Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Torpe [ A Story of Love ]

    Share

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    Total Votes: x

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:17 pm

    Chapter 75

    Bumilis yung paghinga ko. Ang unang pumasok sa isip ko tumakbo. Dali-dali akong tumakbo tapos tinulak ko si Alex.

    SCREEEEEEEeeeeecch..

    Alex: Toph!!

    Wala na akong natandaan pagkatapos nun. Ang alam ko lang, huli kong nakita si Alex napaupo nung naitulak ko.

    "Uggghh.."

    Ewan ko ba. Ang bigat ng pakiramdam ko. Dahan-dahan kong binuksan ng kaunti ang mga mata ko kaso pinikit ko agad kasi nasilaw ako bigla.

    Bumulong ako.

    "Na..san.. ako.."

    May narinig na lang akong boses.

    "Toph.. Toph.. Nasa...














































    Heaven ka na.. Heaven.."

    Ano raw?

    Nagulat ako parang may naamoy akong pagkain. Amoy Chickenjoy ng Jollibee. May Jollibee sa Heaven?

    Naramdaman ko na lang may gumalaw sa akin.

    "Uy.."

    Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko si Alex saka Stephen sa tabi ko.

    Stephen: Nasa Ospital ka..

    Lumingon-lingon ako. Nasa ospital nga ako.

    "Ah.. Teka, sino yung nagsalita kanina ah?"

    Nagtinginan silang dalawa.

    Alex: Siya!

    Stephen: Siya!

    Nagturuan pa tong mga to?!

    "Never mind.. Ano bang nangyari?"

    Stephen: Ewan ko.. Tinawagan lang ako nitong si Alex eh..

    "Ang alam ko lang may paparating na jeep tapos.."

    Alex: Tinulak mo ko.. Take note.. Masakit yun.. Napaupo ako ah..

    "Kaso wala na ako maalala pagkatapos nun.."

    Alex: Nawalan ka ng malay eh.. Kasi tumama ka dun sa jeep eh..

    "Ganun ba.."

    Alex: Kasi naman no?! Feeling mo si Superman ka.. Di mo naman dapat ginawa kasi yun di ba.."

    "Wow. Salamat ah.."

    Alex: Anyway, thank you na rin..

    Narinig ko bumulong si Stephen pero di ko masyado marinig yung binubulong.

    Stephen: Kunyari pa to.. Samantalang kahapon.. Concerned na concerned..

    Napansin ko lang siniko ni Alex si Stephen.

    Stephen: O dinalhan ka namin ng pagkain.. Breakfast mo na..

    "Ha?"

    Stephen: Oo no.. Isang gabi ka na dito.. Kakaalis nga lang ng parents mo eh.. Nakasalubong namin..

    Sinubukan kong gumalaw para makupo kaso..

    "Owww.."

    Alex: O? Bakit?!

    Sabay lapit siya sa akin.

    "Yung kaliwang kamay ko kasi eh.. Medyo masakit pag ginagalaw.."

    Maya-maya may pumasok na doctor, teka si Dr. Valenzuela to ah, yung kaibigan ni Mama.

    Dr. Valenzuela: "O, nagising ka na pala.."

    "Opo.. Uh.. Ano po ba? Kailan po ko pwede umuwi?"

    Dr. Valenzuela: Mga mamayang hapon siguro pwede na.. Lalagyan muna natin ng sling yung kaliwang kamay mo pansamantala.. Ilang araw lang naman..

    Maya-maya umalis na rin yung doctor. Napatingin ako kay Alex. Nakatingin siya sa malayo tapos kagat-kagat yung lower lip niya.

    "Alex?"

    Nagulat ata nung tinawag ko.

    "Don't worry.. Wala ka namang kasalanan sa nangyari sa akin eh.. Wag ka na mag-alala"

    Alex: Ha? Ano.. Uh.. Wala naman akong sinasabi ah..

    Stephen: Eh.. Hem.. Change topic.. Ano nga palang gagawin niyo this sembreak..

    "Di ko pa alam.."

    Alex: Ewan ko.. Uuwi na yung parents ko eh.. Baka mag-aout of town siguro kami..

    Stephen: Aah.. Ako? Siyempre, gigimik..

    Tumambay lang silang dalawa sa ospital para samahan ako. Nung mga lunch time..

    Stephen: Teka, labas lang ako.. Bili lang ako pagkain..

    Alex: Uh.. Wait.. Sama na ako..

    Tumigil si Stephen sa may pinto.

    Stephen: Ano ka? Diyan ka na lang.. Para may magbantay diyan..

    Alex: Ha? Ka-kasi..

    Stephen: Sige.. Babye..

    Sabay sarado ni Stephen nung pinto. Naiwan sa may pinto si Alex, nakatayo. Tahimik siyang umupo dun sa upuan malapit sa kama. In-on niya yung t.v at naglipat-lipat ng channel hanggang sa napatigil siya sa HBO..

    LANDON: Jamie --

    JAMIE: I'm sick.

    LANDON: Then I'll take you home. You'll feel better tomorrow.

    JAMIE: Landon. I'm sick .. with leukemia.

    JAMIE: I found out last winter. I'm not responding to treatment anymore.

    LANDON: Why didn't you tell me?

    JAMIE: The doctors said to do everything the same as long as possible.
    (pause) I didn't want anyone being -- weird around me.

    LANDON: Including me?!

    Di ko napigilan tumulo yung luha ko habang pinapanood yun. Paborito yun ni Marielle eh kaso di ko pa napapanood.

    Alex: Toph?! Umiiyak ka??

    Napalingon ako kay Alex. Nandun nga pala siya.

    "Ha? Ano ka.. Sinisipon ako.. Oi.. Nandadamay ka pa.. Tignan mo yung mata mo o.. Naiiyak ka o.."

    Alex: "Ah.. Hin.. Hinde ah.."

    Nagkatinginan kami tapos sabay kaming tumawa. Huminga ako ng malalim.

    "Ang sakit nun no.. Yung malaman mo na mawawala na yung mahal mo.."

    Alex: Oo naman.. Sobra..

    Sabay tingin niya sa T.V

    "Alam mo ba.. umalis na siya.."

    Alex: Si Landon? Hinde.. Kasi ganito.. Pupuntahan niya---

    "Si Larisse.."

    Biglang natahimik siya. Tumingin siya sa akin.

    Alex: Umalis na siya?

    "Oo.. Nung nakaraang linggo.. Nagmigrate na sila ng pamilya niya eh.. Nagkaroon nga ng parang farewell nung nakaraang Friday eh.."

    Hindi na nagsalita si Alex. Tumingin uli siya sa T.V. Parang may binubulong siya eh..

    Alex: Umalis na siya.. Kaya pala.. Ibig sabihin nung.. nung magkayakap sila... Kay-----

    Biglang bumukas yung pintuan. Nagulat kaming ni Alex sabay kaming lumingon.







































    Stephen: PIZZA DELIVERY!! Ano gusto niyo may Hawaiian dito saka Pepperoni?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:20 pm

    Chapter 76:

    Inistretch ko yung kamay ko. Kakadating lang namin galing ospital. Isang linggo na ang nakalipas. Kakatanggal lang nung sling ko eh.

    "Haay.."

    Humilata ako sa kama at in-on yung player ko. Maya-maya may kumatok sa pintuan.

    "Pasok.."

    Mama: "Inihanda mo na ba yung barong mo ha?"

    "Barong? Para san.."

    Mama: "JC?!!"

    "To naman.. Handa na po.. Ako pa.."

    Mama: "Akala ko naman.. O sige.. Maaga tayo alis bukas ah.. kasi 10 am yung kasal eh sa laguna pa yung simbahan.."

    Bukas ng Sabado na yung kasal ni Ate Liza. Ang bilis din ng panahon, ikakasal na yun. Siguro, kung buhay pa si Kuya Lester. Malamang ikakasal na rin sana siya.

    Pagkatapos magdinner, nagtoothbrush at nagpalit na ako. Pumasok akong kwarto ko at humiga na hanggang sa nakatulog na ko.

    ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..

    "Ano ba.."

    Sabay palo ko sa tenga ko. Haay naku. Kilala ko na kung sino to.

    "Marielle.. ang ku..leeet.."

    Marielle: "Bangon na.. Maligo ka na.. Abay ka pa naman.."

    Etong utol ko parang baliw, laging pinapanggising sa akin yung feather nung ballpen niya. Nilalapit niya lagi sa tenga ko.

    "Oo na.. gigising na.."

    Binuksan ko ang mga mata ko sabay bumangon.

    "Halika nga dito ah.."

    Sabay takbo naman ni Marielle. Naabutan ko siya sabay kiniliti ko siya sa may bewang. Tawa naman siya ng tawa.

    Marielle: "Maaammaaaaa!! Si Kuya!!!"

    Binitawan ko siya saka siya tumakbo pababa. Ako naman pumasok na ng banyo at naligo. Pagkatapos, sinuot ko yung black pants ko saka t-shirt. Nilabas ko na rin yung barong ko na nakahanger na. Saka ako bumaba para kumain muna.

    Whoa. Nagulat ako medyo madami-dami rin palang bisita sa baba eh. Nag-mano ako kung kani-kanino. Mga kamag-anak daw namin eh makikisabay papunta sa kasal.

    Mga 8:00 kami umalis ng bahay tapos nakarating kami ng simbahan mga 9:30. Ang daming tao! Ang dami pala nilang bisita.

    Pagdating namin, nagmano na naman ako dun sa mga bisita siyempre pati kay Auntie Julie, pinsan ni Mama, na nanay ni Ate Liza saka kay Uncle Jojo, asawa niya.

    Auntie Julie: "Aba'y binata na pala ito ah.."

    Ngumiti lang ako.

    Auntie Julie: "Teka, yung corsage mo ah.. Kunin mo dun o.."

    Sabay may tinuro siya. Mga abay din ata eh. Lumapit ako dun. Medyo nagkakagulo na rin sila eh. Kasi yung sa mga ninong at ninang pa ata sila rin nagbibigay.

    "Uh, Miss.. Yung corsage pala.."

    Kinalabit ko yung babae dun. Nakatalikod siya nun eh habang nagpipin sa isang ninang.

    Pagtalikod niya.. Natigilan ako.

    Ganda. Babae.

    Biglang lumapit sa akin si Marielle, kinalabit ako.

    Marielle: "Kuya yung susi raw ng kotse.. pahiram.."

    Binigay ko yung susi sa kanya. Napatingin siya dun sa babae.



































    Marielle: "Wow! Ate Alex? Ang pretty-pretty mo ah.."




















    Nagulat ako. Napatingin ako kay Marielle tapos kay..














    "Alex?!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:25 pm

    Chapter 77:

    Tinignan ko si Alex. Nakalugay siya tapos medyo kulot yung dulo. Suot-suot niya siyempre yung gown na purple (motiff nung kasal). Ang sexy niya pala.

    Malayung-malayo talaga ang itsura niya sa regular na istura niya pag nakikita ko siya sa school. Yung tipong nakapants lang tapos nakacap o minsan nakatali lang yung buhok niya.

    Alex: "Huy.."

    "Ah.. Cencia na.. Alex?! As in Alexandra Santillan?"

    Alex: "Ewan ko sayo.. Kuha lang ako ng corsage.."

    Maya-maya umalis na siya sa paningin ko.

    Marielle: "O kuya, maya balik ko din tong susi sayo ah.. may kukunin lang ako saglit.."

    "Siya ba talaga yun?!"

    Tinignan ako ni Marielle sabay taas ng kilay.

    Marielle: "Di mo ba alam? Di mo tinignan yung invitation?"

    "Ah.. Di ko nakita yung invitation eh.."

    Marielle: "Santillan-Rivera Nuptial.. Pinsan siguro ni Ate Alex yung mapapang-asawa ni Ate Liza.."

    "Ganun ba.."

    Umalis na si Marielle at pumunta sa may kotse. Sakto bumalik naman si Alex dala-dala yung corsage. Lumapit siya sa akin para i-pin na yung corsage.

    Alex: "Eto na.."

    Habang ipinipin niya yung corsage sa barong ko..

    "Kaw ba talaga yan.. Teka.. Hinde.. Baka mamaya.. Naku po.. Ilabas mo si Alex.. Ilabas mo!"

    Maya-maya..

    "Aray.. Aray! Sakit nun ah.. Haay. Ikaw nga si Alex.."

    Alex: "Ang kulit mo kasi.. Galaw ng galaw.. Ayan.."

    Nagtawag na rin yung wedding coordinator ata, inisa-isa na niya yung mga nasa entourage. Maya-maya tinawag yung pangalan ko. Candle pala ako. Di ko alam, kala ko abay lang ako.

    Wedding Coordinator: "John Christopher Delgado and Celina Monzon, Candle..; Randy Inocencio and Vanessa Diaz, Cord ; Walter Rivera and Jennifer Santillan, Veil.."

    Pumila naman na yung mga nasa entourage. Kasi halos 10:00 na eh, kaya kailangan magsimula na, dumating na rin naman yung bridal car eh. Kaso..

    "Uh.. Miss.. Yung partner ko kasi wala pa eh.."

    Wedding Coordinator: "Teka.. Celina Monzon? Naku.. 10 na kasi eh.. Uh.. Yung isang abay din na lalaki, wala rin.."

    Umalis siya saglit tapos nagulat na lang ako may kinakausap siya. Hala! Maya-maya..

    Wedding Coordinator: "Siya na lang yung partner mo sa candle ah.. Sige.. Start na tayo.."

    Naiwan ako dun kasama yung partner ko.

    "Hi partner.."

    "Partner ka diyan.."

    Wedding Coordinator: "So ganito ho ah.. ang paghawak nung lalaki bale hahawak dun sa elbow nung babae...."

    Nagsimula na yung pagpasok nung mga nasa entourage, bandang hulihan na yung mga secondary sponsors eh. Nung kami na..

    Wedding Coordinator: "Hawak sa elbow ah.. O sige.. lakad.."

    Habang papasok, ngiti naman kaming dalawa. pero pasimple akong nagsasalita..

    "Partner may kamukha kang artista.."

    Alex: "Magtigil ka.."

    "Pramis, meron talaga.."

    Alex: "Ewan ko sayo.."

    Naghiwalay na kaming dalawang sa bandang gitna. Kasi magkahiwalay nga yung mga babae sa lalaki.

    Naging maayos naman yung takbo nung kasal. Sumablay lang kaunti dun sa Candle ni Alex. Kasi nasa may bandang electric fan kaya namamatay yung sindi niya kaya sinindihan niya ulet.

    Mga 12:00 natapos yung kasal, kasama na yung picture-picture dun. Nung palabas na ako ng simbahan, nakita ko si Alex. Palapit na ako sa kanya ng may lumapit sa kanyang lalaki, yung isa sa mga photographer ata.."

    "Miss o.. yung picture niyo nung syota mo.."

    Pagkarinig ko nun. Syota? Aba. May syota na pala tong si Alex ah. Lumapit nga ako. Biglang may inabot sa akin yung photographer..

    "O eto naman yung sayo.. Ganda ng kuha ko diyan.. 60 lang ho.."

    Pagtingin ko picture naming dalawa, habang palakad sa loob ng simbahan. Tinignan ko hawak-hawak ni Alex. Parehas pala kami. Teka?! Ako daw yung syota niya?!

    "Teka ho.. Balikan ko na lang yung bayad.."

    "Ang gwapo ko diyan no.."

    Alex: "Siyempre mukha kang gwapo kasi nahawa ka lang dahil maganda ang partner.."

    "Aba naman.."

    Tumawa kami tapos nag-apir pagkatapos. Maya-maya bumalik yung photographer. Inabot ko sa kanya yung 200. Nagulat na lang ako.. Binigyan niya ako ng 80 pesos.

    "Manong, kulang ho to.."

    "Akala ko binayaran mo na rin yung sa syota mo?"

    "Ho?"

    Tapos napatingin ako kay Alex. Naalala ko yung di ko pagpunta nung isang araw sa Rodics.

    "Uhmm.. Sige po.."











































    "Uy.. Bagay kayo ah.. Sa kasal niyo ako rin kunin niyong photographer ah.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:30 pm

    Chapter 78:

    Maya-maya umalis na rin yung photographer.

    Alex: "Si Manong talaga.. Para makabenta lang kung anu-ano pa sinasabi.. Uy.. Salamat sa paglibre ah.."

    "Siyempre naman.. Para may souvenir ka.."

    Alex: "Souvenir?"

    "Oo naman.. Ang gwapo pa naman ng partner mo.. Tignan mo sa picture o.."

    Alex: "Ewan ko sayo.. Kita na lang tayo ulit sa reception.."

    Umalis na rin siya at sumunod dun sa mga pinsan niya ata tapos ako pumunta na rin sa pinagparadahan namin ng kotse. Dumirecho na rin kami dun sa gaganapan ng reception.

    Maganda yung lugar. Punung-puno ng bulaklak. Pati yung pool may nagflofloat na mga bulaklak.

    Umupo na kami dun sa mga nakaassign na seats namin. Pagpasok nung bagong mag-asawa, nagsipalakpakan kaming lahat. Sinimulan yung program ng prayer tapos isa-isang nagsitayuan per table para mauna sa buffet table.

    Habang kumakain kami, may pinakita na video presentation. Ang astig nung pagkakagawa. Pictures nung mga bata ba sila hanggang sa lumaki na silang dalawa saka yung mga pictures na magkasama na yung mag-asawa.

    Nagbigay din ng messages yung mga ninong at ninang nila. Pati mga kaibigan at relatives.

