Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Vision of a Sunset

    Share

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    Total Votes: x

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:00 pm

    Chapter 1: Tragedy

    Paano ko nga ba malilimutan ang araw ng aking kasal. Ang aking matagal na pinapangarap ngaun ay unti unti ng matutupad. Ang babaeng pinaka mahalaga sa aking buhay ay makakasama ko na. Ako si Vincent ito ang story ko.
    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
    Naghihintay ako nun sa altar ng simbahan sa upang sa kanyang pag dating ay Makita ko siya kaagad. Kabado ko habang sinasariwa ko ang mga magagandang kaganapan sa buhay naming bago dumating ang araw na to.
    Disperas ng pasko ng pumunta ako sa kanila, sobrang saya ko dahil kahit di pa man kami nakakasal ay tangap ako ng magulang niya.

    Vincent: Merry Xmas po mama and papa, si Jen po ba andyan?

    Jen’s Father: Oo andito siya, tara pasok ka, punta ka na lang sa room niya may sasabihin ata.

    Kakaiba ang ngiti ni papa parang may pinapahiwatig na maganda kaya nag madali akong pumunta sa room ni Jen. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya naka upo sa upuan sa may balcony ng kanyang kuarto.

    Jen: Vince andito ka na ala di ka nagtxt sakin.

    Vincent: Para surprise musta naman ang baby ko? Oh Bakit parang malungkot ka?

    Hindi ko mabasa ang nasa isip ni Jen paskong pasko malungkot siya ano ba ang dapat kong gawin. Parang may gusto siya saking sabihin pero nag aalangan siya.

    Vincent: Jen, is there any problem?

    Jen: Wala.

    Vincent: Pero bakit ang lungkot mo ata?

    Jen: Vince you need to know something, wag kang mabibigla.

    Vincent: Sige ano ba yun?

    Jen: I’m pregnant!

    Para sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya ng marinig ko kay Jen na buntis siya. Matagal ko ng pinagnarap mag karoon ng anak at ngaun natupad na yun.

    Vincent: Talaga! Ang saya saya ko! Magiging dad na ko!!!

    Masyado atang malakas ang pagsigaw ko dala ng sobrang excitement that time nagulat ako ng may mag bukas ng pinto, yung father ni Jen lagot ako! Kabado ko habang papalapit ang daddy ni Jen sakin. Sabay hawak sa balikat ko.

    Jen’s Father: Oh paano ba yan this cost for a celebration.

    Vincent: Thank you po. I promise to love your daughter for the rest of my life di kop o siya sasaktan.

    Jen’s Father: Malaki ang trust ko sayo. Malas mo nga kay Jen kasi bungangera yan. (Sabay tawa)

    Jen: Papa talaga! Mapagbiro!

    Nawala lahat ng takot ko ng marinig ko sa daddy ni Jen ang mga words na yun. Eto na ang pinaka masayang pasko sa buhay ko. Makalipas ang new year inayos na namin ni Jen ang kasal naming gusto ko maging special ang araw na yun dahil sa araw na yun alam kong wala ng makakapag hiwalay sa amin.
    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
    Mabilis lumipas ang araw parang sandal lang ngaun ako ay nakatayo sa simbahan iniintay ang pag dating ng pinaka mahalagang tao sa buhay ko.
    Lumapit sakin ang daddy ni Jen dahil almost 30 minutes late ang bride ko.

    Jen’s Father: Don’t worry she’ll be fine.

    Vincent: Papa, ang tagal po niya gusting gusto ko nap o siyang Makita.

    Jen’s Father: I know you’re excited.. Just wait a little bit more, alam mong di ka niya tatakasan. (Sabay ngiti)

    Vincent: Opo papa alam kop o.

    Lumapit na din sa akin ang bestfriend kong si Chris, pinapakalma ko dahil na rin siguro late si Jen. Ilang minute parin ang lumipas pero wala pa rin siya, ng Makita ko si Papa may kausap sa cellphone gusto ko siyang puntahan pero mu~g urgent yung call.
    Pagkatapus niyang makipag usap sa cellphone ay pumunta ito sa kinauupuan ng mommy at daddy ko may sinabi siya at medaling lumabas ng simbahan. Parang hihimatayin ako marami ng tumatakbo sa isip ko at kung ano ang nangyayari wala talaga kong idea.

    Chris: Bro, ok lang yan wag kang magisip ng kung ano ano masisira porma mo.

    Vincent: Kinakabahan lang ako tol, di ko alam kung bakit.

    Chris: Ayan na dad mo oh mu~g may sasabihin sayo CR lang ako sandal.

    Vincent: Sige tol.

    Sa bawat hakbang ng paa ng daddy ko ay siya naming lakas ng tibok ng puso ko. Unti unti siya saking lumapit kasama ang mommy ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, niyakap ako ng mommy ko habang hawak hawak naman ng daddy ko ang balikat ko.

    Vincent’s Father: Son, just relax.

    Nagsimulang umiyak ang mom ko pero wala talaga kong idea kung bakit. Di na maipinta ang aking mukha tanaw sa malayo si Chris nakikipag usap sa mga bisita, gusto kong marinig ang sinasabi niya ngunit masayadong malayo. Ayaw akong bitawan ng mom ko sa pag kakayakap habang umiiyak.

    Vincent: Dad, what’s going on? Please tell me.

    Vincent’s Dad: Just relax.

    Vincent: Dad! How would I be able to calm down, if my mom is crying here and all the people inside the church are slowly disappearing? Now please tell me, what’s happening?

    Vincent’s Dad: Vincent, Vincent listen… Just relax.

    Vincent: Dad! Now tell me what’s going on, you driving me crazy. Dad nakikiusap ako please naman.

    Vincent’s Mom: Dear sabihin mo na.

    Vincent: Mom sabihin niyo na sakin please.

    Vincent’s Dad: Vincent.. Na accident si Jen, yung car na sinasakyan niya nabungo sa truck now she’s on the hospital with her mom.

    Hinawakan ko ang kamay ng mom ko inalis ko sa pagkakayakap sakin. Nanlaki ang mata ko, natulala ako. Panaginip lang ba to? Sana nga panaginip lang to. Unti unti akong napaupo sa kinatatayuan ko. Hinawakan ko ang mukha ko at tinakpan ko ng akin mga kamay.

    Vincent: Jesus Christ. Is this true? Please tell me this isn’t true. (Nag simulang umiyak) JEEEEEEEEEEENNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!!! Bakit nangyayari to!!!! I can’t take this anymore…

    Vincent’s Dad: Son, get up, Jen needs you!


    TO BE CONTINUED.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:00 pm

    Chapter 2: Death

    Para kong sinuntok sa mga nangyari, ang pinaka masayang araw ng buhay ko ay nagging pinaka malungkot. Dali dali kaming pumunta ng hospital para Makita si Jen, patuloy ang pag agos ng luha sa mata ko habang nakasakay sa kotse namin.

    Vincent’s Dad: Everything will be fine.

    Vincent: Dad gusto ko lang Makita siya.

    Mabilis kaming nakarating ng hospital, nakita ko ang Mama ni Jen patuloy sa pagiyak. Bawat hakbang ko palapit sa Papa at Mama niya ay parang matutumba ko.

    Vincent: Papa kamusta na po si Jen?

    Hindi nagsasalita ang Papa ni Jen, parang ayaw niyang sabihin kung ano ang nangyayari, tinanong ko rin ang Mama niya ngunit hindi ito makapag salita ng maayos. Tinanong ko ulit si Papa pero ang tanging sinagot niya sakin ay pagalaw ng kanyang ulo tanda ng wala na ang taong pinaka mamahal ko.

    Vincent: Papa, ayos pa po siya di ba?

    Mapilit ako kaya tinanong ko ulit si Papa, hinawakan niya ang balikat ko at binulong sakin ang words na “I’m sorry”. Napa upo ako sa may sulok wala ng lumalabas na luha sa mata ko. Iniwan na ko ng babaeng pinaka mamahal ko kasama ang munting anghel sa buhay namin.
    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
    Chris: I’m sorry tol, 2 days ka na dito, umuwi ka muna sa inyo at magpahinga.

    Vincent: Gusto kong mag stay ditto bukas iiwan niya na ko ng tuluyan.

    Chris: Pero sana wag mo pabayaan ang sarili mo.

    Vincent: I was dead… From the moment she left me.

    Nawalan ako ng buhay, parang masamang panaginip lang tong nangyayari sakin. Papaano pa ko tatayo ngaun wala ng aalay sakin. Ang hirap mawalan ng taong minamahal, kahit ilang beses pang sabihin ng Daddy at Mommy ko na magiging ok ang lahat parang binabaliwala ko na.

