Chapter 42
Napatingin ako sa kanya, tama ba yung pagkariig ko? Parehas kami ng wi—
“Holy Cow! Parehas sila ng wish!”
“Josh?!”
Sabay kaming lumingon ni Yza doon sa pinaka malapit na puno. Tumayo ako tapos tiningnan ko kung may tao dun, pero pagdating ko, wala naman. Pero, grabe, narinig ko talaga, at alam ‘kong si Josh yun. Bahala na, pagod lang yan. ;D
Tumawa naman kaming dalawa. Yung sa wish naman, well, I think I heard her right. And I think she heard me right. Haha. Galing.
Hinatid ko na si Yza sa bahay niya, nag “Bye” lang siya sakin, tapos pumasok sa loob ng bahay niya habang nakangiti. Well ayos lang na wala siyang sabihing iba, kasi medyo natatameme na rin ako nung mga oras na yon. Para ‘bang hindi ko alam kung anong sasabihin ko nun? Umuwi rin nga ako ng nakangiti ‘eh. Tapos ngayong umaga naman, wala lang, hindi kami nagkikibuan habang sabay kaming pumasok. Pero hawak ko yung kamay niya all the way. Sapat na yon para saken.
…
“Pare ang ganda ng wallpaper ko ‘oh! Tingnan mo!” Ang ganda ng pambungad sakin ni Josh nung pagpasok ko ng classroom. Si Francis naman tawa ng tawa sa gilid ni Josh. Wala pa kasi si Mam Armitta kaya malakas pa yung trip nung dalawang mokong.
“Patingin nga.” Hinablot ko yung L7 ni Josh, tapos ‘pinagmasdan’ ang sinasabi niyang magandang wallpaper. Silhouette ng isang babae at lalake na nakaupo sa grass, na malapit sa puno. Tapos magkahawak kamay sila. Yung babaenaman, nakaturo sa stars, habang yung lalake tinitingnan yung tinuturo nung babae.
“Astig ‘a. Ganda ng kuha mo. Kel—teka…”
Hindi ba parang kami yun? Ang bagal ko talaga, kahit kailan.
“WAHAHAHAHA!!!”
“PAKY* JOOOOOOSSSHH!!!” Kulang nalang batuhin ko yung cellphone ni Josh sa kanya. Inagaw naman ni Josh yung phone niya, tiningnan, tapos tumawa ulit.
*pak.*
Binatukan ko na siya, tawa parin ng tawa.
“Sinundan niyo kami? Takte.”
“Hindi…” Eh pano niya nakunan kami ng picture?
“…ba obvious?” Loko ampuch*.
“BWAHAHAHAHAHAHA!!!”
“Mga ungas talaga kayo. Ba’t di ko kayo nakita nun?”
“Bulag ka kasi.” Tapos tumawa ulit sila.
Kinuha ko yung ipod ko, tapos sinaksak ko na yung earphones sa tenga ko. Naghahanap lang ako ng kanta nun…
Tiningnan ko naman si Josh at Francis, busy parin sila sa pagtingin sa picture namin ni Yza.
“Mahal na mahal mo talaga si Yza ano?” Hindi ko naman siya sinagot. Alam naman nila sagot dun eh.
“Gawan natin ng dialogue!” Tumawa naman si Josh, tapos nag clear ng throat niya.
“Ethan, iaabot mo ba sa akin ang mga bituin?” Nag pambabaeng voice si Josh, with matching beautiful eyes pa.
“Oo naman Yza, basta’t para sa iyo, gagawin ko.” Tapos hinawakan niya yung pisni si Josh.
“Mga gag*.” Ngumiti naman ako, tapos hinablot yung phone ni Josh…
Blinue-tooth ko sakin yung picture. ;D
Yun pala, nakasilip si Francis sa may balikat ko. “Ayan pala pre ‘eh.”
“May sagot na siya sa tanong mo kanina.” Tapos nguimti, at binatukan ako ng mahina.
…
“You’re so kupad!” Nag make-face naman si Racquelle.
Ginaya naman siya ni Francis… “You’re so kupad!”
Tapos, naka lagay pa yung kamay niya sa hips niya.
Ngumiti naman si Josh, yun bang pang asar… Ako naman, nasa kabilang sde ng gym, nag wawax. Imagine, ako, nagwawax? Eff. Linilinis na kasi namin ‘eh. Buti nalang walang games ngayon. After pa daw nung bash. Kaya wala munang mga training.
5:00 na, kaya konti nalang tao dito sa school. Kaming anim nalang yung nandito, ako, si Yza, Aj, Racquelle, Josh at Francis. Nagtatalo nanaman si Francis at Racquelle. Kanina pa sila nag sasagutan. Kasi sabi ni Racquelle, makupad daw si Francis. Sabi naman kay Franci, ang arte daw ni Racquelle. Ako naman, I don’t care. Bahala na sila dun. ;D
Lumapit naman sakin si Josh.
