Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Torpe [ A Story of Love ]

    Share

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    Total Votes: x

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:43 pm

    Chapter 50:

    Maya-maya tinawag na kami ni Hannah.

    Hannah: Gusto niyo bang mag-games sina ate at kuya? Eto na..

    Nagtawag siya ng isang bata dun para bumunot.

    Hannah: Ang unang nabunot ay si.. Kuya Jeffrey..

    Tapos bumunot ulit yung bata..

    Hannah: At ang partner niya ay si.. Ate Leila..

    Partner-partner pala. Nagtatawag si Hannah ng magpapartner. Ang tagal naman ako tawagin. Kinakabahan ako.

    Hannah: Ang next si ay si Kuya Stephen..

    Bumunot uli yung bata.

    Hannah: Ang partner naman niya ay si.. Ate Larisse.

    Napatingin sa akin si Stephen. Pumunta silang dalawa sa harapan.

    Hannah: Ang next naman ay si..

    Nagulat ako biglang umubo si Stephen. Ang lakas nga eh. Tapos humawak siya sa ulo niya.

    Stephen: Wait.. Di maganda pakiramdam ko.. Ang sakit ng ulo ko.. Pass muna siguro ko..

    Hannah: Naku.. Pahinga ka muna.. Ang next ay si Kuya Toph.. So.. Kayong dalawa na lang ni Larisse ang magpartner..

    Paglapit ko sa harap, nagkasalubong kami ng tingin ni Stephen. Kung di ako nagkakamali, kumindat siya. Aba. Masakit daw ang ulo ah?! Pakana na naman niya to.

    Hannah: So ang game natin ay newspaper dance.. Familiar na siguro sina Ate at Kuya sa game na ito.. Sasayaw sila pag may music tapos titigil at aapak sa dyaryo pag wala na.. Okay.. game na..

    Binigyan kami ng newspaper tapos nilagay namin sa gitna naming dalawa tapos nag-start na yung tugtog.

    Ha ha ha
    Pump it
    Ha ha ha
    And pump it (louder) [4x]

    Turn up the radio
    Blast your stereo
    Right

    N*ggas wanna hate on us (who)
    N*ggas be envious (who)
    And i know why they hatin' on us (why)
    Cause that's so fabulous (what)

    Nagulat ako nagstop. Tumapak kami agad sa newspaper.

    Hannah: Okay ah.. Sige tuloy natin.. Itupi niyo yung dyaryo ah.

    I'ma be real on us (c'mon)
    Nobody got nuttin' on us (no)
    Girls be all on us, from london back down to the us (s,s)

    We rockin' it (contagious), monkey business (outrageous0
    Just confess, your girl admits that we the sh*t

    Tumigil na naman. Ang bilis ah. Buti nakapak agad kami. Kaso may natanggal ng isang magpartner.

    F-r-e-s-h (fresh)
    D-e-f, thet's right we def (rock)
    We definite b-e-p, we rappin' it
    So, turn it up (turn it up) [3x]
    Cmon baby just,

    Pump it (louder) [6x]

    And say, oh oh oh oh
    Say, oh oh oh
    Yo, yo

    Tumigil na naman ulit. This time dalawa magpartner na ang natanggal.

    Larisse: Pano kaya to.. ang liit na lang nung dyaryo..

    "Kaya pa yan.."

    Turn up the radio
    Blast your stereo
    Right now
    This joint is fizzlin'
    It's sizzlin'
    Right

    (yo, check this out right here)
    Dude wanna hate on us (dude)
    Dude need'a ease on up (dude)
    Dude wanna act on up
    But dude get shut like flavor shut (down)
    Chicks say, she ain't down

    Biglang tinigil yung sounds. Nagulat ako biglang niyakap ako ni Larisse habang nakatiptoe siya. Napatingin ako kay Stephen. Todo ngiti na naman. This time, May natanggal na namang isa.

    Hannah: Si Kuya Jeffrey-Ate Leila at Ate Larisse-Kuya Toph na lang..

    But chick backstage when we in town (ha)
    She like man on drunk (fool)
    She wanna hit n' run (errr)
    Yeah, that's the speed
    That's what we do
    That's who we be
    B-l-a-c-k -e -y-e-d-p to the e, then the a to the s
    When we play you shake your ass
    Shake it, shake it, shake it girl

    Pagkatigil, ang unang pumasok sa isip ko umapak dun sa dyaryo. Tapos binuhat ko si Larisse tapos saka ako nagtiptoe kasi aapak yung sapatos ko pag nagkataon.

    Okay na sana eh.. Kaso.. Kaso..

    "Te-Teka.. Di ko na ka-kaya.. "

    Hannah: Aaay.. Out.. Panalo si si Kuya Jeffrey saka Ate Leila..

    "Pasensiya na.. Naout of balance kasi ako eh.. baka kasi mahulog ka pag di ako umapak sa ground.."

    Ngumiti si Larisse.

    Larisse: Okay lang yun no..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:46 pm

    Chaper 51:

    "Haay.. Buti nakapag-aral ako kagabi.. Biruin mo may quiz?"

    Stephen: Oo nga eh.. Saka biruin mo.. niyakap ka niya nung sabado?

    Napatingin ako kay Stephen.

    "Sus. Ano ka ba? Baka may makarinig sayo ah.."

    Stephen: Iba ka na pare. Umaariba ka na.

    "Ewan ko sayo.."

    Stephen: Oo nga pala.. Sa Wednesday, manlilibre ako.. Enchanted Kingdom tayo.. Kasama sina Hannah..

    "Ba't anong meron?"

    Stephen: Wala lang..

    Ginulo ko yung buhok ni Stephen.

    Stephen: Teka.. Kakaayos ko lang eh..

    "Kala mo naman nakalimutan ko.. Birthday mo na tsong ah.. Tumatanda na ang bestfriend ko ah.."

    Stephen: Cute pa rin kahit ganun..

    "Ang problema may project kasi kami nina Alex eh.. Video.."

    Stephen: Hmm.. Eh di agahan ninyo tapos isama na rin natin sa Alex.. Pag nakita mo yun sasabihan mo siya..

    "O sige.."

    Pag-dating ko sa SocSci 1 class ko, nandun na si Alex. Wala pa sina Emm. Nilapitan ko siya.

    "Uy.."

    Alex: Uy..

    "Teka, Okay ka lang? Matamlay ka ata?"

    Alex:Stressed lang.. exams kasi..

    "Aaah.."

    "Birthday pala ni Stephen sa Wednesday.. Sabi niya.. Sama ka raw after natin kumuha uli ng video.."

    Alex: Ha? Naku.. Huwag na.. kakahiya yun.. Di ko rin naman masyado kakilala yung mga andun..

    "Nandun naman si Larisse eh.."

    Alex: Uhmm.. Di ko alam.. bahala na..

    Pagdating ng Miyerkules, maaga kaming nagpuntang school. Ngayon naman, nag-interview kami sa campus ng mga nagtitinda ng bananaque dun, yung nagtitinda ng monay saka taho atbp.

    "O, san na tayo pupunta ngayon.."

    Alex: Basta..

    Sinundan ko naman siya. Hanggang sa nakarating na kami sa may isawan.

    Alex: Mang Popoy, Sampung pisong isaw ho..

    Mang Popoy: Oki doki..

    Alex: Ikaw..

    "Uh.."

    Alex: Huwag mong sabihing di ka kumakain niyan ah?

    Tapos tumawa siya. Tahimik lang ako.

    Alex: Oh no.. Di nga? Tsk. Tsk.. Masarap kaya..

    Mang Popoy: Eto o..

    Sabay abot sa kanya nung supot ng isaw saka cup na may sawsawan.

    Alex: Ba't ayaw mo?

    "Ewan ko..Wala lang.."

    Alex: Ang labo naman nun.. Tikman mo lang.. Dali.. Tapos sawsaw mo dito o..

    Tinitigan ko yung hawak-hawak niya.

    "Okay.. Titikman ko lang.. Isa lang ah?"

    Habang hawak-hawak niya. Kumagat ako ng kaunti. Nilasahan ko saka ninamnam.

    Alex: Ano? Sarap?

    "Uhmm.."

    Alex: Ano?

    "Uh.."

    Alex: Eh kung magsalita ka kaya?

    "Masarap. Akin na lang to ah.."

    Alex: Sige ba.. Sabi ko sayo eh..

    *BEEP BEEP*

    Paglingon namin yun CRV ni Stephen tapos sa likod kasunod yung kotse naman ni Jeffrey. Binaba ni Stephen yung bintana.

    Stephen: O.. Dito pala kayo.. Tara na? Tapos na ba kayo?

    "Oo.. Alex.. Tara.."

    Alex: Sige.. Kayo na lang..

    "Sigurado ka?"

    Alex: Oo..

    Papasok na sana ko.. Tapos nakalimutan kong itapon yung stick nung isaw. Bumalik ako at tinapon dun sa basurahan sa may isawan. Napatingin ako kay Alex.

    "Halika na nga.."

    Alex: Ha?!

    Hinila ko siya papasok ng kotse.

    Alex: Bakit ba kailangan kasama ko..

    "Sus.. Kailangan ba may dahilan.. The more the merrier.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:48 pm

    Chapter 52:

    Stephen: Yahoo! Dito na tayo.. Baba na.. Bibili lang ako ng tickets..

    Bumaba kami at naghintay sa labas habang bumibili ng tickets si Stephen.

    "Uh.. Si Alex pala.. classmate ko.. sila naman.. mga co-applicants ko sa org.."

    Alex: Hello..

    Larisse: Batchmates ko pala yan si Alex nung highschool..

    Leila: Talaga?

    Alex: Yup..

    Stephen: Eto na.. Pasok na tayo..

    Pumasok na kami sa loob suot-suot yung ride-all-you-can tags namin.

    Leila:Bump cars tayo!

    Stephen: Oo ba.. Partners ah.. Alex tayo dali..

    Hinila niya si Alex tapos sumakay na sila dun sa isa.

    Sumunod na kaming lahat. Kami ni Larisse yung mag-partner.

    Stephen: Eto na..

    *BUMP*

    Larisse: Whoa..

    Ang garapal ni Stephen mag-drive. Panay ang bunggo sa amin kaya nasusubsub tuloy si Larisse sa akin.

    "Bungguan ah.. Eto sa inyo.."

    *BUMP*

    Pagkatapos namin sa Dodgem, nagpunta kaming Jungle Log Jam. Kaming dalawa naman ni Stephen ang magkasama. Tawa kami ng tawa pagkatapos namin kasi tinignan namin yung pictures namin na kinuha ng cam.

    "Haha. Stephen, tignan mo yung itsura mo o.."

    Stephen: Cute ko nga eh.. Ikaw nga eh o.. haha..

    Leila: Carousel tayo..

    Stephen: Ano?

    Leila: Sige na..

    Sama-sama kaming sumakay. Ang kulit nga eh. Tawanan kaming lahat ang dami pa naman namin.

    Stephen: Pano yan.. Meryenda muna tayo..

    Bumili kami ng food dun sa mga stalls dun. Kanya-kanyang bayad na this time.

    Larisse: San tayo next?

    Stephen: Yan kaya.. Swan Lake.. Partners uli..

    Leila: Sige ba.. Larisse tayong dalawa dali..

    Siniko ako ni Stephen. Ang kulit talaga nito.

    Larisse: Okay..

    Sumakay na yung iba dun sa mga swan. Kami na lang tatlo nina Stephen saka Alex ang naiwan.

    Stephen: Sige.. sumakay na kayo.. CR muna ko..

    "Ikaw bahala.."

    Sumakay na kaming dalawa.

    "Alex naman.. ang bigat mo.. di tuloy tayo makagalaw masyado.. Ilang pounds ka ba?"

    Alex: Hoy.. Ang yabang neto.. Dalawa kaya tayong nakaupo dito? ikaw kaya diyan.. ang hina mo kasi.. bilisan mo para makaabante naman tayo.. Saka ano lang ako 105 pounds noh?!

    "Eto na nga.. Sana makalakad pa ko pagkatapos nito.. Hmm.. Hindi halata ah.. Kala ko mga 150 pounds.."

    Sabay batok naman sa akin.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:04 pm

    Chapter 53:

    Stephen: Mag-aalas-sais na pala ah..

    "Oo nga no.. Ang dami na rin nating nasakyan ah.. Konti lang kasi ang tao ngayon.."