    3 days na ang lumipas, ang araw ng libing ni Jen, hindi ko kayang tingnan ang mga pangyayari, Siguro dahil sa sobrang stress na naranasan ko ay hindi ko na nakuhang pumunta.
    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
    Takang taka si Chris dahil dapat sa araw na iyon ay handun dapat ako, pero tapus na ang funeral ay di ko nakuhang mag ibigay ang last respect ko sa taong pinakamamahal ko. After ng libing ay pumunta si Chris sa pad ko.

    Chris: Tol ano ba to bakit ang daming bote ng red horse. (Habang nililigpit ang bote ng alak) Tol?

    Sa pagpunta ni Chris sa kuarto ko ay nakita niya kong nakahiga, nag aapoy sa lagnat. Sa sobrang pagod marahil kaya ako nagkasakit.

    Vincent: Tol pabayaan muna ko, umalis ka na.

    Chris: Baliw ka na ba! Ang taas ng lagnat mo.

    Vincent: Istorbo ka lang dito, kuha mo na lang ako ng red horse sa ref ko.

    Chris: Praning ka na tol, buti pa tigilan mo na muna yan uminom ka muna ng gamot.

    Parang ayoko ng gumaling, gusto ko na atang sumunod kay Jen pero pinipigilan nila ko. Wala na kong dahilan para mabuhay pero ano pa ba magagawa ko. Mapilit si Chris kaya uminom na ko ng gamot at nag pahinga.

    TO BE CONTINUED.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:01 pm

    Chapter 3: Boardwalk

    Nagising akong magaang ang aking pakiramdam, wala na ang lagnat ko. Nakita ko si Chris nasa living room ng pad ko, dito na rin pala siya nagpalipas ng gabi. Hindi ko na siya inistorbo nagpalit na lang ako ng damit, sinuot ko ang jogging pants ko at isang itim na tshirt.

    Bago ako lumabas ng pad ay kumuha muna ko ng 2 bottles ng vodka mix, gusto kong makalimutan si Jen kaya malamang alak na naman ang agahan ko. Pumunta ko sa parking lot at madaling sumakay sa car ko. Mga 7:30am na nun ng naisip kong pumunta sa may bay walk, para lumanghap ng sariwang hangin.
    Mga 30 minutes pa lang akong nakakaalis tumawag na sa cellphone ko si Chris, pang asar din tong kaibigan ko parang tatay ko kung magsermon an aga mag sermon.

    Chris: San ka pupunta tol? Magpapakamatay ka ba?

    Vincent: Sira ulo ka ba? Pag hindi ko binababa tong cellphone ko malamang madisgrasya talaga ko.

    Chris: Nasan ka?

    Vincent: In your dreams matulog ka na lang wag ka makulet mag jojogging lang ako.

    Ano nga ba ang tingin ng mga tao sakin? Oo nawalan ako ng taong minamahal pero kahit gustohin kong sundan siya, alam kong mali at alam kong hindi ito ang tamang panahon. Alam ko na balang araw mag kikita ulit kami ni Jen, mayayakap ko ulit siya kasama ang baby naming kaagad na binawi sa akin.
    Mga ilang minute ko rin dinirive ang bay walk, sarap ng simoy ng hangin, nakaka relax. Nahalata kong pinag titinginan ako ng mga tao sa may tabing dagat, dahil siguro sa bote ng vodka na hawak hawak ko. Inakyat ko na ang boardwalk kung saan madalas naming pinapanood ni Jen ang paglubog ng araw.

    Vincent: Bakit parang lahat ata ng ginagawa ko lagging may kaugnayan sa kanya. I cant take her out of my mind.

    Binuksan ko ang bote ng vodka at sinumulang inumin to, halos maubos ko na ang dalawang bote, ng nagulat ako ng may biglang kumuha ng bote sa mga kamay ko.

    Chris: Jogging huh? Nice one.

    Vincent: Just give it back to me. I’m fine see?

    Chris: Fine your face pare. Putcha 9:00 am in the morning umiinom ka anong fine dun.

    Vincent: Fine…Fine tree Wahaha!

    Chris: Lasing ka na pare.

    Vincent: Di ako lasing. (Sabay sumuka!)

    Di ko maalala masyado ang mga pangyayari ang huling papakatanda ko ay may babaeng lumapit samin, bago ako nawalan ng malay.

    Girl: You need help?

    *Parang natulala si Chris sa nakita niya kahawig ni Jen ang babaeng nag bigay ng tulong sa kanya*

    Chris: Ok lang miss.

    Girl: Sige tulungan na kita mu~g nakainum ang kasama mo eh. By the way I’m Anne.

    *Dinala ni Chris at Anne si Vincent sa kotse at pansamantalang pinagpahinga*
    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    *Inabutan ni Chris ng cup of coffee si Anne habang nakaupo sa may bench malapit sa bay walk*

    Anne: Thanks. Ummm Can I ask you something?

    Chris: Sure.

    Anne: Bakit naglalasing yung kasama mo?

    Chris: Mahabang kwento baka ayaw mong malaman hehe.

    Anne: Ok lang naman kung ayaw mong pagusapan. (Sabay Ngiti)

    Chris: Namatay kasi yung girlfriend niya sa mismong araw ng kasal nila.

    *Nabigla si Anne sa sinabi ni Chris nalungkot ito at parang hindi makapagsalita*

    Anne:Aaano.

    Chris: Kahapon lang nilibing yung gf niya kaya fresh pa sa kanya yung mga nangyari.

    Anne: I’m so sorry.

    Chris: Ok lang, magiging ok din siya.. Need niya lang talaga ng time. Maiba ako lagi ka ba dito?

    Anne: Yep, every morning nag jojog ako dito. Sa totoo lang, lagi ko nakikita yung friend mo na nag jojog din dito, umm nakakasabay ko lang.

    Chris: Type mo? Hahaha.

    Anne: Loko ka hindi naman pero napapansin ko lang haha.

    Chris: Sabagay mestizo si loko eh.

    Anne: Sige na nga. 10am nap ala I should go.

    Chris: Sige.. Teka digits mo di mo ba ibibigay?

    *Tumayo papaalis si Anne*

    Anne: Tsaka na pag nagkita na lang ulit tayo ahaha. Kamusta mo na lang ako sa friend mo.
    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Vincent: Ang sakit ng ulo ko!

    Bumangon ako ,mula sa pagkakatulog sa kotse ang sakit ng ulo ko parang nabibiyak sa sobrang sakit. Nakita ko si Chris papalapit sakin, nakangiti parang pinag tatawanan ako.

    Chris: Oh ok ka na pala.

    Vincent: Ang sakit ng ulo ko pare.

    Chris: Nakakahiya ka, may chicks na nakakita sayo habang sumusuka ka.

    Vincent: Wala kong pakielam sa kanila, masakit masyado ulo ko.

    Chris: Baliw ka nga, sa public place pa uminom tapus umagang umaga ano ba balak mong gawin sa buhay mo?

    Ano nga ba? Paano nga ba ako ulit magsisimula? Mga tanong na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Parang gusto kong patigilin ang mundo sa pag ikot nito upang mabigyan ako ng panahon na makapag isip. Alam kong magagalit si Jen sa mga ginagawa ko ngaun, kaya dapat ko ng tangapin na hindi na siya babalik sa akin..


    TO BE CONTINUED.

    “Don't dwell on what went wrong. Instead, focus on what to do next. Spend your energies on moving forward toward finding the answer.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:03 pm

    Chapter 4: Life

    1 Year have passed, ang bilis ng panahon parang kailan lang eh halos mag laslas na ko ng pulso at tumalon sa building. Nakakatawa isipin ang mga pinag-gagawa ko dati, ngaun masasabi kong naka move on na ko. I know that Jen is still living but not in this world pero deep down in my heart, siya pa rin ang dahilan ko, kung bakit ko nagawang bumangon at ayusin ang buhay ko.

    Tinawagan ko si Chris dahil medyo matagal tagal ko na rin hindi nakakakwentuhan ang matalik kong kaibigan. Madami na din nagbago ngaun nag tratrabaho na ko sa isang hospital bilang doctor (surgeon) kaya nga siguro di na ako magkaroon ng oras na manligaw or makipag hang out. Kinausap na rin ako ng father ni Jen na dapat daw makipag date na daw ako, kahit na wala na si Jen ay patuloy pa rin ang pagbisita ko sa dapat magiging in laws ko.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Vincent: Oh, late ka naman.

    Chris: Kanina ka pa ba dito?

    Vincent: Oo, wala naman patient eh kaya nag off ako ng mas maaga.

    Chris: Parang di ka dedicated sa profession nay an pare (sabay tawa).

    Vincent: Pinilit lang naman ako ng parents ko di ba (sabay tawa).

    Chris: Oo gusto mong maging chef.

