Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Drawing ( Part 2 )

    Share

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:21 am

    "Rhea?" Hindi maipinta ang mukha ko nung mga oras na yun.. anong kinalaman nya sa mga pangyayaring ito?

    "Well, I can say that I made a more extensive research than you..Aba, mahirap alamin ang tungkol sa love story nyo ng patay mong boyfriend.."

    "What's your deal? Bakit mo sinunog ang sketch na yan?!" Nanginginig ako sa galit, anong karapatan nya na sunugin ang sketch ni Xylan sa akin?

    Ngumiti lang si Rhea na tipong panginis,
    "Teka, don't you wanna know more details about Zariel na hindi mo pa alam?"

    Natahimik lang ako, gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang nangyayari dito..

    "Okay, matapos ang successful heart transplant ni Zariel, it took 3 days before he regained his consciousness..Yet, he was never the same again.."

    -Flashback 2 Years Ago-

    Mula ng magkamalay si Zariel, he kept talking about this girl,
    He kept holding his head na parang nababaliw na sya, the doctors decided to keep him under observation..

    The doctor gave him his medical record, para malaman nya na sya si Zariel at nasa hospital sya.

    "Miss, Importante pa din na ilagay ang unit. Kung yan ang ilalagay mong sagot sa test, at walang unit. Mali ka pa din.."

    Napahawak ulit sya sa ulo nya na parang sobrang nasasaktan, nagwawala sya, pinainom namin sya ng tubig para huminahon sya, ayaw nya uminom at ang sagot sa amin,

    "Under age pa ako. Hindi ako umiinom. At baka magalit yung mga tao sa bahay pagnalaman nilang umiinom ako."

    Pagkatapos nyang sabihin yun, ganun ulit ang nangyari, nagwala nanaman sya, niyakap ko sya ng mahigpit para kumalma sya, kumalma nga sya, pero kung ano-ano nanaman ang sinabi nya sa akin..

    "Ngayon lang ulit ako nakakilala ng isang taong nakakabasa ngnararamdaman ko. Taong nakakakilala kung sino ako sa kabila ng pagtatago ko ng tunay na ako. Isang taong nakakapagbigay ng lakas ng loob sa akin..Ikaw ang taong yun. Salamat ha...Salamat.."

    May isang beses pa nga, nung pinapakain namin sya, ayaw nya, pero kinain nya na din, maya-maya, kinamot nya ang buong katawan nya,

    "Allergic ako sa seafood!" At tuloy pa din sya sa pagkamot nya..

    Lalo syang lumala sa mga sumunod na araw, isang beses, nagtataka kami kung bakit nawala na lang sya sa higaan nya, ayun pala, andun sya nagtatago sa closet, hinihila nya ako sa loob, mahuhuli daw kami ng Papa nya kaya magtago daw kami..

    Dumating sa point na nananakit na sya, pinagsusuntok nya ang isang nurse na lalaki,

    "Wag mo sya saktan!"

    Nung napigilan na namin sya, nilagyan na sya ng pampatulog. Dineklara ng doktor na may kakaibang Schizophrenia si Zariel..Hindi daw kami nakikilala ni Zariel dahil ang utak nya ay kasalukuyang naninirahan sa isang alternative reality na likha nya.

    -end of flashback-

    Lahat yun, ang mga pangyayari nung kasama ko pa si Xylan! Yung nagsasagot kami ng equation sa blackboard, yung naginuman kami sa KTV room, yung pinakain ko sya ng seafood, yung nagtago kami sa closet dahil dumating si Don Roman,yung oras na gusto nya makipagbestfriend sa akin..Lahat yun..Ang mga eksatong kinilos at sinabi ni Xylan..

    Sinara ng mahigpit ni Rhea ang kamao nya at yumuko,

    "Pero hindi ako naniniwala na likha nya itong lahat, ang hinala ko, dahil sa transplant kaya sya nagkaganyan kaya nagimbestiga ako tungkol sa Xylan Rae De Jesus na yan.."

    Inangat nya ulit ang ulo nya,

    "Matapos ang isang taon, naging normal ulit si Zariel..Ayon sa mga doktor, ayon kay Zariel, patay na daw ang babaeng palagi nyang binabanggit. Nakakilala na sya ulit at naging okay na lahat.."

