TRUTH OR DARE:
"Sino ang nagpapatibok
ng puso mo ngayon?"
Ready na!!
Malcolm, do the honor!
Che! May nalalaman ka pang ganyan!
Cge na! Dali!
Wala naman kaming nagawa kundi sumang-ayon sa idea nung dalawang timang. haha! joke!
Nag-ayos naman kami nun pinwesto na ung bote sa gitna.
Bat ako?! Baka sakin pa matapat yan!
Duuh! Ikaw nga nagpa-ikot eh! Game na!
Putek! Cge na nga!
Nagkamot naman siya ng ulo nun. Pagkatapos eh pina-ikot na ung bote.
WOAH!
Waaah! Sabi na eh! Sabay tayo naman siya at upo dun sa sofa.
Minsan talaga masyadong magaling magpredict tong si Malcolm. May hidden talent ah? haha!
Sabi na eh!
Tignan mo to! Ikaw tong nag-sabing "exciting" tapos ikaw tong ayaw!
Wala ako sinabing ganun ah!
Anong wala? Gusto mong pakita ko pa sayo ung reaksyon mo nung narinig mong---
Oo na! Oo na!
Para kang ewan jan! Bumalik ka na nga sa lugar mo kanina!
Tumayo naman siya at umupo dun sa lugar niya ulit kanina pero dahan-dahan lang siya.
Para kang lolo jan! Dali nga! Ang bagal!
Ang bata ko maging lolo ah! I'm just 17!
You act like 71!
hmpf! >
Game! Truth or dare?
Hah?
Nilakasan naman ni Freeze.
I said, truth or dare?
Hah?
Truth or dare?
Hah?
Anak ng tokwa naman! Maglinis ka nga ng tenga!
Binatukan naman ni Nathan si Malcolm.
Aray ko naman! Ayan nanaman kayo!
Ano ba kasi? Isang tanong, isang sagot ang rule dito, diba?
Eh sa di ko marinig eh!
Abat gusto mong mabatukan ulit noh?! Halos mawalan na nga ng boses si Freeze sa kakasigaw dun sa tanong niya tapos di mo marinig?!
Haha! Yun na pala yun! Akala ko kasi fireworks lang yun eh!
Anak ng balot!
May anak pala ang balot ah?
Babatukan na sana ni Nathan si Malcolm kaso nag-sign si Malcolm.
Oh, oh! Joke lang yun! Abused na yan!
Kung ikaw lang naman, di na abused yun noh!
Dare na nga lang!
Ano daw?
DARE!
Ano?
D-A-R-E, dare!
Hah?
Nak ng pusit naman! Mag-linis ka nga ng tenga!
Parang yan rin ung sinabi ko sayo kanina ah!
Uy hindi ah! Tokwa ung sayo, pusit ung akin!
Ganun na din yun!
Hindi ah! Tokwa is different from----
Oo na, oo na! Chase, ikaw nga mag-bigay ng dare!
Umm.. ligawan mo si Felicity sa harap namin!
Ayoko! Nakakahiya noh!
Iba na yan ah! Wag naman!
Yihii! Nagbu-blush si Bru!
Hindi ah!
Anong hindi?! Look at that face! It's soo red!
Blush-on yan!
You don't put blush-on pag nasa bahay lang! I know you bru!
Oo na! Blush na kung blush! Red na kung red!
Game na! Ligawan time na!
Buti nalang at magkatabi na ung dalawa.
Anong gagawin ko?
Kahit ano! Para ka namang di nanliligaw kay Felicity eh!
Nagkamot naman siya ng ulo at huminga ng malalim.
Ilang month na ba ako nanliligaw sayo?
Gusto mo bang mabatukan?
Ano ba! Eh sa un ung gusto kong itanong eh! Wag kayong MAK!
Mgata-tatlong buwan na. Bakit?
Abat matagal narin noh? Ako kasi madali ako mawalan ng pag-asa pag 2 months nako nanliligaw eh. After 2 months na yun at di pa nagiging kami, kusa nako titigil sa panliligaw.
Talaga? Bakit?
Kasi feeling ko ayaw ako nung babae eh?
Malay mo kailangan lang niya ng time para mag-isip ng matagal.
