Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Drawing ( Part 2 )

    Share

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:02 am

    DRAWING [ PART 2 ]

    alam ko bitin ung part 1^__^...wahahaha


    -----------------------------------------------------------------------------------------

    Sabay naming hinarap ang kamatayan...

    -0-0-0-

    Malamig at madilim. Nanakit pa ang buong katawan ko. Patay na ba talaga ako?

    Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Nasilaw ako sa ilaw at puting pintura ng kisame. Teka, asan ba ako?

    "Denise? Anak? Buti at nagkamalay ka na! 3 araw ka ng walang malay! Salamat sa Diyos at nagising ka na!"Si Mama yun. Andun din ang tatlo kong kuya.

    Buhay ako! Pero si...

    "Ma, si Xylan?"

    Tumungo lang si Mama at umiling, alam ko na agad ang ibig sabihin nun.

    "Xylan, mangyari man yun, hindi pa din kita iiwan..."

    Ipagpatawad mo, kung hindi ko natupad ang pangakong yun.

    -0-0-0-

    Matapos ang 1 taon, tuluyan ko ng iniwan ang imahe ko bilang ang boyish na si Denise. Napagisip-isip ko na kolehiyala na ako, hindi na naayon kung ganun pa ako pumorma at kumilos. At higit sa lahat, galit ako sa Denise na yun. Ang Denise na hindi tumupad sa pangako nilang dalawa ni Xylan. Wala akong ibang masisi sa pagkawala nya kundi siya lang.

    Huling hiling nya na idonate ang kanyang kamay kung sino man ang nangangailangan. Si Diana na nagasikaso nun. AKo na kasi nagasikaso ng panlibing nya. Gusto ko sana makilala ang taong nakatanggap ng kamay nya ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng oras para gawin yun.

    Napansin ni Mama na maraming ala-alang dala ang lugar namin at dahil nakapagipon-ipon na din si Papa, napagdesisyunang lumipat na kami ng lugar at ganun na din ang aking eskwelahan. Hindi na ako sa Central East University magaaral kundi sa St. Anthony's College Of Architecture and Fine Arts. Naiwan sila Brix at Collins sa Central East University pero nangako naman kami sa isa't isa na magkikita paminsan-minsan.

    Ano na nga ba ang bagong Denise? Eto,nagpupumilit magpalda at maghigh heels. Gustuhin man maglaro ng dota o basketball kasama ang barkada, mas pinipiling tumambay na lang sa bahay. Nagaaral na din magmake-up. Ewan ko ba, ayoko lang talagang makita ang dating Denise. Ayoko na talaga.


    "Anak, don't be too hard on yourself. Wag pilitin ang ayaw."

    "DUHHH. Mom naman! Before, pinipilit mo akong magpakababae, ngayong nagpapakababae, ayaw mo na."
    Sabi ko kay Mama habang hirap na hirap ako sa pagpantay sa blush-on ko.

    "DUHHH. Jusko anak, para ka ng si Melanie! Naalala mo? Yung maarteng naging dahilan kung bakit ka nakick out nun highschool?" Nakapamewang na si Mama, halatang naiinis sa inaarte ko.

    Onga no? I do sound like Melanie. Remember? KAPATID NI BRIX? Musta na kaya yung mean girl na yun?

    "Ma, please, I dont want to recall any of my highschool memories. Okay?"

    "Ewan ko sayo anak, ibang-iba ka na talaga..." At tahimik syang lumabas sa aking kwarto.

    Oo Ma, ibang iba na talaga...

    -0-0-0-

    As usual, madaming boys sa school na ito. Grabe, first day ko as a sophomore sa isang bagong school. I hope hindi ito katulad ng 1st day ko nun lumipat ako sa CSDA before.

    Habang palakad sa maingay na corridor ng Industrial Design building,

    *CRACK*

    OMG!!! Nasira ang takong ng sapatos ko! Sinabi ko na nga ba at sa bigat ng paa ko e ang ganitong kanipis na takong ay hindi uubra!

    May narinig akong mga lalakeng nagtawanan. Ang sama nila! Nakita na nga nilang nagkaganito ako e!

    "Ang arte kasi, wala naman sa party naghihigheels pa!"

    Lumingon ako para tignan kung sino ang nagsabi nun. Isang matangkad na lalake na mahaba ang buhok at may pulang highlites. Naku, palibhasa, okay lang ang kahit anong buhok sa kolehiyong ito dahil expression of one's self daw yun! Ang angas nya tignan! Kabadtrip! Naku, kung dati nila ginawa sa akin to, sapak agad sa akin ang mga ito!

    Pero chill, dati yun. Hindi na ngayon.

    Irap na lang ang nagawa ko sa kanila.

    Tumungo ako para kunin ang kapiraso ng takong ko ng may lumapit at inunahan ako sa pagkuha nito. Isang may hitsurang lalake na mahaba din ang buhok at medyo singkit ang mata. Kinuha nya din ang sandals ko at ibinalik nya ang kapiraso ng takong sa sandals ko.

    Ayos na agad! Galing nya naman!

    Bago pa ako magpasalamat,

    "Sa susunod, wag yan ang suutin mo sa pagpasok. At layuan mo yan sila Zar, galit yan sa mga babae..."


    "Lalo na yung mga tulad mo.."

    Ha? Zar? Ah..So Zar pala ang pangalan nun guy na sinabihan ako ng maarte. kaaZAR sya ha!Teka, bakit naman sya galit sa mga babaeng tulad ko?

    Bago pa ako makapagtanong at makapagpasalamat, nakaalis na ang misteryosong lalakeng tumulong sa akin.

    Hay, ang ganda ng simula ng araw ko! Sobra! Umakyat na ako ng hagdan at nagmadali. Malalate na pala ako sa Algeb class ko.

    Dahan-dahan kong tinungo ang room 401. Sumilip ng onti at nakita kong wala pa ang professor ko. Pumasok na ako at guess who ang sumalubong sa akin..

    "Ayun, ang nagtrytrying hard maghigheels, mabigat naman ang paa!" Yea, si Zar nanaman. Badtrip talaga!

    As usual, irap na lang ginawa ko. Hay, unti-unti na akong nasasanay na idaan sa irap kesa sa kamao ko ang galit ko.

    Dere-deretso ako at nilampasan ko sya. Umupo ako sa dulo at tumabi sa nagiisang babae dun.Hirap talaga ng iregular ka tapos ganitong kayo lang dalawa sa klase ang babae. Sana hindi ganito sa iba kong subjects at wag lalo sanang maging kaklase ko ulit ang maangas na Zar na ito.

    Pagkaupo, agad kong binati yun babae. Mahaba ang buhok nya. Hanggang bewang. Nakasalamin sya at busy sya sa pagscribble ng kung ano-ano sa notebook nya.

    "Hi! Tayo lang babae dito no?"

    NR as in No Reaction. Baka mahiyain lang siya.

    "Denise nga pala! Ano name mo?"

    Wala pa din syang kibo pero pabulong nyang sinabi,

    "Mas makakabuti para sayo kung lalayo ka sa akin.."

    Ha? Bakit naman? May nakakahawa ba syang sakit?

    Tumigil sya sa pagscribble at padaplis akong tinignan. Muli nyang binaling ang tingin sa notebook nya. Tapos biglang tumingin ulit sa akin na parang gulat na gulat!

    "I-ikaw...Ikaw nga!"

    Ha?! Ako alin? Nakakagulat naman tong babaeng to!

    "Ako alin?"

    Bago pa sya makasagot, biglang may nagbuhos sa amin dalawa ng parang arina...Teka, alam ko to ah? Parang nung 1st day ko lang sa CSDA!

    Napaubo ako dahil sa dami ng pulbo. Feeling ko nakain ko nga yun iba e. Yun babae, NR nanaman. Para bang sanay na sya sa ganun?

    "Haha! Mukhang sanay ka na sa 1st day ritual ha Rhea?"

    Lokong Zar na ito! Sinabi ko na nga ba at sya ang may pasimuno nito!

    "Hirap din kasi sayo, ayaw mo pa magpalipat ng block. Love na love mo talaga block namin no? Haha!" Sabi naman nun mataba pero pandak na lalake.

    Naku, kawawa naman sya. Siguro since 1st year sya nagtitiis sa block na ito.

    "Hoy! Hindi kayo pwedeng magsiga-sigaan dito ha! Loko kayo ah!"

    OMG, eto na nga ba ang sinasabi ko, di ko talaga mapigilan ang pagiging sanggano ko.

    "Woah! Nakakatakot! Bakit? Anong gagawin mo kung ayaw namin ha?"

    Handang-handa na ang kamao ko. Nakasarado na at nagiinit na. Nangigil na talaga ako sa galit.

    Ngunit biglang hinawakan ni Rhea ang kamay ko. Umiling sya. Huwag ko daw gawin kung ano man ang binabalak ko.

    "Ayan, maging tulad ka ni Rhea na hindi pumapalag. At dahil mababait kayo, alisin na natin ang arina sa mukha at katawan nyo!"

    *SPLASH!*

    Binuhusan kami ni Rhea ng tigisang balde ng tubig!

    "15 minutes ng walang prof mga tsong! Sibat na tayo!!" Sigaw ng isa nilang kaklase. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagalis nila sa room.

    Nandilim na ang paningin ko. So, kami ang maglilinis ng kalat na ginawa nila? Una, sinabihan ako ng maarte. Pangalwa, binuhusan kami ng arina. Pangatlo,binuhusan kami ng tubig. Pangapat, inaaway nila ang walang laban na si Rhea. PANGHULI, SOBRANG LAGKIT KO NA NGAYON!!!

    "YAAAAAAAAAAAHHHHH!"

    Hinabol ko si Zar. Napalingon sya sa lakas ng pagsigaw ko. Umamba na ako ng suntok. Nilagay ko lahat ng lakas na nakuha ko mula sa umagahan kong tapsilog with Milo.

    Ngunit...

    SABLAY!

    Ang bilis nya, nakaiwas agad sya sa suntok ko, at dahil dapat ay malakas ang suntok ko,nadala ako at nadulas pa dahil sa basang sahig. Umikot si Zar at nasalo ako.

    Ligtas?

    O HINDE! ANG PINAKADELIKADONG POSISYON!!!

    Hawak nya ako sa bewang ko. Para kaming nagsasayaw ng tango dahil pahiga na ako at sya ay padapa na. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Dapat makatayo kami ng maayos or else...

    *CRACK!*

    Ang bilis ng mga pangyayari. Tuluyan ng nabali ang dalawang takong ng higheels ko. Nawalan na ako ng balanse at tuluyang bumagsak at dahil hawak ako ni Zar, nadala sya sa bigat ko at...

    Nagsalubong ang labi namin!

    -0-0-0-

    OH YES.

    1 day suspension with 3 days sanction.

    Offense ko?

    Minor offense-Littering. Oo, nadamay ako sa kalokohan nila. Badtrip diba?

    Major offense-PDA! OO! PDA DAHIL BIGLANG DUMATING YUNG PROF HABANG NANGYAYARI ANG NAKAKADIRING INSIDENTENG YUN!

    Ang sanction ko?

    3 araw maglilinis ng Room 401-410. 5-8 PM. Magsisign kami sa logbook para siguradong walang takas.

    At ang pinakamalaking parusa para sa akin,

    Isa lang ang kasama ko sa sanction na yun. Hindi nadamay ang iba...

    Ako at si Roy Czariel Villarosa....

    AKA














    ZAR!!!!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:02 am

    Re: Sketch Part 2! [Ang pagbabalik ni...]
    « Reply #15 on: April 10, 2007, 12:04:07 am »

    ~Hi vainballerina! Naalala pa kita! XD
    ~tnx sa pagbasa tOt_peri! XD
    ~jHi! just-g! Naalala din kita! XD
    ~Hi Ace and Alexis! Monica here! Tnx sa pagbasa ah! =)
    ~Ate Ramona!! Namiss kita! Daya mo, hindi kita mahagilap sa school! La na kasi akong class sa CDL! Panay MVH na at sa lab! =(
    ~sweetlush07!!! tnx sa pagsupport ulit! =)
    ~bluestar29! kaw yun converse ang avatar dati diba? XD
    ~purple_bits! tnx sa pagbasa! =)

    salamat sa lahat! =)

    -0-0-0-

    So ang saya talaga diba? SIno pa ang mas sweswerte sa akin? Magcocommute ako papunta sa pagkalayo-layo naming bahay ng ganito ako kalagkit.

    Pagkalabas ng office, nagsimangutan na agad kaming dalawa ni Zar.

    "Oh Great, 3 days maglilinis ng classrooms kasama ang maarteng babaeng ito!"

    Pikon na pikon na talaga ako sa pagtawag nya sa akin ng maarte ha!

    "Alam mo, hindi sana mangyayari to kung hindi mo inumpisahan! at bakit ba sinasabi mong maarte ako? in what way aber?"

    Tumingin sa akin ng malalim si Zar at sinabing,

    "Kunwari ka pang di mo alam? I know types like you and I really don't get it. I don’t get you girls and your taglish-speaking, heavy make-up wearing, loud laughing, hair-tossing, hip-swaying, gossip-sharing, higheels-wearing, non-stop flirting and trying hard nature at all. I don't understand the benefits that you're having pag doble-doble ang boyfriends nyo. This collect and select EVERYONE stuff? Trying to be someone that you're not just to get the boys. Where's the fun in that huh?"

    Aba, teka nga muna..

    "Let me tell you this, dahil lang nakita mo akong nakamake-up at nakahigheels doesnt mean na ako na yun type of girl na iniisip mo! Don't jump into conclusions pwede? Di mo pa ako kilala so huwag mo ako basta-bastang husgahan! And so are the other girls out there, sa isang girl, there's more behind a girl's make-up and clothing. Sana yun ang tignan mo at hindi ang superficial features nila. Sana maintindihan mo ang nature namin mga girls diba?"

    Edi natahimik sya. Napagtanto-tanto nya siguro ang mga sinabi ko.

    "Sige, ipagtanggol mo mga katulad mo. Basta alam ko, pare-pareho kayong mga babae! Maintindihan? Bakit kami ba naiintindihan nyo? Yun mga trip ba namin, naiintindihan nyo? Hindi diba?"

    Natahimik ako saglit at sumagot..

    "Honestly, oo. Naiintindihan ko.."

    Nagulat si Zar sa sagot ko.

    "I understand kung bakit mas mabilis kayo magshopping kesa sa amin at di nyo trip magtagal sa isang store coz before palang kayo magshopping, nadecide nyo na ang bibilhin nyo. I understand kung bakit gumagastos kayo ng daan-daan sa paglalaro ng computer games, dahil dun kayo nalilibang at nakakapagubos ng oras. I understand kung bakit trip nyo pagpawisan sa basketball at kahit talo, masaya pa din coz you guys enjoy the spirit of teamwork and sportsmanship. Naiintindihan ko yun lahat.."

    Natahimik si Zar. Napaisip sa sinabi ko, pano nga ba naintindihan yun ng isang tulad ko? Kung nakilala nya lang ako 2 years ago..

    "Wag ka nga magkunwari..Ang plastic..Yan, isa pa sa mga ugali nyo..Kunwari naiintindihan pero hindi..Kunwari hindi galit, pero galit na..Lahat ng kabaliktaran ng nararamdaman nyo yun ang pinapakita nyo."

    WOAH! Like, awat muna boy! Kanina ko pa napapansin, Sa pananalita mo...

    Don't tell me...

    "WOMAN HATER ka no?!"

    Di nakapagsalita si Zar. Nacorner ko na ata.

    "Haha! Buking ka na! Bakit? Niloko ka ba ng ex-gf mo? Let me guess, dalawa kayong pinagsabay ano? Tapos di nya din matanggap yun mga trip mo! Tapos-"

    *BLAG!*

    "TAMA NA!!!!"

    Sumuntok ng malakas si Zar. Hindi sa akin kundi sa pader. Pero one inch na lang ang layo ng kamao nya mula sa mukha ko. Grabe, napasandal ako sa pader. Napasobra ata ang sinabi ko ah!

    "Tama na ang walang kwentang usapan na ito. Kahit anong sabihin mo, hindi magbabago ang pagtingin ko sa mga babae. Lalo na sa mga tulad mo. Wala kang alam kaya hindi mo ako maiintindihan."

    Naglakad na palayo si Zar. Nakayuko lang sya at mukhang napapaisip pa din.

    "Edi ipaalam mo ng maintindihan ko! Iintindihin ko ano man yun! Promise!"

    Lumingon si Zar at NGUMITI?

    "Haha! Isang babae pakikinggan ang side ng lalake? Akala ko ba gusto nyo kayo lang ang pinakikinggan? Unti-unti mo ng nakukuha respeto ko Miss?"

    "Denise Buendia pare!" Nyak. Too boyish ng sagot ko.

    "Ano?!" Ayun, buti na lang at di nya masyadong narinig.

    "Denise Buendia po!" Ayan, edi mas pagirl. Haha.

    "Denise? Siguro...Dati kang lalake no? No, I mean, boyish ka dati?"

    Nyay! Mukhang mabubuking na ata ako ha! Dahil sa pinagsasabi ko, he can really see through me na!

    "Duhhhh! Ok ka lang? Haller! Hindi kayaaa!"

    "Sheesh..Binabawi ko na sinabi ko. With that awful lingo of yours, you can never earn my respect!"

    "AF IF! LAMUNIN MO YANG RESPECT MONG YAN! DI KO KAILANGAN NYAN!"

    Biglang bumukas ang pintuan ng Dean's Office.

    "Gusto nyo bang gawin kong 1 linggo ang paglilinis nyo ng rooms? Kung LQ kayo, wag kayo magaway sa tapat ng office ko! Feeling nyo sa mga sarili nyo? Artista? Publicized lahat ng gagawin? Pati away at LAMBINGAN ipapakita at ipaparinig pa sa lahat?!"

    LAMBINGAN?! OMG. Naalala ko nanaman yun bwiset na insidente kanina!

    "HINDI KAMI LQ! AT LALONG WALA KAMING RELASYON!!!"

    "Kita nyo na, pati break-up nyo,ipapaalam nyo pa sa akin!"

    Kung di lang ito Dean, nauppercut ko na talaga ito!

    Ayaw na namin makipagargumento dahil ipagpipilitan parin talaga ng Dean namin na may relasyon kami. Mas nakakabuti kung aalis na kami.

    Paglabas ng school, wala kaming imik pareho. Magkaibang daan kami. So naghiwalay agad kami sa tapat ng school.

    Bigla akong napalingon. Naku, pag ito lumingon din sasabihan ko sya ng,

    "INGAT!"

    Woah, sya din? Hmmm..Maybe he's not really a mean guy after all..

    "INGAT SILA SAYO! Delikado kapag sablay suntok mo e! Hahaha!" Tumakbo na papunta sa kabilang kanto si Zariel.

    Nako, MAYBE NOT. Tss.

    -0-0-0-

    "Haha! Malas mo rin no? May balat ka ata sa pwet huh Denise? Lagi ka na lang nafifirst-day HIGH! As in highlight ka ng buong eskwelahan kapag first day mo! Haha!"

    As usual, si Kuya Denver nangiinis nanaman. Halos sabay kaming nakauwi. Buti pa sya, isang pedicab lang papuntang University nya. Ako naman, Jeep,LRT,MRT tapos jeep ulit. Hassle talaga. Lalo na kung uuwi ako lagi na parang dough ng tinapay.

    "Alam ko na solusyon dyan sa problema mo Denise!" Sabi ni Mama habang nilalagay ang ulam namin na sinigang sa hapagkainan.

    "Kung sasabihin nyo po na patikimin ko na ng SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC PUNCH™ ko, Wag na kayo magsayang ng laway, di ko na po ugali makipagbasag ulo." Dinistribute ko ang kutsara at tinidor sa plato naming tatlo.

    "Ows? Di nga? Ikaw pa, lahat dinadaan mo sa kamao mo. Haha! If I know, baka nasuntok mo na yun kanina kaso SUMABLAY lang.."

    OO. Sobrang sablay kaya...

    *insert image of Zariel and Denise kissing here*

    WAAAAAAAAAA! Ayoko na maalala!

    "Baka gasgas na yang SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC PUNCH™ mo. Naalala mo bang huli mong nagamit yan kay Xylan? Haha-"

    *AHEM* "Anak, hindi yun. I mean, napapansin kong nahihirapan ka na sa 2 oras mong biyahe. Kung ikuha kaya kita ng dorm?"

    Nagkaroon ng kakaibang sparkle ang mata ko. Dorm ba kamo? YAHOOOOO!

    "Dun ka sa dorm ng Kuya Dexter mo. Tutal magkatabi lang school nyo. Pwede kayo magsabay ng pagpasok minsan. Diba?" Nilagyan ng yelo ni Mama ang baso nya at saka nilagyan ng Pepsi.

    "Oo Ma! tama! tama! Yeheyyy!" Inabot ko kay Mama ang baso ko at pinalagyan ko din ng pepsi.

    "Aw! Daya naman! bakit ako ma, hindi pwede magdorm?!" Sabi ni Kuya Denver habang ngumunguya at sinundan pa ng isang pagsubo.

    "Kung pumili ka ng malayo-layong eskwelahan, sana magdodorm ka din!"

    Nun lumipat kami dito, nagiisa lang ang college na co-ed na nagooffer ng Conservatory Of Music. Ewan ko ba kay Kuya Denver, napakaarte. Hindi nya daw kayang magaral kapag exclusive ang school. Baka maging bading pa daw sya pag sa exclusive sya nagaral. Ang sabihin nya, di nya kayang magaral ng WALANG CHICKS!

    Si Kuya Dexter naman, hindi talaga carry bumiyahe ng matagal sa dami ng pinagaaralan. Law kasi ang kinukuha nya. Haha. Aakalain mo ba na ang dating basagulero ng CSDA ay maglalawyer?!

    Halong boys and girls ang dorm. Bihira ito sa isang dorm. Kadalasan kasi, either all-boys or all-girls lang ang isang dorm.

    Napagdesisyunan ni Mama at Papa na ipasok ako sa dorm nila Kuya Dexter. Sobrang excited na talaga ako!!! Kinabukasan, nakausap nya na agad yun landlady at nakapaglipat na ako agad!

    Gabi na kami nakarating sa dorm. Mga 10pm na yun. Buti at gising pa si Kuya Dex at tinulungan nya ako sa paghahakot ng gamit.

    "Balita ko, suspended ka for one day at 3 araw ka maglilinis ng classrooms a? Not bad for a newcomer huh?"

    Sabi ni Kuya Dexter habang tinutulungan ako maglipat ng gamit sa kwarto ko.

    "HMP! Di ko kasalanan yun no..Bwiset kasi mga lalaki sa amin, lakas mang trip ng mga babae! Grrrr!"

    "Teka, babae ka pala?"

    "KUYAAA!" Handa na akong ihagis sa kanya ang 100lbs kong maleta.

    "Joke lang! Di ka mabiro e.."Nilagay ni Kuya sa ulo ko yun red and black na cap na suot ko lagi nung highschool! How did it get here?! Ang alam ko, nasa baul na lahat ng cap na sinusuot ko. Di ko matanggal dahil madami akong dala. Mamaya ko na lang tatangalin.

    Pagkapasok ng lahat ng gamit, kinausap ni Kuya ang mga kasama ko sa kwarto at pinakilala sa akin.

    "Yan si Lhian, nagaaral sa FWU. Nursing ang kinukuha. katext ko yan magdamag. Cute ng dimples nya no?"

    "Hi!" Halatang namula si Lhian sa sinabi ni Kuya Dex. Mahaba ang hair nya. Simple lang sya pero maganda lalo na dahil sa dimples nya.

    "Si Karisse, the gimikera. Tourism student sa SSC. Lagi ko yan nililibre ng kwek kwek sa labas. Ganda kasi ng voice nya e. Kainlove!"

    Matangkad naman si Karisse. Nakarollers ang buhok nya at nagmamakeup sya nun mga oras na yun. Obvious na nagreready sya for another gimik.

    "Si Dexdex ko talaga! Lakas mambola!" Binaling nya ang tingin nya sa akin. "Hello Sis!"

    "Chloe! Sya pinakabata dito. Freshman sya sa Holy Spirit University. Sarap magluto yan! HRM student ba naman e!"

    Mukhang shy-type naman si Chloe. Halatang bata pa dahil nakapigtails pa at napakasimple ng hitsura.

    Napatawa na lang si Chloe at ngumiti sa akin. "Hi po.."

    "At ang huli, si Ms. Sunget, Marilyn. Schoolmate ko at Psych student sa PMU. Dalas ako sungitan pero di makatiis ng isang araw na hindi ako makatext!"

    Nakasalamin at nakataas ang buhok. Mapagkakamalan mo syang nerd pero lakas ng appeal nya. Maganda pa din. Mukhang sya ang pinakaate sa kanilang lahat.

    "Shut up Dex. Feelingero ka talaga kahit kailan."