    "Hanggang sa makilala nya ang Rio na yan.. Muntikan na ulit mabaliw si Zariel, nagbalik ang mga alaala nya tungkol sa babaeng yun.. Buti at nasaksihan ko lahat, gumawa agad ako ng paraan para magkahiwalay sila.."

    "At dumating ka, ang babae na kinababaliwan nya, malakas ang kutob ko na ikaw na yun, pero dahil iba ang katangian mo sa babaeng tinutukoy ni Zariel, nagobserba muna ako.."

    "Naconfirm ko ang lahat ng ginawa ni Zariel ang sketch mo..Ginuhit ka ni Zariel subconsciously, hindi nya alam ang ginagawa nya, gagawa na sana ako ng aksyon bago mo pa makita ang sketch, pero timing dahil andun din si Ronan na napagkamalan mong gumawa ng sketch na yun, which, inako nya naman dahil sya rin ay may sariling dahilan.."

    Ang sketch na inakala kong si Ronan ang gumawa! Kaya may RC sa dulo! Si Zariel pala ang gumawa nun! RC as in Roy Czariel!

    "Funny isnt it? Siguro hindi mo nabasa sa research mo na gumawa ng mga sulat si Kristian tungkol sa pagibig nya kay Dominica, at ang pagamin nya na sya talaga ang tunay na childhood sweetheart nito.."

    Teka, this is getting irritating, ano ba ang kinalaman ng Rhea na ito sa amin ni Zariel?

    "Enough..Sino ka ba talaga? Bakit kasama mo si Zariel nung mga oras na baliw sya? Bakit ang dami mong alam?"

    "Ah, hindi pa pala ako pormal na nagpapakilala sayo.."


















    "I'm Rhea Czarina Villarosa, Zariel's long lost sister.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:22 am

    "Ikaw, ikaw ang tinutukoy ng Papa ni Zariel?" Naalala ko na may nawawala palang kapatid si Zariel...Marahil, si Rhea ang tinutukoy nya..

    "Oo, ako nga.. Matagal kong hinanap ang kapatid ko, at madadatnan ko sya na ganito ng dahil sayo? Hindi ako papayag.."

    "Dahil sa akin?"

    "I don't have any grudges against you, but this sketch will be the trigger to my brother's complete insanity!" Ang sketch na ito? Ako? Ako ang magdudulot ng pagkabaliw kay Zariel?

    "I..I don't understand.."

    "Sige, once na malaman ni Zariel na ikaw ang babaeng hinahanap nya, at iisa ang katauhan nila ni Xylan, sa tingin mo magiging normal sya ulit?" Magiging normal nga ba sya? Pagnasolusyonan ang misteryong ito, magiging okay na ba ang lahat?

    "Kung si Kristian Brendon nga, tuluyan ng nabaliw dahil nalilito sya sa individuality nya, paano pa si Zariel?" Kung si Kristian nalito dahil sa existence ni Vincent sa katauhan nya, maguguluhan din si Zariel dahil sa existence ni Xylan sa kanya? Edi syempre pipiliin nya parin nya ang sarili nya, magiging okay na alng lahat diba? Hindi nya ba naiisip yun?

    "And unfair sa part mo, you love my brother right? Nakamove on ka na kay Xylan,But it's his Xylan side that loves you, not Zariel..Zariel never loved you!"

    Za-zariel never loved me?

    "Wouldn't it benefit the both of us kung lalayuan mo na lang si Zariel? I can live with my brother peacefully while you move on and live a peaceful life too?"

    Ganun lang ba kadali yun? Palampasin ang mga pangyayaring ito at kalimutan na lang si Zar? Makakaya ko ba yun?

    "Alam mo, hindi lang si Zariel ang nahirapan nung mga oras na yun, akala ko magrereunite kami ng maayos ng kapatid ko, tapos madadatnan ko syang nababaliw ng dahil sayo? Akala ko, tatawagin nya akong ate, kakamustahin, yayakapin, pero ano? Hindi ako ang hinahanap nya, hindi ako ang gusto nya makita! Ikaw!"

