Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Torpe [ A Story of Love ]

    Share

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    Total Votes: x

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:00 pm

    Chapter 98:

    Yahoo! Summer na. Nag-decide ako na hindi na mag-summer class. Marami na nangyari nung nakaraang buwan. Eto nga mag-May na naman. Di na lang namin mamalayan
    June na at mag-third year na ko.

    Nung April, panay gimik lang kami nung tropa ko nung highschool. Pumunta kaming Boracay. Ang saya kasi ngayon lang kami ulit nagkita-kita eh. Saka pumunta naman kami ng family ko sa La Union. Dun ginanap yung family reunion namin sa mother side.

    Flashback

    Kwentuhan lang kami nung mga pinsan ko sa may cottage namin. Yung iba kong mga pinsan na mas matanda sa akin. Malapit nang ikasal. Si Kuya Borgie, ikakasal na sa December.

    Kuya Borgie: "O ikaw naman, balita ko sabi ni Marielle.. May nililigawan ka na ah.. Buti naman.. Kala ko tatandang binata ka.."

    Tony: "Oo nga, Ikaw ang kauna-unahang magiging ganun pagnagkataon.."

    Ngumiti lang ako.

    Mark: "May picture ka ba niya?"

    "Uh.. Sa phone lang.. Teka.."

    Kinuha ko yung phone ko sa bag ko. May mga pictures niya ko sa phone. Karamihan stolen shots niya.

    "Eto o.."

    Tinignan naman nilang lahat yung mga pictures namin.

    Kuya Borgie: "Nagpintas.. (Maganda ah..)"

    Tony: "Bagay.."

    "Siyempre.."

    Tony: "San mo nakilala?"

    "Sa school.. Classmate ko siya nun eh.."

    Mark: "Jackpot ka, kuya ah.."

    Natawa naman ako sa hirit niya.

    "Oo naman.. Ayayaten ko dayta.. (Saka Mahal ko yan..)"

    Hiyawan naman yung mga pinsan ko sabay gulo sa buhok ko.

    Tony: "Tinamaan si insan!"

    End of Flashback

    Tambay lang kami ni Stephen sa kwarto ko. Naglalaro lang kami ng PS2. Nagpahinga kami saglit kaya pumunta kaming kitchen para maghanap ng makakain.

    Stephen: "Tol, malapit na May 12.."

    Natigilan ako.

    Stephen: "Libre.. Libre.. Libre.."

    "Oo ba.."

    Stephen: "Tanda mo na.. Nineteen ka na.."

    "Parang ikaw, di mag-19 ngayong taon ah.."

    Stephen: "San ba lakad mo? Siguro may date kayo ni 'bestfriend'.."

    "Ha? Di ko pa lam.."

    Stephen: "Alam naman niya siguro na birthday mo sa may 12 di ba?"

    "Ata?"

    Stephen: "Tsk.. Tsk.. Dapat sinasabi mo para may regalo ka.. Joke lang.."

    "Sira.."

    Nung mga kinahapunan, sumibat na rin si Stephen. May 'date' daw siya.

    Naisip ko yung sinabi niya.

    Ako naman, tinawagan ko si Alex.

    RIiIIIIING..

    Alex: "Hello.."

    "Uy.."

    Alex: "O Toph.."

    "Wala lang.. Gusto ko lang marinig boses mo.."

    Alex: "Asus.."

    "A-ano kasi.. May.. may lakad ka ba sa 12.."

    Alex: "Sa 12.. Ano ba yun? Teka.. Saturday? Di ko lang sigurado.."

    "Yayain sana kita.."

    Alex: "Bakit? May okasyon ba?"

    Natigilan ako.

    "Ha? A-Ano kasi.. Wala.. Wala naman.. Gusto lang kita makasama sana.."

    Alex: "Aaah.. Sige.. Tignan ko.. San ba?"

    "Dito lang sa bahay.."

    Alex: "Sige.. Text ko agad kung makakapunta ko.."

    Ilang araw matapos..

    May 12

    Pagkagising na pagkagising ko..

    "HAPPY BIRTHDAY!!"

    Gulat ako nasa harap ko sina Mama, Papa saka Marielle.

    Marielle: "Bangon na.. Maya-maya darating na yung mga bisita mo.."

    "Thanks.."

    Dali-dali naman akong bumangon. Medyo marami ngang bisita. Nakasanayan na kasi pag birthday ko, may parang kainan sa bahay. Pupunta yung mga barkada ko saka mga pinsan ko. Ganun.

    Bago maligo, tinignan ko agad yung phone ko. May mga text na,puro birthday greeting. UNa kong tinignan, baka may text si Alex. Pero wala eh.

    Sabi niya, pupunta siya. Kaya siyempre excited ako. Pero di pa rin niya ata alam, na birthday ko eh.

    Pagkatapos, maligo, direcho agad akong kwarto para mamili ng isusuot.

    "Eheem.."

    Paglingon ko nasa pinto si Marielle.

    Marielle: "Parang mga barkada mo lang naman yung bisita natin saka mga pinsan ah.. Bat parang bihis na bihis ka ata.. Siguro, pinapunta mo si Ate Alex noh?"

    Ngumiti lang ako.

    Marielle: "Uuuyy.. Excited siya.. Ano kaya gift niya sayo?"

    "Ha? Di nga ata niya alam na birthday ko ngayon eh.."

    Marielle: "Ay ganun? Tsk.. Tsk.."

    Nung mga 11 am, nagsidatingan na yung mga relatives namin. Tuluy-tuloy na yun hanggang hapon.

    Stephen: "O pare, bat di ka mapakali dyan ah?"

    "Uh.. Wala.. KAsi si Alex.. Wala pa eh.."

    Stephen: "Darating din siguro yun.. Sabi niya pupunta siya di ba?"

    "3 pm na.. Wala pa siya.. Tol, kinakabahan na ko eh.. Di ko siya macontact.."

    Hanggang sa nag-5 pm na. Karamihan ng mga bisita ko, umalis na. Wala pa rin siya. Sinubukan kong tumawag sa kanila. Pero nag-riring lang walang sumasagot.

    Umupo lang ako dun sa may tapat ng bahay namin. Maya-maya lumabas si Papa.

    Papa: "O.. JC.. Madilim na ah.. Ano ginagawa mo diyan?"

    "Wala po.. Nagpapahangin lang.."

    Papa: "Tara na sa loob.."

    "O sige po.. Sunod na lang ako.."

    Tumayo ako. Sabay lingon, baka sakaling may dumating.

    Umakyat ako sa kwarto ko, nagpalit at nagbihis.

    Maya-maya tinawag ako para magdinner. Pagkatapos, kumain, dumirecho ako sa kwarto ko.

    Tumambay ako dun sa may rooftop. Sa kwarto kasi, may daan dun papuntang rooftop namin. Dun ako dumadaan sa bintana namin. Buti na lang malaki-laki yung window namin. Ganda ng view dun, lalo na pag maraming stars.