    OBVIOUSLY, MY BROTHER IS HITTING ON ALMOST EVERY GIRL IN THIS DORMITORY. Asus, akala mo puro aral ang inaatupag,,Nambabae din pala..Di na natanggal ang pagiging chickboy ng kuya ko! Grabe!

    "My Lil bro este sis pala! Denise! Alagaan nyo! Wag nyo tatabihan sa pagtulog yan dahil nanununtok yan!”

    Tinignan ko ng masama si Kuya. Minsan lang naman kasi yun mangyari kapag nanaginip ako ng masama!

    “Tapos pag natatakot yan, lilipat yan sa kama nyo..Tapos kahit sobrang init, yayakapin kayo at-“

    “KUYA!” Sinara ko ang kamao ko at tinapat sa mukha nya.

    Lumayo na agad si Kuya at lumabas ng kwarto. Sumilip sya saglit at sinabing,

    “Wag kayo magkakamaling awayin yan kung ayaw nyo matikman ang, SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC PUNCH™ nyan! Haha! Bye Girls!”

    “YAH!” Hinagis ko yun unan ko kay Kuya kaso di na umabot, nakatakas sya agad.

    “Cool talaga ng Kuya mo! Kaya daming nagkakacrush sa kanya dito sa dorm e!” Inumpisahan na tanggalin ni Karisse ang rollers nya sa buhok.

    ”Cool? Duh! Mukhang lahat kayo ay napasailalim na sa charms nya!”

    Sino ba naman kasi di maiinlove kay Kuya Dex, may itsura na, may utak pa. Kung forte ni Kuya Dave ang sports at ang kay Kuya Denver naman ay music, walang tatalo sa IQ ni Kuya Dex. Dapat sya ang Valedictorian ng batch nya sa CSDA.Kaso, sa dami ng violations nya,hindi sya nakapasok sa honor roll. At okay lang sa kanya yun ha? I remember him saying,

    ‘Never let yourself look better than anyone. It is enough to know that you are better than anyone’

    Haha. Kaya girls cant really help but fall for him.

    “Pero hanggang crush na lang kami, kasi, kay Ate Marilyn na yang Kuya mo! Ewan ko ba dyan kay Ate Marilyn, pakipot pa..”

    Haha! Sinasabi ko na nga ba e, itong mga tulad ni Marilyn ang type ni Kuya! Mga matured at conservative type ang mga nililigawan nun e!

    “Sasagutin ko sya if I could see him flirting no one just for one day!” Sabi ni Marilyn na hindi mapuknat sa libro na binabasa.

    “Friendly lang yun si Kuya! Pero stick to one yun! 2 palang nagiging girlfriend nun no!”

    “Nice, dagdag info yan ha! Anyway, alam mo bang ikaw ang bukang bibig ng Kuya mo samin? Yun nakickout ka daw nun highschool at trinansfer sa isang kacocoed lang na school. Tapos yun uuwi ka na puro blackeye! Natatalo mo daw sya lagi sa pc games! Akala nya nga daw, lalaki ka daw na tomboy! Haha!”

    Si Kuya naman!

    “Pero sa itsura mo, parang hindi ikaw ang Denise na kwinekwento sa amin ng Kuya mo.”

    “Syempre, ano ka ba, kolehiyala na sya, di na bagay sa kanya kung aasta pa din syang parang lalake diba?”

    Ngumiti na lang ako. At lumapit sa bag ko.

    “Teka lang ha, maliligo muna ako. Sobrang init kasi. Kwentuhan ulit tayo mamaya ha?” Kinuha ko ang sabon,shampoo,conditioner at twalya sa bagpack ko at binitbit palabas ng pinigilan ako ni Lhian.

    “O magdala ka na ng flashlight at baka makaistorbo ka pa ng ibang natutulog pag binuksan mo yun ilaw sa hall.”Hinagis ni Lhian sa akin ang Hello Kitty nyang flashlight.

    Madilim na sa corridor at medyo tahimik sa ibang kwarto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa comfort room ng may humawak sa balikat ko. Amoy alak siya. Obviously, lalake. Nako! Alam ko na balak nito,kaya hindi na ako nagdalawang isip pa..

    “YAAAAAAAAH!”

    Hinila ko ang kamay nya at hinagis sa floor. BWAHAHA! Hindi pa din kumukupas ang galling ko sa Judo! Ayos!

    Tinapat ko ang flashlight sa mukha ng salarin na nawalan na ng malay.

    Teka….















    "ZARIEL?!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:04 am

    "Za-Zariel?" Nanginginig ang boses ko. Tinapat ko ang flashlight sa mukha nya. Naku po! Sya nga ito!

    "A-aray..."

    Nako, ano ng gagawin ko. I can't leave him here. Alam ko na, ihihiga ko na lang sya sa couch sa lobby. Hindi ko naman kasi alam kung saan ang kwarto nya.

    Grabeng hirap ang dinanas ko sa pagdala kay Zariel sa lobby. Dahil tumalsik ang flashlight ko at di ko naman pwedeng buksan ang ilaw, habang dala-dala ko sya sa isang kamay, pinangkakapa ko naman yung kabilang kamay ko. Grabe, ginagawa ko ito sa kabila ng lahat ng pinagagawa nya saken!

    "HAY SALAMAT! O sya, matulog ka na dyan. Nako, di mo talaga maalis ang paginom sa mga college boys."

    Bumalik ako sa paliguan at inumpisahan ko ng maligo. Dun ko lang napagtanto-tanto ang lahat.

    KADORMATE KO SI ZARIEL! Napakamalas ko diba? And on top of that, maaring narecognize nya na ako ang naghagis sa kanya kanina! I am soooo dead!

    Magulo ang utak ko nun gabing yun. Sigurado akong di matatahimik ang buhay ko with Zariel around. I can't transfer to any dorm either kasi nakapagfullpayment na si Mama dito.

    Oh well, itulog ko na lang ito.

    -0-0-0-

    Kinabukasan ginising ako ni Karisse. Wala na si Ate Marilyn,Chloe at Lhian sa room. Pumasok na ata.

    "Girl, late ka na ata? Pasensya na, ngayon lang din ako nagising, 5:00 am na kasi ako nakauwi galing Libis.."

    Nanlaki ang naniningkit kong mata. Patay! Anong gagawin ko! Teka, wala ng ligo-ligo! Hilamos,toothbrush at bihis na lang!

    Agad akong nagbihis ng uniform ko. Nagflatshoes muna ako dahil nasira nga ang higheels ko. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Bababa na sana ako ng may nalimutan akong ilagay sa bag ko. Bumalik ako sa kwarto at nakita ko si Lhian dun, may dalang kung anong inumin para kay Karisse.

    "O? Bakit nakauniform ka? May pasok kayo ng linggo?"

    Napakamot ako sa ulo. Oo nga no!

    "Ay sis, sorry..Linggo nga pala..Sensya na, may hangover pa ako.." Sabay inom sa binigay na inumin ni Lhian.

    "Nako, pagpasensyahan mo na itong si Karisse! Naging biktima na din ako ng late-ka-na-pero-linggo-pala syndrome nyan nung bago ako dito! Eto nga at dinalhan ko sya ng inumin para mawala ang hangover nya.."

    Woah. Okay. Okay lang. Atleast hindi ako late dahil wala naman palang pasok.

    Anyway, dahil gising na naman ako, bumaba ako para kumain ng almusal. Pero halfway palang ako sa hagdan, tumigil na agad ako dahil narinig ko ang boses ni Zariel. Nakikipagkwentuhan sa mga kadorm nya.

    "Promise pare, naihagis talaga ako nun girl! Flat ako sa floor!"
    Nyay, thank God at hindi nya pala alam na ako naghagis sa kanya.

    "Pare naman, baka bading yun! Hahaha! Sobrang kalasingan mo na kasi! Tapos sabi mo, nadala ka pa hanggang lobby? Naku ha.."

    "I swear she's a girl..Nakaface to face ko sya.." Mukhang convinced talaga sya na babae yun naghagis sa kanya kagabi.

    "Pero sabi mo, mukha syang boyish right? Nakacap tapos walang make-up?" Naalala nya pa yun?

    "Yeah...Basta pare, i'm curious to know her..Bago lang siguro sya dito?"

    "Siguro nga..Kasi halos ata lahat ng babae dito,naterrorize mo na.."

    "Alam mo, para kang si Prince Eric finding the mermaid who saved him..."

    "Tapos ended up with Ursula! Haha!" Haha! Nice one!

    Si Ursula yung masungit daw na landlady sabi ni Kuya. Mahigpit sa curfews at pagnahuli ka nya, pagmumultahin ka kundi isusumbong ka sa parents mo..

    "Puro kayo kalokohan pare..Tara na nga at tumambay muna tayo sa labas..Nakakatamad dito.."

    Whew! That was close..Di nya ako nakilala kagabi. Ayos.

    Biglang may kumalabit sakin,nagulat ako at napatalon.

    "Ano ka ba, si Karisse lang ito..Bababa ako para magkape..Mukhang takot ka dun sa Zariel na yun ah..Schoolmates kayo diba?"

    "Classmate ko sya sa Algeb ko, ewan ko pa sa iba..Wait, di no? Bakit ako matatakot sa tulad nya?"

    Biglang naging seryoso ang tono ng boses ni Karisse.

    "Well, terror sya sa lahat ng girls dito..Kabaliktaran sya ng Kuya mo..Halos lahat ng girls dito, pinagtritripan..Nakakainis sya, ewan ko kung bakit ganyan ugali nyan..Pati si Ursula, hindi nakatakas sa kalokohan nya..Sayang, he's good looking pa naman.."


    "Yeah, I know..Naku, kung alam mo lang ang ginawa nyan sakin nun first day of class namin..Nakakabadtrip talaga.."

    Tuloy-tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos kami magbreakfast. Dati daw, pinagpalit ni Zariel yun sign ng ladies at men's room..Ang dami daw napahiyang girls..Tapos pag alam nyang may mageexam sa mga girls, magpapatugtog sya ng sobrang lakas..Nun may girl na sobrang arte daw at tinarayan sya, pinasok nya ang kwarto nito at pinaltan ng elmer's glue ang lotion nya. Umalis ng di oras yun girl sa dorm dahil sa ginawa nyang ito.

    Madami pang nakwento si Karisse tungkol sa mga kalokohan ni Zariel hanggang pagakyat namin. Kinabahan na talaga ako, tatagal kaya ako sa dorm kasama ang lalakeng ito?

    "Basta, wag ka lang magpapakita ng kaartehan dun kundi, pagtritripan ka nun ng todo.."

    Binuksan ko ang malaki kong maleta para maghalungkat ng damit ng napansin kong LAHAT NG DAMIT KO AY YUNG DAMIT KO NUNG HIGHSCHOOL PA AKO!

    Nasan na yun spaghetti straps? tube? mini skirts? bakit puro tshirts,caps at tees ang andito?!

    Tapos may note na nakalagay,

    'Anak, Be yourself..'

    Si Mama naman! Nakakainis! Gusto ko ng umiyak nun..Hindi nya kasi ako naiintindihan..Nakakabadtrip talaga!

    "Woah, who's this cute guy? Your boyfriend?"

    Napalingon ako kay Karisse, hawak nya yun picture frame na may picture namin ni Xylan.

    THIS IS JUST TOO MUCH! NAIINIS TALAGA AKO KAY MAMA! BAKIT KAILANGAN NYA PANG PAKIALAMAN LAHAT NG GAMIT KO!

    "Ha...Wala yan..Ex ko..Patay na.." Binalik ko lahat ng nagkalat na damit sa maleta ko.

    "Oh, sorry about that Denise.."

    "Okay lang yun.."

    Pero sa totoo lang, hindi okay. Nagpalit agad ako ng damit at bumaba papunta sa lobby. Eto nanaman ako, suot ang cap,loose tshirt at shorts ko. Back with the old Denise. Ang Denise na ayaw ko ng balikan..

    Lumabas ako ng dorm para magpahangin. Nakita ko yun basketball court na katapat ng dorm namin! Natutukso ako maglaro, pero hindi. Manonood na lang ako.

    tumawid ako at pumasok sa basketball court. Akalain mong si Kuya Dex pala ang naglalaro kasama mga kadormates nya!

    "O, how's your first night sa dorm? Hindi mo ba pwinerhisyo mga kadormates mo?"

    "Chicks?" Tanong nun kadormate nya na nagpupunas ng pawis.

    "Nah, she's my only sis! Denise!" Hinagis ni Kuya sa akin yun bola. Nasalo ko naman. "Haha. Kung ibang babae ka, nadala ka na siguro nun bola. Mga tsong, basketball is definitely my sister's game. Would you believe na mas madalas nya ako talunin dito?"

    Mukhang namangha ang mga kadormates ni Kuya. Parang ayaw nilang maniwala. Ako naman, nahihiya. Si Kuya naman kasi, kinelangan pa banggitin yun.

    "You must be kidding Dex.."

    "Denise, pakitaan-"

    "NO WAY KUYA. You know that basketball is NO LONGER my game. Siguro limot ko na ngayon pati pagdribble.."

    "Onga naman, highschool days pa ata nun naglalaro sya ng basketball..Maybe she's into something else na ngayon..Syempre, dalaga na sya.."

    "Ipapahiya mo ba Kuya mo?"

    HAY NAKO! LIKE I HAVE A CHOICE?!

    "Okay. Isang beses lang ito Kuya. ISANG BESES LANG." Striness ko talaga yun words na 'isang beses' dahil ayoko na talagang maglaro ulit. Hinagis ko papunta sa mga kadormates ni Kuya yun bola.

    Sinimulan na namin ang laro. Mukhang kampante masyado ang mga lalakeng ito. Binalik sakin yun bola. Hindi pa mahigpit ang pagbabantay sakin.

    Takbo agad ako at nilampasan silang lahat at saka nag 3 point shoot. Napanganga silang lahat. Hindi nila akalaing aabot yun bola sa basket dahil malayo ako sa basket.

    Humigpit ang depensa. Ano? Edi natakot agad kayong lahat!

    Hinarangan ako nun pinakamatangkad sa kanila. Nagkunwari akong mag 3-3point shoot ulit,

    As expected, tumalon sya para harangin ang bola.

    Too bad, fake yun. Binounce ko yun bola para dumaan sa ilalim nya at saka kinuha ulit. Lumapit ako sa basket at naglay-up. SHOOT! YEAH!

    Lalong uminit ang laban. Parang mas tinuunan nila ng pansin yun depensa dahil hindi na nila ako maawat sa pagscoscore.

    Tumagal ng mga 15 minutes ang laro. 18-26.

    Nakipagappear ako sa mga kadormates ni Kuya. Ayaw man nila aminin, masakit para sa kanila na matalo lang ng isang babae.

    "I told you guys..Hindi basta-basta ang kapatid ko.."

    Ngumiti ako. Then I suddenly realized,

    'Basketball is STILL my game.'

    "AYUN SYA!" Napalingon ako. Mukhang boses ni Zariel yun a!

    Si Zariel nga! Patawid ang buong barkada nya sa court! OMG! I can't let him see me!

    "Pare, sila Zar un ah.."

    Nataranta na ako. Patakbo na ako pero sinabihan ko muna si Kuya.

    "Kuya! Kuya! Please act like you don't know me! Kunwari di kita kapatid! Basta! Taga malayong lugar kamo ako! Napadayo lang dito! Ha! Promise? Promise?"

    "Okay! Okay!" Mukhang pati si Kuya nataranta na dahil sa akin at hindi na nagtanong pa!

    Tumakbo na ako palayo ng court. Hindi na ako lumingon. Dere-deretso hanggang sa mapagod.

    Nun napansin kong nakalayo-layo na ako, umupo ako sa bench at naghabol ng hininga, saka napaisip.

    Paano ko masosolusyonan ang isang problema na tulad ni Zar?

    Then suddenly, I had an idea...

    Para maiwasan na mapagtripan ni Zariel,

    I HAVE TO PRETEND TO BE THE OLD DENISE!

    Parang akong isang superhero at si Zariel ang super villain na di dapat makaalam ng identity ko! Medyo aloof dapat ako sa kanya pagdating sa dorm!

    Tama, sasabihin ko na sa mga kadormates ko at kila Kuya ang plano ko!

    Naisipan ko ng bumalik sa dorm. Wish ko lang wala sila Zariel kundi, patay ako!

    Nakita ko si Ursula na nakaupo malapit sa entrance ng dorm. Nakataas pa ang dalawang paa sa desk nya. Andun din sa desk yun logbook namin.

    Dapat ibahin ko pirma ko, yun tipong di mababasa. So pumirma ako ng kakaiba dun sa logbook.

    "Kapatid ka ni Dexter hindi ba? Ano ulit pangalan mo?" Tanong ni Ursula sabay higop sa kape.

    "De-De-ricka po!" Oh yeah, nice name huh?

    "Ah okay. Wag kang sakit ng ulo dito tulad ng Kuya mo ha!"

    "Opo! Opo!" At saka nagmadaling umakyat ng kwarto.

    Nakausap ko na ang buong dormates ko. Ganun din sila Kuya. Umoo naman sila. Hindi rin kasi basta-bastang course ang Architecture no. Alam kong hindi ako makakapagaral ng maayos kapag nalaman ni Zariel na dito ako nagdodorm dahil hindi nya ako patatahimikin.

    Simula ngayon, si Denise at Dericka ay iisa! KUmbaga, si Darna at Narda ay iisa din! Okay, enough with the superhero feeling.

    -0-0-0-

    Kinabukasan, okay na okay ang araw ko. Puro major subjects, at dahil industrial design si Zariel, obviously, di ko sya magiging classmate ngayon.

    Mahirap ang buhay ireg, wala akong permanenteng kaibigan yun agad naisip ko. Pero nagulat ako nun makita ko ulit sa Archi3 class ko yun lalake na nagayos ng takong ko nun isang araw!

    Umupo sya sa dulo at isolated sa ibang tao. Mukhang introvert sya ah. Pero naglakas loob ako lapitan sya at kaibiganin.

    "Hi! Nalimutan ko magthank you last time. Thanks ha?"

    Matagal bago sya sumagot.

    "Wala yun.." Sabi nya ng hindi man lang ako tinitignan. Busy sya sa pagdradrawing ng isang anime character. Si Ran Fujimiya ng Weiss Kreuz. Ang galing, naalala ko pa, 1st year highschool ako nun huli ko itong napanood.

    "Uhmmm...Archi din course mo?"

    "Uhuh.." Gosh! What a stupid question! May iba pa bang course na kumukuha ng Archi3?

    Matatapos nya na yun drawing. Ang lupit nya sa shading. Kahit ordinary mongol pencil lang ang gamit nya.

    "Alam mo, fave ko din yan si Aya dati! Este si Ran pala! Ang sad dahil all his life, revenge lang ang laman ng isip nya."

    Napatingin sya sa akin. Tapos sinabing,

    "Kahit sino naman siguro, kapag harap-harapang sinaktan ang kapatid mo, wala ka ng ibang iisipin kundi harapin ang taong nanakit sa kanya.."

    Woah! Tama ba narinig ko? Like, more than 3 syllables ang sinabi nya?

    "Well, sa bagay, sinagasaan ni Reiji Takatori ang walang kamalay-malay na si Aya. Pero I think, mali pa din yun dahil there's more to life than revenge diba?"

    Hinila bigla mula sa drawing pad nun guy yun ginuhit nya. Nakakagulat, akala ko mapupunit. Sayang. Akin na lang kung pupunitin nya din lang.

    "You want it? Sayo na lang..Kung gusto mo.." Inabot nya sakin yun drawing nya. Woah, mukhang nabasa nya yun nasa isip ko ah!

    "Talaga? Thanks ha! Denise nga pala!" Tinanggap ko yun drawing nya at inipit sa workpad ko.

    "Rio."

    "Rio? Alam ko mas ginagamit sya as a girl's name diba?"

    Binalik nya yun drawing pad nya sa bag nya at tinago na din yun pencil sa bag nya.

    "Andyan na yun prof. Baka pagalitan tayo pag nahuli tayong nagkwekwentuhan."

    Napatingin ako sa platform, oo nga no! Andun na nga sya!

    Ayos yun prof namin. Hindi boring magturo. Akalain mong ang mga numero at linya, naiiugnay nya pa sa buhay nya. Tawanan lang kami ng tawanan habang nakikinig sa kanya. Minsan, di ko matiis na tignan si Rio, nakatulala lang sya. Alam mong nakikinig sya, pero NR palagi. Walang emosyon. It's either yuyuko lang sya o kaya titingin sa platform. He really reminds me of someone...

    Xylan...

    After two hours, tapos na ang class. Break na namin. Balak ko sanang sumabay kay Rio sa pagkain pero pagtingin ko sa kinauupuan nya, wala na sya agad. Tanging papel na nakataob ang nakita ko. Pinulot ko ito at napansin kong Certificate of Matriculation pala ito! Siguro si Rio ang nakaiwan nito. Pero pagbasa ko nung pangalan,

    Ronan Charles Vizmonte. Sino naman yun?

    Dahil di pa naman lumalabas lahat ng classmates ko, pinagtanong ko kung kanino yun COM na napulot ko.

    "SIno dito si Ronan Charles Vizmonte? May nakakakilala ba sa kanya? Naiwan nya yung COM nya dito.." Itinaas ko yun COM para makita ng lahat.

    Natawa yun babae sa harapan ko at sinabing,

    "Edi yun katabi mo kanina! Kausap mo, di mo kilala?"
    Nilabas nya ang cellphone nya ang nagsimula magpipindot.

    "Pero diba, Rio ang name nya?"

    Tumigil muna sya sa pagtetext at sinabing,

    "Well, yun ang gusto nyang itawag sa kanya ng mga tao e. Kahit sa testpaper, yun sinusulat nya kaya minsan napapagalitan sya ng mga prof. Weird diba? Pangbabae kadalasan ang ganung pangalan..Napapaisip tuloy ang marami na baka bading sya..Sayang, gwapo pa naman.." Binitbit nya na yun bag at libro nya. "Anyway, ayun. Si Rio nga ang may-ari ng COM na yan. Balik mo na lang sa kanya..Bye!"

    Pinagpatuloy nya ang pagtetext at lumabas ng classroom.

    Rio? Ronan Charles? Layo huh?

    Lumabas ako ng classroom ng makasalubong ko nanaman si Zariel.

    Tumingin sya sa akin at sinabing,


















    "Pano ba yan, magsasama tayo mamayang gabi..Magkita na lang tayo sa kwarto natin ha?"
    Oh no,did he...did he realized na...kadorm nya ako?!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:04 am

    Nanlaki ang mata ko. Oh no. Parang ayoko na ata mabuhay ah..

    "Oh, bakit ganyan itsura mo? Nalimutan mo na ata yun sanction natin ah?"

    NYAK! Oo nga no! 3 araw ko makakasama ang lokong ito! Grrrrr!

    But mas ok yun, dyusko, akala ko buking na ako.

    “So, pano ba yan? Mamayang gabi na lang ha?” Then, he tapped my back tapos he flashed a smile. Kakaibang ngiti. Alam mo yung, nakakaloko pero you can’t help but admire his charm at the same time? Nako! Anong charm! Ano ba itong mga pinagsasabi ko!

    Umalis na sila Zariel at nakasalubong ko naman si Rhea na as usual, malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

    "Hi Rhea! Break mo?"

    Inayos ni Rhea ang pagkakalagay ng salamin nya at saka sinabing,

    "Uhuh.." Hay, isa pa tong mala-Rio sumagot!

    "Sabay tayo maglunch! Okay lang? Or kumain ka na?"

    "Sige." Okay, another one liner.

    Hinawakan ko ang kamay nya at biglang...

    Nanlamig ako..Kakaiba ang naramdaman ko..Para bang hindi si Rhea ang hinawakan ko nun mga oras na yun..Iba talaga..

    "O? Bakit natigilan ka?"

    "Ha? Ah! Wala! Tara! Tara!"

    Habang nasa canteen, patuloy kong pinagmasdan si Rhea. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sya hilig pagtripan nila Zariel. At bakit di na sya lumipat ng section para tigilan na sya ng mga ito? Teka, ano kayang tinatawanan ng mga taong ito sa likuran ko? Lumingon ako at pinigilan nila yung pagtawa nila. Naiinis ako ng ganito ha..

    Nilapag naming yun tray naming sa mesa at umupo. Gusto ko sana sya tanungin dahil nacucurious talaga ako, ng biglang may bumatok ng malakas sa ulo ko. Paglingon ko, si Zariel nanaman! Gagantihan ko sana ng,

    “Ooops, sabi mo, libre batok!” May hinila sya sa likod ko, may nakatape pala na papel sa likod ko kaya nagtatawanan ang mga tao sa likod ko. Inabot nya sa akin at pinabasa.

    ‘Libreng batok at kiss ^_^’

    "Zariel!!!!!!" Badtrip! Nakakahiya! Nagtawanan ang buong barkada nya.