    Leila: Teka.. Ayun o.. Wala na masyado nakapila.. Space Shuttle tayo..

    "Sige ba.."

    Larisse: Kayo na lang.. Ma-maiiwan na lang ako..

    Nilapitan ko siya.

    "Bakit? Natatakot ka ba?"

    Larisse: Di ko ata kaya..

    "Safe naman yan.. Don't worry.."

    Larisse: Natatakot ako eh..

    "Sige.. guys.. kayo na lang samahan ko na lang siya dito sa labas.."

    Stephen: Okay.. tara..

    Pumasok na yung iba sa loob.

    Larisse: Nakakahiya.. nagpaiwan ka pa.. kaya ko naman mag-isa.

    "Okay lang yun.."

    Larisse: Nakasakay ka na ba diyan dati?

    "Oo.. Okay naman.. Kakatakot lang sa una pero pag natry mo na.. di na masyado.."

    Napansin ko huminga ng malalim si Larisse.

    Larisse: Sige na nga.. Tara.. Sakay na rin tayo..

    "Sigurado ka ah.."

    Pagdating namin, pasakay na sila buti na lang nakahabol kami. Pagkatapos sumakay..

    Larisse: Wow.

    "Sarap no.. Ang bilis.."

    Larisse: Akala ko mawawalan ako ng hininga..

    Stephen: Nasakyan na ata natin lahat ah..

    "Di pa lahat.. Yung Ferris Wheel di pa.."

    Alex: Uh.. Wag na yun.. Ang dami na nating nasakyan eh..

    Stephen: Oo nga.. Ferris wheel pa.. Tara..

    Pumunta kami dun sa may ferris wheel at pumila. Napansin ko nakatingala si Alex sa Ferris Wheel.

    "Okay ka lang.. Alex?"

    Alex: Uuhh.. O-Okay lang..

    Leila: Uy.. sakay na..

    Ako, si Larisse saka si Alex yung papasok na sa loob.. Pasarado na nga nung operator eh..

    RIIIIINNNGGG

    Sinagot ni Larisse yung phone niya.

    Larisse: Hello.. po? Ganun po ba? Sige po..

    "Sino yun?"

    Larisse: Naku, kailangan ko na umalis.. Nandiyan na si Daddy eh..

    Alex: Di ba pwede after na lang nung ride?

    Larisse: Kailangan ko na umalis eh.. Kuya.. pwede pabukas naman..

    Nilapitan kami nung operator at binuksan. Palabas na sana si Larisse nung hinawakan ko yung kamay niya.. Napalingon siya.. Binitawan ko agad..

    "Gu-Gusto mo hatid kita?"

    Larisse: Naku.. Okay lang ako..

    "Uh.. Ingat.."

    Ngumiti siya.

    Larisse: Thanks.. I had a great time with you guys..

    Tapos lumabas na siya. Binati niya si Stephen palabas. Pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Haay..

    Nagulat ako biglang kumanta si Alex. Tinakpan ko nga yung bibig niya.













    Alex: Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin.. Napakasakit na tanggapin..

    "Ano ka ba.."

    Binitawan niya yung kamay ko.

    Alex: Pweee.. Bat mo tinakpan yung bibig ko.. Bakit nasira ko ba yung moment mo ha? Hahaha..

    Maya-maya umandar na yung ferris wheel. Kaming dalawa na lang yung naiwan sa loob. Tumingin ako sa labas.

    Ang ganda. Gabi na kasi kaya nakailaw na lahat.

    "Ang ganda o.."

    Pagharap ko kay Alex..

    "O bat nakapikit ka.."

    Alex: Uh.. Wala lang.

    "Aaaah.. Takot ka sa Heights no..Hala.. Ang taas o.. Grabe.."

    Pero nakita ko talaga takot na takot siya. Nanginginig pa nga eh.

    "Uy.. Okay ka lang.. Dapat sinabi mo kanina para di ka na sumakay.."

    Alex: Nakakahiya eh.

    "Bat sa Space Shuttle sumakay ka?"

    Alex: Ewan ko.. Okay lang naman sa akin yung ganun eh.. Pero yung mga ganito.. Di talaga ako sumasakay.. Di ako makatingin sa baba..

    *DDDDDDDUUUGGG*

    Nagulat kami biglang tumigil yung ferris wheel. Nag-jerk pa nga ng onti yung sinasakyan namin.

    Alex: A-ano yun?!

    Tumingin ako sa baba. Nakita ko tumakbo yung operator palabas.

    "Uh.. I think there's something wrong.. We're.. uuhh.. stuck here?"

    Bumukas agad yung mata ni Alex.

    Alex: Ano?!!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:07 pm

    Chapter 54:

    Dahan-dahang tumingin sa labas si Alex. Biglang pinikit niya ulit yung mga mata niya. Tapos nag-sign of the cross siya.

    Alex: Diyos ko po..

    "Alex.. Relax.. Everything will be fine okay?"

    Bumukas yung mata niya.

    "Alam mo.. Ikaw nagsabi sa akin.. To conquer my fear.. sabi mo sa akin lahat naman ng bagay may risks.. Kaya natuloy na yung kay Larisse.. ikaw din dapat.."

    Alex: At talagang i-connect daw yun sa fear ko sa heights?!

    Tinignan ko siya tapos tumawa ko.

    Alex: Anong nakakatawa..

    "Wala kala ko kasi wala kang kinakakatakutan.."

    Ngumiti siya.

    Alex: Talaga?

    "Yup.. Kasi kaw yung tipong kakatakutan.."

    Alex: Ah ganun?

    "Tumingin ka kaya sa labas.. Ang ganda.. Sayang naman kung di mo maaapreciate dahil sa takot mo.."

    Lumingon ako sa labas. Tumingin ako kay Alex. Napansin ko nakatingin siya sa akin kaso biglang yumuko agad.

    Tumayo ako.

    Alex: O bat ka tumayo?! Baka umalog tong sinasakyan natin..

    Tinabihan ko siya.

    "Ano ka ba.."

    Alex: Ewan ko sayo.. May sayad ka na..

    Ngumiti ako.

    Tapos lumingon ako sa labas. Huminga ako ng malalim.

    "ANG TABA NI ALEX!!"

    Alex: Ano?!

    Pagtingin ko yung ibang mga tao sa baba napatingin sa amin sa taas.

    "Di mo ba ko gagantihan.. Lingon ka lang sa labas o.. Tapos sigaw ka.."

    Alex: Ano ko hilo?!

    "Sige ka.."

    "MAY CRUSH SI ALEX KAY-----"

    Nagulat ako biglang lumingon si Alex sa labas.

    Alex: ANG PAAAANGEEET NI TOPH!!!!!!

    Ngumiti ako.

    "40 ANG WAISTLINE NI ALEX!!"

    Alex: "MAY GUSTO SI TOPH KAY-----"

    Tinakpan ko agad yung bibig ni Alex.

    "Uy.. Wag yun.."

    Tumawa si Alex.

    Alex: Tignan mo pinagtitinginan nila tayo sa baba o..

    Tinignan ko si Alex.

    "O eh di.. Hindi ka na takot?"

    Biglang tumingin sa akin si Alex.

    Alex: Oo nga no?

    Tapos tumawa siya.

    Alex: Thanks..

    Sabay kaming tumingin sa baba. Nakailaw lahat. Ang ganda tignan. Tapos pagtingin mo naman sa sky. Kitang-kitang yung mga stars.

    Alex: Ang ganda pala..

    "Sabi ko sayo eh.."

    Maya-maya nagulat kami biglang umandar na ulit yung ferris wheel. Pagbaba namin..

    Stephen: Kayo ba yung sumisigaw kanina? Kasi parang may narinig kaming sumigaw eh..

    Tumawa lang kaming dalawa.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:09 pm

    Chapter 55:

    Stephen: Buti naman at tapos na ang midterms ano? Grabe..

    "Oo nga eh.. Haay.."

    Maya-maya nakita namin si Larisse sa malayo bitbitbit uli yung isang cute na teddy bear na pinabigay ko. Napangiti ako.

    Stephen: Huuy.. Baka matulala ka na naman.. Ilang teddy bears pa ba ang ibibigay mo ha?

    "Isa na lang.."

    Stephen: Aba.. dali-dalian mo.. Tsk.. Tsk.. Kung alam mo lang..

    "Ha? Bakit?"

    Stephen: Tara na.. Punta na tayong tambayan..

    Pumunta kaming tambayan at naginterview na naman ng mga members dun. Maya-maya dumating si Larisse saka Leila.

    Leila: Ang sweet naman niya.. Siya ba yung nagbibigay dati pa ng teddy bears?

    Larisse: Hindi raw eh..

    "Pssst.. Ano yung sinasabi nila.."

    Stephen: Uh.. Pare..

    Tinuro bigla ni Stephen yung isa pang hawak-hawak ni Leila naman. Isang napakalaking teddy bear.

    "Ang laki naman ng teddy bear mo Leila?"

    Leila: Ay.. di sa akin to kay Larisse.. Binigay nung isa na naman sa manliligaw niya.. Si William.. Third year, Chem engg naman. May pag-asa ba naman yun ha?

    Ngumiti si Larisse.

    Larisse: Mabait siya.. Sweet.. Uhmm.. Siguro..

    Pagkarinig ko nun parang nalaglag yung puso ko.

    Larisse: Dati ko pa kakilala yun eh..

    Leila: Aba.. Ang haba ng hair mo.. Sino naman kaya yung mystery romeo mo no?

    Larisse: Di ko alam eh.. Wala talaga akong clue.. Isang bear na lang eh..

    Leila: Patingin nga.. Number 2: I like you. I just do.

    Stephen: Sana magpakilala na siya no?

    Tapos siniko ako ni Stephen. Huminga ako ng malalim.

    Magpapakilala na ko.

    Bukas.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:11 pm

    Chapter 56:

    Miyerkules.

    "Good morning.."

    Mama: Good morning din.. Kain na..

    "Mu~g mapapakain na naman ako ah.. Si Papa?"

    Mama: Wala.. Umalis ng maaga.. Oo nga pala.. May lakad tayo sa Sabado ah.. Sa Laguna.. Birthday na kasi ng Papa niyo sa Sabado eh..

    Marielle: Oo nga pala no? Sino bang mga bisita?

    Mama: Yung mga kumare saka kumpare namin.. saka mga pamilya nila..

    "Okay yun ah.."

    Pagkatapos ng breakfast, umakyat na ako sa taas at nagtingin kung ano pwedeng suotin. Inisa-isa ko yung mga damit ko. Hanggang sa napag-isipisip ko na yung niregalo na lang sa akin ni Marielle nung Christmas ang suotin ko, yung red. Ibinaba ko at pinaplantsa ko kay Ate Tess. Bumalik ako sa room ko.

    "Haay.. Sana magustuhan niya to.."

    Tinignan ko yung napakalaking teddy bear na light pink. Paboritong kulay kasi niya yun.

    Bumaba ako ulit para manood ng TV. Mamayang hapon ako kasi pupunta kina Larisse. Malayo nga yung bahay nila eh. Buti na lang magagamiti ko yung sasakyan ni Mama kasi may meeting siya ngayon kay ihahatid siya ni Papa.

    Ate Tess: Iho, okay ka lang panay lipat mo ng channel ah..

    "Uh.. Okay lang po ko.."

    Ate Tess: Eto.. Plantsado na..

    "Salamat po.."

    Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Inakyat ko yung damit ko at nilapag sa kama. Panay ang tingin ko sa wall clock namin. Humiga muna ko. Maya-maya narinig ko tinawag na ako ni Ate Tess para kumain ng lunch.

    Ate Tess: Tapos ka na? Parang ang konti naman ng kinain mo?

    "Busog na po ko.."

    Ate Tess: Himala..

    Bumalik ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa wall clock 1:00 pm na.

    "Ilang oras na lang.."

    Humarap ako sa may salamin. Huminga ako ng malalim.

    "Larisse.. I.. I like you.."

    Okay na kaya yun?

    "Ako si Romeo.."

    Ang baduy ata.

    "Anong gagawin ko?!"

    Humilata ako sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko.

    TOK. TOK. TOK.

    Binuksan ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa wall clock ko. 4:00 pm na?! Hala. Binuksan ko yung pinto.

    Ate Tess: Iho.. O.. Gising ka na pala..

    "Oo nga ho.. Sige po.. Magbibihis na ko.. May lakad pa po ko.."