    Vincent: Sira, order ka na treat ko.

    Habang namimili ng order si Chris ay babaeng lumapit sa kanya, nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata kamu~g kamukha ni Jen ang babaeng lumapit samin, hindi ko alam kung napansin niya ang reaction ko. Tinawag niya biga si Chris na lalo kong kinagulat.

    Anne: Hey, Chris!

    *Sabay lingon ni Chris sa likod*

    Chris: Oi Anne kaw pala (sabay tawa).

    Anne: Kala ko di mo na ko naalala eh.

    Chris: Tara sabay ka na samin mag dinner.

    Anne: Sure ka ok lang sa kasama mo?

    Chris: Vince, Vince! Vincent!

    *Sabay kalabit kay Vincent*

    Vincent: Ah..A..Ano?

    Chris: Ok lang ba sumabay satin si Anne?

    Vincent: O..ok lang.

    *Umupo si Anne sa tabi ni Vincent*

    Ano ba to joke? Bakit kamukha niya si Jen? Nawala ko sa sarili ko sa pagdating ni Anne, parang nagbalik ang mga alala ko ng magkasama pa kami ni Jen. Sana hindi ko na nakita si Anne para hindi ako ganito. Ayaw ko ng maramdaman ang paghihirap na naranasan ko dati.

    *Inabot ni Anne ang kamay niya kay Vincent at nagpakilala*

    Anne: I know you before pero I’d never had the chance to introduce myself. I’m Chezka Anne.

    *Di kinamayan ni Vincent si Anneat sa halip ay tumayo ito sa kinauupuan niya at nagpaalam*

    Vincent: Sorry, I need to go to the CR.

    Chris: Teka Vincent.

    Di ko kayang tumagal na nakikita ko si Anne, baka yakapin ko siya bigla at matakot sa akin. Miss na miss ko na si Jen yung resemblance ni Anne ang nagpapaalala sakin kaya hindi ko siya matingnan ng direcho sa mata.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    *Di malaman ni Anne ang magiging reaction, para tuloy nagsisi siya kung bakit tinawag niya pa si Chris hindi sana umalis si Vincent*

    Cris: Anne.. Don’t worry hindi galit yun.

    Anne: Paano mo naman nalaman?

    *Nilabas ni Chris ang wallet niya at pinakita ang picture nila Jen at Vincent*

    Chris: Si Jen yang babaeng katabi ni Vincent.

    *Nagulat si Anne sa nakita niya dahil kahawig niya si Jen*

    Anne: Sino siya?

    Chris: Nagulat ka ba? Kahawig mo siya di ba.

    *Tumango lang si Anne at hinayaan magsalita si Chris*

    Chris: Si Jen ang fiancé ni Vincent kaso nung araw na ikakasal sila, hindi dumating si Jen dahil na sa isang car accident. May 1 year na rin nung nakita mong umiinom si Vincent dib a, tapus naalala mo yung kinwento ko? Siya yung girl na yun. Hindi ko masisi si Vincent kung bakit siya nabigla talagang kamu~g kamukha mo si Jen.

    Anne: Hindi na sana kita tinawag kung alam ko lang.. Sorry Chris.

    Chris: Hindi dapat ako mag sorry sa inasal ni Vincent , magiging ok din yun.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Dumerecho ko sa 7/11 sa may baclaran bumili ako ng vodka, pagkabili ko ay dumercho ko ng boardwalk at nagsimulang uminom. Saan ka makakakita ng doctor na lasengo, lagi na lang ba akong paglalaruan, bakit sa lahat ng taong makikita ko yung kamukha pa ng greatest down fall ko.

    Kumuha ako ng bato at binato ko sa dagat, para kong bata na nagdadabog sa mga inaasal ko. Mga 30 minutes din ang lumipas naka receive ako ng tawag mula kay Chris.

    TO BE CONTINUED.

    “It's weird...you know the end of something great is coming, but you want to hold on, just for one more second...just so it can hurt a little more.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:06 pm

    Chapter 5: To Hate

    Nakakaasar na gusto kong itapon ang cellphone ko sa dagat, wala kong magawa kundi sagutin ang tawag ni Chris. May magagawa ba ko medyo makulit ang kaibigan ko, ako nga ang nagaya sa kanyang lumabas pero iniwan ko siya.

    *Sinagot ni Vincent ang tawag ni Chris*

    Vincent: Hello.

    Chris: Ano ba tol, di ka pa ba babalik dito?

    Vincent: Sorry tol di ko kayang humarap kay sino nga bay un?

    Chris: Anne, Anne name niya.

    Vincent: Yeah right.. I can’t stand to be near her.

    Chris: Tol kala ko naka get over ka na?

    *Binabaan na ng phone ni Vincent si Chris*

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Naasar na ko kay Chris, paulit ulit lang naman ang sinasabi niya di ko naman siya tatay para pagsabihan niya ko. Kaya ko binabaan ng telephone palibasa di niya nararamdaman ko, kaya madali sa kanyang sabihin ang ilang bagay.

    *Patuloy sa paginum ng alak si Vincent habang si Chris at Anne ay patuloy siyang pinaguusapan*

    Anne: Anong sabi?

    Chris: Binabaan ako ng phone eh.

    Anne: Galit ba siya?

    Chris: Hindi naman siguro, pagpasensyahan muna si Vincent hangang ngaun kasi eh nag cope up parin siya sa mga nangyari.

    Anne: Naiintindihan ko… Chris gusto ko siyang kausapin.

    Chris: Ha? Bakit naman.

    Anne: Parang kasing kailangan niya ng tulong.

    Chris: Tingin mo matutulungan mo siya eh ilag nga siya sayo.

    Anne: I-try ko lang naman, para san pa na psychiatrist ako kung di ko siya kayang tulungan.

    *Nagulat si Chris sa sinabi ni Anne kaya wala siyang nagawa kundi pumayag*

    Chris: Psychiatrist ka?

    Anne: Oo.. pero child psychology hawak ko (Habang ngumingiti).

    Chris: Bahala ka gusto mo siyang tulungan, sige lang (Habang tumatawa).

    Anne: Bakit ka natatawa?

    Chris: Si Vincent ang pinaka weirdong tao sa mundo na kilala ko, gusto mo siyang kausapin? Puntahan mo siya sa board walk madalas siya dun pag nag dradrama.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Tinatamaan na naman ako ng spirito ng alak, nagdradrama na naman ako. Ang buhay talaga di ko na dapat pinapahirapan ang sarili ko dahil mabuhay lang sa mundong to eh torture na talaga. Seryoso ko sa pag inum ng may kumalabit sakin, akala ko ay batang nanghihingi ng pera para may makain, kaya dumukot ako ng pera sa bulsan ko.

    Pero pag lingon ko iba ang nakita ko, si Anne naka tingin sakin habang nakangiti sisigaw na dapat ako dahil kala ko minumulto na ko ni Jen.

    Anne: Vincent right?

    *Natulala si Vincent dahil di niya inexpect na makikita siya ni Anne*

    Anne: Sorry kanina I shouldn’t interrupt sa dinner niyo. Can I sit right next to you?

    *Nakatitig lang ang mata ni Vincent kay Anne parang naipit ang dila nito at di na nakuha pang magsalita*

    Anne: Are you mad at me? Bakit ayaw mong sumagot?

    *Tumayo si Vincent sa kinauupuan niya*

    Vincent: You know what? Oo galit ako sayo! Naasar ako at nakita kita, yeah your right dapat di ka na sumipot kanina cause I lost my appetite!

    *Naluluha si Anne sa mga narinig niya na sinasabi ni Vincent*

    Anne: I’ve never done anything bad at you bakit ka ganyan first time ko lang makipag usap sayo.

    Vincent: Kasi I hate everything about you! Your hair, the way you talk, the way you walk and the way you look at me! It only hurts me seeing you! Kasi naalala ko siya, yung taong pilit kong kinakalimutan, yung taong pilit kong binabaon sa limot nakikita ko siya sayo!

    Anne: You’re just drunk you don’t know kung ano yang sinasabi mo.

    *Mahinahon pa rin si Anne habang kinakausap si Vincent*

    Vincent: Please I’m begging you, get away from me.

    *Mabilis na umalis si Vincent at di nagdalawang isip na iwanan si Anne*

    Vincent: I’m sorry.

    Mabilis akong umalis di ako nagdalawang isip iwanan si Anne, alam kong masakit ang mga sinabi ko sa kanya pero wala kong choice dahil alam kong hindi tama na makipag kaibigan sa kanya. Dahil kung makikipag kaibigan ako sa kanya parang patuloy kong niloloko ang aking sarili.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    *Samatala naiwan si Anne sa mismong lugar kung saan nakaupo si Vincent*

    Anne: Walang magagawa kung iiyak ako.. may post-traumatic stress si Vincent, alam kong need niya ang tulong ko sa ayaw at sa gusto niya.

