Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!


Join the forum, it's quick and easy

Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

Book For Short

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

5 posters

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:44 am

    Ako si Mikaela Larazabal. Di ako tulad ng mga typical na babae. Tahimik lang ako at anti-social. Mas pipiliin ko pang magcomputer magdamag kesa gumimik. Ang passions ko ay pagluluto,pagdrudrums at web designing. Onga pala, drummer ako ng banda namin. Kahit back-up vocals lang ako at drummer, ako ang tinuturing na leader ng banda dahil ako ang nagsusulat ng mga tinutugtog namin. Aloof ako at ayoko ng palaging pinapansin. Madalas, wala akong pakialam sa mundo. Hindi ako madaling magtiwala sa isang tao kaya bilang lang ang mga kaibigan ko. Hindi ako madaling makaappreciate ng binibigay o ginagawa para sa akin ng isang tao. Minsan lang ako nagiging outspoken. Pwede ako maging isang matapat at maasahang kaibigan kapag nakuha nyo na ang respeto at pagtitiwala ko.

    Pero di ko akalaing magbabago ako. Na mapapabago ako ng isang tao.


    “Mikaela! Gising na! Langyang bata ito o! Tulog-mantika! Alam ng may pasok kinabukasan, natulog pa ng hatingabi dahil sa pagcocomputer!”

    Nagtengang-kawali na lang ako. Sanay na ako dyan kay mama. Ganyan naman yan lagi kapag pasukan na eh. Unang araw ng pagiging junior ko. Oo, 3rd year college na ako. Sa Central East University ako nagaaral. HRM ang kinukuha kong kurso. Hayyy… Makapagayos na nga!

    Sumakay na ako ng LRT. Ang daming tao, pero sa 2 taon na pagsakay ko ditto, nasanay na din ako. Bumaba ako sa Central Terminal at sumakay na ng jeep.

    Habang nakatulala ako sa bintana ng jeep, napapaisip ako. ‘Ano kayang section nya?’ ‘Di ko na sya naging classmate simula noong 1st sem nung 1st year kami’ Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Napansin ko na lang, nasa babaan na pala ako.

    Papunta palang ako sa school, marami na akong nakitang kakilala ko. As usual, sila ang nauunang bumati sa akin. Ako naman, panay taas na lang ng kilay ang sagot sa kanila. Tinignan ko ang Certificate Of Matriculation ko para malaman ko kung sang room ang 1st class ko. SBV 403? Naalala ko, yun pala ang room ko nung 1st yr ako. Nakarating na rin ako sa wakas. Pumasok ako sa room. Nakayuko lang. Pero napansin kong medyo konti palang ang tao sa room. Narinig kong nagbulungan ang mga bago kong classmates.

    “Diba yan yung Mikaela? Ang ganda nya pala talaga. Maligawan nga.”

    “Naku pare, asa ka pa. Ang alam ko, wala yang pinapasang lalake. Man-hater ata yan at walang ineentertain na suitors nya.”

    “Di pa sya nagkakaboyfriend?”

    “Malamang…Pero alam ko may nakaraan sila nung classmate nya nung 1st yr. Ewan. Nabanggit lang sakin ng katropa ko.”

    -0-0-0-
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:44 am

    Mga tsismoso pala ito eh. Di ko na lang sila pinansin. Ganun naman ako eh. Kahit pagtsismisan o pagusapan nila ako, wala akong pakialam. Umupo ako sa bakanteng upuan sa likuran para walang istorbo. Inantay ko ang kaibigan kong si Jackielou. Lagi kasing late yun eh. Tulog-mantika na, ang bagal pa kumilos. Hayyyy.. Dumami na ang tao sa room. Marami akong nakitang dati kong classmates. Karamihan, classmates ko nung 1st year. Bakit ganun? Sadya bang binabalik mga ala-ala nung 1st year ako?

    Sa wakas, dumating na si Jackylou. Nung nakita nya ako, dali-daling pumunta sa likod at tinabihan ako. Marami atang baong kwento sa akin.

    “Hoy! Musta naman? Ang dami kong kwento sayo! At alam mo ba classmate natin si-“

    “Teka, CR muna ako. Isantabi mo muna mga kwento mo. May isang schoolyear tayo para dyan” Tumayo ako at ng palapit na ako sa pintuan ng classroom, bumukas ito…

    Angelo?

    “Uy! Mikaela!” Bati nya sa akin. Kaso, sa sobrang gulat, di ko sya pinansin at dumeretso ako sa pintuan.

    Habang nasa loob ng cubicle ng CR, napapaisip ako. Classmate ko sya? Matapos ang mahigit dalawang taon naming pagkahiwalay, naging classmate ko sya ulit. Anong ibig sabihin nito?

    Lumabas ako ng CR, paglabas ko BAM! May nakabunggo sa aking isang lalakeng nagmamadali. Papunta rin ata sa classroom ko.

    “Miss! Sorry! Nasaktan ka ba?”

    Aaminin ko, gwapo yung lalaki. May katangkaran at maputi. Malakas din ang dating. Bago ang mukha nya sa akin. Transferee siguro. Pero nabadtrip ako sa kanya, di ko sya pinansin at dumeretso ako.


    “Ang suplada mo naman! Sorry na! Late na kasi ako eh! BSHRM3AB ka rin ba?”

    Classmate ko pala ang lokong bumangga sa akin. Di ko parin sya pinansin. Pumasok na ako ng room. Andun na pala ang prof namin sa HRM4. Bumalik ako sa kinauupuan ko. Halos magkasunod lang kami. Nagtilian ang mga babae sa room nung Makita sya. Napakamot na lang ng ulo yung lalake. Tinawag sya nung prof namin. Pinaakyat sya sa platform. Mukhang kilala na sya ng prof namin eh.

    “Excuse me class, let me introduce to you, Mr. Vhon Andrei Buenaventura.”

    Nagbulungan ang mga classmates ko ng marinig nila ang apelyidong, Buenaventura. Yun kasi ang apelyido ng Dean ng college namin.

    “Oo, tama kayo. Kamag-anak sya ng Dean natin. Specifically, sya ang bunsong anak ni Dean.”

    “Ano? Anak ni Dean yan? Yung gurang na yun, may ganyan kagwapong anak?”

    Napatango na lang ako. Naku pati ata si Jacky eh tinamaan na sa lokong ito. Mukha namang mayabang at antipatiko pa!

    “I want you to treat him nicely and make him feel welcome of his new school. Transferee kasi sya. Galing sya sa states at nagsummer classes sya dito noong summer para makahabol sa subjects natin.”

    “Special treatment talaga ah!” Sabi ni Jackylou. Di ko na masyadong pinansin ang ibang detalye at binasa ko na lang ang Certificate Of Matriculation ko.

    “Di nyo na po dapat sinabi yun. Nakakahiya naman. Uupo na po ako.” Sabi ni Andrei. At bumaba na sya ng platform.

    Nagulat ako ng kinurot ako ni Jacky. “Hoy! Ano ba yun?” Nagulat na lang ako ng Makita kong papalapit sa kinauupuan ko si Andrei.

    “Uupo ata sya sa tabi mo! Yiheeee!” Nakupo. Please, wag naman. Ayoko ng ganitong klaseng katabi. Ayoko ng may katabing lalake. Wala akong nakaksundong lalake. Kung meron man, yun ay ang mga kabanda ko lamang. Pero huli na, nasa harapan na sya ng bakanteng upuan na nasa tabi ko.

    Bumulong sya sa akin, “Miss suplada, pwede ba akong umupo sa tabi mo?”

    Di ko pa rin sya pinansin. Ni hindi ko sya tinignan. Baka sakaling mainis at hindi na tumabi sa akin. Kaso nga lang si Jacky, biglang sumingit.

    “Magkakilala na kayo? Oo! Upo ka na dyan! Ako nga pala si Jackylou! Sensya ka na sa kaibigan ko ha, medyo mahiyain lang kasi yan!”

    “Akala ko kasi late na ako kaya nagmamadali ako at nabangga ko sya ng di ko sinasadya. Nagalit ata.”

    “Naku! Hindi galit yan noh! Mahaba ang pasensya ng taong yan! Diba? Diba Mikaela?”

    Napatango na lang ulit ako, Walanghiya ka Jackylou, iigsi ang pasensya ko sa ginagawa mo eh!

    “Ah…Mikaela pala ang pangalan nya. Pipi ba yang kaibigan mo? Hindi kasi nagsasalita eh! Miss Mikaela, magpakilala ka naman!”

    “Narinig mo na pangalan ko diba? Ano pang saysay na magpakilala ako sayo?”
    Di na rin ako nakatiis. Kailangan kong tarayan para layuan na ako. Pero nakayuko parin ako. Hindi ko sya tinitignan.

    “Ang taray mo naman! Ganyan ka ba talaga? O baka naman inis ka pa di dahil sa pagkabangga ko sayo kanina! Peace na tayo! O baka nasaktan ka ng husto? Gusto mong dalhin kita sa clinic?”

    Abnormal ba itong taong ito at dadalhin pa ako sa clinic?! Di ko na lang ulit sya pinansin.
    Kinopya ko na lang yung sinulat ng prof naming na pangalan ng librong bibilhin naming para sa subject nya.

    Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan sa baba ni Andrei at biglang tinapat ang mukha ko sa mukha nya.

    “Ang ganda ganda mo pala! Lagi kang nakayuko! Hindi ka madidiscover na artista nyan!”

    Nagulat ako dun ah. Pero katulad ng sabi ni Jacky, mahaba ang pasensya ko. Tinangal ko ang kamay nya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

    “Naku! Ewan ko ba sayo! Ang weirdo mo! Wala ka ata sa mood! Mamaya na lang kita kukulitin!”

    Hay salamat! Sumuko na sya sa wakas! Pero tama ba ang rinig ko? Mamaya na lang daw?! Waaaaaaa! Di pa pala tapos ang kalbaryo ko. Sana bigyan kami ng sitting arrangement para mapahiwalay na ako sa lalakeng ito.

    Bigla akong kinalabit ni Jacky. Bumulong sya, “Nga pala, kanina binati ka ni Angelo. Bakit di mo pinansin?”

    Naalala ko nanaman tuloy na classmates na ulit kami ni Angelo. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nasa 3rd row pala sya kasama ang mga classmates nya dati.

    “Di ba sya ang unang hindi namansin dati? Edi wala na talagang pansinan kahit kailan.”

    “Mikaela! Di ka parin ba nakakalimot? Ano ka ba naman! Ang tagal tagal na nun!”

    Oo, Jackylou. Hindi parin ako nakakalimot.

    Napansin kong tumingin na pala sa amin ang prof naming. Ang ingay kasi nitong si Andrei tapos nagbubulungan pa kami ni Jacky. Sinenyasan ko na lang sya na ipagpatuloy nya ang pagsusulat nya.

    Matapos ang isang oras na boring na orientation, sa wakas, break na. Pumunta kami ni Jacky sa carinderia na dati naming pinagkakainan. Kinalabit ako ni Jacky at pinatingin sa likod. Nagulat ako, sinusundan pala kami ni Andrei! At kinindatan pa ako nung tinignan ko sya!

    “Please. Wag mo na pansinin ha Jacky? Alam mo namang naiinis ako pag may kasamang mga ganyang klaseng lalake eh.”

    “O sige. Sabi mo eh” Sabi na lang ni Jacky.

    Sinundan talaga kami ni Andrei hanggang carinderia. Ang tibay ha. Bahala sya.

    Kare-kare ang pinili kong ulam, hati na lang kami ni Jacky dun at umorder ako ng dalawang kanin. Kaso nga lang, pareho kaming walang barya ni Jacky. Maaga pa kasi nun at wala pang pangsukli sila Manong.

    “Mamaya nyo na lang ibigay ang bayad nyo mga Miss.” Sabi sa akin ni Manong nung nasa counter na kami.

    Umupo kami sa bandang dulo at kumain. Tinignan ko ulit ang wallet ko at napansin kong may nakasiksik na barya sa wallet ko. Kinuha ko at lumapit na ako sa counter para bayaran si Manong. Kaso ngumiti sya at sinabing, “Bayad na yung mga inorder nyo. Binayaran nung lalaking katabi ng kasama mo.” Napatingin ako sa mesa naming at nakita kong andun si Andrei, katabi na ni Jacky. Naku! Ano bang pumasok sa isip ng lalakeng ito at nilibre kami? Bumabawi ba sya sa pangiinis nya sa akin kanina? At sinabi ko na kay Jacky na wag syang papansinin eh! Ang tigas ng ulo! “Di na nga kinuha yung sukli eh. 200 ang binigay sa akin. Yosi bibilhin mo diba? Wag mo na bayaran. Isama mo na sa sobrang bayad nung lalaking yun.” Kilala na kasi ako ni Manong na lagging bumibili ng yosi pag kumamakain kami dun. Inabot nya sa akin ang kalahating kaha ng Marlboro lights.

    “Salamat po.” Yun na lang ang nasabi ko at bumalik na ako kila Jacky. Babayaran ko ang kinain naming at ang yosi na ito kahit ano man ang mangyari. Hindi naman kami close para ilibre nya kami noh.

    “Uy! How nice of Vhon naman! Nilibre nya tayo!”

    “Anong nilibre? Babayaran ko ang kinain natin.” Inabot ko ang 150 kay Andrei. Pero ngumiti lang sya at sinabing,

    “Kabayaran yan sa pagbangga ko sayo kanina. Sa susunod, pag ikaw naman nakabangga sa akin, ikaw naman ang manlilibre!”

    Bigla syang sumimangot ng Makita nya ang dala kong sigarilyo.

    “Nagyoyosi ka? Masama yan ah! At bawal magyosi ng nakauniform!” Kinuha nya bigla ang sigarilyong hawak ko at biglang nilukot.

    Legal age na ako for your info! 18 na ako! Ano mo ba ako? Nanay? Tatay? Ayos din tong lalaking ito eh. At sinayang pa ang yosi ko! Bahala sya! Pera nya naman yan eh!

    “Nawalan na ako ng gana kumain. Tara na, umalis na tayo Jack.”

    “Ano ka ba! Wag ka namang ganyan!”

    Pero nakalabas na ako ng carinderia nun.

    “Ikaw kasi eh, dapat di mo na pinakialaman pa yung yosi nya. Agawin mo na lahat, wag lang ang yosi nya. Pero okay na din yun, nahihilo na ako sa usok nya minsan eh! Haha! ” Napatawa si Jackylou.

    “Di nyo dapat sya pinapayagan! Di bale, simula ngayon patitigilin ko na sya!”

    “Naku! Sa tigas ng ulo nun, ewan ko lang kung mapatigil mo sya. Tara na, sundan na natin sya.”

    Nakita kong palapit na silang dalawa sa akin. Sumabay sa akin si Andrei. Hindi ko sya pinansin. Binilisan ko ang paglakad.

    “Sabayan mo naman ako! Hindi ako magsosorry sa ginawa ko sa yosi mo! Masama yun sayo! At hindi maganda sa babae ang naninigarilyo!”

    “At sa tingin mo, mga lalake lang ang may karapatan?”

    “Hindi rin! Hindi ako naninigarilyo noh! Mga pambata lang mga bisyo ko! Haha!”

    Pambatang bisyo? Ano kaya yun. Aba, kakaiba din ito ha.Tama ba ang narinig ko? Di daw sya naninigarilyo.

    Nagulat ako ng Makita ko si Dennis, ang Vocalist ng banda ko na biglang lumapit sa akin.

    “Mikaela! Alam mo na ba yung balita?”

    “Ano yun?”

    “Wala na pala dito si Ace! Tumigil sa pagaaral at sumama na sa mga ka-frat nya! Pano na yan? Wala na tayong lead guitarist?”

    “Ganun…Di bale maghahanap nalang tayo ng bago”

    “Ano ba yan! Parang kalmadong,kalmado ka pa dyan! Ang laking kawalan ni Ace! Ang galling nya pa naman! Hindi ka ba natatakot? Ilang buwan na lang battle of the bands na ulit! At hindi lang yun! Maraming magagaling na banda sa mga Seniors! At dahil 3rd year na tayo, qualified na tayo para sumali sa Band Fest! Tandaan mo, kailangan nating makapasok sa Band Fest ngayong taon para makalaban natin ang iba pang school ditto tulad ng Holy Child College,La Concepcion College,San Se-“

    “Natalo na ba tayo sa Battle Of The Bands huh? At si Ace? Hindi sya kawalan sa atin. Hindi nya man lang naisip ang kapakanan ng banda natin. Tama na rin na wala na sya dahil sakit lang sya sa ulo sa banda natin. Mas inuuna ang hazing na yan kaysa sa mga practices. Maghahanap tayo ng mas magaling na lead guitarist kaysa sa kanya.”