    Nagmadali akong nag-ayos at nagbihis. Kinuha ko yung teddy bear. Humarap ako sa salamin ng huling beses.

    "Kaya ko to.."

    Inistart ko yung kotse at nagdrive paalis ng bahay. Dumaan ako saglit sa isang flower shop at bumili ng isang bouquet ng flowers. Pagkatapos, chineck ko yung address ng bahay nina Larisse.

    Malayu-layo din ang narating ko bago ako nakarating dun sa bahay nila.

    "Eto na ata.."

    Huminga ako ng malalim.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:13 pm

    Chapter 57:

    Sinubukan ko munang tawagan si Larisse sa phone niya pero..

    The subscriber cannot be reached please try to call later.

    "Bat kaya di siya ma-contact.."

    Lumabas ako dala-dala yung bouquet ng flowers saka teddy bear.

    *DING DONG*

    Naghintay ako dun sa labas ng pinto.

    "Kaya ko to.."

    Matagal-tagal din bago may lumabas. Maya-maya bumukas din.

    "Uh.. Sino po sila?"

    "Si Larisse po?"

    Maid:"Ay.. Naku.. Wala po si Ma'am.."

    "Ha?"

    Pano kaya to?

    Maid: "Pero pabalik na rin po yun.. Pasok po kayo.."

    Nagdalawang-isip ako kung papasok ako o uuwi na lang ako at sa ibang araw na lang. Pero.. Wala nang atrasan to.. Nandito na ako..

    "O Sige.."

    Pinapunta ako nung maid nila sa may living room. Umupo ako dun at naghintay ng mga ilang minuto.

    Yung ilang minuto naging isang oras.

    Maid: "Uh.. juice po o.. Pasensiya na po.. Baka matagalan pa ata si Ma'am"

    "Sige.. Di bale.. Hintayin ko na lang.."

    Yung isang oras naging isa't kalahati.

    At yung isa't kalahating oras naging dalawa.

    "Mauna na siguro ako.."

    Maid: "Sige po.. Sabihan ko na lang si Ma'am.."

    Nagulat ako biglang sumilip yung maid sa may bintana.

    "Bakit?"

    Maid: "Wala po.. Mamaya na lang po kayo umalis.. Hintay muna kayo saglit.."

    "Ha?"

    Lumapit ako dun sa may bintana para tignan. Nung una, parang hinaharangan pa ako nung maid.

    Pagtingin ko..





























    si Larisse.


















    Yakap-yakap nung isang lalaki.

    Maid: "Sir?"

    Napayuko ako. Di ko alam. Pero parang iba yung naramdaman ko nung nakita ko silang magkayakap.

    Maya-maya pumasok na si Larisse at pinagbuksan siya ng pinto.

    Maid: "Ma'am may bisita po kayo.."

    Larisse: "Ha? Sino?"

    Naglakad papuntang living room si Larisse.

    Larisse: "Toph.."

    Tapos napatingin siya dun sa malaking teddy bear at flowers.

    "Number One: You...are really really special to me.."

    Larisse: "Ikaw?"

    Ngumiti ako.

    Lumapit siya sa akin. Ngumiti siya..

    Larisse: "Uh.. I.. I don't know what to say.."

    "I like you.. And I want to prove to you how---"

    Larisse: "Thank you.. I'm so flattered but.."

    Pagkarinig ko nun... Kinabahan ako bigla..

    Larisse: I think we're better off as friends.. I mean we started out as friends and ayokong masira yun..

    "Pero.."

    Larisse: You are a great guy.. It's just that..

    "Yung lalaki kanina? Uh.."

    Ngumiti siya.

    Larisse: No.. Hindi naman dahil sa kanya.. But yeah.. He's special to me.. I hope you understand..

    "I.. I guess.."

    Tumayo ako. Pakiramdam ko nalaglag yung puso ko. Literal.

    "I'll go ahead.. Medyo madilim na rin.."

    Hinawakan ni Larisse yung kamay ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pinikit ko yung mga mata ko habang yakap-yakap siya.

    Larisse: Thank you.. For everything..

    Pinilit kong ngumiti.

    Naglakad ako palayo papuntang pintuan nila.

    Larisse: Toph..

    Lumingon ako.

    Larisse: Friends pa rin ah?

    Ngumiti ako.

    "Of course.."

    Dahan-dahan akong naglakad papuntang kotse. Tinignan ko yung bahay nina Larisse.

    Maya-maya biglang umambon.

    Hanggang sa umulan.

    Basang-basa na ako. Pumasok ako sa loob at nag-drive pauwi ng bahay.

    Mama: Basang-basa ka iho..

    Marielle: Okay ka lang kuya?

    "Akyat na po ko.. Nakakain na ko.."

    Pumasok ako sa kwarto ko at sinara yung pintuan. Nilock ko. Nakatayo ako at nakasandal dun sa may pintuan hanggang sa napaupo na ako.





















    Kahit pinipigalan ko, napaluha na ako.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:16 pm

    Chapter 58:

    Pagmulat ko ng mga mata ko, pagtingin ko nasa kama na ako. Pagtingin ko sa wall clock ko 10:30 na?! Babangon na sana ko pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Nagulat ako biglang pumasok sa loob si Mama.

    Mama: O iho.. Eto sopas o.. Di ka pa kumakain mula kanina..

    "Wala po ba kayong pasok? Saka.. Teka.. Papasok na po ko.. late na late na ako.."

    Mama: Bat ka papasok eh may sakit ka? Bat ka naman kasi nagpaulan kagabi?

    Natahimik ako.

    Hinaplos ni Mama yung forehead ko tapos umupo siya sa may kama ko.

    Mama: May problema ba iho?

    Tumalikod ako.

    "Okay lang ako.."

    Kahit di ko kita, naramdaman kong tumayo si Mama.

    Mama: Sige.. Iwan na kita..

    Pasarado na ni Mama yung pinto.

    "Uh.. Ma?"

    Pumasok ulit si Mama.

    Mama: Bakit?

    Natahimik ako.

    Lumapit siya sa akin.

    Mama: Iho?

    Tumulo yung luha ko hanggang sa napaiyak ako.

    Niyakap ako ni Mama.

    Mama: Anong problema?

    Tahimik pa rin ako.

    Mama: Kung ano man yun.. wag ka mag-alala.. dito lang ako...

    Habang yakapyakap ko si Mama parang gumaan yung pakiramdam ko..

    Kahit papaano.

    Kahit kaunti.

    Kinabukasan...

    Stephen: Pare? Ang tamlay mo ah.. Nagkasakit ka daw.. Okay ka na ba?

    "Okay naman.."

    Stephen: Birthday na pala ng Papa mo sa Sabado ah.. May surprise party pa.. Galing ng Mama mo ah.. Pinapapunta niya kami eh.. Toph?

    "Ha? Ano?"

    Stephen: May problema ka ba? Kanina pa malayo ang tingin mo ah..

    Maya-maya nakita namin sina Larisse kasama yung ibang classmates niya paparating sa loob ng canteen. Tapos napadaan siya sa table namin.. Nagkatinginan kami..

    Larisse: Uy..

    Ngumiti siya.

    "Uy.."

    Tapos umupo sila dun sa kabilang table. Di ko maiwasang tignan siya. Pag tinitignan ko siya, mas lalo akong nasasaktan. Siguro may mga bagay talagang di para sayo.. mga bagay na kailangan kalimutan.. sa puntong to? Yun eh yung nararamdaman ko para sa kanya..

    Stephen: Tara na..

    Lumabas kaming dalawa. Habang naglalakad tahimik lang kaming dalawa. Nagulat ako biglang tumigil maglakad si Stephen.

    Stephen: May nangyari ano..

    "Ha?"

    Stephen: Alam na ni Larisse?

    "Oo.."

    Stephen: Anong sabi niya?

    Tumahimik lang ako.

    Hinawakan ni Stephen yung kanan kong balikat.

    Stephen: Don't worry.. Magiging okay din lahat..

    Ngumiti ako. Huminga ako ng malalim..

    "Sana.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:21 pm

    Chapter 59:

    Marielle: Gising na kuya.. Dali..

    "Ha.."

    Binuksan ko yung mga mata ko. Ang dilim pa.

    Marielle: Wag ka maingay.. Baba na dali.. Isusurprise natin si Papa..

    Oo nga pala. Birthday pala ngayon ni Papa. Bumangon ako agad. At sabay kamig bumaba ni Marielle.

    Nasa baba na si Mama saka Ate Tess. Dala-dala nila yung cake.

    Mama: Eto na dali..

    Binuksan namin yung pinto at in-on yung ilaw. Nagising bigla si Papa. Ayaw kasi nun pag nabubuksan yung ilaw. Nagigising agad

    "Happy.. Birthday to you.. Happy Birthday.. Happy Birthday.. Happy... Birthday.. to.. you..."

    Nagulat si Papa. Bumangon ng di oras.

    Mama: Happy Birthday.. Pa..

    Papa: Naku.. Talaga naman..

    Niyakap namin at binati si Papa.

    Mama: O.. magbihis na kayo.. Pupunta na tayo sa laguna.. Swimming! Yung mga iba baka papunta na rin dun..

    Papa: "Ha? Sinong iba?"

    Nag-ayos na kami ng gamit at nilagay sa loob ng kotse.

    "Ako na po ang mag-dadrive papunta dun."

    Papa: Aba.. Okay ah..

    Maya-maya nakarating na rin kami. Nagulat si Papa pagdating dun. Nandun yung mga kaibigan nila nina Mama.

    Binaba ko yung mga gamit namin.

    Stephen: Uy.. Tulungan na kita..

    "Dito ka pala.."

    Stephen: Kasama ko sina Daddy..

    Binitbit namin yung mga gamit dun sa isang cottage dun. Nirent ni Mommy yung isang resort dun. May pool na rin tapos may mga cottages overlooking the beach. Astig. Ang dami ngang bisita eh. Nagpalit kami ng damit pang swimming. Tapos naglakad-lakad kami banda dun sa may beach.

    Stephen: Tara.. Swimming na tayo..

    "Sige.. Kayo na lang.. Balik muna ako dun sa cottage.."

    Stephen: Sigurado ka ah..

    Pagbalik ko dun sa cottage, nakita ko parating sina Tito Bert kasama yung pamilya niya pati si Alex nandun din.

    "Uy.."

    Alex: Hi..

    Miguel: Ate.. Swimming na tayo.. Dali..

    Alex: Sige.. Toph.. Ikaw.. di ka ba magsiswimming?

    "Mamaya siguro.. Mauna na kayo.."

    Tumakbo yung dalawa papuntang beach.

    Stephen: Uy.. Nandito ka pala..

    Alex: Anong nanyari dun sa kaibigan mo?

    Stephen: Haay.. Heartbroken kasi..

    Alex: Bakit? Ano nangyari?

    Stephen: Ayun.. Sinabi na niya kay Larisse.. And alam mo na the next is history..

    Alex: Ang saklap..

    Umupo ako dun sa may cottage. Pinanood ko yung iba habang nagtatampisaw dun. Nagulat ako pagtingin ko sa kaliwa ko may katabi akong box bigla.. Binuksan ko nga..

    Pagbukas ko..

    mga bote pala ng SANMIG..

    "Kala ko kung ano.."

    Huminga ako ng malalim. Nagdadalawang-isip pa ako pero kumuha rin ako ng isa.

    Binuksan ko.

    Naglakad-lakad ako sa may beach. May nakita akong duyan dun sa may puno.

    Umupo ako.

    Tinignan ko yung bote ng SAN MIG na hawak ko.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:23 pm

    Chapter 60:

    Stephen: Ayun pala si Toph o..

    Alex: Halika puntahan natin..

    Stephen: Uy.. Pare.. Dito ka lang pala..

    Alex: Anong nangyari diyan?

    Stephen: Teka, ano to.

    Sabay pulot niya ng bote ng SAN MIG sa may buhangin.

    Tinignan nilang dalawa. Kinuha ni Alex yung bote.

    Alex: Uminom siya..

    Stephen: Pucha.. Eh Parehas kami niyan eh.. Hindi umiinom.. Tsk.. Tsk..

    Alex: Ang bilis naman niyang tamaan.. Pano yan.. Anong gagawin natin?

    Stephen: Di pwedeng malaman nina Tito yan.. Birthday pa man din.. Uhmm.. Ano na lang dalhin natin sa may kwarto..

    Alex:Ha? Pano.. Wag mo sabihing bubuhatin natin yan?

