pero sabi ko, okay lang naman. Pumunta na sila sa dance floor at naiwan na naman ako. Slow dance na yung tinutugtog at may nagyaya din sa’kin pero tinanggihan ko na muna. Idinahilan ko na masakit pa kasi yung paa ko. Totoo naman yun, sumakit na din yung paa ko dahil sa high heels.

    11:55 pm.

    “that’s it for tonight but I’m playing out with one last ballad..” the DJ’s voice echoed over the loudspeaker.

    Lumingon lingon ako para hanapin kung nasa’n si Mike. Hindi ko siya makita. Nagsitayuan na yung iba dahil last song na nga.

    Nasa’n ka ba Mike? Naiinis na ‘ko!!

    Wala talaga siya. Inayos ko nalang yung pagkaka-upo ko at sumandal ako. Nalungkot ako. Ano ba naman kasi siya!?

    “can I have this dance?” Mike suddenly asked while placing a necklace around my neck from behind.

    I stood up at once to turn to him while holding the necklace that he gave. “Mike!” niyakap ko siya. “akala ko--”

    “can I?” he interrupted me and offered his right hand.

    I managed to nod and took his hand. He then led me to the dance floor, at the very middle of it. The other students who were dancing smiled at us as we made our way to the epicenter.

    Mike then folds his arms around my waist and pulls me closer and I have the sense to copy the girls around me and locked my hands behind his neck. I closed my eyes and leaned on his chest. “akala ko matatapos ‘tong gabing ‘to na hindi mo man lang ako sinasayaw eh..” I whispered.

    “what made you think that?” he laughed silently. “I planned this all along.. sinadya kong hindi ka yayain sumayaw para pagdating ng last dance, ikaw na ang kasayaw ko..”

    “anyway, it doesn’t matter. At least we’re having the last dance together.” I said softly.

    Dumating na si Mike bitbit yung tray kung sa’n nakalagay yung binili niyang pagkain para sa’min. Napagkwentuhan namin yung mga nangyari for the past months.

    And as I was saying, the prom, that night was the best night ever, well, at least for me. Kapag si Mike kasi ang tatanungin mo iba ang sasabihin niya.

    “anong that night lang? every hour, minute, or second I spend with you is the best! always remember that..that’s already the second thing I want you to remember always.” sabi niya pagkatapos niyang inumin yung softdrinks niya.

    “fine, I’ll remember that.” kumagat ako sa burger ko. “teka lang, ano yung first thing?!”

    “hindi mo pa nakita?”

    “ang alin? ano ba yun?”

    “nung fourth year high school pa tayo, ginagawa mo yung art homework mo nun eh. I told you that you’re simple in a good way tapos may nahulog galing sa bag mo. Sabi ko gusto kong basahin yung laman nun and while you were busy doing your homework, I wrote something at the last page of your so-called Life Guide.”

    Meron ba? Minadali ko namang kunin yun. Lagi ko naman kasi dinadali yun eh. I scanned through the pages of it…

    Philosophy #1: You have to learn how to move forward like everybody does. You can't stay stranded in the past forever.

    Philosophy #2: Always acknowledge your emotions! They serve a purpose and should never be ignored.

    Philosophy #3: Know how to treasure precious people. At least one person cares for you, life isn't a waste.

    Philosophy #4: No matter how near or far, friends will always be friends. This is how true friendship is tested.

    Philosophy #5: Don't expect that what you give will always be what you would take in return.

    Philosophy #6: Try to relax and lighten up. Stop trying so hard to do something because forcing things to happen when they are not supposed to will just cause frustration.

    Philosophy #7: Sometimes you've just got to do what you've got to do.

    Philosophy #8: If God gives u something u can do, why in God's name wouldn't u do it?

    Philosophy #9: Never underestimate the power of positive thought. Just believing that you can is half the journey to actually succeeding.

    Philosophy #10: Some things are better left unsaid.

    Philosophy # 11: The right time will never come, you just make it happen.