    "San na kaya yun? Sana naman walang nangyari sa kanya o ano.."

    Maya-maya naramdaman ko na lang na nagvibrate yung phone ko.

    Parang tumalon yung puso ko nung nakita ko kung sino yung tumatawag..

    Sinagot ko agad.

    "Alex! Uy.. Okay ka lang.. San ka?"

    Alex: "Naku.. Sorry.. Di ako nakapunta ah.. Sorry.."

    "Uh.. O-okay lang.. San ka ba? Hello?? Hello?"

    Tinignan ko yung phone ko. Bat ganun, biglang naputol yung linya..

    Maya-maya nagulat ako biglang may nagtakip nung mata ko.

    "Uh.. Marielle??"

    Pag-bitaw.. lumingon ako.

    Napangiti talaga ako ng sobra nun.

    "Alex?!!!"

    Sabay may inabot siya sa akin na box.

    Alex: "Happy Birthday!!"

    Tumabi siya sa akin sa pag-upo sa may rooftop.

    Alex: "Kala mo di ko lam na birthday mo noh?"

    Ngumiti lang ako.

    "Di ko inexpect to ah.."

    Alex: "Sorry nalate ako.. Sana magustuhan mo yung gift ko.."

    "Siyempre.. Kahit ano.. Basta galing sayo.."

    Binuksan ko yung gift niya.

    "Astig! Ganda.."

    Alex: "Natagalan nga eh.."

    Yung regalo niya sa akin parang scrapbook. Yung unang mga page, puro birthday greeting nung mga barkada ko. Yung sumunod, sa family ko. Tapos meron ding mga autograph nung mga paboritong kong players sa PBA.

    Tapos pinaka gusto dun yung mga caricature ko. Meron nung baby pa ko, tapos yung
    mga pictures ko nung bata hanggang sa nag-highschool at nagcollege na ko.

    Saka siyempre pinakanapangiti ako yung caricature naming dalawa.

    "Uy.. Thank you.."

    Alex: "Ikaw pa.. Ay.. Ang ganda pala dito.. Tinuro lang sa akin ni MArielle, na malamang nandito ka.."

    "Madalas ako dito.. Ganda ng view no?"

    Alex: "Oo, ganda naman nung stars saka yung moon o.."

    "Alam mo.. Akala ko.. Di ka makakapunta talaga.."

    Ngumiti lang siya. Sabay sumandal siya sa kaliwang balikat ko.

    "Pero ngayong nandito ka na.."











































































































    "Kumpleto na talaga tong araw na to.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:07 pm

    Chapter 99:

    Ilang buwan na ang lumipas. Nagpasukan na. Third year na kami. Binilang ko sa
    kamay ko, 7 months na akong nanliligaw kay Alex. Bawat araw na kasama ko siya,
    sobrang tinetreasure ko.

    These past few months. Medyo busy kami sa paghahanda para sa nalalapit na wedding
    nina Mama at Papa this August. 30 Years na silang kasal. Eh gusto ni Papa, parang magkaroon sila ng wedding ulit sa church. DUn sa same church kung san sila kinasal. Simple lang naman, yung tipong mga relaives at kaibigan lang nina Mama't Papa yung mga kasama.

    Nasa may living room kami nina Mama, Papa pati ni Marielle. Inaayos namin yung entourage.

    Marielle: "Okay na yung mga abay.. flowergirls.. pero wala pang ringbearer saka kulang tayo ng secondary sponsors.."

    Mama: "Yung ringbearer.. Yung anak na lang ni Ate Rose mo.."

    *DING DONG*

    Ate Tess: "Ako na ho.."

    Nagulat ako kung sino yung pinapasok ni Ate Tess.

    "Uh.. Alex.."

    Napatayo ako bigla eh nung nakita ko siyang pumasok.

    Alex: "Good afternoon po.."

    Papa: "Pasok ka iha.."

    Nagbeso si Alex kina Mama't Papa.

    MArielle: "Tamang-tama si Ate Alex o.. Sama natin siya sa entourage.."

    Mama: "I think that's a good idea.."

    Papa: "Okay lang ba sayo?"

    Alex: "Po? Naku.. KAyo po bahala.."

    MArielle: "Para partner na lang kayo ni kuya sa cord.."

    Napangiti ako.

    "Oo nga. payag ka na.."

    Alex: "Sure.."

    Binalik sa kin ni Alex yung hiniram niyang libro sa akin. SUmaglit lang siya. Sabi nga
    niya sa akin, nagulat siya nung biglang sinama siya sa entourage. Pero flattered siya
    at talagang kinonsider siya na isama.

    Siyempre, ako natuwa naman ako. Gusto siya ng pamilya ko. Okay naman din ako sa pamilya niya, minsan nga magkachat pa kami ni Kuya Tristan. BUmalik na kasi siya sa work niya eh.

    Pinagawa na namin yung mga invitations. One week after, sinimulan na naming pinadala dun sa mga bisita namin. Mga 200 yung guests na expected namin eh.

    Mga two weeks before nung kasal, nakuha na rin nina Mama pati nina Marielle saka iba pang mga abay yung mga gown nila. Yung motiff pala, beige. Pearl wedding Anniversary kasi eh.

    August 18

    Araw nung kasal. Siyempre, busy na naman lahat ng tao sa bahay. Ang daming tao sa bahay ha. Yung iba mga relatives nina Mama saka Papa.

    Akala ko paglabas ko ng kwarto, may sunog. Takbo dito takbo dun yung mga tao. Dali-dali naman akong nag-ayos. 8:00 na eh 10:00 yung kasal.

    Mga bago mag-10 pumunta na kami sa simbahan. Siyempre naiwan si Mama sa may bridal car. Ako naman andun, hinintay ko rin si Alex. Maya-maya dumaan na yun kotse nila tapos bumaba siya.

    "Hi.. Miss.."

    Alex: "Sira.."

    Humawak siya sa may braso ko tapos naghintay kami para tawagin nung coordinator.

    "Akala ko di mo na sisiputin yung kasal natin.."

    Alex: "Ano? Ewan ko sayo.."

    Sabay tawa siya.

    Nagsimula na yung kasal. Natuwa naman ako habang pinagmamasdan yung parents ko. Biro mo 30 years na rin sila.

    Papa: "Father.. Kayo ulit magkasal sa amin pag 50 years na kami ah.."

    Tumawa naman kami. Napatingin ako kay Alex sa kabila.

    Siya yung gusto kong iharap sa altar. Sana.

    Nung natapos na yung kasal, direcho kami dun sa may reception. May mga activities din saka mga pakulo. Mga 4 pm na natapos yun programme eh.

    Alex: "Sige.. Mauna na ko.. Nagpaalam na rin ako sa Mama't Papa mo eh.."

    "Wait.. May papakita muna ko sayo.."

    Alex: "Ha?"

    "Basta.. Tara.."

    Pumunta kami sa parking lot sa may kotse ko. Binilhan ako nina Mama't Papa ng Honda Accord nung Birthday ko.