    Sabay tumawa si Alex. Tahimik lang si Stephen.

    Alex: Ah okay.. Seryoso ka nga..

    Stephen: 1.. 2.. 3.. Uuuhggh..

    Alex: Waaah.. Ang.. Ang Bigat..

    Stephen: Kaya yan.. Di naman kalayuan yung kwarto nung family namin.. Saglit lang naman siguro.. Mahimasmasan lang to..

    Alex: Kasi naman.. Uminom ng beer.. Di naman pala umiinom.. Buhusan kaya natin ng tubig mamaya?

    Stephen: Dito na tayo.. Teka. Uggh.. Di ko abot.. Ikaw nga.. Pabukas naman..

    Pagkabukas nung pinto, dali-daling nilapag ako sa kama.

    Alex: Sumakit yung kamay ko ah..

    Stephen: Teka lang.. Kumuha siya ng t-shirt sa bag niya malapit sa may kama. O Eto.. T-shirt ko.. Pakisuot naman sa kanya o.. Kasi nakaswimming trunks lang siya.. Eh aircon to.. Baka magkalagnat ulit yan..

    Alex: Bat ako?! Kaw na lang no..

    Stephen: Kaw na..

    Alex: Ano ba naman to..

    Kinuha ni Alex yung t-shirt mula kay Stephen. Bumulong si Alex..

    Alex: Hmm.. In fairness.. May abs nga siya..

    Stephen: Ano?

    Alex: Ah.. Wala.. Eto isusuot ko na sa kanya..

    Stephen: Teka.. Labas lang ako saglit..

    Dahan-dahang sinuot ni Alex yung t-shirt sa akin.

    Sa kakagalaw niya sa akin, napamulat tuloy ako.

    Nagulat ako nung nakita ko si Alex.

    Pagtingin ko, nasa kwarto ako. Pano ko napunta dito? Kanina lang nasa..

    Tapos pagtingin ko.. Si Alex?

    Hinuhubad niya yung t-shirt ko?!!! Nanlaki yung mga mata ko! Surprised Surprised

    "ANONG GINAGAWA MO??!!"

    Alex: Ha?? Te-Teka.. Bakit?

    Binaba ko agad yung t-shirt ko.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:25 pm

    Chapter 61:

    Nagulat ako biglang tinakpan ni Alex yung bibig ko.

    Alex: Ano bang pinagsasabi mo ah??!! Baka may makarinig sayo..

    Nagulat ako biglang may pumasok sa kwarto. Si Stephen.

    Inalis ko yung kamay ni Alex.

    Stephen: Gising ka na pala.. Bat namumula ka pare?

    "Uh.. Kasi ano..."

    Alex: "Nagising siya nung sinusuot ko yung t-shirt.. Akala niya.."

    Nagkatinginan si Alex saka Stephen. Napangiti si Stephen.

    Stephen: Alex?! Pinagtatangkaan mo ba tong kaibigan ko?! Ikaw ha.. Tsk.. tsk..

    Alex: Shut up..

    Biglang tumawa si Stephen.

    "Anong nakakatawa dun?"

    Stephen: Akala ko pa naman.. Kung sino yung sumisigaw..

    Alex: That wasn't funny.. Pano kung iba yung nakaranig nun no.. Baka kung anong sabihin nila.. I mean.. Hello?!

    "Teka.. Ano bang nangyayari dito ah.."

    Stephen: Ganito kasi yun.. Nakita ka namin.. Dun sa may duyan.. Lasing ka ata.. Kaya dinala ka namin dito.. Para di ka makita nina Tito.. Saka yung t-shirt na yan sa akin yan.. sinusuot yan ni Alex sayo..

    Napatingin ako dun sa t-shirt. Oo nga no? Di nga sa akin to.

    "Ha?! Te-Teka.. Sinong Lasing? Ako??"

    Alex: Oo.. Sino pa ba.. Eh may nakita kaming bote ng San Mig..

    "Wait lang.."

    Tapos natawa ako bigla.

    Alex: Bat ka natatawa?

    "Hinde.. Klaro ko lang.. Nakita niyo kong lasing?"

    Stephen: Binuhat ka pa nga namin papunta dito eh..

    "Binuhat niyo ko?"

    Tapos tumawa na naman ako.

    Stephen: Okay ka lang pare?

    "Kasi nga.. Oo kumuha ako ng San Mig kaso.. Dapat nga iinom ako.. Kaso naisip ko wala namang maitutulong yun eh.. Kaya yun.. Di ko na natuloy.. Siguro nahulog ko yung bote nung nakatulog ako.. kaya natapon yung laman.. "

    Alex: You mean.. Binuhat ka namin mula dun?! Tapos all the while.. Tulog ka lang pala?! Grrr.. Stephen?!!!

    Stephen: Te-Teka malay ko ba?

    Alex: Halika dito.. Patay ka sa akin!!

    Tumakbo si Stephen bigla.

    Tawa ako ng tawa. Nagulat ako biglang tumigil si Alex tapos lumingon sa akin.

    Alex: Patay ka rin sa akin..

    "Ha?!! Bat ako? I'm innocent!"

    Kumaripas na rin ako ng takbo. Lumabas kaming dalawa ni Stephen dun sa kwarto hanggang sa nakaabot na kami sa beach. Si Alex habol pa rin.

    "Takbo pare.. Dali.."

    Alex: Patay kayo sa akin pag nahuli ko kayooooooooo!!!!!!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:28 pm

    Chapter 62:

    Mama: Uy.. Kain na..

    Lumapit kaming lahat pati yung iba pang mga anak nung mga kaibigan nina Papa. Buti naman nahimasmasan na si Alex. Pero diyahe talaga yun, napagkamalan ko siya. Haaay..

    Stephen: Ang daming pagkain.. Sarap..

    Ang dami ngang pagkain, di mo alam kung ano uunahin mong tikman. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad ako. Naisipan kung magpulut-pulot ng mga kahoy.

    Marielle: Anong ginagawa ni Kuya?

    Stephen: Pagpasensiyahan mo na ang utol mo.. Tatakbong presidente yan ng Save Mother Earth Campaign..

    Tawanan naman sila.

    Pagkatapos magpulut-pulot ng kahoy, dinala ko at nilapag ko dun sa may tabing-dagat. Nagkiskis ako ng dalawang kahoy hanggang sa makagawa ako ng apoy. Ang kinalabasan? Bonfire. Boyscout ata to noon.

    Pagkatapos, umupo ako dun sa ilalim ng puno ng niyog at sumandal.

    "Haaay.."

    "Pssst.."

    Lumingon ako sa kaliwa ko. Pagtingin ko kung sinong nakatayo..

    Si Alex.

    Alex: May pabonfire-bonfire ka pa diyan.. Kala namin kung anong ginagawa mo..

    Ngumiti ako. Maya-maya umupo siya at tinabihan ako. Tahimik lang kaming dalawa.

    Alex: May problema ka ba?

    "Kunyari ka pa.. Sinabi na sayo ni Stephen no?"

    Huminga ng malalim si Alex.

    Alex: Okay lang yan..

    "Sana nga ganun kadaling sabihin.."

    Alex: At least you have told her..

    "Siguro.."

    Alex: You really like her..

    "Oo naman.. Mahigit isang taon din no.."

    Tapos nagtapon ulit ako ng kahoy dun sa bonfire.

    Narinig ko bumulong si Alex.

    Alex: Ang swerte naman niya..

    "Anong sabi mo?"

    Alex: Ah sabi ko ganda ng sunset kanina noh?

    "Ah.. Pasensiya ka na pala kanina ah.. Sobrang nagulat kasi ako eh.."

    Alex: Mas lalo naman ako noh?! Sumigaw ka ba naman?

    Tapos tumawa kaming dalawa.

    Tahimik lang kami habang nakatingin dun sa apoy.

    Alex: Alam mo lahat naman napagdadaanan yung nararamdaman mo eh.. Lahat.. Pati ako..

    "Bakit ano nangyari?"

    Tumahimik siya.

    "Sorry.. Okay lang kahit di mo na sabihin.."

    Tumingin siya sa akin tapos ngumiti.

    Alex: No.. it's okay.. matagal naman na yun eh..

    Tumingin siya ulit sa bonfire.

    Alex: Kasi.. Noong third year ako.. Lumipat kami.. Nahirapan din ako nun kasi di ba.. Bagong lugar.. Bagong country.. Bagong mga mukha.. Lahat nag-iba.. Tapos.. Ayun.. nakilala ko siya.. Ian yung name niya.. Filipino-American siya.. Ang bait niya.. Maaalalahanin.. Siya ang tumulong sa akin para mag-adjust.. Nung una, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.. Pero ewan ko ba.. Unti-unting nahulog yung loob ko sa kanya.. Alam mo yun.. Hanggang sa isang araw nakita ko siya may kahalikang isang babae.. Ang sakit nun sobra.. Naging sila pala nung babaeng yun nung araw na yun.. Haay.. Never naman niya nalaman na nagkagusto ako sa kanya.. Friends pa rin naman kami.. Nahirapan din ako nun.. Iniiyakan ko siya.. Kaya di ka nag-iisa sa narara---
















    ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzz

    "Toph?!"

    Inalog-alog ako ni Alex.

    "Nagkukuwento ko dito tapos... Hmmphh... Tulugan daw ba ko??"

    Tinignan ako ni Alex. Ngumiti siya.

    Alex: Ang cute mo pala pag tulog..

    Tinakpan ni Alex yung bibig niya. Napapikit siya.

    Alex: Ano bang pinagsasabi ko.. Oh no.. May.. may nararamdaman na ata ko para sa kanya... Di to pwede.. Not.. Not again..

    "Ah.. Ehem.."

    Nanlaki yung mga mata ni Alex. Lumingon siya.

    Alex: Ka-kanina ka pa diyan??

    Stephen: Slight?

    Tumayo si Alex.

    Alex: Uh.. Sige.. Mauna na ako..

    Tapos naglakad palayo si Alex. Biglang sumigaw si Stephen.

    Stephen: Huwag ka mag-alala.. Wala akong narinig!!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:31 pm

    Chapter 63:

    Miyerkules.

    *DING DONG*

    Binuksan ko yung pinto.

    "O Alex.. Pasok ka.."

    Pinapunta ko muna siya sa living room.

    "Teka, kunin ko lang yung laptop sa taas pati yung video cam para makapagstart na tayo.."

    Pagbaba ko, binibigay ni Ate Tess yung mga photo albums namin.

    Ate Tess: "Eto o.. Yan si JC.. Prom ata nila niyan.. Partner niya si Marielle.."

    "Eh.. Hem.. Ate.. Pwede ba sa garahe kami gumawa.. Wala naman yung kotse eh.."

    Ate Tess: "Oo.. Okay lang.."

    "Tara.."

    Nilabas ko yung wooden table saka chairs sa may garahe. Nilapag ko yung laptop at sinet-up ko. Pagtingin ko kay Alex, nakatitig lang sa akin.

    "Huy.."

    Nagulat ata parang wala ata sa sarili to ah.

    "Okay ka lang?"

    Alex: Uh.. Oo.. Si Marielle partner mo nung prom?

    Ngumiti ako.

    "Uh.. Oo.. Kakagulat ba?"

    Bumulong si Alex.

    Alex: Cute nga eh..

    "Ano sabi mo?"

    Alex: Ah.. Sabi ko.. Cool nga eh..

    "Aaah.. Okay na... Panoorin na natin.."

    Pinanood na namin yung mga interviews.

    Alex: Okay ah.. Ganda ng kuha.. Edit na lang natin..

    "Te-Teka ano to.."

    Alex: Oops..

    Pagtingin ko dun sa video..

    "Kinuhanan mo talaga ako? Kala ko.."




    Flashback:
    "Kakapagod, kanina pa tayo paikot-ikot dito sa school.."

    Alex: Pahinga muna tayo.. Uh.. Kain ka muna... Ayan o.. Taho.. Akin na nga muna yang videocam..

    "Manong, isa nga po.. Kaw gusto mo?"

    Alex: Hinde.. Kaw na lang.. Busog pa naman ako..

    Lumapit kami dun sa may shade tapos umupo ako dun sa may bench.

    Tumayo si Alex tapos humarap sa akin hawak-hawak yung videocam.

    Alex: "Smile naman diyan.."

    Ngumiti naman ako. Akala ko di niya talaga ako kinukuhanan eh. Nag-pose pose pa ako.




    "Sira ka talaga.. Sige.. CR lang ako.."