    Tapos bigla syang lumapit sakin at bumulong,

    "Yung kiss, mamaya na lang...Pag tayo na lang dalawa..."

    WHAT?! How...How dare him! Nakakainis sya!

    Uupakan ko na talaga sana ng pinigilan ulit ako ni Rhea.

    "Sige, see yah later!"

    Habang kumakain, kabadong-kabado ako..Parang di ko kaya maglinis ng classroom ng si Zariel lang ang kasama..Wala akong kalaban-laban kapag-

    Teka,

    Hindi naman ito ang Denise na kilala ko ah,

    Kung nung highschool nga, grupo-grupo pang seniors ang napapatumba ko e!

    Ay, oo nga pala..

    Hindi na ako ang dating Denise...



    -0-0-0-

    "O, maglampaso ka na, ako magpupunas ng teacher's table.." Nilublob ni Zariel yung basahan sa balde at hinagis sa akin yun mop.

    Aba, ayos. Sakin ang mabigat na gawain. Sumimangot ako at kinuha yung mop.

    "O? May reklamo ka? Hindi porket babae ka, hahayaan kita magpacute-cute lang dito!" Piniga nya yung basang basahan na nilublob nya sa balde.

    "Nagreklamo ba ako? Feeling mo saken? Inutil? Kaya ko gawin ito! Kung gusto mo, umuwi ka na at ako na maglilinis ng lahat ng classrooms! Ano?!" Pataray kong sagot. Kala nya ha!

    "Kaya mo?! Sige nga! Ikaw maglinis ng buong 401! Kahit 401 lang! Pag nagawa mo yun, ako tatapos ng ibang classrooms! Bawal magpahinga ha?!" Hinagis nya yung basahan sakin. Muntik na maglanding sa mukha ko kung hindi ko nasalo.

    "Sige! Lagyan mo pa ng time limit!"

    "15 minutes!" Grabe, di nya na lang ako patayin. Pero kaya ko yan! Hmp!

    Inumpisahan ko na punasan yun table. Pero bigla syang umupo sa upuan ng teacher at ipinatong pa ang paa sa teacher's table! Parang amo ah!

    "Ano ba!" Binunggo ko yun kaliwang paa nya.

    "Edi bababa na!" Ibinaba nya yun dalwa nyang paa at nasagi nya yung balde. Natapon ang tubig sa sahig. Nanadya ba sya?!

    "Bakit mo sinagi yung balde? Mapapatagal tuloy ako nyan ngayon!"

    Sumipol lang sya at naglakad-lakad sa platform. Inapakan nya yung basang sahig! Nagputik pa sya sa platform!!! Nakakapikon na talaga!

    "Why do you hate girls ba talaga?! Hindi ka na nakakatuwa!"

    Tinaas lang ni Zariel ang kilay nya. Tumayo at lalabas ata ng classroom. Umiiwas na sya pag yun ang nagiging tanong ko.

    "Alam ko na!!! Bading ka!!"

    Napalingon si Zariel.

    "What? Pakiulit nga?!"

    "Sabi ko, bading ka! BADING! BADING! BADI-"

    Lumapit si Zariel ng sobrang lapit sakin nacorner ako sa pader. Tinuon nya yun dalawang kamay nya sa pader para di ako makatakas. Nakakatakot ang ganito ha!

    Nilapit nya pa sakin yung mukha nya, waaa! ayoko talaga ng ganito.

    "Bading? Ako? Hindi rin. Naalala mo ba yung ginawa mo sa akin nung una tayong nagkita? Ang sarap sa pakiramdam nun..."

    A-alin? Yun...Yun ba? Yung...nangyari nun sumablay yun suntok ko? OH HINDEEE!

    "Gusto kong gawin mo ulit sakin. Sa totoo lang, unang beses pa lang nagawa sa akin ng babae yun e.."

    "YUCKKK! Manyak! Aksidente lang yun! Feeling mo naman! Kay Xylan ko lang gagawin yun! Ay, hindi rin, kay Gerard Way din pwede pa! O kaya kay Vince Carter! Kay Tobey Maguire! Pero never sayo!! Sinabi ko na nga ba, sa canteen pa lang kanina! May hinala na ako!"

    Napangiti lang si Zariel at lalo pang lumapit sakin.

    Palapit na ng palapit si Zariel, sinara ko na ang kamao ko at balak ko ng gawin yun SUPER ELECTRO MAGNETIC PUNCH™ ko ng biglang,










    "HAHAHA! You really fell for it? ASA KA PA BOY! Ano ba iniisip mo? Actually, di naman para sayo yun.."











    "It's for a special girl.."















    "named..."



















    "Dericka..."

    Onga no? What was I thinking? Bakit nga naman ako ikikiss ni Zariel, hindi naman ako ang type nyang babae. Si Dericka naman pala ang type nya...

    Teka,

    "DERICKA?!!!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:05 am

    "DERICKA?!" Napasigaw ako. Sino bang di magugulat diba?

    "Kadormate ko sya..Lasing kasi ako nun gabing yun, aba e hinawakan ko lang yung balikat, biglang hinagis na ako. Unang beses pa lang gawin sakin yun ng isang girl! Kung sa ibang guy, nakakasira ng ego nila yun, sakin hindi...Grabe, inlove na ata ako sa kanya.."

    Nyay.. Are you a masochist or something?!

    "At alam mo yun, she wears no make-up. At despite her boyish appearance, her simplicity is her beauty!"

    Kinikilabutan ako sa mga sinasabi nya!

    "And you should see her play basketball! Grabe, Reyna ng hardcourt talaga! Yun ang masasabi ko!" Nako, lakas ng tama sakin nito ah!

    Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at bigla kong nasabing

    "Naku, ASA KA PA BOY! Di ikaw ang mga type nun!"

    "Wait napansin ko, kilala mo sya no?!" Oh great, me and my big mouth.

    "San sya nagaaral? San sya nakatira?!" Ayun na nga ang kinakatakot ko..

    AHA! Alam ko na! "Naku, di na nagaaral yun, kickout kasi yun..Palipat-lipat din ng tirahan, pasaway kasi, kulang na lang, iluwa sya ng mga magulang nya.!"

    "Kickout? Naku, kawawa naman..Di nya naman siguro kasalanan yun..Baka madalas sya awayin dahil kakaiba sya at dahil dun, di nya napigilan lumaban kaya sya nakickout diba?!”

    Woah, what you’ve just said reminded me of myself nun nakickout ako dahil kay Melanie.

    “Pasaway? Baka medyo rebelde pero mabuti ding anak diba?”

    Tumahimik na lang ako. Mukhang di uubra ang paninira ko sa sarili ko.

    “Paano kayo nagkakilala ha? Close ba kayo? Ano gusto nya sa isang lalake?

    "Ah...Schoolmate ko sya dati.." Hmmmm...Look's like I have a good idea ah...

    "Oo, close ko yun..Sobra...Gusto mo ng info tungkol sa kanya? Sa isa munang kondisyon!" Crinoss ko ang fingers ko..Hoping na uubra ang plano ko..

    "Ano? Kahit ano gagawin ko!"

    "You have to be nice to me and to all the other girls from now on!"

    Napaatras si Zariel at gulat na gulat.

    "Anong klaseng kondisyon yan?!"

    "Well, kung ayaw mo, madali akong kausap..Ang sa akin lang, ayaw din kasi ni Dericka ng mga lalakeng nangtritrip ng mga babae..Syempre, isipin mo na lang, kung yung mga ginagawa mo, gawin din kay Dericka ng ibang lalake, sakit diba?"

    Matagal na napaisip si Zariel..Hinayaan ko sya magisip. Tinulungan nya na ako ulit maglinis ng classroom at pareho kaming walang imik hanggang sa matapos kami.

    -0-0-0-

    Kinabukasan, maaga akong pumasok. May tinype kasi ako sa computer shop. Naku, wish ko lang talaga, magbago na yang Zariel na yan..

    Pumunta na ako sa room ko kaso sarado pa ito. Naghanap ako ng room na bukas at sa dulong room nakita ko si Rio tahimik na tumutugtog ng gitara sa isang classroom na walang laman.

    "Hi Rio! Bakit magisa ka lang?" Tinabihan ko sya sa may platform.

    Tinigil nya ang pagtipa at napatingin sa akin."Wala naman akong ibang makakasama."

    "Gusto mong samahan kita?"

    Pinagpatuloy nya ang pagtugtog sa gitara.

    "Ang ganda naman ng tugtog na yan..Ikaw lang gumawa nyan?"

    "Oo..Madalas ko kasi tugtugin ito sa kapatid ko dati.."

    "O? Bait mo namang kapatid, ako, hindi natugtugan ng Kuya kong marunong magitara!"

    Naalala ko bigla yun insidente nun isang araw.

    "Teka, bakit nga pala Rio ang tawag mo sa sarili mo? Hindi ba parang ang layo naman nun sa Ronan?"

    "Wala lang. Gusto ko lang dalhin ang alaala ng kapatid kong si Rio..Patay na kasi sya.." Oops, di ko na pala dapat tinanong..Patay na pala ang kapatid nya..

    "Oh, i'm sorry.."

    "Walang kang dapat ipag-sorry. Kung meron man dapat magsorry, yun ay ang tao na syang dahilan kung bakit sya namatay.."

    "Mabait si Rio..Masayahin at makulit..Kahit masyado syang girly at maarte minsan, hindi ka maiinis dahil malambing sya.." Nilabas ni Rio ang litrato ng kapatid nya mula sa wallet nya. Maganda nga ang kapatid nya. Pero hindi sila magkahawig.

    "Half-sister ko lang sya. Anak sya ni Mama sa pangalwa nyang asawa, pero kahit ganun, higit pa sa tunay na magkapatid ang turing ko sa kanya.." Ah, that explains it..

    "Maraming nagkagusto sa kanya, ewan ko ba kung bakit sa lahat ng lalake, ang sinumpang lalakeng ito ang napili nyang mahalin.."

    Nagring na yung bell at maguumpisa na ang sunod naming klase. Nagpanggap akong wala akong narinig dahil gusto ko pang marinig ang kabuuan ng kwento nya.

    "Tara na, may klase na tayo. Mamaya na lang ulit.." Tinago nya na sa guitar case yun gitara nya.

    Naawa ako kay Rio. Sobrang mahal nya ang kapatid nya, parang si Xylan kay Xyrene.. At pareho pa silang hndi matanggap ang pagkawala ng minamahal nila..

    Napansin kong nakadungaw sa classroom si Zariel. Sinesenyasan ako lumabas. Classmate ko kasi sya sa Literature. Nako, ano nanaman kayang kalokohan ang balak nito?

    "Mauna ka na Denise, may aasikasuhin pa kasi ako.."

    Nauna na akong lumabas kay Rio dahil may hinahalungkat pa sya sa bag nya. Sinalubong agad ako ni Zariel.

    "Hi Denise! Musta araw mo? Dalhin ko na gamit mo, gusto mo?"

    Aba, at nagiba ata ang ihip ng hangin?

    Kumindat sa akin si Zariel. Ah, gets ko na, pumapayag na sya sa kondisyon ko! Bwahaha! Mission accomplished!

    Grabe si Zariel, todo asikaso sa akin. Akala nga ng marami, nanliligaw sya sakin! Talagang seryoso sya kay Dericka. Naku, pano na lang pag nalaman nya ang totoo? Lagot nanaman ako!

    Nun natapos ang literature class namin, kinausap nya ako ng pribado.

    "Uy, favor naman dyan tanong mo sa kanya kung saang kwarto sya sa dorm namin para mabisita ko sya. Bwisit kasi yun landlady namin, ayaw sabihin..Ok lang?" Patay. Anong gagawin ko ngayon?

    "Naku, e masikreto yun, ayaw nya ng dinadalaw-dalaw sya sa dorm ng mga lalake. Minsan nga, inuupakan nya mga nagiging bisita nya. Mahiyain din kasi sya.."

    "Ay ganun ba..Sabihin mo na lang sa kanya na labas naman kami.."

    Ano ba ito, hindi marunong umintindi..Ano naman kaya ang ipalulusot ko ngayon?

    "Ah..Sige! Bahala na! Sige, magkita na lang tayo bukas! Bye!"

    Nagpaalam na ako agad. Naku, ano na kayang gagawin ko? Inunahan ko na sya sa paguwi at baka mapansin nya pa akong pumasok sa dorm.

    -0-0-0-

    Kinabukasan, maaga ulit akong pumasok dahil marami pa akong plates na gagawin. Hindi kasi ako makapagconcentrate kakaisip kung anong gagawin ko kay Zariel. Buti hindi ko sya kasama sa class ko ngayon. Makakapagisip ako ng maayos ng hindi nya ako iniistorbo. Napadaan ako sa corridor ng industrial design at nakita kong pinagtritripan nanaman nila Zariel si Rhea.

    "Ano nanaman ba ito Zariel?"

    "Pasensya na, biruan lang naman. Ok lang naman Rhea diba?"

    Tumango lang si Rhea. Pero alam kong nakakawawa na sya ng mga lokong ito.

    "Hindi ka marunong tumupad sa usapan!"

    "Masyado mo na ata akong kinokontrol? Biruan lang naman yun, hindi naman grabe..Sa totoo lang, baka niloloko mo lang ako! Malay ko ba kung talagang close kayo ni Dericka? Baka hindi mo naman talaga sya kilala!"

    Naku, kung alam mo lang. Sobrang kilala ko na sya!

    "Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran ko si Zariel at di ko na pinakinggan kung ano pa ang sasabihin nya. Napuno na ako. Wala na syang pagasa.

    Pagdating ko sa dorm, natulog muna ako. Napagod ako sa dami ng ginawa namin ngayon. Not to mention na naglinis nanaman kami ni Zariel ng classrooms. Pero wala kaming imikan nun at hiwalay kami sa pagawa. Hayyy.. Buti at walang pasok bukas.

    Nagulat ako ng pagising ko, umaga na! Grabe, 12 hours akong tulog?

    Chineck ko yun fone ko, inaantay ko kasi yun text ni Mama about sa tuition ko..May nagtext sa akin na unregistered ang number..


    'Hi..Zariel nga pla 2..Pwd b tyo umalis bkas? kng d ka bc..Nko, pasenxa n kng ngulat kta, msydo ata akng mblis..at bka glt k skn dhl sa ngwa k knina..pro nice nmn ako e. dnt wori. treat ko 2morow..'

    What? He's asking me for a date? Anlabo nya! Kahapon lang, inaway nya ako! Scrinoll down ko pa at..




















    'i'll b xpectng u 2morow sa basketball court..txtbk ka kng ok lng dericka? ha? =)'


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:06 am

    Sino ang magaling na nagbigay ng number ko kay Zariel?!!!

    Napatingin ako sa bintana, umuulan. Nako, imposibleng sumipot itong si Zariel..Nothing to worry about...

    Bumaba na ako para magalmusal. Nakasalubong ko si Ursula at nilapitan nya ako.

    "Denise naman pala talaga ang pangalan mo, bakit Dericka ang sinabi mo sa akin? Kung di ko pa malalaman sa kapatid mong si Dexter.."

    "Ha, ah..Kasi po.."

    "At hindi lang yun, anong kinalaman mo dun sa Zariel na yun? Yun lokong bata na yun, hinalungkat ang records ko para malaman yun number mo!"

    Naku, kaya naman pala!

    Kwinento ko sa kanya ang buong pangyayari at inexplain ang sitwasyon ko.

    "Ah ganun ba.."

    "Basta wag nyo na lang sya bigyan ng kahit anong impormasyon tungkol sakin.."

    "O sige..Akong bahala..Haha..Yun pala ang mga tipong babae ni Zar.." at ngumiti si Ursula. Unang beses ko syang nakitang ngumiti.


    Kinutuban ako ng masama sa ngiti nyang yun...

    Kumain ako sa carinderia katabi ng dorm ko..Buti nakahiram ako ng payong kay Ate Marilyn. Napakalakas ng ulan. Nagkaputik-putik pa ang legs ko..Pagkatapos, pumunta ako ng computer shop para ipagpatuloy ang research ko sa Filipino..

    Hindi ako masyadong makapagconcentrate dahil sa ingay nung mga lalakeng nagdodota at nagoo2jam...Natry ko ng mago2jam dati, pero medyo nahirapan ako..Itry ko kaya ulit?

    Kaso, magiging tambay nanaman ako ng computer shop nito..

    Hay, isang beses lang..Tutal, di naman ako makagawa dahil sa ingay ng mga lalakeng ito..

    Inopen ko yung account ko dati..Haha..Wala pang damit ang character ko..Level 1 pa lang sya..Namili muna ako ng madaling kanta dahil hindi pa ako masyadong marunong. Nagsimula ako sa Lonely Song..Mga ilang laro, nag level 3 na ako..Inabot ako ng kalahating oras..Nakakatawa dahil ako lang ang nagiisang babae na naglalaro..Sunod, Fly Magpie para makapaglevel 4..Matapos ang dalawang oras, level 7 na ako! Nakakaadik! Hindi napapagod ang daliri ko!

    Nawala ang konsentrasyon ko ng marinig ko ang isang grupo ng mga lalake na tinuturo ako,

    "Ayun, baka yun yung Dericka na sinasabi ni Zariel diba?"

    "Onga, pero diba may date sila? Kanina pa umalis ng dorm yun si Zariel e..Atat masyado, di tuloy nakapagdala ng payong.."

    "Ano ka ba, nakita mong para syang tangang nagaantay sa basketball court mula kaninang umaga! Teka nga," Lumapit sa akin yun lalake at sinabing, "Miss ikaw ba si-"

    Patay! Hindi ako pwedeng lumingon, di ako pwede magpakita!

    No choice, binunggo ko yun lalake at Hinagis ko yun pera sa counter at kumaripas ng takbo..Kailangan kong puntahan si Zariel! Mukha syang tanga na nagaantay dun! Pumunta ako sa dorm para magpalit..Nanghiram muna ako ng damit kay Lhian dahil baka makahalata si Zariel pag ganito ang suot ko. Lumabas na ako ng dorm dala-dala ang payong ko. Pumunta na ako sa basketball court at nakita ko si Zariel dun na nanginginig sa lamig..

    "Zariel! Bakit ka andito?!"

    "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan?"

    "Ah...Eh..Oo nga! Si Dericka..Hindi sya pwede, madami syang gagawin..Hindi ka na nya natext dahil busy sya.."

    "Talaga...Hay..Sayang.." Ano? Di ba sya magwawala dahil pinagantay ko sya ng matagal?!

    Umubo at suminghot si Zariel. Yan na nga ba ang sinasabi ko, magkakasakit sya sa ginagawa nya!

    "Nako, ikaw naman kasi..Nagantay ka pa dito..Kahit umuulan!"

    "Pano kung dumating si Dericka? I never let girls wait..and I never ever leave girls hanging..." Ow, akalain mong may pagkagentleman din si Zar..

    “Tara, tumambay muna tayo sa kainan malapit sa dorm ko..”

    “Ha? Ah..Eh….”

    “Tara na!”

    Hinila ako ni Zar papunta sa carinderia na kinakainan ko.

    “O, kagagaling mo lang dito Denise ah!” Sabi ni Mang Mario. Patay…

    Sinenyasan ko sya na tumahimik na lang sya. At saka sinabi kay Zariel,

    “Ah oo, nagutom kasi ako..Kumakain kasi kami ni Dericka dito minsan..”

    “Ganun ba? Matreat ko nga sya minsan dito..”

    Umorder na si Zariel at pinaorder nya din ako.

    “Sagot ko, kaya wag ka mahiya..”

    “Naku, masyado na ata ito..Ganito ka ba pag nagkakagusto sa isang babae? Talagang nagiging sobrang nice mo sakin?”

    “Actually, hinde..”

    “I’m being nice to you not because I need to…”

    “But coz I want to..”

    Ano daw?!

    “And I hate it! You know, I love hating you coz you’re so fake!”

    “Hindi ako fake ok!”

    “You are! Ewan ko, parang nararamdaman ko na nagpapanggap ka to be someone you are not..and someone you don’t want to be..Pinipilit mo ang sarili mo na maging ganyan ka..”

    "Mali yang pakiramdam mo!"

    “Basta, I hate you!”

    “I hate you too!”

    “Tama na nga! Yun tungkol sayo na lang, bakit ayaw mo sa mga babae?”

    “Baka matawa ka lang sakin e..”

    “Hindi no…”

    “May girlfriend ako, tapos iniwan ako para sa sarap ng buhay sa America..Ayun…Badtrip diba?”

    “Ang bitter mo naman masyado!”

    Dumating na yung pagkain na inorder namin..

    “Basta, naiinis lang talaga ako sa kanila..Ayoko na magtiwala sa kanila..Dahil madalas, iiwan din nila ako..”

    Natahimik ako. Hindi ko sya masisis kung bakit sya nagkaganun. Pero pakiramdam ko, may mas malalim pa na dahilan yun..

    Sinamahan ko na si Zariel papunta sa dorm namin. Pagkapasok nya, tatambay na lang ulit ako sa labas saglit at papasok na rin..

    Pagdating namin, may sumalubong na babae sa amin. Nakaupo sya kung saan nakaupo si Ursula. At parehong pareho kami ng porma! Maluwag na tshirt,walang make-up,nakapony tail at nakacap!

    “O, Denise! Napadaan ka?” Sabi nya sa akin. Teka, do I know you?

    “Hi Zariel, sa wakas nagkita na din tayo…”

    “Teka, don’t tell me you are?”

    “Yup, ako nga! Ako si Dericka!”

    Kakaiba ang reaksyon ni Zariel. Hindi yun ang expected kong reaction nya. Ngumiti lang sya na makikikita mo sa mukha nya na gulat sya..

    "Remember, ako yun nagdala sayo sa couch? Lasing na lasing ka nun...Grabe, ang bigat mo, pero nabuhat kita.." At san mo nakuha yun?!

    “Ah…Talaga?” You see? Parang nawalan sya ng gana or something..

    “So, alis tayo?”

    "Ah..Why not?" Mukhang napipilitan pa sya..

    "Teka lang,magpapalit ako nabasa ako naulan kasi.." Dumeretso ng hagdan si Zariel na mukhang puzzled at naguguluhan ang itsura..

    Inantay ko mawala si Zar at saka hinarap yun babae.

    “Teka, sino ka ba talaga?”

    ”Hi! I’m Cynthia..and what’s with the pataray look you’ve got there? Haller, pasalamat ka, I didn’t blow your cover ha?!”

    Oh yeah, kailangan ko magpasalamat dahil nagpapanggap ka na ako.

    “Pamangkin ako ng landlady dito.. Alam ko lahat Denise, I know na ayaw mo malaman ni Zariel lahat right?”

    “Uh..Yeah..”

    “So hayaan mo ng me na lang si Dericka diba?” The way she’s talking reminds me so much of Kris Aquino. Nakakairita!

    “Of course, you don’t need to thank me diba? Ako pa…So we’re friends na ha?”

    Teka, galling mental ba itong babaeng ito? First, she starts pretending that she’s me..Now she wants to be my friend?!

    “Secret lang po ito, I’ve got this crush with Zariel…Matagal na..Kaya madalas akong dumadaan sa dorm ni Tita..And I knew na woman hater si Zariel, so nun nalaman ko kay lahat-lahat mula sa kanya, I grabbed the chance na..and I wanted to help you din, coz I think you’re nice naman e..” So sinabi mo rin ang tunay mong agenda, na type mo si Zariel?

    “So ganito, dahil I’m doing you a favor..You should do me a favor din..Okay ba yun?”

    Wow, at saksakan ng kapal ang mukha nya ha? Favor pa pala itong ginagawa ko para sa kanya!

    “Kailangan paglapitin mo pa kami ni Zariel..Okay?”

    “Ayaw mo naman siguro malaman nya ang totoo diba?”



    "Ah okay?"

    Dumating na si Zariel. Mukhang wala pa din syang gana.

    "Sige, mauna na kami Denise..Salamat ha.."

    Tapos bumulong sya sakin,

    "I hate you.." Hindi na yun mataas na tono tulad nung kanina, pasweet yung boses nya..

    Sumagot naman ako...

    "I hate you too!" Pero parang...






















    Hindi yun ang gusto kong sabihin,..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:06 am

    Nainis ako. Bakit ba ako pumayag? Ok na kami ni Zar, di nya na ako pinagtritripan..Yun ang goal ko diba? Kaso, kelangan ko pa din magtago sa dorm? Nagpagulo lang talaga ang pagpapanggap ko na ako si Dericka! Sobra!

    "O? Ano't mukhang mananapak ka dyan?" Si Kuya, kapapasok lang ng dorm. Break nya siguro.

    Kwinento ko ang buong pangyayari. Badtrip na badtrip ako.

    "O? Edi ayos na pala.."

    "Anong ayos dun? She's pretending to be me!!!" pasigaw kong sabi kay Kuya..