    Tapos nagtawag din ng mga kaibigan nila para kumanta. Yung unang tinawag, si Kuya Ariel, kapatid ni Ate Liza. Ganda kasi nung boses nun eh.

    Wedding Coordinator: "Let's call on, a cousin of Bong.. to render the couple a song.. Give it up for Alexandra.."

    Nagulat ako nung nakita kong tumayo si Alex. Huwag mong sabihing siya yung kakanta? Sa bagay, may boses naman talaga siya eh.

    "Come and lay here beside me
    I'll tell you how i feel....
    There's a secret inside me
    I'm ready to reveal....

    To have you close
    Embrace your heart with my love
    Over and over...
    These are things that i promise,
    My promise to you...

    For all of my life
    You are the one
    I will love you faithfully forever
    For all of my life
    You are the one
    I'll give to you my greatest love....
    For all of my life."

    Habang kumakanta siya, di ko maiwasang mapatingin sa kanya. DI lang naman ako, halos lahat ng kami. Parang iba yung pagkakanta niya eh.. Parang tagos sa puso.. Ay ewan..

    "Let me lay down beside you
    There's something you should know....
    I pray you decide to
    Open your heart and let me show.

    Enchanted worlds of fairytales
    A wonderland of love...
    These are the things that i promise,
    My promise to you....

    For all of my life
    You are the one
    I will love you faithfully forever
    For all of my life
    You are the one
    I'll give to you my greatest love....
    For all of my life......"

    Biglang napatingin siya sa akin saglit, sa akin ba siya nakatingin o pakiramdam ko lang yun? Bigla na lang ako umiwas ng tingin. Kinabahan ako bigla. Tinotopak ata ako ah.

    Nung natapos na siya kumanta, nagsipalakpakan lahat. Ako naman tumayo. Tinanong ko yung isang waiter dun kung san yung C.R. Lumabas ako at hinanap kung san. Pagpasok ko, walang tao. Nung natapos na ako.. Pagbukas ko nung pintuan..

    "Pucha.. Wag mong sabihing.."

    Binuksan ko. Pero ayaw talaga. Wala na. Na-lock na talaga ako. Bad trip! Sinimulan kong kumatok.

    "Ano ba naman to.. Malas.."

    Umatras ako. Magigiba kaya to? Umatras pa ako. Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo ako para bungguin na lang tong pinto para bumukas.

    "1.. 2.. 3.."

    Sakto pagbuwelo ko para tumakbo biglang


    bumukas yung pinto?!

    "Sir?"

    Nakatingin sa akin yung waiter na parang naweweirduhan. Lumabas na lang ako ng walang imik. Dumirecho papasok. Ang dami namang tao sa may harapan? Nagulat na lang ako bigla akong hinila ako nung wedding coordinator at the same time host na din.

    Wedding Coordinator: "Ayan kumpleto na ang ating searchees.. Lima na sila.."

    Searchees?? BUmulong ako dun sa katabi ko.

    "Ano bang meron ah?"

    "Ewan. Pakulo lang nung coordinator.. Imbes na ibabato yung garter para saluhin natin.. yung babaeng nakasalo nung bouquet yun mamimili pero ayun o.. Nakatalikod siya.."

    Sabay turo dun sa babae. Di ko na masyado tinignan basta nakiride na lang ako.

    "Aah.."

    Wedding Coordinator: "First Question: Kung bagay ka, ano ka?"

    Searchee no. 1: "Uh.. Eh.."

    Ang tagal sumagot nung una kaya tinanong na yung pangalawa.

    Searchee no. 2: "Singsing? Para laging suot.. Laging naalala.."

    Searchee no.3: "Relo? Time is gold kasi para sa akin?"

    Searchee no.4: "Basketball.. Mahilig kasi ako sa dun eh.."

    Huling tinanong ako..

    "Ano ba.. Eh di ano.. Tsinelas.. Masarap sa paa.. Simple.. DI pa masasaktan ang mga paa mo kasi komportable.. Parang ako masarap kasama saka simple? May sense ba?"

    Wedding Coordinator: "Okay ang mga sagot ah.. Next question: Anong parte ng katawan ka?"

    Searchee no. 1: "Ngiti.. Cute daw ako magsmile eh.."

    Searchee no. 2: "Buhok.. Alagang-alaga yung buhok ko kasi.. "

    Searchee no. 3: "Kamay.. KAsi yun yung gumagawa.. napapagod.. parang symbol ng work and hardship.."

    Searchee no. 4: "Mukha.. Kasi yun ang unang tinitignan ng lahat.. Nandun halos lahat ng senses.."

    "Eyes.. Sa mata pa lang makikita mo na kung anong nararamdaman ng tao.. Kung masaya, malungkot, nasasaktan.."

    May dalawa pang tinanong sa amin. Nakakatawa nga yung mga pinagsasagot namin eh.

    Wedding Coordinator: "Last question: Kung kakantahan niyo ang ating princess, anong kanta ito.. Kantahin niyo yung ilang lines man lang.."

    Searchee no. 1: "Macho.. Gwapito daw ako.. Di malilumutan.."

    Searchee no. 2: "Sana ay ikaw na nga.."

    Searchee no. 3: "Abot kamay ang langit.."

    Searchee no. 4: "Ibang-iba ang pinoy.. Wag kang matatakot.. Ipagmalaki mo

    Nung tinanong na ako.. Nag-isip ako. Hmm.. Tapos ngumiti ako..













    "Kapag tumibok ang puso.. Wala ka nang magagawa kung di sundin ito.."

    Tawanan lahat. Tapos nilapitan nung host yung babaeng nakatalikod.

    Wedding Coordinator: "So.. Sino na.. Si 1.. 2.. 3.. 4.. o 5.."

    Iniabot yung mike dun sa babae.

    "Yung last na lang.."

    Nagulat naman ako. Nagsiupuan na lahat. Nakablindfold pa kasi yung babae eh. Lumapit ako at sinenyasan ako nung host na ako daw ang magtanggal nung blindfold. Pagtanggal ko..

































    "Alex??"

    "Toph?!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:34 pm

    Chapter 79:

    Wedding Coordinator: "Aba.. Friends pala kayo.."

    Ngumiti na lang kaming dalawa.

    Wedding Coordinator: "So eto na pala yung garter o.. Upo ka dito, princess.."

    Pinaupo si Alex dun sa may upuan. Ako naman parang ewan nakatayo lang dun sa tabi hawak-hawak yung garter.

    Wedding Coordinator: "O ayan.. isuot mo sa kanya.."

    Oo alam ko isusuot ko sa kanya yun. Pero uh.. Ang diyahe naman nun.

    Lumapit ako sa kanya at lumuhod nang onti. Nagkatinginan kami ni Alex. Mu~g nag-aalangan din siya eh.

    Tumingin ako dun sa wedding coordinator.

    "Pwede sa kamay na lang isuot.."

    Tumawa lang sila. Malamang akala nila nagjojoke lang ako. Dahan-dahan kong isinuot yung garter. Una sa may paanan lang niya... Sigawan naman yung mga tao. Naguilty tuloy ako kasi naalala ko nakikisigaw din ako pag mga ganito eh..

    "Woohoo.. Higher.. Higher pa!.." ;D

    Nanginginig na kaya ko habang inaakyat yung garter. Inaakyat ko hanggang sa may tuhod na niya.Tumigil na ako saka tumayo.

    "Okay na yan.."

    Pinatayo din si Alex. Kinuha ko yung panyo ko. Pinagpawisan ako dun ah. ::)Lumapit sa aming dalawa yung bride saka groom.

    Wedding Coordinator: "Ngayon.. Para sa inyong dalawa.. Kailangang may magtouch na parte ng katawan sa inyo.. Kahit anong part.. Tapos yung bride saka groom.. siyempre magkikiss.. Mga 10 seconds.. Okay?"

    Nagkatinginan kami ni Alex. Napasubo ako dito ah.

    Wedding Coordinator: "Sige.. 1.. 2.. 3.. Go.."

    Dahan-dahan ko na lang na nilapit yung kamay ko sa kanya.

    Tapos naghawak kami ng kamay. :-[

    "10.. 9.."

    Ewan ko. Ang bilis ng paghinga ko ah.

    "8.. 7.."

    Ang tagal naman ng lecheng ten seconds na yan!

    "6.. 5.. 4.."

    Sumilip ako ng konti kay Alex. Nakapikit siya tapos kagat-kagat na naman niya yung lower lip niya.

    "3.. 2.. and 1.."

    Nakahinga rin ako ng maluwag. Nagbitaw kami ng mga kamay ni Alex.

    Pagkatapos nun, wala naman kaming sinabi sa isa't isa. Umupo na uli kami sa mga upuan namin.

    Nagpatuloy yung program ng reception. Mga 3:30 na natapos. Pagkatapos nun, nagbigay ng message yung bagong mag-asawa saka nag-end. Nauna na akong lumabas. Hinintay ko na lang sina Marielle sa may kotse kasi nag-C.R pa ata sila saka sina Mama kinausap pa si Ate Liza.

    Nakatayo ako dun nung nakita ko si Alex palakad papunta sa direksyon ko. Kinabahan ako bigla. Siguro kasi diyahe talaga yung kanina. Papunta pala siya sa van na katabi nung pinagparadahan namin. Nung nagkatinginan kami, walang kahit anong lumabas sa bibig ko pati sa kanya.

    Ngumiti lang kami sa isa't isa. Razz

    Mag-dadalawang linggo na ang nakalipas. Ang bilis din ng panahon ah.

    "Yaaawn.."

    Bumangon ako sa kama. Pupungas pungas pa ako ng mata. Ginugutom na ako ah. Nagulat na lang ako.

    "Cyrus!! Insan!!"

    Lumapit ako sa kanya at tulad ng lagi naming ginagawa nung bata, nagrewrestling kunyari.

    "Musta? Tagal mong di napadaan dito ah.."

    Cyrus: "Alam mo naman sembreak din eh.. Saka graduating na to, pare.."

    Si Cyrus. 4th year College na yan. Kung tutuusin dapat, kinukuya ko yan, pero di uso sa amin yun eh.

    Cyrus: "Napadaan lang ako dito eh.."

    "Ganyan ka naman.."

    Pumunta kami sa kwarto ko. Parang kapatid ko na rin yun eh, palitan kami madalas ng mga CD.

    Umupo siya dun sa may kama ko.

    "Cy.. Ligo lang ako.."

    Kinuha ko yung twalya at dumirechong banyo. Paglabas ko, pumunta akong kwarto. Nakita ko si Cyrus, nagtitingin siya sa may CD Rack ko malapit sa desk.

    Cyrus: "Pahiram nito ah.."

    "Sige.. Balik mo ah.."

    Ngumiti lang si Cyrus tapos umupo siya may kama ko.

    Cyrus: "Mustah mga chicks natin ah.. Meron na ba.."

    "Wala.. wala.."

    Cyrus: "Kunyari ka pa.. eh sino to.."

    Sabay pakita pa niya ng picture. Hinablot ko yung picture sa kanya. Kala ko kung ano. Picture pala namin ni Alex nung kasal. Nakuha niya siguro sa may desk ko.

    "Wala.. partner ko nung kasal nung pinsan ko.. sa mother side.."

    Cyrus: "Talaga lang ha.. Eh bat nasa ilalim ng unan mo?"

    "Ano?! Sira ulo.."

    Tumawa lang si Cyrus. Lakas mantrip ah.

    Cyrus: "Pero maganda ah.."

    "Ha?"

    Tinignan ko yung picture.

    "Oo nga.. Maganda siya.. Kaklase ko yan last sem eh.."



































    Cyrus: "Aba. Type mo yang chick na yan noh.. Sa wakas, nagbibinata na si insan.."































    "Ano ka ba?! Hinde.. Di kami talo niyan.. Hinde.." :Smile


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:39 pm

    Chapter 80

    Cyrus: "Anong hindi talo.. Asus.. Bakit?"

    "Oo noh.. Kasi.. kasi.."

    Napatingin ako dun sa picture namin.

    "Friends lang kami.."

    Nagulat na lang ako binato ako ng unan ni Cyrus.

    Cryus: "Wahaha. Gagi. Showbiz ka ha.."

    Tumawa lang kaming dalawa.

    Di naglaon dumaan na namang ang mga araw, linggo.. Okay naman ang sembreak. Nagpunta kami nung tropa ko nung highschool sa galera ng tatlong araw. Sobrang saya.

    Haay.. Eto na. Second Sem na naman. Second day na ng classes. Tuesday. Sabay kaming palakad ni Stephen palabas ng halll. Uwian na eh.

    Stephen: "Sa wakas nakakuha na rin ako ng P.E., bowling, Ikaw?"

    "Meron.. Yun nga lang Wednesday.. Wallclimbing.."

    Stephen: "At least meron.. Ako rin eh.. Wednesday.."

    "Sige, pare mauna na ako.."

    Nakayuko ako nun habang naglalakad eh. Pagtingin ko, badtrip yung tali nung rubber shoes ko pala. Yumuko ako para abutin at itali yung yung sapatos ko. Habang nagtatali ako, napansin ko o may dumaan sa gilid ko. Parang kilala ko yun ah. Si Alex ba yun. Nakaponytail din kasi yung buhok saka maluwang na t-shirt.

    Tumayo ako at hinabol siya. Hinawakan ko sa may balikat.

    "Alex?"

    Paglingon..

    Miss: "Ha?"

    "Uh.. Sorry.. Akala ko kasi.."

    Pinanood kong maglakad yung babae palakad. Akala ko si Alex. Nakakahiya. Huminga ako ng malalim. Paglingon ko sa kaliwa.. Palakad sa direksyon ko.

    Natigilan ako.

    "Oi.. Toph.."

    Napangiti ako.

    "Ibang-iba itsura mo ngayon ah.."

    Alex: "Ha? Bakit.. Naglugay lang naman ako ah.."

    "Nakasleeveless ka na ngayon? Aba naman."

    Alex: "Niregalo lang sa akin to mga two weeks ago?"

    Sabay kaming naglakad papuntang sakayan.

    "Aaah.. Okay lang yan.. Bagay mo nga eh.."

    Alex: "Nambola pa.."

    "Mustah mga subjects mo? Patingin nga ng Form 5 mo.."

    Alex: "Bakit? Puro mga majors na ako.. Isa lang G.E ko eh.."

    Sabay abot sa akin nung Form 5 niya.

    "Ay.. Oo nga.. Wala na tayong parehas na class.. Sayang.."

    Bumulong si Alex.

    Alex: "Buti nga eh.. Haay.."

    "Teka.. Hinde.. Uy! Classmate tayo sa P.E! Astig.."

    Alex: "Ano?!"

    Sabay hablot sa akin nung Form 5 niya.

    "Oo.. Wallclimbing din every Wednesday.. Yan din section ko eh.."

    Bumulong na naman si Alex.

    Alex: "Naku po.. Huhu.."

    "Ang saya no magkaklase tayo ulit.. Kahit once a week lang.."

    Ngumiti lang si Alex sabya bulong..

    Alex: "Haay.. Ang saya-saya.. Huhuhu.."

    Wednesday.

    Pagdating ko sa gym, medyo marami ng tao. Orientation pa lang. Umupo ako dun sa tabi nung kakilala ko, si Carlo, naging kaklase ko din dati. Maya-maya dumating na yung instructor namin. Tinawag yung pangalan namin isa-isa. Tapos binigay yung classcards namin. Sinulatan namin, iniabot sa kanya at dinismiss na kami. Next meeting sa may Power-up na yung class namin.

    Nung palabas ng gym, nakita ko si Alex.

    "Huy.. Pauwi ka na rin?"

    Alex: "Uh.. Oo.. Pero punta muna ako sa may library.."

    Sumakay kami ng toki. Iisa lang din naman ang babaan namin. Sabay kaming bumaba.

    Habang palakad kami..

    *BEEP BEEP*

    Aba. CRV ni Stephen to ah. Bumaba siya bigla.

    Stephen: "Uy.. San kayo galing?"

    Alex: "Sa P.E.."

    Stephen: "Aaaah.. Kala ko.."

    Maya-maya may bumaba sa kabila. May kasama pala siya? Lumapit siya sa amin. Parang kilala ko to ah. Oo nga pala. Yung pinsan ni Stephen.

    Stephen: "Si Matt pala.. Di ba nagkakilala na kayo dati?"

    "Ah.. Oo.."

    Stephen: "Oo nga pala.. Alex.. Si Matt, pinsan ko.."

    Napansin ko nakangiti lang siya tapos.. Teka, nakatingin siya kay Alex, na kasalukuyang nakatingin naman sa malayo. Kinalabit ko si Alex.

    "Huy.."

    Alex: "Uh.. Sorry.."

    Ngumiti lang si Alex. Taray. Wala man lang hi. Tsk. Tsk.

    Iniabot ni Matt yung kamay niya.

    Matt: "Hi.. Nice meeting you.."

    Nakipagkamay din si Alex. Napatingin ako dun sa kamay nilang dalawa. Bat ganun parang..



































    kinabahan ako bigla..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:42 pm

    Chapter 81

    Stephen: "Ano pare, sabay ka na sa amin?"

    "Ha? Ikaw Alex?"

    Alex: "Punta pa ko library eh.."

    "O sige.. Ingat ha.."

    Sumakay na ko sa kotse ni Stephen. Dun ako pumwesto sa likod. On the way..

    Matt: "Pare, ang ganda naman nung kasama mo.. Alex yung name niya right? gf mo ba yun?"