    TO BE CONTINUED.

    “I cried when I knew I lost you, afraid I had lost it all. Then I realized that losing you, didn't have to mean I lost me.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:07 pm

    Chapter 6: Moving Forward

    May mga regrets sa part ko sa nangyari samin ni Anne pero I think that I had no choice, kasi if makikipagkaibigan ako sa kanya ay lalo akong masaktan. 1 week na din ang lumipas after ng incident na nangyari samin kala ko tapos na so I start things like there’s nothing happen.

    Magandang ang gising ko so I started my day in a nice way, I ate breakfast, take a bathe and drove my car to the hospital. Medyo madaming patient na nagpacheck up that day kaya medyo na late ang lunch ko. Lumabas ako ng office para kumain ng naaninag ko ang isang babaeng kamukha ni Anne kala ko dala lang gutom ko pero si Anne nga, g*go si Chris sinabi ata kay Anne na dito ko nag wowork. Tinawagan ko si Chris sa cellphone pero out of coverage area badtrip kinakabahan ako baka Makita niya ko.

    Dahan-dahan akong naglakad ng nakayuko baka kasi Makita niya ko, ng may isang babae akong nabungo. Dahil siguro sa bilis ng paglakad ko ay natumba siya kaya tinulungan ko, unti unti ko siyang inalalayan hangang nakita ko ang mukha niya, waaahh! Si Anne binitiwan ko ang kamay niya at tumakbo habang sumisigaw. Sa tingin siguro ng mga patients ay nababaliw na kong doctor pero nabigla ko, pag tigil ko ay natawa ko sa pinag gagawa ko.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    *Sa pagkakatayo ni Vincent ay hindi niya napansin na nasa likod niya na si Anne, unti unting kinalabit ni Anne si Vincent*

    Vincent: WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!

    *Tinakpan ni Anne ang bibig ni Vincent*

    Anne: Ano ba? Masakit yun ah ano ba problema mo nababaliw ka na ba?! Ano di ka ba magsosorry?

    *Nagsalita si Vincent ngunit nakatakit pa rin ang kamay ni Anne, kaya tinangal niya ito*

    Vincent: Eh! Ano ba kasi ginagawa mo dito? Sinabi sayo ni Chris na dito ko nagwowork noh!?

    Anne: Ang kapal naman ng mukha mo feeling mo naman type kita!

    Vincent: Eh bakit ka andito?!

    Anne: Eh dito kaya nag wowork tita ko! Ang kapal ng mukha mo ano ka bf ko na pupuntahan ko?!

    *Hindi na nakapagsalita si Vincent*

    Anne: Ano hindi ka ba mag sosorry masakit kaya yung butt ko sa ginawa mo! Idedemanda kita!

    Vincent: Sobra ka naman magsosorry na! Sorry di ko sinasadya..

    *Nangingiti si Anne habang nag sosorry si Vincent*

    Anne: Yun lang? Pa cheese burger ka naman!

    *Biglang ngumiti si Vincent sa mga sinabi ni Anne*

    Anne: Oh! Bakit ka tumatawa? Idedemanda kita pag di ka nag pa cheese burger.

    Vincent: Oo na po!

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Parang nung isang lingo lang ay galit na galit ako sa kanya di ko lubos isipin na makakasama ko siya at ililibre ko pa siya. Ang tanga ko naman kasi eh dami kong kadramahan sa buhay, sabay kaming naglakad sa parking lot para kuhanin ang kotse ko di ko siya kinakausap dahil nahihiya parin ako sa kanya.

    Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat ng kotse ko at pinasakay ko si Anne, pagsakay ko sa kotse ay dumerecho na kami sa greenbelt upang kumain. Tahimik ako habang nagdrive ayaw kong magstart ng conversation dahil nahihiya ako sa inasal ko nung lasing ako.

    Anne: Ano… Sorry last week.

    Vincent: Ako nga dapat mag sorry.. Sorry di ko gusting sabihin sayo yun.

    Anne: Weh? Di nga?

    (Grabe tong babaeng to ang lakas mambara sa isip isip ko)

    Vincent: Ano ba mangaasar ka pa?

    Anne: Ang pikon mo naman. Alam mo ngaun lang ako nakakita ng doctor na lasengo (sabay tawa).

    Vincent: Isa pa papababain kita ng kotse.

    Anne: Hindi na po.

    Vincent: Teka sino ba ang tita mo dun?

    Anne: si Dr. Belinda Tan, ophthalmologist siya.

    Vincent: Ah ganun ba.

    Anne: Teka ikaw?

    Vincent: Ako? Cardiologist ako.

    Anne: Talaga? Hindi halata ah (sabay tawa) Teka bakit ka nagdoctor.

    Vincent: Hindi naman talaga ko mag dodoctor kung hindi lang pinilit ng grand father ko. Wala naman talaga sa family naming ang nasa field ng medicine, dahil grand father ko ang nagpapaaral sakin kaya ako pumayag.

    Anne: Eh bakit cardio?

    Vincent: May sakit kasi sa puso ang lolo ko sabi niya ako na lang daw ang gagamot sa kanya pagnaka graduate ako kaso bago ko maka graduate namatay na siya, wala rin.

    Anne: Sorry ha.

    Vincent: Wala yun, matanda naman na siya eh. Siguro dala na rin ng katandaan kaya siya namantay.

    Pinark ko na ang sasakyan ko at nag punta na kami sa loob ng greenbelt, ang tahimik ni Anne parang hindi siya yung kausap ko kanina. Ayoko talaga siyang samahan pero nakokonsensya ko parang andami kong atraso sa kanya.

    Vincent: San ba tayo kakain?

    Anne: Kahit saan. Ikaw bahala.

    Vincent: Heavy lunch? Japanese food na lang tayo gusto mo?

    Anne: Sige ok lang sakin ikaw naman magbabayad eh (sabay tawa).

    Ok din pala siyang kasama naaliw ako bukod sa kamukha niya si Jen eh makulit din siya. Parang nabuhay si Jen sa katauhan ni Anne. Pero ibang iba siya kay Jen si Jen kasi more on a serious type unlike kay Anne na masyadong vocal at makulit.

    Vincent: Dahan dahan ka basa yung sahig.

    Anne: Ok lang ako.

    *Hinawakan ni Vincent ang balikat ni Anne, na nagging dahilan ng pagkadulas ni Anne*

    TO BE CONTINUED.

    “It takes a life time to find someone, but only a moment to fall in love.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:08 pm

    Chapter 7: Anne

    Nagbago ang tingin ko kay Anne parang ibang tao na siya, siguro nga di ko pa siya ganon ka kilala kaya ko ganito. Gusto ko siyang makilala siguro nga mali ang desisyon kong layuan siya dahil naalala ko si Jen sa katauhan niya ibang tao si Anne bakit hindi ko bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na kilalalanin siya.

    Anne: Babagsak ako.

    *Mabilis na sinalo ni Vincent si Anne na nagging dahilan ng paglapit ng mukha nila sa isat isa. Ang mga tao sa paligid ay pinagtinginan ang dalawa at pabulong na nagsasabi na “Ang sweet nila tingnan mo”, unti unting namula ang mukha ni Vincent at maingat na itinaas si Anne mula sa pagkakahawak sa braso niya.*

    Vincent: Sorry. (Pagbaling ng tingin sa ibang bagay habang namumula ang pisngi)

    Anne: O-O-Ok lang. (Palihim na ngumiti)

    Vincent: Tara na nakakahiya.

    Anne: Bakit ka nahihiya?

    Vincent: Wala tara na kumain na tayo.

    *Nagmamadaling lumakad si Vincent palayo*

    Anne: Oi teka naman.

    *Hinawakan ni Anne ang kamay ni Vincent*

    Vincent: Wag mo kong hawakan pinagtitinginan tayo ng tao.

    Anne: Eh, ano naman babae naman ako.

    Vincent: Basta nahihiya ako.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Mabilis kaming nakapunta sa Tokyo Café pinabayaan kong si Anne ang mamili ng order naming total di ko naman hilig talaga ang Japanese food. Umupo kami sa table sa bandang likod ng resto siguro tingin samin ng organizer eh magshota kami. Walang nagsasalita samin ayoko na ako ang nag sisimula ng usapan kaya pinabayaan kong si Anne ang maunang kumausap sakin.

    Anne: Wala ka bang itatanong?

    Vincent: Huh about what?

    Anne: Kahit ano ang boring kasi magkasama tayo pero di ka naman nag sasalita.

    Vincent: Ganon ba, di kasi ko matanong na tao gusto mo ikaw na lang magtanong.