    "Teka, akala ko ba, hindi na ikaw yun Denise na yun? Diba nagbago ka na?"

    "Well.." Natahimik ako, I didn’t know what to say..

    "What brought you trouble in the first place is, yung pagpapanggap mo bilang isang girly kolehiyala girl, which is not you. If you tried to be real nung una pa lang, edi ikaw na sana talaga nagustuhan ni Zariel at hindi ka nagseselos ngayon!"

    "KUYA! Hindi ako nagseselos! Si..Si Xylan pa din ang mahal ko.."

    "Ako pa niloko mo...Move on Denise...Pinahihirapan mo lang ang sarili mo.."

    "Hay, thanks kuya! Nakatulong ka sobra!" Padabog akong umakyat papuntang second floor.

    Tamang tama, nakasalubong ko si Ursula.

    "O Denise, nameet mo na yung pamangkin ko? Naawa kasi ako sayo kaya naisip kong gawin yun..Gusto ko lang makatulong sayo.."

    Ay GRabe, sobrang nakatulong kayo!

    "Ah..Salamat po.."

    "Kaya, pwedeng humingi ng pabor?"

    Nako, isa pa to! Walang pinagkaiba sa pamangkin nya!

    "Ano po yun?" Grabe, Denise, ano bang ginagawa mo! Bakit hindi ka umaangal?!

    "Yayain mong lumabas si Zar, eto ang isang movie ticket..Nakakahiya naman kasi pag pamangkin ko pa ang nangyaya diba? Kaya ikaw na lang..Ibigay mo sa kanya..Yung isa, ibibigay ko sa pamangkin ko..Kunwari, hindi ka makakapunta kaya si Cynthia na lang ang pupunta.."

    Wow, at hindi nakakahiya kapag ako ang nangyaya?!

    AYOKO NGA!


    "O sige po, aabot ko po sa kanya.."


    -0-0-0-

    Kinabukasan, badtrip ako pagpasok ko. Algeb class nanaman kaya magiging kaklase ko si Zariel. Ayoko na nga makita ang pagmumukha nun! Sya ang dahilan ng lahat!

    Pagbukas ko ng pintuan,

    "Good Morning Denise!"

    Nilampasan ko lang sya.

    "Hey, am I chopped liver? Sabi ko, good morning!"

    Ano bang trip nito ngayon at nangungulit ng ganito?

    "Edi Good Morning! Masaya ka na?!"

    "Masaya talaga! Ang saya ng date namin kahapon! Masarap kasama si Dericka!" What?! You enjoyed being with that kind of girl?!

    Nagbulungan ang buong barkada ni Zar. Hindi ko masyadong naintindihan yun pinagsasabi nila..

    "Kanina lang, sabi nya.."

    binulong naman nung isa,

    "Tapos ngayon.."

    Nilingon ni Zar ang barkada nya at tinitigan ng masama.

    "Sobrang bait nya talaga! Lalo akong naiinlo-"

    "Okay! And so? Hindi naman ako nagpapakwento tungkol sa date nyo diba?!"

    "Okay, PMS lang siguro yan..Iintindihin na muna kita.."

    Naalala ko yun ticket. Sheesh! Paano ko kaya ibibigay sa kanya?

    Maya-maya’y nagstart na yung klase. Balik sa polynomials and binomials. Highschool stuff. Di ko masyadong inintindi dahil mas mahirap ang problema ko dito kay Zariel.

    After ng class, nilapitan ko si Zariel.

    “Pwede ba tayong magusap? Yung tayong dalawa lang?”

    Palabas na din ang lahat ng tao sa room natira na lang si Zar at ang barkada nya. Sinenyasan nya ang barkada nya na lumabas na din.

    “Yes?”

    "Ah...Eto nga pala..." Inabot ko yun movie ticket ng nakayuko, "Manood naman tayo ng sine.." Grabe, nakakahiya talaga itong ginagawa ko!

    “Is this a da-“

    “Yeah! Friendly date! Alam mo na, friends na tayo diba? At trineat mo ako ng lunch remember? So treat ko naman ngayon ang movie.. Okay ba sayo?”

    "Ha? Ah...Okay!" Abot tenga ang ngiti ni Zariel at Kinuha nya agad yung ticket. "Salamat ha.." Naging speechless si Zar..Hindi nya siguro akalain na gagawin ko yun..

    “Sige,kita na lang tayo mamaya. Bye!” lumabas na agad ako ng classroom dahil hindi ko na matiis pa ang ginagawa ko.

    Hindi na ulit kami nagkita ni Zar dahil puro major subjects ko na ang sumunod.

    Nung tapos na ang klase, nakatanggap ako ng text mula kay Kuya Dex na niyaya ako pumuntang Moon City, yung theme park ng panggabi na kabubukas lang. Okay ito, para makapaglibang libang naman dahil masyado na akong nastrestress sa mga pinagagawa ko.

    Nagpalit lang ako sa dorm at paglabas ko, nakaparada na ang kotse ng barkada ni Kuya. Pumasok ako at tumabi kay Kuya. Kasama din pala si Ate Marilyn at si Karisse!

    "Uy! Nabalitaan ko yun tungkol sa Cynthia na yun! Nakakainis sya ha!"

    "Ha..Wala yun..Atleast, ligtas na ako sa pagpapanggap na ako si Dericka.."

    "Nako, pano na lang kayo ni Papa Zar? Buti na lang at may naisip na paraan-"

    Siniko ni Ate Marilyn si Karisse.

    "Ha? Ano yun?"

    "Wala! Nako, excited na talaga ako!"

    Maya-maya, nakarating na kami dun.. Hindi gaano kahaba ang pila. Binayaran ni Kuya ang entrance ko at sabay-sabay kami pumasok. Pumunta kami sa parang roller coaster na may babagsakan na tubig..

    "O, Denise, dito ka lang ha, may susunduin lang kami na kabarkada namin.."

    "Bakit di nyo pa ako isama?"

    "Naku, mapapagod ka pa..Dito ka lang..Isave mo na kami ng pila"

    O sige, sabi nyo e. Hmmm..Napansin ko lang na parang may di magandang balak sila kuya. Pero wala naman ako maisip na gagawin nila? Wala naman siguro...Iwan man nila ako dito, alam ko naman yung pauwi..

    Papunta na ako sa pila ng makita ko ang isang batang nadapa. Tinulungan ko sya tumayo at napansin kong talagang nasaktan sya sa kanyang pagkakadapa pero, wala naman gasgas o sugat.

    “WAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!”

    Naku, kawawa naman ito..Bakit naman kasi sya iniwan ng magulang nya dito sa ganito kacrowded na lugar.

    Lumuhod ako at kinausap yung bata. Pinunasan ko ang luha nya.

    “Wag ka na umiyak, di ka mageenjoy nyan kung iiyak ka lang..”

    “WAAAAAAAAAAHHH! Ang sakit!!!” Sinabayan pa ng pagsinghot ang pagluha nya.

    “Alam ko na, para mawala ang sakit, sumigaw ka lang ng,”

    Tumayo ako at habang nakaclench ang fist ko, itinaas ko ito at sinabing,

    “SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC PUNCH!!!”

    Pinunasan ng bata ang luha nya at gumaya din sya sakin!

    “SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC PUNCH!!!”

    Maya-maya’y ngumiti na sya. Akalain mong epektib yun,

    “O diba? Parang sinuntok mo palayo yung sakit?”

    “Salamat ate!”

    Tumakbo na yung bata palayo, nakita na ata nya ang mga kasama nya. Atleast, okay na sya.

    May kumalabit bigla sa likod ko, humarap ako, at nakita ko si Zariel sa harapan ko! Bakit sya andito? May movie date sila ni Cynthia diba?! Sa sobrang gulat ko at dahil sobrang lapit ko sa kanya, naout of balance ako at nahulog sa sahig. Flat ako sa floor. Maluha-luha ako sa sobrang sakit.

    “O, wag kang iiyak, di tayo mageenjoy nyan..”

    “Sino nagsabi sayo na iiyak ako?!”

    Matagal kaming tahimik. Nakatitig lang sa akin itong si Zariel. Mukhang tanga ito!

    “Hindi mo ba sasabihin?”

    “Sabihin alin?”

    Sinara ni Zariel ang kamao nya at itinaas ito at,

    “Yung SUPER ULTRA-“

    “SHUT UP!”

    -0-0-0-

    “Ang labo mo, bibigyan mo ako ng movie tickets tapos eto pala ang balak mo! Buti sinabi agad sa akin ng Kuya mo, kung hindi nagmukha akong tanga sa sinehan.”

    “Ha…Ah…Kasi…” Nako…Eto nanaman ako, magiisip ng bagong palusot! Hindi ko naman pwedeng sabihin na inutusan ako ni Ursula!

    “Set up lang yun! You think yayain kita manood ng sine?! Para sa inyo talaga ni Dericka yun! Kaya puntahan mo na sya!”

    “Nakauwi na yun, anong oras na o..” Napatingin ako sa orasan ko, sya nga, 9PM na…Patay, nagantay siguro ng matagal si Cynthia dun!

    “Di ka ba concerned?”

    “Di naman..” Yun lang ang nasabi nya.

    “Sama mo!”

    “This was YOUR IDEA. Kunwari pang yayain mo ako sa ‘friendly date’ na yan tapos iseset up mo pala ako sa Dericka na yan..” Kita mo yang ugali nyang yan, sya na nga tinutulungan sya pa etong galit!

    “E sya naman ang gusto mo makasama diba?!”

    “I expected for YOU. Kasi ikaw ang nangyaya. Kung di ko pa nalaman sa Kuya mo na dito kayo..” Sinabi ko na nga ba, pakana nila itong lahat.

    “Nga pala, kilala mo Kuya ko?”

    “Yea, kadorm ko sya..”

    “Pano mo nalaman na Kuya ko sya?”

    “Ha? Ah…Eh…Sinabi nya!” Hmmm…I smell something fishy ha..

    “Teka…Magbabangayan lang ba tayo magdamag? Tara na at magrides na tayo!” Hinawakan ni Zariel ang kamay ko. At hinila ako papunta sa Loopz.

    “Paano sila? Hanapin muna natin sila!”

    “Wait, this is our date diba? Bawal istorbo!” Ngumiti sya at dumerederetso na sa paglalakad.

    Woah, date namin? Bawal istorbo? Diba 'friendly date' ito, so okay lang na maging group date ito? At bawal istorbo? Bakit? anlabo nya!

    Ang haba ng pila sa Loopz! As expected, ito ang pinakasikat na ride dito! Hanlupit kasi! Madami talagang loops! Pero nakakatamad lang pumila..

    “You really want to ride this?”

    “Takot ka?”

    “Hindi ha! Ang haba lang kasi ng pila!” Wala pa nga kami sa kalahati!

    “What do you think about roller coasters?”

    Huh? Weird ng tanong nya ha?

    “Hmmm..Di mo kasi maintindihan kung bakit sya pinipilahan ng tao, aabutin ka ng mga isang oras sa pagpila, tapos mahigit 15 minutes lang yun ride, tapos kadalasan pag tapos na yun ride, makikita mo yun mga sumakay e either namumutla o nasusuka. Di mo rin minsan maintindihan if it’s really worth the wait e.”

    “A lot like love right?” Naglakad kami ng onti dahil unti-unti ng gumagalaw ang pila.

    “Ang tagal mong nagantay na dumating yun, only to find out that it wont last for that long and in the end, you end up not feeling good..Diba?”

    Yeah, a lot like me and Xylan.. Shortlived ang kasiyahan namin..And up to now, I’m still hurting because of his loss..But still, why does happy endings exist to other people?

    “Uh…I guess so? Pero yung iba, pansin ko, mukhang enjoy naman sila after the ride..Sige, iapply mo nga sa love yun..”

    Huminto saglit si Zariel at saka sinabing,

    “It’s because, they kept their eyes open during the whole ride..”

    Woah, anong konek?

    “Scientifically speaking, during extreme motion like this, you need to keep your eyes open, to stabilize your kinaesthetic and vestibular senses. Using your vision to stabilize these senses will minimize your nausea. The worst thing you could do is, shut your eyes.”


    Oh, I see. Ngayon ko lang nalaman yun ah!

    “So you mean, kaya kadalasan, nahihilo at nasusuka ang mga tao sa roller coaster e dahil pinipikit nila ang mga mata nila?”

    ”Exactly. Sasakay ka sa ganun, tapos pipikit mo mata mo dahil natatakot ka, sumakay ka pa? If you keep your eyes open, the less possibility na sumama ang pakiramdam mo..”

    Nice tip Zar! Ngayon,di na ako pipikit kapag nakasakay ako sa ganito!

    “Okay, got your point. So ano ngang konek nun sa love?”

    “Kailangan bukas lagi ang mata mo…Don’t try to keep your eyes closed because of your fears…” Naging seryoso bigla si Zariel.

    “Everyone waits for the right love to come right? So paano mo yun makikita kung pilit mong sinasara ang mata at puso mo dahil lang sa takot na nararamdaman mo?”

    Maraming tanong ang pumasok sa isip ko dahil sa mga sinabi ni Zariel.

    All this time, sinara ko na nga ba ang puso ko dahil sa takot na masaktan ulit?

    I never gave Brix a chance…

    Madami nanligaw sa akin nun college, some were deserving and some were not..I never gave them a chance..

    I never gave myself a chance…

    Should I also wait for the right love to come again?

    “Coz if you do, di mo mapapansin yun taong papahalagahan mo at magpapahalaga talaga sayo..At pag wala na sila, you’ll feel sick like those who closed their eyes during the roller coaster ride..”


    “It applies in moving on too…Kung bubuksan mo ang mga mata mo sa katotohanan na tapos na ang lahat, you’ll eventually survive all the pain..Acceptance is the magic word..Actually, it’s no longer the roller coaster ride ang point dito but the concept of keeping your eyes and heart open at all times..”

    Unti unting nagsisink in sakin ang mga sinasabi ni Zariel.Pero kanino ko naman bubuksan ang mga mata at puso ko? Wala naman diba?

    Acceptance? Have I truly accepted na wala na si Xylan?

    I threw the identity of the old Denise dahil ayoko ng maalala pa ang nakaraan. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala nya, kaya all this time, I thought that I don’t deserve to love or be loved again…Nung nawala sya, I never shed a tear… Hindi ako umattend sa libing nya…Di ko tinanggap na wala na sya..All I did was hated myself for what happened…Kung di nya na lang sana ako binalikan, humaba pa sana ang buhay nya…Coz hating and blaming myself made me forget about my misery…

    “Hoy! Galaw-galaw!” Naku! Sasakay na pala kami!

    Malas dahil nasa unahan pa kami. Kitang kita ko yung babagsakan naming. Ayoko naman pumikit dahil nga sa sinabi ni Zariel.

    Habang dinodouble check ang seats naming, naalala ko yung pinaguusapan naming kanina.

    “Bakit mo ba naisip na iopen yan sa rollercoaster na yan?”

    Tumingin sa malayo si Zariel at saka tumingin ulit sa akin.

    “Ever since yung experience ko with my ex, natakot na ako magmahal ulit..:”

    Nagsimula ng umandar ang rollercoaster. Sobrang bilis! Ang lakas ng sigaw ng mga nasa likuran naming! Biglang bumagal ang pagandar nun paakyat na kami. Grabe, ito ang pinakamataas! Ang sakit sa tiyan nito pag biglang baba!

    “Ngayon ko masasabing I’m ready to ride again with my eyes open..” Ngumiti sya sa akin at sinabing,

    “Coz I believe that this girl is worth all my wait..” Syempre, si Cynthia este si Dericka na yun!

    “Haha! Let me guess, Dericka?”

    Naku, eto na ang pinakatuktok! Nakakatakot! But I’ll never close my eyes! Never!

    “Denise, are you ready to fall with me?”

    “Ha?!” Napakarandom ng mga pinagsasabi nito!

    OH MY GOD! BABAGSAK NA!!!!

    ”AAAAAAAAAAHHH!”

    Halos mabingi na ako sa lakas ng sigaw ng mga tao sa likuran ko, pero narinig ko pa din ang binulong ni Zariel…























    “Coz I’m ready to fall for you..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:07 am

    Actually, hindi yung ride ang nagpapakaba sakin kundi ang mga pinagsasabi ni Zariel. Ang weird kasi nya ngayon!

    Im ready to fall for you? Tama ba ang narinig ko? Marami kasing sumisigaw so im not quite sure..

    Natapos na rin yun ride. I didn’t bother na ipaulit kay Zariel yun sinabi nya dahil baka kung ano nanaman ang isipin nya.

    Napadaan kami sa carousel. Napatingin si Zariel sa mga batang tuwang tuwa sa paikot-ikot na mga unicorn na sinasakyan nila. Wag nya sabihin na gusto nya sumakay dyan?!

    “Gusto mo sumakay dyan?”

    “Baka ikaw..I’m not a person who loves going around in circles..Coz it doesn’t get you anywhere..” Naglakad palayo ng carousel si Zariel.

    “Iaapply mo nanaman ba yan sa love?”

    “Oo! Galing mo ah!” Sinabi ko na eh.

    Ayoko lang kasi ng nagpapasikot-sikot pa..If I like someone, di na ako magpapanggap na gusto makipagkaibigan o magtotorpe-torpehan pa..I’ll tell her right away! Parang yung isang taong kilala ko? ‘Friendly date’ lang daw ang-“ Pinutol ko na agad sya dun dahil alam ko na ang gusto nyang palabasin.

    “Excuse me! Sabi ko sayo, sinesetup lang kita kay Dericka diba?”

    “Isa pang technique ng mga taong mahilig magpaikot-ikot? PAGIGING DEFENSIVE! Hahaha!”

    Jeez… Kung meron man mas nakakahilo sa carousel o rollercoaster ay itong si Zariel.

    He’s full of contradictions!

    He hates girls so much, pero deep inside, gentleman pala at sobrang magmahal sa isang babae.

    Mahilig gumawa ng gulo at kalokohan pero malalim din pala!

    Gusto nya daw si Dericka tapos sabi nya, he’s ready to fall for-

    Ano ba Denise! Hindi yun ang sinabi nya! Bakit ka ba nagkakaganyan?

    “O? Natulala ka dyan? Gutom ka na siguro, tara, kumain muna tayo..”

    Onga no, gutom lang siguro ang nararamdaman ko..

    Pumunta kami ni Zariel papunta sa bilihan ng hotdog. Tatlo ang binili nya! Ang takaw nya din no?

    Umupo kami sa bench malapit sa stall ng mga pagkain.

    “O, sayo itong isa..” Inabot nya sa akin yun hotdog bun. “Aray!” Muntik ko na mabitawan yun hotdog dahil masyado pa itong mainit. Buti na lang at nasalo ni Zariel!

    “Ilapag mo na muna, mainit pa kasi..”

    “Hindi naman e! Lika, susubuan kita!” Tinanggal nya ng bahagya yun wrapper ng hotdog.

    “Ayoko nga!” Nilayo ko yun mukha ko sa hotdog sandwich na pinapakain nya sa akin..

    “Treat ko ito diba?”

    “Edi babayaran-“

    DI na ako nakapagsalita dahil sinaksak na sa bibig ko ni Zariel yung hotdog. Lokong ito!

    “Hirap sa inyong mga babae, kayo na tinutulungan, kayo pa ang galit at-“

    Inagaw ko sa kanya yun hotdog at sinaksak ko din sa bibig nya!

    “Sige, tignan natin kung sino makakaubos ng isang hotdog sa isang subuan lang!”

    Masuka-suka na ako at hindi makahinga sa pinagagawa naming ni Zariel. Agad akong uminom ng softdrinks dahil feeling ko may nagbara pa sa lalamunan ko.

    Napansin kong pinipigilan tumawa ni Zariel.

    “Anong tinatawatawa mo dyan?”

    “Para ka kasing lalake kumain..Ikaw kaya ang nakaubos ng dalawang hotdog!”

    Nakakahiya..Nakain ko pa yun para sa kanya! Sya naman kasi eh! Ngayon na lang ulit ako kumain ng ganun kadami dahil nagdidiet ako.

    Inagaw ni Zariel yun softdrinks at uminom at dahil naiinis ako sa kanya, inagaw ko ito pabalik.

    “Painom naman!” Hinila nya ulit yun softdrinks at nagsimula uminom.

    “Ayoko! Naiinis ako sayo!” Hinawakan ko yun softdrinks kahit umiinom pa sya, ayaw nya naman bitawan!

    “Hon, Tignan mo yun dalawang yun, kanina lang nagsusubuan ng hotdog ngayon, yun babae pa nagpapainom sa kanya, ang sweet diba? Gusto ko ganyan din tayo..”

    Binitawan ko bigla yun baso. Nakakahiya, kanina pa pala kami pinapanood ng mga tao.

    “Onga, ang sweet mo talaga Denise..”

    PAK!

    -0-0-0-

    Gusto ko na talaga Makita sila Kuya, hindi ako komportable ngayon kasama ko si Zariel. Ewan ko kung bakit,siguro dahil may pinagusapan kami ni Cynthia at mali nga naman na ako ang kasama ni Zariel ngayon at hindi sya..

    “Tara, dun tayo sa parang Ferris Wheel! May promo ata sila dun!”

    May promo nga ata dahil ang daming tao na nagsulputan malapit dun.

    Nagulat ako ng may humila sa kamay naming ni Zariel.

    “Good Evening! Nakita naming kung gaano kayo kasweet kanina sa food stall at dahil dun, isa kayo sa maswerteng couple na kasama sa unang sasakay sa pinakabagong Lover’s Wheel ride!"

    “Teka, mali kayo ng-“

    “Talaga? AYOS! Buti na lang at napakasweet ng girlfriend ko!”

    “Zar!” Girlfriend?! Kelan pa?!

    “Sssshhh..Ano ka ba, ayaw mo nun, tayo bibinyag sa ride na ito? Hindi na natin kailangan pumila ng mahaba mamaya!” Bulong sa akin ni Zar. Pero I still don’t like this idea..

    Dinala kami nun lalake papunta sa Lover's Wheel. Mas kinakabahan ako ngayon kesa sa kabang naramdaman ko sa rollercoaster kanina.

    Pumasok na kami sa loob ng isang hugis puso na sasakyan. Sobrang kinakabahan ako. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito.

    Unang ikot.

    Tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin ako sa labas at tinignan ko ang ibang nakasakay at pagkatapos, ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa loob. Ayokong manood ng mga magsyotang naghahalikan at nagyayakapan. Parang nasa lovapalooza lang ako ah!

    Pangalwang ikot.

    Aba, bakit tumigil?

    Dumungaw kami sa bintana at nakita naming nagkagulo na ang mga tao sa baba. Namatay na rin ang mga ilaw sa Lover’s Wheel!

    Don’t tell me..

    “Sira ata ang power supply…”

    “PAANO MO NAGAGAWA MAGING KALMADO HA?!”

    “Magiging okay na din yan mamaya..”

    Tahimik na kami ulit.

    “Denise..”

    “Alam mo ba, parang din love ang isang chubibo?”

    “Don’t start with that again!" Dumungaw ulit ako sa bintana. "Tinitignan ko kung maayos ng technician yun sira!”

    “Ows? Kita mo? Nasa pinakatuktok tayo ngayon, paano mo nakikita?”

    Naku, pagbigyan ko na nga..

    “Okay! Okay! Ituloy mo!”

    “Kasi, minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka…Syempre, ayaw mo pag nasa baba ka diba? Pag nasa taas ka naman, ang sarap ng feeling! Diba?”

    “Oh yeah, ang sarap ng feeling na mastuck dito sa pinakatuktok ng isang chubibo! Lalo na at ikaw ang kasama!”

    “Alam mo, ang tagal kong nasa baba…Inisip ko, hindi ko na ulit mararanasan makarating sa taas..”

    “Hanggang sa makilala k-“

    “YAHOOO!” Napataas ko pa ang mga kamay ko. Mukhang maayos na ang Lover's Wheel!

    “Denise! Nakikinig ka ba?!”

    “Bumukas na ulit ang mga ilaw! Ayos na kaya?!”

    “Oo..Siguro…” Matamlay na sagot ni Zar. Nagtampo ata dahil hindi ako nakikinig sa kanya kanina..

    “Ano na ulit yun sinasabi mo?”

    “Forget it…”

    Silence.

    “May aaminin sana ako sayo..”

    Aaminin? Ano nanaman ba ito? Natetense na ako! Ganun din siguro ang nararamdaman ng mga readers ngayon! Pero mas natetense ako ha! Promise!

    Tahimik na ulit..

    “ANO?! Bakit di mo pa sabihin?”

    “Inaantay ko response mo eh. Hindi ka ata interesado.”

    Tinaas ko ang kilay ko,

    “Kailangan ba bawat sabihin ko, may reply ako?”

    “Oo, parang pag nagtetext..Diba?”

    Text..Naalala ko nun tinext nya ako at tinawag nya akong Dericka..