    “Grabe ka naman..Sige na nga..Maghahanap ako sa mga classmates ko! Siguro naman may marunong dun na magitara diba?”

    “Hindi lang basta marunong ang gusto ko. Tulad nga ng sinabi mo, kailangan nating makapasok sa Band Fest. Paano tayo makakapasok dun kung basta basta na lang na gitarista ang kukunin natin. Yung mga mahahanap natin, lahat dadaan sa audtion ok?”

    “Opo bossing! Kahit kelan talaga si Mikaela oh, Perfectionist! Haha! Sige sibat na ako tol! May klase pa ako eh!”

    Habang naguusap pala kami ni Dennis, eh walang ginawa ang dalawang tukmol sa likuran ko kundi pagusapan ako.

    “Naku, ganyan talaga yan si Mikaela. Pero ang kakaiba sa kanya, sya ang tamad na perfectionist. Tutulog-tulog sa klase tapos magugulat ka na lang ang tataas ng grades nya. Laging nagcracram sa projects pero uno lagi pagbinalik na sa kanya!”

    “Wow! Ang galling pala ng kaibigan mo eh! Kakaiba nga! Ano pa? Ano pa alam mo tungkol sa kanya?”

    Lumingon ako at tumingin sa kanila ng masama. Nanahimik yung dalawa. Pero nung paakyat na ako ng hagdan, tuloy ang kwentuhan ng dalawa. Nainis ako. Binilisan ko na ang pagakyat ng di ko na sila marinig pa. Pero kahit malayo, naririnig ko parin ang pinaguusapan nila!

    “Mahirap kaibiganin si Mikaela dahil kinikilatis nya talaga ng mabuti ang tao. Pero mabait na kaibigan yan si Mikaela. Swerte mo talaga pag nagging kaibigan mo sya. Tanda ko dati, kahit gabing gabi na, di ako sinipot ng ex-boyfriend ko sa date namin. Pinuntahan nya pa ako para di ako magmukhang tanga nun. Tapos hinatid nya pa ako sa bahay. Kahit sinabi nya na ang tanga-tanga ko daw at kung ano-ano pa, nahalata ko na matindi talaga a
    ng pagalala nya sa akin. Tapos kinabukasan, nung makikipagbreak na ako sa ex-boyfriend ko at nakita kong may kasama syang iba, lumapit sya at sinapak nya yung ex ko! Pagkasapak nya, dinaanan nya lang at sinabi na sa akin na wag na makipagbreak pa dahil wala ng saysay pa.”

    “Nagets ko na. Ayos pala talaga yung kaibigan mo eh. Kahit nung una palang, kahit tinatarayan nya ako at di pinapansin, nararamdaman ko na may kabutihan syang tinatago! Nga pala, sinong boyfriend nyan? Malamang, kawawa yun dun ano?”

    Natahimik si Jackylou at saka sya sumagot.

    “Wala syang boyfriend. Ayaw nya magkaroon ng boyfriend. Sakit lang daw ng ulo yun. Parang nga syang man-hater eh. Kawawa sa kanya mga nanliligaw sa kanya. Kahit yung mga lalake na nakikipagkaibigan lang sa kanya. Pero hindi sya ganyan dati, nagging ganyan sya simula nung—“

    Lumapit ako kay Jackylou at hinila sya paakyat.

    “Tama na! Bakit mo ba kwinekwento ang personal kong buhay sa taong yan? Hindi na ako natutuwa ha. Ni hindi pa natin sya gaanong kilala! Ulitin mo pa yan at kalimutan mo ng magkaibigan tayo!”

    “Mikaela! Wala syang kasalanan! Ako ang nangulit sa kanya at-“

    “Pwede ba? Tigilan mo na ako! Ayaw kitang kasama! Layuan mo na kami!”

    “SILENCE!”

    Si Dean Buenaventura yun. Okay Mikaela, get ready for suspension.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:44 am

    Sa lahat pa ng tao, si Dean pa ang dumating. Patay na. Panigurado pagagalitan ako nito. Tarayan ko ba naman ang anak nya eh. Tsk tsk.

    “Mr. Buenaventura! Nangugulo ka nanaman ng mga bago mong classmates ha! Hindi ka na nagbago! Kaya ka natanggal sa school mo sa states at pinadala ka dito ng tatay mo! At wag mong ginaganyan si Miss Larazabal dahil hindi lang sya scholar sa school na ito kundi dummer ng kanyang banda na nanalo na for 2 consecutive years! Hindi tulad ng mga naging banda mo! Walang nararating! “

    “Sis..Tama ba nakita ko? Mas kinampihan pa tayo ni Dean kaysa sa anak nya? Napahiya ata si Vhon eh.”

    Napatulala na lang ako. Pero parang grabe naman kung idown ni Dean ang anak nya. Well, like I care. He deserves it.

    “Dean, pasensya na po. Hindi na po mauulit. Tara, Jacky malalate na tayo!”
    Hinila ko si Jacky paakyat ulit pero nagulat ako ng mauna pa si Andrei samin na umakyat. Napahiya nga ata.

    “Vhon Andrei! Kinakausap pa kita! Bastos na bata talaga ito oh.”
    Tapos tumingin sa amin si Dean.

    “Pagpasensyahan nyo na anak ko ha. Pasaway talaga yan sa pamilya eh. Parang blacksheep nga sya sa pamilya eh…”


    Tumalikod na sya sa amin at bumaba patungong canteen.

    “Blacksheep? Hmmm…Kaya pala ganun na lang kung purihin nya yung iba nyang anak tapos di nya man lang binabanggit yung bunso nyang anak…Tsk tsk..Kawawa naman..”

    Hindi ko na pinansin si Jackylou. Pakialam ko ba kung blacksheep sya o kung ano. Siguro sakit ng ulo sya ng pamilya kaya ganun.

    Pagpasok namin ng room, nakita naming si Andrei na tumutugtog ng gitara. Pinapaligiran sya ng maraming tao. At katropa nya na sila Angelo! Pero san naman nya nakuha yung gitara nya? At teka, ano yung tinutugtog nya? Huling El Bimbo?

    “Mikaela! Gusto ko mag-apply sa banda mo! Lead Guitarist din ako ng banda ko dati!”

    Infairness, nakikita kong passion nya talaga ang pagtugtog ng gitara. Paano naman nasabi ni Dead na walang nararating ang mga nagiging banda nya? Magaling sya. Kaso ayoko talaga syang makabanda.

    “Ayoko.”

    Yun na lang ang naisagot ko. Natahimik ang klase. Napahiya nanaman si Andrei.

    “Unfair naman yun Mikaela, bakit di mo man lang sya iaudition diba? Mukha naman syang may potential eh. Baka makasundo nya din mga bandmates mo. Isantabi mo muna yung di nyo pagkakasundo diba?”

    Jackylou, la ka na bang ibang gagawin kundi ipagtanggol yang si Andrei? Siguro inlove na talaga itong bruhang ito dun.

    “Tama nga naman si Jacky! Kahit sa audition man lang! Pag ako, pumasa sa mga kabanda mo, wala kang choice kundi ipasok ako sa banda mo! Appreciate mo naman mga efforts ko! Tinakas ko pa ito sa Music Room para maipakita ko sayo ang talent ko!”

    Nagtawanan ang mga classmates namin ng marinig nila na tinakas lang ni Andrei yung gitara.

    Hindi mo lang alam Andrei, ako ang nasusunod sa banda ko.

    At ano daw? Tinakas nya pa sa Conservatory Of Music Room? Pasaway talaga!

    Nagulat ako ng Lumapit sa akin si Angelo at biglang umakbay.

    “Onga naman Mikaela! Isali mo na itong si Vhon! Tiyak, lakas ng hatak ng banda nyo sa mga babae pag naging kabanda nyo sya!”

    “Err..Oo…Sige..Padadaanin ko muna sya sa audition..” Di na ako makapagisip ng maayos. Tinangal ko yung kamay ni Angelo sa balikat ko at umupo na sa upuan ko.

    Tamang,tama dumating na yung prof naming sa Religion.

    Makalipas ang ilang oras, natapos ang Religion at may sumunod na ulit na klase. Mabuti naman nakahanap ng makukulit itong si Andrei. Umupo na sya sa tabi ng mga bago nyang katropa. Ang ingay nga nila eh. Lalo na pag pinagsama silang dalawa ni Angelo.

    Teka, si Jacky nga pala. May gusto ba talaga sya ditto sa Andrei na ito?

    “Jack..May tanong ako sayo. Type mo ba si Andrei?”

    Nagsusulat sya nun ng biglang napangiti sya sa tinanong ko.

    “Inaamin ko, gwapo sya…Pero…Sa tingin ko…”



    “Bagay kayo!”

    Kaya naman pala! Balak pa kaming pagtambalin ni Andrei! Asa pa sya!

    “Jacky, pwede ba wag ka magilusyon. Sige tuloy mo na pagsusulat mo.”

    Antok na antok na ako ng matapos ang English Class ko. Naisip kong tulugan muna ang Accounting Class ko. Bahala na.

    Nakayuko ako at nakatakip ang kamay ko sa mata ko. Kunwari nagsusulat. Nung medyo napapasarap na yung tulog ko, may humila sa kamay ko! Muntik na akong mauntog sa desk dahil nakapatong ang ulo ko sa kamay ko nun!

    “I’m back! Namiss mo ba ako? Bakit ka natutulog sa klase? Baka mahuli ka ng prof nyan!”

    Naalimpungatan ako. Gusto ko na talaga sanang sapakin itong si Andrei eh. Pero ayoko ng mapuna pa kami ng prof. Linabas ko na lang ang headset ng cellphone ko at nakinig ng radyo.

    “Uy! Pakinig naman!” Kinuha nya yung isang earphone at nilagay sa tenga nya. Tapos nilabas nya yung cellphone nya. Yung latest na naiikot yung camera or something.

    “Wow! Yan ba yung latest na labas! Pakuha naman ng picture!”

    Naku. Si Jacky talaga. Walang pinapatawad na cellphone! Tanda ko last year, lahat ata ng kaklase ko na may cameraphone, may picture sya eh.

    “Oo ba! Pero teka muna! Kunin ko muna mga number nyo! Miss Mikaela! Pwede ko bang makuha numer mo?”

    Umiling lang ako. Hindi ko na sya pinansin. Bakit ko ibibigay ang number ko sa taong ayaw ko? Paghinihingi nga ng mga classmates kong lalaki ang number ko, 777 lang ang sinusulat ko. Tamad kasi ako magtext eh. Ang cellphone ko ay means for communication lang. Alam ko naman na puro sweet quotes at pambobola lang and isesend nila sakin eh. Hindi ko kailangan nun.

    Sumenyas itong si Jacky na ibibigay nya daw mamaya ang number ko kay Andrei. Napupuno na ako sa dalawang ito ha! Pero bahala sya, di ko naman sya rereplyan eh.

    “Mikaela! San nga pala ang audition? At kailan? Excited na kasi ako eh!”

    Hindi naman pwede sa bahay naming dahil maliit lang yun. Hindi rin pwede kila Dennis dahil ayaw ng Lola nya ng maingay. Tama, kila Marlon na lang! Yung Bassist naming! May sarili kasing music room yun eh! Hindi naman yun tatangi sa akin! Pero kailan? Di naman pwedeng ngayon dahil sasabihin ng Mama ko, first day palang, banda na agad inaatupag ko. By nextweek siguro. Tama. Next week na lang.

    “Sa bahay nung bassist naming. Next week ang audition.”

    “Yesss! Magprapractice na ako ng mabuti para makapasok ako!”

    Sa dami ng magagaling na gitarista ditto sa 3rd year, ewan ko lang kung makapasok ka pa.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:45 am

    Natapos na ang klase. Pipila pa pala ako para sa libro. Ito ang pinakaayaw ko sa university na ito eh. Isa lang ang cashier sa bilihan ng libro! Ang haba-haba ng pila tapos isa-isa pa kung magbigay ng pangalan ng libro ang mga professors. Hindi na lang nila ibigay sa enrollment ang listahan ng mga librong bibilhin. Pahirap talaga.

    “Mikaela! Hindi ako makakapila sa libro ngayon! Dadating kasi si Papa ngayon galing Saudi! Susunduin naming sa airport! Bukas na lang ako bibili! Hindi ko rin dala pera ko ngayon!”

    “Ibibili na lang kita! 4 na libro lang naman yun eh. Ako na din muna ang magbabayad.”

    “Mikaela naman! Nakakahiya naman sayo! At magisa ka lang sa mahabang pila na yan? Mabobored ka!”

    “Okay lang. Sanay na ako. At baka maubusan pa tayo ng libro. Sige ka. Ano? Sige punta na ako sa Bookstore! Ingat!”

    “Thanks talaga! Bawi ako sayo next time! Promise! Ingat din”

    Kiniss ako ni Jackylou at umalis na siya. Halatang excited na syang Makita ang papa nya dahil mahigit isang taon na rin hindi umuuwi.

    Pagdating ko sa Bookstore, umabot na hanggang sa labas ang pila. Ok lang. 2:00 lang sa relo ko. Kainitan pa naman pero ok na ito baka kailanganin na kasi namin itong libro eh.

    Nakinig na ulit ako ng radyo sa cellphone ko. May tatlong 4th yr’s dun na sumingit sa harap ko. Akala nila hindi ko napansin dahil nakayuko ako nun.

    “Excuse me. Pero dun yung pila oh.” Nakayuko parin ako at tinuro yung pila sa dulo.

    “Ah ganun ba. Pasingitin mo na kami Miss. Baka abutin kami ng gabi kung dun pa kami pipila.”

    “Alam mo kasi, kanina pa ako nakapila dito. Unfair naman na makakabili kayo ng libro ng walang kahirap-hirap habang ako ang pumila dito ng ganito katagal.”

    Tumingin na ako sa kanila. Natawa yung kasama nya nung nakita ako.

    “Kaya pala palaban eh. Pare! Si Mikaela Larazabal yan! Yung maangas na drummer ng Melancholic Rhapsody!”

    “Tama! Ikaw nga yon! Mas maganda ka pala ng malapitan kaysa pag malayo ka at nagpeperform! Miss, pwede bang mahingi number mo? Aalis na kami at pipila sa dulo, pero bigay mo muna number mo?”

    “Alam nyo umalis na kayo dito dahil-“

    “Hindi na nya bibigay ang number nya sa inyo at hindi na rin sya bibili ng libro.”

    Andrei?

    “Pumila na kayo ng maayos mga tol. Hindi ba kayo nahihiya sa mga nasa likuran nyo?”

    ANGELO?!

    “At sino kayo? Mga boyfriend nya? Eh paano kung aya-“ Sagot naman nung nanghingi ng number ko.

    “Pare wag. Tandaan mo graduating tayo. Ang dami na nating kaso. Makikipagaway pa ba tayo dahil lang sa babaeng yan?”

    “Onga tara na. Mga 3rd yr’s may araw din kayo samin.” Tapos umalis na yung tatlo. Buti nga sa kanila.

    “Hindi nyo na dapat ginawa yun. Kaya ko naman sila eh. At anong di na ako bibili ng libro?”

    Inabot ni Andrei ang dalawang resibo. Nakalagay na dun lahat ng libro naming. Bayad na lahat. Iclaclaim na lang sa taas ng bookstore. Wala ng pila sa claiming dahil organized na at maraming staff na nagbibigay ng libro. Pero teka! Paano ko babayaran ito? At of all people? Si Andrei pa?!

    “Si Mama na pinabili ko ng libro. Ayos ba? Edi hindi mo na kailangan pumili dyan at yumuko maghapon! Baka Makita naming may pagulong-gulong yang ulo mo dyan na naputol dahil sa maghapong kakayuko mo!”

    “Pero hindi ko naman hiningi tulong mo. Di ko kailangan ito. At ang dala kong pera ngayon ay sakto lang sa walong libro naming ni Jacky. Hindi ko pa mababayaran ang 10 pang libro. At madadala ko ba yang ganyan kadaming libro? Salamat na lang. Ito na resibo mo. Sa inyo na lang ito ng kaibigan mo.”