    Anne: Owss di nga mamaya magtanong ako magalit ka palabasin mo ko dito. (Sabay Tawa)

    Vincent: Oh sige itanong mo lahat ng gusto mong itanong sakin tapus after nun mag kwento ko about your life, deal?

    Anne: Sige deal.

    Kabado ko sa maaring itanong ni Anne pero wala kong magagawa kundi sagutin ang mga tatanong niya dahil ako na mismo ang gumawa ng kasunduan naming. Inihanda ko ang sarili ko sa maaring itanong at ang pwede kong isagot kung sakali.

    Anne: Game ka na?

    Vincent: Sige sige.

    *Nagpunas si Vincent ng pawis niya sa noo halatang kabado*

    Anne: Kinakabahan ka na. (Sabay tawa)

    Vincent: Magtanong ka na lang.

    Anne: Sige na, hmmm tingin mo ready ka ng pumasok ulit sa isang relationship?

    Vincent: Hindi ko iniisip yan, kasi… Hangang ngaun fresh pa rin sakin yung mga nangyari.

    Anne: Kaya ba galit ka sakin?

    Vincent: Hindi naman ako galit, paano ko ba i-explain… Kamukha mo kasi yung ex ko alam mo yung feeling na parang nauulit yung dati. Medyo nahihirapan ako pag nakikita kita kasi naalala ko siya.

    Anne: Ang swerte niya,siguro kung hindi nangyari yung accident Masaya ka n asana ngaun.

    Vincent: Siguro nga, pero I think plan ni god yun kaya nangyari… Alam kong happy siya sa feeling ng creator. (Sabay tawa)

    Anne: Di mo parin matago yung trauma.

    Vincent: Nakakaasar ka naman di mo naman ako patient eh.

    Anne: Nakasanayan ko na kasi. (Sabay tawa)

    Masarap din palang ka kwentuhan si Anne, she’s a very interesting person. Mga ilang tanong lang ay nagsimula na siyang magkwento about sa buhay niya.

    Anne: Alam mo ba, may minahal din akong tao kaso iniwan niya ko.

    Vincent: Bakit?

    Anne: Hindi ko din alam kung ano yung reason behind, all I know is pinagpalit niya sa ibang girl. I was badly hurt that time you know I almost kill myself because of him.

    Vincent: Ayos ka rin ah. Ganon mo siya kamahal?

    Anne: Hindi na. (Sabay tawa) Nagmatured na ko kahit papaano alam ko na kung papaano ko ihahandle ang sarili kong emotion.

    Vincent: Papaano kung babalik siya?

    Anne: Hindi pa naman dumadating sa point nay un ayokong isipin.

    Vincent: Mahal mo pa siya?

    Matagal bago sumagot si Anne sa tanong ko halatang malalim ang iniisip niya. Hindi niya na nasagot ito dahil biglang dumating ang order naming pagkain at nag start na kaming mag lunch. Bago matapos kumain ay inopen ulit ni Anne ang usapan naming na aking kinagulat.

    Anne: Mahal ko pa nga siya siguro.

    *Napatigil si Vincent sa pagkain ng magsimulang magsalita muli si Anne, tinitigan niya ito unti unti*

    Vincent: Ibig mong sabihin, kung babalik siya tatangapin mo?

    Parang nakaramdam ako ng selos sa sinabi niya pakiramdam ko kasi si Jen ang kausap ko at hindi si Anne. Yun nga ba yun? O iba na talaga ang nasa isip at damdamin ko?

    Anne: Hindi ko din masabi, sabi ko nga hindi pa dumadating sa ganung point di ba.

    *Napansin ni Anne ang singsing ni Vincent sa kamay*

    Anne: Teka wedding ring yan di ba?

    Vincent: Eto ba? Oo eto yung wedding na binili naming ni Jen.. Di man natuloy yung kasal namin pero parang kinasal pa rin ako sa kanya sa puso ko.

    Anne: Papaano yan pag nanligaw ka na ulit, baka akaalain ng nililigawan mo may asawa ka na. (Sabay tawa)

    Vincent: Tatangalin ko to pag nakita ko na yung taong mamahalin ko.

    Anne: Ang drama mo talaga. Teka may bibigay ako sayo.

    *Unti unting may kinuha si Anne na bagay sa bag niya*

    TO BE CONTINUED.

    “Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:09 pm

    Chapter 8: Dusk and Night

    Vincent: Ano yan?

    Anne: Key chain.

    *Natawa si Vincent habang yumuyuko*

    Vincent: Bakit mo ko binibigyan niyan?

    Anne: Tingnan mo muna kasi.

    *Inabot ni Anne kay Vincent ang Key chain*

    Vincent: Ang ganda.

    (IMG:http://img135.imageshack.us/img135/7849/asdln4.png)

    Anne: Nakita ko lang sa mall, sabi kasi ni Chris gusto mo ng sunset peace offering ko sana. (Sabay tawa)

    Vincent: Ang ganda talaga.. Salamat Anne.

    Anne: Naks naman tinawag mo ko sa name ko.

    Vincent: Naiilang pa kasi ko.

    Bakit ko ba trinato si Anne ng masama nung una kaming nagkita patuloy ang pagtakbo ng tanong nay un sa utak ko. Napaka bait sakin ni Anne dapat hindi ko siya pinagsalitaan ng masama, parang nabuo ang araw ko dahil sa key chain na bigay ni Anne.

    Gustong gusto ko ng sunset parang makikita mo ang pagagaw ng gabi sa araw, nakakarelax panoorin ang paglubog ng araw lalo na sa tabing dagat. Nung nabubuhay pa si Jen lagi ko siyang inaaya para panoorin ang paglubog ng araw na gusto rin naman niya.

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Pagkatapos naming kumain ay agad ko siyang tinanong kung saan kami susunod na pupunta kaso may appointment ata siya sa mga patient niya. Naglakas loob na lang akong tanungin siya kung pwede ba siyang lumabas that night.

    Vincent: Anne… May lakad ka ba tonight?

    Anne: Bakit?

    Vincent: May gusto lang ako sayong ipakita.

    *Ngumiti si Anne*

    Anne: Sige.

    *Naglakad palabas ng mall si Anne*

    Vincent: Teka ihahatid na kita.

    Anne: Magtataxi na lang ako, di ba may patient ka pa.. Magkikita naman tayo mamaya.

    Vincent: Sige ingat ka. Ittxt ko sayo yung place.

    *Kumaway si Anne tanda ng pagpapaalam*

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

    Para kong nalungkot sa paghihiwalay namin, iba na ang takbo ng isip ko, Masaya akong kasama siya. Magaang ang loob ko at naalis ang lungkot na dala ng nakaraan ko. Sumakay ako sa kotse at tinext si Anne kung saan kami magkikita. This time babawi ako sa kanya, inaya ko siya sa bar ng tito ko para doon mag dinner.

    Bumalik ako sa hospital at tinuloy ang naiwan na trabaho, parang ang tagal lumipas ng oras at sana mag 7 o’clock na ng Makita ko na si Anne. Mga 5 ng hapon ay umuwi na ko sa pad ko para mag ayos para before mag 7 ay handun na ko sa place na usapan namin ni Anne.

    Dumating ako sa place ng mga 15 minutes earlier pero ok lang naman pinahanda ko ang pagkain namin, medyo inaayos pa ang place kaya konti lang ang tao pag bandang gabi na. Newly open lang kasi ang resto and bar kaya di pa gaanong kilala. Natanaw ko si Anne na papasok na sa resto kaya sinundo ko siya.

    Anne: Ang ganda naman dito.

    Vincent: Walang gaanong tao kasi kakaopen lang nito last week, medyo may inaayos pa sila kaya mga kilala lang muna ang pinapapunta.

    Anne: Teka ano ba yung papakita mo sakin?

    Vincent: Mamaya na yun handa na ang dinner kain muna tayo.

    *Hinawakan ni Vincent ang kamay ni Anne at sinamahan sa table, napansin ni Anne ang piano na malapit dito.*

    Vincent: Bakit?

    Anne: Ang ganda naman ng piano.

    Vincent: Tumutogtog ka ba?

    Anne: Hindi ako marunong eh.

    *Ngumiti si Vincent at umupo sa harap ng piano*

    Vincent: Eto yung gusto kong ipakita sayo.

    *Ngumiti si Anne*

    Anne: Baka di ka marunong niyan at nagjojoke ka lang.

    *Ngumiti si Vincent at sinumulang tumugtog*

    Piano Piece Click to Listen

    *Natulala si Anne habang tumutogtog ng piano si Vincent, tinitigan niya ito habang dinadama ang bawat musika na kanyang na ririnig, hangang matapos ang pagtugtog ni Vincent ay nakatingin si Anne dito.*

    Vincent: Ayos ba?

    TO BE CONTINUED.