    Lalo akong kinabahan! Paano kung…ALAM NYA NA LAHAT?~!

    Unahan ko na kaya sya? Aminin ko na na ako talaga si Dericka?

    “Ako din kasi may aaminin..”

    “Ako muna!”

    “Alam ko na lahat!!!” OH NO!


























    “Alam kong kadorm kita Denise…”

    “Ano pa? Yun lang?”

    “Hindi pa…” Ano? Hindi pa ba taos yun?

    “E ano p-“ Teka muna! “teka muna! Kelan mo pa nalaman na kadorm kita?”

    “Mula nung dumating ka!”

    “NO WAY!”

    “Oo. Una syempreng pumasok sa isip ko, iterrorize ka dahil inis nga ako sayo..Pero nagiba bigla ang isip ko..Naisip kong obserbahan ka muna at saka ko pagiisipan kung anong dapat gawin sayo…Sa totoo lang, naisip ko dati na ikaw si Dericka, dahil halos magkapareho kayo manamit…Kaso dahil nga sa mga kilos mo,naisip kong hindi ikaw yun..”

    So wala din palang sense ang pagpanggap ko bilang Dericka?! Dahil hindi nya naman ako binalak na guluhin mula nun umpisa pa lang! Kung hindi sana ako nagpanggap na Dericka, hindi na sana ako napasok sa kung ano-anong sitwasyon!

    “Bakit hindi mo sinabi sa akin dati pa?!”

    “Gusto nga kasi kitang pagobserbahan, Nagbabakasakali ako na makikita ko yun tunay na Denise…Coz I really thought you were fake…”

    “How many times do I have to tell you that I am not fake! Eto talaga ako! Okay?! Nakakainis ka talaga! Simula nun dumating ka sa buhay ko-“

    “Could you please shut up for the moment?! Or else…”

    “Or else ano?! Saktan mo ako? Sige! Tara! Sapakan na ta-“

    Eto pala yung ‘or else’ na sinasabi nya..

































    He kissed me..

    5 seconds...

    Do you know this feeling? Nakaclench na yung fist ko at talagang susuntukin ko na sya, pero di ko magawa. Parang may kung anong nagfreeze sa katawan ko kaya hindi ako makagalaw. I wanted to let go but I cant...Why?

    10 seconds...

    This seems like forever! Parang ang bawat segundo, isang oras para sa akin!

    15 seconds...

    How long could I take this?

    20 seconds...

    Finally...

    “You know what? I really, really hate you..”

    You hate me but you just kissed me?!

    “I hate you for making me feel like I’m on top of a Ferris Wheel ride again..”

    Enough! Hinanda ko na ang kamao ko para suntukin sya pero..






















    "I hate you for making me fall in love with you..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:09 am

    First he hated me, now he loves me. Hanlabo nya ha!

    “I know it’s funny coz you’re really not my type of girl…” No, this is not funny!

    “I know what I’m looking for….Nakita ko yun sa katauhan ni Dericka…” O, si Dericka naman pala e…

    “But I also know what I’ll settle for….Ikaw yun..” Ha? Teka..Settle with me? Ang babata pa natin!

    “What’s that look? Kung ano-ano nanaman ang iniisip mo!”

    “Ideal girl ko lang si Dericka…Ikaw…I want you to be my girl-“

    “No! Ayoko! Ayoko marinig!” Tinakpan ko ang mga tenga ko. I just cant believe that this is all happening!

    Maya-maya’y naramdaman naming na pababa na ang Lover’s Wheel at isa-isang pinapababa ang mga pasahero.

    “Teka, Denise..”

    Buti na lang at pinababa na rin kami ni Zar..Ayoko na kasing marinig ang ano mang sasabihin nya..

    Teka, si Kuya at si Ate Marilyn andito din?

    “WOHOOOO!! Sinagot nya na ako! YESS!”

    “O talaga? Yehey!!! Magpainom ka ha?!” Sabay talon din ni Karisse.

    PAK!

    “Manahimik ka nga. Nakakahiya ka..Kung hindi lang ako naawa sayo..”

    Naawa?

    “Kuya! Anong diskarte ang ginawa mo naman ngayon?”

    “Sino ba naman kasi magaakala na takot sa heights itong si Dex!”

    Ah yeah, naalala ko, tuwing magpapaunahan kami sa pagakyat sa bubong ng bahay naming nun mga bata pa kami, si Kuya Dex lang ang hindi sumasama sa amin..

    “Sweet daw kasi kung dito daw sya sasagutin ni Marilyn! Kilig diba?”

    “Anong sweet? Para akong nagaalaga ng batang takot na takot!”

    “Pero teka muna, kayo ni Zar? Musta naman kayo? Kala nyo di naming kayo nakita na lumabas ng Lover’s Wheel ha?”

    “Ha…Ah…”

    Nasaan nga pala si Zar?!

    -0-0-0-

    Alas dose na kami nakabalik ng dorm. Hindi ko na nacheck kung nakauwi na si Zar. Natulog na din ako dahil sa sobrang pagod.

    Paggising ko, nakita kong wala na ang mga kasama ko sa loob ng kwarto. Lumabas na agad ako para magalmusal ng may napansin akong grupo ng mga lalakeng nakaitim na sumusunod sa akin. Dahil nakakahalata na ako, binilisan ko ang paglakad ko.

    Napansin kong hinahabol na nila ako at bago pa ako makasigaw para humingi ng tulong, piniringan na nila ako at tinakpan ang bibig ko!

    Binuhat nila ako at pakiramdam ko ay pinasok nila ako sa sasakyan kung saan ko sila unang nakita dahil naramdaman kong umaandar na kami. Kidnap ba ito? DI naman kami mayaman ah!

    Hawak din nila ang kamay ko kaya kahit anong gawin kong pagpalag, wala akong magawa. Wag naman sana nila akong saktan.

    “Wag ka magaalala Miss, di ka naming sasaktan. Meron lang isang importanteng tao na gusto kang makausap..”

    Grabe naman, di naman strict ang schedule ko, kahit di sya magpaappointment, pwede ko syang kausapin ng maayos. Bakit sa ganitong paraan pa diba?!

    Kahit sinabi nila na di nila ako sinasaktan, di nawala yung kaba ko dahil wala akong ideya kung sino ang taong nagpakidnap sa akin.

    Maya-maya, pinalabas na nila ako ng kotse at tinanggal na din ang piring at takip sa bibig ko.

    Isang malaking bahay ang tumambad sa akin. Sa gate pa lang nila, nagmukhang pintuan na lang ang gate naming sa bahay.

    Pinapasok nila ako sa loob ng bahay. Big time talaga ang may-ari nito. Feeling ko, isang buwan ako maliligaw sa ganito kalaki na bahay. Ang taas pa ng kisame na puno ng magagandang chandeliers. Imported ang lahat ng furnitures nila.
    Labing apat na katulong ang sumalubong sa akin.

    “Magandang Tanghali po. Andito kami para ihanda kayo para sa dinner nyo kasama ang amo naming.”

    Sosyal, dinner date pa ang gusto. Sino ba talaga ang misteryosong taong ito?

    Nagulat na lang ako ng binuhat nila ako at inakyat sa isang malaking kwarto.

    “Ibaba nyo ako! Kaya ko naman maglakad diba?! Kanina pa kayo ah!”

    Hindi pala kwarto ito, banyo pala! Akalain mong malaki pa ang banyong ito kesa sa pinagsamang dining room at kitchen naming sa bahay! Isang malaking Jacuzzi ang nagaantay para sa akin! Ayos ha?

    Alam ko na ang sunod nilang gagawin kaya inunahan ko na sila.

    “Kaya ko ng maligo magisa okay?”

    Lumabas yung labing tatlong katulong at natira yun isa. Nanigurado pa talaga. Pero okay na ito kesa yung kanina.

    Nagtataka ako kung bakit medyo nagging kampante ako bigla at parang okay lang sa akin maligo dito sa bahay ng taong di ko naman kilala.

    “Sino po ba talaga ang amo nyo?”

    “Hindi pa po naming pwedeng sabihin.. Wag kayo magalala, wala syang masamang balak sayo, gusto nya lang makipagusap tungkol sa isang personal na bagay.”

    Personal na bagay?! Kilala ko ba ito? Sino ba sya?

    Pagkatapos ko maligo, pinasuot nila ako ng isang pink cocktail dress na puno ng swarovski crystals. May terno pang sapatos!

    Inayusan pa ako sa isang mala-salon na kwarto. Nilagyan ng make-up at kinulot pa ang buhok ko.

    Akala ko, bubuhatin pa nila ako, pero inalalayan na lang nila ako pababa at dinala sa mala-higanteng dining room.

    At doon ko nakita ang taong gusto ako kausapin.

    “Kumain muna tayo bago tayo magusap. Alam kong nagugutom ka na.”

    Naramdaman ko nga na gutom na talaga ako. Ni hindi pa ako kumakain ng almusal nung kinidnap nila ako. Halos malula na ako sa dami ng pagkain na nasa harapan ko.

    Habang kumakain inoobserbahan ko ang tao na gusting kumausap sa akin. Isang lalake na nasa 50’s na siguro. Nakasuot pa sya ng pangcorporate attire. Mukha naman mabait pero parang nalaman ko na kung ano ang pakay nya sa akin.

    Pagkatapos naming kumain, niligpit na ng katulong ang mga nasa table at doon na ako sinimulan kausapin ng misteryosong lalake.

    “Magandang Gabi Miss Buendia. Matagal na kitang gusting makausap. Marami na akong narinig tungkol sayo..But you’re more than what I expected.”

    Uunahan ko na sya.

    “Teka lang po, gusto ko po magpasalamat at trineat nyo ako ng dinner at pinasuot pa ng isang magarang gown. Pero..Hindi po pwede..”

    “Ha?”

    “Hindi po ako pumapatol sa DOM. Bata pa po ako at maraming pangarap sa buhay. Baka may mahanap po kayo na kasing edad nyo na nababagay talaga para sa inyo. Pasensya na po talaga.”

    Tumayo ako para umalis pero napatigil ako dahil tumawa ng malakas ang misteryosong lalake.

    “HAHAHAHA!!!”

    “Hindi kita masisisi kung yan ang pumasok sa isip mo. Sana noong una palang ay nagpakilala na ako..”

    “I’m Reynaldo Czar Villarosa..”






















    “Zariel’s Father..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:10 am

    Napaupo ulit ako sa sobrang shock. I had no idea na tatay na pala ni Zariel ang kaharap ko. Nakakahiya dahil pinagkamalan ko pa syang DOM!

    “Okay lang yun iha, nakakatawa ka pala tulad sa mga naikwekwento nila.”


    “Ikaw pala ang bagong napupusuan ng anak ko. Hindi ko akalain na iibig pa sya ulit..”

    Speechless ako. Wala naman akong nararamdaman para kay Zariel. Paano ko kaya ito sasabihin sa tatay nya?

    “Sana pagbigyan mo ang anak ko. Minsan na lang kasi sya magmahal sa isang tao. Hirap sya magtiwala sa iba lalo na sa mga babae.”

    “Opo, naobserbahan ko nga po yun kaso-“

    “Alam mo bang may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw ni Zariel sa mga babae?”

    “Ito ay dahil sa kanyang ina..”

    “Mahirap pa ako noong makilala ko ang ina ni Zar na si Mariel. Kahit hirap sa buhay, masaya naman kami. Hanggang sa maipanganak si Zar. Naging sunod-sunod ang kamalasan namin dahil nawalan ako ng trabaho at nagging masakiting bata si Zar..Naisipan kong mangibang bansa para maiahon ang pamilya naming sa kahirapan. Noong panahon na iniwan ko sila, pinagbubuntis naman ni Mariel ang isa pa naming anak. Wala pa akong maipadalang pera noon at dahil desperado na, may nakilalang ibang lalake si Mariel na may kaya sa buhay. Pinagmalupitan sya ni Mariel at ng bago nitong asawa.Ng maipanganak ang kapatid ni Zar naglaho na parang bula si Mariel. Kinuha ng social worker si Zar at dinala sa DSWD. Hindi na rin naming nalaman kung ano ang nangyari sa kapatid na lalake ni Zar na may problema pa sa puso noong ipinanganak. Simula noon, nagkaroon na ng sama ng loob si Zar sa kanyang ina..”

    “Nagalala ako dahil nawalan kami ng komunikasyon ni Mariel. Dahil nakapagipon na rin ako, bumalik agad ako dito at mabuti na lang nagging madali ang paghahanap ko kay Zariel.”

    “Lalong lumaki ang galit nya sa mga babae ng makilala nya ang una nyang girlfriend. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya pero ang sabi niya, iniwan daw sya nito..”

    “Ayokong lumaki si Zariel na mali ang pananaw tungkol sa mga babae. Sana, ikaw ang makapagpabago sa kanya..Mukha ka namang mabait na bata Denise..”

    Matapos kong marinig ang kwento ng buhay ni Zar, nakaramdam akong ng awa sa kanya. Nawala ang lahat ng inis ko sa kanya dahil sa mga ginawa nya sa akin noon.

    “Sige po, susubukan ko.”

    -0-0-0-

    Pinagisipan ko mabuti kung ano ang gagawin ko kay Zar. Pero hanggang ngayon, gulong gulo ako.

    Kinabukasan, gusto ko na agad kausapin si Zar. I really don’t know if I should give him a chance..Bahala na..

    Dahil napaaga ang pagpasok ko, nakita kong wala pang tao sa classroom.

    May nakita akong oslo paper na nakapatong sa upuan ko. Agad ko itong pinulot at…

    Nanlaki ang mata ko ng Makita ko ang..

    Sketch ko?

    Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Xylan..

    ‘Hindi lang ang mga kamay ang ginagamit sa pagbuo ng magandang sketch kundi ang puso..You just don’t make a sketch with all your skills but with all your heart..’

    Sa lower left ng sketch, may initials na R.C.

    Bago pa magregister sa isip ko kung sino ang taong yun, may pumasok sa classroom at napalingon ako,























    Si Rio?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:10 am

    Si Rio

    Did he really see through me all along? The picture resembled my old self. Naka-cap at nakaponytail. Simpleng simple ang itsura ko doon.

    “Ro-ronan?”

    Ipinakita ko sa kanya yung sketch. Ewan ko kung ano ang nangyari pero hindi ko na napgilan ang sarili ko sa pagiyak.

    Walang imik na niyakap ako ni Rio. Yinakap ko din sya. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko noong mga sandali na yun.

    “Denise?”

    Si Zar?!

    Umalis ako sa pagkakayakap kay Rio. Paano na ito? Biglang nagiba ang emosyon sa mukha ni Zar. Namula sya bigla sa galit.

    Hinila ako ni Zar mula kay Rio. Ano bang problema nya?

    “Boyfriend mo ba sya?!”

    “Zar, ano bang problema mo?”

    “Boyfriend mo ba sya?!” Lalong lumakas ang boses ni Zariel.

    “Hindi! Ano ngayon sayo?!” SInigawan ko din sya pabalik.

    “Ano ngayon sayo? Ikaw, girlfriend mo ba sya?”

    Hinarap naman ni Zar si Rio at tinignan ito ng masama.

    “Hindi kita kinakausap!”

    “Please! Tama na kayong dalawa ha!”

    Ibinaling ko ang tingin ko kay Zariel.

    “At ikaw, wag kang ganyan umasta ha! Matapos mo ako iwanan sa Moon City nung isang araw!”

    Nawala ang galit sa mukha ni Zariel.

    “Ha..Kasi..”

    “Ano?! Bahala ka na dyan!” Hinawakan ko ang kamay ni Rio. “Tara na!” Hinila ko sya palabas ng classroom. Nabadtrip talaga ako sa asal ngayon ni Zar.

    Habang naglalakad sa corridor, napansin kong hawak ko parin ang kamay ni Rio. Binitawan ko ito bigla.

    “Oopps..Sorry ah..”

    At sa unang pagkakataon, nakita ko syang ngumiti.

    “Wala yun..”

    Hindi ko mapigilan ngumiti noong mga oras na yun. Ewan ko kung bakit. Minsan, di ko maalis na maalala si Xylan sa kanya. Pero di pa naman kami masyadong close, baka there’s something more sa pagiging cool,calm and collected nya.

    “Thanks nga pala..”

    “It’s nothing.”

    “Pero bakit mo naisip na idrawing ako ng ganun? How did you know?”

    “Ha? Ah…” Matagal syang huminto at saka sinabing, “Ewan ko? I just felt like drawing you that way..”

    Ang galing nya. He doesn’t know anything about my past yet nadrawing nya ako ng ganun. He’s really something..

    -0-0-0-

    Dismissal na naming at lumapit sa akin si Rio.

    “Tara, hatid na kita..”

    “Ha? Okay! Salamat ah?”

    Paglabas ng gate, napansin ko na parang may sumusunod sa amin, paglingon ko. Wala naman. Pinagpatuloy naming ang paglalakad hanggang nung nasa harap na kami ng dorm, nagsalita si Rio.

    “Lumabas ka na dyan.”

    Tumingin ako sa paligid para tignan kung sino ang sinasabihan ni Rio.

    “Akala mo ba hindi ko alam na sinusundan mo kami?”

    Nagulat ako ng Makita kong lumitaw mula sa malaking poste si Zar! Sinusundan nya pala kami!

    “Zar!”

    "So? Selos?”

    “Ha?! Hindi!”

    “O anong problema mo?”

    “Wala!”

    “E di tigilan mo na kami.”

    “Kanina ka pa! Hindi naman kita kinakausap!”

    “E bakit mo sinasagot mo nga tanong ko?” Sya nga naman!

    “Eto nanaman tayo! Guys could you please-“

    “ZARIEL!!!” OH GOD. Dagdag sakit ng ulo. Akala ko wala na sa eksena ang bruhang ito. Palapit sa amin ang bruhang si Cynthia.

    “Dericka?”

    Lumapit agad ito kay Zariel at….

    She kissed him in the cheek!

    “Thank You ko yan sa paghatid sa akin nung gabing nagkita tayo sa Moon City ah?”

    Ah Okay. SO that simply explains everything. Kalokohan lahat ng sinabi nya sa akin sa moon city. Si Dericka talaga ang gusto nya.

    Don’t react. Stay cool.

    “Ronan, thanks na lang sa paghatid sa akin ha? Pasok na ako sa dorm, baka nakakaistorbo ako sa dalawang ito.”

    Nagpaalam na ako kay Rio at pumasok ng dorm.

    “Denise! Let me explain!”

    I really don’t need his explanations. Hindi ko naman sya boyfriend diba? So what ikiss sya nung fake Dericka na yun! Magsama sila!

    Pero..

    Nasaktan ako.

    No, I’m definitely sure na wala akong feelings for Zar. Sino ba kasing di maiinis? He told you he loves you, then leaves you behind to take home another girl, gets furious when he sees you with another guy tapos ngayon he gets kissed by this girl! Di ba nakakaloko na?

    Ilang beses akong pinuntahan sa kwarto ni Zar pero hindi ko sya pinapapasok. Alam ng buong dormates ko na hindi kami okay.

    The next few days I found myself hanging around with Rio all the time. He’s not all words but more in actions. I couldn’t help but compare Rio to Xylan. Parehong pareho sila. Naalala ko naman si Zar na panay pambobola lang! Grrrr!

    Paggising ko, may nakita akong note sa pintuan ng room namin. Nasa post-it sya na papel.

    'Denise, let’s talk sa basketball court mamayang hapon. Let me explain everything. –Zar’

    After that, I crumpled the paper into a tight ball at tinapon sa basurahan. Magisa kang magexplain dun. Gagawa kami ng plates ngayon ni Rio.

    Pagkatapos maligo at kumain, nakipagkita ako kay Rio sa park ng mga bandang tanghali. Halos sabay lang kaming dumating. Nagjeep kami papunta sa bahay nya.

    Isang maliit na apartment lang pala ang tinitirhan ni Rio. Magisa lang sya hindi tulad ng ibang college students na laging may kasama pag nagaapartment.

    Pagpasok ko, napansin ko agad ang picture frame sa counter table malapit sa pintuan. Larawan ng kapatid ni Rio.

    Dinalhan ako ng maiinom ni Rio at sinimulan na naming gawin ang mga plates para sa Archi3 subject namin. Tahimik kami nagsukat at gumuhit ng mga tatlong oras. Nabored ako at naisip ko makipagkwentuhan habang kami ay gumagawa.

    “Ronan-“

    “Napapansin ko lang sayo, you always call me by my real name. Bakit?”

    “Kasi, I feel na tuwing tinatawag kita na Rio, maalala mo lang yung paghihiganti mo para sa kapatid mo..Ayoko ng ganun..Ayokong tumatak sa isip mo ang paghihiganti..”

    “Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa kapatid ko. Namatay sya dahil sa sama ng loob. Naging napakasakit para sa kanya na iwan sya ng taong mahal nya.”

    “Pero-“

    “Ang kapatid ko lang ang nagging pamilya ko simula ng mawala ng maaga ang aming ama at ina dahil sa isang aksidente. Inampon kami ng Tito naming ngunit pinagmalupitan kami ng asawa nya. Noong una, palaban si Rio hindi tulad ko na mahina. Hanggang sa makilala nya ang lalakeng yun. Kinamumuhian ko talaga sya. Nagpadala sya sa galit nya at hindi nya pinakinggan ang kapatid ko. Sana nandoon ako noong mga oras na yun para turuan ng leksyon ang lalakeng yun.”

    Parehong pareho sila ni Xylan na sobra ang pagmamahal sa kanilang kapatid. Hindi ko sya masisi. Naiintindihan ko kung bakit sya nagkakaganyan.

    Niyakap ko sya para iparamdam na alam ko ang sakit na nararanasan nya. Ang mawalan ng taong minamahal. Ngunit umalis sa pagkakayakap ko at sinabing,

    “Hindi ka dapat makaramdam ng awa para sa akin..Ayoko..”

    “Hindi naman awa ang nararamdaman ko para sayo..Kundi..”

    “Ano?”

    Ano nga ba?!

    Matagal kami na nagtitigan at tumahimik. Maya-maya napansin ko na lang na unti-unting nagkakalapit ang mukha naming sa isa’t isa. Teka, are we going to kiss? Atleast ngayon parang willing ako, pero bakit? Dahil ba nakikita ko sa kanya si Xylan? Or am I really attracted to him?

    *NOKIA TUNE*

    May nagtext sa cellphone ko!

    Hinalungkat ko ang bag ko at pagtingin ko, si Karisse lang pala.

    ‘wat’s wrng wit u nd zar? Lam m b n knina p xa ngaantay seo sa bsktbll court? talk 2 him..di ata xa aalis dun ng wla k..umuulan pa nmn, bsng bsa na un tao..=(‘

    What?! Nagantay talaga sya dun? Magagabi na ah!

    “Ronan, I need to go..Si Zar kasi..”

    “What’s with Zar? You hate him right?”

    “Yeah I hate him….”













    “But I also care for him..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:11 am

    “Sige, samahan na kita papunta doon..”

    “Thanks Ronan”

    Nagtaxi na kami pabalik sa amin dahil sa sobrang lakas ng ulan. Magkakasakit sya sa ginagawa nya!

    Pagdating ko sa basketball court, hindi na ako nagpayong pa at lumabas na agad para puntahan si Zariel. Dahil sarado na yun court, sa labas na lang sya nagantay.

    “Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?”

    Ng marinig ni Zar ang boses ko, agad syang tumayo at lumapit sa akin..

    “Please, if you won’t let me explain, just allow me to apologize..”

    “Does this mean so much to you na kelangan mo pa magantay ng ganito katagal at magpaulan?”

    “Yes.” Matigas na pagsabi ni Zariel. “Your forgiveness means a lot to me. And so are you. You mean so much to me Denise..”

    “Si Dericka din diba, inantay mo ng ganito katagal..So pareho kami?”

    What am I saying? Ako at si Dericka naman talaga ay iisa. Ako ba talaga ang nagpapagulo sa sitwasyon na ito?

    “Okay, attracted ako kay Dericka noong una coz…”

    “I thought she was you..”

    What?!

    “Ikaw na din ang nagsabi na I’ll never be like Dericka..Paano mo nasabi yun?”

    “Ewan ko…”

    “Hindi sya makasagot coz he’s still confused between you and Dericka. Baka gusto nya kayong pagsabayin…”

    “Wag kang makisali dito!”

    “Enough!!!”

    Tumakbo na ako papasok ng dorm. Litong lito ako. Hindi kay Rio at Zar kundi sa sarili ko. Sino na ba talaga si Denise?

    Pagpasok ko sa kwarto, sumalubong sa akin si Lhian na nagaaral para sa biology exam nya.

    “What’s the matter Denise? Basang basa ka!”

    Humiga ako sa kama ko at nagtakip ng mga unan. Kelangan ko muna makapagisip magisa.