    “Mikaela, may libro na kami. Bait nga ni Vhon eh. Binili na ang buong tropa. Pero syempre binayaran naming sya. Kung pera lang ang problema, bukas mo na lang bayaran sa kanya lahat. At kung nagproproblema ka sa pagdadala ng libro, tutulungan ka namin. Ihahatid ka ni Vhon sa bahay!”

    Nanlamig ako na kinakabahan na ewan. Nung si Angelo na ang nagsalita. Parang unting-unti na akong napapayag na tanggapin yung mga libro. At ano- Ihahatid ako?!

    “Ako lang? Hindi mo ako sasamahan? Iiwan mo ako kasama itong babaeng ito? Baka hindi ako makauwi ng buhay nyan!”

    Bumulong si Angelo kay Andrei pero narinig ko parin yung sinabi nya.

    “Tol, alam mo namang pupunta pa ako sa U.W. para sunduin si Gale eh. At ano kaba, monthsary namin ngayon. Alam mo na..”

    “Ahaha! Gets ko na. Magdadate kayo! Ilang months na ba kayo?”

    Bumulong ulit si Angelo. Ayaw nya ata iparinig yung tungkol sa kanila ni Gale. As If naman hindi ko alam. 2 years and 9 months lang naman sila!

    “2 years and 10 months pare. Sige alis na ako ha. Magagalit yun pag pinaghintay ko sya!”

    Ay nagkamali pala ako. 10 months pala. I've lost track na. Pero pakialam ko ba noh.

    Normal na ulit ang pagsasalita ni Angelo. Nagpaalam na sya at umalis agad. Halatang nagmamadali. Lagot kasi kay ‘kumander Gale’ Kawawa naman.

    “Tara iclaim na natin ang mga libro na yan at baka gabihin ka pa.”

    Hinawakan ni Andrei ang kamay ko at umakyat kami sa taas ng bookstore. Napansin nya ata na malamig ang kamay ko.

    “Bakit ang lamig ng kamay mo? Kinakabahan ka ba? Wag kang magaalala. Iuuwi kita sa bahay mo. Wala akong pagnanasa sayo noh!”

    Lokong ito. Feeling masyado. Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko at nauna na ako at clinaim ang mga libro namin ni Jacky.

    Ang kapal ng Food and Nutrition book naming! Pati yung Food Chemistry book! Paano ko dadalhin ito lahat ng namamasahe lang? Siksikan pa naman sa lrt ngayon dahil sa rush hour na!

    “O? Napatulala ka dyan? Wag kang magalala, di natin yan dadalhin sa jeep o sa LRT. Magkokotse tayo.”

    “Narinig mo na ba akong pumayag na magpahatid sayo?”

    Sinubukan kong dalhin yung 7 libro para ipasok sa paper bag ko pero bigla akong nawalan ng balanse dahil sa sobrang bigat nung mga libro.

    Sinalo ako ni Andrei. Kaso nadala na rin sya at na-off balance na din. Pareho kaming nahulog sa floor. Nakakahiya. Ang daming tao pa naman dun. Yung iba, naghiyawan.

    Magkatapat na yung mukha naming ni Andrei. As in sobrang lapit. Ang bigat nya pa. Kung tumatayo na kaya sya! Gusto ko ng ipasok ang mukha ko sa paper bag sa sobrang kahihiyan.

    “Nasaktan ka ba? Sorry ha! Ang tigas kasi ng ulo mo eh! Hindi mo kaya yan eh!”

    Tumayo na sya at inabot ang kamay nya para tulungan ako. Pero tumayo ako magisa at pinulot ang nagkalat na libro. Pero ayoko talaga magpahatid! Paano ba ito?

    Nakita ko na pinasok na ni Andrei sa isang paper bag yung mga libro ko at yung kay Jacky naman dun sa isa. Wala na talaga ata akong choice.

    Maraming nakatingin sa amin nung nakita nilang magkasabay kami ni Andrei at dala nya pa ang mga libro naming. Nagpahuli ako para hindi halatang magkasama kami, kaso nakahalata ata sya at nagpahuli din.

    “Bakit ayaw mo akong sabayan? I’m doing you a favor so please be nice man lang diba!”

    “I didn’t asked any favor from you. Ikaw ang kusang gumawa nyan. Hindi kita pinilit.”

    “Kahit kailan ka talaga! Pasalamat ka cute ka pag nagtataray!”

    Ako ba talaga binibwisit ng taong ito? Inirapan ko na lang sya at inunahan sya sa paglalakad. Pero sumabay nanaman sya.

    “Pero alam mo feeling ko mas cute ka pag ngumingiti ka e. Smile ka naman kahit isang beses lang. Please!”

    Ngumiti ako ng pilit. Yung halatang pilit talaga. Inantay ko magiging reaksyon nya.

    “Sige sumimangot ka na lang! Para kang hindi mataeng pusa pag ngumingiti eh! Kung ngingiti ka din lang, wag na yung pilit!”

    Bigyan mo nga ako ng dahilan para ngumiti? Wala naman diba? How could I smile when there’s no reason at all? How could I smile if my reason of smiling….

    Is now gone…

    Natahimik si Andrei. Napansin nya ata ang kakaibang reaksyon ko sa mukha..

    “May problema ba? Bakit ka biglang nagkaganyan? Hindi yan ang itsura mo pag nagtataray ka eh. Itsura yan ng pagkalungkot.”

    Ang galing din ng taong ito eh noh. Nalalaman pa nya kung anong difference ng mukha ko kapag nagtataray at nalulungkot.

    “Ito na kotse ko. Sakay na. Libertad,Pasay diba?” Binuksan nya ang pintuan ng kotse para sa akin.

    Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako o hindi. Teka? Pano nya nalaman kung saan ako nakatira? Si Jacky nanaman siguro ang nagsabi!

    “Oo. Doon nga. Sa likod na lang. Ayoko sa harap.”

    “Ano ako driver mo? Mapagkamalan pa akong driver mo at ikaw ang amo ko. Ngayon pang naka-school uniform ako.”

    Onga naman. Mukha talaga syang driver dahil puti yung polo nya. Natawa ako dun ah. Pero syempre, di ko pinakita.

    Dun na din ako sa harap sumakay. Nilagay nya naman sa likod yung mga libro. Ano ba ito? Dati, hindi ako nagpapahatid sa kahit sinong pumoporma sa akin. Ngayon, nagpapahatid pa ako sa taong kinaiinisan ko!

    Nagsalang sya ng cd. Aba, Eraserheads Anthology. Favorite ko pa talaga. Hindi ko akalaing pareho pa kami ng taste sa music.

    Skinip nya sa 8th track. Ang Huling El Bimbo. Fave talaga! Kanina Tinutugtog nya sa giatara, ngayon ditto naman! Aaminin kong gusto ko rin yun pero ayoko pakinggan. May naalala ako.

    Bigla nyang hinawakan ang kamay ko! Tapos kumanta na rin sya! Teka, lalo akong may naalala…

    ***FLASHBACK

    Nasa FX ako nung mga oras na yun. Kasama ko sya. Huling El Bimbo din ang tugtog.

    “Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay!”

    Hinawakan nya ang kamay ko. Ngumiti ako at nakisabay na din sa pagkanta.

    “Ng tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay!”

    ***FLASHBACK ENDS.

    Naluha na lang ako ng di ko napapansin. Nakahawak parin pala sya sa kamay ko. Patapos na yung kanta nun.

    “Malamig pa din kamay mo! Ano bang problema? Malamig ba yung aircon?”

    Napansin nya yung maluha-luha kong mata.

    “O? Bakit? May nasabi ba ako? Naiiyak ka sa kanta noh! Akala mo matapang pero sensitive naman pala! Teka ililipat ko na nga yung kanta!”

    Nilipat nya sa Superproxy yung kanta. Tulala pa din ako nun. Wala ako sa mood para sakyan yung mga biro nya.

    “Sana ako na lang ang Superproxy mo para ako na lang ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman mo…”

    Ano daw un?!

    “Ano?”

    “Wala sabi ko kailangan mo na ata ng Superproxy. Masyado ka na atang stressed at lagi kang nakasimangot.”

    Tinanggal ko ang kamay nya sa kanyang pagkakahawak. Tumingin na lang ako sa bintana at di ko sya pinansin.

    “Friends na kasi tayo. Please! Hindi na kita aasarin! Friends na tayo ha? Ha?”

    Parang bata naman ito.

    “Ano bang meron ako at gusto mo akong maging kaibigan? I’m nothing special. Really. So don’t mind.”

    “I find your personality interesting. That’s all. Wala naman masama kung magiging magkaibigan tayo diba? Friends lang naman eh. I’m not expecting anything more than that. Hindi kita type noh! Ayokong magkagirlfriend na tulad mo! Nakakatakot!”

    Defensive pa. Wala naman akong sinabing may gusto sya sa akin. Grabe. Ngayon lang may nangulit sa akin ng ganito sa buong buhay ko. Wala na ata akong choice. At pansin ko naman na iba ang intensyon nya di tulad ng ibang lalaki sa school.

    “Sige. Friends. Basta lumayo-layo ka lang sa akin ha.”

    “May friends ba na ganun? Ito naman! O, andito na pala tayo! Kaliwa? Kanan? Deretso?”

    “Liko ka pakaliwa. Hindi ka naman pwedeng kumanan eh. Huhulihin ka lang. Pagkaliko mo, deretso ka tapos kaliwa. Malapit na yun sa bahay naming.”

    Nakarating na rin kami sa amin sa wakas. Pinagbuksan nya ulit ako ng pinto at linabas nya yung mga libro. Nakaabang na pala si Kuya sa labas. Mukhang nagulat tapos biglang ngumiti. Akala nya siguro boyfriend ko itong si Andrei!

    Pinagbuksan nya kami ng gate. Sya na ang nagbitbit ng mga libro.

    “Pare, salamat sa paghatid sa kapatid ko ha.” Tapos tumingin sya sa akin,

    “Who’s the lucky guy? Alam mo itong si Mikaela hindi nagpapahatid sa kahit sinong manliligaw nya. Huli kong nakitang may lalakeng naghatid ditto eh nung 1st year pa sya. Sino nga pala yun si A-“

    Siniko ko si kuya. Ang daldal talaga ng kuya ko! Parang si Jacky!

    “Hindi ko po sya nililigawan! Friends lang po kami! Vhon Andrei nga po pala! Sige po, aalis na po ako.”

    “Ah…Ganun ba. Mikhail nga pala! Naku! Friends daw. Dun naman naguumpisa ang lahat eh!” Tumawa si kuya at nakipagshakehands pa.

    “Sige papasok na ako. Alam kong may mga farewell ceremonies pa kayo dyan eh!”

    Farewell ceremonies? Ano yun?

    “Sige. Alis na ako ‘friend’ Goodnight!”

    “Bye. 'Friend' Night.” May pagkasarcastic pa ang pagkasabi ko ng friend.

    Lumapit sya bigla sa akin. Bumulong sya sa tenga ko.

    “Simula ngayon, ako na ang Superproxy mo..”
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:45 am

    Pagpasok ko sa bahay, nakangiti silang lahat sa akin. Si mama,papa,ate Mikayla at kuya Mikhail. Pero di ko sila pinansin. Nagmano lang ako kay mama at papa at umakyat na sa kwarto. Pagod ako sa maghapon na pagpila.

    Sinundan ako ni Kuya at Ate sa kwarto. Mambubulabog pa ata. Pero inunahan ko na sila at linock ko na ang pinto. Ayoko ng istorbo.

    “Buksan mo nga yung pinto! Magkwento ka naman! Mayaman yung boyfriend mo ah! Latest model ba naman ng benz ang kotse eh!”

    “OMG! Sis! Is he gwapo? Tell us more about him naman!”

    Tinakpan ko ng mga unan ang ulo ko. Ayoko sila marinig. Ang tanging laman ng isip ko nung gabing yun ay…sya….

    Hindi talaga ako mapakali pag andyan sya. Ewan ko ba. Bakit ganun. 2 taon ng nakakalipas hindi parin ako nakakalimot.

    Nanahimik na yung dalawa. Sa wakas. Sumuko na ata.

    Nagvibrate ang phone ko. May tumatawag. Hindi nakaregister yung number. Pero sinagot ko na din.

    “…..”

    “Hi! Mikaela! Anong ginagawa mo? Nakakaistorbo ba? Wala lang…Gusto lang kita kumustahin..”

    Angelo?!

    “Uhh…Ok lang..Ikaw?”

    “Ok lang..Nga pala, pinatawag lang ako ni Andrei sayo. May ginawa lang kasi sya saglit eh.”

    “Ah ganun ba…”

    “Uhmmm..Kumusta ka naman? OK KA NA BA talaga?”

    Paulit-ulit yung kumusta na yan. Pero nagets ko yung tanong nya. Gusto ko sabihing hindi. Na hanggang ngayon hindi parin ok sa akin ang lahat.

    “Mikaela…Gusto kong mag-“

    “Aba! Seryoso usapan nyo dyan ah! Teka, tumunog ata cellphone mo eh. Icheck mo na baka si Gale na yun!”

    “Sige..Mikaela..Bye..”

    Binigay na ni Angelo yung phone kay Andrei. Teka? Bakit magkasama sila? At diba may date sila nung girlfriend nya? Ngayon ko lang naisip magtaka dahil nawala talaga ako sa sarili ko nung kausap ko si Angelo.

    “Good Evening Mikaela! May ginagawa ka ba? Kumusta? Kasama ko si Angelo ngayon eh. Inuman daw kami. Nadepressed ata dahil hindi natuloy ang date nila ni Gale..”

    Sus…Hindi na bago sa akin ang isyu na yan.. Dati pa lang naman, laging ganun ang nangyayari sa dalawang yun.

    “Oo. May ginagawa ako.”

    “Ano naman ginagawa mo? First day palang ah! Wala namang binigay na assignment ang mga profs natin ah!”

    “Uhmmm..Babalutan ko ng plastic mga libro ko..”

    “Naku talaga lang ha. Sige na nga. Good Night Mikaela! Sweet Dreams!”

    Nyak. Corny naman nun. Mga gasgas ng linya sa phone.
    “Night..Bye..”

    Naisip kong balutin na nga ang mga libro ko. Siguro naman hindi na mangungulit mga kapatid ko kaya naisip ko ng lumabas ng kwarto para kunin ang mga libro ko.

    Pagbukas ko ng pinto, kasamang nadala ang Kuya at Ate ko. Andun parin sila? Nakikinig siguro sa pinaguusapan naming!

    “Pati ba naman sa boyfriend mo, matipid ka magsalita!”

    “At bakit mo naman binababa agad yung phone? At wala man lang I love you?”

    “Isang beses ko na lang ito uulitin ha. HINDI KO SYA BOYFRIEND.”

    “Denial Queen ka talaga. Tanda ko nung hinatid ka din ng isang guy nung 1st year ka, sinabi mo din na di mo sya boyfriend! Sino nga pala yun Mikhail?”

    “Ah! Onga eh! Si…Nakalimutan ko na eh! Naalala ko na kanina yun eh! Teka, kumusta na pala kayo nun? Nagreconcile na ba kayo nun?”

    Hindi ko rin sya nagging boyfriend.At totoo yun..

    Hindi ko na ulit pinansin sila Kuya at Ate. Bumaba na ako para kunin ang mga libro ko.

    Napuyat ako sa pagbalot ng mga libro. Binalot ko na din ang mga libro ni Jacky. Tinext ko sya na kunin na lang sa bahay ang mga libro nya dahil hindi ko kayang dalhin lahat sa school. Sinabi ko na din na dalhin nya na yung pambayad kay Andrei.

    “Mikaela! Gising na! Langyang bata ito o! Tulog-mantika! Alam ng may pasok kinabukasan, natulog pa ng hatingabi dahil sa pagcocomputer!”

    Wow. Parehong pareho yun sa sinabi niya kahapon ah. Pero hindi ako nagcomputer okay? Nagbalot ako ng libro.

    Same routine. Bihis. Kain. Sakay ng LRT tapos Jeep.

    P.E. nga pala ngayon. Swimming. Langya itong mama ko oh. Naglagay pa ng extra undies sa bag ko. Ginagawa akong gradeschool. Pero bayaan mo na. In case of emergency. Late na pala ako. Nagmadali akong umakyat sa gym naming. Nasa 5th floor kasi yung pool eh. Hingal na hingal ako sa pagakyat. Pagdating ko dun, mga 5 pa lang ang nakabihis. Puro babae. Isa na dun si Jacky. Nakakailang nga magsuot ng swimsuit eh. Papasok na ako ng CR para magbihis ng Makita kong lumabas si Andrei mula dun sa CR.