    Pinagbuksan ko siya ng door.

    "Uh.. Teka.."

    Sabay kuha ko nung panyo ko.. Then tinakip ko sa mga mata niya.

    Alex: "Ano ba to? San ba tayo pupunta.."

    "Secret.. O Dahan-dahan ah.."

    Inalalayan ko siyang pumasok sa loob ng kotse.

    Alex: "Ano na namang pakulo to ah.."

    "Wait ka lang diyan.."

    Inistart ko yung kotse. Medyo malayo-layo na rin yung nadrive ko eh. Sana
    magustuhan niya yung hinanda ko.

    Alex: "Malayo pa ba.."

    "Malapit na.."

    Habang nagdadrive ako, napatingin ako sa may odometer. Eh nakita ko bigla yung temperature. Patay.

    Tinabi ko yung kotse.

    "Uh.. Wait lang. ah.."

    Lumabas ako at binuksan yung hood ng kotse. Patay kang bata. Nag-overheat!

    "Pano to?"

    Buti na lang merong malapit na gasolinahan. Pinarada ko dun tapos kinausap ko yung
    gumagawa dun.

    Sinilip ko si Alex dun sa kotse.

    "Lex.."

    Inalalayan ko siya pababa.

    Alex: "Ano na bang nangyayari ah?"

    Nagtawag ako ng taxi tapos binigay ko yung address nung pupuntahan namin.

    Maya-maya nagulat na lang ako tinanggal na ni Alex yung blindfold niya.

    Alex: "Uh.. Wait lang.. Akala ko nasa kotse mo tayo kanina? What's happening.."

    "We'll get there.. Ibalik na muna natin yung blindfold.. Please.."

    Tinatali ko na yung panyo ulit nang..

    *BOOM*

    Alex: "Wait.. Ano yuN??"

    Sabay alis na naman ni Alex sa blindfold.

    Dali-daling lumabas si Manong. Napalabas din ako. Pagtingin ko.

    "Oh no.."

    Manong Driver: "Naku.. Ser.. Siyensiya na po.."

    Kinuha niya yung spare tire sa likod.

    "Matatagalan pa yan ano.."

    Manong Driver: "Malapit naman na po yun dito eh.. Teka ho.."

    Nagtawag siya ng tricycle driver.

    Napatingin na lang ako kay Alex.

    Alex: "What an adventure.. Huh?"

    Ngumiti na lang ako.

    Ano ba naman to ah.

    Pinauna kong sumakay si Alex sa tricycle saka bumiyahe papunta dun sa pupuntahan namin.

    "Suot mo na yung blindfold uli.."

    Alex: "Fine.."

    "Ayan.."

    Alex: "Aray ko.."

    Nagulat ako biglang tumama si Alex sa may tuktuk nung tricycle, napadaan kasi kami sa may malaking hump dun.

    Tricycle Driver: "Dito na ho.."

    "Haay salamat.."

    Binigay ko yung bayad ko kay Manong. Medyo madilim na. Inalalayan ko siya papasok dun sa pupuntahan namin.

    "Diyan ka lang ah.."

    Alex: "Yes sir.."

    Dali-dali akong umalis at iniwan siya dun.

    Alex: "Oi.. Anong petsa na.. Kanina pa ko nandito.."

    Inalis ni Alex yung blindfold niya.

    Natulala si Alex habang pinagmamasdan yung place.

    Alex: "Oh. My.. Oh.. My.."

    "Some day, when I'm awfully low,
    When the world is cold,
    I will feel a glow just thinking of you
    And the way you look tonight

    You're lovely, with your smile so warm
    And your cheeks so soft,
    There is nothing for me but to love you,
    And the way you look tonight"

    Alex: "TOph?? Ikaw yan no.. San ka?"

    Dahan-dahang naglakad si Alex dunsa pathway na punung-puno ng rose petals.

    "With each word your tenderness grows,
    Tearing my fears apart
    And that laugh that wrinkles your nose,
    Touches my foolish heart.

    Yes you're lovely, never, ever change
    Keep that breathless charm.
    Won't you please arrange it?
    'Cause I love you
    Just the way you look tonight.

    With each word your tenderness grows,
    Tearing my fears apart
    And that laugh that wrinkles your nose,
    Touches my foolish heart"

    Alex: "Ano ba.. Nasan ka?"

    Pumasok siya dun sa may kubo.

    Napatigil si Alex nung nakita niya parang nakaframe na collage ng mga stolen shots niya
    na kinuha ko.

    Alex: "Ang.. Ang ganda.. Tooph? Nakakainis ka.. Magpakita ka na.."

    Nakatalikod nun si Alex nung lumapit ako sa kanya.

    "Yes you're lovely, never, ever change
    Keep that breathless charm.
    Won't you please arrange it?
    'Cause I love you
    Just the way you look tonight.

    With each word your tenderness grows,
    Tearing my fears apart
    And that laugh that wrinkles your nose,
    Touches my foolish heart"

    Humarap sa akin si Alex, binigay ko sa kanya yung isang bouquet ng white roses.

    Sobrang ngiti si Alex nung kumakanta ko. Lumapit ako sa kanya. Tapos tinignan ko siya sa mata niya.

    "Yes you're lovely, never, ever change
    Keep that breathless charm.
    Won't you please arrange it?
    'Cause I love you
    Just the way you look tonight.
    Just the way you look tonight.
    Darling
    Just the way you look tonight"

    Kinuha ko yung right handa niya tapos pinatong ko sa chest ko.

    "Alam mo kung anong sinasabi nitong puso ko.. Alam mo na ikaw lang ang nagpapatibok diyan.. Ms. Alexandra Mercado Santillan, will you be my bestfriend, my partner.. my girlfriend?"

    Di nakapagsalita si Alex.

    Kinakabahan ako sa isasagot niya.

    Hinawakan niya yung face ko.

    Alex: "Yes.. Yes.. And a million more YES.."

    Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

    Sobrang saya ko.

    Sobra.

    "I love you.."

    Hinintay ko yung sasabihin niya.

    Alex: "I've always loved you.."

    "Alam ko hindi maganda ang naging simula nitong gabing to.."

    Tumawa si Alex.

    Nagulat na lang ako biglang gumalaw yung cottage. Inalis pala nung manager yung tali. Kaya nagfofloat na yung sinasakyan namin sa tubig.

    Alex: "Okay lang yun.. It's not about how you started it.. It's about how you end it.."

    Ngumiti ako.

    Nagkatinginan kami sa mga mata.

    Bumilis yung tibok nung puso ko.




















































    Pinikit namin yung mga mata namin.. tapos..






































    We kissed..







































































    Our very first kiss..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:13 pm

    Chapter 100:

    Ilang linggo.. Ilang buwan ang lumipas. Mahigit isang taon na kami ni Alex. Eh hem. ni 'hon' pala. Naks. Yan na yung tawagan namin. Nasanay na rin ako. Pero minsan pag trip kong asarin siya, tawag ko sa kanya 'isaw' o kaya naman 'babes'. Asar na asar pag yun yung tinatawag ko sa kanya eh.