    Philosophy #12: When God gives you one important thing in life, never hold it too tight, so when he asks you to give it back, it’s easy to let go without hurting too bad

    Philosophy #13: Some joys are better explained in silence, as a smile gets more audible than laughter.

    Philosophy #14: The only thing that matters is just following your heart and eventually you’ll finally get it right.

    Philosophy #15: Tell someone how you feel. Say what you mean and mean what you say.


    And he’s right, there’s something written at the back part...







    Always remember that being simple is the most perfect way to make someone fall in love with you.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 15, 2009 8:46 am

    Kung dati ko pa pala nakita ‘to edi sana hindi ko na inisip na si Diane yung liligawan niya. Anyway, what matters is, ako naman pala yung tinutukoy niya at hindi si Diane.



    “Isa na siguro yun sa maraming dahilan kung bakit nahulog ako sa’yo.. when I was still falling in love with you, yeah, sure, maraming reasons kung bakit. but I’m not just falling in love with you anymore.” he looked intently me. “I’m pretty sure that I’m indeed in love with you at kung hihingan mo pa ko ng reason, wala na akong mabibigay..” kumuha siya ng isa sa fries na hawak ko. “I just do.”

    “alam ko..” I returned with a smile.

    Na-prove mo na yun sa’kin Mike, in your own ways.

    Love has its own reason and that reason is unknown.

    I must admit that being a teenager takes some getting used to. It’s unquestionably a lot more interesting, but it’s also a lot more complicated. Nevertheless, you can get through anything if you have people who care about you. It doesn’t matter who, just as long as you have someone. Another thing I’ve figured out is that I’m responsible for my own happiness, and it all comes down to a positive attitude and making the right choices. These are a few more lessons from my Life Guide.

    I chose Mike to be my boyfriend. That’s my decision and I’m happy about that because in my heart, I know, I made the right choice.

    “done eating now?”

    uminom muna ako. “yah.. tara..”

    “wait lang..” he picked up the tissue and reached across the table to gently wipe my face. “may dumi ka eh..”

    That act was so simple, yet so intimate.

    “thanks..”

    “may mga pinlano ako para sa araw na ‘to so better get ready..” ngumiti siya. “let’s go?”

    Tumayo na kami at lumabas sa cafeteria ng university namin. While we were walking at the catwalk, he suddenly asked. “anong plano mong gawin?”

    napahinto naman ako. “eh akala ko ba marami kang plano?”

    He stood in front of me and had a silly smile in his face. “actually, wala eh..”

    natawa nalang ako. hindi pa rin talaga ‘to nagbabago.

    “ano bang ginagawa natin sa past monthsaries natin?”

    “namamasyal, kumakain, nag-kekwentuhan, nag-aasaran, nag-hahampasan.. ahmm.. what do you call that? a date?”

    “naglalakad tayo kanina bago ka huminto so parang namamasyal na tayo. nakakain na tayo. nakapagkwentuhan na din. hmm..” tumingin siya sa’kin. “what’s next? aasarin na kita?”

    “sira ka talaga!”

    inakbayan naman niya ko. “well, may plano man o wala, let’s get this over with. We’ll still spend this day together..”

    we started to walk again.. “yeah, right!” I giggled. “here goes nothing..”

    He smiled at me. “may naisip na ‘kong gawin..”

    “ano naman yun?” I asked.

    huminto siyang maglakad at gano’n din naman ako. “nakikita mo ‘tong catwalk?”

    “siyempre kitang-kita ko, ano ka ba! oh, ano naman?”

    “edi may catwalk. pinagawa yan ng university para may malakaran tayo, yun lang! lakad na tayo ulit..” nag-step na siya pero bumalik din naman dahil hindi naman ako sumunod. “joke lang!”

    “eh ano na nga kasi yung naisip mo?”

    tumingin-tingin siya sa palaigid. “ahmm..racing tayo?”

    “racing?!” tiningnan ko yung paligid. “dito? hello?! ang daming tao! nakakahiya kaya!”