    Kinabukasan, hindi ko akalain na ako ang magkakasakit. Nagaalala si Kuya sa akin, masyado na daw siguro akong nastrestress. Naisipan nyang ibalik na muna ako sa amin.

    Okay lang sa akin na umabsent ng ilang araw at umuwi na muna sa amin. I guess I need a break from all these guys na gumugulo sa akin..

    Pagkatapos ng class ni Kuya Dex, hinatid nya na agad ako sa amin. Masamang masama pa rin ang pakiramdam ko. Walang hinto ang pagubo ko nung nasa biyahe pa kami.

    “WELCOME BACK! MADENG!” Nagulat ako ng pati si Kuya Dave ay umuwi rin pala.

    “Denise! Alam mo bang pasok ang banda ko sa battle of the bands sa TV?!”

    “Denise, may pasalubong akong PSP sayo! Diba matagal mo ng kinukulit sa akin yun?”

    “Salamat sa mainit na pagtanggap sakin pero masama pa ang pakiramdam ko..Pwedeng doon na muna ako sa kwarto?”

    Naging seryoso ang mukha nila. Nilapitan ako ni Mama at inakbayan.

    “Sige, inayos naming ang kwarto mo para sayo..”

    Pagpasok ko,

    Balik sa dating ayos ang kwarto ko. Napuno ng anime at nba posters ang mga pader. Ang cap collection ko na pinatapon ko na, andun ulit. Balik dark blue ang bedsheets ko. Yung higanteng Spiderman figure ko, nasa tabi na ulit ng PC ko. Yung basketball ring ko binalik din nila.

    “Ma? Ano nanaman ba ito?”

    “Anak-“

    “You know how much I despise my old self! Bakit ba pilit nyo pinagpipilitan na bumalik ako sa dati?”

    “Kasi yun ang Denise na anak ko. Parang hindi na kasi kita kilala. Akala mo ba matatahimik si Xylan sa mga pinagagawa mo? Malamang ngayon sinisisi nya din ang sarili nya sa tuwing nagkakaganyan ka at tinatatak mo sa isip mo na ikaw ang may kasalanan ng pagkawala nya..”

    Sa totoo lang, si Papa ang ganito magsermon. Madalas, dinadaan sa biro ni Mama ang pagsaway sa akin. Ngayon ko lang sya nakita na ganito magsermon..

    “I’m sorry Ma..”

    Walang imik na lumabas si Mama sa kwarto ko. Hindi ko na napigilan umiyak dahil sa mga sinabi nya. Bakit ba hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko? Bakit di ko matanggap na wala na si Xylan?


    -0-0-0-

    Pagising ko, nakita ko ang sarili ko na nasa isang mataas na building. Aba, parang naalala ko itong lugar na ito ah! Rooftop ito! Dumungaw ako at natanaw ko ang mataas na building ng St. Anne’s Academy. Bwisit na school yan! Yan ang nagpakickout sa akin eh! Naalala ko ang principal naming si Miss Enriquez!

    Teka, kung tanaw ko mula dito ang St. Anne’s Academy..

    Nasa rooftop ako ng CSDA!

    Bakit ako andito?

    Napatingin ako sa side ko at nakita ko ang isang lalakeng nakapahalumbaba sa gilid. Medyo katangkaran. Nakasuot ng uniform ng CSDA. May kahabaan ang buhok at malalim ang mata.


    Xylan?

    Nakatingin sya sa malayo, parang noong madalas pa sya tumambay dito. Dahan-dahan akong lumapit ng napatingin sya sa akin. Walang reaksyon. Ipinasok nya ang mga kamay nya sa bulsa nya at ibinaling ang tingin sa mataas na kalangitan.

    “Xylan?”

    Nagulat si Xylan ng marinig nyang binanggit ko ang pangalan nya. Itinaas nya ang kilay nya at saka sinabing.

    “Sino ka? Pano mo nalaman ang pangalan ko?” Ha?! Ano bang pinagsasabi nya? Di nya daw ako kilala?

    “Si Denise ito! Nakakainis ha! Hindi ka nakakatuwa!”

    “Sorry Miss, pero di kita kilala. Layuan mo na din ako dahil pagnakita talaga tayo ng tunay na Denise, baka masapak nanaman ako nun dahil sa selos.”

    “Xylan…Ako sabi ito! Nagiba lang ng konti ayos ko, di mo na ako nakilala!”

    “If you want to be like Denise, well…Don’t try coz you’ll never be like her..Si Denise, kahit nakagown at make-up, mukhang lalaki pa rin yan..”

    Ano?! Nangaasar ba talaga sya?

    “Hindi…Biro lang, you'll never be like her coz...”

    “totoo sya sa sarili nya. She’s not trying to be someone else..”

    “The boyish Denise I know? Nagiging matapang sya kung kelan kailangan. Hindi sya nagbubulag-bulagan sa katotohanan para lang matakasan ang problema.”

    Ganun ba talaga ako? Pero bakit di ko nagawa yun nung nawala sya…Kahit anong tapang ko, di ko matanggap na wala na sya.

    “But..Paano nya matatanggap na wala ka na?”

    “Alam nya kung paano..Si Denise The Menace pa, matapang pa sa akin yun.”

    Hindi nya pa ba nalilimutan yun?! Nakakainis sya ha! Binatukan ko si Xylan. Expected ko mahampas nanaman ang matigas nyang ulo na may kasamang malutong na PAK!

    Pero..

    Dumaan lang ang kamay ko sa ulo nya…

    Parang hangin…

    Wala na talaga sya…

    “Alam mo Miss, I feel guilty..Sinisisi kasi ni Denise ang sarili nya sa pagkawala ko..”

    “Sana wag nya isipin na kasalanan nya lahat…Naiinis ako sa sarili ko dahil nagdudusa sya dahil sa mga ginawa ko..”

    Mali sya! Hindi sya dapat mainis sa sarili nya, thankful ako sa pagligtas nya sa buhay ko. Di ko na napigilang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Gusto ko lang sisihin ang sarili ko sa kalungkutan na nararanasan ko ngayon…

    Pero, alam ko naman ang totoong walang dapat sisihin sa pangyayari…

    “Walang may gusto ng pangyayari… But saving her was my choice…Even if I have to risk my own life…”

    “Xylan…Ako ito…Maniwala ka…I’m sorry…”


    “No, you’re no longer the Denise that I used to love. Wag mo antayin na hindi ka na rin makilala ng mga taong tunay na nagpapahalaga sayo… Don’t feel like everything is your fault…I’m happy to be with you during the last days of my life and that’s all that I ever wanted..”

    Unti-unting nagfade si Xylan. Ilang beses ko sya sinubukang yakapin, pero hindi ko magawa. Wala akong nagawa kundi umiyak. Ngayon ko lang unti-unting napagtatanto na wala na talaga sya sa buhay ko…

    “Please let me go with you…” Wala na akong ibang ginusto noong mga oras na yun kung hindi mawala na rin tulad ni Xylan.

    At bago pa sya tuluyang mawala, sinabi nya,

    “Denise, I died for you, the least you can do is live for me…”

    And that gave me the urge to live.

    Nagdilim na ulit ang buong paligid.

    Unti-unti ulit ako nakaramdam ng init sa katawan ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Maingay. Parang may nagkakagulo. Binuksan ko ang mga mata ko. Si Mama at sila Kuya nakapaligid sa kama ko. Si Kuya Dave may hawak na kutsara, hawak ni Mama ang noo ko gamit ang basang bimpo habang hawak naman ni Kuya Denver ang plangana at thermometer.

    “Denise! Diyos ko! Kinokombulsyon ka na kanina! Alam mo ba yun?”

    “Sobrang taas ng temperature mo! Tumawag na nga kami ng Doctor kasi nagaagaw buhay ka na!”

    Once again, niligtas ako ni Xylan, naisama nya na din siguro ako kung ginusto nya dahil noong mga oras na yun, ayoko na rin mabuhay, but instead, he gave me the strength to live…


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:15 am

    Nung tuluyan na akong gumaling, naisip kong bisitahin for the last time ang lugar kung saan naming nilibing ni Xylan ang time capsule namin.

    Nasa outskirts na ito lumang siyudad na tinirhan namin. Naisipan namin na doon itago dahil noong mga oras na yun, nagiisip na lumipat sila Mama sa ibang lugar at lumayas na si Xylan mula sa kanyang Tito Roman, kaya naghanap kami ng lugar kung saan maari namin puntahan kahit kelan namin gusto.

    Kay Collin ko pinagawa ang time capsule na yun. Naalala ko pa na nakokornihan si Xylan sa idea kong ito. Nakuha ko lang yung idea sa isang Korean movie na pinanood namin ni Xylan.

    Dalawang beses ko na itong nabuksan. Una, noong nilagay namin ni Xylan ang sketch na rinegalo nya sa akin.

    Ngayon ang magiging pangalwang beses na bubuksan ko ito..

    At pagbukas ng capsule,

    Nagtaka ako dahil naglalaman ito ng ibang bagay na wala naman doon dati.

    Una, ang yellow slip. Nakapangalan sa aming dalawa ni Xylan. Isang maliit na papel na kasing laki ng one fourth na ginagamit namin sa quizzes dati. Ito yun prinepresent namin sa teacher kapag galling kaming clinic dati.

    Nagflashback sa akin kung paano ko nakuha ang slip na yun.

    Napaaway ang barkada ni Xylan sa pitong maangas na seniors. Hindi pa kami in good terms nila Xylan at kaya lang naman ako napasali sa away nila ay dahil sumunod ako sa tmabayan nila sa rooftop.

    "Hoy! Bakit ka nakikisali dito? Wag kang makialam sa laban namin!" Kumuha ng kapirasong kahoy ang senior at nung hahampasin nya na ako, humarang si Xylan at napayakap sya sakin.

    PAK!

    Tumama yung kahoy sa likuran nya. Gumulong-gulong kami pero di nya ako binitawan.

    "Denise The Menace? Bakit andito yan?" Napatulala ang grupo ni Xylan pati na rin ang ibang seniors. Bagsak na sila Jojo,Mikee at Alfred. Si Brix na lang ang nakatayo sa kanila.

    Tumayo si Xylan at hinarap yung senior.

    "Wag kang pumatol sa babae. Oo, babae yan. Kahit mukhang lalake, babae yan."

    Nagawa pa nya akong asarin ha? Pero, dugo! May dugong tumutulo mula sa bibig nya! Malakas ang pagkakahampas sa kanya nung lokong yun!

    Matapos ang ilang sapak,sipa,suntok at konting words of wisdom, Nagtakbuhan na ang mga seniors habang bitbit nila ang dalawa nilang kasama. Tinulungan naman nila Xylan at Brix tumayo sila Alfred,Jojo at Mikee at lumapit sila sa akin.

    "Sakit ng likod ko. Tara, clinic na tayo. Mahaba na rin record natin dun." Ano? Ganun lang masasabi nya? Wala man lang syang nasabi sa effort ko nung mga oras na yun.

    Pero infairness, nasaktan sya para lang di ako masaktan.

    Habang nasa loob ng clinic, usapusapan pa rin ng barkada ang tungkol sa sagupaan kanina. Naisip nilang isali ako sa barkada nila at tinanong ni Brix kung ano ang masasabi ni Xylan tungkol dito.

    "Ah ewan.." Hinawakan nya ang likod nya. Mukhang talagang nasaktan sya sa pagkakahampas sa kanya.

    "Mukhang nagrabe ang likod mo ah.."

    "Ok lang ito. Kung di ba naman kasi nakisali ang Denise The Menace na yan."

    ANO DAW?!

    PAK!

    Binatukan ko nanaman si Xylan.

    "Hindi ko naman sinabing iligtas mo ako diba? Sisihin ba daw ako?"

    "Naku, nagaway nanaman ang dalawang ito."

    "Diba ang sweet nila tignan?" Pabirong sabi ni Jojo.

    Nanahimik kaming dalawa ni Xylan. Kinuha nya ang Yellow slip mula sa nurse at bumalik sa classroom.

    Baliw talaga yun Xylan na yun. Nakokornihan sa akin, e sya, ultimo Yellow Slip, tinatago pa..

    -0-0-0-


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:15 am

    Sunod kong nakita, isang bottle cap ng red horse… Yun siguro yun bottle cap nung sinagot nya yun iinumin ko dapat na redhorse na may paminta.

    Naalala ko pa nung sinabi nyang,

    "Alangan naman pabayaan kong ikaw ang uminom nun.."

    Hayyy…

    Sunod, chopsticks naman! Eto yun binigay sa amin nun kumain kami sa Japanese Resto dati, parang first date namin pero lagi pa kaming nagaaway nito! Hindi ko naman nagamit to dahil di ako marunong..

    "Oo na. Masarap na. Busog na ako. Tama na ple-"

    SInubuan ko naman sya ng Oden. Haha. Ang kyut nya pa tignan nun sinusubuan ko sya.
    Tumayo na si Xylan at mukhang nainis na.

    "Iwan na kita dyan. Babayaran ko na yung kinain natin."

    "Ito naman! Ikaw na nga sinusubuan dyan!"

    Tinapos ko na yung kinakain namin at sumunod na ako kay Xylan.

    Hindi ako makapaglakad noon sa dami ng kinain ko. Nainis pa ako kay Xylan noon dahil ayaw nya pa kumain.

    Si Xylan, ayaw ng sumunod sa paglakad. Aba, nauuna sa akin! Parang walang kasama ah!

    "Hoy! Ano bang problema mo? Nagagalit ka ba dahil marami akong inorder? Sorry ha! Nagbibiro lang kasi ako! Sa tingin mo mauubos ko ganun kadaming pagkain?"

    Dere-deretso parin si Xylan. Hindi man lang ako linilingon. Lumapit nga ako at hinarap sya.

    "Wag mo nga akong iwan! Ano bang-"

    Ang daming rashes sa mukha at sa katawan ni Xylan! Wag nyang sabihing...

    "Allergic ako sa seafood." Nagsimula ng magkamot si Xylan. Kawawa naman sya!

    PATAY! KAYA PALA!

    Sira naman kasi sya, bakit hindi nya sinabi. Nalaman ko kung bakit nung pinagluto ko sila ni Diana dati ng Nilaga na napagkamalan nila na sinigang. Naalala ko yun eksenang yun nung Makita ko ang name tag ni X-Rae.

    LOKONG ASO YUN! Matapos amuyin, inapak-apakan lang yung luto ko! Aba, maswerte nga sya at binigyan ko pa sya nung nilaga ko!

    "Nakakainis ka X-Rae! Parehong-pareho kayo ng amo mo! Magsama na kayo! Kainin mo yan!"

    Tinalikuran lang ako ni X-Rae.

    "Ah ganun? Sige, ibibigay na kita dun sa Diana na yun! Baka mas magustuhan mo luto nya! Gusto mo ba yun ha? ha?"

    "Hoy! Ano ka ba? Kinakausap mo na ang aso ngayon?" Lumingon ako, aba sinundan ako ni Xylan.

    "Yung aso mo kasi! Nagiinarte! Ayaw kainin luto ko! Sabihin mo nga yung totoo, masama ba ang lasa ng luto ko?"

    Tumahimik saglit si Xylan. Huminga ng malalim at saka sumagot.

    "Oo. Ang sama ng lasa. Hindi nakakapagtakang kahit si X-Rae, hindi makayanang kainin yan."

    Ang sakit naman nya magsalita! Kung ganun pala, bakit nya pa kinain yun? Ang dami nya kayang nakain kanina!

    "Bakit mo pa kinain kung masama pala yung lasa?"

    Umupo si Xylan sa tabi ko.

    "Syempre, luto mo yun."

    "So ibig sabihin, pagnagluto kaming pareho ni Diana, mas gugustuhin mo yung luto ko?"

    "Kahit papano, naappreciate ko ang effort mo sa pagluluto.Kaya kahit ikamatay ko pa ang pagkain nyan, kakainin ko parin kasi luto mo yun."

    PAK!

    Natouch ako na nainis. Sa sobrang sama ng luto ko, nakakamatay daw? Tama ba yun!

    "Naalala mo yung sa seafood? Kahit may allergy ako sa seafood kinain ko pa rin kasi yun ang binigay mo sa akin."

    Awww..Oo nga. Naalala ko yung kumain kami sa restaurant dati. Haha! Kaya kahit mas masarap magluto si Diana, yung akin parin pipiliin nya!

    Saka ko naman nakita ang pira-pirasong tela ng gown na binili sa akin ni Xylan para sa debut ni Diana.

    "UY!" Napalingon ako sa kanila habang hindi ko alam na susugod na pala sa akin ang lalakeng may hawak ng kutsilyo.

    "Denise! sa likuran mo!"

    Napatingin na ulit ako sa direksyon nung lalake at malapit na sya sa akin. Nung isasaksak nya na sa akin yung kutsilyo wala na akong nagawa kundi...

    Ipang harang ang bagay na nahawakan ko...

    At yun ay ang...

    paper bag kung saan nakalagay ang gown ko.

    Napatulala na lang ako habang nakita kong nahati sa dalawa ang paper bag at yung maganda gown. Tumilapon sa ere ang magagandang tela na kulay pula na kapag tinamaan ng ilaw ay nagiging orange.

    "SUGOD!!!" Sigaw ni Mikee at sinugod na nila ang limang lalaki na dumukot kay Xylan.

    Napaupo na lang ako sa nangyari. Bigay ni Xylan yun sa akin. Hindi ko iningatan kaya nasira. Hindi lang nakakapanghinayang, nakakapangonsiyensya pa. Pakiramdam ko, hindi ako mapapatawad ni Xylan sa ginawa kong ito.

    Habang binubugbog ng 3AD ang mga salarin, lumapit sa akin si Xylan at inabot ang kamay nya.

    "Ok ka lang?"

    "Xylan...Pasensya na..."

    "Pasensya saan? Tumayo ka na dyan."

    "Yung gown. Sorry. Hindi ko sya iningatan. Pasensya na talaga." Naiipon na ang luha sa mga mata ko nung mga oras na yun.

    Niyakap ako ni Xylan at bumulong sya sa akin.

    "Pabaya ka kasi...."

    "Pero wala sa akin yun. Okay lang yun."

    Naalala ko na kahit sobrang gipit sa pera si Xylan, nagawa nya pa akong bilhan ng gown na pinabayaan ko naman. At kahit napabayaan ko, parang okay lang pa din sa kanya.



    "Kung gusto mo ng isang magandang sketch, kailangan ibigay mo ang buong puso mo sa paggawa nito. Kung hindi buo ang loob mo at marami kang pagaalinlangan, hindi mo ito matatapos at hindi maganda ang kalalabasan nito."

    "Pero alam mo, hindi ko binigay ang buong puso ko sa sketch na yan." Weh? Sa sobrang ganda nito, hindi mo pa binibigay ang buong puso mo sa lagay na yun?

    "Dahil ang gusto ko, " Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ito sa dibdib nya.

    "Ibigay ito mismo sa taong nasa sketch na yan.." Ano? Teka, so bale, ibibigay nya sa akin ang puso nya? Huwat?!

    Nung tuluyan na akong gumaling, naisip kong bisitahin for the last time ang lugar kung saan naming nilibing ni Xylan ang time capsule namin.

    Nasa outskirts na ito lumang siyudad na tinirhan namin. Naisipan namin na doon itago dahil noong mga oras na yun, nagiisip na lumipat sila Mama sa ibang lugar at lumayas na si Xylan mula sa kanyang Tito Roman, kaya naghanap kami ng lugar kung saan maari namin puntahan kahit kelan namin gusto.

    Kay Collin ko pinagawa ang time capsule na yun. Naalala ko pa na nakokornihan si Xylan sa idea kong ito. Nakuha ko lang yung idea sa isang Korean movie na pinanood namin ni Xylan.

    Dalawang beses ko na itong nabuksan. Una, noong nilagay namin ni Xylan ang sketch na rinegalo nya sa akin.

    Ngayon ang magiging pangalwang beses na bubuksan ko ito..

    At pagbukas ng capsule,

    Nagtaka ako dahil naglalaman ito ng ibang bagay na wala naman doon dati.

    Una, ang yellow slip. Nakapangalan sa aming dalawa ni Xylan. Isang maliit na papel na kasing laki ng one fourth na ginagamit namin sa quizzes dati. Ito yun prinepresent namin sa teacher kapag galling kaming clinic dati.

    Nagflashback sa akin kung paano ko nakuha ang slip na yun.

    Napaaway ang barkada ni Xylan sa pitong maangas na seniors. Hindi pa kami in good terms nila Xylan at kaya lang naman ako napasali sa away nila ay dahil sumunod ako sa tmabayan nila sa rooftop.

    "Hoy! Bakit ka nakikisali dito? Wag kang makialam sa laban namin!" Kumuha ng kapirasong kahoy ang senior at nung hahampasin nya na ako, humarang si Xylan at napayakap sya sakin.

    PAK!

    Tumama yung kahoy sa likuran nya. Gumulong-gulong kami pero di nya ako binitawan.

    "Denise The Menace? Bakit andito yan?" Napatulala ang grupo ni Xylan pati na rin ang ibang seniors. Bagsak na sila Jojo,Mikee at Alfred. Si Brix na lang ang nakatayo sa kanila.

    Tumayo si Xylan at hinarap yung senior.

    "Wag kang pumatol sa babae. Oo, babae yan. Kahit mukhang lalake, babae yan."

    Nagawa pa nya akong asarin ha? Pero, dugo! May dugong tumutulo mula sa bibig nya! Malakas ang pagkakahampas sa kanya nung lokong yun!

    Matapos ang ilang sapak,sipa,suntok at konting words of wisdom, Nagtakbuhan na ang mga seniors habang bitbit nila ang dalawa nilang kasama. Tinulungan naman nila Xylan at Brix tumayo sila Alfred,Jojo at Mikee at lumapit sila sa akin.

    "Sakit ng likod ko. Tara, clinic na tayo. Mahaba na rin record natin dun." Ano? Ganun lang masasabi nya? Wala man lang syang nasabi sa effort ko nung mga oras na yun.

    Pero infairness, nasaktan sya para lang di ako masaktan.

    Habang nasa loob ng clinic, usapusapan pa rin ng barkada ang tungkol sa sagupaan kanina. Naisip nilang isali ako sa barkada nila at tinanong ni Brix kung ano ang masasabi ni Xylan tungkol dito.

    "Ah ewan.." Hinawakan nya ang likod nya. Mukhang talagang nasaktan sya sa pagkakahampas sa kanya.

    "Mukhang nagrabe ang likod mo ah.."

    "Ok lang ito. Kung di ba naman kasi nakisali ang Denise The Menace na yan."

    ANO DAW?!

    PAK!

    Binatukan ko nanaman si Xylan.

    "Hindi ko naman sinabing iligtas mo ako diba? Sisihin ba daw ako?"

    "Naku, nagaway nanaman ang dalawang ito."

    "Diba ang sweet nila tignan?" Pabirong sabi ni Jojo.

    Nanahimik kaming dalawa ni Xylan. Kinuha nya ang Yellow slip mula sa nurse at bumalik sa classroom.

    Baliw talaga yun Xylan na yun. Nakokornihan sa akin, e sya, ultimo Yellow Slip, tinatago pa..

    Sunod kong nakita, isang bottle cap ng red horse… Yun siguro yun bottle cap nung sinagot nya yun iinumin ko dapat na redhorse na may paminta.

    Naalala ko pa nung sinabi nyang,

    "Alangan naman pabayaan kong ikaw ang uminom nun.."

    Hayyy…

    Sunod, chopsticks naman! Eto yun binigay sa amin nun kumain kami sa Japanese Resto dati, parang first date namin pero lagi pa kaming nagaaway nito! Hindi ko naman nagamit to dahil di ako marunong..

    "Oo na. Masarap na. Busog na ako. Tama na ple-"

    SInubuan ko naman sya ng Oden. Haha. Ang kyut nya pa tignan nun sinusubuan ko sya.
    Tumayo na si Xylan at mukhang nainis na.

    "Iwan na kita dyan. Babayaran ko na yung kinain natin."

    "Ito naman! Ikaw na nga sinusubuan dyan!"

    Tinapos ko na yung kinakain namin at sumunod na ako kay Xylan.

    Hindi ako makapaglakad noon sa dami ng kinain ko. Nainis pa ako kay Xylan noon dahil ayaw nya pa kumain.

    Si Xylan, ayaw ng sumunod sa paglakad. Aba, nauuna sa akin! Parang walang kasama ah!

    "Hoy! Ano bang problema mo? Nagagalit ka ba dahil marami akong inorder? Sorry ha! Nagbibiro lang kasi ako! Sa tingin mo mauubos ko ganun kadaming pagkain?"

    Dere-deretso parin si Xylan. Hindi man lang ako linilingon. Lumapit nga ako at hinarap sya.

    "Wag mo nga akong iwan! Ano bang-"

    Ang daming rashes sa mukha at sa katawan ni Xylan! Wag nyang sabihing...