    Nakakadalawang pasko, dalawang bagong taon, dalawang valentines na kaming magkasama. Siyempre memorable lahat yun, lalo na yung unang Christmas na kami na. Eh may reunion pala sila pag December 24. Inimbitahan ako ni Alex. Grabe. Para akong
    ininterview sa The Buzz. Lahat ng mga tita, lola saka mga pinsan niya panay interview sa akin. Naintriga sila sa akin kasi siyempre first boyfriend nga ako ni Alex.

    Tawang-tawa si Alex kasi napasubo ko. Pano eh hinila ba naman ako nung isang lola niya para magballroomdancing?? Eh parehas pa namang kaliwa ang paa ko. Naku po.

    Nung Unang Valentines Day namen, may pasok kaya magkasama kami nun...

    [Flashback]

    Sa Canteen..

    Alex: "Up to what time class mo?"

    "Hanggang 4 bakit?"

    Alex: "Wala lang.. Ako din hanggang 4.."

    "Hon.. Di pala kita maihahatid maya kasi may lakad pa ko eh.."

    Alex: "Ha? Uh.. Sige.."

    Tumingin ako sa watch ko.

    "Sige.. Mauna na ko sa class ko.."

    Ngumiti ako.

    "Ingat.."

    Alex: "Sige.. Bye.."

    Huminga si Alex ng malalim sabay bulong.

    Alex: "Haay.. Di man lang nag-greet ng Happy Valentines Day man lang.."

    Pag-uwi ni Alex sa bahay..

    Alex: "Hi.. Manang.."

    Manang Delia: "O.. Mu~g pagod na pagod ka.."

    Alex: "Medyo.."

    Dumirecho si Alex papunta sa kwarto niya.

    Alex: "Uh.. Bat nakalock to? Di ko naman nilock to kanina ah.."

    Sabay hanap ni Alex sa susi niya.

    Binuksan ni Alex yung pinto sabay bukas ng ilaw.

    Alex: "Uh.."

    Biglang napatawa si Alex.

    Alex: "Nako.. Yun talaga o.. Kahit kailan.."

    Punung-puno ng red roses yung kwarto ni Alex.

    "Happy Valentines Day.."

    Napalingon si Alex agad sa likod. Dun kasi ako sa may likod ng pinto.

    "You like it?"

    Alex: "Of COurse.."

    Sabay lapit niya sa akin at yakap sa akin.

    "Nakalagay na sa kwarto ko agad yung binigay mo sa aking painting kanina.."

    Binigyan niya ko ng painting naming dalawa. Ganda nga eh.

    "Oo nga pala.. May dala ko.."

    Alex: "Ha? Ano.."

    Sabay labas ko ng DVD ng 50 first dates. Di pa kasi namin napapanood yun. Eh sabi niya,
    sa Valentines Day na lang namin panoorin ng sabay.

    Alex: "Tara, dun tayo sa living room.. Nandun yung dvd player eh.."

    Pagkalagay ni Alex ng DVD umupo at tumabi siya sa akin sa may sofa.

    Sumandal siya sa may kaliwang braso ko.

    Sabay kiniss ko siya sa forehead.

    [/end of flasback]

    Di ko rin makakalimutan yung first anniversary namin. Yun ang malupet. Pano ba naman? Eh hindi kami magkasama nun. Kasi Sunday yun. Eh magmula nung friday, wala sila ng family niya. Nagpunta silang Cebu, kasi namatay yung lolo niya. Monday pa yung balik nila.

    [flashback ulet]

    Nasa living room ako, nanonood ng TV. Mga 11:00 na nun.

    Marielle: "O kuya.. Di ka pa matutulog?"

    "Di pa ko inaantok eh.. Kaw matulog ka na.. Panay puyat mo na eh.."

    Marielle: "Dami kasi projects sa school.. Sige, good night.."

    Panay lipat ko ng channel. Nung mga 5 minutes bago mag-12. Kinuha ko na yung cellphone ko.

    "5.. 4.. 3.. 2.. 1.."

    Dali-dali kong dinial yung number ni Alex.

    RIING...

    "Happy Anniversary.. Hon.."

    Alex: "HOOOOOON!! Ang daya mo. Naunahan mo ko ah."

    "One Year na pala."

    Alex: "Oo nga eh.. Ang bilis ng panahon no?"

    "Miss na kita.."

    Alex: "3 days pa lang eh.."

    "Siyempre.."

    Alex: "Sayang di man lang tayo magkasama sa first year anniv natin.."

    "Di na natin magagawa yung sabi natin dati na magsisimba tayo ng sabay.."

    Alex: "Okay lang yun.. Simba pa rin tayo.. Magpasalamat pa rin tayo na.. Naka-one year na tayo.."

    "Naks.."

    Alex: "One year na pala kitang pinagtitiyagaan.."

    "Ouch naman.."

    Alex: "Uuuy.. Nagtampururot ka naman.. One year na kitang pinagmamalaki.. Naman.."

    "Kinikilig ako.. Hon.."

    Alex: "Haha.. Sira.. Sige.. Baka magising na sila.. Nasa kabila lang sina Mommy eh.. Baka mabulabog ko.."

    "Sige.. Good night.."

    Alex: "Night.."

    "Hon?"

    Alex: "why?"

    *Silence..*


























    "I love you.."

    Alex: "Love you too.."

    Nung sumunod na Sabado, niyaya ko si Alex lumabas.

    Alex: "San ba tayo pupunta ah?"

    "Basta.. Siyempre.. Kailangan bumawi ako.. Tara.."

    Lumabas kami agad ng bahay nila.

    Alex: "O San kotse mo.."

    "Wala eh.. Magcocommute tayo.. Adventure to.."

    Alex: "Ha? Sige.. Kaw bahala.."

    Naglakad lang kami palabas ng Village nila tapos pumunta sa may MRT sumakay kami ng MRT papuntang Quezon Ave.

    Alex: "Pupunta tayong school?"

    "Secret.."

    Naghintay kami ng jeep dun.

    Alex: "Ano bang klaseng jeep ang hinihintay mo ha? Ang daming bakanteng jeep diyan o?"

    "AYan na pala o.."

    Sabay sakay namin sa loob.

    Alex: "Uh.. Bat tayo lang pasahero? Kakatakot ah.."

    Ngumiti ako.

    "Di mo ba alam kung anong jeep to?"

    Alex: "Ha? May sakit ka ba?"

    "Dito ka kita unang nakita.."

    Alex: "Ooowws? Imbento ka ata ah.."

    "Promise.. Di ba manong?"

    Sabay lingon naman ni Manong driver.

    "Namukhaan ko siya nung isang araw eh.."

    Alex: "Seryoso?"

    "Oo. Kaya.. May significance tong jeep to sa ating love story.."

    Sabay tawa si Alex.

    Binaba kami ni Manong Driver sa may Philcoa tapos pumunta na kaming UP.