    Tama na..Ayokong maging makasarili, ayokong ipagkait kay Rhea ang pagmamahal ng isang kapatid na hinahanap nya..

    "Tama..Naiintindihan ko na lahat..It was all my fault..I'm sorry.."

    Tuluyan ng nasunog ang sketch, aalis na si Rhea at hinawakan nya ang balikat ko at binulungan,

    "Kung mahal mo talaga ang kapatid ko, lalayo ka..Lalayuan mo sya..."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:22 am

    Nawala ako sa sarili ko nung mga oras na yun, si Xylan, may kinalaman ba sya dito?

    Is it because of his extreme love for me kaya nya ginawa ito? Sinadya nya bang magpakita sa panaginip ko at ibalik ako sa tunay na ako para itrigger ang existence nya sa katauhan ni Zariel?

    Naguguluhan ako Xylan..Sana andito ka para ipaliwanag sa akin ang lahat..

    Nasa park na ako ngayon..Nakaupo sa gilid ng fountain..Ang lugar kung saan kami madalas magkita ni Xylan..Pinapanood ang masasayang taong lumilibot sa park..

    "Woah, look who came back mga tsong! Si Denise pare!"

    Napalingon ako, aba sila Brix at ang buong barkada!

    Niyakap nila akong apat, masaya sila makita ako, ako naman, hindi ko malaman kung anong reaksyon ang gagawin ko..

    "Musta? Napaaga ata mahal na araw ah? Bakit ganyan ang mukha mo?"
    Ang laki ng itinangkad ni Brix..Medyo nagmature na din ang hitsura nya..

    "Wala..Okay lang ako.." Sinubukan kong ngumiti para ipakita na wala akong problema..

    "Napadalaw ka dito? Anong meron?" Aba, nawala na ang mga highlites ni Jojosa buhok, siguro bawal sa school nya..

    "Ha? Ah..Naisip kong dalawin kayo.."

    "Sus, talaga lang ha? Ilang buwan ka nga di nagparamdam eh!" Si Mikee, malusog pa din..Dahil na rin siguro sa course na kinukuha nya..

    "Tara, panahon na para sa BONDING and UNITY natin! Sulitin natin ang bakasyon!" Si Alfred yun, na mukhang gwumapo ng onti..

    "Tara!"

    Nagpunta kaming arcade, pinanood ko lang sila maglaro..Binigay pa nila sa akin ang mga prizes na napanalunan nila..Pagkatapos nun, pumunta kaming computer shop, nagkahamunan ng dota ang tropa ni BRix at mga highschool students ng CSDA. Lumabas muna ako dahil naingayan ako sa kanila..

    Umupo ako sa hagdan sa tabi ng entrance ng computer shop. Maya maya'y sumunod si Brix, hindi pala sya kasamang naglalaro..Tumabi sya sa akin sa hagdan..

    "Denise, alam mo, kahit hindi mo sabihin, alam kong may mabigat kang dinadala ngayon..Baka gusto mo naman tulungan kita dalhin yan?"

    Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko, niyakap naman ako ni Brix at pinahiram ang panyo nya.

    "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko..Kung hindi na lang sana nya ako iniwan.."

    "Denise, may sasabihin ako sayo.." Pinunasan nya ang mga luha ko.

    "Alam mo ba, sinabi sa amin ni Xylan ang kalagayan nya noon..Nagpaalam sya sa amin..Nakiusap sya na wag ipaalam sayo dahil ayaw nyang malungkot ka.."

    Ibig sabihin, alam na pala nila lahat bago ko pa malaman?

    "Ipinaubaya ka na nga nya sa akin eh.. Ako na daw ang bahalang magpasaya sayo.." Pinaubaya? Balak nya na akong ibigay kay Brix? Alam nya naman na sya lang ang may kayang magpasaya sa akin..

    "Alam mo ba ang ibig sabihin nito?"

    "Wala syang pakialam kung ipagpalit mo ako sa kanya..Hindi mahalaga kay Xylan ang nararamdaman nya, buong buhay nya, ang naging mahalaga lang ay kasiyahan mo..Natawa nga ako sa sinabi nya, kahit wala na daw sya, gagawa sya ng kahit anong paraan, makita ka lang masaya.."