    “Love cannot express the idea of music, while music may give an idea of love”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:16 pm

    Chapter 9: Vincent

    Tumugtog ako ng piano na bihira kong gawin, alam kong kakaiba ang mararamdaman ng sinumang babae na tinutugtugan ng lalaki ng ano mang instrument. Nakatulala si Anne habang nakatingin sakin, napangiti ako sa oras na yun.

    Vincent: Hey Anne are you still with me?

    Anne: Sorry.

    Vincent: Hey its ok. (Sabay ngiti)

    Anne: Di ko alam tumutugtug ka pala.

    Vincent: Yeah, pinaturaan ako when I was young.

    Anne: Anong tittle nung tinugtug mo?

    Vincent: It’s where’d you go.

    *Dumating na ang pagkain dala ng waiter habang naguusap ang dalawa*

    Vincent: Eto na pala yung food natin.

    *Inabot ni Vincent ang pagkain kay Anne*

    Anne: Pwede after nating kumain tumugtug ka ulit?

    Vincent: Sure.

    Unti unti na atang nahuhulog ang loob ko, sabagay almost 1 year na rin ng nawala si Jen siguro nga I really had to move on. Pero nagaalala ko sa pwedeng mangyari lalo na sa sinabi ni Anne, about sa ex-BF nyang hindi niya pa nalilimutan baka masaktan lang ako kung ipagpapatuloy ko ang nararamdam ko. Siguro mas maganda if magiging friends lang kami.

    Marami rami na rin ang nakain ko kaya tumigil na ko at pinanood ko si Anne habang mahinhin na kumakain. Tinitigan ko siya at pinagmasdan kung papaano niya isubo ang kanyang pag kain, magkaiba pala sila ni Jen, iba ang ganda ni Anne siguro sa unang tingin akakalain ko talagang si Jen siya pero ng ma titigan ko siya ay napansin kong ilong at labi lang ni Jen ang hawig niya.

    Napansin na rin siguro ni Anne na nakatitig ako sa kanya, kaya nangiti ito habang kumakain. Medyo namula ko kasi parang masyado atang obvious na pinagmamasdan ko kahit munting kilos niya.

    Anne: Ano ba, nakaka conscious ka naman eh.

    Vincent: Sorry, Sorry..

    *Tumayo si Vincent, at unti unting pumunta sa piano*

    Vincent: Kumain ka lang habang tumutogtog ako.

    Anne: Galingan mo ah, fan mo na ko Dr. Vincent Ongpanco.

    Vincent: Sira fan ka dyan di ako pianist. (Natatawa habang nagsasalita)

    *Nagsimulang tumugtog si Vincent ng Piano*

    Piano Piece

    Bawat notang aking binatawan ay alam kong mula sa aking puso, gusto kong ipadama kay Anne na seryoso ko habang tumutugtog. Magaang ang aking pakiramdam habang tumutogtog ng piano, damang dama ko kasi ang kalayaan ko bilang tao, naeexpress ko ang nararamdaman ko habang tumutogtog.

    Tumigil si Anne sa pagkain at lumapit saakin hinintay niyang matapos ang tinutogtog ko bago siya umupo sa tabi ko. Ngumiti ako pagkatapos kong tumugtog, nagulat ako ng hinalikan ako ni Anne sa pisngi. Hindi ako nakapag salita at ang aking mga mata ay kay Anne lang nakatitig.

    Anne: Ano? Thank you kiss yun.

    Vincent: Nag enjoy ka? (Habang naka ngiti)

    *Tumango lang si Anne*

    Anne: Ang weird ng tinugtog mo ano bang tittle nun? At bakit yun?

    Vincent: Velvet Underworld, actually theme song siya ng favorite kong anime nung bata pa ko. (Sabay tawa)

    Anne: Eh bakit tungkol san ba yun? Tsaka bakit yun yung tinugtog mo?

    Vincent: Yung anime tittle niya Weiss Kreuz hmm basta gusto ko yung anime.. Yung piano piece ba? Ang meaning kasi nun yung kung sino yung dapat mong protektahan yung mga taong mahal mo at taong nasasaktan.

    Anne: Ang lalim mo! (Sabay tawa)

    Vincent: Tara ihahatid na kita.

    *Hiniwakan ni Vincent ang kamay ni Anne habang inaalayan papunta sa sasakyan*

    Anne: May pupuntahan ka pa ba?

    Vincent: Balak ko sanang dumalaw kila papa.

    Anne: Sino daddy mo?

    Vincent: Hindi, daddy ni Jen yung tinutukoy ko.

    Anne: Parati mo pa rin silang dinadalaw.

    Vincent: Usually mga 4 times a month. Parang to give respect kasi I almost became their son-in-law kung di dahil sa accident.

    Anne: Ang bait mo ah.

    Vincent: Hindi naman.

    Inihatid ko si Anne sa bahay nila, Masaya ko dahil nag enjoy naman siya. Kahit simpleng dinner lang ay nakita ko sa mga mata niya na nagustuhan naman niya ang ginawa ko. Pag kahatid ko sa kanya ay dumiretso ko sa bahay nila Jen upang dalawin na rin ang parents niya.

    Jen’s Dad: Ikaw pala Vincent, pasok ka.

    Vincent: Good evening po papa.

    Jen’s Dad: Wala ang Mama mo umalis sila nila Jacob.

    Vincent: Ganon po ba. Dumadalaw lang naman po ko.

    Jen’s Dad: Halika dito at umupo ka.

    *Umupo si Vincent sa tabi ng father ni Jen*

    Jen’s Dad: Matagal tagal ka ng hindi nadalaw dito, busy ka ba?

    Vincent: Medyo marami pong patients this past few weeks, kayo po hindi po ba kayo mag papacheck up?

    Jen’s Dad: Ok pa naman ako, siguro may nililigawan ka na ngaun halos isang taon na rin ang nakakaraan.

    Vincent: Wala po papa.

    Jen’s Dad: Kung kami iniintindi mo, wag mo kaming alalahanin. Ayos lang samin kung mag kaka girlfriend ka. Alam mo mas malulungkot ang anak ko kung di ka pa makakahanap.

    *Namumuo ang mga luha sa mata ni Vincent habang nakikipag usap sa father ni Jen*

    TO BE CONTINUE

    _______________________________________________________________________________
    “Meeting her was fate, becoming her friend was a choice, falling in love with her was beyond your control!”
    _______________________________________________________________________________

    Next Chapter: Downfall

    Ngaun na alam ko ng hindi tutol ang pamilya ni Jen. Dapat ko na sigurong sabihin kay Anne na gusto ko na siya. Pero mu~g may problemang padating yung ex-bf ni Anne ay bumalik na sa buhay niya!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:18 pm

    Chapter 10: Downfall

    Umalis ako sa bahay ng parents ni Jen, maluwag na ang loob ko. Naliwanagan ako sa paguusap naming ng daddy niya. Siguro time na nga rin ang nagsasabi na I really to get over her. Pumunta ko sa may pasay sa bay walk sa likod ng Mall of Asia para mag coffee at mag dinner na din.

    Pag park ko ng car ko ay nakita ko ang car ni Anne, napangiti ako dahil baka Makita ko si Anne ng di inaasahan. Bago ko pumasok sa starbucks ay naglakad lakad muna ko hanagan nakita ko si Anne sa may padis point, di ako nag kamali kotse nga ni Anne ang nakita ko kaya nilapitan ko siya.

    Vincent: Anne!

    *Tumingin si Anne halatang nagulat*

    Anne: Vincent… bakit andito ka?

    Vincent: Ah.. gusto ko lang magkape, eh ikaw? Hinatid na kita sa pad mo.

    Anne: Kasi…

    *May lalaking lumapit kay Anne at nagsalita “Who is he?”*

    Vincent: Sino siya?

    Anne: Vincent meet Marco.. ummm remember yung ex-bf ko sa kwento ko siya yun.

    *Inabot ni Vincent ang kamay niya pero halatang nagseselos ito*

    Vincent: Nice to meet you pare.

    Marco: Same here.

    *Tiningnan ni Vincent si Anne. Unti unting nahalata ni Anne ang kakaibang reaction ni Vincent*

    Anne: Vincent.. Ummm gusto mo sumabay ka na samin mag starbucks din kami.

    Vincent: Hindi na.. Hindi na.. ahhh. May bibilin pa kasi ko sa loob ng MoA. I’ll just see you later.

    Marco: Sure ka pare? Ayaw mong sumabay?

    Vincent: Yeah.. No thanks. (Habang nakatingin kay Anne)

    *Lumakad paalis si Vincent*

    _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _

    Parang ang sakit ng naramdaman ko nung nakita ko yung taong tinutukoy ni Anne sa kwento niya. Nag seselos ako, aminado na ko sa sarili ko ngaun na iba na ang nararamdaman ko towards Anne. Pumunta ko ng sa loob ng MoA naglakad lakad habang iniisip kung ano nga ba ang ginagawa nilang dalawa.