    Alex: Okay..

    Naiwan si Alex dun habang pinapanood yung video.

    Yung nasa video.. Nakazoom-in yung mukha ko habang kumakain ng taho.

    Dahan-dahang hinawakan ni Alex yung screen.

    Ngumiti siya.

    Lumabas ako papuntang garahe, nagulat ako biglang sinarado agad ni Alex yung laptop.

    "Okay ka lang.. para kang nakakita ng multo?"

    Alex: Uh.. Wala.. Wala..

    "Dadalhan pala tayo ni Ate Tess ng meryenda.."

    Alex: Sige. Tutulungan ko na lang siya..

    Bago pa ko nakapagsalita pumasok na siya sa loob.

    "Anong nangyari dun?"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:32 pm

    Chapter 64:

    Alex:Eto na ang meryenda.. Guess what?

    "Ano?"

    Alex: Lasagna.. :Smile

    Ngumiti ako. Tumayo ako para lapitan at tulungan siya.

    "Alex...yung step ah... Baka kasi.."

    *BLAAG*

    "Alex!!"

    Dali-dali ko siyang tinulungan. Di niya nakita yung isang step dun.. Marami ngang nadadaling bisita dun eh..

    Alex: I'm sorry..

    Nahulog yung dala-dala niyang tray ng lasagna. Nabasag.

    "Okay lang.. Halika dito.. Upo ka muna.."

    Inalalayan ko siya para makaupo.

    Alex: Uh.. Oww.. Ang sakit..

    "Saan?"

    Tinuro niya yung tuhod niya. Tinupi ko yung pantalon niya hanggang sa tuhod.

    Alex: Oh no..

    May malaki-laki siyang sugat sa may tuhod. Dumudugo nga eh.

    "Tsk.. Tsk.. Teka lang ah.."

    Pumasok ako sa loob para kunin yung first aid kit.

    Nilabas ko yung anti-septic wipe tapos dahan-dahan kong pinunasan yung sugat niya.

    Alex: Oww.. Medyo mahapdi..

    Hinipan ko yung sugat niya.

    Napatingin ako kay Alex.

    Alex: Uh.. Thanks..

    Ngumiti ako.

    Kumuha ako ng Betadine tapos naglagay ako sa cotton tapos pinahid ko sa sugat niya.

    "Naku.. Magkaka-peklat ka na niyan.."

    Nilabas ko yung band-aid tapos nilagay ko sa sugat niya.

    Alex: Haay.. Oo nga eh..

    Dahan-dahan kong binaba yung pagkatupi ng pantalon niya.

    "Yaan mo.. Lilibre na lang kita.."

    Alex:Ha?

    "Oo no.. Tapusin lang natin to.. Mayang hapon hatid kita.."

    Alex: Naku.. Huwag na..

    "Okay lang yun.. Hatid na kita.. Maya-maya darating na rin si Mama.. Hihiramin ko yung kotse.."

    Alex: Thanks ulit..

    "Sus.. Back to work na ulet.."

    Niligpit ko yung first aid kit tapos tumayo ako. Napatingin ako dun sa basag na tray ng lasagna.

    "Pansin mo.. Parang pag magkasama tayo laging may natatapon na lasagna.. Tsk.. Tsk.."

    Tumawa si Alex.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:37 pm

    Chapter 65:

    "Ayan... Tapos na natin.."

    Alex: "Yung kalahati.."

    "Haay.. Oo nga eh.. Ang hirap talaga mag-edit.. At least may natapos na tayo.."

    Tumingin ako sa relo ko. Hapon na. Maya-maya darating na rin si Mama. Hahatid ko na si Alex pagkatapos.

    Pumunta muna kami sa living room tapos in-on ko yung TV. Panay lipat ko ng channel. Hanggang sa napunta na sa Star Movies.. White Chicks. Nasa scene na kadate nung agent yung Black tapos kinakagat niya yung kuko niya para lang umayaw sa kanya yung lalaki. Laughtrip talaga.

    Tawa kami ng tawa ni Alex.

    "Favorite.. Ko yan.."

    Nagkatinginan kami.

    Ngumiti ako.

    "Ang kulet no. Pinanood namin yan ng tropa ko pero sa DVD nga lang.."

    BEEP.. BEEP..

    "Ayan na ata si Mama.."

    Lumabas si Ate Tess para pagbuksan ng gate si Mama. Maya-maya..

    Mama: "Naku po.. Ang traffic.. May bungguan pala diyan sa labasan.."

    Tumayo si Alex.

    Alex: "Good Afternoon po.."

    Nakatingin lang si Mama sa kanya. Natulala ata.

    "Ma?"

    Mama: "Ay.. Good Afternoon din.. iha.. Kaw yung pamangkin ni Bert di ba?"

    "Si Alex.. Classmate ko.."

    Sabay ngiti siya.

    Sinundan ko si Mama sa kwarto niya.

    "Ma, pahiram ng susi.. Hatid ko lang si Alex.."

    Humarap siya sa akin. Nagkasalubong yung kilay niya tapos ngumiti siya.

    Mama: "Ngayon ka lang nagdala ng babae sa bahay ah.. "

    "Ha?"

    Nagtaka naman ako bigla. Tapos naisip ko.. Hala..

    "No.. It's not what you think.. Kagroup ko lang siya.. Tinatapos lang namin yung project.."

    Mama: "Okay.. If that's what you say.."

    Sabay hagis sa akin ng susi. Lumabas ako ng kwarto nila.

    "Tara.."

    Lumabas kami tapos pinagbuksan ko ng pintuan ng kotse si Alex. Biglang tumingin siya sa akin..

    "Bakit? Gentleman din naman ako kahit papaano.."

    Tumawa siya.

    Alex: "Hindi masyado halata.."

    Tapos pumasok siya sa loob.

    Nagdrive kami papuntang mall.

    "Dito na tayo.."

    Alex: "Ha? Bakit?"

    "Sabi ko.. lilibre kita di ba?"

    Alex: "Kaw bahala.."

    Nagikot-ikot kami sa loob ng mall. Hanggang sa napadaan kami sa may arcade.

    Alex: "Tara, arcade tayo.."

    "Ha?"

    Sabay labas namin ng powercard namin. Wala ko nagawa kung hindi sundan siya. First Stop: Racing

    "Kaskaserang driver to.."

    Tumawa si Alex.

    Alex: "Sorry na lang.. Malapit na ako sa finish line.."

    "No way.."

    Tinapakan ko ng todo yung gas.

    Ayan. Malapit na.

    Malalagpasan ko na siya. Kita ko na yung finish line.

    "Yes!!"

    Alex: "Tsamba lang yun.."

    "Hinde no.."

    Sumunod na nilaro namin. Basketball.

    "Sige.. Pananalunin na kita.."

    Alex: "Whatever.. Game na?"

    "Oo ba.."

    Babagalan ko na lang. Paglabas ng bola, nagshoot ako.. tapos nagshoot ulit. Sinilip ko si Alex. Whoa. Mabilis din pala siya magshoot saka may porma siya tumira. Pagtingin ko sa points niya. Whoa.

    Binilisan ko nga yung pagshoot ko kaso nabagalan ko na kasi nung una kaya..

    Alex: "Pano ba yan.. I won.."

    "Five points lang naman lamang eh.."

    Alex: "Kahit na.."

    "Marunong ka pala magbasketball.."

    Alex: "Sino ba nagsabing di ako marunong.."

    "Sige nga.. Next time one-on-one.."

    Alex: "Hmm.. I'll think about it.. Baka kasi di pa ako pagpawisan pag naglaban tayo.."

    "Ang Yabang.."

    Alex: "Joke lang.. Tara dun naman tayo o.."

    Tinuro ni Alex yung game na may hammer tapos pag may lumalabas ng character sa mga butas pupukpukin mo.

    "Pambata yun eh.."

    Alex: "So what.."

    Tapos nauna na siya dun sa may game. Nag-swipe na siya ng card. Kinuha niya yung hammer.. Para siyang bata. Excited pa talaga.

    Tumayo lang ako dun sa may tabi. Lumingon-lingon. Nanlaki yung mga mata ko. Oh no.

    Si..

    Si Larisse.

    Kasama yung William ata. Nag-reracing.

    Tumalikod ako.. Pinatong ko yung mga kamay ko.. kaso..

    "Aaaaraaaay.."

    Alex: "Sorry.. Sorry.."

    "Ang sakit nun ah.."

    Alex: "Bat mo naman kasi pinatong yung mga kamay mo dyan ah.."

    "Sorry na.."

    Alex: "Haay.. Tara na nga.."

    Maya-maya nung nakalabas na kami at medyo malayu-layo na yung nalakad namin..

    Alex: "Nakita mo siya no?"

    Tumahimik lang ako.

    Alex: "Tara.."

    Hinila ako ni Alex papuntang.. Teka.. San nga ba kami pupunta?

    Maya-maya nasa harap na kami ng ice cream stand.

    "Ice Cream?"

    Alex: "Oo no.. Ang init kaya ngayon.."

    "Sige.. Kaw na lang.. Ako magbabayad.."

    Alex: "Hinde no.. Ako na.."

    "Ako na.."

    Tapos narinig ko na lang yung katabi naming babae bumibili ng ice cream.

    Miss: "Yung sa akin.. yung scoop niya.. strawberry saka chocolate lang.."

    Saka iniabot yung order sa kanya.

    Sinundan ko ng tingin yung babae.

    Ewan ko ba.

    May naalala lang akong bigla.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:41 pm

    Chapter 66:

    Naalala ko nun parehas pa kami ng binili ice cream..

    Yung ngiti niya.. Yung saya ko nung magkasama kami..

    Huminga ako ng malalim..

    Haay..

    Pero siguro kailangan kalimutan ko na yun..

    Dapat lang..

    Alex: Toph? Toph..

    Nagulat ako nung hinawakan ako ni Alex sa balikat.

    "Okay ka lang?"

    Sinundan ni Alex yung tingin ko.

    Alex: Bakit.. Kilala mo ba yun?

    "Uh.. Hinde.. Wala.. May naalala lang ako.. Anong gusto mong flavor?"

    Alex: Cookies n' cream na lang siguro..

    "Okay.. Isang cookies n' cream nga.."

    Binayaran ko yung ice cream tapos iniabot ko kay Alex.

    Alex: Thanks..

    Naglakad-lakad kami hanggang sa napunta na kaming Greenbelt.

    "Uh.. Bili lang ako sa Starbucks.."

    Alex: Ako na.. Ano bang orderin mo?

    "Mocha Frappe.. Grande.."

    Tapos iniabot niya sa akin yung kamay niya. Tinignan ko siya. Nakasmile siya. Bat kaya?

    Binigay ko sa kanya yung 200 ko tapos sinundan ko siya papasok sa loob.

    Miss: "Good afternoon Ma'am.."

    Alex: Uhmm.. Isang Mocha Frappe.. Grande..

    Miss: Name please?

    Bumulong si Alex.

    Alex: Narda..

    Lumapit si Alex dun sa kahera. Bumulong ulit.

    Alex: Narda.. N-A-R-D-A

    Naku po. May topak na naman to. Tsk.. Tsk..

    "Uhmm.. Pasensiya na.. Kasi ano.."

    Alex:Bakit? Haay..

    Ang kulet talaga nitong babaeng to. Tinitignan kami nung kahera nagtataka.

    Alex: Sige.. Alex na nga lang..

    Huminga ako ng malalim. Ang labo talaga nito. Pero nakakatuwa siya, ang lakas ng loob.

    Pagkakuha nung Mocha Frappe, lumabas na kami.

    "Okay ka lang? Narda?!"

    Tumawa si Alex.

    Alex: Bakit ba? Ginagawa kaya namin yun nung kuya ko eh..

    "Kuya?"

    Alex: Oo pero nag-aaral siya ngayon ng Graduate studies abroad eh..

    "Aaah.."

    Alex: Bakit ikaw.. Kaya mo ba yun?

    "Huh? No way.."

    Alex: For fun lang naman eh.. Sabihin mo ikaw kasi.. Uh.. Aguiluz?

    Tumawa ako. Bumulong siya bigla.

    Alex: Tapos Alwina na lang sana sinabi ko..

    "Ano?"

    Alex: Ah.. Tapos hahanapan kita ng Alwina mo..

    "Sira ka talaga.. Tara na nga.."

    Naglakad-lakad kami banda dun sa may fountain. Umupo ako dun sa may bench dun.