    "Allergic ako sa seafood." Nagsimula ng magkamot si Xylan. Kawawa naman sya!

    PATAY! KAYA PALA!

    Sira naman kasi sya, bakit hindi nya sinabi. Saka ko lang Nalaman kung bakit nung pinagluto ko sila ni Diana dati ng Nilaga na napagkamalan nila na sinigang. Naalala ko yun eksenang yun nung Makita ko ang name tag ni X-Rae.

    LOKONG ASO YUN! Matapos amuyin, inapak-apakan lang yung luto ko! Aba, maswerte nga sya at binigyan ko pa sya nung nilaga ko!

    "Nakakainis ka X-Rae! Parehong-pareho kayo ng amo mo! Magsama na kayo! Kainin mo yan!"

    Tinalikuran lang ako ni X-Rae.

    "Ah ganun? Sige, ibibigay na kita dun sa Diana na yun! Baka mas magustuhan mo luto nya! Gusto mo ba yun ha? ha?"

    "Hoy! Ano ka ba? Kinakausap mo na ang aso ngayon?" Lumingon ako, aba sinundan ako ni Xylan.

    "Yung aso mo kasi! Nagiinarte! Ayaw kainin luto ko! Sabihin mo nga yung totoo, masama ba ang lasa ng luto ko?"

    Tumahimik saglit si Xylan. Huminga ng malalim at saka sumagot.

    "Oo. Ang sama ng lasa. Hindi nakakapagtakang kahit si X-Rae, hindi makayanang kainin yan."

    Ang sakit naman nya magsalita! Kung ganun pala, bakit nya pa kinain yun? Ang dami nya kayang nakain kanina!

    "Bakit mo pa kinain kung masama pala yung lasa?"

    Umupo si Xylan sa tabi ko.

    "Syempre, luto mo yun."

    "So ibig sabihin, pagnagluto kaming pareho ni Diana, mas gugustuhin mo yung luto ko?"

    "Kahit papano, naappreciate ko ang effort mo sa pagluluto.Kaya kahit ikamatay ko pa ang pagkain nyan, kakainin ko parin kasi luto mo yun."

    PAK!

    Natouch ako na nainis. Sa sobrang sama ng luto ko, nakakamatay daw? Tama ba yun!

    "Naalala mo yung sa seafood? Kahit may allergy ako sa seafood kinain ko pa rin kasi yun ang binigay mo sa akin."

    Awww..Oo nga. Naalala ko yung kumain kami sa restaurant dati. Haha! Kaya kahit mas masarap magluto si Diana, yung akin parin pipiliin nya!

    Saka ko naman nakita ang pira-pirasong tela ng gown na binili sa akin ni Xylan para sa debut ni Diana.

    "UY!" Napalingon ako sa kanila habang hindi ko alam na susugod na pala sa akin ang lalakeng may hawak ng kutsilyo.

    "Denise! sa likuran mo!"

    Napatingin na ulit ako sa direksyon nung lalake at malapit na sya sa akin. Nung isasaksak nya na sa akin yung kutsilyo wala na akong nagawa kundi...

    Ipang harang ang bagay na nahawakan ko...

    At yun ay ang...

    paper bag kung saan nakalagay ang gown ko.

    Napatulala na lang ako habang nakita kong nahati sa dalawa ang paper bag at yung maganda gown. Tumilapon sa ere ang magagandang tela na kulay pula na kapag tinamaan ng ilaw ay nagiging orange.

    "SUGOD!!!" Sigaw ni Mikee at sinugod na nila ang limang lalaki na dumukot kay Xylan.

    Napaupo na lang ako sa nangyari. Bigay ni Xylan yun sa akin. Hindi ko iningatan kaya nasira. Hindi lang nakakapanghinayang, nakakapangonsiyensya pa. Pakiramdam ko, hindi ako mapapatawad ni Xylan sa ginawa kong ito.

    Habang binubugbog ng 3AD ang mga salarin, lumapit sa akin si Xylan at inabot ang kamay nya.

    "Ok ka lang?"

    "Xylan...Pasensya na..."

    "Pasensya saan? Tumayo ka na dyan."

    "Yung gown. Sorry. Hindi ko sya iningatan. Pasensya na talaga." Naiipon na ang luha sa mga mata ko nung mga oras na yun.

    Niyakap ako ni Xylan at bumulong sya sa akin.

    "Pabaya ka kasi...."

    "Pero wala sa akin yun. Okay lang yun."

    Naalala ko na kahit sobrang gipit sa pera si Xylan, nagawa nya pa akong bilhan ng gown na pinabayaan ko naman. At kahit napabayaan ko, parang okay lang pa din sa kanya.

    At ang huling bagay na nakita ko ay ang unang sketch sa akin ni Xylan. Yun nakalagay pa sa lumang drawing pad nya.

    "Kung gusto mo ng isang magandang sketch, kailangan ibigay mo ang buong puso mo sa paggawa nito. Kung hindi buo ang loob mo at marami kang pagaalinlangan, hindi mo ito matatapos at hindi maganda ang kalalabasan nito."

    "Pero alam mo, hindi ko binigay ang buong puso ko sa sketch na yan." Weh? Sa sobrang ganda nito, hindi mo pa binibigay ang buong puso mo sa lagay na yun?

    "Dahil ang gusto ko, " Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ito sa dibdib nya.

    "Ibigay ito mismo sa taong nasa sketch na yan.." Ano? Teka, so bale, ibibigay nya sa akin ang puso nya? Huwat?!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:15 am

    Denise, I know that by this time, you're having a hard time to move on..I’m sorry if I could no longer love you more than you’ll ever feel in your entire life..
    But still, it’s better to love and lose you than never to be loved by you at all..
    Nakakatawa dahil ngayon ko lang sinasabi ito kung kelan wala na ako..I guess I’m not that good with words..Denise, all my life, akala ko ang purpose ko ay pahirapan lahat ng tao sa paligid ko. Ang Mama at Papa ko,Tita ko at higit sa lahat, si Ate Xyrene. Pakiramdam ko, wala na akong ginawang tama. Sinisi ko ang sarili ko sa pagiging illegitimate child. Kung di dahil sa akin, di na sana magkakaroon ng lamat ang relasyon ni Papa at ang Mama ni Xyrene. Kung di dahil sa akin, buhay pa sana si Ate ngayon. Not until I met you.. Tuwing nakikita kong napapasaya kita, it means a lot to me. Pag nakikiride ako sa mga kakornihan mo, pinapakita kong inis ako pero ang totoo, masaya ako dahil dun ka masaya. Mababaw ka kasi eh. =) You made me realize my purpose in life, and that is, to love you, make you happy and protect you. Kung hindi ko pa magagawa yan, I’m really not worth living… Kung nalulungkot ka dahil sa pagkawala ko, accept the fact that I’m gone. I’m not telling you to let go of me completely but I hope that you’ll live by my memory with a smile…

    Denise, there’s someone out there…Maaring nakilala mo na nga sya e..You just need to find him out for yourself..

    Just in case na malilito ka, my heart would lead the way..But in the end, it’s still your choice that matters..












    Goodbye Denise The Menace,
    From,
    Xylan Rae De Jesus


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:16 am

    His heart will lead the way? How come?

    Magdamag akong nagiisip, ano nga ba ang sinasabi nyang yun? He’ll be the one who’ll choose the right guy for me?

    Then I remembered him saying..

    Para maisketch mo ng tama ang tao, dapat buo ang puso mo sa kanya..

    The next morning, naisip ko ng bumalik sa dorm, I’ll settle everything with Zariel first, then I’ll do my decision.

    Sinuot ko ang fave kong torned jeans, ordinary tees, sira-sira komg rubbershoes and syempre and signature black and red cap ko.

    Napadilat lahat ng tao ng Makita nila ang dati kong hitsura..

    “Wow, back to normal eh? Minulto ka siguro ni Xylan no?”

    “Galing ah! Pano mo nalaman? Actually, sabi nya, ikaw daw isusunod nyang dalawin..Mamayang gabi, sa dulo ng higaan mo..”

    Nakita kong tumayo ang mga balahibo ni Kuya Denver, haha, hindi pa din nagbabago, matatakutin pa din sa multo, sa boyfriend ko pa..

    “Naku, baka mamaya dun ka sa kwarto ko matulog katulad ng ginagawa mo nung mga bata pa tayo ha..”

    “SHUT UP! Sige, aalis na ako..May praktis pa ng banda..”

    Kinuha ni Kuya ang gitara nya at umalis na ng bahay.

    Nilapag ni Mama ang ulam sa mesa, “Ikaw? San lakad mo?”

    “Pupunta po ng dorm, may aasikasuhin lang…”

    “Sige, kumain ka muna ha..”

    Grabe, ilang araw din akong di kumain,ngayon lang ako makakabawi..

    “Haha..Pati dati mong paglamon bumalik na din..Ayos ah..Yun tipong nauubusan mo na kaming tatlo ng ulam..”

    “HINDI NAMAN!”

    “Oo nga, tignan mo, ubos mo na nga ulam naming ni mama eh..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:16 am

    Pagpasok ko ng dorm, nakita ko si Zar na nakikipaglaro ng tong-its kasama ang tropa nya, napalingon agad sila ng Makita nila ang bago kong anyo, I mean, ang dati kong anyo.

    “Okay, anong bagong gimik mo Denise?”

    “Malayo pa Halloween para magsuot ka ng ganyan ah..”

    Wala akong panahon makipagbiruan sakanila at lumapit agad ako kay Zariel.

    “Pwede ba kitang makausap?”

    “Hindi eh, tignan mo baraha ko,” tinapat nya sa mukha ko ang mga baraha nya, alas na lang pala ang natitira sa kanya.

    “Sige nga, ano uunahin ko? Ikaw o ang larong ito?”

    Hindi ako makaimik, may pustahan pa ata siya..Pero, bakit nya uunahin ang laro na yan kesa sa akin?

    “Fine, kung ayaw mo makipagusap wag, I shouldn’t be explaining things to you in the first place!”

    Inirapan ko sya at tinalikuran, nagdabog ako pabalik ng hallway ng bigla nya akong hinila at sinabing,

    “Explain what? Yung panglolokong ginawa mo sa akin?”

    What? Bumitaw ako sa pagkakahawak nya.

    “I saw it, the sketch.. Ikaw din si Dericka! I knew your plan! Gusto mo akong paibigin tapos saka lolokohin! Ganyan pala talaga katindi galit mo sa akin? At dahil nagkasira-sira plano mo at sumawsaw pa yang tunay mong boyfriend na si Ronan, naisipan mong tumakas na lang at babalik ditto para aminin ang lahat? I’m not that stupid missy!”

    “You’ve got it all wrong!!! Hindi kita ginustong lokohin, simula nung pagtripan mo ako sa school, at ilipat sa dorm nyo, ayokong malaman mo na magkasama tayo sa iisang dorm dahil alam kong guguluhin mo lalo ako.”

    “So? Ano yung pagiiba mo ng image mo? Para inisin ako? You cant blame me if I hate girls so much..You have to fool me to the point na paglalaruan mo na nararamdaman ko?!”

    “Teka ha, hindi ko pinaglaruan ang nararamdaman mo, eto talaga ang tunay na ako, kaya iba lang ako dati..Dahil..Dahil…”

    “Dahil ano? Dahil faker ka!”

    PAK!

    Akala ko, ako ang susuntukin nya, pero yun pader pala. Napasubsob ako sa pader.

    “Denise,Dericka, whatever, you know what? You’re just one of them, pretending to be someone you’re not..Pretending to care when you really don’t..”

    Napansin kong paluha na ang mata nya, teka..Pano ko naman kasi maeexplain na dahil kay Xylan ang lahat ng ito?

    “I hate you…I HATE THAT I LOVE YOU!!”

    “And I hate how much I love you boy…” Kinantahan si Zariel ng mga tropa nya, lalo tuloy syang nainis.

    “Manahimik nga kayo dyan!” Sumuntok ulit sya sa pader,nakasandal pa din ako..Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko..

    “I..I’m sorry…” Yun na lang ang lumabas mula sa bibig ko..

    Hinagis ni Zariel ang baraha nya at pumasok na ng kwarto nya..


    -0-0-0-

    Lumabas muna ako ng dorm para magpahangin. Nakita ko si Ronan na nakaupo sa bangko.

    “Bumalik ka na pala,” Umupo ako sa tabi nya..

    “Oo, at nagkaaway pa kami ng Zariel na yan, for sure, yari nanaman ako sa dorm nyan..”

    “Mga lalakeng tulad nya, di dapat pinapatulan..Panay babae lang kasi ang kaya nya..”

    “Tama ka..Pero may mali din ako..Sinaktan ko sya, hindi ko naman sinasadya yun..”
    Matagal na nanahimik si Ronan, tumingin sa itaas at saka binaling ulit ang tingin sa akin.

    “I just hope na hindi ako matulad sa kanya..”

    “Huh?”

    Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap.

    “Sorry, I’m not good at words..Just let me hug you tight..”

    Hindi ako makapagsalita..But it comforted me so much, nawala lahat ng stress ko..

    I just knew it, sya ang gusto ni Xylan para sa akin..


    “EEEEEEEEEEKKK!”

    Nagulat kami sa pagsigaw na yun, pumasok agad ako ng dorm at dumeretso sa pinagmulan ng pagsigaw, nakita ko na lang sa hallway si Cynthia at ang nakakalat nyang mga damit na nakahilera.

    Mangiyak-iyak na si Cynthia dahil pati undies nya ay nakakalat din..Napatingin sya sa akin at tumingin ng masama.

    “IKAW! First, sinira mo usapan natin, umamin ka kay Zariel, ngayon ganito?”

    Wow, ayos sa bintang ha?

    “Huh? Kadadating ko lang ha?”

    “Yun nga eh, dumating ka lang, nagkaganito na lahat!!!”

    Nakita ko si Zariel sa dulo ng hallway, nakangiting aso, sinabi ko na, sya may pakana nito!

    “Ikaw! Ikaw may gawa nito~!!!”Sabay turo kay Zariel.

    “Wag ka nga mamintang dyan!!”

    Nayanig ang dorm dahil sa mga yabag ng paa mula sa hagdan, naku, yari na, andyan na si Ursula!

    “Anong ingay ba-“ Napatingin si Ursula sa mga kalat sa buong hallway, “Ano itong mga damit na ito?”

    Humagulgol na si Cynthia…”Siya..Siya po..”Sabay turo sa akin, wow, magaling na artista..

    Pumasok na ulit ng kwarto si Zariel..Bwisit na yun!

    Linayasan ko na ang magtita at nagmadaling lumabas. Wala akong panahon sa kanila,saya ko lang pag pinalayas ako sa dorm.

    Paglabas ko, wala na si Ronan. Nainip siguro sa kakahintay sa akin.

    Nakakainis, wala ako mapagbuhusan ng galit ko, idadaan ko na lang sa kain ito!

    Habang papalapit sa carinderia, may biglang humawak sa balikat ko,

    “TAMA NA PWEDE BA!!!” Pinakawalan ko ang aking SUPER ULTRAELECTROMAGNETIC PUNCH™ ko..

    Paglingon ko,

    “KUYA DEX?!!!”

    Tinulungan ko tumayo si Kuya at inupo ko sa bangko ng carinderia.

    “Ilibre mo ako ng hapunan kung ayaw mong makasuhan ng 3 counts of frustrated murder!”

    “Oo na Attorney Buendia! Pano kasi, pasulpot-sulpot ka na lang! Badtrip na badtrip na nga ako eh! Alam mo bang,”

    “Oo, alam ko yun mga nangyari..” Tinuro ni Kuya kay Mang Caloy yung sisig..

    “Sisig na din po ang akin..” Kumuha ako ng dalawang pares ng kutsara at tinidor.

    “Bakit kasi di mo explain sa kanya lahat?”

    “Mahirap yun kausap, at sa tingin mo maniniwala pa yun sa akin?”
    Hinawakan ni Kuya ang ulo ko,

    “Oo naman, mahal na mahal ka nun..Imposibleng hindi ka painiwalaan nun, wag mo kasi sabayan init ng ulo nya..”

    “Ako mahal? Kita mo naman, dahil sa kanya napagbintangan ako ng dahil sa kanya! Gustong gusto nun ng napapasama ako!” Kinuha ko kay Mang Caloy ang sisig at nagpakuha ako ng apat na cups ng kanin.

    “Hehe, kung alam mo lang, mula ng pagalis mo, nakakalat mga laundry mo sa dorm,”

    “Huh? Eh pagcheck ko kanina, nakaayos lahat sa closet ko ah?”
    “Hindi, si Zariel nagligpit ng lahat ng kalat mo, sya na din nagpalaundry at nagayos sa closet mo..”

    Nabuga ko yung kinakain ko, inabutan agad ako ng tubig ni Kuya at tinapik sa likod.

    “Nagawa nya pa yun kahit sobra galit nya sa akin?”
    “Denise, believe it or not, mahal na mahal ka ni Zariel..”











    “In fact, he loves you so much that he’s working so hard to hate you…”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:17 am

    “In fact, he loves you so much that he’s working so hard to hate you…”

    Yan ang mga salitang paulit-ulit na naglaro sa utak ko. Why am I making such a big deal with it?

    Pero, kailangan ko pa din linawin sa kanya ang lahat…

    Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Zariel.

    Kumatok ako sa pintuan, “Zariel, pwede ba tayo magusap?”

    Napaurong ako ng may nagbukas ng pinto, si Hanz pala, ang kasama nya sa kwarto at kalaro nya ng tongits kanina.

    “Huh? Diba dapat kanina pa kayo naguusap?”

    “Ano?”

    “Diba makikipagkita ka sa kanya sa school mo kanina? Kanina pa sya umalis para kitain ka dun..”

    Teka, naguguluhan ako ha?

    “Kanina, kumakain ako sa carinderia kasama si Kuya Dex, paano nangyari yun?”

    “Ewan ko, basta umalis na lang sya at nagmamadali..Alam nyo ang labo nyong dalawa, magusap nga kayo! Para kayong-“

    Hindi ko na pinatapos si Hanz, kumaripas na ako ng takbo papuntang school, masama kasi ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon..

    Kahit lights out na sa dorm, tumalon ako sa bintana at tumakbo na papuntang school. Panigurado ako na dun lang yun sa building naming.

    Buti na lang, madaling akyatin ang gate ng school naming.

    Hingal na hingal ako habang iniisa-isa ang mga rooms sa building naming. Pero wala kahit anino ni Zar..

    Teka, ang rooftop!

    May narinig akong ingay mula sa 5th floor, sinasabi ko na nga ba, nasa rooftop sya..May kausap sya, sino naman yun?




    Ang bilis ng pintig ng puso ko habang inaakyat ko ang rooftop,Pagdating ko, nakita kong duguan si Zariel. Pikit na ang isang mata at putok na ang nguso. Sira-sira na din ang damit nya..

    At teka, si...

    RONAN?!

    Hahampasin na ng upuan ni Ronan si Zariel, pero ewan ko kung ano nagtulak sa akin para humarang at yakapin si Zar.

    "Denise!"

    Biglang napahinto ang paghampas ni Ronan kay Zariel.

    "Ano bang problema mo Ronan? Bakit mo ginagawa ito?"

    "This is none of your business..Umalis ka dito!"

    "It is! Ako ba ang pinagaawayan nyo?"

    "Heh, wag ka ngang assuming Denise.."

    Napahiya ako dun ah..

    "Kapatid nya, ex-girlfriend ko.. .Isa sa mga dahilan kaya galit ako sa mga babae.."

    "I was such a fool, hindi ko sya pinakinggan.."

    Ex girlfriend? Ano? Kapatid ni Ronan? Sino? Si Rio?

    Teka..

    Naalala ko ang mga sinabi ni Ronan...

    “Ang kapatid ko lang ang nagging pamilya ko simula ng mawala ng maaga ang aming ama at ina dahil sa isang aksidente. Inampon kami ng Tito naming ngunit pinagmalupitan kami ng asawa nya. Noong una, palaban si Rio hindi tulad ko na mahina. Hanggang sa makilala nya ang lalakeng yun. Kinamumuhian ko talaga sya. Nagpadala sya sa galit nya at hindi nya pinakinggan ang kapatid ko. Sana nandoon ako noong mga oras na yun para turuan ng leksyon ang lalakeng yun.”

    Ang lalake na yun ay si Zariel!

    "She was dying! At noong mga oras na naghihingalo na sya, ikaw ang hinahanap nya! Ikaw...Ikaw ang nagbigay sa kanya ng sama ng loob!"


    "Oo, alam kong kasalanan ko..Nagpadala ako sa galit ko..Hindi ko sinagot ang mga tawag nya..Pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko sa kanya..So, go if you must, saktan mo ako hangga't gusto mo..Kung yan ang bayad sa mga kasalanan ko kay Rio.." Nakita ko ang maluha-luhang mata ni Zariel..

    PAK! Binigyan pa ng isang matinding tadyak ni Ronan si Zariel, tumalsik ito at tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig.

    "ENOUGH!"

    "Sabihin mo sa akin Ronan, ano ba ang nagpapasakit ng damdamin mo? Sinisisi mo ba si Zariel sa pagkawala ng kapatid mo, o dahil pakiramdam mo inagaw sya sayo ni Zariel?"

    "Huh? Wag mo nga ako pinapatawa Denise, wala kang alam sa mga sinasabi mo.."

    "Tama ako diba? Kung meron man nagpadala sa galit dito, ikaw yun. Hindi ko akalaing nagawa kong ikumpara sayo si Xylan.. Oo, nawalan sya ng Ate tulad mo, pero hindi sya nabuhay sa kalungkutan at hinanakit. Wala kang ibang inasahan, kundi ang Ate mo, kaya ng mawala ang atensyon nya sayo ng dahil kay Zar, nagumpisa na agad ang galit mo kay Zar! Si Xylan, kahit nawala ang Ate nya, natuto syang maging malakas! Tinulungan nya ang sarili nya at tinulungan namin sya! Mahina ka hindi katulad nya!"

    PAK!

    Nasampal ako ng malakas ni Ronan. Napatalsik ako sa sahig. Ngayon lang ulit ako nakatikim ng malakas na sampal mula sa lalake.

    "Tama na ang pakikialam mo! Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng magisa!" Nagngingitngit na sa galit si Ronan, kasabay ng pagagos ng luha mula sa mata nya.

    Hinawakan nya ang kwelyo ng damit ko at hinila,

    "You are foolish Denise, alam mo bang ikaw ang nagbigay daan para makita ko ang kahinaan ni Zariel? Kung hindi sya naapektuhan ng mga suntok ko, baka sayo, makaramdam na sya ng tunay na sakit."

    "Tama na.."

    “Kita mo na, unti-unti ng umeepekto ang ginagawa ko..”

    “Tama na sabi!” Hinila ako ni Zariel mula kay Ronan

    “Ikaw, wala ka pala..Mahina ka..Hindi mo gayahin ang ex-boyfriend ni Denise, tsk tsk..” Kumindat sa akin si Zariel.

    Teka, paano nya nalaman yun?

    “Denise, pagkatapos ng lahat ng ito, pakikinggan na kita, kahit papano, may natutunan ako sa pagtutuos na ito.”

    “Tama na ang satsat!” Sumuntok ng malakas si Ronan kay Zariel sa sikmura pero nasalo ni Zariel at binigyan ng solid na suntok sa mukha si Ronan.

    “Siguro nga, mahilig ako mantrip ng babae, pero alam mo ba ang isang bagay na kahit kalian ay hindi ko ginawa?”

    Sinuntok pa ng maraming beses sa sikmura

    “Ang saktan sila!!”

    At binigyan ng huling suntok ni Zariel si Ronan. Napaupo na ito sa sahig.

    “Inagaw…Inagaw mo sya sa akin..Si Ate Rio..Ate, mapatawad mo sana ako..”

    “Heh, Tara na Denise, maguusap pa tayo..”

    Hindi ko muna pinansin si Zariel, nakita kong maliwanag na ang lahat kay Ronan. Nilapitan ko sya at niyakap.

    “Wag ka matakot mag-isa, andito kami..Andito ako..Tutulungan kita..Nasaan man ang Ate mo ngayon,alam kong naiintindihan ka nya,"
    -0-0-0


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:18 am

    Whew! Finally, okay na lahat, I explained eveything to Zariel, kung bakit ako nagpapanggap dati at ang tungkol kay Xylan. Sa ngayon, maglilie-low daw muna sya sa panliligaw sa akin hangga't di pa daw ako fully nakakamove on kay Xylan. Fine with me!

    Ronan? Trying to recover, but still friends! This time, for real na talaga. I'm happy na sa ngayon, natututo na sya ngumiti at makipagtawanan sa amin!

    One thing bothers me, sino ba talaga ang tinutukoy ni Xylan sa panaginip ko? I mean, obviously, it's not Ronan coz ginamit nya lang ako para kalabanin si Zariel. I remember he confessed to me,

    "Denise, hindi ako ang gumawa ng sketch mo, Yeah, initials ko ang andun but it's really not me, I was just in the right place in the right time nun nakuha mo yun sketch na yun.."