    "Ha? Hin-hinde.. Parang tropa-tropa ko yun eh.."

    Nagulat ako lumingon pa talaga siya sa akin sa likod.

    Matt: "Talaga?!"

    "Ba-Bakit?"

    Humarap uli siya sa harap.

    Matt: "Wala naman.."

    Stephen: "Ano yang ngiting yan ah.."

    Matt: "Ha?"

    Stephen: "Wag mong sabihing.."

    Matt: "Why? She's hot.."

    "Sino pang pinag-uusapan natin?"

    Sabay pa silang dalawa.

    Matt: "Si Alex.."

    Stephen: "Si Alex.."

    Matt: "May phone number ka ba nun?"

    Stephen: "Wala.. Baka yan si Toph.."

    Bumilis yung paghinga ko. Bakit ganun? Tinatanong lang naman sa akin yung number ni Alex eh.

    "Naku.. Tanong mo na lang sa kanya mismo.."

    Matt: "Sige na.."

    "Papatayin ako nun eh.."

    Matt: "Sa bagay.. At least may dahilan ako para lapitan siya.."

    "Sige.. Dito na ako bababa.."

    Pauwi sa amin, sumakay ako ng jeep.

    Driver: "Psst.. Di ka ba bababa.."

    Paglingon ko.. patay.. ako na lang pala yung nasa loob ng jeep. Wala ata ako sa sarili.

    Pagdating ko sa bahay, humiga ako at natulog lang sa kama. Parang ang bigat ng pakiramdam ko.

    Kinabukasan. Mga 4 pm na nun. Uwian na. Palabas ako ng Palma Hall. Nung pababa na ako..

    "Pare.."

    Paglingon ko nakita ko si Matt nakaupo sa may stairs.

    "Uy.. Ano ginagawa mo dito.."

    Matt: "Hinihintay ko si Stephen.."

    "Aah.."

    Maya-maya nakita ko pababa si Alex.

    "Alex.."

    Lumapit kaming dalawa sa kanya. Nagulat naman ako nung sumunod din si Matt.

    Matt: "Hi.. Ang dami mong dala ah.. Tulungan na kita.."

    Alex: "Ha? Naku.. Wag na.."

    Kahit umayaw si Alex, nakuha naman na ni Matt yung mga dala-dala ni Alex.

    "Pauwi ka na ba?"

    Alex: "May dadaanan pa sana ako sa Faculty Center.. Kunin ko yung classcards ko last sem.."

    Matt: "Ganun ba? Samahan na kita.."

    Alex: "Uh.."

    Matt: "I mean.. Kung okay lang sayo.."

    Alex: "Sige.. Kaw bahala.."

    "Uhmm.. Mauna na ako.."

    Matt: "Sige.. Pare.. Samahan ko lang siya.."

    Sabay silang naglakad papuntang sa kaliwa. Ako naman sa kanan. Habang naglalakad, di ko alam, pero napalingon ako sa kanilang dalawa. Naglalakad sila, tapos nakita ko si Alex tumingin kay Matt saka ngumiti.

    Bat ganun? Parang sumikip yung dibdib ko nun..

    Pagdating ko sa bahay, may kausap sa phone si Marielle.

    "Telebabad ka na naman.."

    Paakyat ako sa hagdan nun eh..

    Marielle: "Friend.. Selos ka lang no.. Minsan ganun di ba.. When you have something.. Mas naaprieciate mo yun kapag alam mong may kaagaw ka na.. may threat kumbaga.."

    Pinagpatuloy ko ang pag-akyat papunta sa kwarto ko. Humarap ako sa salamin. Tapos napako yung tingin ko sa picture..

    yung picture namin ni Alex nung kasal..

    Kinuha ko yung picture at umupo sa kama ko. Dahan-dahan kong hinawakan yung picture.. yung mukha ni Alex.

    Napangiti ako.

    Tapos..

    Bigla kong narealize yung ginagawa ko. Teka..

    Naramdaman ko na lang bumilis yung tibok ng puso ko..
























































    "May nararamdaman na ata ako para sa kanya.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:46 pm

    Chapter 82:

    November 22

    Miyerkules. Meeting namin ulet ng P.E. Pagdating namin dun, naginstruct yung teacher namin. Magsisimula na kami ng mag-wallclimbing isa-isa. Para hindi magulo, alphabetical na lang. Saka kaming mga lalaki muna ang pinauna. Yung ibang nag-wowallclimbing na dati pa. Ang bilis! Ilang minutes lang tapos na. Ako nakapag-wallclimbing naman na ng mga 2 beses. Kaya nung ako na, medyo okay naman ang pag-akyat ko. Iba lang yung wall kasi madulas yung ibang mga bato kaya di ako makakapit ng mabuti.

    Pagbaba ko, inalis yung ko yung gear ko. Paglingon ko, sa di kalayuan nandun si Alex. Napangiti ako.

    Nilapitan ko siya at tinabihan sa pagkakaupo.

    "Uy.. Mustah.."

    Alex: "Uh.. Okay lang.."

    Tahimik lang kaming dalawa. Ewan ko ba. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh.

    Nakatingala lang siyang pinapanood yung nagwowallclimbing. Pasimple ko siyang tinitignan.

    Huminga ako ng malalim.

    "Hmm.. Alex?"

    Lumingon siya sa akin tapos ngumiti.

    Alex: "Toph?"

    "Ah.. Sorry..."

    Medyo natulala ata ako ah.

    "Kasi ano.."

    Tapos nakita ko yung dalawa namin kaklase naglalaro.

    "Uh.. Thumb wrestling tayo?"

    Sige. Nice one. Haay.

    Nagsalubong yung kilay ni Alex.

    Alex: "Huh?"

    "Masaya yun.."

    Tapos kinuha ko yung kamay niya tapos pinagdikit namin yung thumbs namin.

    "Game?"

    Alex: "Sige ba.."

    "1.. 2.. 3.."

    Naglaro kami. Tawa kami ng tawa. Nanalo naman ako.

    Alex: "Ang daya! Isang beses ulit.."

    "Hinde.. Panalo talaga ako.."

    Maya-maya dumating yung isang kaklase namin si Celine. Tumingin ako sa relo ko.

    "Uy.. Late ka na ah.."

    Celine: "Oo nga eh.. Uy.. May nagpapabigay sayo.. Tinanong ako kung kaklase kita eh.."

    Nagulat ako inabot niya yung bouquet ng flowers kay Alex. Akala ko nung una sa kanya talaga yun.

    Alex: "Huh? Sino?"

    Celine: "Di ko kilala.. May card o.."

    Binuksan ni Alex yung card na nakaattach.

    Alex: "You had me.. the moment I laid my eyes on you..."

    Tinignan ko si Alex. Ngiting-ngiti siya habang binabasa yung card.

    "Uy.. Kaninong galing? May suitor na siya.. Yihee.."

    Alex: "Kay Matt.."

    "Aah..Patingin nga."

    Hiniram ko yung bulaklak.

    Alex: "Okay ka lang? Bat ineexamine mo?"

    "Ha?

    Tapos nilapit ko at inamoy ko yung bulaklak. Napaubo ako.

    *COUGH*

    Alex: "Uy.. Toph?! Ano nangyari sayo.."

    Inabot ko uli yung bulaklak sa kanya.

    "Wala.. I'm okay.. Wala namang amoy.."

    Alex: "Oo nga.."

    "Dapat yung scented.."

    Alex: "Edi bigyan mo yung liligawan mo ng scented.."

    Natahimik ako. Maya-maya tinawag na si Alex para magwallclimbing. Tumayo din ako para sa malapitan ko siya mapanood.

    Alex: "On Belay.."

    Instructor: "Belay on.."

    Alex: "Climbing sir.."

    Nung nag-go signal na yung instructor. Nagsimula na umakyat si Alex. Mu~g medyo hirap siya. Pero nakabot naman na siya hanggang gitna.

    Alex: "Tension!"

    Napansin ko parang medyo maluwag yung gear niya. Nung nasa bandang taas na siya, malapit na sana niyang maabot yung tuktok nang..

    "Alex!!"

    Dali-dali akong tumakbo para saluhin siya. Pagkasalo ko sa kanya, sabay kaming nagbounce sa may ground. Pero may pad naman na sasalo pag nahulog ang isang climber. Dun kami nahulog.

    Nakapikit ako nun. Pagkabukas ko ng mga mata ko. Magka-akap pala kami ni Alex.

    "Alex?"

    Binuksan ni Alex yung mata niya. Rinig ko yung bilis ng paghinga niya. Nung nakita niya yung posisyon namin. Tumayo siya agad.

    "Uh.. Uhmm.. Thanks.."

    Ngumiti lang ako. Mga ilang minuto pagkatapos dinismiss na rin kami. Pumunta akong C.R. at nagbihis ng pamalit.

    Paglabas ko, naku po! Umaambon. Hinalungkat ko sa backpack ko yung payong ko. Dali-dali akong naglakad sa ilalim ng ulan. Pagdating ko dun sa may sakayan..

    "Alex? Naku.. Baka maulanan ka na.."

    Alex: "Ha.. Ambon lang naman.."

    Dali-dali ko siyang pinayungan.

    "Patay.. Walang jeep ah.."

    Alex: "Oo nga eh.. Umuulan pa naman.."

    Maya-maya bumuhos na yung malakas na ulan. Napansin ko nababasa pa rin siya. Nilapit ko siya sa akin.

    "Naku.. Baka mabasa niyan.."

    Alex: "Okay lang ako.. Basa lang naman.."

    "Ano ka ba.. Wag ganyan....












































    Ayokong magkasakit ka.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:50 pm

    Chapter 83:

    November 29

    Maaga akong nagpuntang power-up. Umupo lang ako dun habang hinihintay yung iba. Maya-maya dumating si Alex. Bigla na lang akong napatayo. Para akong t-anga.

    "Hi.. Alex.."

    Ngumiti lang siya. Tapos umupo sa tabi. Tinabihan ko siya.

    "Okay ka lang? Parang namumutla ka ha.."

    Alex: "Pagod lang.."

    "Aaah.. Musta na? Kwento ka.. Mu~g dumidiskarte yung insan ni Stephen sayo ah.."

    Alex: "Ha? Si Matt? Ewan.."

    "Kinukuha niya dati yung number mo eh.. Kaso sabi ko sayo na lang niya kunin.."

    Alex: "Aah.. Oo nga.. Nung dati tinanong niya sa akin yung number ko.."

    "Binigay mo?"

    Alex: "Nung una hinde eh.. Pero nung isang beses ulit.. Binigay ko naman na.."

    "Okay ba siya?"

    Alex: "Mukha namang okay.. Nakikipagkaibigan pa lang naman.. Teka, ano to interview?"

    "Uy.. Hinde naman.."

    Tumawa si Alex.

    Alex: "Mabait naman siya.. Isang beses dumaan siyang bahay eh.. Di ko alam kung pano niya nalaman address ko.."

    "Ano?!"

    Alex: "O bat nagulat ka?"

    "Uh.. Hinde.. Uhmm.. Ikaw.. Gus..Gusto mo ba siya?"

    Parang natahimik saglit si Alex.

















    Alex: "Uy.. Ayan na pala si sir o.. Tara na.."

    Parang medyo matagal ding nabitin yung paghinga ko. Hinihintay ko kasi yung isasagot niya.

    Ngayon naman, inuna muna yung mga girls. Isa-isa silang umakyat uli. Ngayon, medyo mas mabilis na sila, kumpara dati. Kasi bale, third time na climb na namin to kasi last time, dalawang beses kami umakyat.

    Instructor: "Santillan.."

    Pumunta si Alex sa harapan. Kinabit na yung gear niya tapos umakyat na siya. Nakaabot na siya sa tuktok agad tapos bumaba na. Nung tinatanggal na yung gear niya, bigla siyang napahawak sa ulo niya.

    Tapos, napapikit siya. Bigla na lang siyang..

    nahimatay. Dali-dali kaming tumakbo para tignan siya.

    "Alex?!!"

    Alex: "Hin..de... A-ko... maka..hi...ngaaaa... Ga.. mot.. sa.. baaag..."

    Ang bilis ng paghinga niya. Nung nakita ko siya, di ako mapakali.

    "Ba.. Bag?! San?"

    Lumingon-lingon ako sa paligid. Hinanap ko yung bag niya. Hinalungkat ko. Nanginging na nga ako eh. Ngayon lang ata ako kinabahan nang ganito. Maya-maya may nakapa ako. Paglabas ko..

    "Ventolin.. Sana eto na.."

    Dali-dali akong bumalik at iniabot dun sa medic. Medyo nahimasmasan naman siya ng konti.

    "Dalhin na natin sir sa clinic.."

    Nag-volunteer yung kaklase ko na gamitin yung kotse niya. Nagmamadali kaming pumunta sa clinic.

    Naiwan kaming tatlo nung mga kaklase ko sa labas.

    Celine: "Maupo ka nga.. Nahihilo ako sa yo.. Tatayo ka.. Uupo.. Lalakad.. Ano ba?!"

    Maya-maya lumabas yung nurse.

    Nurse: "Okay naman na siya.. Inatake lang ng asthma.. Stressed siguro.."

    Celine: "Pwede po kaming pumasok sa loob?"

    Nurse: "Pwede.. Kaso tulog naman na siya.. Siguro.. mamaya gigising na din siya.."

    Pumasok kami ni Leinard saka Celine sa loob.

    Celine: "Tulog na nga siya.. Uhmm.. Bili kaya tayo ng food niya para paggising niya may makain siya.."

    Leinard: "Tara.. Toph? sama ka?"

    Celine: "Maiwan ka na lang para may magbantay sa kanya.."

    "Sige.. Dito na lang ako.."

    Lumabas silang dalawa at naiwan ako sa loob nung kwarto. Tinignan ko siya. Umupo ako dun sa may upuan sa tabi ng kama.

    Huminga ako ng malalim. Napatingin ako dun sa crucifix.

    "Salamat po.. Diyos ko..."

    Tinignan ko si Alex. Hinawakan ko yung kamay niya. Bumulong ako.

    "Sa susunod wag ganun ah..


























    pinag-alala mo ko.. sobra.." :-\


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 9:53 pm

    Chapter 84:

    Napansin ko na lang na gumalaw siya. Kinabahan ako. Inalis ko agad yung pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Maya-maya dumating na rin sina Leinard.

    Nagvibrate yung phone ko bigla. Pagbukas ko, may text si Papa. Tsk. Tsk. Mapapauwi ako nito ng di-oras ah.

    "Uy.. Kailangan ko na umuwi.. Kayo na bahala sa kanya ah.."

    Leinard: "Oo ba.."

    Binuksan ko yung pinto at lumabas. Bago isara, tinignan ko ulit siya.

    November 30 Thursday

    Palabas ako ng first class ko nung nakasalubong ko si Alex pababa ng hagdan. Napangiti ako.

    "Alex!"

    Napatingin siya sa akin.

    Alex: Uy..

    "O ano.. Okay ka na?"

    Alex: Oo.. Okay naman na.. Minsan kasi.. inaatake talaga ako.. Sige.. mauna na ako.. may klase pa ako..

    "Sige.. Uh.. Alex?"

    Lumingon siya.

    "Dala mo ba yung gamot mo? Kasi ano.. baka.."

    Nagsalubong yung kilay ni Alex.

    Alex: Uh.. Oo.. Bakit?

    "Ah.. Naitanong ko lang.. Sige.. ingat ka ha.."

    Ngumiti lang si Alex tapos dumirecho na.

    December 5 Tuesday

    Lunch Time. Mag-isa akong nasa canteen. Nagbabasa lang habang kumakain. Maya-maya may naglapag ng libro sa table.

    "Huy!!"

    Nagulat naman ako. Si Stephen pala.

    Stephen: Gutom na ako..

    "Bumili ka.."

    Pumila si Stephen at bumili ng pagkain. Maya-maya nilapag niya sa table yung pagkain niya. Ako naman, nagbabasa pa rin. Tapos pakain-kain ng kaunti nung spaghetti na binili ko.

    Stephen: Uy.. Alam mo ba.. Nanliligaw na si..

    Kasalukuyan akong sumusubo ng spaghetti nang..

    Stephen: Matt kay Alex..

    *Cough*

    Nabailaukan ata ako ah. Bad trip. Kinuha ko agad yung iced tea ko at uminom agad.

    Stephen: Tol? Okay ka lang??

    "O-okay lang.. Ano sabi mo?"

    Stephen: Sabi ko si Matt, nanliligaw na kay Alex.. Nung Saturday ata nagtanong..

    "Pu-pumayag ba siya.."

    Stephen: Siguro..

    Sarap na sarap kumain si Stephen.

    "Pare.. Yang si Matt. Okay naman ba? Mabait? Di naman chickboy o ano?"

    Stephen: Ha? Okay lang.. Paki ko sa lovelife niya?

    Kinuha niya yung baso ng tubig niya at biglang tumingin sa akin. Pag lapag niya nung baso..

    Stephen: Teee.. kaaa.. Bat mo naitanong??

    "Ha? Wa-wala.."

    Stephen: May gusto ka ba..

    "Kay? Alex? Uy.. Nagtatanong lang naman.."

    Ngumiti si Stephen.

    Stephen:Tsk.. Tsk.. Defensive.. Wala pa nga ako sinasabi.. Kailan pa yan..

    Natahimik ako.

    Stephen: "Magsabi na.. Dali.. Kailan pa?"

    "Ewan ko. Siguro nung kasal... Basta.."