“Sipag ah.” Ngumiti naman siya ng pang asar. Hinagis niya yung walis na hawak niya dun sa may mga upuan, tapos kumuha rin ng rug.
“Ba’t mo iniwanan yung dalawang yun? Baka mag bugbugan na mamaya yun.” Tumawa naman ako habang pinupunasan yung sahig. Ganito pala mag floorwax? Ang sakit sa kilikili.
“Hayaan mo sila. Moment ni Kiko yan. Waha.” Tumawa naman siya, tapos nagpunas na rin ng sahig.
“Do you even know how to sweep the floor?!”
“Nagsalita ang marunong!”
“Hello, like, that’s too easy?”
“Wha, wha, wha? Don’t English English me! Hindi mo lang kaya eh.”
“Whatever.”
Tumawa naman ulit si Josh. “Oo nga, baka mag patayan na sila. Pero hayaan nalang natin.”
“Gaano na ba kadami yung nalinisan mo?” Lumingon lingon naman siya para tingnan yung sahig. Medyo madami dami na rin naman yung mga nalilinisan ko. Pwede na. ^-^
“Whoa.” Pagtingin ko kay Josh, may tinitingnan siya sa kabilang side nung Gym. Si Yza at AJ pala. Tinutulungan ni AJ si Yza na umakyat sa steel ladder. Yung mga windows kasi, pinupunasan ni Yza. Eh kung hindi naman stupid si AJ, dapat siya nalang yung umakyat dun, tapos siya yung naglinis nun.
Hindi ko nanaman alam kung bakit, pero bigla nalang akong tumayo tapos pinuntahan ko sila. Si Josh, ewan. Basta naiwan siya dun.
“Shoo.” Nagulat yata siakin si AJ, kasi napatalon siya. Na-uga yung ladder, kaya medyo na out of balance si Yza…
“Aaaaaaaa!” Buti nalang nasalo ko si Yza.
Tumingin nalang ako kay AJ, tapos tumingin din siya sakin.
“What?”
“Do that again, mananagot ka sakin.” Binaba ko naman si Yza, pero hindi siya umiimik.
“Sino ba naman kasing nasa tamang paguutak para biglang sumulpot, at magsabi ng ‘shoo’?”
“Uhh, ako lang naman?”
“Angas mo—“
“Shut up. The both of you, shut up. Please lang.” Tapos umalis na siya. Pumunta siya kay Josh, tapos tumulong siya sa pag floorwax doon.
Tumingin naman si AJ sakin, tapos umalis din… Sa kabilang dulo naman siya pumunta, sa side nila Racquelle, humihingi ng bagong pang linis.
“Tss.”
…
Lumipas ang buwan at araw… What the hell am I saying?
Basta lumipas na ang mga araw at nalinis na namin yung Gym. Sa wakas. Nangangati na kilikili ko sa kaka floor wax eh.
Anicia: That’s gross. >_____<
You wrote this.
Anicia: Whatever. :d
After ng break, pumasok na ako sa classroom namin…
“She said
‘don't, don't let it go to your head
Boys like you are a dime a dozen,
Boys like you are a dime a dozen’
She said
‘you're a touch overrated,
you're a lush and I hate it
but these grass stains on my knees
they won't mean a thing’
And all I—“
“Ba’t tumigil ka?” Hawak ni Josh yung gitara niya, tapos kumakanta doon sa pwesto namin. Si Francis naman natutulog sa upuan niya.
“Wala lang. May dumating kasing pangit eh.” Tinuro naman niya ako.
Tumawa naman ako. Pumasok naman si Racquelle sa kwarto…
Tinuro ko si Racquelle kay Josh, “Yan ba yung tinutukoy mo?”
“Gag*.” Tumawa naman siya. Nagising naman si Francis.
Palapit na si Racquelle samin,
“Francis, you have saliva on your cheek.”
“Saan?!” Hinawakan naman niya yung pisngi niya. Nag panic ang loko. ;D Kadiri naman, tiningnan namin ni Josh, pero parang wala naman.
“Naniwala ka naman?” Tumawa siya, tapos umupo na siya sa upuan niya.
“Konti nalang, babatukan ko na yang babaeng yan.”
“Hinay lang ‘tol. Baka lumipad ulo niyan, pag batok mo jan.” Tumawa naman kaming tatlo. Ayos yun ‘ah. Haha.
“Hay salamat, decorations nalang, tapos bukas na yung bash.”
“Sino nga pala date niyo?”
“Kailangan pa ba nun?”
“Hindi naman, pero bahala ka, wala kang chikas?” Tumayo si Josh, tapos linapag niya yung gitara sa may gilid.
“Hahatak nalang ako ng kung sino man jan.” Ngumiti naman si Francis.