    Tumigil ako sa pagiyak, unti-unti ko ng naiintindihan ang gustong iparating ni Brix sa akin..

    "Kaya kung ano man ang nangyayari ngayon, huwag kang malungkot..Dahil alam kong may gagawin yan si Xylan..Mukhang imposible diba? Pero naniniwala ako dun sa lokong yun..Alam kong hindi ko mapapantayan ang ginagawa nya.."

    Tama sya, hindi ipapahintulot ni Xylan ang mga pangyayaring ito kung wala itong magandang bunga..Maniwala lang ako..Maniniwala ako na magiging okay din ang lahat..

    Naglabasan ng computer shop sila Mikee, tuwang tuwa, siguro, nanalo sa pustahan nila..

    "Wohoooo! Natalo namin ang mayayabang na highschool students sa DOTA! Haha! Walang kwenta! Ang yabang-yabang, mga highschool students pa lang naman!"

    "Aba, parang di tayo ganyan sa CSDA ah..Lagi nating hinahamon ang mga college students sa PLU, muntik na nga tayo matalo eh, kung hindi lang natin kakampi si Denise.."

    Tara, ipangkain natin itong napanalunan namin!"

    "Naku, kulang pa ata pangkain kay Mikee yan eh! Haha!"

    *PAK!*

    Binatukan ng malakas ni Mikee si Alfred. Natumba ito sa sahig..

    Nagtawanan kami, nagulat na lang kami ng may nagsalita at sinabing,

    "Denise The Menace, habang hinahanap kita, nakikipagsayahan ka pala sa mga unggoy na ito.."














    "Zariel!" Hawak nya ang time capsule na binaon namin ni Xylan noon!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:23 am

    Aalis na sana ako, pero hinawakan ni Zariel ang kamay ko,

    "Denise, kailangan natin magusap.."

    "Sino ka naman?" Bungad ni Mikee kay Zariel..

    Hinarang ni Brix ang kamay nya, "Hayaan mo sila magusap, magaan ang loob ko sa lalakeng ito.."

    "Maiwan na muna namin kayo.." Hinatak ni Brix ang buong tropa at umalis muna sila..

    Tinalikuran ko si Zariel, huli na ang lahat, pwede na syang mabaliw, nahanap nya pa pala ang time capsule..Buo na ang mga ala-ala nya..

    "Denise.." Sinubukang lumapit sa akin ni Zariel pero lumayo ako..

    "Don't.."

    "Denise..Ano ba? Tignan mo nga ako!"

    Hindi pa din ako lumingon..Natatakot ako sa maari nyang sabihin..

    "Hindi..Alam mo bang dahil sa ginawa mo, posibleng mabaliw ka na ng tuluyan!"

    "Pero hindi diba? Normal ako ngayon..Hindi katulad ni Kristian Brendon, natukoy ko ang tunay na pagkatao ko.." Good for him, matatag siguro ang pagiisip ni Zariel.

    "Xylan..Me as Xylan, I consider it as my past..My past life..Everything, including his love for you.."

    Eto na nga ba ang sinasabi ko, mahal lang ako ni Zariel dahil sa katauhan ni Xylan..

    "I am still Zariel..Yet, I am thankful for this experience..Nakilala ko ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.."

    "At ikaw yun..Denise.." Napatingin ako sa kanya, humarap ako sa kanya..

    "Wag ka magsalita ng mga bagay na hindi mo alam..Mahal mo lang ako dahil kay Xylan.."

    "Shouldn't I be saying that to you? Ever since I met you, I knew you were special..Even without Xylan's Heart, even if it was not you who was in my past life, I'll always fall inlove with you, Kahit bali-baliktarin pa ang kapalaran ko, i'll always fall for you.." Palapit na sya ng palapit sa akin, nanatili lang ako sa puwesto ko, hindi ako makagalaw. Parang may nagfreeze sa akin sa kinatatayuan ko.