    Stephen: Ano yun biglaan? Pare, minsan may nararamdaman na tayo sa tao.. Kaso minsan di pa natin maamin.. Alam na ba niya.

    Tahimik lang ako.

    Stephen: Malamang hinde.. Kaw pa..

    "Sobra ka.."

    Stephen: Oo.. Iuntog ko kaya yung ulo mo sa pader.. Isa kang napakalaking TORPE..

    "Sinong torpe? Di ah.."

    Stephen: Oo no.. Torpe.. Tsk.. Tsk.. Mula ngayon ang tawag ko na sayo..

    Ngumiti siya.

    Stephen: Torps..

    "Sus.. Ano na naman yang pakulo mo?"

    Maya-maya may tumugtog.

    Pasko na naman o kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba kung kailanman..

    "Ang bilis naman ng panahon.. Magpapasko na naman.. Next week eh, halos magchristmas break na.."

    Stephen: Oo nga.. Uy.. Bilis bilisan mo naman.. Bago mahuli ang lahat..

    "Oo.. Siguro.. Sasabihin ko sa kanya.. Pero dahan-dahan naman.."

    Stephen: Oo naman.. Sa huli, magsisisi ka.. saka ang pinaka-pinaka di mo dapat kalimutan..









































    Regalo ko ah.. christmas na eh.. pinapaalala ko lang.. kuripot ka pa naman.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:00 pm

    Chapter 85:

    December 15

    Last day ng classes namin. Christmas Break na. Akalain mo. Ngayon din gaganapin ang oblation run saka lantern parade.

    Maaga ako nagising, direcho banyo, ligo, bihis, saka bumaba para magbreakfast. Sabay kaming nagbreakfast ni utol. Wala parents namin eh.

    Marielle: "Kuya, punta ko sa inyo mamaya ah.. Di ba nood tayo lantern parade.."

    "Sige, mga before lunch? Isa lang naman class ko eh.. Sa umaga.. Tapos punta na tayo SM North, dun muna tayo.. Balik na lang tayo ng mga hapon.."

    Marielle: "Uh.. Pwede ako manood ng Uh.. Ano.. kasi yung mga friends ko.."

    "Tsk.. Tsk.. Oblation run? Saka na.. Ang bata bata mo pa.. Baka makita ka pa nina Mama at Papa sa TV.. nakikisigaw dun.."

    Marielle: "Grabe ka.. Di naman.. Curious lang ako.."

    "O Sige.. Mauna na ko.. Text text na lang ah.."

    Mga 8:15 ako nakarating ng school. Math lang ang klase ko, kadalasan kasi pag mga ganitong panahon, wala na masyadong classes. Ang dami kasing mga activities eh.

    Natapos klase ko ng mga 10 am. Naglalakad ako habang nagtetext kay Marielle na pumunta na lang sa SM North para dun na kami magkita.

    Paglingon ko sa harap, sakto pababa ng hagdan si Stephen.

    "Uy.. Di ba may klase ka pa?"

    Stephen: "Wala.. Wala si Sir.. Pauwi ka na ba?"

    "Hinde.. Papunta akong SM North.."

    Stephen: "May date ka?"

    "Pano mo nalaman?"

    Stephen: "Owws?? Wag ka nga.."

    "Hinde.. Si Marielle kasi.. Gusto manood ng lantern parade.. Kaya sa SM North muna kami mag-stay.."

    Stephen: "Aah.. Sama ko.."

    "Ha? Bakit?"

    Stephen: "Eepal lang.. Hinde, punta rin akong SM North eh.. Pero di ako manonood ng lantern parade.."

    "Sige.. Dala mo ba kotse mo?"

    Stephen: "Siyempre.. Tara na.."

    Nakarating kami sa SM North mga 10:30 na din. Pumunta kami ni Stephen sa may food court. Tambay lang. Maya-maya dumating na din si Marielle.

    Marielle: "Hi.. Kuya Stephen.."

    Stephen: "Uy.."

    "San na tayo ngayon.."

    Marielle: "Libot-libot lang muna siguro.."

    Sabay-sabay kaming umakyat ng escalator nang.. Parang natigil yung paghinga ko.

    Stephen: "Insan!!"

    Marielle: "Ate Alex.."

    Nilapitan nila kaming tatlo. Bat naman nandito sila.. At bakit sila magkasama ah?

    "Dito rin pala kayo.."

    Matt: "Ah.. Kakarating lang namin eh.. Pasyal-pasyal lang.. Punta kami lantern parade mamaya eh.. Nagpapasama ako kay Alex.."

    Sus. Kailangan pa ng chaperone. Ano ba yun.

    Marielle: "Talaga? Kami rin eh.."

    Stephen: "Eh di.. Magsama-sama na lang tayo.."

    Matt: "Ha.. Ano kasi.."

    Alex: "Okay lang samin.. Di ba?"

    Matt: "Uh.. Of Course.."

    Stephen: "San ba kayo papunta?"

    Matt: "Mag-Billiards.."

    Sabay-sabay na kaming lahat. Nag-rent kami ng isang table lang. Tinitignan ko si Matt. Panay hawak sa bewang ni Alex. Nag-iinit ang dugo ko.

    Matt: "Uh.. Alex.. Ganito o.."

    Aba. Iba rin to ah. Kunyari pa.

    Alex: "Ha? Okay lang.. Kaya ko.."

    Matt: "Sure.. Sige.."

    Sabay bitaw niya kay Alex. Buti nga.

    Matt: "Yung porma mo.. Baka kasi.. Di yan makapasok.."

    Alex: "Ha?"

    Sabay tira ni Alex.

    Pasok!! Galing ni Alex.

    Ang yabang nitong insan ni Stephen. Kala niya kung sino. Pahiya tuloy.

    Napangiti ako bigla.

    Tinignan nila ako. Nagtataka.

    "Ah.. Wala may naalala lang akong nakakatawa.."

    Pagkatapos nun, naglunch kami sa McDo. Nag-offer na manlibre si Matt pero tinanggihan ko baka magkautang na loob pa ko sa kanya. Ewan ko ba. Okay naman siya pero parang bad trip ako sa kanya.

    Pumunta kaming arcade pagkatapos.

    Marielle: "Kuya.. videoke tayo o.. Sige na.."

    "Ha? Yoko nga.."

    Marielle: "Tayu-tayo lang naman.. Walang ibang makakarinig.."

    Stephen: "Pumayag ka na.."

    "Sige na nga.."

    Matt: "Uhmm.. Dito na lang kami.. Laro na lang tayo.."

    Alex: "Ha?"

    Matt: "Kahit saglit lang.. sunod na lang tayo sa kanila.. Ayan lang naman o.."

    Di na sila nagpapigil. Kami namang tatlo nandun. Si Stephen pumipili ng kanta pati si Marielle. Ako? Palingon-lingon. Kita ko silang dalawa. Nandun nag-reracing.

    Marielle: "Kuya? Tara na.."

    Pumasok kami dun sa sa loob. Maliit lang na kwarto. Kita mo pa rin yung arcade sa labas. Pero siyempre, di mo na rinig.

    Iniabot sa akin bigla ni Stephen yung mike.

    Stephen: "O.. Kaw mauna.."

    "Ha? Akala ko kayong dalawa lang.."

    Marielle: "Wag na K.J kuya.."

    Kinuha ko yung mike tapos tumayo at lumapit ng kaunti. Hinintay kung lumabas yung title. Sana naman alam ko tong kanta.

    Marielle: "Go Kuya!"









    "Desperate for changing
    Starving for truth
    Closer where i Started
    Chasing after you"

    Marielle: "Ang gwapo mo.. haha.."

    Napatingin ako kay Marielle. Natawa ako.

    "i'm falling even more in love with you
    letting go of all i've held onto
    i'm standing here until you make me move
    i'm hanging by a moment here with you
    forgetting all i'm lacking
    completely incomplete
    i'll take your invitation
    you take all of me"

    Napatingin ako sa labas. Sakto kay Alex, napako yung tingin ko.

    Pinikit ko yung mga mata ko.

    "now.. i'm falling even more in love with you!!!
    letting go of all i've held onto
    i'm standing here until you make me move
    i'm hanging by a moment here with you
    i'm living for the only thing i know
    i'm running and not quite sure where to go
    i don't know what i'm diving into
    just hanging by a moment here with you
    there's nothing else to lose
    nothing else to find
    there's nothing in the world
    that could change my mind
    there is nothing else
    there is nothing else..."

    Bumulong si Marielle kay Stephen.

    Marielle: "Grabe naman kumanta si Kuya.. Todo.. With feelings pa.. Di naman yan ganyan dati ah.."

    Habang nasa labas..

    Alex: "Pasok na tayo dun.."

    Matt: "Sige... mauna ka na.. C.R lang ako.."

    Di ko napansin na bumukas yung pinto at pumasok na pala si Alex.

    "Desperate for changing
    Starving for truth
    Closer to where i Started
    Chasing after you
    i'm falling even more in love with you
    letting go of all i've held onto
    i'm standing here until you make me move
    i'm hanging by a moment here with you
    i'm living for the only thing i know
    i'm running and not quite sure where to go
    i don't know what i'm diving into
    just hanging by a moment here with you"

    *CLAP*

    Paglingon ko nandun pala si Alex. Nakatayo.

    Alex: "Naks naman.. "

    Napangiti ako.

    Alex: "Uy.. Tapusin mo.."

    "just hanging by a moment
    hanging by a moment..
    hanging by a moment...

    Tumingin ako kay Alex. Ngumiti ako.

    Ngumiti siya. Tinignan ko siya sa mga mata.





























































    hanging by a moment here with you.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:05 pm

    Chapter 86:

    Nagulat na lang ako biglang bumkas yung pinto. Si Matt pala.

    Matt: "Aba.. Okay ah.. Sino na bang kakanta.."

    Stephen: "Kakatapos lang ni torps.. este.. toph.."

    Alex: "Torps?"

    "Uh.. A-ano...:

    Stephen: "Short for.."

    "Tropa.. Di ba??"

    Tinignan ko si Stephen. To talaga.

    Stephen: "Ah.. oo.. Tropa.."

    Inabot ko kay Stephen yung mike tapos umupo ako sa tabi. Si Matt naman siyempre umupo sa tabi ni Alex.

    Stephen: "O.. Matt.. Kaw gusto mo?"

    Matt: "Uh.. Wala akong boses eh.."

    Marielle: "Okay lang yun.. Sige na.. Kantahan mo si Ate Alex.."

    Nagkatinginan naman silang dalawa.

    Matt: "Sige na nga.."

    Sabay kuha niya yung mike kay Alex. Di na siya tumayo. Nakaupo lang dun sa tabi ni Alex.

    Hinintay namin yung next song. Di ako alam kung ano yung mga pinagpipili na kanta ni Stephen saka Marielle eh.

    Pagkakita ko dun sa title, parang natigil sandali yung paghinga ko.

    Matt: "Bakit ngayon ka lang
    Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron nang laman
    Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko
    'Di sana'y naghintay ako.."

    Napatingin ako kay Alex. Kinakantahan siya ni Matt tapos nakatitig talaga si Matt sa kanya.

    Inalis ko yung tingin ko sa kanila. Dun na lang ako tumingin sa tv screen. Huminga ako ng malalim. Naalala ko bigla nung.. nung kumanta kami ng sabay.. Napangiti na lang ako..

    Tinignan ko ulet si Alex.

    Ano ba tong nararamdaman ko? Di pwede to. Magkaibigan kami tapos ganito.. Saka sigurado naman di magkakagusto yun sakin eh.. Parang.. parang si Larisse..

    Mukha namang may nararamdaman na siya para kay Matt. Eepal lang ako. Ayoko ding masira yung pagkakaibigan namin.

    Isang parte sa kin, gusto.. sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Kahit masabi ko man lang..

    Pero sa isang banda.. Huwag na lang kaya..

    Haay.. Ewan ko ba.

    Marielle: "Huy!! Kuya JC!!"

    "Ha? O.. Ba-bakit.."

    Pagtingin ko, nakatayo na silang lahat. Ako na lang yung nakaupo dun.

    Marielle: "4:30 na kasi no.. Alis na tayo.."

    "Sige.."

    Stephen: "Mauna na ako sa inyo ah.. Oi.. insan, pakisabay na silang dalawa ah.."

    Matt: "Oo ba.."

    Nauna nang umalis si Stephen, di na yung manonood ng lantern parade. Kaming apat, sabay-sabay na bumalik sa school. Medyo madami na ring tao nung mga 5:15 na dating namin. Na-traffic nga kami eh.

    Mga 6:00 nagsimula yung parade. Ang gaganda saka ang lalaki nung mga lanterns dun.

    Marielle: "Ang cute nun o.. Grabe.. Ayun.. Ayun pa.."

    Enjoy na enjoy si utol. First time niya kasi makapanood nun eh. Ako, pangalawang beses naman na. Yung unang beses nung first year college ako.

    Alex: "Dun na tayo sa may bandang Quezon Hall, maghintay.. Dun na rin naman yung end nung parada.."

    Naglakad kami papunta dun. Ang daming tao! Pero okay lang naman kahit nakatayo. Pero kami pumwesto kami sa bandang gilid. Tapos umupo dun sa damuhan.

    Maya-maya nagsidatingan na yung mga naglalakihang lanterns pati mga mascot. Nagkaroon na rin ng mga awarding at kung anu-ano pang pakulo.

    Marielle: "Teka.. Uy.. Classmate ko yun o.. Ayun.. Kuya.. puntahan ko lang saglit ah.."

    Bago pa ako makasagot, tumayo na siya tapos pinuntahan na yung classmate niya.

    Alex: "Enjoy na enjoy yung kapatid mo ah.."

    "Oo nga eh.."

    *RIIINGGGG*

    Kinapa ko yung phone ko sa pantalon. Akala ko sakin. Nagulat na lang ako biglang tumayo si Matt.

    Matt: "Hello? Uh.. Ano? Wait.. Di kita marinig.."

    Tumingin siya sa aming dalawa.

    Matt: "Uh.. Dun lang ako ah.. Ang lakas nung sounds dito.. Balik ako agad.."

    Pagkaalis ni Matt.

    "Mu~g gumagawa na talaga ng the moves yun ah.. Umuubra ba naman.."

    Ngumiti lang si Alex.

    Maya-maya may naglalakad dun na nagbebenta nung Neon na bracelet.

    "Psst.. Manong.. Pabili nga dalawa.."

    Iniabot sa akin ni manong yung dalawa tapos umalis na siya.

    Alex: "Wow.. Binilhan mo si Marielle? Cool naman.."

    Ngumiti ako.

    "Gusto mo? Sayo na lang.."

    Alex: "Ha? Bakit.. Sayo yan eh.."

    "Okay lang.. Eto o.. Teka.."

    Pinitik pitik ko muna yun kasi para lumabas yung mag-glow siya.

    "Ayan.. Umiilaw na.."

    Alex: "Astig.. Fave ko yan.. Blue.."

    "Teka.. suot natin.."

    Alex: "Ako na.."

    "Hinde.. Ako na.."

    Kinuha ko yung kamay niya tapos sinuot ko sa kanya.

    "Ayan.."

    Alex: "Thanks.."

    Maya-maya dumating na si Marielle. Nakita ko may suot-suot siya.

    "O.. Ano ba yan.. Sayang binilhan pa naman kita.."

    Marielle: "Ha? Ay sorry.. Bumili kami nung classmate ko eh.."

    "Pano to.."

    Marielle: "Eh di sayo na lang.. Teka, kuya balik lang ako ulet ah.."

    "Ha?!"

    Umalis na naman siya. Pagpalit ba ako sa kaklase. Tsk. Tsk.

    "Sayang naman to.."

    Alex: "Akin na.."

    "Bakit?"

    Tapos kinuha niya. Pinitik-pitik din niya hanggang mag-glow rin. Nagulat ako, kinuha niya yung kamay ko tapos sinuot din niya sa akin.

    Alex: "O di ba.. blue din sayo.."

    Maya-maya nagulat ako nung may narinig akong putok. Pagtingin namin sa taas, ang ganda nung fireworks display.

    Parehas kami ni Alex, nakatingala lang sa taas.

    Alex: "Uuuuy!! Ang galing nun o.."

    Sabay turo niya sa taas.

    Napatingin ako sa kanya saglit.

    "Uh.. A-Alex.."

    Nakatingin pa rin siya sa taas.

    Alex: "Bakit?"

    "Kasi.."
























































    Matt: "Sorry.. Yung kapatid ko kasi.. napatawag.. May na-miss ba ko?"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:09 pm

    Chapter 87:

    "Uh.. Wala.. Wala naman.."

    Alex: "Tignan mo yung fireworks o.."

    Tumingin din sa taas si Matt.

    Matt: "Okay ah.."

    Maya-maya dumating na rin si Marielle.

    Marielle: "Tumawag na pala si Mama.. Uwi na raw tayo.."

    "Ganun ba? Uy.. Mauna na kami sa inyo ah.."

    Matt: "Ah.. Sige, pare.. ingat kayo sa daan.. medyo madilim na.."

    Alex: "Salamat sa bracelet ah.."

    Ngumiti ako.

    Inakbayan ko si Marielle.

    "Tara?"

    Alex: "Ano nga pala sasabihin mo kanina.."

    Huminga ako ng malalim. Napatingin ako kay Matt.

    "Uh.. Wala.. Wala yun.. Sige.. Alis na kami.."

    Naglakad kami palayo ni Marielle. Nilingon ko silang dalawa.

    Bagay sila.