“Ikaw?” Tumingin naman sakin si Josh. “Ay oo nga pala. Bobs. Malamang si Yza.”
Tumawa naman ako. Pero, teka, hindi ko pa naman siya na-yayaya diba? Eh diba, uhh, ‘kami’ na? Nag-aaya pa ba pag mag on na? Ano ba yan. >< Wala akong alam dito. Siyeeet.
“Eh Josh, sino naman sayo?”
“Francene.”
“’Tol, pwede ba outsiders?”
“Tutugtog kami eh. Nosebleed at AllFemme. Two songs nga lang ‘eh. Nagpaalam na ako kay Armitta, pwede daw akong humatak ng outsider parang yun na yung kapalit ng pag kanta ko.”
“Wow, privilege.” Tumawa naman ako, tapos umupo na.
“’Tol, liniligawan mo ba kapatid ko?”
“’Tol, obvious ba?”
Tumawa naman kaming tatlo.
…
“Kahit kailan, you guys are soooo kupad.” Umirap naman si Racquelle samin. Pagtingin ko sa Gym, wala pang tao, sila palang ni Yza. Sabay sabay naman naming tatlo linapag yung gamit namin sa may upuan. Nauna nga pala si Yza, dahil maaga natapos yung class niya.
I wonder where AJ is?
“Si AJ?” Tinanong ko si Racquelle, na para bang nagtataka.
“Hinahanap mo yata?” Nag smirk naman siya sakin.
“Sira ulo.”
Tumingin naman si Yza sakin, na natatawa rin.
“Kinukuha niya sa labas yung mga inorder nating flowers.” Ngumiti naman siya. Waaaaaaw.
“Tulungan niyo na.”
“No way.” “Asa pa.” “Na-uh.” Hanep, sabay sabay pa kami.
“Ang sasama niyo talaga.” Tumawa naman siya.
“Yzii, di ka na nasanay?” Tumawa rin si Josh.
Kumuha na kami nung mga centerpiece na ilalagay sa mga tables. Si Racquelle at Francis naman, ayun, nagtatalo ulit…
“Balita ko wala kang date ha?”
“Bakit gusto mo? Asa ka naman. No, no, no.” Tapos stinick-out ni Francis yung dila niya.
“Hello, I already have a date.” Umirap naman siya.
“Soz. Talaga lang?”
“Oo. ‘Di tulad ng iba diyan.”
Ginaya nanaman ni Francis si Racquelle, “Oo. ‘Di tulad ng iba diyan.” May pakembot-kembot pa. Ungas talaga.
“Aaaargh!” Hinabol naman ni Racquelle si Francis. Nakakatawa nga eh, hawak hawak pa ni Francis yung centerpiece. Para tuloy siyang tumatakbong unggoy. ;D
Wait lang nga. Kam to tink op eet, wala pa akong date?
Hehe.
Ayain ko na nga si Yza. Eeh. Creepy. Pano kung di yan pumayag? Takot rin naman ako sa rejection. Alam ‘kong gwapo ako, pero baka hindi umubra ang handsome aura ko. Pwaaaaaaaaa. Bahala na. Here goes…
“Yza!”
Thu Dec 17, 2009 4:57 pm by kar :)
» Medyas [ High School life ]
Thu Dec 17, 2009 4:53 pm by kar :)
» Wallpapers
Thu Aug 27, 2009 7:06 am by SOULBREAKER.o17ü
» Places
Sun Aug 23, 2009 2:11 pm by .
» Poems Corner
Wed Aug 19, 2009 4:40 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Right Next To You [ Bestfirends Story ]
Sun Aug 09, 2009 12:56 am by Do[I]caRE?!
» Yahoo Groups para sa Filipino
Wed Aug 05, 2009 8:04 pm by
» Cory Aquino died at 76
Sun Aug 02, 2009 11:48 pm by
» Tech Discussions
Sun Jul 26, 2009 8:00 pm by
» Adam Lambert
Fri Jul 24, 2009 10:48 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Movies Discussions
Fri Jul 24, 2009 2:27 am by
» Group 1 (naman) sa Filipino watch (din) this
Wed Jul 22, 2009 7:52 pm by SOULBREAKER.o17ü
» CAT-1
Tue Jul 21, 2009 10:42 pm by
» quota and non quota courses sa UP.
Tue Jul 21, 2009 8:08 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Influenza A(H1N1) sa PUP
Tue Jul 21, 2009 8:00 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Anime & Manga Discussions
Mon Jul 20, 2009 10:48 pm by
» Misc Discussions
Sun Jul 19, 2009 4:13 pm by
» Sports Discussions
Sun Jul 19, 2009 3:59 pm by W32.Downadup.D
» Optical Illusions
Sun Jul 19, 2009 2:48 pm by SOULBREAKER.o17ü
» Music Discussions
Sun Jul 19, 2009 2:47 pm by