    “Hi Mikaela! Alam mo ba, favorite sport ko din ang swimming! Pareho pala tayo!”

    Teka, pano nya nanaman nalaman yun? Tinignan ko ng masama si Jacky. Alam ko, sya nanaman nagkwento nun panigurado. Ngumiti lang na parang ewan si Jacky tapos nagpeace sign sa akin. Peace ka dyan! Namumuro ka na sa akin!

    “Oh My God! My ring fell in the pool! Pinaglalaruan kasi ng mga friends ko! Could you get it for me ha Andrei?”

    “Oh My God! My ring fell in the pool! Pinaglalaruan kasi ng mga friends ko! Blah! Blah! If I know, nagpapansin ka lang kay Andrei! Ang landi talaga nitong babaeng ito!”

    Si Bea yun. Yung cheerleader na nakaaway dati ni Jacky. Sabi nga nila, sobrang inggit daw sa akin nung babaeng yun. Ewan ko kung bakit at wala akong pakialam. Kinuha ko na yung swimsuit ko sa bag ko.

    Si Andrei, di malaman ang gagawin. Akala ko ba favorite sport nya itong swimming? Kayabangan nya lang siguro. Bahala sya. Pumasok na ako ng CR para magbihis. Nung naalis ko na yung palda ko, biglang pumasok si Jacky sa CR at parang takot na takot.

    “Si Andrei! Mikaela! Si Andrei nalulunod! Diba swimmer ka? Tulungan mo sya!”

    “Wala bang ibang marunong lumangoy dyan? Yung prof natin? Yung mga boys?”

    “Wala! Wala pa sila! Baka mamatay sya! Iligtas mo na sya!”

    Ewan ko ba at parang nakatakda nga atang iligtas ko sya ngayong araw na ito. Kahit janitor o kahit sinong P.E. faculty member eh wala.

    “Bahala siya. Yabang nya pa kanina. Di naman pala marunong lumangoy.”

    Pumasok ng CR si Bea, at linapitan ako.

    “Please! Save him! Hindi na sya gumagalaw sa pool! OMG! This is all my fault!”

    “Oo! This is all your fault nga! Kalandian mo kasi!”

    “Pero sila kasi, they played with my ring and-“

    Ewan ko ba kung anong force ang nagtulak sa akin at biglang tinanggal ko na lang yung pangitaas ng uniform ko at di na ako nagpalit pa ng swimsuit. Lumabas ako ng CR at Lumusong na lang ako bigla sa pool.

    Kung kailan naman naiahon ko na si Andrei, saka naman nagsidatingan yung iba kong classmates na lalake. Including yung prof. Lahat nakatingin sa akin. Yung iba nakangiti pa. Naka-undies lang nga pala ako!

    Nagkamalay na si Andrei. Parang wala pa sya sa sarili nya. Linabas nya yung mga tubig na nainom nya. Buti na lang at hindi na sya kailangang imouth to mouth resuscitation! Hindi talaga ako papayag!

    “Excuse me class, but what happened here? And what are you wearing Miss? Please change your clothes immediately! And wait…Mr. Buenaventura?! Class, I need a brief explanation about this matter!”

    Lumapit si Bea at nagexplain sa prof naming.

    “Mam, kasi they accidentally-“

    “Accidentally ka dyan! Sinadya nyo yun eh!”

    Wala na akong panahon makigulo pa. Nanginginig na ang tuhod ko at linalamig na ako ng biglang may nagpatong ng twalya sa likod ko. Tapos, umalis na sya.

    Paglingon ko, isang guy na hindi ko kilala. Familiar yung mukha nya sa akin pero di ko sya kilala. Classmate ko pala sya. Hindi ko kasi sya nakitang pumasok kahapon.

    Pumasok na ako sa CR para magpalit. Salamat talaga kay Mama at naglagay sya ng extra undies sa bag ko.

    Nawalan na ako ng gana magP.E. nagbihis ako ng uniform at tatakas na lang ako. Yun pala, hindi na kailangan. Tapos na ang klase. Ewan ko kung ano na nangyari kila Bea at Andrei basta ang gusto ko na makaalis. Sinalubong ako ni Jacky at kwinento nya ang nangyari.

    “Hay nako! Tignan mo naman! Ngayon, nilalandi na ni Bea si Vhon! Feel na feel nya masyado yung pagpapakalunod ni Vhon para sa singsing nya!”

    Nakita kong nakapulupot ang kamay ni Bea sa braso ni Andrei. Nakatingin sya sa akin at parang may gusto syang sabihin pero di sya makalapit sa akin dahil ayaw syang bitawan ni Bea.

    “Wala akong pakialam. Bahala sila. Tara, kumain na tayo.”

    “Pero…Uyyyyy! Niligtas nya si Vhon! Hindi mo rin natiis noh!”

    Hindi ko na pinansin yung sinabi ni Jacky. Nacurious ako dun sa lalaking nagbigay ng twalya. Nasa akin pa twalya nya! Ibabalik ko na lang sa kanya mamaya at saka magpapakilala.

    Pumunta na kami ni Jacky sa Carinderia na aming kinakainan. Nakita naming dun yung lalaki na nagpahiram ng twalya! Magisa lang at kumakain. May dala syang gitara. Nagigitara sya? Pwede kaya sya banda naming? May banda na kaya siya?

    Umorder na kami ni Jacky. Mamaya ko na sya lalapitan pagkakain.

    “Mikaela! Paano mo naman nabili lahat ng libro natin? At diba hindi pa naman binibigay ng ibang profs yung pangalan ng librong bibilhin natin ah!”

    Sinabi ko na nga ba eh. Tatanungin nya yun. Patay na. Kainis naman.

    “Binili tayo ni Andrei. 7 libro yun. Sa resibo, ang total is 2,155 pesos.”

    “Si Vhon? Binili tayo! Uyyyyyy! Lakas talaga ng tama nun sayo ah! Pero ang mahal naman nun. 7 libro lang?!”

    “Mahal kasi yung dalawang makapal na libro. 450 yung Food Chem tapos 570 yung Food and Nutrition.”

    “Eh teka, pano mo nga pala nadala yung mga yun? Wag mo sabihing bitbit mo yung 14 na libro sa jeep at LRT?”

    Ang tanong na kinakatakutan kong sagutin. Lagot na. Pero ano pa bang magagawa ko? Kaso baka kung anong isipin nito eh. Pero bahala na.

    “Hinatid ako ni Andrei sa bahay.”

    Napatili si Jacky. Pinatahimik ko sya. Nakakahiya sa mga katabi naming. Loka-loka talaga ito.

    “Hinatid ka nya?! Eh tanda ko, di ka nagpapahatid sa kahit sinong lalaking gusto maghatid sayo ah! Aminin mo, type mo din sya noh?”

    “Wala na akong choice. At sya naman nagoffer ng ride eh. Tatangi pa ba ako?”

    “Wala na daw choice..Yikeeeeeee…Basta kinikilig ako sa inyo!”

    Sinabi ko na nga ba ganito magiging reaksyon nito eh. Hindi ko na sya pinansin at bumili na ako ng yosi. Buti naman wala na si Vhon at wala ng pipigil sa akin.

    “Manong wala kayong lighter? Posporo?”

    “Wala eh. Lagi na lang nadadala ng mga estudyanteng nagyoyosi ditto eh. Minsan ewan ko ba kung sinasadya na nila.”

    “Dun sa lalaking yun. Manghiram ka na lang ng lighter sa kanya. Meron syang lighter.” Tinuro nya yung guy na nagbigay ng twalya na nagyoyosi din at tapos na kumain. Naalala kong ibalik na sa kanya yung twalya nya.

    Kinuha ko yung twalya nya at saka lumapit sa kanya.

    “Uhmm..Excuse me, ito na yung twalya mo. Thanks.”

    Kinuha nya yung twalya at linabas yung lighter nya.

    “Lighter?”

    “Thanks again.”

    Nagtitigan lang kami. Nagaantay kung sino ang unang magpapakilala. Hindi kasi ako sanay na unang nagpapakilala. Ganun din ata sya. Mukha kasing suplado eh.

    “Nagaantayan pa kayo dyan! Andrew! Si Mikaela Larazabal nga pala, friend ko! Mikaela! Pinsan ko nga pala! Si Marx Andrew Ordañez, pinsan ko!”

    Pinsan ng tahimik na ito ang madaldal na si Jacky?

    “Nakalimutan kong sabihin sayo na pinsan ko yung nagbigay ng twalya sayo kanina! Nga pala, marunong magitara yang pinsan ko! Bakit di mo sya yayaing magaudition?”

    “Baka may sarili na syang banda?”

    “Hindi yan! Uy gusto mo sumali sa banda ni Mikaela? Umalis na kasi ng school yung Lead Guitarist nila! Baka gusto mong pumalit? Pero dadaan ka muna sa audition!”

    “Bahala na. Hindi ako interesado sa pagsali sa banda eh.”

    “Ano mararating mo nyan? Compose ka lang ng compose. Tugtog ka lang ng tugtog. Hindi mo naman pinapakita sa iba? Mas maganda kung majojoin forces kayo ni Mikaela! Lagi yang nanalo sa mga competitions! Ayaw mo nun? Maipapamalas mo ang galing mo sa ibang tao? ”

    “Gumagawa ako ng musika para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao. Sige, aalis na ako.”

    Wow. Kakaiba sya ha. Pero may point sya ha.

    “Naku! Abnoy talaga yang pinsan kong yan! Pagpasensyahan mo na Mikaela ha! Introvert kasi! Gusto lagi magisa! Kaya ayaw nya ng may kabanda! Pagtumutugtog sya, ayaw nya ng may nakikinig sa kanya. Sayang, magaling pa naman yan! Kahit wala syang banda, para narin syang bassist,lead guitarist at drummer na pinagsama! Halos lahat ata ng instruments, alam nyang patugtugin. Yung kwarto nya, ang laman puro musical instruments!”

    “Ah..Ganun ba..Sayang nga..”

    Yun na lang nasabi ko. Kainggit naman yun. Eh ako? Drummer pero walang sariling drumset. Ayoko naman kasi magpabili nun sa mama’t papa ko eh. Kahit nung debut ko, yun na sana hihilingin kong regalo at hindi na ako magpapaparty pa dahil hindi naman ako mahilig sa ganun. Kaso, nagkasakit si kuya at maraming gastusin kaya hindi ko na ako nagpabili. Nagrerenta na lang ako o kaya minsan, dun ako kila Marlon nagprapractice. May drumset kasi ang kuya nya. Nakikisuyo na lang ako. Anyway, sayang talaga yun si Andrew. Sana magiba pa isip nya.

    Nung paalis na kami ni Jacky sa Carinderia, nakasalubong naming si Andrei. Nilapitan nya ako at tinapat nanaman ang mukha ko sa mukha nya. Hindi na nakakatuwa ang habit nyang yun ha.

    “Amoy yosi ka! Nagyosi ka no! Diba sabi ko sayo di maganda sa babae ang nagyoyosi!”

    tapos bumulong sya kay Jacky. Ewan ko kung ano ang binulong nya. Pero ngumiti si Jacky at umalis na sya. Gusto ko man itanong kung ano ang binulong sa kanya ni Andrei, eh hindi ko na ginawa dahil baka kung ano nanaman isipin nya.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:45 am

    Grabe. Ayoko ng sked na ito. After ng 2 hours break naming, sunod-sunod na ang mga subjects. Wala ng break. Nakakapagod. Nakakapagtaka at nawala si Andrei. Hay salamat walang mangungulit sa akin. Matapos ang apat na subjects, uwian na sa wakas.


    “Mikaela, punta tayo sa parking lot. May kikitain ako dun eh.”

    So pumayag naman ako. Pero sino naman ang kikitain ni Jacky dun?

    Wala akong kaalam-alam na set-up lang pala ang lahat. Dinala ako ni Jacky sa harap ng kotse ni Andrei. Tapos, biglang may nagpiring sa mata ko! Hinawakan din ako sa kamay! Si Andrei pala yun!

    “Mikaela, sensya na. Napagutusan lang. Alis na ako ha. Bye! Goodluck!”

    Anong klaseng kang kaibigan Jacky?!

    Alam nyang papalag ako kaya pwersahan na akong pinasok ni Andrei sa kotse.

    “Hindi ito nakakatuwa. Itigil mo ang kotse.”

    Sinubukan kong tangalin ang piring sa mata ko ng may humawak sa mga kamay ko.

    “Wag ka ng pumalag Mikaela.”

    Angelo?!

    Ano ba ang nangyayari dito?!

    Nabwibwisit na ako sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung san nila ako dadalhin o ano. 2nd Day of school pa lang, ang dami ng ngyayari. Makakatagal kaya ako ng isang taon dito?

    Makalipas ang ilang oras, nakarating na kami sa pupuntahan namin. Ewan ko ba, pero kung ako nasa sitwasyon na ganito, kanina pa ako nagisip ng paraan kung paano makakatakas pero nung sandaling yun, parang may pumipigil sa akin na wag umalis.

    “Pare, thanks ha.”

    “Walang anuman pare. Sige goodluck!”

    Tinanggal na din sa wakas ang piring ko sa mukha. Simple lang yung lugar. Nasa parang mataas kaming terrace. Ganda ng view. Teka, familiar sa akin ang lugar na ito ah..Gabi na pala?! Tiyak, sasabunin ako sa bahay nito.

    “Wag ka magalala. Kinausap na ni Jacky ang mga magulang mo. Kukunin nya ata mga libro nya sa bahay mo ngayon eh.”

    Pinagplanuhan nilang lahat ito?! Kelan pa?!


    Napansin kong kumakalam na pala ang sikmura ko sa sobrang gutom. Ang tagal kasi ng klase tapos ang haba pa ng biyahe.

    “Gutom ka na siguro. Halika, kumain na tayo ng dinner.”

    Ano ba ito? Date? Forced date? Sobrang labo na talaga ng pangyayari.

    “Teka ha, sobrang nalalabuan ako eh. Anong meron?!”

    Hindi ako pinansin ni Andrei. Dinala nya ako sa dulo ng terrace at doon may nakahanda ng table at dalawang upuan. May kandila pa dun. Ang dilim kasi eh. Actually, nababaduyan ako ha. Candlelight dinner?

    “Tsk tsk..Walang posporo. Wala tayong ilaw. Paano yan..Ah alam ko na! Akin na yung fone mo!”

    Linabas ko yung cellphone ko. Ewan ko ba, pero kung ano ang sabihin nya, ginagawa ko. Ako ba talaga ito? Naalala ko kung isnabin ko mga lalake sa school, pero ano ito, kasama ko ang lalakeng kinaiinisan ko sa lugar na ito?

    “Buti na lang full-bar pa phone mo, edi ito, may ilaw na tayo!”

    Naalala ko may flashlight nga pala fone ko. Ano ba yan. Para kaming tanga! Flashlight ng cellphone ang ilaw naming dito!

    Kumain kaming dalawa. Walang imik si Andrei. ANO BA ANG GINAGAWA KO SA MADILIM NA LUGAR NA ITO KASAMA ANG TAONG KINAUSAP KO?!

    Hindi na ako nakatiis. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

    “Aalis na ako. Thank you for the dinner and everything. Pero I’ll leave kung di mo sasabihin kung anong purpose natin ditto.”

    “Wait lang…Ayan na oh…Few minutes before 9:00 para malaman mo kung anong ibig kong sabihin.”

    Ayun. Nag 9 o’ clock na nga. There was a sudden display of fireworks in the sky. Ang dami! I was so shocked.

    “I learned that nung bata ka daw, New Year’s Eve at nagkaroon ng fireworks display malapit sa inyo, gustong gusto mo pumunta dun at manood kaso nagkasakit ka nun at hindi ka nakapunta. Umiyak ka daw ng umiyak nun..”

    Teka…Paano nya nalaman yun? Si Kuya at Ate lang nakakaalam nun ah?!

    “Kung alam mo lang how I was I deeply touched by your actions earlier…So here…This is my way for showing my appreciation..”

    “Yan…That’s my way of saying thank you…

    Thank you for saving my life….”

    Ganito pala sya magthank you? Grabe ha. At kaya pala hindi sya pumasok sa apat na subject namin kanina, para lang asikasuhin ito?!

    But unfortunately, it rained. Hindi pa tapos yung fireworks display, umulan na bigla.
    Hindi maipinta ang mukha ni Andrei nun. Halatang nadisappoint sya.

    “Malas naman oh! Bakit ngayon pa?! Bakit?!”