    December 24

    Nakaupo ako sa baba sa may tabi ng kama ko. Nakasandal lang ako. These past few days. Ganito lang ako. Parang wala sa sarili. Ewan ko ba.

    Binuksan ko yung drawer sa tabi ng kama ko. Nandun yung picture namin nung kasal. Sinarado ko. Napayuko ako.

    "Ano ba naman to.."

    Narinig ko na lang may kumatok sa pintuan.

    "Pasok.."

    Si Marielle pala. Tinabihan niya ako sa pag-upo.

    Marielle: "Okay ka lang ba?"

    "Bakit mo naitanong?"

    Marielle: "Nakakapanibago ka lang kasi.."

    "Ha?"

    Marielle: "Ano kasi.. Nung lantern parade.. Uh.. Napansin ko lang.. Yung mga tingin mo kay Ate Alex.. May.. May gusto ka ba sa kanya.."

    Natahimik lang ako.

    Ngumiti si Marielle.

    Marielle: "Uuuuuy.. Kuya.. Alam ba niya?"

    "Hinde.. May Matt naman na yun.."

    Marielle: "Di pa naman niya sinasagot ah.."

    Tumingin siya sa relo niya.

    Marielle: "Puntahan mo kaya.. 5:00 pa lang naman.. makakabalik ka pa in time for dinner.."

    "Ano ka ba? Di kaya magulat yun? Pupunta ako sa kanya tapos sasabihin ko sa kanya na gusto ko siya.."

    Marielle: "Kaysa naman magmukmok ka diyan ah.."

    Natahimik lang ako.

    Nagulat ako nung tumayo siya tapos kinuha niya yung gitara ni Kuya Lester sa tabi.

    Marielle: "Pero bago ang lahat.. tugtog ka muna.."

    "Anong tutugtugin ko?"

    Marielle: "Uhmm.. Yung tinugtog mo nung isang araw.. Ganda nun.."

    "Ah yun ba.. Sige.. Sabi mo eh.."

    Sinumulan ko yung pag-strum sa gitara.

    "Di ko man maamin
    Ikaw ay mahalaga sa akin
    Di ko man maisip
    Sa pagtulog ikaw ang panaginip
    Malabo man ang aking pag-iisip
    Sana"y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

    Ako"y alipin mo kahit hindi batid
    Aaminin ko minsan ako"y manhid
    Sana at iyong nariring
    Sayong yakap ako"y nasasabik...

    Ayoko sa iba
    Sayoako ay hindi magsasawa
    Ano man ang iyong sabihin
    Umasa ka ito ay diringgin
    Madalas man na parang aso"t pusa
    Giliw sa piling mo ako ay masaya

    Ako"y alipin mo kahit hindi batid
    Aaminin ko minsan ako"y manhid
    Sana at iyong nariring
    Sayong yakap ako"y nasasabik...

    Pilit mang abutin ang mga tala
    Basta"t sa akin wag kang mawawala

    Ako"y alipin mo kahit hindi batid
    Aaminin ko minsan ako"y manhid
    Sana ay iyong naririnig
    Sayong yakap ako"y nasasabik
    Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
    Malamig man o mainit ang gabi
    Nais ko sana iparating na ikaw lamang
    Ang siyang aking iibigin.."

    Tumayo ako at nilagay yung gitara sa kama ko.

    Huminga ako ng malalim.

    "O sige.. puntahan ko siya.."

    Marielle: "Yan ang kuya ako.."

    "Ligo lang ako.."

    Lumabas ako at naligo. Pagbalik ko sa kwarto, binuksan ko yung closet ko. Hanap-hanap kung anong isusuot.

    Marielle: "Ehemm.. Need help?"

    Ngumiti ako.

    "Sige na nga.."

    Maya-maya may kinuha si Marielle na polo shirt. Sinuot ko naman.

    Marielle: "Ayan.. Gwapo mo.. Sige.. Good Luck.."

    Lumabas ako at nagpaalam kay Mama na hihiramin ko lang saglit yung kotse.

    Papunta kina Alex, napadaan ako sa flower shop.

    Bumili ako ng isang bouquet ng flowers.

    Nilapag ko dun sa passenger seat. Napangiti ako. Sana magustuhan niya.

    Mga quarter to six na ako nakarating kina Alex. Malapit na ako sa bahay nila.. nung.. nakita ko nasa labas siya..

    Kasama si Matt?

    Nakita ko may sinusuot siya na necklace kay Alex. Tapos may dala-dalang tatlong bouquet ng flowers.

    Napatingin ako dun sa binili kong mga bulaklak.

    Natawa ako.

    Ano namang bubuga ko dun?

    Napatingin ulit ako sa kanilang dalawa.

    Niyakap ni Matt si Alex.

    Yun na.

    Pakiramdam ko, sinaksak yung puso ko.

    Ang sakit.

    Inistart ko yung kotse tapos nagmaneho na ako ng direcho pauwi.

    Pagbukas ko ng pinto sa bahay, iniabot ko yung flowers kay Mama.

    "Merry Christmas.. Mama.."

    Tapos niyakap ko si Mama ng mahigpit.

    "Akyat lang ako.."

    Humiga ako sa kama.

    Maya maya narinig kong bumukas yung pinto ko sa kwarto.

    Marielle: "Kuya.. A-ano nangyari.."

    Napatingin ako sa kanya.

    "Halika nga dito.."

    Umupo siya sa may kama ko.

    Marielle: "Nasabi mo ba sa kanya?"

    Umiling ako.

    Marielle: "Bakit?"

    "Mu~g masaya naman na siya eh.."

    Marielle: "Ikaw, masaya ka ba.."

    Ngumiti ako.

    Ginulo ko yung buhok ni Marielle.

    "Oo naman..


















































    Kapag masaya yung mga taong mahal ko.. masaya na rin ako.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:12 pm

    Chapter 88:

    January 1

    Alas-dos na ng hapon. Medyo late na nga ako nagising siyempre hinintay pa namin yung pagpatak ng alas-dose kaninang madaling araw.

    Huminga ako ng malalim. Pumunta akong C.R at naghilamos. Humarap akong salamin.

    "Bagong taon.. Bagong buhay.."

    Naligo ako at nagpalit ng damit. Direcho baba para mag late lunch. Tapos nanood lang kami ni Marielle ng DVD.

    Nung mga 6:30, nagulat ako nung lumabas ng kwarto si Papa. Bihis na bihis.

    "Pa.. may lakad kayo?"

    Papa: "Ah.. oo pero saglit lang.. hatid mo na nga lang ako saglit.. Mga isang oras lang naman ako dun sa pupuntahan ko eh.."

    "Ah.. O sige.. magbibihis lang ako saglit.."

    Umakyat ako ng kwarto tapos nagpalit ng suot. Hinagis sa akin ni Papa yung susi ng kotse.

    "San po ba tayo?"

    Papa: "Ituro ko na lang sayo yung daan.."

    Inistart ko naman yung kotse.

    Diredirecho lang ako tapos pinakanan niya ako dun sa isang kanto tapos kanan uli banda sa may McDo. Ewan ko ba pero parang pamilyar yung daan eh.

    Tapos nung papasok na kami dun sa may village. Nagulat ako nung nakita ko yung pangalan.

    Oh no. Eto.. Eto yung village nina Alex ah.

    "Si-sino po ba pupuntahan natin dito ah?"

    Papa: "Yung kliyente ko.. May ikokonsulta sa akin.."

    "Ganun ba kaimportante yang kliyente na yan at new year na new year.. kailangan niyo pumunta dun?"

    Papa: "Yaan mo na.. Saglit lang naman.. O Yan na ata.. Yung red yung bubong.."

    Pagkakita ko dun sa bahay.. Nakahinga naman ako ng maluwag.. Unang sumagi sa isip ko baka kina Alex ang bagksak namin..

    Papa: "O.. Balikan mo na lang ako dito ng mga 8:30 o siguro tawagan na lang kita kasi saglit lang naman to eh.."

    "Ganun ba? Sige.. mag-ikot ikot na lang ako dito.."

    Bwinelta ko yung kotse tapos nagdrive na lang ako dun sa may village. Hanggang sa napadaan ako dun sa street nina Alex..

    Parang tumigil yung paghinga ko nung nakita ko siya sa may terrace nila..

    Pinark ko saglit dun sa may malapit sa puno para hindi medyo tago.

    Nakita ko nakaupo siya dun sa may terrace.. Tapos parang may sinusulat ata..

    In-on ko yung radyo.

    I'll get just fine
    So if you're goin' then darlin' goodbye, goodbye

    Don't call me in the middle of the night no more
    Don't expect me to be there
    Don't think that it will be the way it was before
    I'm not over you yet
    And i don't think i care
    And i don't want to be your friend

    I'll forget we ever met
    I'll forget i ever let
    Ever let you into this heart of mine baby
    You just gotta let me be
    You gotta keep away from me
    'cause all i want to be is just free of you baby
    Don't you come around
    And say you still care about me
    Go now, go now

    Iniba ko nga yung istasyon. Ayoko magsenti, new year na new year.

    Akala ko love song na naman paglipat ko. Natawa naman ako paglipat ko..

    What you gon' do with all that junk?
    All that junk inside that trunk?
    I'ma get, get, get, get, you drunk,
    Get you love drunk off my hump.
    What u gon' do with all that ass?
    All that ass inside them jeans?
    I'm a make, make, make, make you scream
    Make u scream, make you scream.
    Cos of my hump, my hump, my hump, my hump.
    My hump, my hump, my hump, my lovely lady lumps. (check it out)

    I met a girl down at the disco.
    She said hey, hey, hey yea let's go.
    I could be your baby, you can be my honey
    Lets spend time not money.
    I mix your milk wit my cocoa puff,
    Milky, milky cocoa,
    Mix your milk with my cocoa puff, milky, milky riiiiiiight.

    Nandun lang ako nakatambay, sinisilip siya. Siguro, tama lang to. Hanggang ganito na lang.

    Medyo dumidilim na nga eh. Pagtingin ko sa relo ko, quarter to eight na halos. Napatingin ako kay Alex, nakatingala siya sa taas. Sumilip din ako at tumingala sa sky. Madami-dami ng stars. Nagulat ako.

    Biglang may..



















    shooting star.

    Pagtingin ko kay Alex, pumikit siya.

    "Siguro.. nagwish siya.."

    Pinikit ko din yung mga mata ko. Winish ko?

    Matupad kung anuman yung winish niya.

    Maya-maya nagvibrate yung phone ko. Nagtext si Papa. Puntahan ko na daw siya.

    Inistart ko uli yung kotse.

    Huminga ako ng malalim.

    Tumingin ako kay Alex sa may terrace.

    Bumulong ako.









































    "Happy New year.. Alex.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:16 pm

    Chapter 89

    Haay. Pasukan na naman. Lunch time, nasa canteen ako mag-isa kumakain ng barbeque with rice.

    Nagulat na lang ako nung may tumapik sa akin bigla.

    "Huy!!"

    Paglingon ko.. si Stephen pala. Umupo siya sa may tapat ko.

    Stephen: "Happy New Year!"

    Ngumiti lang ako.

    Stephen: "Oi.. Alam mo na ba yung nangyari kina Alex saka Matt?"

    Parang ayaw ko na marinig yung sasabihin ni Stephen. Pakiramdam ko sa kaloob-looban ko.

    Sila na.

    "Oo.. Alam ko na.."

    Stephen: "Aah.. Kala ko kasi hindi pa.. Pano mo nalaman?"

    "Basta.."

    Stephen: "So may balak ka pang pormahan si Alex?"

    Tinignan ko si Stephen.

    "Malamang.. wala na.. Ano ka ba?"

    Stephen: "Bakit naman? Teka.. Wag mong sabihing natakot ka?"

    "Ano?! Sila na.. bat pa ako eextra?"

    Tinignan ako ni Stephen.

    Stephen: "Ha? Sila na? Pano nangyari yun?"

    "Te-teka.. Di ata tayo nagkakaintindihan.."

    Stephen: "Mukha nga.. Yung sinasabi ko.. Yung sinapak ni Alex si Matt.. Sapul nga sa kaliwang mata niya eh.."

    Natigilan akong kumain pagkasabi ni Stephen. Sinapak?

    "Ano?! Bakit?"

    Stephen: "Nung New Year kasi, may reunion kami.. Tapos nakita ko nga na may Black eye siya.. Dinahilan pa nga niya na napaaway siya pero umamin din naman sa akin pagkatapos.. Nahuli raw siya ni Alex eh.. Yun lang nasabi niya.. Pano mo naman nasabi na sila na?"

    "Ha? Ano kasi.. Talaga? Sinapak ni Alex si Matt?"

    Stephen: "Tindi pala nun.. Tsk.. Tsk.."

    Ibig sabihin hindi sila o magiging sila.

    Kinabukasan. May P.E na naman kami. Pagdating ko sa power-up, nakita ko si Alex, nakaupo sa may tabi.

    Tinabihan ko siya.

    "Hi.."

    Alex: "Hello.."

    "Happy New Year.."

    Alex: "Happy New Year.."

    "Uhmm.. May nabanggit pala sa akin si Stephen.."

    Alex: "Sabi ko na nga ba.. makakarating sayo.."

    "Ano ba nangyari? Nahuli mo raw siya? Bat anong nahuli?"

    Alex: "Ang kapal ng mukha niya pumunta sa bahay nung isang araw.. May dala-dala pang mga bulaklak tapos may binigay pang necklace.. Eh huling-huli ko siya nung isang araw.. May kahalikang babae.."

    "Baka naman friendly kiss lang yun.."

    Tignan ako ni Alex.

    Alex: "Alam ko kung ano ang friendly kiss okay? At hindi yung friendly kiss.."

    "Uh.. Sorry.. Wag ka magalit.. So basted na siya.."

    Alex: "Di lang yun.. Sinapak ko nga eh.."

    "Oo nga daw.. Yaan mo pag nakita ko yun.. Papantayin ko yung mata niya.. Yung kanan naman ang titirahin ko..

    Tumawa si Alex.

    Alex: "Wag na.. Ano na magiging istura niya nun.. Haay.. Bihira na talaga ang matinong lalaki sa mundo.."

    "Uy.. Grabe.. Marami pa diyan.. Ikaw? Okay ka lang naman ba?"

    Alex: "Okay lang naman.. At least nalaman ko nang maaga-aga di ba? Saka balang araw.. mahahanap ko din ang taong para sakin.."

    "Naks.. Seryoso.."

    Alex: "Sira.. Totoo naman di ba.."

    "Uh.. Oo naman.. Naniwala ako na darating ang tamang panahon.. Makikita rin natin yung taman tao.. para sa atin.. Hindi naman yung hinahanap eh.. Kusang darating.."

    Alex: "Talaga naman.. Ang drama.."

    Ngumiti ako.

    Alex: "Haay.. Sooner or later.. Makikita rin natin yung 'the one'. May ganun talaga eh no? Hehe."

    Maya-maya tinawag na yung pangalan ni Alex para mag-wallclimb.

    Alex: "Sige.."

    Pinanood ko siyang magsuot ng gear.

    Bumulong ako.

    Huminga ako ng malalim.











































    "Sa totoo lang.. mu~g nakita ko na nga eh.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:20 pm

    Chapter 90:

    Pinanood ko si Alex na mag-wallclimb. Napangiti ako. Hindi pala sila ni Matt. At mukha namang wala ng pag-asa yung g*gong yun.

    Ang kapal ng mukha niyang mag-two time at kay Alex pa. Sapak tuloy ang inabot niya. Buti nga.

    Nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko may nagtext. Si Mama pala. Quote. Ang sweet talaga ni Mama. Paglagay ko nung phone ko sa bulsa ko, napatingin ako dun sa mga gamit ni Alex. Nakita ko yun filecase niya. Dahil clear yung filecase, kita yung nasa loob.

    Pagtingin ko. Andun yun schedule niya.

    Hmm.. Makopya nga.

    Kumuha ako ng papel sa bag ko tapos palingon-lingon muna ko para hindi halata saka ko kinopya yung schedule niya.

    Tamang-tama pala halos nasa iisang building lang yung mga subjects namin.

    Maya-maya, tinawag naman na yung pangalan ko para mag-wallclimb. Tinago ko sa backpack ko yung papel.

    Kinabukasan. Thursday.

    Hanggang 4 pm lang ang class ko. Pagtingin ko sa sched ni Alex, sa kabilang wing yung klase niya.

    Umikot ako at dumaan sa may wing niya. Tamang-tama palabas na siya ng klase.

    "Alex!"

    Lumingon siya.

    Alex: "Uy.."

    Ngumiti ako at sinabayan siya sa paglalakad.

    "Dito rin pala banda class mo?" ;D

    Alex: "Ikaw din pala.."

    "Pauwi ka na ba?"

    Alex: "Oo.. Bakit?"

    "Sabay na tayo.."

    Alex: "Ha?"

    "I mean di ba.. sasakay ka rin ng Pantranco tapos MRT?"

    Alex: "Oo.."

    "Kaya ayun.."

    Alex: "Uh.. Sige.."

    "Uhmm.. Akin na yung mga gamit mo.."

    May dala siyang filecase nun saka dalawang libro. Kinuha ko sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Alex.

    Alex: "Okay ka lang?"

    "Bakit.. gentleman naman to no.."

    Sabay kaming bumaba at lumabas ng Palma Hall. Nung pababa na kami ng stairs.

    "Uhmm.. Alex.. Gusto mo ng isaw?"

    Tumawa si Alex.

    Alex: "Bakit manlilibre ka.."

    Ngumiti ako.