    "Kahit nung nagpapanggap ka, kahit yun tunay na ikaw, mahal kita..Umalis lang ako dahil ayoko maging unfair sayo, gusto ko malaman kung sino ang babaeng bumabagabag sa akin..Gusto ko malaman kung sino talaga ang mas mahal ko.." Hinawakan nya ang balikat ko, at ang kanan kong kamay, nilagay nya sa dibdib nya..

    "This heart..This isn't Xylan's..This isn't mine..Our heart, this heart, is yours..."

    "...Zariel..Could you just shut-up and kiss me?"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:23 am

    In Zar's Point Of View-

    Well, what can I say? Obviously, okay na lahat...And my sis? We're good..Napagusapan na ang lahat ng dapat pagusapan..Babalik ulit ako sa pagaaral..Gusto ko man ikwento ang nangyari sa iba tulad nila Dex,Cynthia,Marilyn,Ronan atbp, wala na akong time..YUn sa amin na lang muna ni Denise ang ikwekwento ko..Galing ko diba? Haha! Ang tunay na pagmamahal ko kay Denise ang nagdala sa amin ng tagumpay! Kaso, may problema kaming haharapin ngayong dalawa..Ewan ko kung paano nya pa nagagawang maging matatag sa mga panahong ito..Kung may magagawa lang ako para-

    "Zariel! Tama na pagdaydream mo! Ano bang ginagawa mo? Kailangan natin isugod sa ospital si Denise!!!"

    Pababa si Rhea ng hagdan nun, sobrang natataranta..

    "Teka..Hindi..Hindi maari ito..Masyado pang maaga..Anong gagawin natin?!"

    "Zariel, walang maitutulong ang pagtataranta..Kahit ako, nagulat..Kanina nya pa iniinda sa akin ang sakit..Pero lalo daw lumala ngayon ang sakit..Hindi ko malaman ang gagawin.."

    "Tumawag ka ng doktor! Ihahanda ko na ang kotse!" Hindi ko maiwasan na hindi mataranta.. Alam kong masakit ang pagdadaanan ni Denise..














    Eto na ang araw na kinakatakutan ko..Diyos ko, alagaan mo si Denise..Sa inyo ko na sya pinapaubaya..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:24 am

    Dumating si Ate Rhea na may dalang dalawang cups ng kape. Umupo sya sa tabi ko, nakabantay lang kasi ako sa labas ng delivery room.

    "Zariel, umayos ka nga! Kanina ka pa di mapakali dyan eh!"

    "Nakakainis, hindi ko man lang masamahan si Denise dun.."

    "Eh ano magagawa natin, takot ka sa dugo, mamaya himatayin ka pa dun, isa ka pang alalahanin.." Inabot sa akin ni Ate yung kape at humigop ako ng konti..

    "Sabagay.." Matagal na kasi ang takot ko sa dugo, kaya nung pinakukuha ako ni Papa ng nursing, malaki ang pagtanggi ko.

    Maya-maya'y lumabas na ang doktor mula sa delivery room. Napatayo ako at tinanong ang kalagayan ni Denise.

    "Mr. Villarosa, Congratulations, your wife just gave brith to a healthy 7lbs. baby girl!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 16, 2009 9:26 am

    "Miss, ibigay mo na ang bag mo ng di ka masaktan.."

    "Huh? Kahit hindi ko ibigay ang bag ko, di ako masasaktan..Dahil kayo ang bibigyan ko ng sakit sa katawan!"

    Lumapit ang dalawang lalake na may hawak na patalim..Unang lumapit yung lalakeng may cap na balbas sarado. Sasaksakin nya na sana ako, pero, yumuko ako, binunggo ko ng malakas ang kanyang sikmura gamit ang ulo ko at saka ko hinawakan ang bewang nya at hinagis sya sa kumpol ng basura.

    "Yan ang SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC TACKLE KO!"

    "Hindi ka uubra sa akin!" Sabi nung matabang may hawak na swiss knife.

    Sinugod ako ng lalake mula sa likuran ko, pero naunahan ko sya at hinawakan ko ang dalawang daliri nya at saka binend ito hanggang sa makarinig ako ng malakas na *CRACK*

    Napangiwi sa sakit ang lalake, hinigit nya yung kasama nya mula sa basurahan at tumakbo ng walang imik.