    Basang-basa na kami pareho pero ayaw parin umalis ni Andrei sa kinatatayuan nya. Gusto nya bang magkasakit?

    “Tara na. Wala na eh. Hindi na ata hihinto ang ulan na yan. I’ve seen enough na naman eh..”

    “No! Hindi pa tapos yun eh! Mahaba yun! Nakakainis talaga! Sorry Mikaela! Sorry for disappointing you! It shouldn’t have been this way!”

    “Pero sige na nga. Baka magkasakit ka pa nyan eh. Tara na.”

    Pumunta na kami kung saan nya pinark yung kotse nya, binuksan nya ito at pinapasok ako.

    “Mababasa yung kotse mo..Basa yung damit ko eh..”

    “Basa rin naman yung akin eh. Pabayaan mo na. Tara, iuuwi na agad kita para makapagpalit ka na agad.”

    Pumasok na din ako. Linalamig na rin kasi ako nun. Hindi nya binuksan ang aircon at baka mapulmonya kami. Binuksan nya na lang yung bintana. Tahimik parin si Andrei habang nagdridrive. Sobrang badtrip sya sa nangyari.

    Nung makarating na kami samin tahimik pa din sya. Sobra naman syang naapektuhan sa ngyari.

    “Bye Mikaela. Sorry ha. Sorry for wasting your time.,Goodnight..”

    Ewan ko kung anong sumapi sa akin nung mga oras na yun at bigla kong hinawakan ang kamay nya…Tumingin sya sa akin and then….

    I smiled…

    Ano bang ginawa ng taong ito at napangiti nya ako? Marami ng lalaki ang gumawa ng kung ano-ano para lang mapaimpress ako and whatnot. Pero I never appreciated their efforts. Iba talaga ang impact ng ginawa nya sa aking ngayong gabi.

    “Thank You for this wonderful night..”

    Simple words but it says everything. I couldn’t say anything more..
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:46 am

    Tumakbo ako papasok ng bahay. Di ko akalain na magagawa ko yun. Ewan ko ba. Nalilito ako sa nararamdaman ko para kay Andrei. Sinalubong nanaman ako ni Kuya at Ate.

    “Musta fireworks? Bakit basang-basa ka? Wag mo sabihing nagswimming pa kayo dun?”

    “Bakit? May pool ba dun?”

    “Resort kaya yun! Yun yung Lake Villa Resort sa Antipolo! Ang galing ni Vhon no? Nagawa nya pang magset-up ng date and fireworks sa loob ng apat na oras lang?”

    Lake Villa Resort?

    Kaya pala familiar sa akin yung place..

    May naalala nanaman ako. Naiyak ako. Nainis ako. Biglang napaltan ng inis ang nararamdaman ko kay Andrei. Halos lahat na lang ng gawin nya, nagpapaalala sa taong yun. Sari-sari na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam. Basta gusto ko munang mapagisa. Tumakbo na ako paakyat ng kwarto.


    Pumasok ako sa kwarto, pinaltan ang damit ko at humiga agad sa kama. Nagvibrate ng tatlong beses ang phone ko. Kahit wala akong gana, chineck ko na din baka importante.

    Marlon:tol, bkas n ntin klangan mgaudition. Ire2novate kc ung music room sa makalawa. Sori ha.
    Dennis:uy, bks n dw tyo mgaudition. Ok lng? Kng gs2 mo, ha2nap aq ng lugar kng sn teo pde mgaudition?
    Jacky: sis! juz in cse, bka mkumbinsi m c Andrew, hir’s his #, 0922*******. Pr0 jn nmn kxe c Andrei eh! Xa nlng pg d m tlg nplit si Andrew!

    Bakit ba ako magmumukmok? Magpapaapekto ba ako sa mga kababawang ito? Hindi naman ako ganito eh. Mas priority ko ang banda kaysa sa personal life ko. Ako si Mikaela Larazabal. Today, my band. Tomorrow, myself. Rineplyan ko silang lahat.

    Marlon:Cge. Bkas nlng.
    Dennis:Wg n. Bkas nlng. Dalhin m yng mga nhnp mng guitarist.
    Andrew:Ei, mikaela hir. If ever u chnge ur mind, pnta knlng s *insert marlon’s address here* 3 ng hapon. tnx.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:46 am

    Andrei’s Point Of View! Wohooooo!

    Sa wakas, nakarating din ako sa bahay. Ang sama ng pakiramdam ko. Sisipunin ata ako. Naligo ako at nagpalit ng damit. Tinawagan ko agad si Angelo pagkatapos.

    “Badtrip pare. Umulan! Hindi pa tapos yung fireworks display, umulan na!”

    “Badtrip nga yun pare! Ano naman reaksyon ni Mikaela?”

    “Wala. Ganun parin. Pero nakita ko yung kakaibang ningning sa mga mata nya. Tapos nung hinatid ko sya, ngumiti sya at nagthank you! Wala ng mas sasaya pa sa araw na ito!”

    Natahimik ng sandali si Angelo.

    “Wow….Congrats pare…”

    “Salamat sa lugar ha! Ang ganda nga nung lugar na yun! Ang ganda ng ambience at ng view!”

    “Mali nga eh! Di mo naman kasi sinabi para sa date nyo pala ni Mikaela yung lugar… Dapat pala, hindi mo dun dinala si Mikaela..”

    “Bakit naman?”

    “Ah…Eh…wala lang…Date lang pala tapos sa resort ko pa kayo nirekomenda..Madami namang mas magandang lugar..Pero ano namang naging reaksyon ni Mikaela dun sa lugar?”

    “Ok lang yun. Ayos nga eh. Ang importante maganda yung view at ayos na ayos ang location para Makita yung fireworks display na hinanda ko. Reaksyon nya sa lugar? Alam mo naman yun eh! Wala laging reaksyon sa mukha.”

    Natahimik nanaman si Angelo.

    “Mahal mo na ba?”

    “Ha? Yun? Sus! Hindi ah. Ah…Eh…Ewan ko.. Pero sa ngayon, masaya ako kapag kasama ko sya. Kahit tinatarayan nya ako lagi at hindi pinapansin. Kahit yosi girl sya at matigas ang ulo. Ewan ko ba. Basta I enjoy her company.”

    “Naku..Iba na yan ha..Pero kung sakali man, alagaan mo sya pare ah..Kilala ko yang si Mikaela..Sobra magmahal yan..”

    Nagtaka ako sa sinabi nyang yun. Parang kilalang kilala nya na si Mikaela. At bakit ganun sya kung makapagsalita? Parang kanya si Mikaela dati, na ngayon binibigay nya na sakin. Haha! Weird talaga ng imagination ko!

    “Nagmahal na pala yung babaeng yun! Haha! Saan mo naman nalaman yan? Tsismoso ka pala Angelo!”

    “Uy pare, waiting na si Gale oh…Tumatawag sakin. Bukas na lang ha!”

    “Sige. Thanks ulit pare..”

    Ang bigat talaga ng pakiramdam ko.. Parang lalagnatin ako..Baka hindi na muna ako pumasok bukas. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, before I knew it. Tulog na pala ako.

    Pagising ko, late na ako. Hindi na talaga ako papasok. Sayang, hindi pa naman kumpleto ang araw ko pag hindi ko naiinis si Mikaela. Kaso, hindi ko talaga kaya eh.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:46 am

    Back to Mikaela’s Point Of View.

    Muntik nanaman akong malate sa klase. Late na kasi ako nagising. Pagpasok ko, napansin kong wala si Andrei. Sinalubong agad ako ni Jacky.

    “Mikaela! Magkwento ka naman! Anong nangyari sa inyo ni Andrei kagabi?”

    “Wala. May atraso ka sakin. Nakipagkuntsabahan ka pa dun sa Andrei na yun.”

    “Mikaela naman! Nga pala, bakit sya absent ngayon?”

    “Ewan ko. Buti na lang. Ngayon na audition para sa guitarist namin eh.”

    Pero bakit ganun? Parang nadismaya nga ako nung absent sya.

    “Hala! Bakit?! Paano naman si Andrei? Akala ko ba nextweek pa?”

    “Irerenovate ang mga kwarto kila Marlon bukas. Kaya ngayon na lang talaga pwede. Marami namang mas magaling pa kay Andrei dyan eh.”

    “Onga naman, andyan si Andrew. Kaso hindi! Sayang talaga si Andrei!”

    “Wala na tayong magagawa. Tinext ko si Andrew kagabi. Kung magiba sya ng isip, pumunta na lang sya kila Marlon.”

    “Uy! Manonood ako ha! Panigurado, daming papables na gitarista dun!”

    “Bahala ka. Basta wag ka mangulo ha.”

    Mga 2:30 nagkita-kita kami ng mga kabanda ko sa labas ng school. Sabay-sabay kaming pupunta kila Marlon. Si Dennis, may kasamang dalawang estudyante. Isang classmate nya at isang taga HRM3FG. Kapwa, acoustic guitar lang ang dala. Si Marlon naman, may kasamang classmate nya. Electric guitar naman ang dala.

    “O? Wala ka man lang nahanap na marunong maguitar sa section mo?”

    “Wala eh. Yung isa absent. Yung isa ewan ko kung susunod.”

    “Ah. Ganun ba? Sige, tara na.”

    Nagsimula na agad ang audition. Pinatugtog ko sila isa-isa. Tumugtog din sila kasama ang banda. Gusto ko kasi malaman kung magmamatch ang pagtugtog nila sa tugtog naming.

    Yung classmate ni Dennis, ewan ko ba parang niloloko-loko lang ang pagstrum. Di mo malaman kung nagseseryoso talaga. Kahit si Marlon, di aprub sa kanya. BAGSAK.

    Yung taga HRM3FG, di marunong magbasa ng tabs. Ano yun? BAGSAK

    Yung classmate ni Marlon, Ang OA tumugtog. Nasira tuloy string ng gitara nya. BAGSAK.

    Aaminin ko, mas magaling pa si Andrei sa tatlong kumag na ito.

    “Ano ba mga dinala nyo dito? Wala ng mas titino pa sa mga ito?”

    “Wag ka naman ganyan Mikaela..” Pabulong na sabi ni Dennis.

    “Uy Marlon, ang gwapo nung classmate mo, pakilala mo sa akin. Hihi.”

    *tok tok*

    Binuksan ni Dennis ang pintuan.

    “Ito na ata yung sinasabi mong susunod Mikaela, tignan mo, may dala pa syang acoustic at electric guitar”


    Andrew?!
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:46 am

    Andrei’s Point Of View.

    Natulog ako ulit. Pagkagising ko, ang daming messages. Yung iba galling kay Angelo, yung iba kay Jacky.

    Jacky:Vh0n! Ngy0n n auditi0n..sun0d k d2..waaaaaa!
    Angelo:Pare, ngaun n pla magpapaaudtion si Mikaela. Pno yn? Ano b ngyri sau?
    Jacky:Humab0l k p! e2 address! *insert marlon’s address here*
    Angelo:Ei! Bkt d k rply?
    Jacky:Umpisa n auditi0n…wlang mgling..pd k p humab0l..g0!!

    Nataranta na ako. Kailangan ko makahabol. Ano bang nasa isip nya ni Mikaela at nagpaaudition ng wala ako? Ayaw nya ba talaga ako isali sa banda nya? Kumuha na lang ako ng kahit anong damit sa closet. Nagpalit na ako agad. Naghilamos at nagtoothbrush. Sumakay na ako ng kotse. Nagshortcut na ako papunta dun sa bahay ng bassist nila Mikaela. Buti na lang, taga Makati ako at taga Mandaluyong lang sya. Kaso traffic! Pag minamalas ka nga naman!

    Sa wakas, nakarating na. Hindi ako naligaw dahil sa brief description at directions na binigay sa akin ni Jacky. Pinapasok ako agad ng katulong nila. Dinala ako sa harap ng music room ni Marlon. Kumatok ako.

    Sana hindi pa huli ang lahat…

    Si Mikaela ang nagbukas ng pinto…
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:47 am

    Mikaela’s Point Of View.

    Nagulat ako ng Makita ko si Andrei. Ang putla nya at hingal na hingal. May sakit ata sya, bakit pa sya humabol dito eh…

    “Naku, you’re too late…Nakapagdesisyon na ang banda at si bossing…May bago na kaming lead guitarist..Sori pare ah.” Sabi ni Dennis.

    “Tara, kain ka muna, nagmemeryenda kami ngayon eh. Para di naman masayang pagpunta mo.”

    Hindi nakaimik si Andrei. Halatang nalungkot sya sa nangyari.

    “Sinong bagong lead guitarist nyo?”

    “Ayun oh..Si Andrew..Classmate nyo ata ni Mikaela.”

    “Ah ganun ba. Sige aalis na ako. Pasensya na sa istorbo.”

    “Alis ka na agad? Sige..Uy Marlon! Hatid mo naman ito sa labas!”

    “Wag na. Ako na lang maghahatid sa kanya.”

    Ayan. Sinapian nanaman ako. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi kong yun.

    Paglabas namin. Hindi ako pinapansin ni Andrei. Hanggang sa humarap sya sa akin at sinabing,

    “Gaano ba kagaling yung Andrew na yun at mas napili mo sya kaysa sa akin? Sana hinintay mo man lang ako diba”

    “Magaling si Andrew. He deserves to be our guitarist. Malay ko ba na dadating ka. Kasalanan ko ba yun at nagagalit ka dyan?”

    “Naku! Pasalamat ka. Hindi ko magawang magalit sayo.”

    “Ano?!”

    Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse nya.

    “Saan mo nanaman ba ako dadalhin?”

    “Wala lang. Gusto lang kita makasama. Di kita nakasama buong araw no.”

    Biglang may humawak naman sa kabilang kamay ko. Si Andrew.

    “Kung ayaw ka nya kasama, wag mo ipilit.”

    “At sino ito? Ito ba yung pinagyayabang mong guitarist nyo? Mukha namang di marunong ito eh!”

    “Wala ka ng pakialam dun. Bitawan mo sya.”

    Pagagawan ba daw ako? Inalis ko ang kamay nilang pareho.

    “Wag kayong gumawa ng gulo ditto kila Marlon. Kung gusto nyo magsapakang dalawa, dun kayo sa kalye. Aalis na ako.”

    Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kwarto nila Marlon at nagpaalam na. Sumabay na sa akin si Jacky. Pagbaba ko, andun parin silang dalawa. Nagtitigan.

    “O? Anong meron sa inyo? Baka matunaw kayong dalawa dyan.”

    “Ako na maghahatid sayo” Sabay pa ang dalawa. Ang kulit no?

    “Ayoko na nanaman makipagargumento sa taong tulad mo. Sige, pagbibigyan kita. Ikaw na maghatid kay Mikaela ngayon.”

    “Ikaw na. Mas gusto ka naman ata kasama ni Mikaela eh.”

    “Ikaw na. Panghuli mo na ito. Sa susunod, di na kita pagbibigyan.”

    “Ayos ka din no! Ako dapat magsasabi nun eh!”

    “Teka? Asan na si Mikaela?”

    Nasa jeep na ako nung nakita nila ako. Bahala sila. Mga baliw.

    “Haba ng hair! Pinagaagawan ng dalawang heartthrobs!”

    “Tss.”

    Lumipas ang isang buwan. Puro practice ang iniintindi ko. Si Andrei, ayun hindi nagsasawa sa pangungulit sa akin. Si Andrew naman, panay ang compose naming ng mga kanta. Ang galling nga dahil nagmamatch ang ideas naming sa isa’t isa. Pero misteryoso talaga yung si Andrew. Tahimik sya at kung magsasalita man sya, may katuturan. He’s a man of a few words. But may sense sya. Sabi ng iba kong bandmates nagkakamabutihan na daw kami. Sus. Nagkakasundo lang talaga kami sa maraming bagay kaya ganun.

    Religion class. May iiaanounce yung prof naming. Balita ko, tungkol daw sa retreat naming. College na, may retreat pang nalalaman.

    “Class, I’ve mentioned to you before about your retreat. The retreat will be held in La Sallete, Cavite. Based on my schedule, your retreat will be on Friday! 3 days and 2 nights tayo dun. Bring the following, Bible,Ballpen….”

    “Yehey! Excited na ako Mikaela! Ikaw, di ka ba excited?”

    “Ayos lang. Puro iyakan lang yun eh.”

    “Haha! Sa wakas, makikita na kitang umiiyak!”

    “Hindi ako iiyak dyan. Sanay na ako dyan. Catholic school ako galling, every year, lagi kaming may ganyan.”