    "Gusto mo?"

    Nagseryoso si Alex.

    Alex: "Di nga? Eh di ba.. Di ka naman mahilig dun.."

    "Oo no.. Tara.."

    Alex: "Sige.. Kaw bahala.."

    Pumunta kami dun sa may isawan.

    "Manong.. Isang dosenang isaw nga po.."

    Alex: "Ang dami naman nun.. Anong tingin mo sa akin ha?"

    "Kunyari ka pa.. Kulang pa yun sayo.."

    Mahina niya akong sinuntok sa braso.

    Alex: "Ang kapal!.."

    Maya-maya inabot sa akin ni Manong yung isang supot ng isaw.

    Humarap ako sa kanya.

    "One dozen ISAW for you.."

    Tumawa si Alex. Kinuha niya yung supot. Binigay din sa akin ni Manong yung isang baso ng sawsawan.

    Alex: "Share na lang tayo.."

    "Susubuan mo ko?"

    Alex: "Bahala ka nga diyan.."

    "Joke lang.."

    MGa ilang minuto dun namin pinagsaluhan yung isang dosenang isaw. DI ko na nabilang kung ilang yung nakain ko eh.

    Sumakay na kami ng jeep papuntang MRT. Tapos bumili ng ticket.

    Ang daming tao sa loob.

    "Tara, hanap tayo ng mauupuan mo.."

    Iniabot ko yung kamay ko. Tapos hinawakan naman niya. Habang nasa likod ko siya.. Napapangiti ako.. Ang lambot ng kamay niya ah. :Smile

    Maya-maya may nakita kaming umalis na lalaki tapos dun umupo si Alex.

    Alex: "Pano ka.."

    "Okay lang.. Tayo na lang ako.. Pero kung gusto mo.. kalungin mo ko.. Okay lang.."

    Alex: "Asa ka pa.."

    Maya-maya nakarating na kami sa may Ayala. Bumaba kami ni Alex.

    "So.. San ka na?"

    Alex: "Sakay na lang ako ng taxi.."

    "Teka.. Hintayin ko muna na makasakay ka.."

    Alex: "Asus.. Oo na.. Gentleman ka na.."

    Ngumiti ako.

    Maya-maya may dumating na taxi.

    "Sige.. Ingat ka ha.."

    Alex: "Salamat.."

    Yung sumunod na Miyerkules. P.E na naman. Ako naman excited. Kasi balak ko sana.. Pagkatapos ng P.E, ihahatid ko na siya sa bahay mismo.

    Tapos.

    Sasabihin ko na.




    Maaga ako dumating sa class.. Kaso dumating na yung prof.

    Wala pa ring Alex.

    Nasan na kaya yun?

    Bigla na lang ako kinabahan bigla.

    Bihira naman nag-aabsent yun eh.

    Pagkatapos ng P.E, di na ako nagdalawang-isip puntahan siya sa bahay nila.

    Nag-doorbell ako.

    Maya-maya pinagbuksan ako nun maid.

    "Si Alex po?"

    Maid: "Nasa loob po.. SIno po sila?"

    "Classmate niya po.."

    Pinagbuksan ako nung maid tapos pinaupo sa may living room.

    Nakatayo ako nun at tinitignan yung mga paintings dun. Astig.

    Alex: "Anong ginagawa mo dito?"

    Napalingon ako.

    "Uh.. Kasi.. Bat di ka pumasok kanina?"

    Alex: "Medyo may sinat kasi ako eh.. Mahirap na.. Baka maulet yung dati.. Upo ka.."

    Tinawag ni Alex yung maid para kumuha raw ng juice.

    Alex: "Aba naman. Nagpunta ka pa talaga dito ah.."

    "May.. May sasabihin kasi sana ako eh.."

    Alex: "Ganun ba kaimportante yun?"

    "Oo.."

    Lumapit ako ng mas malapit kay Alex.

    Huminga ako ng malalim.

    "Alam ko mabibigla ka.. Pero hear me out first.."

    Nagsalubong yung kilay ni Alex.

    Alex: "Ha? Ano ba yun?"

    "Alex.. I..

    Tinignan ko siya sa mga mata.

































































    *DING DONG*


    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17664

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by  on Fri Mar 20, 2009 10:22 pm

    sipag mo mag copy paste


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:24 pm

    Chapter 91:

    .. am falling for you.

    Haay. Sa isip ko na lang nasabi yun. Sino ba naman yun??

    Alex: "Uh.. Wait lang ah.."

    Tumayo si Alex para magpunta sa may bandang kitchen ata nila yun.

    Alex: "Manang Delia.. Patignan naman kung sino yung nagdoorbell sa labas.."

    Bumalik si Alex sa may living room.

    Alex: "Sorry ah.. Ano ulet yung sasabihin mo?"

    Biglang bumukas yung pinto. Napalingon kami parehas.

    Manang Delia: "Naku.. iha.. hulaan mo kung sino.."

    Alex: "Ha?"

    Paglabas dun sa may pinto.. Napatakbo si Alex sabay yakap.

    Nagtaka naman ako kung sino yung lalaking yun.

    Unang pumasok sa isip ko baka panibagong Matt na naman ito ah.

    Pero mu~g mas matanda ng kaunti eh.

    Alex: "Kailan ka pa dumating? Bat di ka nagpasabi para nasundo ka namin.."

    Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Tumayo ako.

    Alex: "Ay.. Si Toph pala.. Classmate ko.. Toph.. Si Tristan.."


















    Kuya ko.."

    Kuya?

    "Hello po.."

    Lumapit silang dalawa sa may living room.

    Tristan: "Tsk.. Tsk.. Di lang ako masyado nakakadalaw dito.. May nanliligaw na sa Baby Sister ko.."

    Alex: "Baby sister ka diyan.. Saka di ko siya manliligaw noh.. Parang kabarkada ko lang yan eh.. Di ba Toph?"

    Ha?

    Ako naman. Napangiti lang.

    Alex: "Wait lang ah.. Punta lang akong kitchen.."

    Tristan: "Sure.."

    Ang laking tao naman nung kapatid ni Alex. Matangkad. Siguro, basketball player to. Baka siya nagturo kay Alex magbasketball.

    Nung nakaalis na si Alex, tumingin siya akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ako nakatingin lang sa malayo pero ramdam ko yung tingin niya.

    Tristan: "Upo ka.."

    Umupo naman ako. Kinabahan ako bigla.

    Tristan: "Pangalan?"

    Teka, kakasabi lang ni Alex kanina ah.

    "Toph po.."

    Tristan: "Yung buo.."

    Buo?

    "John Christopher Delgado po.."

    Tristan: "Edad?"

    "18 ho.."

    Tristan: "Course?"

    Kinuha ko nga yung panyo ko. Pinagpapawisan ata ako ah. Nakaupo ako dun samantalang siya nakatayo't palakad lakad.

    "ECE po.."

    Tristan: "GWA (grade) last sem?"

    "Po?"

    Ano ba to interview?

    "Uh.. 1.6 po.."

    Tristan: "Girlfriend? Ilan na ang naging girlfriend mo?"

    "Wala pa po.."

    Bigla siyang tumigil sa kakalakad.

    Tristan: "Sigurado?"

    "Uh.. Opo.."

    Umupo siya dun sa may katabing upuan.

    Tristan: "Bading ka ba?"

    "PO?? Di po!"

    Tristan: "Kinaklaro lang.."

    Tinignan niya ako ng direcho sa mga mata.

    Tristan: "Isang tanong.. Isang sagot.."

    Napalunok ako.

    Tristan: "May balak manligaw.. May gusto.. O kung ano pa man sa kapatid ko? Meron o wala lang ang sagot diyan.."

    Rinig na rinig ko yung heartbeat ko.

    Tristan: "Hmm.. Silence.. Meaning meron?"

    Di pa rin ako sumasagot.

    Tristan: "Sinasabi ko sayo.. Nag-iisa lang yang kapatid ko.. Babae pa.. Kaya ayaw ko nasasaktan yan.."

    Maya-maya parating na si Alex na may hawak-hawak ng tray ng pagkain sa di kalayuan.

    Tristan: "Mu~g okay din pala tong kaibigan mo ha.. Alex.."

    Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya sabay bulong pero narinig ko pa rin.

    Parang natigil bigla yung paghinga ko.



























































































































































    Tristan: "Don't worry.. I'll be watching you.." :-\


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:26 pm

    Chapter 92:

    Alex: "O eto.. meryenda muna.."

    Tristan: "Akyat muna ko sa kwarto ko.."

    Alex: "Pahinga ka muna.. Tagal din ng biyahe mo eh.. Hanggang kailan ba bakasyon mo?"

    Tristan: "Mga 3 weeks.."

    Alex: "Ang bilis naman.."

    Umakyat yung kapatid ni Alex papunta sa kwarto niya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag-luwag.

    "May kapatid ka pala?"

    Alex: "Oo.. Tatlo kami eh.. Kaso di ba nga.. alam mo naman na yung nangyari kay James.."

    Natahimik ko. Napaalala ko tuloy yung tungkol sa younger brother niya na namatay.

    "Ilang taon na yung kuya mo? San siya galing?"

    Alex: "Sa San Francisco siya nag-stay ngayon.. Nagtatrabaho siya dun.. He's uh.. 24.. tama.. mag-25. this year."

    "Ang tangkad naman niya.."

    Alex: "Oo nga eh.. Kaya varsity siya ng basketball way back highschool days niya.. Kaya siya nagturo sa akin magbasketball.."

    "Parang nakakaintimidate yung dating niya.."

    Alex: "Ha? Yun.. Sus.. Mukha lang pero sobrang kenkoy nun.. Sa iba siguro.. suplado dating niya.. saka CAT officer kasi siya before kaya ganun.."

    Kaya pala ganun ang paraan ng pagtatanong niya sa akin.

    "Aaah.."

    Alex: "Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?"

    Maya-maya narinig ko na namang bumababa yung kapatid niya. Pagbaba niya tumingin siya sa akin.

    "Ano.. Next.. next time na lang siguro.. Sige.. Siguro.. Mauna na ako.."

    Hinatid ako ni Alex hanggang gate nila saka ako umuwi. Namomoblema na nga ako kung pano ko sasabihin sa kanya tong nararamdaman ko ngayong lagi nang nandiyan yung utol niya.

    Pero..

    Teka..

    Si Alex naman yung liligawan ko ah hindi naman yung kapatid niya. Papatunayan ko na lang yung sarili ko na aalagaan ko si Alex.

    Next Wednesday.. Pagkatapos ng P.E namin..

    Nilapitan ko si Alex habang nag-aayos ng gamit.

    "Sabay na tayo uwi.."

    Alex: "Uh.. Okay lang.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:30 pm

    Chapter 92:

    Alex: "O eto.. meryenda muna.."

    Tristan: "Akyat muna ko sa kwarto ko.."

    Alex: "Pahinga ka muna.. Tagal din ng biyahe mo eh.. Hanggang kailan ba bakasyon mo?"

    Tristan: "Mga 3 weeks.."

    Alex: "Ang bilis naman.."

    Umakyat yung kapatid ni Alex papunta sa kwarto niya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag-luwag.

    "May kapatid ka pala?"

    Alex: "Oo.. Tatlo kami eh.. Kaso di ba nga.. alam mo naman na yung nangyari kay James.."

    Natahimik ko. Napaalala ko tuloy yung tungkol sa younger brother niya na namatay.

    "Ilang taon na yung kuya mo? San siya galing?"

    Alex: "Sa San Francisco siya nag-stay ngayon.. Nagtatrabaho siya dun.. He's uh.. 24.. tama.. mag-25. this year."

    "Ang tangkad naman niya.."

    Alex: "Oo nga eh.. Kaya varsity siya ng basketball way back highschool days niya.. Kaya siya nagturo sa akin magbasketball.."

    "Parang nakakaintimidate yung dating niya.."

    Alex: "Ha? Yun.. Sus.. Mukha lang pero sobrang kenkoy nun.. Sa iba siguro.. suplado dating niya.. saka CAT officer kasi siya before kaya ganun.."

    Kaya pala ganun ang paraan ng pagtatanong niya sa akin.

    "Aaah.."

    Alex: "Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?"

    Maya-maya narinig ko na namang bumababa yung kapatid niya. Pagbaba niya tumingin siya sa akin.

    "Ano.. Next.. next time na lang siguro.. Sige.. Siguro.. Mauna na ako.."

    Hinatid ako ni Alex hanggang gate nila saka ako umuwi. Namomoblema na nga ako kung pano ko sasabihin sa kanya tong nararamdaman ko ngayong lagi nang nandiyan yung utol niya.

    Pero..

    Teka..

    Si Alex naman yung liligawan ko ah hindi naman yung kapatid niya. Papatunayan ko na lang yung sarili ko na aalagaan ko si Alex.

    Next Wednesday.. Pagkatapos ng P.E namin..

    Nilapitan ko si Alex habang nag-aayos ng gamit.

    "Sabay na tayo uwi.."

    Alex: "Uh.. Okay lang.."

    Sumakay kami ng jeep papuntang MRT. Kwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa sumakay na kami ng MRT. Tinitignan ko siya habang nagkukuwento.

    Iba yung pakiramdam ko.

    Masaya ko pag nandiyan siya.

    Nung nakababa na kami sa may MRT..

    "Hatid na kita sa bahay niyo.."

    Alex: "Ha? Okay lang ako.."

    "Hinde.. Hatid na kita.."

    Pumara ako ng taxi para ihatid siya sa bahay nila. Nung nakarating na kami sa bahay nila..

    Alex: "Pasok ka muna.."

    Nag-stay muna ako sa living room nila. Sa totoo lang, gusto ko sana siya yayaing manood ng movie. Umakyat sa kwarto si Alex kaya naiwan ako mag-isa dun.

    Siyempre. Practice muna.

    "May gagawin ka ba.. Gusto mo.. Nood tayo movie.. Treat ko.."

    Okay na kaya yun.

    Maya-maya narinig ko pababa na si Alex sa may hagdan.

    "Uhmm.. Alex.. Ano kasi.."

    Nagulat ako biglang lumabas yung kuya ni Alex sa may kitchen sa baba tapos papunta na siya sa may living room.

    Tristan: "O Alex.. Nakauwi ka na pala.."

    Alex: "Kakarating ko lang.."

    Tristan: "May gagawin ka ba ngayon?"

    Alex: "Wala naman bakit?"

    Tristan: "Gusto mo manood ng movie.."

    Nagulat naman ako dun. Kung di ako nagkakamali tumingin siya sa akin.

    Alex: "Okay lang.."

    "Uh.. Sige.. mauna na ako.."

    Alex: "Ganun ba.. sige.. ingat.."

    Palabas na ako nung living room nung hinarangan ako nung kuya ni Alex.

    Tristan: "Gusto mo sumama?"

    "Ha?"

    Tristan: "The more the merrier.. di ba Alex?"

    Alex: "Uh.. Baka may lakad yung tao kuya.."

    "Uh.. Sige.. Okay lang.."

    Tristan: "Ayan.. Sige.. Bihis lang ako.."

    Umakyat na uli siya pati si Alex.

    Ano ba tong pinapasukan ko?

    Maya-maya bumaba na sila at nakabihis. Nag-taxi kami papuntang Glorietta. Pagdating namin dun, di naman masyado marami ang tao kasi weekday.

    Dumirecho kami sa may cinemas.

    Nung bumibili na ng ticket..

    "Uh.. Ako na lang po bibili ng ticket.."

    Tristan: "Huh? Ako nagyaya sayo kaya ako na lang.."

    Di na ako nakapagsalita.

    Sunud-sunuran lang ako sa kanila papasok sa may sinehan.

    Ang position namin? Si Alex. Yung kuya niya. Ako.

    Maya-maya biglang dumilim na mag-sisimula na yung movie.

    Tristan: "Gusto mo ng popcorn Alex?"

    Alex: "Sure.."

    Lumingon naman siya sa akin.

    Tristan: "Ikaw gusto mo rin?"

    "Uh.. Wag na po.."

    Tristan: "Wag ka na mahiya.."

    Di na ako nakapagsalita. Parang bumabait ata siya.

    Maya-maya naglabas siya ng pera.. Nanonood ako nun.. Biglang..

    Tristan: "O.. Okay lang.. Bili ka ng popcorn?"

    Tinignan ko siya.

    "O-okay lang.."

    Sabay kuha ko dun sa pera.

    Huminga ako ng malalim.

    Paglabas ko, ang haba ng pila.

    Haay.

    Bumalik ako sa loob ng sinehan.. Iniabot ko yung popcorn sa kanila pati na rin yung sukli.

    Humarap ako at nanood. Hindi ko nga maintindihan yung nangyayari. Di ko naman napaumpisahan ng maayos.

    Natapos yung movie. Parang di ko nagets yung story.

    Papanoorin ko na nga lang yun sa DVD.

    Tumingin ako sa watch ko.

    1:30 pa lang.

    Tristan: "San na tayo ngayon?"

    Alex: "Timezone!"

    Tristan: "Oo ba.. Shootout.. Teka.. Nagpractice ka ba?"

    Alex: "Ako pa.."

    Sinundan ko na naman sila hanggang timezone. BUti na lang dala ko yung powercard ko.

    Una naming nilaro. Yung basketball shoot-out.

    Magaling nga yung kapatid ni Alex. Parang.. Wala lang.. Kung mag-shoot ng bola.

    Yung score namin?

    Si Tristan.. 75.. Ako? 70.. Si Alex.. 60..

    Tristan: "Kala ko nagpractice ka Alex?"