    Alex: "San naman tayo pupunta ngayon?"

    Dinala ko siya sa may isawan.

    Alex: "Kakain lang tayo ng isaw?"

    "Hinde naman.. Bibili tayo.. Di ba favorite mo yan? Saka yan ata yung unang kinain natin dalawa dati eh.."

    Ngumiti lang ako.

    Bumili kami ng isang dosena tapos..

    "Teka.. pikit ka muna.."

    Alex: "Ganun?"

    Tapos dahan-dahan ko siyang inalalayan papuntang lagoon. Maganda dun madaming
    puno saka mahangin.

    "Ayaan.. Sige.. Okay na.."

    Alex: "Woow.. Ikaw gumawa nito?"

    "Medyo.. May mga konting kasabwat ako.."

    Sabay upo ni Alex dun sa mat.

    Alex: "Ang saya naman picnic.. first time ko to.."

    Tinabihan ko siya sa pag-upo.

    "Pasensiyahan mo na yung iba diyan ah. Kasi.. Uh.. Ako nagluto kaya.. Di gaano.. Alam mo na.. kasarap.."

    Ngumiti si Alex.

    Alex: "Sus.. Kahit isaw nga lang.. kuntento na ko.."

    Dun lang kaming dalawa hanggang mga hapon. Mga 3 pm nag-ayos na kami.

    "Tara.."

    Alex: "O bat nandito na kotse mo?"

    "Sabi ko sayo.. May mga kasabwat ako.."

    Alex: "Asus.."

    Nilagay ko yung mga gamit sa likod.

    Alex: "So uwian na?"

    Sabay kindat ko sa kanya.

    Hinawakan ni Alex yung pisngi ko.

    Alex: "You never fail to surprise me.."

    Nagdrive ako hanggang baywalk sa Roxas Boulevard tapos pinarada ko sa may gilid.

    Umupo kami dun sa may mga bench dun.

    Tumingin ako sa watch ko.

    "Ayan na.. malapit na.."

    Alex: "Anong malapit na?"

    "Di ba sabi mo? Gusto mo makapanood ng sunset.."

    Kinuha ko at sabay hinawakan yung kamay nya.

    "Gusto ko.. Sabay natin panonoorin.."

    Alex: "Ang ganda pala talaga.."

    "OO nga.."

    Biglang napansin ko nakatitig sa akin si Alex.

    "O bat ganyan ka makatingin.."

    Alex: "Thank you.."

    Sabay sandal niya sa balikat ko habang pinapanood namin yung sunset.

    [/end of flashback]

    Marami nang nangyari sa mahigit isang taon na yun.

    Akala ko okay na lahat.

    Pero minsan may mga bagay na lang na di mo inaasahan..

    Mga bagay na nangyayari na babago sa takbo ng buhay natin...









































































































































































































































    at yun ang kinagulat ko..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:17 pm

    Chapter 101:

    Dali-dali akong tumakbo papasok ng kotse ko. Biglang lakas ng ulan. Buti na lang suot ko
    yung jacket ko. Naiwan ko yung payong sa loob ng car eh. Nag-take out ako ng food namin ni Alex. Nagparada ako sa labas ng Makati Med. Dumirecho akong I.C.U. Nandun sa labas si Alex. Nakasandal sa wall. Tulog.

    Tinabihan ko siya't tinignan.

    "Hon.."

    Maya-maya nagising na siya.

    Ngumiti ako.

    "Tara.. Kain ka muna.."

    Nilabas ko yung burger na binili ko.

    Tahimik lang niyang kinain yung sa kanya.

    "Don't worry everything will be alright.."

    Tumingin siya sa akin sabay ngiti.

    Mahigit isang linggo na nasa I.C.U yung mom ni Alex. Nahihirapan nga akong makita siyang ganun. Pag malungkot siya, siyempre malungkot din ako.

    Kinuha ko yung kanang kamay niya.

    "Dito lang ako.. Di kita iiwan.."

    Maya-maya dumating si Kuya Tristan. Bumalik siya sa Pinas three days ago.

    Kuya Tristan: "Kanina pa kayo dito.. Ako na muna magbantay sa kanya.. Lex, matulog ka muna sa bahay.."

    Alex: "Ayaw ko.. Dito na lang muna ko.."

    Kuya Tristan: "Tignan mo nga yang mga mata mo.. Mugto na o.. Please.. Pahinga ka muna.. Ayokong pati kaw.. may mangyari pa.. Toph, pakihatid naman siya o.."

    "Oo naman.. Uh.. Alex?"

    Tumayo si Alex at sabay kaming pumuntang parking lot. Pinayungan ko siya papuntang kotse ko. Sobrang lakas ng ulan. Mu~g may bagyo pa ata.

    Tumingin lang si Alex sa may bintana sa labas.

    Di ko maatim na makita siyang ganito. Inistart ko yung kotse.

    Biglaan nga lahat ng nangyari. Parang kailan lang nung grumaduate si Alex. Sobrang saya ko nung nakita kong tanggapin niya yung diploma niya. Saka proud ako dahil crush ^^ laude ata tong si 'hon'. Pero ilang araw matapos nun, sinugod sa ospital yung mom niya.

    Magkasama kami nung time na yun nung tumawag yung dad niya. Dali-dali kaming nagpuntang ospital agad.

    "Lex.."

    Lumingon siya sa akin.

    "Are you okay?"

    Alex: "I guess.."

    "Ang lakas ng ulan ah.."

    Paliko na kami sa bandang kanan nang..

    May nakasalubong kaming FX..

    Dali-dali kong iniwasan agad..

    *SCREEEEEEEEEEEEEECCCCCCCCCH*

    Alex: "Toph?! TOph!!"

    Di ko lam kung ano na nangyari. Basta naramdaman ko na lang yung pagtama ng ulo ko.

    Wala akong maramdaman. Puro boses lang yung naririnig ko. Di ko pa masyado maintindihan. Di ko alam kung nananaginip ba ko o ano.

    Alex: "Hon.. Please.. Do you hear me?!"

    Nurse: "Miss.. Sa labas na lang po muna kayo.."

    Sabay sarado ng pintuan ng emergency room.

    Dumating si Kuya Tristan.

    Kuya Tristan: "Lex, what happened.."

    Niyakap agad ni Alex si Kuya Tristan. Iyak ng iyak.

    Alex: "Ano bang nangyayari.. kuya.. Di ko na alam.. First, mom.. then.. him.. I cannot afford to lose them.. I can't.."

    Kuya Tristan: "Tahan na.. He'll be fine.. Both of them.."

    Naghintay yung dalawa sa labas ng emergency room. Mahigit isang oras din halos. Maya-maya lumabas din yung doctor.

    Kuya Tristan: "Doc.. Ano pong nangyari.."

    Doctor: "Let's wait for a few hours.. Medyo maraming nawalang dugo sa kanya.. Saka malakas ang naging tama niya sa head.. Kaya we are not sure kung anong magiging response niya after the operation.."