    Si Alex naman nagpuntang fountain. Nakatitig lang dun.

    Tumayo ako at nilapitan siya.

    "Okay ka lang.."

    Alex: Ha? Oo..

    Tapos binabad niya yung kamay niya.. Nagulat ako ng..

    "Alex!!!"

    Tinignan ko yung damit ko. Basa na.

    "Akala ko pa naman nagdadrama ka?!"

    Tapos binasa na naman niya ko ulit.

    "eto sayo.."

    Hinabol ko siya..Ang bilis tumakbo. Pinagtitinginan na nga kami nung mga iba dun eh.

    Nung maaabutan ko na siya.. Bigla siyang tumigil..

    Alex: Okaay.. Sorry.. I'm sorry..

    "Grabe ka.. Malala ka na.."

    Tapos tumawa ako.

    "Napagod ako dun ah.."

    Alex: C.R lang ako..

    Pumasok siya dun sa C.R.. Ako naman naghintay lang sa labas.

    Nakatalikod ako nun.. biglang may humawak sa balikat ko.. Lumingon ako..

    Stephen: Uy.. Sabi ko na nga ba.. Kaw yan..

    "O.. Dito ka rin pala.."

    Stephen: Ba't nandito ka? Saka ba't basa ka?

    "Ah.. Wala to.. Kaw sino kasama mo?"

    Nagulat na lang ako biglang may lumapit na lalaki..

    Stephen: Ah.. Pinsan ko nga pala...

    "uy.. Pare.. Toph pala.."

    Nakipagkamay ako dun sa pinsan niya.

    "Matthew.. pero Matt na lang.."

    Stephen:Sige.. tol.. una kami..

    "Sige.."

    Maya-maya lumabas na rin si Alex..

    Alex: Si Stephen yun di ba?

    "Ah.. Oo.. Saka yung pinsan niya.. Tara na.. Hatid na kita.."

    Bumulong si Alex.

    Alex: "Buti na lang.. Di kami nakita.."

    Mga ilang minuto lang nakarating na rin kami sa bahay nila. Pinagbuksan ko ulit ng pinto si Alex.

    Nag-doorbell siya sa bahay nila. Tapos, pinagbuksan din siya maya-maya nung maid ata nila. Hinintay kong makapasok siya sa loob..

    Pumasok na ako sa loob ng kotse. Nag-drive na ako pauwi. Pinarada ko sa may garahe namin yung kotse, baba na sana ako nung may nakita ko sa inupuan ni Alex kanina.

    "Di ko to napansin kanina ah.."





















    Napangiti naman ako.

























    Yung napkin sa may Starbucks.

    Tapos nakasulat.. "I had fun.. Thanks.. =P"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:46 pm

    Chapter 67:

    Ilang linggo na lang sembreak na. Ang saya. Woohoo. Pero sunud-sunod na ang mga projects saka exams. Haay.

    Lunes. Sobrang napagod ako dun sa exam ko sa math. Napiga na yung utak ko. Pagkatapos ng exam, dumirecho kong canteen para bumili ng pagkain. Saka ako nagpuntang SocSci1 ko. Pagsilip ko sa room, wala pang tao kaya umupo muna ako sa may bandang hallway na lang. Nagkataon, pinatong ko sa kanan ko yung iced tea ko pagtingin ko sa di kalayuan. Nakaupo din si Alex.

    "Alex!!"

    Hindi lumilingon? Bakit kaya. Parang tulala ata yun ah. Tumayo ako at tinabihan siya.

    "Huy.."

    Parang nagulat siya nung nakita ako. Tulala nga.

    Alex: "Nandiyan ka pala.."

    "Okay ka lang?"

    Sabay kagat ko dun sa burger na binili ko at inom na rin ng iced tea.

    Alex: "Ha? OKay lang.."

    Sabay punas naman ng mata niya. Naku po. Umiiyak pala siya. Lumingon-lingon ako sa paligid ko.

    "Bakit? Ano problema? Baka sabihin nila pinaiyak kita.."

    Ngumiti si Alex.

    Alex: "Kasi ano.."

    Huminga siya ng malalim.

    Alex: "Kakakuha ko nung exam results ko kanina eh.. Grabe.. Ang baba.. Natatakot tuloy ako.. Di rin kataasan yung grade ko last exam eh.. Target grade ko pa naman at least 2 or 2.25 man lang."

    "Ano bang subject?"

    Sabay inom ko ulit ng iced tea.

    Alex: "Math 17"

    "Math?? Haay.. Di ka nag-iisa ano.."

    Pero nakita ko mu~g namomoblema talaga siya.

    "Patingin nga ng exam mo.."

    Nilabas naman ni Alex yung exam niya. Tinignan ko.

    "Hmm.. Gusto mo turuan kita? Kasi tapos na kami dito Math 54 na ako eh.. Buti pa kayo walang Math series.."

    Alex: "Talaga?! Uh.. I mean.. Okay lang?"

    "Oo naman.. Uh.. Gusto mo sa Wednesday.. Sa library.."

    Ngumiti si Alex. Nagsimula na rin magsidatingan yung mga kaklase namin.

    Alex: "Okay.."

    Tumayo kaming dalawa at pumasok na sa classroom.

    Miyerkules.

    Nilapag ko yung mga higanteng libro sa lamesa sa may library.

    Alex: "Whoa?! Ang lalaki naman niyan.."

    "Ang bigat pa.. Okay.. Game.. San tayo magsimula.."

    Iniabot niya sa akin yung recent exam niya.. Tinignan ko.. Hmm.. Umupo ako nang..

    "Aaarraay ko.."

    Alex: "Toph!?"

    Tumayo si Alex para tulungan ako.

    Alex: "Kasi naman.. ang layo pa kaya nung upuan mo noh? ilapit mo.. ganito o.."

    Tapos nilapit niya yung upuan.

    "Pasensiya.. Nagcoconcentrate ako eh.."

    Tumawa si Alex.

    Alex: "Nakakatuwa ka pala magconcentrate.."

    "Eto na.. start na tayo.. Ganito.."

    Una muna inexplain ko sa kanya bawat problem dun sa exams niya muna. Problem solving kasi yung topic nila dun. Tapos sinubukan din naming magsagot ng mga sample problems sa libro. Pagkatapos, kinuha ko yung dati kong mga exams tapos pinasagutan ko sa kanya.

    "Oi, C.R ako.. Pagbalik ko dapat tapos na yang dalawang problem na yan.."

    Alex: "Ganun? Opo. sir.."

    Pagbalik ko, patapos na siya dun sa pangalawang problem. Pagtingin ko..

    "Okay naman.. pero ang haba ng solution mo.. mahihirapan ka baka kulangin ka sa oras di mo naman masagutan yung ibang tanong pag exams.."

    Tinuruan ko siya ng mas maikling paraan ng pagsagot nung mga problems.

    "Haay.. Ang init naman dito sa pwesto natin.."

    Alex: "Oo nga eh.. Dun kaya tayo sa may electric fan o.. Wala na yung nakaupo dun kanina eh.."

    Lumipat kami dun sa may table dun. Nilapag ko yung mga gamit. Kaso nahulog yung calculator ko bigla.. Bad trip baka nasira yun ah. Pinulot ko tapos pagtayo ko.. Nanlaki yung mga mata ko..

    "Hala.. Bilis.. Nililipad yung mga papel o.."

    Alex: "Dali.. Magpulot ka kaya.."

    Pinatay ko muna agad yung electric fan, ang laki kasi grabe. Tapos saka naming pinagpupulot yung mga papel. Ang daming nahulog eh..

    *DUUG*

    "Araay.."

    Alex: "Ang sakit nun ah.."

    Sabay hawak namin sa noo namin.

    "Ako kaya naunang nakakita nung papel.."

    Alex: "Okay? Makipagagawan daw?"

    Tapos tumawa kami.

    Inayos na namin yung mga gamit tapos tinuloy ko na yung pagturo sa kanya. Sumunod na inaral namin yung lessons niya ngayon, yung ieexam niya bukas.
    Pagkatapos, kumain muna kami ng lunch saglit tapos review na naman ulit. Mga 3:30 na kami natapos.

    "Sa wakas.. Ang galing ah.. Perfect na.. Baka mauno mo na yung exam mo.."

    Ngumiti siya.

    Alex: "Sana.."

    Niligpit na namin yung mga gamit tapos lumabas na kami ng library. Nagulat ako biglang hinawakan ako sa balikat ni Alex.

    Alex: "Uhm.. Salamat ah.. Sobr-- Owww.. Oww..."

    "O.. Bakit.."

    Biglang hawak niya dun sa kanang mata niya.

    Alex: "Napuwing ata ko... Sakit.."

    "Teka.."

    Dahan-dahan kong hinawakan yung mata niya tapos hinipan ko.

    "Ayan.. Okay na?"

    Pinikit ni Alex yung mga mata niya.

    Alex: "Medyo.. Uh..Thanks ulet.. Sige, mauna na ko.. May dadaanan pa ko eh.."

    "Sige.. Good Luck sa Exam bukas.."

    Tapos ngumiti si Alex.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:49 pm

    Chapter 68:

    Huwebes. Palakad na ako papuntang sakayan. Stressed talaga ko. Tatlo exams ko kanina. Sana naman pasado ko lahat at pinagpuyatan ko rin yun ng ilang araw.

    Wala na ata ako sa sarili habang naglalakad eh gusto ka na makauwi at matulog.. Haay.. May exam pa ako bukas. Nakapila ako sa may sakayan. Naghihintay ng jeep papuntang pantranco..

    "Toph!!!"

    Lumingon ako sa kanan. Wala namang tao. Pero parang may narinig akong tumawag sa akin. Pagharap ko sa kanan, nagulat ako kaharap ko na bigla si Alex.

    "Kakagulat ka naman.."

    Hinawakan niya ako bigla sa balikat.

    Alex: "Guess what?!"

    Ngumiti ako.

    "Spill it.."

    Alex: "1.25 ako sa exam ko!!"

    "Wow! May result na agad.. Buti pa prof niyo masipag magcheck.."

    Tumawa si Alex.

    Alex: "Kakakuha ko nga lang eh.. "

    "Sabi ko sayo eh.."

    Alex: "Thank you ah.. Sobra.."

    "Wala yun.."

    Maya-maya may dumating na jeep na.

    "Sige.. Sakay na ako.."

    Papila na ko nang..

    Alex: "Uh.. Toph?"

    Lumingon ako.

    Alex: "Dahil magaling kang tutor.. lilibre na lang kita.. Parang thank you ko na rin.."

    "Aba naman. Oo ba. Libre eh. Hmm.. Parang gusto ko ng tapsilog bukas sa Rodics ah.."

    Alex: "O sige ba.. Bukas.."

    "After na lang ng exams.. mga hapon.. 4 siguro.. Naku po. Ginugutom tuloy ako.."

    Alex: "Okay.. Ingat.."

    Ngumiti ako tapos umakyat at pumasok na ako sa jeep. Pagtingin ko, nandun pa siya sa may sakayan. Hinintay niyang makapasok ako hanggang sa makaalis na yung jeep, sabay kaway pa sa akin.

    Pag-uwi ko ng bahay. Umidlip ako saglit tapos gumising ako para mag-review para sa mga exams ko kinabukasan. Madaling araw na nga ako nakatulog eh.

    "Yaaaawwwwnnn.."

    Pagtingin ko sa wall clock.

    "Patay!" Dali-dali akong nagpuntang banyo para maligo at magbihis. Bumaba ako agad para magbreakfast. Pagtingin ko yung plato ko na lang yung nandun.

    Mama: Iho.. Bilisan mo..

    Umupo ako agad para kumain tapos direcho toothbrush agad pagkatapos. Five minutes before the exam ako nung nakarating sa school. Buti nalang wala pa yung proctor. After ilang minutes, pumasok na yung proctor at binigay yung exam namin.

    Pagkatapos nun, dumirecho ako sa next exam ko. Dun naman medyo maaga-aga ako kahit papaano. Nakipagmeet din ako dun sa mga groupmates ko pa sa isang subject. Tapos after nun, nakipag-usap ako dun sa isa kong prof. Gusto niya kasi akong kausapin regarding dun sa project ko kung pwede akong gumawa ng kaunting revisions lang naman.

    "Sige po sir.. Thank you po.."

    Lumabas akong office niya. Pag-labas ko narinig ko yung pagkulo ng tiyan ko.