    Alex: "Oo no.. SIyempre.. Pero Para namang matatalo kita.."

    Nagulat naman ako nung nilapitan ako nung kapatid niya.

    Tristan: "Uy.. Pare.. Player ka ba?"

    Napaisip naman ako dun sa tanong niya.

    "Uh.. Member ako ng varsity before.."

    Napangiti siya.

    Narinig ko bumulong siya.

    Tristan: "Marunong sumagot ah.."

    Mga 3 pm kami umuwi. Sumama pa rin ako umuwi sa kanila. Nakalimutan ko kasing kunin yung CD na ginawa namin dati sa SocSci 1. Wala kasi akong copy nun.

    Alex: "Wait lang.. Kunin ko yung CD.."

    Habang naghihintay sa sa living room.. Kinuha ko yung photo album dun sa ilalim ng table. Tinignan-tignan ko yung mga pictures.

    Napatigil ako nung nakita ko yung captions dun sa tinitignan ko.

    Birthday party ni Alex. January 27

    Teka.. Tinignan ko yung date..






















































    Malapit na pala birthday niya..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:32 pm

    Chapter 93:

    Maya-maya narinig ko na pababa na si Alex. Dali-dali kong binalik yung photo album sa lalagyanan.

    Alex: "O eto.. Sorry medyo natagalan ako sa paghanap.."

    Kinuha ko yung CD sa kanya.

    "Ay.. Okay lang yun.. Pano.. Uwi nako.. Thanks.."

    Hinatid ako ni Alex hanggang gate nila. Nakita ko si Manang Delia sa may harap nagdidilig.

    "Sige po.. Mauna na ko.."

    Manang Delia: "Ingat iho.."

    Naglakad na ko palayo.. Napatigil ako nang kaunti nung narinig ko yung usapan nilang dalawa.

    Manang Delia: "May tumawag pala sayo kanina.. Si Sister Beth.. Yung sa Saturday daw, kung okay lang daw, magdala ka ng camera?"

    Alex: "Ah.. Sige po.."

    Ano kaya yun? Teka, wala siya sa Sabado. Hmmm..

    Nung Sabado na, medyo maaga ako nagising. Sabay-sabay kaming kumain ng family ko. Nung mga 8:30 na, naisipan kong tumawag sa kanila.

    RIIIIIINGG..

    Medyo matagal bago may sumagot. Maya-maya may narinig na rin akong boses sa kabilang line.

    Hello?

    Yung kapatid ni Alex.

    Nung una hindi ako nakapagsalita..

    Tristan: Sino to? Hello?

    "Uh.. Si Toph po to.."

    Tristan: Ha? Wala si Alex eh..

    "Kayo po sana ang gusto ko makausap.."

    Tristan: Seryoso ka ba? Bakit?

    "Kasi po di ba malapit na yung birthday ni Alex.. Eh magdedebut na pala siya.."

    Tristan: Oo nga.. Wala naman siyang balak magpaparty sa araw na yun.. Malamang pupunta lang siya sa Little Angels..

    "Little Angels?"

    Tristan: Pag Sabado kasi, wala siya.. Dun siya pumupunta.. Bahay-ampunan siya na kumukupkop sa mga bata.. Napalapit na kasi yung loob ni Alex sa mga bata lalo na nung nawala yung kapatid namin..

    Natahimik ako. Tapos may naisip akong plano.

    "Uh.. Kung papayag po sana kayo.. May isusuggest sana ako.."

    Ayun sinabi ko yung plano ko sa kanya. Medyo natagalan nga ng onti eh.

    Tristan: Sige.. sasabihin ko muna sa kanya..

    "Naku... Wag po.. Sana kung pwede.. Sorpresa na lang natin sa kanya.."

    Tristan: Uh.. Okay.. Sabihin ko na rin sa parents namin..

    Nakahinga na ako ng maluwag nung pumayag na yung kapatid ni Alex.

    Kinabukasan, nakatanggap ako ng text galing kay Tristan. Okay daw. Pumayag yung parents nila.

    Napangiti ako.

    Two Weeks to prepare. Sana maging okay ang lahat.

    Kahit anong mangyari, I want her birthday to be very special.

    Very


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:38 pm

    Chapter 94:

    January 27

    Sa bahay nina Alex..

    Tristan: "Good Morning! Happy Birthday!"

    Kakababa lang ni Alex nung sinalubong siya ni Tristan pati ng parents niya ng cake.

    Mr. Santillan: "Happy Birthday iha.."

    Mrs. Santillan: "Mamayang gabi.. kakain tayo sa labas ah.."

    Alex: "Of course.."

    Sabay-sabay silang nag-breakfast. Habang kumakain..

    RIIIIIIINNGGG..

    Sinagot ni Manang Delia yung phone.

    Manang Delia: "Para kay Alex daw ho.."

    Tumayo si Alex para sagutin yung tawag.

    Alex: "Hello?"

    Sister Beth: "Hello? Alex.. Si Sister Beth to.. Kung pwede mamayang hapon ka na lang pumunta dito.."

    Alex: "Po.. Uh.. Kasi.. Sige po.."

    Tristan: "Sino daw yun?"

    Alex: "Mamayang hapon na lang daw ako pupuntang Little Angels.."

    Mr. Santillan: "Pano na tayo magdidinner niyan?"

    Tristan: "What time ba?"

    Alex: "5 pm.. Siguro, alis na lang ako ng maaga.. Text ko na lang po kayo kung what time niyo ko sunduin.."

    Nung kinahapunan, nagpaalam na si Alex na pupuntang Little Angels.

    Alex: "Mu~g bihis na bihis kayo ngayon Mang Fred ah.."

    Ngumiti lang yung driver nila. Pagdating niya dun..

    Alex: "Tao po.. Parang walang tao ah.."

    Binuksan ni Alex yung gate tapos pagpasok niya sa loob. Madilim. I-on niya yung ilaw. Dun sa may lobby.. may napakalaking box na may tag na.. Alexandra Santillan.

    Alex: "Ano to?"

    Binuksan niya. Pag bukas niya..

    Alex: "Wow.."

    Isang simple pero magandang dress yung nakapaloob dun sa box. Binasa niya yung nasa tag..

    A beautiful dress for a beautiful girl like you..

    You deserve nothing but the best..

    Happy Birthday..

    Tristan.

    Alex: "Si Kuya talaga.."

    Nung napansin ni Alex, na wala na talagang tao dun. Lumabas na siya.. itetext na sana niya yung driver nang..

    Alex: "O manong.. di pa kayo umaalis?"

    Mang Fred: "May pupuntahan pa po kayo di ba?"

    Alex: "Talaga?"

    Sabay abot sa kanya nung isang box. Pagbukas niya.. necklace..

    You are now a lady..

    We are so proud of you..

    We love you.

    Mom and Dad..

    Mang Fred: "Hintayin ko na lang po kayo dito pag nakabihis na kayo.."

    Alex: "Ha? Bihis? Ano bang meron ah.."

    Nagpunta si Alex ulit sa loob. Bukas nga yung C.R. Sinuot niya yung damit pati yung necklace.

    Mang Fred: "Ma'am, mukha kayong prinsesa.."

    Alex: "Hindi naman po.. May party ba? Kailangan ko pa ba magpaayos? Di kasi ako sanay ng may make-up.."

    Mang Fred: "Maganda pa rin naman kayo kahit walang make-up eh.. Hatid ko na po kayo.. Pero bago ang lahat.. isuot ko lang po ito.."

    Nilagyan niya ng blindfold si Alex. Maya-maya nakarating na sila dun sa venue. Inalalayan ni Mang Fred si Alex, hanggang sa..

    Alex: "MAng Fred?"

    Tinanggal ni Alex yung blindfold. Pero madilim pa rin.

    She
    May be the face I can't forget
    The trace of pleasure or regret
    May be my treasure or the price I have to pay
    She
    May be the song that summer sings
    May be the chill that autumn brings
    May be a hundred different things
    Within the measure of a day

    Habang tumuttugtog, isa-isang nagsindi ng kandila yung mga tao na nakapalibot kay Alex. Nagsimula dun sa Mom and Dad niya.. paikot..

    She
    May be the beauty or the beast
    May be the famine or the feast
    May turn each day into a heaven or a hell
    She may be the mirror of my dreams
    The smile reflected in a stream
    She may not be what she may seem
    Inside her shell

    She
    Who always seems so happy in a crowd
    Whose eyes can be so private and so proud
    No one's allowed to see them when they cry
    She
    May be the love that cannot hope to last
    May come to me from shadows of the past
    That I'll remember till the day I die

    Hindi nakapagsalita si Alex.

    She
    May be the reason I survive
    The why and wherefore I'm alive
    The one I'll care for through the rough in ready years
    Me
    I'll take her laughter and her tears
    And make them all my souvenirs
    For where she goes I've got to be
    The meaning of my life is

    She
    She, oh she

    Lumapit yung Mom and Dad niya pati kuya niya tapos hinalikan siya sa cheeks sabay abot ng bouquet ng flowers sa kanya.

    "Happy Birthday.." bati nila.

    Alex: "Thanks po.. Di ko inexpect na may ganito.."

    Nagsimula yung program. Pinaupo muna yung mga guestsa sa mga table nila tapos si Alex dun umupo sa may bandang harap. Ang ganda nga nung likod kasi may mini-falls dun tapos may banner na Alexandra at 18. Tapos, punong-puno ng flowers tapos sa may sahig, puno naman ng nagkalat na blue and white na baloons.

    BUmulong sa akin si Stephen habang nasa table kami.

    Stephen: "Ikaw talaga nag-isip nito? Adik ka."

    Ngumiti ako.

    "Siyempre basta para sa kanya.."

    Una yung 18 treasures, lahat ng kasama dun galing Little Angels. Puro mga bata. Kinantahan nila si Alex ng 'That's what friends are for.." Tapos, isa-isa silang nagbigay ng mga simpleng gift nila pero meaningful. Sabi ko kasi sa kanila, kahit ano naman maappreciate ni Alex. Pinakanagustuhan ko yung isang batang babae, 10 yrs. old ata. Yung binigay niya.. shell.

    "Ate.. Eto.. gift ko kasi.. di ba sabi mo kahit anong bagay.. simple man o engrande.. maliit o malaki.. special.. Parang ikaw.. pinaparamdam mo sa amin, na special kami.. Happy Birthday.."

    Mangiyak-ngiyak si Alex nung tinanggap niya yung mga regalo sa kanya tapos nag-group hug pa nga sila
    Sumunod naman 18 candles, nagmessage naman yung mom niya, mga lola, tita saka mga kaibigan niya.

    Huling parte nung program, first dance niya, yung kuya niya.. Sinundan nung mga pinsan saka tito niya. Bandang huli sinayaw siya nung father niya.

    Sumunod, dinner time na. Nagserve ng food per table. Habang kumakain, pinakita yung video na ginawa ko..
    Pinaghirapan kong gawin yun ha. SObrang proud ako dun. Pero sabi ko, wag sabihin na ako gumawa. Hiningan ko ng pictures ni Alex mula pagkabata hanggang sa pagdalaga si Tristan tapos iniscan ko. Kumuha rin ako ng messages nung mga kaklase niya saka classmates namin.Siyempre, di mawawala yung message nung pamilya niya. Sabi ni Stephen, magmessage din daw ako. Kaso sabi ko camera shy ako. Pero sa totoo lang.. Di ko lam kung anong sasabihin ko sa kanya eh.

    Sa kalagitnaan ng pagkain ng lahat. Nagpunta ako sa may garden sa may gilid. Medyo tago siya. Gusto ko magpahangin saglit. Kinakabahan ako, di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Iniisip ko rin kung magugustuhan niya yung ibibigay ko. Dun ako umupo sa well. Walang maupuan eh.

    Nagulat ako nung may humawak sa balikat ko. Kinabahan nga ako nung una. Kala ko may tutulak sa akin at mahulog ako dun sa balon.

    "Uy.. Bat nandito ka."

    Si Tristan.

    "Ah.. Nagpapahangin lang po saglit.."

    Tristan: "Okay din tong naisip mong party ah.. Nagreet mo na ba siya?"

    "Di pa nga po eh.. Dami niya kasing fans.. Di ako makalapit.."

    Ngumiti lang si Tristan.

    Tristan: "Alam mo.. boto na ako sayo ngayon.. Mu~g seryoso ka talaga sa kapatid ko.. Siguro, tinamaan ka sa kapatid ko no?"

    "Oo nga eh. Sapul."

    Sabay tawa ko.

    Tristan: "Wag mo siyang sasaktan ah.."

    "Di ko po gagawin yun.. Pramis.."

    Tristan: "Mula ngayon.. pwede mo na rin akong tawaging kuya.. Yaan mo sasabihin ko na ikaw, may pakana nitong lahat.."

    "Naku.. Wag na po.."

    Huminga ako ng malalim.

    Tristan: "Ha? Ikaw bahala.. Teka, kailan mo nga ba balak sabihin yung tungkol sa nararamdaman mo sa kanya?"

    "Mamaya po siguro.."

    Tristan: "Sige nga.. praktis lang.. anong sasabihin mo?"

    Natahimik ako.

    "Ano nga ba?"

    Tumingin ako sa malayo.

    "Uh.. Siguro.. sasabihin ko.. Alex.. Alam mo, nahulog na yung loob ko sayo.. mas lalo pang nahuhulog.. bawat minuto.. bawat araw na nakakasama kita.. Sobrang, mahalaga ka sa akin.. higit pa sa isang kaibigan.. At pinapangako ko sayo na nandito lang ako kung kailangan mo na.. di kita iiwan.. Saka Pag nakikita ko yung mga mata mo o kaya kapag ngumingiti ka lang.. tumatatak talaga sa isip ko.. Sobrang swerte ko na nakilalala kita.. Kasi kung di kita nakilala.. Baka.. Baka di ako ganito kasaya.."

    Huminga ako ng malalim.

    "Ayun.. Kaso baka matameme lang ako. Sigurado."

    Tristan: "Kaya mo yan.."

    Nagulat ako nung may narinig kami sa likod.

    Paglingon ko.. natigilan ako.






































































    Alex: "Anong sabi mo?"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:43 pm

    Chapter 95:

    Tristan: "Alex?"

    Sabay pa kaming napalingon ni Tristan. Kuya Tristan na pala. Bumilis agad yung tibok ng puso ko.

    Alex: "Pi-pinapahanap ka ni daddy.."

    Tristan: "Ah ganun ba.. Sige.. Mauna na ako.."

    Umalis si Tristan at bumalik sa loob. Naiwan lang kaming dalawa dun. Ilang minuto ding walang nagsasalita sa amin.

    Maya-maya nagulat ako biglang tumalikod at naglakad papaalis si Alex.

    "Alex.. wait.."

    Tumigil siya. Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko siya. Pumunta ako sa harap niya. Nakatingin lang siya sa akin. Walang kahit anong sinasabi.

    Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ko. Kabado ko eh.

    Tinignan ko siya.

    "Alam ko narinig mo lahat.. Lahat ng sinabi ko.. totoo.. at alam ko siguro.. nabigla ka.. Pero may.. may mga bagay na hindi natin mapipigilan.. tu-tulad nitong nararamdaman ko.."

    Kinuha ko yung kaliwang kamay niya at pinatong ko sa chest ko.

    "Ikaw lang.. yung laman ng isip ko.. lalo na nitong puso ko.. Nararamdaman mo ba yun? Ang bilis no? Ganyan ang epekto mo sa akin.. Natatakot tuloy ako baka atakehin ako sa puso.."

    Bumitaw ng kamay si Alex sabay suntok na mahina sa akin sa braso.

    Alex: "Puro ka patawa.."

    "Seryoso ko dun ah.."

    Alex: "Ah ganun?"

    Sabay tawa siya.

    "Uh.. Alex.. Pwede baka ako mag-apply?"

    Alex: "Ha? Ano na naman yan ah.."

    "Mag-aaply akong knight in shining armour mo.."

    Tumawa na naman si Alex. Napangiti ako kasi gustung-gusto ko pag napapatawa ko siya.

    Alex: "Ano ka ba.. You have always been my knight in shining armour.."

    Napatahimik naman ako dun.

    Alex: "Kahit minsan palpak.. pwede na.."

    "Ah ganun ah.."

    Sabay nilapitan ko siya tapos kiniliti ko siya sa bewang.

    Alex: "Ano ba.. Para kang bata.."

    Tawa kami ng tawa tapos biglang natigilan ako nung nagkalapit yung mga mukha naming dalawa.

    Hinawakan ko yung face niya.

    "Ang ganda mo talaga.."

    Alex: "Oo naman.."

    Tumawa ko. Ang cute talaga niya.

    Nagkatiniginan lang kaming dalawa dun.

    Alex: "Alam mo.. dati sabi ko.. swerte yung babaeng mamahalin mo.."

    "Talaga? Eh pano yan.. Eh di swerte ka?"

    Alex: "Uhmm.. Pwede na.."

    "Aaay.. Ganun?"

    Ngumiti si Alex. Natahimik na naman kaming dalawa.

    Alex: "Uh.. You know what? I'm.. I'm also falling for you.."

    Natigilan ako nung sinabi niya yun. Parang gustong tumalon.

    Alex: "Pero alam ko naman na may nararamdaman ka kay Larisse nun.. Kaya alam ko.. na kahit kailan.. wala akong space para diyan."

    Sabay turo sa chest ko.

    Di ko alam ang sasabihin ko.