    Nilabas ako mula sa emergency room papunta sa isang kwarto.

    Tahimik na pumasok si Alex at Kuya Tristan sa loob. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung kanang kamay ko.

    Alex: "Pagaling ka ha.. Please.."

    Hinawakan ni Kuya Tristan si Alex sa balikat.

    Alex: "Hon.. I love you.. Sobra.."

    Maya-maya nagring yung phone ni Kuya Tristan.

    Kuya Tristan: "Hello? O.. Dad.. Uh.. Okay.. We'll be there.. Lex, si Mom.."

    Pumunta agad yung dalawa sa room naman ng Mom ni Alex.

    Alex: "Dad, what happened.."

    Dad ni Alex: "Kinausap ko si Fred (doctor friend nung mom nina Alex).. It's been more than a week na nasa I.C.U siya.. Critical na yun.. The last resort he recommended was Dr. Winston na kinausap ko na rin kanina through phone.. Meaning we're going back to California.. In 3-4 days siguro.. ang alis natin.. Aayusin ko lang ang pagtransfer ng mom niyo.."

    Maya-maya umalis yung dad ni Alex at umuwi sa bahay para asikasuhin pa yung pag-alis nila.

    Kuya Tristan: "Lex?"

    Nakaupo lang si Alex sa labas ng I.C.U. Tulala.

    Maya-maya biglang tumulo yung luha ni Alex.

    Alex: "Anong gagawin ko, kuya.. Pano si Toph? I can't leave him like this.. But I have to be with Mom.."

    Kuya Tristan: "Di ko lam kung anong sasabihin ko.. Pero minsan ganun talaga.. kailangan natin mamili.."

    Sinilip ni Alex yung mom niya sa may pinto sa labas.

    Sabay hawak naman niya dun sa necklace na binigay ko.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:21 pm

    Chapter 102:

    Kuya Tristan: "Lex.. Lex.."

    Ginising ni Kuya Tristan si Alex. Nakatulog siya dun sa may couch sa tabi ng kama ko.

    Alex: "Uh.. Ku-kuya.."

    Kuya Tristan: "Breakfast mo o.. Kamusta na siya.."

    Alex: "Thanks.."

    Sabay hinga siya ng malalim.

    Alex: "Di pa siya nagigising eh.."

    Kuya Tristan: "Three Days from now na ang alis natin.."

    Alex: "I know.. Nakausap ko na rin sina Marielle.. Sabi nila.. Kung sakali.."

    Sabay tingin sa akin.

    Alex: "Maiintindihan naman niya yun.. Pero ang kinakatakot ko.. pano kung.. di sya.."

    Kuya Tristan: "Lex.. Wag ka mag-isip ng ganyan.."

    Alex: "Di ko alam kung kailan ako makakabalik.."

    Sabay hawak niya sa kamay ko.

    Alex: "Hon.. sana bago ko umalis.. magaling ka na ha.. please.. di ko maatim na umalis na ganito ka.."

    Kuya Tristan: "Teka, may saglitin lang ako sa labas ah.. Okay ka lang ba dito?"

    Alex: "Okay lang.."

    Lumabas si Kuya Tristan sabay sarado ng pinto. Tumayo naman si Alex sabay pasok ng C.R.

    Dahan-dahan kong binuksan yung mata ko. Nung una sobra kong nasilaw dun sa lights, kaya napapikit ako ulit. Pagtingin ko, nasa kwarto ko. Walang tao.

    Biglang bumukas yung pinto sabay pasok ni..

    Mama: "IHO!!"

    Sabay lapit sa akin ni Mama tapos may kasama siyang doctor? Uh. Malamang nasa ospital ako.

    Mama: "Diyos ko.. Salamat po.. Anong pakiramdam mo?"

    "Me-medyo mabigat ang pakiramdam ko. Ano bang nangyari? Si.. Si Alex?"

    Ngumiti si Mama.

    Mama: "Don't worry.. she's fine.. kanina lang andito yun ah.. Teka.."

    Biglang bumukas yung pintuan ng C.R.

    Napatingin sa akin si Alex. Natigilan siya. Tapos bigla na lang siyang umiyak.

    "O, bat ka umiiyak?"

    Tapos lumapit si Alex.

    Alex: "Kasi.. ikaw eh.."

    Mama: "Naku, panay ang bantay niyan sayo ah.."

    "Siyempre. Mahal na mahal ata ako niyan. Halika ka nga dito.."

    Sabay lapit sa akin ni Alex tapos pinunasan ko yung luha niya.

    Lumapit sa akin yung doctor tapos chineck yung vital signs ko.

    Doctor: "Mu~g okay ang operation ah.. Pahinga ka muna ngayong araw.. Bukas, makalawa.. kung okay na.. pwede ka na makalabas.."

    Ngumiti ako.

    Mama: "Wait lang.. Tatawagin ko lang Papa mo pati si Marielle.."

    Sabay labas si Mama sa kwarto sabay sunod na rin nung doctor.

    "Sorry.."

    Alex: "San?"

    "Nag-alala ka pa sa akin.Dumagdag pa ko sa iisipin mo.."

    Alex: "Ano ka ba.. Ang mahalaga okay ka na.."

    "Mom mo? Kamusta.."

    Biglang tumahimik si Alex.

    "Lex?"

    Huminga siya ng malalim.

    Alex: "We're leaving.."

    "Ano? Teka.. San?"

    Alex: "Dadalhin namin si Mom sa States.. Dun sa doctor friend ni Mommy..."

    Ngumiti ako.

    "Bakit? Inaalala mo ba ko? Okay lang.. Para sa Mom mo yun eh.."

    Alex: "Kasi.. Baka magtagal kami dun.. Dun na rin magpapagaling si Mommy.. Lahat.. Pwedeng.. weeks.. months.."

    Natigilan ako.

    "Natatakot ka ba para satin?"

    Hinawakan ko yung kamay niya.

    "Everything will be fine.. Trust me.."

    Ngumiti lang si Alex.

    Nakalabas ako ng ospital, kinabukasan. Nagpahinga lang din ako sa bahay ng buong araw, pag-uwi.

    Nung sumunod na araw, gumising ako ng maaga. Nung una ayaw akong paalisin ng bahay nina Mama.

    "Bukas na yung alis nila.."

    Dumirecho ako sa ospital para samahan si Alex.

    Alex: "Uy.. Dapat nagpapahinga ka ngayon ah.."

    "Sobrang pahinga na nga yun eh.. Saka.. gus.. gusto kitang makasama eh.. bukas na yung.."

    Sabay hawak ni Alex sa kamay ko at sandal sa shoulders ko.

    "Baka di ko makayanang makita kang paalis sa airport.. Yung parang sa mga movies.."

    Alex: "Sira ka talaga.. Di ka rin, naman makakasama kasi may class ka.."

    "Lagi kang mag-iingat dun ah.. Yung gamot mo.. lagi mong dalhin.."

    Alex: "Opo.."

    Sabay tawa.