    Nakakaasar parang pinapalala ko ang sitwasyon ko, kung ano ano na kasi ang tumatakbo sa isip ko. Baliw na ata ako. Pumasok ako sa grocery bibili sana ko ng vodka, kaso napag isip isip kong parang O.A. na masyado ang pagrereact ko kaya imbes na alak ang bilin ko isang bote ng gatas ang kinuha ko.

    Lumabas ako ng mall at nagpunta ulit sa bay walk, mga 1 hour din siguro akong palakad lakad sa MoA, nagbabakasakali pa rin akong makikita ko si Anne at makakausap ko kung ano ang nangyari sa kanila ni Marco.

    Siguro sa sobrang pagod ng paa ko ay na isipan ko ng umupo sa may bay walk, medyo natatawa ko sa sarili ko dahil tinitingnan ako ng mga tao dahil sa bote ng gatas na dala ko. Mga ilang minute pa ay nagulat ako ng may tumabi sakin.

    Anne: Kala ko nag eemote ka na naman. Ano naman trip mo at may dala kang bote ng gatas? (Sabay Tawa).

    Vincent: Wala naman bakit masama ba? Good for health naman to ah.

    Anne: Sabi ko nga, selos ka no. (Sabay Tawa)

    Vincent: Asa ka naman di kita type nu.

    Anne: Sauce, if I know.

    Vincent: Oh nasan na ung date mo.

    Anne: Sino si Marco? Wala na grrr.

    Vincent: Bakit nu nangyari sa inyo?

    *Halatang asar si Anne sa mga inaasal niya*

    Anne: Alam mo ngaun, alam ko na, na hindi ko na mahal yung taong yun, nakakaasar lang!

    Vincent: Ha? Bakit naman kala ko… *Tinakpan ni Anne ang bibig ni Vincent*

    Anne: Shhhhh… wag mo sasabihin yan naasar ako. Alam mo di ba kala ko ipinagpalit niya ko sa ibang girl… He ask me kung ano number mo!!!

    Vincent: Ha? Number ko for what? Confrontation kasi gusto ka pa rin niya?

    Anne: Ano ba! Type ka kaya niya!

    *Nagulat si Vincent sa narinig niya kay Anne*

    Vincent: HAAAA!?????

    Anne: Gusto ko patayin yun, alam mo kung ano ung masakit hindi niya ko pinagpalit sa babae, sa lalaki niya ko pinagpalit!

    *Nagsimulang tumawa si Vincent sa mga narinig niya*

    Anne: Wag ka naman tumawa na badtrip na kaya ko.

    Vincent: Di nga?

    Anne: Wag ka makulet!

    TO BE CONTINUE.

    "To love is to suffer. To avoid suffering one must not love. But then one suffers from not loving. Therefore to love is to suffer, not to love is to suffer. To suffer is to suffer. To be happy is to love. To be happy then is to suffer. But suffering makes one unhappy. Therefore, to be unhappy one must love, or love to suffer, or suffer from too much happiness. I hope you're getting this down."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:20 pm

    Chapter 11: Eyes

    Parang hindi na matatapos ang gabing to, kwenento ni Anne sakin ng buong buo ang story nila ng ex niya. Nakinig lang ako habang tinatawanan ko ang bawat eksena sa buhay niya. Isa to sa pinaka masayang araw sa buhay ko, sigurado ko na mahal ko na si Anne at alam kong nararamdaman niya yun.

    Anne: Thanks ha.

    Vincent: Bakit?

    Anne: Kasi di mo ko iniwan.

    Vincent: Wag ka na ngang magdrama dyan.

    Anne: Kasi kung di kita nakita baka ginaya na kita. (Sabay tawa ng malakas)

    Vincent: Wag ka ngang maingay mangaasar pa to.

    Anne: Hindi na po.. Pero seriously Masaya ko na kasama kita ngaun.

    Vincent: Ako din naman Masaya ko nakasama kita.

    *Hinawakan ni Vincent ang kamay ni Anne habang naglalakad sa bay walk*

    Vincent: Anne may gusto kong sabihin sayo.

    Anne: Hmm ano yun.

    *Bago pa magsimulang magsalita si Vincent ay nagsimulang sumakita ang ulo nito, napaluhod ito sa sobrang sakit na nararamdaman*

    Anne: Vincent? Ayos ka lang…? Vincent??

    Vincent: Masakit lang ang ulo ko…

    Anne: Tara upo muna tayo.

    *Inaya ni Anne si Vincent sa isang bench para makapagpahinga*

    Anne: Ayos ka lang? Ano ba nangyayari sayo.

    Tiningnan ko si Anne, tinitigan ko siya pero nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko alam ang nangyayari ng mga oras na yun. Hindi ko alam ang isasagot sa mga taong ni Anne, alam ko sa sarili ko na hindi maayos ang lagay ko.

    Vincent: May astigmatism ako kaya ganito.

    Anne: Astigmatism? Vince ttxt ko yung tita ko tomorrow magpacheck up ka.

    Vincent: Don’t worry I’m fine, nakalimutan ko lang yung eye glasses ko sa car.

    Ayokong magalala si Anne sa sitwasyon ko kaya gumawa ako ng excuse, pero sa isip isip ko ano nga ba ang nangyayari sakin. Hindi ito ang first time na nangyari sakin to, mostly kasi nung time na nawala si Jen sa buhay ko ay talagang hindi ko inalagaan ang sarili ko.

    Anne: Mas mabuti na yung sigurado di ba.

    Vincent: Wala to.

    Anne: Magagalit ako sayo pag hindi ka nag paycheck up. Teka muntik ko ng makalimutan ano ba yung sasabihin mo sakin?

    Vincent: Gusto mo bang malaman? Alam mo na ata eh. (Nakangiti)

    *Unti unting niyakap ni Vincent si Anne*

    Anne: Alam ko na nga.. torpe ka di mo ba ko liligawan? Ang bilis ng mga moves mo ah.

    *Natawa si Vincent sa sinabi ni Anne*

    Anne: May nakakatawa ba?

    Vincent: Wala… di naman na uso ung ligaw ligaw ngaun.

    *Natawa si Anne sa sinabi ni Vincent*

    Hindi ko man sinabi kay Anne ng diretso ang nararamdaman ko, pinaramdam ko naman sa kanya na mahalaga siya sa buhay ko. Kakaiba talagang maglaro ang kapalaran kung sino yung tinataboy mo nung una, siya pala yung magpapasaya sa buhay mo.

    Natapos ang buong madaling araw naming na kami ang magkasama, halos mga 5am na kami nakauwi pero parang hindi kami napagod dahil magkasama kami.

    Anne: Papasok ka bas a work mamaya? Dumaan ka sa tita ko ha mag paycheck up ka.

    Vincent: Sige na pumasok ka na sa pad mo. (Nakangiti lang habang nakatingin kay Anne)

    Anne: Bakit nagmamadali ka?

    Vincent: Hindi, para makapagpahinga ka.

    *Tumalikod na si Vincent at umakma na sasakay sa kotse ng biglang yakapin siya ni Anne*

    Anne: Ang saya saya ko.. Thank you ha.

    Vincent: Yun lang? San kiss ko?

    *Binitiwan ni Anne ang pagkakayakap at pinaharap si Vincent sa kanya, pagharap ni Vincent ay unti unting nilapit ni Anne ang mukha niya sa mukha ni Vincent.*

    Anne: Tsaka na yung kiss.

    Vincent: Ang daya mo!

    Anne: Bhelat! Sige na umuwi ka na. (Sabay Tawa)

    TO BE CONTINUED.
    ________________________________________________________________________________

    “I never knew how to worship until I knew how to love.”
    ________________________________________________________________________________


    Next Chapter: Iris

    Dr. Belinda Tan: Dr. Ongpanco, serious ang findings sa results ng mga tests.. Meron kang Ophthalmoparesis that could lead to total blindness.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 23, 2009 1:21 pm

    Chapter 12: Iris

    Tanghali na kong nagising, late na ko para sa work ko. Una kong tiningnan ang cellphone ko kung may nagtxt ba, hindi nga ko nagkamali may txt si Anne saakin. “Vince tnxt ko na si tita mga 3pm daw nasa American Eye Center siya sa may Shangri-la, mag pa check up ka na… Love u”. Parang abot tenga ang ngiti ko sa txt ni Anne, walang official na kami pero parang ganon na nga rin.