    So, if it's not Ronan, SINO?!

    "MAYBE IT'S ME!"

    PAK!

    "Ikaw na din ang nagsabi sa akin na sketching people is not your thing..Pwede ba?"

    "Sorry naman..So, tuloy outing natin ha?"

    "Oo, basta, KKB sa pamasahe at entrance!"

    May outing kami sa Laguna. Kami-kami magkakadorm.. Sobrang excited na nga ako eh. Pinayagan ako dahil kasama si Kuya Dex..Syempre, kasama si Ate Marilyn,Hanz,Jayson at Karisse. Too bad, di makakasama si Lhian at Chloe, umuwi na kasi ng probinsya..

    WEEEEE! I'm really excited!!!! Actually, 3 days before, nakapagimpake na ako.

    Kinabukasan, naghanda na kami sa pagalis. Gamit namin ang car ni Hanz.

    Sumimangot bigla si Zariel ng makita nyang sasama si Ronan sa outing,

    "bakit kasama yan? baka kung ano nanaman iplano nyan! tatlong araw bago ako nakalabas ng ospital dahil sa lokong yan!"

    "gusto mo matikman ulit?"

    "Hoy, tama na nga kayo! Ronan is now our friend, don't treat him differently."

    Ronan is really nice naman talaga, he just needs some sisterly love, he really sees me as a sister, so naisip ko na ituring na din syang parang kapatid.

    Nagirapan yun dalwa at tumulong na lang sa paglalagay ng gamit.

    Naglalagay ako ng gamit sa van ng pinigilan ako ni Zar,

    "Wag na, ako na lang.." At nagsmile sya. Namula ako bigla, what's wrong with me?

    Sa kotse, sumakay sa tabi ko si Jayson at Kuya Dex. "Magsamasama tayong mga lalake! Bwahaha!"

    PAK!

    Part 2 na tayo, uso pa din ang running gag na lalake ang turing sakin ng mga kapatid ko! Grrr!

    Nagulat ako na magkatabi sa likod si Karisse at Zariel! At nagtatawanan sila! Parang ang saya nila!

    "Alam mo, kung di ka lang masyadong kikay, baka niligawan na kita!"

    "Ikaw naman! Pwede ko naman bawasan kakikayan ko eh!"

    Wow, are they flirting with each other? Ayos huh?

    "Umayos nga kayo, baka may magselos dito!"

    Teka, ako ba pinariringgan nito ni Kuya? Alangan naman si Ate Marilyn! Diba?

    "HOY! HINDI AKO NAGSESELOS!"

    "DE-FEN-SIVE" asar ni Kuya at ni Hanz

    "YIHEEEEEEEEEE!" Naghiyawan na ang lahat sa van. Nakakailang..Badtrip naman kasi..Dapat di na ako nagreact, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nagseselos..

    Pagdating namin, nagpalit na agad ng damit ang mga lalake. Aba, iniwan sa amin ang paglilipat ng mga gamit. Yet, napansin ko nanaman ang closeness ni Karise at Zariel!

    Nakakainis! Dito pa kasi nagagawang maglandian! Sa outing pa! Habang ako nagpapagod sa paglilipat ng gamit!

    Binagsak ko ang malaking cooler sa mesa sa kusina,

    "ARAY!!!" Aw! Nabagsakan ko pala si Hanz!

    "Denise, kung hindi ko nga kayang dalhin yang cooler na yan, ibabagsak mo pa sa kamay ko!"

    Hay! This outing is totally driving me crazy!

    Maya,maya habang kumakain ng lunch,

    Nagsusubuan si Ate Marilyn at Kuya Dex, ang sweet nila!

    Si Hanz at Jayson naman, ginaya sila at nag sweet na subuan din, pinakitaan sila ng kamao ni Kuya at tumigil din..

    Pero teka, si....Karisse, sinusubuan si Zariel? Okay, what's with this two?

    GRRRRRRR!!! Nabali ko na ang plastic spoon and fork na gamit ko..

    "Err..Denise, okay ka lang?"

    Tinignan ko lang ng masama si Ronan, lumayo na lang sya.

    Nakakainis! Magkukulong na lang ako sa kwarto.

    Habang nagmumukmok sa loob ng kwarto, napaisip ako..

    Zariel hated girls..Pero ngayon, nakikipagflirt na sya sa iba?

    Siguro nawala na ang pagkainis nya sa mga babae simula ng magustuhan nya ako..So ngayon, open na sya sa ibang girls! At di naman ako kaganda para magustuhan nya diba? Lalo na't nireject ko na sya nung una!

    Well, he's quite okay, tall, kinda smart, street-smart kahit rich kid and not to mention,

    Tumanaw ako sa bintana at pinagmasdan ko sya,

    He is really good looking..

    Ano ba ito? Bakit ba big deal sa akin ito?! Grrrrrrr!!!

    Oh, wait a sec...

    Am I? Am I?

    No..It can't be!















    I'm inlove with Zar?!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:19 am

    I should tell him right? Pero pano na lang ang nireserve sa akin ni Xylan?

    Well, anyway, kilala ko naman sya, he'll accept whoever I chose..

    Kaso, ano itong takot na nararamdaman ko? paano kung katulad ng dati,

    "I'm sorry but the feeling's not mutual.." Naalala ko pa ang first rejection ko kay Xylan! Paano kung mangyari ulit yun?

    Well, hindi rin naman ako mapapakali pag hindi ko nilabas ang nararamdaman ko, so I might as well say it before it's too late..

    The whole day, I acted normarlly the whole day, nakisaya ako, nagswimming, but in the same time, inoobserbahan ko si Zariel at parang...

    Umiiwas sya sa akin..

    -0-0-0-

    Kinagabihan, nagvideoke sila Marilyn,Karisse,Hanz,Jayson at Kuya Dex. Si Zariel ay umiinom magisa sa poolside. Lumapit ako dala ang isang can ng red horse..

    "Uyyy..Mukhang napapalapit kayo ni Karisse sa isa't isa ah.."

    NR as in No Reaction.

    Napansin kong naubos ko na agad ang isang can ng redhorse. Nakita kong may isa pang pack si Zar at humingi ako.

    "Uhmmm..I thought you hated girls, bakit parang ang sweet nyo sa isa't isa?"

    "I do hate girls, but it doesnt mean that I have to tease them all the time.."

    Napansin kong naubos na pala ni Zariel ang isa pang pack na dala nya. Aba! Ako pa tatalunin sa inuman, kung si Xylan nga at tropa nya, hindi umubra sa akin eh!

    Sinunod-sunod ko ang 11 cans. Woooo! Hirap pala pag hindi tagayan, nakakahilo!

    Sumigaw mula sa Videoke si Kuya Dex, "Hoy, matakot ka pag lasing na si Denise, naku po! Nakakatakot!" Tama, tama si Kuya, huling beses na nalasing ako, nagsayaw ako sa ibabaw ng bubong namin habang kumakanta ng Langka song!

    "Tumigil ka na sa paginom kung hindi mo na kaya, baka magsuka ka pa dito.." Iniwas ni Zariel ang kamay ko mula sa 1 pack na dala nya.

    "Bakit ba? Kumukuha ako ng lakas ng loob!"

    "Lakas ng loob para?"

    "Para..Para..."

    "Para sabihing..Paparapapa! Love kita! HAHAHAHA!" OMG! That was so embarassing!

    "ok! That's it, dadalhin na kita sa kwarto mo.." Binuhat ako ni Zariel papunta sa kwarto ko, hiniga nya ako sa kama at umupo sya sa upuan na katabi nito.

    "Denise, It's about time na malaman mo.."

    Naging seryoso ako kahit may tama na ako, "Malaman alin?"

    "I'm transferring to another school.."

    Woah! That was unexpected!

    "Pero..teka..bakit?"

    "I just have to.."

    "You're leaving just because you have to! Aren't you going to explain anything to me?" Nagtaas bigla ang boses ko..

    "Why should I? You're life would be easier without me.." Nanatiling kalmado si Zariel..

    "No! What makes you say that? I don't want you to leave.." Tinakpan ni Zariel ang bibig ko gamit ang daliri nya,

    "Don't say anything that you'll regret later.." Pero tinanggal ko ang kamay nya at sinabing,

    "I don't want you to leave..Because..I love you.."

    "Tama na, you don't know what you're saying.."

    "I know! Kahit lasing ako o hindi, I love you! I really do.."

    "Well, sorry..It's just that..I can't love you anymore.."

    "But.."

    "No! You can't love me! You don't deserve me.."

    "Ikaw ba ang lasing dito? Sino ka para sabihin kung sino ang deserving ng pagmamahal ko?!"

    "I'm a woman hater right? Lahat ng sinabi ni Papa tungkol dun, wala yun..Hindi yun ang dahilan..I can't love anyone..Si Rio? I never loved her..Oo, ako ang pumatay sa kanya! Kaya hinayaan ko maghiganti si Ronan in the first place, I never loved Rio! and..."





















    "I never loved you.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:19 am

    Wha-what? Ouch, heartbreak really does hurt the second time around..

    "I've been fooling everyone..I'm inlove..I'm deeply inlove..With someone else.." You sure fooled me alright! He's inlove with someone else?! WTH?

    "Someone else?! Sino?" That's the initial question.

    "No one knows about this, you'll never understand..You might think i'm crazy like what everyone believed.." Geez, magkwekwento tapos bitin!

    "Alam mo, wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo!"

    "Mas maganda kung hindi mo na iintindihin pa!"

    PAK! Nasampal ko ng malakas si Zariel, dala na rin siguro ng kalasingan

    "If you don't love me, okay, but atleast, let me understand!"

    Matagal na natahimik si Zariel, marahil nagiisip kung paano nya sasabihin ang kanyang kalagayan,

    "I'm inlove, with a girl..A girl from my memories..I remember everything about her, yet, I can't remember her face and her name.."

    "Me-memories?" Yeah, he IS crazy!

    "You might think that i'm inlove with a girl who doesn't even exist, but I do believe she exists...So I keep hating girls, I want to remain faithful to her until the day we meet.."

    He clenched his fists hard, pagkatapos, hinawakan nya ang ulo nya,

    "Sometimes, I think everything is a product of my imagination..I tried to forget her..Then I met Rio..She was so much like her, yet..I loved this girl more.."

    Hinawakan nya ang balikat ko at tinignan sa mata,

    "Then I met you..You were different..Yes, I was inlove with you..Not until you revealed the real you, like Rio, you also have a striking resemblance of that girl, the real you reminded me of her! Kaya ako nagalit when I learned that you were faking, You made me realized that i'm not yet over her.."

    What? So it means, kung di ko lang binalik ang dating ako, hindi nya sana maalala sa akin yun girl na yun?

    "I'm sorry...You don't deserve me.."

    "Zariel, you're not making any sense here! Our situation is different from Rio's..You loved me as me, you didn't love me because I resembled you memory girlfriend!"

    "But that's the fake you! I don't love.."

    Okay, alam ko na sasabihin nya. Naku, bakit ko ba sya hahabulin? Time to end this conversation..

    "The real me? Oh, so okay, malinaw na sa akin ang lahat..Kung ayaw mo sa tunay na-"

    I was cutted off when,

    He pulled me..

    He hugged me..

    Then...

    We shared a deep kiss..

    I can't resist..But why is he doing this? Palubag ba dahil mas mahal nya yun memory girl na yun? I can't let go..Parang nanghihina ako pero hindi dahil sa nakainom ako..Nawala na kalasingan ko dahil sa lahat ng tensyon..Napayakap na din ako..I kissed him back..I was totally under his spell..

    -0-0-0-

    The next morning, paggising ko,



















    Wala na sya..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:20 am

    And that was the last time na makita ko si Zariel. My brothers were disappointed knowing about 'what happened' to us..Akala ko madaling makamove on, hindi pala..Parang ganito naramdaman ko nun mamatay si Xylan..Kahit saglit lang kami nagkasama ni Zariel, I felt that I loved him in a different degree of that of Xylan..

    Girl in his memories? Lame excuse daw sabi nila Kuya..But feeling ko, totoo ng sinasabi nya..

    Nagdrop na si Zariel ng lahat ng subjects nya..I tried to continue my life without him, but it seemed so hard..

    The guys would cheer me up, yet their efforts are in vain.. This feeling continued until summer.. I was a deans lister..Akalain mo yun? Kukuha na din daw kami ng apartment ni Kuya..Well, it's better, para may privacy naman ako..

    Everything seems to go my way, I thought everything was over..

    Summer na, habang naglalaro ng Valkyrie Profile sa psp ko, narinig ko ang mga yabag ni Mama papunta sa kwarto ko.

    "Denise, telepono, long distance daw, sagutin mo na agad!"

    Kinuha ko yun cordless phone na nakapatong sa desk ng pc ko,

    "Hello?" Matamlay kong sagot.

    "Hi! What's with the melancholic voice?Diana ito! Remember me?" Woah, unexpected call from Diana.

    "Oo naman..Musta ka na? Napatawag ka.."

    "Okay lang ako, ikaw? Well, it's nothing important really.."

    "Okay lang din.." Yeah, i'm SO okay. Trying a more cheerful tone, "Musta dyan sa states?".

    "Well, graduated from UCMA, fashion designing..And currently, i'm working for Ralph Lauren, ikaw? Kamusta studies mo?"

    "Quite okay..Malapit-lapit na din gruamduate.." Wala akong maisip na ikwento..

    "Ah...Well, that's cool to hear, btw, yun tinawag ko..It's about a bit of mistake, hindi pala hands ni Xylan ang dinonate nya.."

    "During the time na nabangga sya, there's also this guy na inatake naman sa puso, he needed a heart transplant, so we gave Xylan's heart instead.."

    Sigh, even after his death, Xylan saved someone's life..

    "I was thinking that maybe you're interested to know him.. Err..According to Dr. Enriquez, his name is...Wait lang ha, sinulat ko yun sa notepad ko eh,...Ah, here it is!"




















    "Villarosa,Roy Czariel!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:20 am

    "Wala ng sinabing ibang info si Dr. Enriquez coz yun iba, confidential na daw.."

    "Denise? Hello Denise?" Hindi ako nakapagsalita, nashock ako sa revelation nya.

    "Ah..Sorry nawala ako sa sarili ko.."

    "Bakit naman? Is this guy someone you know?"

    "Actually, yes, uhmm..Diana, thanks for the info, i dont want to sound rude,but I need to go.."

    "Okay,okay..Bye..You take care okay?" *CLICK* Nawala na si Diana sa linya.

    Now everything makes sense..

    "My Heart will lead the way.." exactly what Xylan said in my dream..

    But...Hindi ba aware si Zar sa mga pangyayaring ito? Na part of him si Xylan?

    Sabagay, ang nakwento ko lang, namatay ang boyfriend ko at nagiba ako ng image dahil sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nya..

    Bakit hindi nya madistinguish na ako ang babae sa memories nya? This is kinda confusing huh?

    Teka, is this kind of phenomena possible in the first place? After replacing an organ of a person with a dead person's organ, all the memories of that dead person is retained? Imposible..

    Inopen ko ang PC ko, I searched for answers, ang hirap maghanap ng ganitong incident lalo na kung hindi mo alam kung anong term nito..

    Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko..Si Kuya Dave, may dalang isang box ng pizza.

    "Denise! Guess what, nagpadeliver si Ma ng pizza! Chibog na!"

    "Later.." one liner kong sagot kay Kuya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa pc, I'm just too preoccupied with this matter..

    "Woah, studying during summer? So not like you Denise..Anong meron?" Tinignan ni Kuya ang ginagawa ko sa PC.

    "Effects of transplant, dead person organ to a person, how morbid can you get Denise?"

    "Kuya, may narinig ka na bang ganitong case? Trinansplant sa isang tao ang organ ng isang patay na tao, tapos yun memories nung patay na tao na yun, nalipat sa taong nakatanggap nung organ? Specifically, the heart.."

    Binaba ni Kuya ang pizza box sa kama ko, at umupo sya.

    "Hmmmm.." Napahawak sya sa baba nya. Naalala ko ang isang lesson namin sa psych before, though madaming conspiracies concerning that theory, I made a research about it..It's very interesting kasi.."

    Umupo ako sa tabi ni Kuya at kumuha ng isang slice ng pizza, mukhang may alam sya sa ganitong scenario.

    "Way back 1920's, there's this woman, Dominica Woodward, nagpakasal sya sa childhoood sweetheart nyang si Kristian Brendon..Unfortunately, hindi talaga sya mahal ng asawa nya, naging lasenggo ito at sinaktan lang ang asawa nya, yet, minahal pa din sya ni Dominica..Naging saksi nito ang kapatid ni Kristian na si Vincent Brendon, who really is her childhood sweetheart in the first place..Mahal na mahal nya si Dominica, pero nagparaya sya dahil ang alam nya, mahal talaga ni Dominica ang kapatid nya.. After nun, dahil sa sobrang bisyo, inatake sa puso si Kristian, and in the same time, si Vincent naaksidente..Before his death,Vincent offered his heart to his brother para sa ikasasaya ni Dominica, so the heart transplant was done..and Kristian wasnt the same person again.."

    "He believed that he was Vincent, yet hindi nya maalala si Dominica, that he's inlove with a girl from his memories who resembled Dominica..Pinadala sya sa mental institution dahil dito.."

    "Madaming against sa storyang ito, believing that due to substance abuse, naging schizo na si Kristian..At marami na daw kasing nagheart transplant na hindi naman ganito ang naging sitwasyon..They say na dahil lang sa psychological effect ng transplant kaya nagkakaroon ng 'alternate reality' ang isang tao..But the mystery here is, bakit ang alternative reality na ito ay ang nakaraan na buhay ng taong pinangalingan ng organ.."

    Sa haba ng kwento ni Kuya, naubos ko na ang kalahati ng family size na pizza.

    "Actually, mabibilang ang ganitong cases, Kristian was the first and last person to experience this, that's according to how far my research went..Pero wala ng nareport na ganung pangyayari, According to Dr. Wilkin's 'Power Of Love or Plain Insanity?' article, wala pang nakakasolve ng case na ito, no one knows kung paano ba mababalik ng buo ang memory ng taong yun, or mabura na lang ito ng tuluyan.."

    "Pero Kuya, did it ever happened na yung mahal nung taong namatay at yun taong nakatanggap ng organ, iisa?"

    "Well, according to my research, wala pa.."

    Gosh, what a mystery!! So this stuff really does exist! Like, Xylan was reborn in Zariel!

    But what itches me is, paano nga ba mababalik ng buo ang memories nun taong yun? and should it really be returned in the first place?

    "Another mystery here is, Bago mamatay si Kristian, he was finding something...Something important...But I think, it's just delusions kasi malapit na syang mamatay..."

    Well, I guess not, this thing that he's finding, I think it's the key to the full recovery of his memories..

    Wait, isn't memories something intangible?
















    What if the thing that can bring all his memories back is something..TANGIBLE?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:21 am

    What if this theory of mine is the answer to this mystery?

    "So what makes you interested with this stuff anyway?" Ubos na ang laman ng pizza box. Me and Kuya Dave. Geez, ano aasahan mo, pagsamahin ang dalawang matakaw na tulad namin.

    “Uhmmm..Let’s just say I’m the 20th century Dominica who’s about so solve this mystery..”

    “Huh?!” Mukhang walang kaideideya si kuya sa mga pangyayari.

    “Kuya, give me a copy of that research..Tapos isang bag ng ruffles at isang litro ng Pepsi.” Just what I need for an extensive research.

    Pinagbuksan ko ng pintuan si Kuya at tinulak sya palabas, kinda rude but I really ned to get to the bottom of this.

    “Yes Master..Even If I don’t have any idea on what’s going on..” Yeah, I shouldn’t tell anything to Kuya muna..I have no time to tell everything… Kinuha ko ang don’t disturb sign ko at nilagay sa doorknob ng pintuan ng kwarto ko.

    Umupo ulit ako sa harap ng PC ko, nagsresearch tungkol kay Dominica Woodward,Vincent and Kristian Brendon. Geez, who said that wikipedia knows everything?

    ‘Dominica Woodward, a writer for L.A. Times blah-blah..Born in Brooklyn blah-blah..Infamous wife of the controversial Kristian Brendon.. The guy who was said the incarnation of his own brother blah-blah..’

    Then I clicked on Kristian Brendon’s link. It seems like Kristian and Vincent’s page was joined into one.

    ‘Kristian Brendon, an actor for low budget indie movies, blah-blah.. Due to his depression of a not progressing career, he became an alcoholic blah-blah’

    ‘Vincent Brendon, his brother, who was also a novelist, made a book about Kristian’s wife..and revealed that he was the real childhood friend of blah-blah..’

    God, atleast tell me something I don’t know! Tell me something I need to know!

    Kumatok si Kuya, pinagbuksan ko sya, mukhang dala nya na ang mga kailangan ko..

    “Need some help in your research?”

    “No.” kinuha ko agad ang clearbook at pagkain na dala nya at sinara agad ang pinto.

    Binuksan ko ito ulit, “But Thanks!” at sinara ito ulit. Naku, pasensya na talaga Kuya.

    Binasa ko ang research nya. Binuksan ko ang ruffles at ang isang litro ng pepsi. Binasa ko ang introduction ng research ni Kuya at sumubo ng tatlong piraso ng chips.

    Wow, ang lalalim ng ingles! Kamusta naman yun!

    Tatlong oras ako nagbabasa, walang hinto. Ng matapos ko ng basahin ang buong research, napansin kong ubos na din yung ruffles at pepsi ko..

    Finally, Kuya’s research ringed a bell! Mukhang pareho kami ng teorya ni Kuya.

    Dominica never knew that Vincent was her real childhood sweetheart.. She still chose Kristian than Vincent.. What made Kristian insane, was his confusion between his two individualities..Vincent loved Dominica while Kristian didn’t loved her at all.. I guess the novel that Vincent wrote was the key..Coz it contained what he really felt for Dominica..That was the thing that Kristian was finding before his death..

    But does this mean that Zariel is close to insanity? If he doesn’t find the medium that bridges Me and Xylan? Something that will bring back all the memories of his love..

    I don’t have to worry now, coz I know what the key is…

    My Sketch!!!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12385

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:21 am

    It’s nice to be back in my hometown. Asan na kaya sila Brix? Pero mabuti na din na di nila malaman na andito ako..Hindi na nila kailangan malaman ang insidenteng ito..

    Pumunta agad ako sa art gallery kung saan nakalagay ang sketch ko na nakalagay sa canvas na gawa sa dahon..

    Pagpasok ko, the same art director ang nagreet sa akin..Walang pinagbago sa art gallery, just some new additions of abstract art..

    “Good Morning! I remember you, Denise the Menace right?”

    Uh, yeah..I remember that one clearly..ANg title ng huling sketch na ginawa sa akin ni Xylan na syang susi sa misteryong ito.

    “I’m glad to tell you na may bumili na ng painting ng boyfriend mo..”

    WHAT?!

    “Teka..Ano? I thought the painting was not for sale..”

    “Actually, the painting was donated by Mr. De Jesus, so we can do anything we want to do with it..Is there a problem Miss Denise?”What?! Ano ba yan! Nakakainis!

    “Teka..Sino ang bumili? Pano..”

    “Don’t worry Miss Denise, the girl who bought it left you a message..It looks like she wants to meet you…”

    Dumukot sa bulsa niya ang Art Director ng isang kapirasong papel na nakatupi..At inabot sa akin..Binasa ko ito agad,

    ‘Meet me at the rooftop once you receive this message Denise the Menace..’

    Rooftop? Rooftop ng CSDA?

    Umalias agad ako ng Art Gallery, nagtataka naman ang Art Director kung bakit ako nagmamadali. Wala na akong panahon magexplain..

    Masama ang kutob ko sa pangyayaring ito..

    Walang tao ngayon sa CSDA kundi ang mga guards, dahil alumna naman ako, pinapasok ako nung guard. Walang pinagbago ang school, pero mukhang mas madami ng babae ngayon dahil nakita ko ang mga nakapost sa bulletins.

    Pagakyat ko, nakita ko ang staircase kung saan ako unang niligtas ni Xylan mula sa mga bading na tagahanga nya. Dito rin ang first kiss namin..

    Nakakapagtaka dahil may naamoy akong amoy sunog sa rooftop..Ano kaya yun?

    Pagdating ko dun, nakita ko ang sketch ko, ang bandang ilalim ay nagiging abo na..Nasusunog ito! Sinong gumawa nito?

    “Hi Miss Buendia..You thought you solved the mystery by yourself? Sorry, but I beat you to it..”

    Siya? Anong kinalaman nya dito?




















    "Rhea?!"


    Sponsored content

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by Sponsored content Today at 1:41 pm


      Current date/time is Tue Dec 06, 2016 1:41 pm