    "Di pa pala ako kumakain.."

    Dali-dali akong pumuntang canteen hanggang sa..

    *BLAG*

    Pagtingin ko kung sinong nabangga ko.

    "Uy.. Pasensiya.."

    Stephen: okay ka lang?

    "Dami kong ginawa ngayon.. Exams.. Kinausap ko yung prof ko.. Di pa ko kumakain.. Haay.."

    Stephen: Di ka pa kumakain? 2:30 na ah? Tsk.. Tsk..

    Sinamahan ako ni Stephen. Umorder ako ng kanin at ulam kasi gutom na ako nang sobra.

    Stephen: Uh.. Pinapunta pala tayo sa tambayan mamaya.. May meeting daw..

    "Ganun? Tungkol san? Sa Induction natin as members?"

    Tumahimik si Stephen.

    Stephen: Di ko alam eh.. Siguro.. Pero ang narinig ko may sasabihing importante si Larisse eh..

    Natigilan ako.

    "Ah.. Okay.."

    Stephen: Pupunta ka ba?

    Ang tagal bago ko sumagot.

    "Uh.. Oo naman.."

    Stephen: Wala ka ng lakad? Parang ang dami mong pinuntahan ngayon ah.. Busy ba?

    "Di naman.. Sunud-sunod lang.. Lakad? Hmm.."

    Napaisip ako.

    Parang meron pero di ko naman matandaan.

    "Wala ata.. Wala.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:51 pm

    Chapter 69:

    Nag-stay kami ni Stephen sa canteen hanggang mga 3:30 pm.

    "Anong oras ba yung meeting?"

    Stephen: 4 pm daw.. Ano punta na tayo dun?

    "Sige.."

    RIIIIIIINGGG

    Tinignan ko yung phone ko. Naka-off naman?

    Stephen: Hello?

    Akala ko sa akin. In-on ko yung phone ko. Nagbukas naman. Nagvibrate bigla.

    1 message received



    Opening..
































    Battery Empty!!

    Nagulat ako biglang namatay yung phone ko. Wala na pala akong battery. Bad trip naman nakalimutan ko palang mag-charge kagabi.

    Stephen: Tara na?

    Pagdating namin sa tambayan, ang daming pagkain. Anong okasyon?

    Stephen: Ang daming chibog ah..

    Lumapit si Leila sa amin.

    Leila: Haay..

    "Bakit?"

    Leila:Basta..

    Biglang nagsalita si Hannah.

    Hannah: Kung mapapansin niyo ang daming pagkain ngayon.. Siyempre, nalalapit na ang induction natin as members kaya kailangan magcelebrate..

    Palakpakan naman kaming lahat.

    Hannah: Kaso.. Haay.. May bad news naman..

    Nagulat ako nung nagpunta sa harapan si Larisse. Ngumiti siya.

    Larisse: Sobrang saya ko at di ako nagsisisi na sumali ako dito kasi kung hindi.. di ko sana kayo nakilala.... Bago ako umalis gusto ko sana pasalamatan kayo sa lahat-lahat..

    Stephen: Aalis ka?

    Ngumiti si Larisse.

    Larisse: Yah.. Nag-advanced exams na ko para makuha agad yung transcript ko.. Lilipat na kami ng family ko.. Ma.. Mamimiss ko kayo..

    Tumahimik kaming lahat. Lumapit lahat para yakapin siya. Naiwan kaming dalawa ni Stephen sa may sulok.

    Stephen: Okay ka lang pare..

    Tahimik lang ako. Hindi ko iniexpect yun ah.

    Larisse: Kainan na..

    Nagsimula na kumuha ng kanya-kanyang plato lahat. Nagpatugtog din ng music. Maya-maya dumating si Jeffrey. Basang-basa.

    Jeffrey: Sorry ngayon lang ako.. Umulan bigla.. Ang lakas nga eh.. Nabasa tuloy ako..

    Sumilip kami sa may pintuan sa labas.

    "Ang lakas nga ng ulan.."

    Stephen: Ang malas naman nung mga nasa labas..

    Ewan ko. Pero bigla akong kinabahan.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 8:54 pm

    Chapter 70:

    Umupo ako dun sa may sulok.

    Nagulat na lang ako nung may lumapit sa akin.

    Larisse: Di ka kakain?

    Ngumiti ako.

    "Kumain na ako.."

    Tumabi siya sa akin.

    Larisse: Sorry..

    "Para san?"

    Larisse: Sa lahat..

    "Wala ka namang kasalanan eh.."

    Ngumiti siya.

    Larisse: Teka lang ah..

    Tumayo siya bigla. Pagbalik niya may dala-dala siyang isang plato ng cake.

    Larisse: O eto.. cake man lang..

    "Ha?"

    Larisse: Masarap yan..

    Kinuha ko yung plato sa kanya.

    Larisse: Mamimiss ko kayong lahat...

    Natigilan ako.

    Larisse: I really appreciated everything.. Pag nakakatanggap ako nung teddy bear.. Napapangiti ako.. Thank you..

    "Wala yun.. Salamat din.. For.. For being a friend.."

    Ngumiti siya.

    Stephen: Tol.. Sabay ka na sa akin? Umuulan na eh.. Mag-5:00 na rin..

    "O Sige.. Uy.. Mauna na kami.."

    Larisse: "May payong ba kayo?"

    Stephen: Okay lang yun.. Konting basa lang naman..

    Larisse: Ha? San ba kayo nagpark?

    Stephen: Dun sa may parking lot sa may kabilang hall..

    Larisse: Malayo yun.. Teka.. Payungan ko na kayo..

    "Ha? Wag na.."

    Larisse: Okay lang yun.. Pauwi na rin naman ako.. Dun na lang din ako magpapasundo..

    Nagpaalam na kami salahat. Nag-group hug pa nga eh.

    Stephen: Dalian natin.. Ang lakas ng ulan..

    Buti na lang kahi papaano malaki-laki yung payong ni Larisse. Direcho agad kaming parking lot.

    Pumasok agad si Stephen sa loob ng kotse.

    "Yung sundo mo?"

    Larisse: "Malapit na yun.. Sakay ka na.."

    Tinignan ko siya.

    "So.. Goodbye na.."

    Ngumiti siya.

    Larisse: Magkikita pa rin naman siguro tayo.. Someday..

    Nilapitan ako ni Larisse.

    Palapit ng palapit.

    Naramdaman ko yung pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

    Tapos nagyakapan kami.

    "Sige.."

    Pumasok na ako sa CRV ni Stephen. Maya-maya dumating din yung sundo ni Larisse.

    Stephen: Tara na?

    Nag-drive na siya paalis.

    Stephen: Napansin mo ba yung babae sa may sakayan kanina sa tapat ng parking lot?

    "Huh? Hinde.."

    Stephen: Wala lang.. Di ko masyado nakita yung mukha eh.. Walang payong.. Basang-basa nga eh..

    Lumiko pakaliwa si Stephen. Medyo traffic na. Maya-maya nakarating na rin akong bahay.

    Mama: Iho.. Buti nandito ka na..

    "Akyat lang ako.. palit ako ng damit.."

    Pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Nilabas ko na rin yung cellphone ko at nagcharge ako. Inon ko... Pagbukas ko..

    Natigilan ako. May text ako galing.. galing kay..

    Alex?!

    "Patay.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:01 pm

    Chapter 71:

    RIIINNGGG RINGGG..

    Hindi ako mapakali habang nasa loob ng kwarto ko. Kinakabahan ako. Kanina pa walang sumasagot sa phone niya. Haay.

    Bumaba ako saglit para kumuha ng isang basong tubig. Napansin ko si Marielle tawa ng tawa habang may kausap sa phone sa may living room.

    "Sino yan?"

    Tinakpan ni Marielle yung phone.

    Marielle: Kuya.. Wag ka maingay.. Okay.. Si TJ.. Sshh..

    "Sus.. Wag ka nga magtetelebabad diyan.."

    Tapos naisip ko bigla. Nilapitan ko si Marielle at kinuha yung phone sa kanya.

    Marielle: Kuya?!

    "Hello? TJ? Alam mo ba number nina Alex sa bahay?"

    Pagkasabi niya sinulat ko sa papel tapos..

    "Sige.. Salamat.."

    Tapos binaba ko yung phone.

    Marielle:Teka.. Di pa kami tapos mag-usap.. Grrr.

    "Ay.. So-sorry nawala sa isip ko.. Sorry.. Libre na lang kita bukas.."

    Di ko naman talaga sinasadya. Nawala sa isip ko. Kinakabahan kasi ako. Nakakahiya kay Alex. Umakyat ako pabalik ng kwarto ko at dinial yung number. May sumagot na babae sa phone.

    "Hello? Pwede po kay Alex?"

    "Uh.. Sino to?"

    "Pakisabi ho si Toph.."

    Biglang natahimik yung babae sa phone.

    Alex: O Toph, napatawag ka..

    "Kasi ano.. sorry hindi ako nakapunta kanina.. nawala talaga sa isip ko.. sorry talaga.."

    Alex: Uh.. yun ba?

    Tapos natahimik ulit siya.

    "Alex?"

    Alex: Naku.. Di rin ako nakapunta eh..

    "Pero di ba nagtext ka kung papunta na ako?"

    Alex: Uhmm.. Kasi ano.. Di na ako nakapagtext ulit.. May kinailangan pa pala ko puntahan..

    Napansin ko parang iba yung boses niya.

    "Ah ganun ba.. Sorry ulet ah.."

    Alex: Ha? Eh di rin naman ako nakapunta eh..

    "Kasi nakakahiya pa rin.. Kinalimutan ko na lang ng ganun..Sorry.."

    Alex: Yaan mo na yun..

    "Okay ka lang kasi parang.. uh.. may sakit ka ba? Kasi parang iba boses mo.. umiiyak ka ba?"

    Alex: Ha? A-ano kasi may pinapanood akong movie ngayon.. Kakaiyak nga eh.. Di ko mapigilan..

    "Ah.. Ganun ba.. Sige.. Sorry naistorbo ata kita.."

    Tapos narinig ko na lang umiiyak talaga siya.

    "Uy.. Nakakaiyak ba talaga yung movie na yan ha.. Dalang-dala ka ah.."

    Alex: Oo.. *Hikbi* Nakaka.. *Hikbi* iyak talaga..

    "Ano ka ba.. Tsk.. tsk.."

    "Alex? " Huminga ako ng malalim.

    Alam mo ba.. si Larisse aa---"

    Alex: Uhmm.. Naku, may.. may *hikbi* nag-doorbell kasi.."

    "Ganun ba? Sige.. Bye.."

    Alex: Babye..

    "Alex?"

    Alex: O?

    "Sorry ulet ah.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:05 pm

    Chapter 72:

    Tumingin ako sa telepono. Wala na Binaba na niya.

    Huminga ako ng malalim. Di pala siya nakapunta. Pero bat parang binabagabag pa rin ako? Di ko siguro alam ang gagawin ko kung sakaling nagpunta siya talaga tapos hinintay niya ako. Ngayon pa nga lang, guilty na ako eh.. Pano kaya pag ganun nga.. Haay..

    Lunes. Papunta na ako sa last subject ko, Socsci1. Naglalakad ako sa hallway. Pagtingin ko sa di kalayuan.. Teka.. Si Alex ata yung naglalakad eh. Kabisado ko ata yung cap+napakalaking tshirt with sleeves na iniipit niya sa balikat para angas ang dating+jeans+rubbershoes look niya kahit nakatalikod.

    Tumakbo ako para mahabol siya.

    "Alex?!"

    Hinde ata ako narinig nun ah. Pagtingin ko, teka, palabas na room yung iba kong mga classmates.

    Emm: "O Toph.."

    "Bat palabas na kayo eh 2:15 na ah.. Baka dumating na si Ma'am.."

    Tinuro ni Emm yung board sa loob. Sumilip ako.

    Emm: "Ipasa na lang daw natin yung project sa kanya.. Wala ng classes.."

    "Ganun ba?"

    Emm: "Text text na lang siguro.."

    "O sige.."

    Dalawang linggo na lang at magsesembreak na. Wala na rin si Larisse. Umalis siya three days ago.

    Stephen: Halos wala na tayong class eh no.. Kaso next week exams na naman.. Ikaw may class ka pa ba?

    "Wala na rin halos eh.. Mga meeting na lang para sa group project.. Mamaya nga may meeting kami nina Alex eh.."