    Nagayos na ko at kahit na hindi ako pilitin ni Anne ay nagpunta ko ng Shangri-la para mag pacheck up, after ng check up ko ay magigita kami ni Anne sabay na kaming mag dinner kaya di na ko nag alibi pa. Mga 30 minutes pass 3pm na ko nakarating sa Shangri-la at dumeretso na ko sa American Eye Center.

    Vincent: Miss I have an appointment with Dr. Belinda Tan.

    Receptionist: May I get your name please.

    Vincent: It’s Dr. Vincent Ongpanco.

    Receptionist: Ow Doc, yes Dr. Tan is waiting for you let me take you to her.

    Vincent: Thank you.

    Dinala ko ng receptionist sa office ng tita ni Anne, medyo kabado ko dahil hindi ko alam at wala kong idea sa kung ano nga ba ang sakit ko. Pumasok ako sa office ng tita ni Anne nakangiti itong sinalubong ako.

    Dr. Belinda Tan: Have a sit.

    Vincent: Good afternoon po.

    Dr. Belinda Tan: So your Vincent, nice meeting you.

    *Inabot ng Dra. Ang kamay niya kay Vincent at kinamayan naman niya ito.*

    Vincent: Same here.

    Dr. Tan: So lets start the check up.

    Nagsimula na ang mga test sakin para malaman kung ano nga ba ang sakit ko medyo matagal ang ginawa sakin hindi ko alam kung bakit. Oo doctor ako pero hindi ako eye specialist like them so I really don’t have any idea on what’s going on.

    American Eye Center ang pinaka high tech pagdating sa eye problem kaya hours lang ay makukuha na agad ang result. Naglibot libot muna ko sa Shangri-la ng mga isang oras bago ko bumalik sa clinic upang malaman ang results.

    Vincent: Doc, hows the findings?

    Dr. Tan: Nagka major accident ka ba dati?

    Nagulat ako sa tanong ni Dr. Tan, medyo kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Masyadong seryoso ang mu~g niya kaya bigla na lang naginig ang katawan ko.

    Vincent: Hindi po, wala pa pong major accident.

    Dr. Tan: How about mga minor accident na adamay ang head mo?

    Vincent: Wala po kong maalala na ganun.

    Dr. Tan: I’ll be honest with you Dr. Ongpanco, hindi maganda ang findings do you have any relative na nagkasakit or nagkaroon ng eye disorder?

    Vincent: Doc, I only have few relatives that live here yung iba nasa states na po kaya hindi ko po alam.

    *Halatang halta sa mukha ni Vincent ang pagka balisa*

    Dr. Tan: I’ll be frank to you is that ok?

    Vincent: Ok lang po.

    Dr. Belinda Tan: Dr. Ongpanco, serious ang findings sa results ng mga tests.. Meron kang Ophthalmoparesis that could lead to total blindness.

    *Parang gumuho ang mundo ni Vincent, hindi siya makapagsalita o makagalaw sa narinig niya*

    Dr. Belinda Tan: Sa tingin ko you only have a month or less para magamot yan or else mabubulag ka.

    Vincent: Is there any chance na hindi yan ang sakit ko?

    Dr. Belinda Tan: If you want i-rerefer kita sa mga kakilala kong neurologist.

    Vincent: Thank you doc. Can I ask you a favor?

    Dr. Belinda Tan: Sure.

    Vincent: Please don’t tell Anne about my situation. For now I need to talk to my parents about this matter.

    Dr. Belinda Tan: Sige no problem. Here’s my number call me if there’s anything I can do.

    Vincent: Thank you again doc. I’ll see you soon.

    Wala na ko sa sarili ko ng naglakad ako palabas ng clinic. Hindi ako makapag isip ng mabuti, nagsimulang lumabo ang paningin ko kaya umupo muna ko sa isang bench. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Chris.

    Chris: Hello. Hello… Hoy Vincent sumagot ka!

    Vincent: Tol… Pwede ka bang mag drop by sa Shangri-la. Urgent lang.

    Chris: Bakit?

    Vincent: Please lang tol, I really need your help right now.

    Mga 30 minutes lang ay dumating na si Chris sa Shangri-la tinawagan niya ko at tinanong kung nasaan ako. At madali niya kong pinuntahan.

    Chris: Ano na naman ba problema mo?!

    *Inabot ni Vincent ang mga results ng tests kay Chris, agad agad na binasa ni Chris ang results*

    Chris: Ano to tol?

    Vincent: Baka mabulag ako.

    *Biglang tumawa si Chris sa sinabi ni Vincent*

    Chris: Tol wag kang mag biro ng ganyan.

    *Nakita ni Chris na may tumulong luha sa mata ni Vincent*

    Chris: Tol? Oi tol?

    Vincent: Dalin mo kay daddy ayokong ako ang magpakita niyan.

    Chris: Ayos ka lang ba? Babalikan kita ibibigay ko lang to.

    Vincent: Magkikita kami ni Anne dito. Ayos naman ako medyo nanlalabo paminsan minsan yung mata ko. Dalin muna kay daddy yan para makapag decide sila ni mommy kung ano gagawin hindi ko kayang mag decide sa sarili ko pag ganito.

    Chris: Sigurado kang ayos ka lang?

    Vincent: Salamat tol. Sige ayos lang ako.

    Umalis si Chris upang ibigay sa parents ko ang results ng mga test habang ako naman ay nagiintay sa pagdating ni Anne. Mga 1 Hour din ang inintay ko bago siya dumating, naanig ko siya na palapit sakin kaya tumayo na ko sa kinauupuan ko.

    *Hinalikan ni Vincent si Anne sa noo habang yakap yakap niya to*

    Vincent: Na miss kita.

    Anne: Sauce, bolero ka talaga.

    Vincent: Ano dinner na tayo.

    *Habang naglalakad si Anne at Vincent ay na bungo si Vincent sa isang batang nasa harapan niya*

    Anne: Vince di mo ba nakita yung bata? Buti na lang hindi natumba.

    Vincent: Hindi ko napansin eh.

    [color="#DDA0DD"]*Pero sa isip isip ni Vincent hindi niya talaga nakita na may bata sa harapan niya para hindi mag alala si Anne ay nagsinungaling to*

    Pumasok kami ni Anne sa isang resto upang mag dinner agad kaming omorder ng pagkain. Habang nag hihintay ng pagkain ay makulit na nagsimulang nag tanong si Anne.

    Anne: Ano sabi sa check up mo?

    Vincent: Ok naman daw.

    Anne: Ano nga sabi?

    Vincent: Wag kang makulet hahalikan kita.

    Anne: Weh ano nga.

    *HInalikan ni Vincent bigla si Anne sa labi kaya tumahimik ito*

    Vincent: Tumahimik ka? Kaya ka siguro maingay kanina kasi gusto mong magpahalik nu?

    Anne: Loko loko ka talaga!

    Vincent: Mahal na mahal kita.

    *Natahimik si Anne sa mga narinig niya*

    TO BE CONTINUED.

    ________________________________________________________________________________

    “We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly”
    ________________________________________________________________________________

    Next Chapter: Sunset

    Gusto kong titigan si Anne, gusto kong Makita kung paano siya ngumiti para kung sakaling mawala man ang paningin ko. Maalala ko ang mga ngiting nagpasaya sa buhay ko.


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Mon Mar 30, 2009 9:00 pm

    di pa tapos ito?
    next time na ito...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Mar 30, 2009 11:00 pm

    cpag mu mag bsa giel..idol kta


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Tue Mar 31, 2009 10:53 am

    next time na nga ito eh...
    ahaha!
    gusto ko hindi bitin...

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Tue Mar 31, 2009 11:31 am

    ay...panget yun!!


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Tue Mar 31, 2009 10:07 pm

    anung pangit dun?
    ahaha!
    tapos na ba ito jj?

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Wed Apr 01, 2009 7:43 am

    tapos na


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Wed Apr 01, 2009 11:23 pm

    ah... tapos na pala!
    sa april 3 ko nalang babasahin kasi wala namang pasok...
    ahaha!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Thu Apr 02, 2009 11:28 am

    may pasok poh sorry^^


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Thu Apr 02, 2009 11:19 pm

    sa april 4 nadin ito...
    ito ata pinakamaikli mong kwento, haha!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 03, 2009 7:56 am

    wahahaha..dble..mag hahanap ulet aq ng mahaba^^,


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Fri Apr 03, 2009 10:14 pm

    sige... para may magawa sa bakasyon!

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by [FM] LyLe on Mon Apr 13, 2009 4:03 pm

    meon aqng gngwa story..peo hnd p tapos


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10612

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by .bad cheetah. on Thu Apr 23, 2009 6:37 pm

    sinong bida? ann ba? haha!

    Sponsored content

    default Re: Vision of a Sunset

    Post by Sponsored content Today at 9:37 pm


      Current date/time is Fri Dec 09, 2016 9:37 pm