Hindi rin. Yung huli kong niligawan, nung tumigil ako manligaw sa kanya, ilang weeks lang nun nabalitaan ko may BF na siya.
Really? Hindi naman siguro ako ganun.
Tama ka dun!
Napatitig naman nun si Malcolm kay Felicity. Ayiiih!
Pano mo naman nasabi na iba ako sa mga niligawan mo dati?
Kasi ngayon feeling ko, habang tumatagal mas nagkakaroon ako ng pag-asa!
Talaga?
Nagkatitigan naman sila nun habang nakangiti si Felicity at si Malcolm naman eh diretcho lang ang tingin kay Felicity.
Bakit? Wala ba akong pag-asa?
Siguro?
Wala?
Napa-pout naman si Malcolm nun habang nagtititigan pa sila.
Cguro... meron!
Talaga?
Hmm.. bakit? Ayaw mo?
Syempre gusto noh!
At nagtitigan nalang silang dalawa dun.
Bigla naman nag-snap si Freeze sa harap nilang dalawa.
Beb naman! Panira ka eh! Kinikilig ako!
Speechless na silang dalawa eh!
Freeze! Panira! Kainis!
Sorry! Oh dali! Magtitigan ulit kayo!
Sorry! Di na pwede ulitin yun! Once in a bluemoon ko lang ginagawa yun noh!
Blue moon naman eh!
Weeeh! Di kaya! White siya nakita ko kanina! Sabihin mong hindi?
Hindi!
Anong hindi?
Hindi nga bluemoon!
Tawa naman kami ng tawa nun. Yung itchura kasi ni Freeze nun eh para siyang naje-jebs na ewan. hahaha! ;D
Ikot ko na ulit ah!
At nagpatuloy nun yung laro namin, after ni Malcolm eh si Freeze na ung sumunod, pagkatapos eh si JC, then Vincent.
At ngayon naman si Chase.
Hahaha! Chase! Makakaganti rin ako sayo!
Che! Hindi rin noh! Si Vincent kaya ung magta-tanong sakin!
Ah kahit na! Makaka-ganti rin ako sayo! Tandaan mo yan! ;D
Binatukan naman ni JC si Malcolm.
Overjoy ka na!
Ang gulo niyo ah! Pag malungkot ako, nagtataka kayo. Pag nasobrahan naman, namomroblema parin kayo! Ano ba talaga?!
Naku, ewan! Vincent, game na nga!
Game! Chase, truth or dare?
Truth! Para ma-iba!
Para maiba? Eh si JC at Vincent nag-truth.
Ah ganun ba? Edi dare nalang!
Bawal na palitan noh!
Oh ano na?
Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?
Thu Dec 17, 2009 4:57 pm by kar :)
» Medyas [ High School life ]
Thu Dec 17, 2009 4:53 pm by kar :)
» Wallpapers
Thu Aug 27, 2009 7:06 am by SOULBREAKER.o17ü
» Places
Sun Aug 23, 2009 2:11 pm by .
» Poems Corner
Wed Aug 19, 2009 4:40 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Right Next To You [ Bestfirends Story ]
Sun Aug 09, 2009 12:56 am by Do[I]caRE?!
» Yahoo Groups para sa Filipino
Wed Aug 05, 2009 8:04 pm by
» Cory Aquino died at 76
Sun Aug 02, 2009 11:48 pm by
» Tech Discussions
Sun Jul 26, 2009 8:00 pm by
» Adam Lambert
Fri Jul 24, 2009 10:48 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Movies Discussions
Fri Jul 24, 2009 2:27 am by
» Group 1 (naman) sa Filipino watch (din) this
Wed Jul 22, 2009 7:52 pm by SOULBREAKER.o17ü
» CAT-1
Tue Jul 21, 2009 10:42 pm by
» quota and non quota courses sa UP.
Tue Jul 21, 2009 8:08 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Influenza A(H1N1) sa PUP
Tue Jul 21, 2009 8:00 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Anime & Manga Discussions
Mon Jul 20, 2009 10:48 pm by
» Misc Discussions
Sun Jul 19, 2009 4:13 pm by
» Sports Discussions
Sun Jul 19, 2009 3:59 pm by W32.Downadup.D
» Optical Illusions
Sun Jul 19, 2009 2:48 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Music Discussions
Sun Jul 19, 2009 2:47 pm by