    “Hindi mo rin masasabi! Haha! Rebelasyon na ito!”

    “Uy Mikaela! Saya nito! Excited na ako! Tabi tayo sa bus ah! Dala ka maraming pagkain ha!”

    Isip bata talaga itong si Andrei. Baliw talaga. Wala naman nakakaexcite eh. Tinatamad ako pumunta kaso makulit si Jacky eh.

    “Mikaela! Gising na! Langyang bata ito o! Tulog-mantika! Alam ng may pasok sya kinabukasan, natulog pa ng hatingabi dahil sa pagcocomputer!”

    Pwede bang irecord mo na lang yan Ma? Sinadya ko talaga yun, baka sakaling mahuli ako sa retreat naming at di na ako makaabot.

    Nakasabay ko si Andrew pagpasok. Tinatamad din pala sya pumunta. Binagalan ko na nga ang pagkilos, nakaabot pa din. Nakasakay na silang lahat sa bus. Kami na lang pala ang inaantay. At si Andrei! Nagreserve pa ng upuan ko sa likod! Andun sila ni Jacky at Angelo sa pinakalikod at nagaantay. Umupo na kami ni Andrew sa likod. Nararamdaman ko nanaman ang tension sa pagitan ng dalawang yun. Kaya dun ako sa gitna nila umupo.

    “O? Bakit late ka? Tinatamad ka pumunta no?”

    “Oo. Pati nga si Andrew eh. Sayang, umabot pa kami.”

    “Sayang, sana ikaw na lang umabot.”

    Tinignan ko ng masama si Andrei. Mamaya pagsimulan nanaman nila ng away yan eh.

    Ang boring. Nagsoundtrip muna ako sa mp3 ko. 128 MB lang yung akin. Nakita ko yung kay Andrei, Ipod video. Iba talaga pag mayaman.

    “Class! Magrosary muna tayo. Pagkatapos nun, may gagawin tayong masaya!”

    “Naku mam! Baka may matunaw ditto!” Sabay tingin naman ni Andrei kay Andrew.

    Hindi sya pinansin ni Andrew, linabas ni Andrew yung rosary nya. Si Andrei, nanghihiram ng rosary, wala naman palang dala.

    “Pare! Wala ka palang dala eh! Ikaw ata matutunaw pag humawak nun kaya hindi ka nagdala!” Sabay tawa ni Angelo.

    “Manahimik ka nga! Nagbabanal-banalan lang yung isa dyan!”

    Nung matapos na yung rosary, inannounce na nung adviser naming yung gagawin daw naming “masaya”

    “Dahil bored kayo, ipapakita ng mga classmates nyo mga talents nila! Pwede kayong kumanta,tumula o kahit ano. Yung mga gusting magvolunteer, punta na sa harap.”

    Wow. Yun pala yung masayang yun. Ano ba yan, ginagawa kaming highschool. Inaantok ako. Tutulugan ko na lang sila.

    Tumayo si Andrei at lumapit sa harap. Kakanta daw sya at tutugtog ng gitara. Langya talaga itong lalakeng ito. Magpapakitang gilas nanaman. Nagtilian yung ibang girls sa amin as usual.

    Dahil pumunta si Andrei sa harapan, magkatabi na kami ni Angelo. Si Andrew,nakayuko at nakatulog na agad. Ayaw ata panoorin si Andrei. Napansin ni Angelo na inaantok ako at biglang,

    “Sandal ka sa balikat ko oh…”

    Hinawakan nya ang ulo ko at pinasandal sa balikat nya. Hindi ko maexplain kung ano nararamdaman ko nung mga oras na yun. Naalala ko nanaman ang araw na yun..

    Tumugtog na si Andrei. Huling El Bimbo nanaman? Hindi halatang favorite nya yun no?

    Lalo tuloy bumabalik yung mga alaala ng nakalipas. Ewan ko, pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na maibabalik ko pa yun. Naghihintay pa din ako.

    Habang nakasandal ako sa kanya, busy sya sa pagtetext. Hindi ko sinasadyang mabasa yung tinetext nya..

    ‘Bebi, ok lang po ako d2..! Mis na agad kta..! 2 araw dn tau d mgki2ta. Ingat k olweiz ah.! Mwah.! Love you bebi koh..!’

    Bigla akong umalis sa pagkakasandal ko. Mali. Maling mali.

    Mali na umasa…

    Mali na maghintay..
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:48 am

    “O? May problema ba Mikaela?”

    “Ah…Eh…Wala…Hindi na kasi ako inaantok..”

    Hilo na rin ako nung mga oras na yun. Naku, patay na. Ito ang ayoko sa pagsakay ng bus eh. Tapos puyat pa ako. Hindi na dapat ako nagpuyat.

    Tumingin si Angelo kay Jacky at Andrew. Si Andrew, busy parin sa pagsosoundtrip. Si Jacky busy sa pagtetext. Saka sya tumingin ulit sa akin.

    “Mikaela…Nga pala…Ano…Gusto kong sabihin na..”

    Ano kaya sasabihin nya? Matagal na syang may gusto sabihin sakin kaso lagi na lang napuputol!

    “Ayos ba performance ko? Gusto ko pa ngang kumanta kaso nga lang, pinigalan na ako ni Mam. Bigyan ko naman ng chance yung iba! Haha!”

    Naputol nanaman?! Bwisit talaga itong si Andrei. Tapos na pala yung pagkanta nya. Laging wrong timing dumating!

    Ito na, inaantok na ako, nahihilo pa. Bakit pa kasi ako nagpuyat kagabi eh!

    Si Andrew naman ang nakapansin na inaantok ako. Pinasandal nya ako sa balikat nya. Atleast, ngayon, hindi ako naiilang pag sa kanya nakasandal. Iba talaga pag si Andrew kasama ko.

    “Hoy payatot! Gusto mo bang magkabukol si Mikaela pag sayo sya sumandal? Puro ka buto dyan eh!”

    Nagtawanan si Angelo at Jacky. Sira talaga itong si Andrei. Kelan nya balak tigilan si Andrew?

    “Lika, dito ka sumandal sa akin. Tiyak, masarap tulog mo. Mas may laman naman ako kaysa sa payatot na yan! Gusto mo kantahan kita?”

    Hinawakan ni Andrei ang ulo ko at pinasandal sa balikat nya.

    “Wag na. Nawala na antok ko. Salamat na lang.”

    “Naistorbo pa pagtulog mo. Masyadong mapapel kasi ibang tao dyan eh.”

    “At sinasabi mong paepal ako ganun?”

    “Sino pa ba ibang paepal dito?”

    “Aba’t iniinis mo talaga ako ha!”

    “Mga pare, mas maganda kung wag na kayo masyadong maglikot. Masama pakiramdam ni Mikaela eh.”

    “Oo nga. Mikaela, mukhang masama pakiramdam mo eh. Sandal ka na sakin. Mas sasama pakiramdam mo pag ganyan kalikot at kakulit ang sasandalan mo.”

    Pinasandal nya ulo ko sa balikat nya. Ayoko na! Lalo lang akong nahihilo sa ginagawa nila!

    “Baka bumaon lang ang balikat mo sa ulo ni Mikaela dahil sa buto-buto mo! Mikaela, ditto ka na lang sakin!”

    Pilit na sinandal naman ni Andrei ang ulo ko sa balikat nya. Pakiusap, tama na! Hilong hilo na ako!

    “Ayaw na nga sayo, pinipilit mo pa sarili mo!”

    Hinawakan ni Andrei sa kwelyo si Andrew. Sa gitna ko pa nagaway ang dalawa! Si Angelo, hindi makali. Alam nya na ata ang mangyayari. Hindi ko na kaya ito..Ang likot nila…Hindi ko na matitiis pa..

    “Guys! Tama na yan! Si Mikaela! Baka…Baka…”

    “Urrrggghhh”

    “Sumuka sya…”

    Sumuka ako. Nakakahiya. Kaya ayokong sumakay sa mga bus eh. Kaya ayokong sumama sa retreat na ito. Sa Bus lang ako nagkakaganito. Sa kotse naman hindi. Nasukahan ko yung pantalon ko,bag ni Andrew,gitara ni Andrei,pantalon ni Andrei at polo ni Andrew. Kasalanan din nila ito eh!

    Nataranta na sila pareho. Kumuha ng bimpo sa bag si Angelo. Binasa nya ng mineral water nya. Pinunas nya sa mukha ko at saka naman sa pantalon ko.

    “Sis! Ok ka lang? Kaya pala naalala ko, hindi ka umaattend sa mga hotel and restaurant tours natin! Haha!”

    Sapakin ko kaya itong si Jacky? Nangasar pa! Sobrang napapahiya na ako. Badtrip!

    Hindi mapakali yung dalawa. Hindi alam kung ako ang uunahin o ang mga gamit nilang nasukahan ko.

    “Mikaela, Sorry. Hindi ko naman alam na madali ka palang mahilo sa bus. Nainis lang talaga ako ditto sa kaibigan mo eh.”

    “Mikaela! Ang tanda-tanda mo na, nahihilo ka pa sa bus! Pero hindi ka sana nahilo lalo kung di lang dahil sa kaangasan ng kabanda mo eh!”

    “Tama na pwede?”

    “Kasalanan mo kasi ito eh!”

    “Pwede ba, wag ako sisihin mo. Ikaw nagsimula dyan eh.”

    “Tama na please?! Urrrghhh!”

    Nasuka nanaman ako. Buti na lang, may plastic si Angelo. Pinaghandaan nya ba ito?

    “Mikaela, tubig oh. Inom ka muna. May bonamine ako para hindi ka mahilo. Asikasuhin nyo na muna mga gamit nyo. Ako na bahala kay Mikaela.”

    “Wow! Boyscout ka Angelo ah!” Hirit ni Jacky. Tapos, tumingin naman sya kay Andrei at Andrew.

    ”Hoy kayong dalawa, pwedeng lumayo-layo muna kayo sa isa’t isa at pati narin kay Mikaela!”

    Bale, si Andrei napunta sa dulo, nasa gitna ako ni Angelo at Jacky at kabilang dulo si Andrew. Natahimik na din ang mundo ko sa wakas.

    Umakbay sakin si Angelo at kusa na akong sumandal sa kanya. Bahala na. Mali na kung mali pero masarap sa pakiramdam eh.

    Nakatulog na ako ng mahimbing sa wakas. Sayang, mabilis ang takbo ng oras. Makalipas ang isang oras, ginising na ako ni Angelo dahil nakarating na pala kami sa aming destinasyon.

    “Mikaela, gising na…Andito na tayo..”

    Kinuha ko na gamit ko. Pero dinala na ito ni Andrew. Nangonsyensya ata sa ginawa nila kanina at gusting makabawi.

    “Hoy ako dapat magdadala nyan ah!”

    Tumingin ako ng masama kay Andrei. Naiinis na ako sa inaasal nya. Hindi na nakakatuwa. Nanahimik na lang sya at padabog na umalis.

    Dinala ni Andrew ang gamit ko hanggang sa pintuan ng Girl’s dorm. Hindi kasi pwede pumasok dun ang mga lalake.

    “Thanks ah..”

    “Pasensya na talaga dun sa kanina ha..Hindi na mauulit. Pangako, mananahimik na lang ako pag nanginis nanaman yung kaibigan mo.”

    Tapos umalis na si Andrew patungong Boy’s Dorm. Pumasok naman ako ng dorm naming at hinanap yung nakaassign na kwarto para sa amin ni Jacky.

    “Oi! Kala mo hindi ko napansin?”

    “Alin nanaman?”

    “Yung kayo ni Angelo..Sweet nyo kaya..Alam na alam nya kung anong gagawin kapag nagkakaganun ka..Ano ba talaga meron sa inyo dati?”

    “Jacky, san ka? Sa taas o ibaba?” Sabay turo ko sa double-deck na kama sa kwarto naming.

    “Baba na lang ako! Kung sakaling may multo, makakatakbo ako agad! Mga lumang dorms na ganito, kadalasan may multo eh!”

    “Naniniwala ka pa dun?”

    “Uy, teka! Di mo pa sinasagot tanong ko eh.”

    Iniwan ko si Jacky. Maghihilamos ako at magpapalit ng pantaloon ko.

    “Hoy! Wag mo naman ako iwan! Baka may lumitaw na white lady sa kwarto eh!”

    “Basta tigilan mo na ang pagtatanong ng mga walang kwentang bagay.”

    “Oo na! Basta wag mo akong iwan magisa sa kwarto!”

    Pagkatapos maghilamos at magpalit ng pantaloon, dumeretso na kami sa Activity room para sa mga activities naming.

    Activity na kami agad. Ang kulit nung Retreat Master naming si Kuya Red. Member sya ng YFC. Napakacommon na nung activity na pinagawa. Ginawa na namin noong highschool. Susulat mo pangalan mo sa papel tapos iikot yun. Lagay mo yung negative at positive traits nung taong may-ari ng papel na yun.

    Pagkatapos nun, kinuha bigla ni Jacky yung papel ko. Sya na nagbasa para sa akin. Hindi naman ako interesado kung ano man ang iniisip sa akin ng isang tao eh..

    “Haha! Tignan mo ito Mikaela. Ang kulit! May galit ata ang taong ito sayo at nilagay lahat ng negative traits mo!”

    “Wala nga akong pakialam dyan. Tapon mo na yan.”

    “Teka, babasahin ko ah! Masungit,Suplada,Lagi nakasimangot,Mataray,Sukahin,Nakakatakot tumingin,Tamad,Yosi-girl,Laging late sa klase….Oi teka! Nakalagay sa positive, naka-all caps sya! SA LIKOD NG MGA IMPERFECTIONS NA YAN, SOBRANG SPECIAL SYA. MAY TINATAGO SYANG KABUTIHAN NA AKO MISMO ANG NAKAPANSIN.”

    “Corny naman nyan. Tapon mo na yan sabi eh!”

    “Parang alam ko na kung sino nagsulat nito ah!”

    “Ako rin eh. Kaya pala corny eh. Tapon mo na.”

    Pagkatapos nung activity na yun, meron ulit panibago. Lalabas daw kami ng Activity room at iikot-ikot sa mala-park na lugar ng La Sallete. Babalik kami after 1 hour. Dapat may dala kaming bagay na nakuha namin sa pagikot-ikot namin tapos ieexplain namin kung bakit yun ang kinuha namin.

    Pagbaba namin, pagpipicture agad inasikaso ng mga kaklase ko. Isa na dun si Andrei. At niyaya pa kami magpapicture!

    “Teka! Picture muna tayong lahat! Remembrance man lang! Sige na please! Oy payatot!
    Ikaw kumuha samin ng picture! Baka kasi masira yung camera pag kasama ka pa!”

    Hindi na nagsalita si Andrew tulad ng pinangako nya sa akin. Ayoko man magpapicture, mapilit si Jacky. Pinagbigyan ko na. Matapos ang picture taking, naghiwa-hiwalay na kami.

    Pagbalik naming, halos pare-pareho lang ang dala namin. Si Jacky, may dalang color pink na bulaklak. Ako naman maliit na bulaklak na binunot ko sa kung saan. Ewan. Bakit yun pa dinala ko. Bahala na sa pageexplain.

    Pinakahuling bumalik si Andrei. Ano ba itong dala nya? Ang laking branch ng puno! Mas malaki pa ata sa kanya yun eh! Nagtawanan yung mga classmates naming! Papansin talaga itong si Andrei. Ewan ko ba sa kanya. At inasar nya nanaman si Andrew.

    “Ayos yang dala mo ah!” Sabay turo sa mahaba at payat na stem ng bulaklak na dala ni Andrew.

    “Ikaw na ikaw yan ah! Patpat! Haha!”

    Napansin sya bigla ni Kuya Red at biglang tinawag ang atensyon nya.

    “Interesting ang dala mo! Ikaw na ang maunang magexplain! Ano nga palang pangalan mo?”

    Naku, kinabahan ata si loko. Puro kasi kalokohan. Paano nya kaya ieexplain ngayon ang dala nya?

    “Vhon Andrei Buenaventura po…”

    Pero bigla syang ngumiti at pumunta sa harapan. Confident na confident pa sya.