    Stephen: San ba meeting place niyo?

    "Sa library.."

    Tumingin ako sa watch ko.

    "Siguro, pupunta na ako dun.."

    Stephen: O sige.. pare. Ingat..

    Naghiwalay kaming dalawa at dumirecho na ko sa library. Pagdating ko nandun na mga kagrupo ko pero..

    "San si Alex?"

    Mara: Kanina pa siya umalis eh.. May pupuntahan pa daw siya.. Binigay na niya yung video niyo.. edited na..

    "Ah.. Tagal ko na di nakikita yun ah.."

    Nakakailang group meetings na kami pero di ko pa siya nakikita. Ano na kaya nangyayari dun?

    Pagkatapos ng group meeting, naglakad ako papuntang sakayan. Nagulat ako biglang nagbusina si Stephen.

    Stephen: Sabay ka na?

    Sumakay ako sa kotse niya.

    Habang nasa kotse, tahimik lang ako.

    Stephen: Tol.. Okay ka lang.. Teka, soundtrip nga tayo..

    Sabay bukas ni Stephen nung radyo.

    Kasalanan ko ba
    Kung iniibig kita?
    'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
    Kasalanan ko ba kung ang nadarama
    Ay pag-ibig na tapat?
    Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga

    Ang senti nung kanta ah.

    "Ah.. Wala lang.. Oo nga pala, Nakita mo ba si Alex?"

    Stephen: Paminsan-minsan nakakasalubong ko sa campus..

    Iniba ni Stephen yung istasyon ng radyo.

    Ngunit di mo naman pinapansin
    Mga tawag ko
    Di mo naman pinapansin mga sulat ko
    Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?
    Lahat naman ay kayang ibigay sa yo
    Kahit na mahirap basta gusto mo
    Ano ba talaga?
    Para lang ako'y pansinin mo

    Sana nama'y maintindihan mo ako
    Lahat na itoy para sayo
    Nang ako ay lumayo ikaw pa rin ang
    Hanap ko ang gusto ko'y sa'yo lamang


    "Di ko pa kasi nakikita yun eh.."

    Stephen: Aaah.. Baka busy? Uhmm.. Toph.. May tatanong ko sayo..

    "Sure.."

    Stephen: "Kasi ganito.. May tropa ko.. tawagin nating si pekto tapos nagkagusto siya sa isang babae tawagin nating mahal tapos umalis si mahal.. si pekto may kaibigan ding babae na tawagin naman nating si love.. Si love mu~g nahuhulog ang loob kay pekto pero di napapansin ni pekto.. At mu~g lumalayo na si love kay pekto.."

    "Seryoso ba yan? May katropa kang Pekto?"

    Ngumiti si Stephen. Iniba niya yung istasyon ulit ng radyo.

    Don't call me in the middle of the night no more
    Don't expect me to be there
    Don't think that it will be as it was before
    Don't think that i care
    I'm not over you yet
    And i don't wanna be your friend

    Sinakyan ko na lang yung trip ni Stephen.

    "Hmm.. Okay ba naman si love?"

    Stephen: Oo, maganda.. mabait.. nilakad pa nga ni love si pekto dati kay mahal eh..

    I'll forget we ever met
    I'll forget i ever let
    Ever let you into this heart of mine baby..
    You just gotta let me be
    You gotta keep away from me
    Coz' all i wanna do is be free from you baby
    Don't you come around
    And say you still care
    About me..just go now , go now

    Stephen: Ano lang ano sa tingin mo?

    "Talaga? Ewan ko eh. Lam mo naman di ako magaling sa ganyan eh."

    Stephen: Alam mo sa tingin ko? Sana mauntog yung kaibigan ko.. Para magising sana siya...

    "Sa bagay, medyo manhid nga naman.. Siguro naman mapapansin din niya yung sinasabi mong babae.. in time.."

    Tumawa si Stephen.

    Stephen: Siguro.. Sana nga.. Hmm.. Alam mo, papakilala nga kita kay Pekto minsan..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:09 pm

    Chapter 73:

    "Haay.. Last day na ng exam pagkatapos nito.. Sembreak na.. Hell week talaga.."

    Marielle: Kaasar naman.. Kami ang sembreak isang linggo lang.. Hmpph..

    "Bayaan mo.. Pag nag-college ka na.."

    Mama: JC, Oo nga pala.. Nakita mo na ba yung invitation na pinadala ni Liza? Nandiyan sa may telepono..

    "Ha? Bakit? Si Ate Liza?"

    Si Ate Liza, second cousin namin. Yung mom niya, si Auntie Julie, pinsan ni Mama.

    Mama: Ikakasal na.. Secondary Sponsor ka nga eh.. Candle..

    "Ah.. Ikakasal na siya? Sa bagay 26 na ata siya.. di ba? Sige po mauna na ko.."

    Tumayo ko mula sa hapagkainan, nagtoothbrush saglit at pumasok na ng school.

    Dumirecho agad ako sa classroom para sa una kong exam. Okay lang naman. Two Hours yung exam pagkatapos nun mahilu-hilo ako. Pagkatapos nun, Math Finals naman. Nagjumble-jumble na yung formulas sa utak buti nakasurvive pa ko.

    "Haay.. Salamat.. Heaven na.."

    Lumabas ako ng room. Biglang may tumawag sa akin..

    "Uy.."

    Emm: Mamaya punta ka ba?

    "Saan?"

    Emm: Parang farewell ng class..

    "What time ba saka san?"

    Emm: Mga 3 pm siguro.. After ng mga exams.. Sa room natin..

    "Sige.. Tignan ko.."

    Tinignan ko yung watch ko, 11:30 na. Tapos na kaya si Stephen? Pinuntahan ko si Stephen sa room nila. Math din exam nun eh. Pagdating ko, sakto palabas na siya.

    "Uy.. Pare.."

    Stephen: Tara na.. Canteen na tayo.. Ginutom ako sa exam na yun ah..

    Naglakad kami papuntang canteen.

    "Teka, mauna ka na..."

    Stephen: Sige..

    Nauna na si Stephen sa canteen. Ako naman nag-CR muna. Pagdating niya dun..

    Stephen: Psst.. Mag-isa ka?

    Alex: "Ha?"

    Nagulat si Alex. Kasalukuyan siyan may sinusulat noon sa pahina ng notebook. Pinunit niya. Sabay crumple nung papel. Sinilip niya kung may kasama si Stephen.

    Stephen: "Di ko siya kasama.."

    Alex: Uh.. Ano.. Meryenda lang naman.. Uhmm..Di mo ata kasama si ano..

    Nakiupo si Stephen dun sa table kung nasan si Alex.

    Stephen: Iniiwasan mo ba siya?

    Tahimik lang si Alex habang nagbabasa.

    Stephen: Wala ring mangyayari kahit iwasan mo siya.. Sayang naman yung pagiging magkaibigan niyo kung mababalewala lang..

    Tumayo si Alex at niligpit yung mga gamit niya.

    Alex: Sige, mauna na ko.. May exam pa ako..

    Stephen: Sige.. Ingat..

    Naglakad palayo si Alex at lumabas dun sa isang pintuan sa canteen. Dalawa yung pintuan dun eh.

    Maya-maya..

    "Uy.."

    Stephen: Tagal mo ah..

    Nilapag ko yung mga gamit ko sa table.

    "Tara, bili na tayo ng pagkain.."

    Pumila kami at bumili ng makakain. Sisig na lang yung binili ko. Bumalik ako sa may table at pinatong yung food tray saka ako umupo.

    Bigla akong may naupuan..

    "Teka.. Ano to.."

    Tinignan ko kung ano yun.

    "papel?"

    Stephen: "Ano yan?"

    Nilapad din ni Stephen yung pagkain niya sa table. Sabay hablot sa akin nung papel.

    "Uh.. Papel lang naman yan eh.. Lukot-lukot pa.."

    Stephen: "Oo nga.."

    Tapos binuklat niya yung papel at binasa..
    Nakakainis ka.. Alam mo ba yun. Ang sarap mong sapukin! Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa yun.. Hindi mo lang alam nasasaktan ako. Pero ganun naman ata talaga.. parehas lang naman tayo ng sitwasyon di ba.. yung gusto mo hindi mapasayo.. ang sakit di ba.

    Nung nakita ko kayo na magkayakap, sumabay yung pagpatak ng luha ko sa paglakas ng ulan. Pero ang panga ko kasi kahit anong sabi ko sa sarili ko na makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko para sayo, meron pa rin dito.. sa puso ko.. umaasa na mapapansin mo ko.

    Kahit ayaw ko, naitanong ko din sa sarili ko.. ano bang meron siya na wala ako.. tapos sa huli, naisip ko.. kung ano.. kung sino..

    yun ay IKAW

    Natahimik ako nung binasa ni Stephen yung nasa papel.

    "Sino kaya nagsulat niyan.."

    Stephen: "Ah.. Eh.. Di ko lam.. Kaw nakakita niyan di ba? O Eto, kaw na lang magtago.."

    Sabay abot sa akin ni Stephen nung papel. Tinignan ko ulit yung lukot-lukot na papel.

    Hindi ko alam pero parang eksakto niyang sinabi yung mismong nararamdaman ko. Yung pakiramdam na...

    Umaasa ka kahit alam mong wala na talaga.

    Yung nasasaktan ka pero ayaw mong ipahalata sa iba.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:12 pm

    Chapter 74:

    Pagtingin ko sa relo ko, 2:30 pm pa rin. Teka, parang ang bagal naman ng relo ko. Tinignan ko yung phone ko. 4:00 na?!

    "Pare.. alis na ako.."

    Stephen: "Uwi ka na?"

    "Hinde.. Farewell daw kasi sa Socsci 1 eh.."

    Pagdating ko sa room, nandun na yung mga kaklase ko pati yung prof. ko. Konti na nga lang sila eh.

    "Magdadala pala ng pagkain.. di ko alam.."

    Emm: Ang dami na niyan.. sobra-sobra na nga eh.. Kumuha ka ng pagkain..

    Kumuha ako ng plato tapos kumain ng kaunti. Busog naman na ako. Nakipagkwentuhan ako dun sa mga kaklase kong nandun.

    "Emm, si Alex?"

    Emm: Uh.. Nag-CR lang ata.. Andyan pa bag niya eh o..

    "Ganun ba?"

    Paglingon ko, nakita kong pumasok si Alex sa room.

    "Pssst!"

    Lumingon siya. Nagulat ata nung nakita ako. Ngumiti lang. Lumapit ako sa kanya.

    "Long time no see ah.."

    Alex: "O nga eh.."

    Nagulat ako bigla niyang kinuha yung bag niya sa upuan.

    Alex: Kailangan ko na pala umuwi..

    "Ha? Bat naman.. Kakadating ko lang ah.."

    Ngumiti siya.

    Alex: Ang aga mo kasi dumating di ba... Sige..

    Paalis na siya nung pinigilan ko.

    "Uh.. Alex.. Next time, libre kita para makabawi naman."

    Alex: Ha? Para san? Dun sa dati na naman.. Wala yun.. Di rin naman ako nakapunta di ba?

    "Kahit na..."

    Alex: "Sige.. Next time.."

    "Okay.."

    Alex: Uh.. Yung kamay ko?

    "Ay.. Sorry.."

    Sabay bitaw ko sa kamay niya.

    Alex: Para kang tuko kung kumapit ah..

    "Grabe ka naman.."

    Tumawa siya.

    Alex: Sige.. Mauna na ko.. Happy Sembreak pala..

    "ingat.."

    Bumalik ako at nakipag-usap ulit dun sa mga classmates ko pati na rin sa prof. ko. Kwentuhan kung anu-ano. Mga quarter to five na nga ako umalis dun eh.

    Naglakad ako papuntang sakayan. Pumila ako dun sa pagkahaba-habang pila. Haay. Palingon-lingon ako nun nang nakita ko.. si Alex?? Nandun siya sa may tapat patingin-tingin sa kanan at kaliwa. Mu~g patawid siya ng kalsada. Akala ko umuwi na yun?

    Tumatawid na siya nung..

    "Alex!!"

    Nagkatinginan kami. Napatigil siyang maglakad nung nakita ako.

    *BEEP BEEP*

    Napatingin ako sa kaliwa. May paparating na jeep.

    Oh Sh*t

    Si Alex!!!


    Sponsored content

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by Sponsored content Today at 9:35 pm


      Current date/time is Fri Dec 09, 2016 9:35 pm