    Buong maghapon lang kaming nasa ospital, nagbabantay. Nung mga 5 pm, dumating si Kuya Tristan.

    Kuya Tristan: "Lex.. uwi ka na.. Maghanda ka na ng gamit mo.."

    "Hatid na kita.."

    Pagdating namin sa kanila..

    "Brownout ba?"

    Alex: "Oo nga.. Bat ang dilim?"

    Pagpasok namin, dahan-dahang umilaw yung pathway papupuntang garden nila sa likod.

    Sabay tingin sa akin ni Alex.

    Alex: "Hon??"

    Ngumiti lang ako.

    "Shall we?"

    Sabay abot ko sa kanya nung braso ko. Naglakad kami papuntang garden nila.

    "Candlelight dinner for two?"

    Alex: "Aba.. May ganito talaga ah.."

    Pinaupo ko siya tapos kumain kami nung food na pinahanda ko. Kakuntsaba ko dito
    yung utol niya.

    Tawanan lang kaming dalawa. Nagsusubuan pa nga kami eh.

    Nung biglang nagpalit yung music (instrumental), niyaya ko siyang sumayaw.

    "May I have this dance.."

    Tumayo si Alex sabay abot ng kamay niya.

    Pumwesto kami sa gitna ng garden nila.

    "Isa to sa favorite mo di ba?"

    Alex: "Alam na alam ah.."

    "You always ask me
    Those words i say
    And telling me what it means to me

    Every single day
    You always act this way
    For how many times i told you
    I love you
    For this is all i know"

    Ngumiti si Alex. Sabay kaming kumanta.

    "Come to me and hold me
    And you will see
    The love i give
    For you still hold the key

    Every single day
    You always act this way
    For how many times i told you
    I love you
    For this is all i know"

    Hinawakan ko yung face niya. Tapos pinunasan ko yung papatak na luha sa left eye niya.

    "I'll never go far away from you
    Even the sky will tell you
    That i need you so
    For this is all i know
    I'll never go far away from you

    Come to me and hold me
    And you will see
    The love i give
    For you still hold the key

    Every single day
    You always act this way
    For how many times i told you
    I love you
    For this is all i know.."

    Kinuha ko yung kamay niya sabay patong sa chest ko.

    "Hon.. Sana alam at nararamdaman mo yung sinasabi nito.. Mahal na mahal kita.. Distance will never change that.."

    Niyakap ko siya ng mahigpit..











































    na parang walang bukas..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:27 pm

    Mahigit isang taon na yung lumipas. Parang kailan lang nung umalis si Lex kasama yung pamilya niya.

    Nung una, parehas kaming nag-adjust kasi medyo nasanay din kaming laging nagkikita o magkasama. Pero kahit papano, okay pa rin naman kaming dalawa. Tawagan pa rin. Kahit medyo gabi na kung tumawag ako sa kanya para lang makausap siya. Saka madalas pa rin naman magkachat kami pag may oras kaming dalawa.

    Ang pinakamahalaga medyo okay na yung mom niya. Pero tuloy pa rin yung therapy niya hanggang ngayon. Dahil na-stroke yung mom niya. Medyo nahirapan ako para sa kanya kasi wala ako sa tabi niya pag nakikita niya yung mom niya na ganun.

    Awa ng Diyos, okay na naman lahat. Minsan gusto ko itanong sa kanya kung kailan siya babalik pero ayokong isipin niya na minamadali ko siya.

    Ako? Eto. Kakagraduate ko lang nung March at kakapasa ko lang din ng board exam nung June. Nagsimula na kong magtrabaho sa silang telecommunications company dito rin sa Makati bilang junior engineer.

    RIIIIINNGG!

    "Hello?"

    Marielle: "Kuya?"

    "O? Napatawag ka.."

    Marielle: "San ka?"

    "Naglulunch.. Break ko eh. Bakit?"

    Marielle: "Uy. Mamaya ha. Kain tayo sa Villa Adore. Dinner."

    "Ah. Ganun ba? Anniversary nga pala nina Mama no.. Sige.."

    Si Marielle. 2nd year college na rin siya ngayon sa UST. Medtech naman. May boyfriend na rin si Marielle ngayon si Warren. Mabait naman yung tao. Kaya okay na rin siya sa akin, di na rin naman ako masyadong strict sa kanya kasi malaki na rin
    siya saka may tiwala naman ako dun. Yun laging sabi sa akin ni Alex nun eh.

    Trust.

    Tiwala.

    Kaya rin siguro nagtagal kaming dalawa ni Alex, kahit ilang kontinente pa yun layo namin.

    Lumabas ako kasama ko yung officemate ko at bumalik na kami sa opisina. Tuloy pa rin ang trabaho. Medyo magaan pa lang naman yung mga ginagawa ko kasi tinetrain pa lang din ako.

    Karamihan din naman ng kabatch ko nagtatrabaho na rin. Maliban kay Stephen, pagtapos niyang makapasa sa board exam sumunod na siya sa pamilya niya na nagmigrate na sa Canada.

    Pakiramdam ko, lahat ng tao umaalis. Pero ganun naman talaga, parte ng buhay ang pagbabago.

    Nung mga 5 pm na nag-ayos na ako ng gamit, at dumirecho sa kotse. Anniversary nina Mama't Papa.

    Anniversary din namin ngayon.

    Four Years na kami.

    At kahit ganito ang sitwasyon namin ngayon, masaya pa rin ako.

    Sana nga lang nandito siya sa tabi ko.

    Sana.

    Inistart ko yung kotse at nagdrive papuntang Villa Adore. Pagdating ko dun, bago ko bumaba ng kotse sinubukan kong tawagan si Marielle. Pero walang sumasagot.

    Bumaba na rin ako at pumasok sa loob ng restaurant. Tinignan ko kung nasan sila. Pero mu~g di pa ata dumadating.

    Biglang may lumapit sa aking babae.

    Receptionist: "Sir, may I help you?"

    "Is there any reservation for Delgado Family.."

    Tapos may tinignan siya tapos..

    Nginitian niya lang ako.

    Receptionist: "Yes sir. Sa rooftop po.. This way sir.."

    Tinuro niya sa akin yung stairs tapos umakyat ako. Pagdating ko dun, ang ganda ung view. Pero wala pa rin sina Mama't Papa.

    Walang tao.

    Pumunta ako dun sa may terrace overlooking lahat.

    Kitang-kita yung buwan pati yung mga stars.

    "Sana kasama ko siya.. Kailan kaya babalik yun.."

    Tapos narinig ko bumukas yung pinto.

    Malamang sila na yun.

    "Kanina ko pa kayo hinihin---"

    Paglingon ko..

    Bumilis yung pagtibok ng puso ko.

    Parang tulad ng dati.

    Pinikit ko yung mata ko.

    Baka naman nananaginip lang ako eh kakaisip sa kanya.

    Pagbukas ko ng mata ko, nasa harap ko na siya mismo.

    Dahan-dahan kong hinawakan yung face niya.