    “Ehem..Ehem…Para sa akin, maraming ibig sabihin ang branch na ito. Hindi ko ito dinala para magpatawa man o ano. Mahirap man syang dalhin, dinala ko parin ito dahil ito ang gusto kong dalhin! Sa buhay, pag may gusto akong tuparin o gawin, kahit gaano pa sya kahirap o kabigat, gagawin ko parin! Tulad na lang nung babaeng iniibig ko ngayon, kahit mahirap syang paibigin, gagawin ko lahat para mapaibig sya. Kahit gaano pa sya kahirap paibigin. Dahil tulad ng branch na ito, ganito rin kalaki ang pagibig ko sa kanya!”

    Tapos bigla syang tumingin sa akin. Sinadya nya ba yun? Ano naman kinalaman ko dun?

    Nagpalakpakan ang mga classmates ko. Yung iba naghiyawan pa. Ano bang sense nung sinabi nya? Parang nagpaikot-ikot lang sya.

    Pagkatapos nun, ako naman napili nung Retreat Master. Napansin nya ata yung bulaklak na dala ko. Alam nya ata kung anong klaseng bulaklak yun.

    “Pretty lady, Bakit ang bulaklak ng Astilbe? Do you know what it means pagbinigay mo sya sa isang tao?”

    Hala…May mga meanings pala ang mga bulaklak…Nakakainis talaga oh…Parang ayokong marinig kung ano meaning ng bulaklak na yun. Masama ang kutob ko…

    “It means….”

    “I’ll still be waiting…”

    Ano daw?!

    “Yun ba? May hinihintay ka ba?”

    Naghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi ako makapagsalita. Bakit ba sa lahat pa ng bulaklak, yan pa na pili kong dalhin.

    “Ah…Eh…”

    “Sino ba ang maswerteng tao na inaantay mo? Sa ganda mong yan, hindi ka dapat nya pinaghihintay!”

    Eh kung ikaw na lang kaya nageexplain? Lokong ito. Nakakainis. Gusto ko ng bumalik sa upuan ko.

    “Speechless ang magandang binibini..Sige, ill give you time to think. Upo ka na muna. Babalikan na lang kita mamaya. Yung guy na may iba’t ibang klaseng bulaklak, ikaw naman magexplain!”

    Si Angelo yun. Maraming nalalaman sa bulaklak yan eh. Paano ba naman, halos araw-araw dinadalhan ang girlfriend nya ng bulaklak. Tsk tsk..Lucky girl..

    “Ah…Eh..Itong dala ko, isang Purple Hyacinth..Ibig sabihin nito, Forgiveness. May isang tao kasi akong nasaktan ng sobra dati at hindi ko alam kung napatawad nya na ako..”

    “Lalim nun ah..Sige, ipagpatuloy mo lang..”

    “Ito naman, isang Striped Carnation, ang ibig sabihin naman nito, Sorry, I can’t be with you..”

    “At ang huli…Isang Pink Carnation…I’ll never forget you..”

    “Aba…Seryosong seryoso ka iho. Para kanino mo ba inaalay ang mga bulaklak na yan? Andito ba sya?”

    Kanino nga ba? Sa akin ba?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:48 am

    “Ha? Ah…eh..”

    “Naku! Angelo! Patay ka kay kumander nyan!” Asar ng isang katropa ni Angelo.

    “Pa-ander effect ka pa! May iba ka pala ah! Haha!” Hirit pa ng isa nyang katropa.

    “Teka, tawagan ko nga si Gale. Ano ba number ni Gale?”

    Nagtawanan ang mga katropa nya. Maliban kay Andrei. Ewan ko kung bakit hindi nya inaasar si Angelo nung mga oras na yun.

    “Masyado na tayong nagiging madrama dito.. Atleast, nasabi na nya ang gusto nyang sabihin. Yung lalake naman dun sa dulo. Explain mo nga yung dala mo.”

    Si Andrew naman yun. Mukhang pinulot nya na lang kung ano ang nakita nya. Paano nya naman kaya ieexplain yun?

    “Ang tangkay na ito, ito yung humahawak at sumusuporta sa bulaklak. Maraming tinik ang tangkay na ito. Nangangahulugan lang na hindi papayag ang tangkay na meron na lang basta bastang bubunot sa bulaklak nya. Kung may gusting kumuha sa bulaklak, dapat maging maingat sya sa pagbunot sa bulaklak para hindi masaktan ang bulaklak at kung talagang karapatdapat sya, maingat nyang makukuha ang bulaklak ng hindi natutusok ng mga tinik ng tangkay.”

    Nanahimik ang lahat. Di siguro nila naintindihan si Andrew. Pero ako, naintindihan ko sya. Ang lalim talaga ng taong ito. Kakaiba.

    “Weirdo ka talaga kahit kailan, lampayatot!” Hirit nanaman ni Andrei.

    “So anong koneksyon nito sayo?”

    Napatingin si Kuya Red sa orasan.

    “Mamaya na lang pala. Lunchbreak nyo na. After nun siesta nyo na. Makakapaglibot-libot na kayo okay? Mas mainam kung matutulog kayo dahil matinding puyatan ang magaganap mamayang gabi.”

    Naku, pagkakain ko, tutulog na lang ako. Wala akong panahon maglibot.

    Deretso kami sa lunchroom. Pumunta na kami sa mesa namin. Magkakasama kami ni Andrew,Jacky at ang newfound friend ni Jacky na si Sophia. Walang ibang kasama si Andrew dahil wala nga syang kaibigan sa classroom. Sa akin na lang sya sumama.

    Ang sama ng tingin ni Andrei sa amin. Ano nanaman bang problema ng taong ito?

    Medyo gutom na ako dahil hindi ako nagalmusal. Para na tuloy akong lalaki kung kumain. Hindi ko na nginunguya yung pagkain, lunok na lang ata ako ng lunok.

    “Uhmmm..Mikaela, may kanin ka sa tabi ng labi mo oh.”

    Nyak. Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat dahan dahan akong kumain. Nakakahiya naman.

    Sinubukan kong tanggalin kaso hindi ko mahanap kung nasaan. Si Andrew tuloy ang nagtanggal.

    “Uyyyyy…Haha…Kakakilig sila no?” Sabi ni Jacky.

    “Onga eh! Cute nila panoorin.” Sabi naman ni Sophia.

    “Haha. Tignan mo naman yung isa dun, umuusok na ang ilong sa selos!” Sabay turo naman nila kay Andrei.

    Biglang tumayo si Andrei at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

    “Hilo ka parin ba? Magtatanggal ka lang ng kanin sa labi papatanggal mo pa sa iba! Dyan pa sa taong yan! Subuan na nga lang kita!”

    Susubuan daw ako? Asa pa sya. Wag na. .

    “Hay..Nagsimula nanaman tayo..”

    “Hoy patpating lampayatot! Manahimik ka na nga lang dyan!”

    Hindi ba sya nauubusan ng pangasar ka Andrew?

    “O dahan-dahan sa pagsubo ha! Nganga na!”

    Mapilit ka ha. Sige. Pagbibigyan kita. Kinain ko yung sinubo nya sa akin.

    “Ako naman magsusubo sayo? Okay lang?” Paflirt effect pa ako nun.

    “Talaga? Yehey! Sige! Sige!”

    “Say ah!”

    Sinubuan ko sya ng sunod-sunod. Nabulunan ang loko.

    “O? Subukan mong iluwa ang sinubo ko sayo at hindi na kita kakausapin kahit kailan!”

    "Uy! Bruha! Kawawa naman si Andrei!"

    “Jacky, punta muna ako sa dorm ha. Tulog lang ako. Bitin yung tulog ko sa bus eh.”

    “Ha? Di ka sasama sa paglilibot? Hala kay mumu sa dorm!”

    “Hindi. Nakakatamad. At pwede ba Jacky, tigil-tigilan mo ang pagpapaniwala sa mga multo na yan.”

    Umalis na ako ng Lunchroom at dumeretso sa dorm. Humiga ako sa kama ko at nagsoundtrip sa mp3 ko. Hindi ako makatulog. Napapaisip ako sa maraming bagay. Hindi ko maalis sa isipan ko yung nangyaring activity kanina. Hindi ko maintindihan si Angelo. Para sa akin ba yung bulaklak na yun?

    Matapos ang kalahating oras. Hindi parin ako mapakali. Hindi ako makatulog.

    Biglang lumamig ang paligid. Kanina lang mainit dito sa kwarto eh. Ang weird naman. May kumatok sa bintana ko. Sino naman ang mambubulabog sa akin eh lahat sila nasa lunchroom. Sh*t. Tama nga ata si Jacky. May multo nga sa dorm na ito. Ayokong lumingon sa bintana ko. Baka kung ano kasi Makita ko.

    Biglang bumukas ang bintana at may kumalabit sa akin!

    “Momeeee!”

    Napasigaw ako. Muntik pa akong mahulog sa kama!

    Pagtingin ko, si Andrew lang pala.

    “O? Kala ko ba, di ka naniniwala sa mga multo na yan. Bakit natakot ka? Nakakatawa ka pala pag natatakot.”

    At bigla syang tumawa.

    Ang sobrang seryoso at misteryosong si Andrew ay marunong tumawa?

    “Hindi ba ako nakakaistorbo? Lika, yosi tayo! Hehe. Di ko matiis eh.”

    At ngumiti sya.

    Ang sobrang seryoso at misteryosong si Andrew ay marunong din palang ngumiti?

    “Oo ba! Hindi rin ako makatiis eh! Buti na lang may dala ka!”

    Lumabas ako ng dorm. Naglibot muna kami ni Andrew. Naghanap kami ng lugar na tago para dun kami magyoyosi.

    Nakahanap kami ng lugar sa bandang dulo na ng La Sallete. Wala talagang katao-tao dun kaya dun na lang kami nagyosi.

    Gwapo talaga sya sa malapitan. Kahit payat sya, may dimples na lumalabas pag nakangiti sya. Maputi sya. Pale rather. Pero mapula yung lips nya. Parted yung hair nya sa gitna. Ang cute nga tignan kapag linilipad ng hangin yung buhok nya eh.

    Ang tahimik. Grabe. Tahimik na nga ng paligid, tahimik pa kaming pareho. Ang hirap pag dalawang tahimik ang nagsama. Paano na yan? Mikaela, magisip ka ng magandang mapaguusapan!

    “Err..Akala ko ba ayaw mong sumali sa mga banda? Bakit naisipan mong magaudition?”

    “Huh? Eh sabi mo, magaudition ako eh.”

    Ano daw? Di ko magets yung dahilan nya ha.

    “Alam ko kung ano ang nararamdaman mo..Bakit pilit mo pang tinatago?”

    “Ano? Anong nararamdaman ko?” Weird talaga ng taong ito. Ano ba nakain nya at ganito sya ngayon?

    “Nasasaktan ka pero pilit mong tinatago. May tao kang pinahahalagahan pero hindi mo magawang ipakita kung gaano sya kahalaga sayo. May hinihintay kang tao. I can’t give any specific details but I guess that’s what you feel..Am I right?”

    Ang galing naman ni Andrew. Alam nya kung anong nararamdaman ko. He sees me behind my façade. Hindi pa ako nakakakilala ng isang taong nakakaintindi at nakakapuna ng tunay na ako. Iba talaga sya. Pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magladlad.

    “You’re right. Sorry but I think this isn’t the right time para malaman mo kung ano ang nasa likod ng lahat ng ito.”

    “Ganun ba. Nirerespeto ko kung ano man ang desisyon mo. Atleast I know that my instincts are right.”

    “Alam mo, nagets ko yung sa tangkay na prinesent mo kanina!”

    “Ows…Sige nga..Explain mo..”

    “May tao kang prinoprotektahan at pinapahalagahan. Hindi mo sya pababayaang basta-basta na lang makuha ng isang taong hindi naman karapatdapat. Ikaw ang humahawak sa kanya para hindi sya bumagsak. Tama ba ako? Hindi ko maexpress ng maayos eh but I guess that's pretty much it.Sino naman ang bulaklak na yun? Special someone? Family?”

    “Galing mo talaga..Gusto mo ba talaga malaman?”

    “Ha? Ay, o sige. Kung ayaw mong sabihin, ok lang.”

    “Ikaw yun.”

    “Ano?!”

    Nagulat ako. Tama ba ang narinig ko?

    Niyakap ako ni Andrew. Ang higpit nga ng pagkakayakap nya eh. Andrew? Ano ba talagang nangyayari sayo?

    “Ikaw yun. Kaya ayokong nilalapitan ka ni Andrei. Pakiramdam ko kasi, hindi sya ang karapatdapat sayo. Pero..Pero..”

    Pero ano?

    Bigla nyang inalis ang pagkakayakap nya sakin. Dumating sila Jacky kasama ang iba. Nakita kaya nila kami? At…Kasama nila si Andrei! Bakit nakashades sya? Pacute nanaman si loko!

    Nagulat ako ng wala syang reaksyon nung makita nya na kami lang dalawa ni Andrew ang magkasama.

    “Pareng Andrew! Tapos na ang siesta! Bakit andito pa kayo? Tara na’t bumalik na tayo sa Activity Room” Sabay akbay ni Andrei kay Andrew.

    Aba, at kelan pa nagging close ang dalawang ito?

    “Uy! Friendships na pala kayo! Kelan pa?” Sabi ni Jacky.

    “Kanina lang! Naisip ko na magkapantay lang pala kaming dalawa! Kahit macho ako at patpatin sya! Haha! May the best man win na lang pare?” At kumindat sya kay Andrew. Si Andrew naman. Tahimik na ulit. Sa akin lang ata sya nagiging madaldal.

    Yabang talaga nitong si Andrei. Kala mo, macho talaga.

    Matapos ang mga ilang activities, dinner na at shower time. Pagkatapos daw nun, yun na daw yung mga paiyakan ek-ek nila.

    Sa ibang kwarto kami pinapunta. Kakaiba nga eh. Makaluma tapos pabilog yung kwarto. Gawa lang sa kahoy yung kwarto tapos nakabukas lang yung mga pintuan na gawa sa kawayan. Ang drama talaga ng dating. Pinatay nila ang ilaw at tanging isang kandila lang ang nakalagay sa gitna.

    Nagsimula na si Kuya Red. Sa totoo lang, hindi ako tinatablan sa mga ganyan. Kadalasan kasi patungkol sa pamilya ang mga hirit ng retreat masters eh. Fortunately, wala akong problema sa pamilya ko. Sobrang swerte ko at napunta ako sa pamilya ko ngayon. Naawa ako kay Jacky. Ang lakas ng pagiyak nya. Paano kasi, hindi sila nagkakasundo ng mama nya eh. Kahit nasa ibang bansa ang papa nya at minsan lang umuwi, mas nakakasundo nya pa ito kaysa sa mama nya na kasama nya sa bahay. Si Angelo naman, umiiyak din. Wala ako masyadong alam sa pamilya nya pero tanda ko nung religion class naming dati, nung tinanong sya tungkol sa papa nya, hindi nya daw ito kilala at hindi nya daw alam kung nasaan ito. Gusto ko silang damayan kaso nga lang, sabi ni Kuya Red wag daw namin pansinin muna ang mga katabi namin.

    Umulan ng malakas. Ang lakas ng hangin. Nakabukas parin kasi yung mga pintuan eh. Ang lamig. Sa sobrang lamig, naisip kong pumunta munang dorm para kunin ang jacket ko.

    Pagdaan ko sa corridor ng dorm, napansin ko may lalakeng nakaupo at nakikipagusap sa cellphone. Hindi ko sinasadyang makinig, nalaman ko si Andrei pala yun!

    “Ma..Ok ka lang dyan? Namiss kasi kita eh..Ma, alam mo bang ma-“

    Naputol ang sasabihin ni Andrei. Maya-maya, hinang nya na din phone nya.

    May tinawagan ulit sya. Papa nya naman ata. Kaso wala atang nasagot dahil tinago na ulit nya yung phone nya.

    Tumayo sya at nung palabas sya, nakita nya ako. Nakita ko, namamaga mga mata nya, kanina pa pala sya umiiyak.

    “Ah..Sorry..Hindi ko sinasadyang makinig..Napadaan kasi ako para-“

    Bigla nalang nya akong yinakap ng mahigpit. Lalong lumakas ang pagiyak nya. Kahit na naiinis ako sa kanya, biglang lumambot ang puso ko at naisipan ko ng damayan sya.

    “Bakit? Bakit di nila ako magawang pahalagahan tulad ng iba nilang anak? Bakit sakin lang sila ganito?”

    Hindi ko man alam yung mga pangyayari, nararamdaman ko ang mga hinanakit nya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako marunong magpatahan ng isang tao eh…Pero mas magandang pabayaan ko na lang syang umiyak. Akalain mo, ang sobrang kulit at hyperactive na si Andrei, may tinatago palang mga sama ng loob.