    "Mga duwag! Bumalik kayo dito! Sakit ng katawan hanap nyo diba!"

    Mga bwisit na ito, lakas-lakas ng loob mangholdap, mga wala namang binatbat..

    "Ano masasabi mo ma? Galing ko diba? Sabi ko sayo, hindi ko na kailangan ng tulong eh.."

    "Oo na, ikaw na magaling..Tara na at malalate ka sa first day mo.." Yan ang Mama ko. Ang kilabot na Denise Buendia ng dati kong school na St. Anne's at ang bago kong school na CSDA. Idol ko talaga sya..Ang kulit ng kwento ng buhay nya, halos parang di kapanipaniwala.

    Napatingin ako sa orasan ko, oo nga pala! Nakakainis talaga! Sinayang lang nila oras ko!

    Sumakay na kami ng trycicle ni Mama para makarating agad sa school. Nagkiss na ako at nagpaalam na..

    "Bye Xyza! Umiwas ka sa gulo, kung pwede lang?"

    "Oo ma! Bye!"

    Pumasok na ako ng gate at huminga ng malalim, huwoooh! First time ko sa isang school na panay lalake, nagradeschool kasi ako sa exclusive school..Kaya ngayon lang talaga ako makakasalamuha ng mga lalake.

    But it doesn't mean na wala akong alam sa mga lalake. For me, they're just mere weaklings..Ilang beses na ako napaaway sa mga lalake pero wala pa talaga akong nakikitang katapat ko..

    I hate it when they make girls cry, and I hate it when girls cry for them..Like, does the world revolve on them? Definitely not.. They're just a menace to the society..The world doesn't need them..

    Habang naglalakad ako paakyat ng classroom ko, nakita ko ang isang lalakeng payatot na may salamin, you know the geeky loser type, mukhang pinagiinitan sya nung mga lalake. Well, like I care..Dere-deretso lang ako sa pagakyat..Ng biglang tinulak nung malaking lalake yung payatot na lalake, nahulog sya sa harapan ko at napayakap sa akin..Nagpagulong-gulong kami sa hagdan at....Siguro alam nyo na ang nangyari!

    The End? Or a new beginning? For now, THE END!

    THE END


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Thu Apr 23, 2009 6:31 pm

    alam mo bang mangiyak-ngiyak ako sa story na yan? haha! :]

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Sat Apr 25, 2009 7:45 am

    wahahaha...nakakaiyak ba??..bkt??..dhl sa heart ni xylan?


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Sun Apr 26, 2009 1:28 am

    pwede nadin...
    kasi namantay si xylan,
    wow! nabasa mo na nga... haha! :}


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14333

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by W32.Downadup.D on Mon Apr 27, 2009 10:26 am

    tintamad ako magbasa

    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Mon Apr 27, 2009 3:17 pm

    haha! ^^^?


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14333

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by W32.Downadup.D on Wed Apr 29, 2009 9:07 pm

    tamad ako eh

    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Thu Apr 30, 2009 3:23 pm

    yah right!


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14333

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by W32.Downadup.D on Thu Apr 30, 2009 4:38 pm

    haha..
    tama...


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Thu Apr 30, 2009 4:56 pm

    haha...
    tawa nalang!


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14333

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by W32.Downadup.D on Fri May 01, 2009 2:12 pm

    cge cge..

    yeah right


    _________________


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by [FM] LyLe on Sun May 03, 2009 1:38 pm

    spammers...tsk tsk


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:21 pm

    ikaw din jj eh...


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17676

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:24 pm

    nabasa nio na?


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:41 pm

    yep...


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17676

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:47 pm

    sipag ah


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Wed May 06, 2009 12:48 pm

    haha, kakatamad eh...


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14333

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by W32.Downadup.D on Sun May 10, 2009 10:55 pm

    katamad pero nabasa mo


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by .bad cheetah. on Mon May 11, 2009 4:23 pm

    kakatamad sa bahay, walang magawa! haha...


    _________________

    .so much love you take from me.

    Sponsored content

    default Re: Drawing ( Part 2 )

    Post by Sponsored content Today at 3:44 pm


      Current date/time is Fri Dec 09, 2016 3:44 pm