    "Wala akong ibang masasabi kung hindi ang t anga ko.. Ang bulag ko? Kasi yung babaeng para sa akin.. Nasa harap ko na.. noon pa.. Pero di ko pa rin makita.. Ngayon, alam ko na.. kilala ko na.. Di ako papayag na mawala ka.. Hayaan mo.. papatunayan ko sayo.. Na karapat-dapat ako para sayo.. Na karapat-dapat ako para mahalin mo.."

    Ngumiti lang si Alex.

    Maya-maya may dumating, yung emcee. Tinatawag na si Alex.

    "Tawag ka na ng mga fans mo.."

    Tumawa lang si Alex.

    Pumasok siya sa loob. Sinundan ko siya.

    Nagpatuloy yung program. Sumunod yung ibang special numbers tulad nung kinantahan siya ng daddy niya saka kuya niya. Tapos nagmessage din sa kanya yung bestfriend niya nung bata siya, si Gelaine.

    Nagkaroon din ng picture-taking kasama yung mga kaibigan niya, family and relatives.

    Yung huling part, nagmessage yung parents niya saka siyempre siya.

    Alex: "Salamat po sa mga nagpunta.. Di ko inexpect to.. Akala ko kakain lang kami sa labas ng family ko.. You've made this day very.. very.. special.. Thank you.."

    Pagkatapos nun, nagsiuwian na halos lahat. Di ako makalapit kay Alex. Nandun lang ako sa may gilid.

    Stephen: "Uy, pare.. uwi na kami.."

    "O sige.. una na kayo.. Bigay ko pa tong regalo ko.."

    Stephen: "Ganun ba? Good luck, wag hihimatayin ah.."

    "Sira.."

    Maya-maya kumonti na yung tao. Mga kamag-anak na lang halos ni Alex yung nandun.

    Nilapitan ko siya.

    "Ang dami mong fans.. Di ako makalapit.."

    Alex: "Hindi naman.."

    Naglakad kami palabas papunta dun sa may well kanina.

    "Sarap dito noh.. mahangin.."

    Alex: "Oo nga.."

    "Di pa pala kita nabati.. Happy Birthday.."

    Sabay abot ko sa kanya nung regalo.

    Alex: "Nag-abala ka pa magbigay ng gift? Eh sobra-sobra na tong naisip mong party?"

    "Narinig mo rin ba yun kanina?"

    Alex: "Ah.. Hinde.. Sinabi lang ni kuya.."

    "Sabi ko wag na sabihin eh.."

    Alex: "Thank you ah.. For everything.."

    Ngumiti ako.

    "You deserve nothing but the best.."

    Alex: "Teka, ano ba to?"

    Binuksan niya yung regalo ko. Napahawak ako sa batok ko.

    "Pangpasensiyahan mo na ha.. Kung simple lang..

    Alex: "Ang ganda nga eh.."

    "Uh.. Kasi ganito yan.. Nung bata ko.. Buhay pa si Kuya Lester nun.. Nagpunta kaming Hongkong.. Tapos, magkasama kami nun na naglilibot. Pumasok kami sa isang antique shop.. Dalawa yan eh.. Binigay sa akin ni Kuya yung isa, sabi niya, ibigay namin sa babaeng mamahalin namin.. Kaya mula nun, tinago ko yan."

    Alex: "Ha? Naku.. Bat sa akin?"

    "Ano ka ba.. tinatanong pa ba yun?"

    Kinuha ko yung necklace na may pendant na ring tapos sinuot ko sa kanya.

    Tinignan niya yung pendant.

    Alex: "Teka, tignan mo o.. Dun sa loob nung ring parang may nakaengrave.."

    "Oo meron nga.."

    Alex: "Di ko maintindihan eh.. Ancient din ata yung handwriting.. Ano bang nakasulat.."

    Ngumiti ako tapos tinignan ko siya sa mga mata niya.















































































































































    "I love you.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:48 pm

    Chapter 96:

    Di nakapagsalita si Alex pagkasabi ko nun.

    "Uh.."

    Ako rin nagulat ako pagkasabi ko nun. Pero yun naman talaga yung naka-engrave dun eh. Sabi ni kuya Lester.

    Ngumiti lang si Alex.

    Maya-maya dumating si Kuya Tristan.

    Tristan: "Lex.. Tawag ka nina Tita Bella.."

    "Sige.. Mauna na rin ako.."

    Alex: "Thanks ulet ah.. Sa lahat-lahat.."

    "Wala yun.."

    Naglakad na paalis si Alex sinundan niya si Tristan.

    "Alex.."

    Lumingon siya.

    "Happy BIrthday.."

    Ngumiti lang siya sabay sabing..

    Alex: "Thank you.. Ingat sa pag-uwi ah.."

    Ayun.

    Ilang araw na ang lumipas. Ilang linggo na ang dumaan. Mahigit isang buwan na akong nanliligaw kay Alex. Pero minsan pag inaasar ko si Alex, sinasabi ko na, 'mahigit isang buwan ko na pinapatunayan ang pag-ibig ko sayo'.

    Sabay sasabihin niya ako ng, 'ang corny mo'. Tapos tatawa na lang kaming dalawa. Kahit yung mga maliliit na bagay na ganun, sobrang special sa akin eh.

    DI ko makakalimutan talaga nung Valentines Day, sobra. Akala ko mahihimatay ako nun eh. DI ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob sa mga panahong yun.

    Flashback

    Tinutulak ako ni Stephen.

    Stephen: "Pare, dali ano ba.. Pumasok ka na sa loob.. Ikaw nag-isipsip ng idea na yan eh.."

    "Tol, ang daming tao sa loob.."

    Stephen: "Malamang.. Eh canteen yan!"

    "Hintayin ko na lang siya dito sa labas.."

    Stephen: "Ewan ko sayo.. Pag tayo nalate, naku.."

    Huminga ako ng malalim. Pagpasok na pagpasok ko, lahat tinginan sa akin. Pano ba naman, eh may hawak-hawak akong napakalaking teddy bear, saka isang dosenang white roses.

    Pinagpapawisan nga ako habang naglalakad papasok. Nilapitan ko siya, kasama niya yung iba niyang
    mga kaibigan. Hiwayan nga halos lahat ng nasa canteen.

    Sabay abot ko sa kanya.

    "Happy Valentines, Alex.."

    Ngumiti siya.

    Alex: "Uy.. Naku.. Thank you.."

    Ang bilis ng tibok ng puso ko pero sobrang saya ko nun kasi nagawa ko. First time ko kasi ginagawa
    yun eh.

    End Of Flashback

    Eto ngayon, naghihintay ako sa labas ng classroom ni Alex. Minsan pag wala naman akong importanteng
    gagawin., sabay kami umuuwi. Ngayon hinahatid ko na siya hanggang bahay nila.

    Maya-maya nagsilabasan na sila sa classroom.

    "Oi.. Mustah?"

    Alex: "Okay lang naman.."

    Sabay kuha ko nung backpack niya.

    Ewan ko biglang tinignan ako ni Alex. NIlayo ko agad yung tingin ko . MInsan nakakadiyahe
    pa rin eh.

    "Bat ganyan ka makatingin?"

    TUmawa ng kaunti si Alex.

    Alex: "Wala naman, parang kahit madalas mo na ako hinahatid.. Di pa rin ako sanay.. Parang
    iba pa rin.. Basta.."

    "Ako rin eh.. Uh.. Oo nga pala.. Pupunta ka ba dun sa camp natin sa P.E sa batangas.."

    Alex: "Siguro.. Ikaw?"

    "Depende.."

    Alex: "Bakit.."

    "Depende kung.. pupunta ka.."

    Alex: "Ah ganun.. Sige na nga.."

    Pagdating ng Sabado ng umaga, maaga akong pumunta sa school. 5:30 kasi ang usapan. Magkakaroon
    kami ng camp dun. Astig nga yung mga activities namin eh. Excited na ako. Sa Blueroze Farm
    sa Lipa, Batangas gaganapin yung camp namin. Pero siguro, puro wallclimbing siyempre yung gagawin namin pero may mga dagdag na activities daw eh.

    Marami-rami na rin nandun pero wala pa rin si Alex. 6:00 na nga wala pa siya. NAsa loob na kami
    ng bus nun.

    "Sir, hintayin lang natin saglit baka may nangyari lang.."

    Kanina ko pa siya tinatawagan pero out of reach. Kinakabahan na nga ako.

    Noel: "Pare, okay lang.. Darating din yun.. O Ayan na pala o.."

    Pagtingin ko sa window. Ayun na nga. Nagmamadaling umakyat si Alex sa loob.

    Alex: "Sorry sir, I'm late.."

    Noel: "Etong katabi ko.. Aatakihin na kakaantay sayo.."

    Hiyawan naman lahat ng mga kaklase ko sa loob ng bus.

    Noel: "Namumula si Toph o.."

    "Magtigil ka nga.."

    Napatingin ako kay Alex tapos ngumiti ako.

    DI ko alam kung sino yung sumigaw..

    "Sagutin mo na yan.."

    Nakakahiya na ah. Diyahe.

    Mga isang oras at kalahati din yung naging biyahe namin. Maganda nun. Ang laki. DI ko
    lam kung ilang hectares yun.

    Nilabs na namin yung mga dala-dala namin tapos sabay pasok sa kanya-kanyang assigned tents.
    Kasama ko sa tent si Noel saka Fred.

    Dahil maaga pa, pinayagan kaming mamasyal-masyal ni sir. HInahanap ko sina Noel saka Fred, pero
    bigla na lang nawala. Nakita ko si Alex, nandun sa may swing. Pinuntahan ko siya.

    "Uy.. Gusto mo mamasyal.."

    Alex: "Uh.. Sige.."

    Lakad-lakad kaming dalawa dun. Mahangin dun kaya ang sarap mamasyal.

    "ANo yun?"

    Sabay turo ko may parang entrance dun.

    Alex: "Pasok tayo?"

    "Ikaw bahala.."

    Pumasok kami sa loob. Maganda din. Lakad-lakad lang kami dun. Tapos tumigil kami sa paglalakad.

    Nagkatinginan kami ni Alex.

    Pakiramdam ko, parehas kami ng iniisip.

    "Parang dito rin tayo galing kanina ah.."

    Alex: "Oo nga eh.. Eto ata yung sinasabi sa akin nina Via na parang giant maze.."

    "Ha?? Eh Pano tayo makakalabas dito?"

    Alex: "Di ko alam.. ano.."

    Nakita ko parang kinakabahan na nga si Alex.

    Huminga ako ng malalim.

    Hinawakan ko siya sa shoulders.

    "Tara.. Ano ka.. Makakalabas tayo dito.."

    Alex: "EH kanina ba tayo lakad ng lakad dito.."

    Ngumiti ako.






































    Alex: "Toooph.. Anong ginagawa mo.."



















































    "EH di bubuhatin na lang kita para di ka mapagod.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12379

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 10:53 pm

    Chapter 97:

    Alex: "Ano ka ba.. Ibaba mo ko.."

    "Yes.. Ma'am.."

    Binaba ko naman siya.

    HUminga ng malalim si Alex.

    Alex: "Kaya ko pag maglakad.. Ako pa.."

    "Pano kaya tayo makakalabas dito.."

    Naglakad-lakad pa rin kaming dalawa ni Alex. Tapos, parang may narinig kaming tunog.

    "Rinig mo yun? DI ba parang mga boses yun?"

    Alex:"Oo nga.. DUn banda.. Parang dun.."

    Lumiko kai sa kaliwa, diredirecho hanggang sa nakita namin yung iba naming mga classmates.

    Alex: "Thank GOd.. Kala ko maiiwan tayo dito no.."

    Bumulong ako.

    "Okay lang.. At least kasama kita.."

    Alex: "Ano sabi mo?"

    "Uh.. Oo nga buti na lang nakita natin sila.."

    Sabay-sabay kami lahat lumabas dun sa maze na yun. Eh lagi naming nadadaanan yung labasan. DUn lang pala.

    After nun, nagkaroon ng orientation sa mga activities na gagawin. Yung una naming ginawa, orienteering. Masaya nga eh kasi parang mala-Amazing Race siya.

    Nauna yung group naming matapos (green team). Sinundan kami nung group nina Alex (blue team). Hinati kami sa apat na groups eh.

    Pagkatapos nun, mga rope activities naman saka team building. Siyempre, yung main part eh, yung wallclimbing na mismo.Third to the fastest ako sa pag-akyat. AStig.

    Nung mga 6 pm na, nagkaroon kami ng break. Nagpalit na kami ng damit. Yung iba naligo. Pagkatapos nun kasi, dinner na.

    Kasama ko nun si Noel, tapos sabay turo niya kina Alex.

    Noel: "Sina Alex o.. sa may bonfire.."

    Pinuntahan namin sila..

    Tinabihan ko siya.

    "Napagod ka ba?"

    Alex: "Uh.. Medyo.. Puro activities ba naman eh.. Pero enjoy kasi kaya di ko napapansin yung pagod.."

    Nagkukuwentuhan yung iba naming classmates. Kami tahimik lang. Si Alex, nakatingin lang dun sa bonfire.

    Pasimple ko siyang tinitignan.

    "Medyo malamig na ah.."

    Inalis ko yung suot-suot kong jacket. Tapos pinatong at sinuot ko sa kanya.

    Tinignan niya ko sabay ngumiti siya.

    Alex: "Thanks.."

    "Ang bilis ng panahon no.. March na.. Bakasyon na naman.."

    Alex: "Oo nga eh.. Mag-susummer class ka ba?"

    "Ako? Hinde siguro.. Bat ikaw?"

    Alex: "Di ko lam.. Pag sinipag ako.."

    "Uy.. Mu~g may food na.. Tara.. Kuha na tayo.."

    Alex: "Mamaya na lang siguro ako kukuha.."

    "Sure ka? Gusto mo kuha nalang kita?"

    Alex: "Ha? Wag na nakakahiya.."

    "Okay lang.. Sige.. Kuha na lang kita.."

    Alex: "Pero.."

    Tumayo na ako pati sina Noel saka yung iba naming classmates.

    Ella: "UUuuy.. Ang sweet naman ni papa.."

    Alex: "Ella?! Papa ka diyan.."

    Ella: "Ang cute niyong dalawa.. Bagay kayo.. Kailan mo ba siya balak sagutin?"

    Natahimik si Alex.

    Ella: "Alex?"

    Alex: "I don't know.."

    Ella: "HUh? Wait.. May feelings ka ba naman sa kanya ha?"

    Alex: "Oo naman.. Meron.. Masaya ko pag kasama ko siya.. saka sobrang naappreciate ko lahat ng ginagawa niya..pero.."

    Ella: "Pero?"

    Alex: "I mean.. Di ko kasi alam kung handa na akong pumasok sa alam mo na relationship.. Kasi, pag nagkataon,he's going to be my first boyfriend.. I'm also his first.. Saka ano.. I want to get to know him better..I want him to get to know me better.. Basta.. AYokong madaliin.."

    Ella: "Sa bagay.. Mga ilang centuries ang hihintayin niya?"

    Alex: "Sobra ka naman.. Basta pag naramdaman ko na yung alam mo na.. Yung nasa right moment ka.. Yung tama na lahat..Yun na.."

    Ella: "Yun na.."

    Maya-maya dumating sina Noel saka yung iba pang classmates.

    Lumingon-lingon si Alex.

    Alex: "Noel, si Toph?"

    Noel: "Huh? Eh, nauna na siya sa amin kanina ah.."

    Ella: "Wait.. Ayan na siya.."

    "O.. Favorite mo yan di ba.."

    Sabay abot ko sa kanya nung plate niya. Chicken Barbeque kasi yung kinuha kong food niya.

    Alex: "Thanks.."

    Maya-maya isa-isa nang umaalis yung mga kaklase namin. Pasimuno na naman yung mga classmates namin.. lalo na si Noel.

    Hanggang sa kaming dalawa na lang yung naiwan dun sa may bonfire.

    Alex: "Talaga naman.. IWan daw ba tayo.."

    "Okay lang yun.. Ayaw mo ba ko kasama.."

    Alex: "Ang drama ha.."

    "Uh.. Alex.. Na-narinig ko pala kanina lahat.."

    Natahimik si Alex.

    "Don't worry.. Gusto ko lang sabihin sayo na.. Di naman kita minamadali.."

    Alex: "Thanks.."

    "Gusto ko nga.. Mas magkakakilala pa tayo.. Alam mo yun.."

    Alex: "Oo naman.. Siguro.. Ano na muna tayo.. Uh.. Best friends?"

    "Best friends? Bf? Pweeedeee.."

    Alex: "Haha. Sira ka talaga.."

    NIlabas niya yung pinkie (littlefinger) niya.

    "Ba-bakit?"

    Alex: "Di ba nung mga bata tayo.. Pag nagpapramis.. ganito ginagawa.."

    "Anong promise?"

    Kinabit ko rin yung pinkie sa kanya.

    Alex: "Na nandito lang ako para sayo.. Kung kailangan mo ko.."

    Ngumiti ako.

    "Ako? Na aalagaan at mamahalin kita at hindi kita.. iiwan.. o sasaktan.."

    Alex: "Promise?"

    "Promise.."

    Bibitaw na sana siya nung pinigil ko.

    "Wait.. May pahabol lang ako.."











































































    "Na maghihintay ako.. kahit gano katagal.. lalo na ngayon.. nakita ko na yung matagal nang hinahanap ng puso ko.."


    Sponsored content

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by Sponsored content Today at 3:41 am


      Current date/time is Sun Dec 04, 2016 3:41 am