    Biglang nag-clap siya.

    Alex: "Huy! Ano ka ba? Para kang nakakita ng multo diyan.."

    Sabay suntok sa braso ko.

    "Totoo ba to?"

    Alex: "Tama na.. O.A ka na ha.."

    Sabay tawa.

    Niyakap ko siya ng mahigpit.

    "Namiss kita.. Namiss ko yung ganito.."

    Alex: "Ako rin.. Kaya nga kahit kakarating ko lang kanina, dumirecho agad ko dito."

    "Bat di ka man lang nagsabi.."

    Alex: "Kaya nga surprise eh.. Sinabihan ko si Marielle na wag sabihin sayo.."

    Tinitigan ko siya.

    Alex: "O bat ka ganyan makatingin.."

    "Wala.. Sa wakas, di puro sa picture na lang ako nakatingin.."

    Alex: "Tsk..Tsk.. Siguro, pati picture ko kinakausap mo din no?"

    "Hindi naman.. Medyo.."

    Sabay tawa kaming dalawa.

    Alex: "Alam mo, sa totoo lang, natakot ako.."

    "Bakit naman.."

    Alex: "Baka kasi.. ano.. di ba mahirap ang long distance relationship.. baka makanahap ka ng iba.. basta.."

    "Ang paranoid mo talaga.."

    Alex: "Totoo naman di ba.. di natin alam ang pwedeng mangyari.."

    "Eh ano bang nangyari.."

    Ngumiti siya.

    Alex: "Tayo pa rin.."

    "Halika ka nga dito.."

    Sabay akbay ko sa kanya.

    "Ayan ah.. Witness yang buwan saka lahat ng bituin.."

    Huminga ako ng malalim.

    Sabay sigaw ko.

    "Mahal na mahal ko si Ms. Alexandra Santillan!!"

    Alex: "Ano ka ba.."

    "Ikaw kasi eh.. Alam mo.. Dapat tandaan mo.. na hindi kita pagpapalit kahit kanino.. Saka.. Bat pa ako maghahanap ng iba kung nakita ko na yung matagal ko nang hinahanap.. Ako nga rin.. kinabahan ako baka may makitang kano dun eh.."

    Alex: "Sus naman.. Eh sa gwapo ba naman, sa sobrang bait, at lahat lahat na ng boyfriend ko.. Kuntento na ko.."

    "Naks naman.."

    Sabay tawa kaming dalawa.

    "Alam mo dati pinagdadasal ko kay Lord.. Sana ikaw na.. Sana ikaw na.. Pero ngayon alam ngayon hindi na.."

    Alex: "Ha?"

    Ngumiti ako.

    "Sabi ko.. Lord, Siya na po."

    Sabay yakap niya sa akin.

    "Ano.. tara kain na tayo? Kaya pala dalawa lang yung upuan ah.."

    Alex: "Siyempre.. Pero teka lang.."

    Sabay hawak niya sa kamay ko.

    Alex: "Gusto ko lang malaman mo .. kung gano ko kasaya na nakilala kita.. at naging parte ka ng buhay ko.. Happy Anniversary.."

    Sabay abot niya sa kin nung box.

    Pagbukas ko, keychain tapos may nakanengrave na pangalan naming dalawa tapos sa likod. Yung date kung kailan naging kami tapos may nakasulat na

    Destiny.

    Kiniss ko siya sa forehead.

    "I love you.."

    Alex: I love you.."

    Sabay tingin ko sa kanya sa face.

    Nagkalapit yung mukha namin.
































    Then I kissed her.




























    Under the moon and the stars.







































    Like it was our first.
















    ....THE END....


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 11:28 pm

    wooo natapos din...almost 11:30 pm na...wahahah


    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17668

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by  on Sat Mar 21, 2009 12:08 pm

    matindi to mag spam cheers


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Sat Mar 21, 2009 12:17 pm

    oo na matindi ako mag spam, spammer ako

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17668

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by  on Sat Mar 21, 2009 12:19 pm

    [FM] LyLe wrote:oo na matindi ako mag spam, spammer ako

    buti inamin mo


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Sat Mar 21, 2009 12:46 pm

    ^
    ^
    kung spammer nga aq

    anu ka naman

    wahahah


    Last edited by [FM] ZycHe on Sat Mar 21, 2009 1:32 pm; edited 2 times in total

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17668

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by  on Sat Mar 21, 2009 1:29 pm

    [FM] LyLe wrote:^
    ^
    multiple posting, who cares

    wahahah

    takte to bawal yan, ako mod d2


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .
    Expert
    Expert


    Number of posts : 2205
    Points : 8274

    default Re: torpe

    Post by . on Sat Mar 21, 2009 2:43 pm

    ayokong basahin ung torpe, baka makarelate ako

    SOULBREAKER.o17ü
    Resignin
    Resignin

    Totally ADDiCTED!!

    Totally ADDiCTED!!

    Number of posts : 4361
    Points : 12940

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by SOULBREAKER.o17ü on Sat Mar 21, 2009 3:42 pm

    .,mahaba pla e2..okay lng yan. kaya ko to! Very Happy

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Sun Mar 22, 2009 9:57 am

    mas mahaba ung guitara pam


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10604

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by .bad cheetah. on Sun Mar 29, 2009 10:27 pm

    ahaha!
    natapos ko din ung torpe...
    sa wakas!

    tama ka amiel,
    baka makarelate ka pag binasa mo!
    jowklang...
    ahaha!

    'torps'!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 30, 2009 3:04 pm

    wahahah..mganda db giel/^^


    c torps b??^^


    .
    Expert
    Expert


    Number of posts : 2205
    Points : 8274

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by . on Mon Mar 30, 2009 6:58 pm

    5...dahil sa title

    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10604

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by .bad cheetah. on Mon Mar 30, 2009 8:45 pm

    wahahahaha!

    nice 'torps'...
    ahaha!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 30, 2009 10:55 pm

    idol ko nga c torps e

    biruin mu gumastus xa para lang s 20 reasons^^,


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10604

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by .bad cheetah. on Tue Mar 31, 2009 11:05 am

    ah...
    uo nga eh!

    20 teddy bears...
    ahaha!

    puno na siguro kwarto ni larisse...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 31, 2009 11:49 am

    yep yep..tapos ung iba pang gift n natngap nya


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10604

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by .bad cheetah. on Tue Mar 31, 2009 10:00 pm

    kaya nga eh...
    gawin mu kaya un jj!
    ahaha... Smile

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12383

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 01, 2009 7:39 am

    geh gagawin ko tlga un


    jay-z020
    Bookkeeper
    Bookkeeper

    Number of posts : 95
    Points : 5742

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by jay-z020 on Thu Apr 02, 2009 11:03 pm

    hay...ano ba yan...
    ang dami ko pang di nababasa...
    sa susunod na nga lang...

    Sponsored content

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by Sponsored content Today at 12:22 pm


      Current date/time is Mon Dec 05, 2016 12:22 pm