    “eh ano naman? schoolmates lang yan, di nila tayo kilala noh! let’s just follow this path hanggang sa makalabas na tayo dito sa university.. adventure yun!”

    Tiningnan ko lang siya. nagloloko na naman ‘to eh. “ewan ko sa’yo!” naglakad na ulit ako. “tara na nga lang..”

    Akala ko sumusunod na siya pero paglingon ko, hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Seryoso ba siya?!

    Binalikan ko si Mike. “ano ba?”

    “game na kasi! hanggang saan kaya yung matatakbo mo?” ngumiti siya ng nakakaloko. “baka naman wala pang 1 meter eh mapagod ka na..”

    “gano’n pala ah? well, let's see..”

    “tinatanggap mo na yung dare ko?”

    “oo, call! ano naman mangyayari kung natalo kita?”

    “pag natalo ako?” tinuro niya yung sarili niya. “asa pa Hilary!”

    “aba! pag natalo lang talaga kita lagot ka sa’kin!”

    “okay then!” he grinned and faced straight ahead. “just follow the path, alright?”

    yung mga tao na dumadaan, tumitingin sa’min. Pa’no, mukha kaming mga ewan na nakatayo doon. Mga harang nga siguro kami eh.

    Nag-count naman si Mike at nagsimula na kaming tumakbo palabas sa university. Hulaan niyo kung sinong nanalo. Siyempre.. siya. Ang bilis kasi niyang tumakbo! Nung nakipaghabulan nga kami sa mga bata noon sa park, napansin ko na talagang mabilis siyang tumakbo.

    Paglabas namin sa gate, hingal na hingal kaming dalawa. Sa laki ba naman ng university namin, sinong hindi mapapagod?

    Binilhan niya ako ng tubig sa may tapat. “wag mong dibdibin, kulang ka lang sa praktis.”

    “ang yabang naman!” pabiro kong sinabi at kinuha ko yung tubig na dala niya.

    Nagtawanan lang kami. Para kaming sira pero masaya naman.

    “wanna beat me? let’s try again. this time pabalik naman sa loob..”

    “whatever Mike! ayoko na!”

    he chortled. “come on, just follow the path..”

    I looked at him. “we already followed a path ever since. Surprisingly, it was not so direct. Ang dami pang paligoy ligoy noon eh!” I smiled.

    “does that matter?” natawa siya. “at least we still ended up at this path..” Mukhang na-gets naman niya kung ano yung sinasabi ko. “..a route in our hearts.. a detour to love..” he gazed at me and beamed. “ready?” he whispered. Then, we started racing back inside. How silly!












































    “and that route? it led me to you.”




    The End ♥


    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14321

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by W32.Downadup.D on Sat May 02, 2009 4:56 pm

    waw
    eto pang isa
    anghaba


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10600

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:09 pm

    oh, yah right!
    haha...
    bakit biglang naging page 7?
    page 5 lang ito dati ah,
    waha! :]


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17664

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:13 pm

    haha ganun talaga

    nabasa nio na?


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10600

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:26 pm

    ako pa,
    siyempre nabasa ko na!
    oi harvy,
    wag ka nga dito sa creatice suite...
    waha! :]
    nilalayuan nga kita eh...


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17664

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:35 pm

    ganun..nandun si alvin


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10600

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:36 pm

    oh? andun si alvin...
    sa iba ka nalang,
    sari-sarili tayo...
    waha!


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17664

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:50 pm

    sige post multi muna ako


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10600

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by .bad cheetah. on Wed May 06, 2009 12:45 pm

    haha, nice...
    walang online ngayon!


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14321

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by W32.Downadup.D on Sun May 10, 2009 10:59 pm

    nightmare-dono wrote:ganun..nandun si alvin

    nasaan ako?


    _________________


    Sponsored content

    default Re: Life Guide [ A Detour to Love ]

    Post by Sponsored content Today at 3:44 am


      Current date/time is Sun Dec 04, 2016 3:44 am