    Matagal din syang nakayakap sa akin. Tahimik lang kami pareho. Umalis na sya sa pagkakayakap nya sa akin at tumingin sya sa akin.

    “Salamat Mikaela..Maraming salamat. Marami ka ng nagagawa para sa akin, habang ako, wala. Wala akong magawa..”

    Walang magawa saan?

    “Sinabi ko pa naman na ako na ang magiging superproxy mo..”

    “Tapos wala akong magawa…”

    “Wala akong magawa para mabawasan man lang ang mga sama ng loob mo..”

    Kumulog ng malakas. Hindi ko narinig ang sinabi ni Andrei. May narinig kaming mga footsteps mula sa entrance ng dorm. Tapos na ata ang madramang session nila.

    “Mikaela, Alis na ako,ayokong Makita nila akong ganito. Ikaw palang nakakita sakin na ganito. Goodnight!”

    “Sige…Night…”

    Katulad ko, sya rin pala ay maraming tinatagong hinanakit…
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:48 am

    Ang daming ngyari ngayong araw na ito. Sa amin ni Angelo,Andrew at Andrei. Naprapraning na ako. Buti pa dati, hindi ako nagkakaganito. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Maliban syempre sa mga taong mahahalaga sa akin. Pero ngayon, ah ewan! Praning na ako! Ano pa ang maaring mangyari ha? Ewan ko. Badtrip talaga.

    Natulog na agad ako bago pa ako usisain nila Jacky. Makalipas ang ilang minuto, nakatulog na agad ako bago pa makabalik sila Jacky.

    Nagising ako ng may magtext sa akin. Si Angelo. Lumabas daw ako at may sasabihin daw sya sa akin. Hmmm…Ano kaya yun? Dinala ko ang flashlight ko dahil baka walang ilaw sa labas at madapa pa ako.

    Lumabas ako ng dorm. Ang dilim nga. Binuksan ko ang flashlight ko at nakita ko si Angelo na nakaupo sa bench. At may dala syang bulaklak. Isang red na rose?! Linapitan ko sya at umupo ako sa tabi nya.

    “Mikaela, alam mo na siguro ang ibig sabihin ng bulaklak na ito hindi ba?”

    “Ha..Ah..Naguguluhan a-“

    Nilagay ni Angelo ang daliri nya sa mga labi ko.

    “Hindi mo kailangang maguluhan..Hindi mo na kailangang maghintay…Dahil..”

    “Andito na sya…Ang lalakeng nararapat talaga para sayo…”

    “At ako yun Mikaela…”

    Biglang lumabas si Andrei mula sa likod nung punong malapit sa amin..

    “Anong ikaw? Ako yun! Ako ang unang minahal ni Mikaela!”

    “Anong ikaw? Sinaktan mo lang sya eh! Dun ka na sa Gale mo!”

    “Please wag kayo magaway pwede?”

    Ano ba ito? Bakit nila ako pinagaawayan? Ayoko ng ganito!

    “Nahihibang ba kayong dalawa? Kung merong nararapat para kay Mikaela, eh ako yun. Nagkakasundo kami sa maraming bagay at ako lang ang nakakaalam ng totoong Mikaela”

    “Hoy lampayatot! Tumigil ka dyan at wag ka ng makisama pa sa gulo naming!”

    Sinapak ni Andrew si Andrei. Hindi ko na kaya ito. Ano ba ang nangyayari sa kanila?

    “Lika na, Mikaela. Alam mo namang ikaw lang ang minahal ko diba?”

    Hinawakan nya ang kamay ko ng biglang,

    “San mo dadalhin si Mikaela? Anong klase kang kaibigan?”

    Inuppercut naman ni Andrei si Angelo. Tumalsik si Angelo at napahiga sya sa lupa.

    “Tama na pakiusap! Pwede naman nating pagusapan ito eh!

    Bumangon sya mula sa pagkakabagsak nya dahil sa sapak ni Andrei. At ginantihan nya ng sipa si Andrei.

    “Hindi pa ako tapos sayo! Kala mo ha!”

    Ayoko na. Ayoko ng ganito. Tama na. Pakiusap.

    Hihirit nanaman ng isang suntok si Andrei kay Angelo, pero humarang ako at...

    Ako ang nasapak nya!

    Nahilo ako dun..Buti nasalo ako ni Angelo kundi hindi babagsak ako..

    Akala mo hindi ako gaganti?

    Lumapit ako kay Andrei at sinapak ko sya ng malakas.

    Ng may sumigaw...
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:48 am

    “Mikaelaaaa!!!! Aray!”

    Si Jacky ang nasuntok ko?

    Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa kama parin. At si Jacky muntik ng mahulog sa kama dahil sa suntok ko. Si Sophia naman, hinahawakan ako.

    “Mikaela naman! Hanggang sa panaginip ba naman, hindi kayo magkasundo ni Andrei?!” Sabi ni Sophia na nakahawak pa din sa akin.

    “Ang sakit nun ah! Paano na lang pagnagkablack eye ako ha?

    “Ano ba yung napanaginipan mo ha?”

    “Ah..Eh…Wala…Nakalimutan ko na. Pasensya na Jacky..Matulog na kayo ulit..”

    “Matulog na? Late na kaya! Lagot tayo kay Mam! Lahat sila nasa lunchroom na eh!”

    Nagmadali na kami at nagayos. Tapos dumeretso kami sa lunchroom. Teka, totoo ata panaginip ko! Bakit may black eye si Andrei?! Nahuli ako ni Andrei na nakatingin sa kanya, bigla nyang sinuot yung shades nya. Naprapraning na talaga ako sa mga pangyayari ha!

    Lumapit si Andrei kasama si Andrew,Angelo at yung iba pang katropa nya.

    “Good Morning Mikaela!” Bati nya sa akin. Bakit sya nagkablack-eye? Wala naman yun nung pumunta kami sa La Salette eh!

    “O? San nangaling black-eye mo Andrei? Kaya pala nakashades ka kahapon ah!”

    “Ah…Wala..Nagkatuwaan lang kami nung mga tropa ko kahapon..Haha!”

    Ayos ah..Magkakatuwaan na lang, magkakasakitan pa. Pero pakialam ko ba. Bahala sila.

    Aba, hindi lang pala si Andrei ang may blackeye! Si Angelo din meron!

    “Pati ikaw Angelo? Grabe kayo ha! Buti pa si Andrew wala oh!”

    “Haha. Onga eh. Kasama pa naman namin yan sa kwarto. Kawawa naman kasi kung magisa..Paano na lang pagminulto sya diba? Paano nya lalabanan yun kung ipanglalaban nya lang ang patpating katawan nya?”

    Naku, sama talaga nitong si Andrei. Wala ng ginawa kundi asarin si Andrew.

    "Aba. Eh ikaw naman Jacky? Nagkatuwaan din ba kayo at may black eye ka din?!"

    Kinuha ni Jacky yung compact powder nya at tinignan sa salamin yung mukha nya.

    "MIKAELA! TIGNAN MO GINAWA MO SA MUKHA KO?!"

    Ang laki nga ng natamo nyang black eye mula sa akin. Nagtawanan yung mga lalake. Kawawa naman si Jacky. Bwisit kasi yung panaginip kong yun eh..

    "Haha! Si Mikaela gumawa nyan? Hindi na kita aasarin! At lalayo na din ako sayo! Haha!"

    "Oo! Paano kasi, nanaginip tapos ginigising namin! Sinigaw yung pangalan mo at bigla na lang akong sinapak!"

    "Pare, hanggang sa panaginip pala, ayaw sayo ni Mikaela eh! Sinapak ka pa! Haha!" Sabi nung isang katropa nyang si Dan.

    "La ka ng pagasa pare!" Hirit naman ni Vincent na katropa nya din.

    "Tigilan nyo nga ako! Tara, kumain na tayo." Nabadtrip ata si Andrei. Haha. Bahala sya.

    Maya-maya pagkatapos namin kumain, activity nanaman. Pero more of a listening activity sya. Nakakaantok. Naalala ko nanaman ang panaginip ko.

    May ibig sabihin yun eh...

    Kung ipipilit ko pa itong nararamdaman ko para kay Angelo...

    Masasaktan lang ako..

    At hindi lang ako ang masasaktan..

    Kundi ang ibang tao...

    Pero either way, masasaktan din ako.

    Hindi ko matanggap ang realidad na hindi ko na maibabalik ang dati..

    Hindi nga ba?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:49 am

    Matapos ang ilang nakakapagod na activities. Pinagdinner na kami. Maganda daw yung next activity at very interesting. Ok. Wateber. Interesting na kung interesting.

    Pagpasok naming sa Lumang Activity room, pinabilog ulit kami. Ngayon, may isang mesa sa gitna nung bilog. May malaking kandila dun. Tapos sa ilalim ng mesa, may isang box ng candles. Ano kayang meron?

    “Ayan. Alam ko na marami sa section nyo ang nagkakaroon ng di pagkakaunawaan,mga samaan ng loob at mga tinatagong hinanakit. Ang gusto ko, kung sino man sa inyo ang may nagawang kasalanan sa classmate nyo at gusto nyong humingi ng tawad, kumuha kayo ng kandila at sindihan nyo at ibigay sa taong nagawan nyo ng kasalan. Do I get myself clear?”

    Sari-sari ang reaction nila.

    Nagsimula na sila. Maraming iyakan as usual. Marami palang nagkakaroon ng samaan ng loob sa amin. Mga magex-boypren. Mga magkaibigan. Basta ang dami. Ako naman, nanonood lang. Wala akong pakialam sa kadramahan nila.

    “O? Wala na bang ibang magbibigay ng kandila?”

    Tumayo si Angelo. Kinuha nya yung malaking kandila at lumapit sa akin at binigay nya ang kandila.

    “Uh…Iho, hindi pwedeng ku-“

    “I’m sorry. Mikaela. Sorry.”

    Napatingin silang lahat sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko naman kailangan ang paghingi nya ng tawad eh. Ang gusto ko, maibalik kung ano man ang meron sa amin dati. Gusto kong umiyak. Pero hindi sa harap ng maraming tao. Pigilan mo ang sarili mo Mikaela.

    “Mikaela…Alam kong-“

    Tumayo ako at lumabas ng room. Sinundan ako ni Jacky. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kusa ng tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

    “Mikaela…Hindi mo na dapat itago pa…It’s okay kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoong nangyari, pero pabayaan mo akong damayan ka…You’ve always been there nung mga oras na umiiyak ako..So let me do the same for you..”

    Jacky deserves to know. Bestfriend ko naman sya eh. Kaya ok lang na sabihin ko na sa kanya.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:49 am

    ***FLASHBACK***

    Ako si Mikaela Larazabal, Sabi nila nerd daw ako. Complete with the glasses and braces. Hindi ako naniniwala dun. Porket ba palaaral ka,my glasses at braces ka e nerd na tawad sayo? Studies talaga ang nagging priority ko. I also had a few friends. Sila, they prioritized their boyfriends. Naiinggit ako kasi parang ang saya saya nila sa piling ng mga boyfriend nila. Habang ako, babad sa pagaaral. Hindi ko masabi na masaya talaga ako sa ginagawa ko. Ang pagkakaroon ng matataas na grades,pagkapanalo sa mga quiz bee’s, hindi ko talaga alam kung masaya talaga ako sa ganito. Wala ding nanliligaw sa akin. Tingin kasi ng malalaki sa akin, boring daw ako kasama at parang manang. Wala naman akong pakialam sa iniisip nila sa akin eh. though naiinsecure talaga ako sa mga friends ko, wala naman akong magagawa.

    Dumating ang college. Maraming nagbago. Nagkainteres ako sa music. I discovered that playing the drums was my passion. Pinangako ko na bubuo akong ng banda once na magumpisa na ako sa college. Pati appearance ko, nagbago. Si Ate kasi eh, mapilit. Gusto nya daw akong imake-over. Wala na akong braces nun. Pinagupitan nya ako ng buhok dahil masyado daw plain yung buhok ko. Pinaltan nya ang glasses ko ng contact lens. Tinuruan nya ako magmake-up. Naging fashion guru ko si Ate at Kuya. Kaso, magkabaliktad sila. Kikay si Ate si Kuya naman may pagkarakista. Pero di ko type mga porma ni Ate kaya si Kuya ang sinunod ko. Yung make-up, hindi ko rin trip kasi makati sa mukha. Pero, ok yung make-over ko even without the make-up.

    1st day of classes. Ako ang unang dumating sa classroom. Ako ang nauna sa classroom! Maya-maya dumami na mga tao...Wala pa akong katabi. Antisocial ako at hindi ako sanay gumawa ng 1st approach. Nagaantay ako na may pumansin sa akin. Hanggang sa kinausap ako ng mga lalake sa harapan ko. Grabe! Ang bait nila! Sila nagaabot ng Certificate Of Matriculation ko tuwing hinhingi at binabalik ito ng mga profs naming! Ngayon lang ako trinato ng ganito! Ang dami nilang tanong! Interview ba ito? Apat sila, si Marco,Paul,Jerick at Angelo. Si Angelo ang nakaattract ng atensyon ko.Semikal ang buhok nya. Chinito,may braces,may kapayatan at di ganun katangkad. Di man sya ganun kagwapo, ang lakas ng dating nya.

    “Miss, Anong pangalan mo?” Si Marco yun. Tall,dark and mabait! Haha.

    “Err…Mikaela po…Kayo po?” Mukha na kasi syang mature. Para ko na syang kuya kaya nagpo ako.

    “Marco..Ito nga pala si Paul,Jerick at Angelo..Wag mo na kami ipo..Magkakasing-edad lang naman tayo eh!”

    “Magkasing-edad ka dyan! Ikaw pinakamatanda dito eh!” Si Paul ang nagsabi nun. Nagtawanan sila Jerick at Angelo.

    “Bakit? Ilang taon ka na ba?” Nacurious din kasi ako kung ilan taon na ba talaga sya.

    “18 na ako…19 ako sa September..Eh ikaw? At taga-san ka nga pala?”

    “15 lang ako eh. Taga Pasay ako. Kayo?” Feeling ko ako lang ang taga Pasay sa section na ito. O baka sa buong Central. Paano ba naman may Central na kasing mas malapit sa amin pero mas pinili ko pa ang malayo para makagala. Haha.

    “15 ka lang?! Naaccelerate ka? Maaga ka sigurong nagaral no? Kami ni Paul magkapitbahay lang. Sa Cainta kami nakatira, Si Angelo sa Cainta rin. Si Jerick sa Pasig.. Ang layo mo naman pala..”

    Ano ba naman itong mga taong ito? Di ba sila mauubusan ng tanong? Layo sila dyan! LRT at Jeep lang sinasakyan ko no! Feeling ko nga mas malayo pa bahay nila dahil ang Cainta parang probinsya na sa layo eh!

    FASTFORWARD: DISMISSAL


    Uwian na. Inaantay ko ang kaibigan ko na iba ang kurso para may kasabay ako pauwi. Habang nagaantay ako, nilapitan nanaman ako ng apat na yun. Interview nanaman! Hiningi nila number ko. Binigay ko naman. Hiningi ko mga email addresses nila! Alam mo na! Friendster, friendster!

    Ayon kinagabihan inadd ko na silang lahat. Nakita ko friendster ni Angelo. May girlfriend na nga sya. Pero la naman sa akin yun. Crush ko lang naman sya eh.

    Kinabukasan, pinaguusapan nila si Angelo. Magiisang taon na din pala sila nung girlfriend nya. At narinig ko pa, na dakilang ander pala sya. Haha.

    FASTFORWARD: Mall

    Naging close kami ni Angelo. Paano ba naman, pareho kaming may talent sa arts. Mahilig kami magdrawing ng mga favorite anime characters namin. Yun nga madalas namin pagusapan eh. Mahilig din kami magbabad sa mga computer shops tuwing vacant period namin para maglaro ng online games. Though hindi sya marunong tumugtog ng mga instruments, sumasama sya sa mga band practices namin dahil gusto nya daw yung mga music na cinocompose ko.

    “Mikaela, salamat sa pagsama sa akin ha. Kailangan ko kasi ng magaadvice sa akin kung ano magandang regalo sa babae eh. Monthsary kasi naming ni Gale sa Sunday.”

    “Wala yun..Bakit naman sa lahat pa, ako pa napili mong isama..Wala naman akong alam sa regalo2 na yan eh..”

    “Ha? Hindi ka pa ba nareregaluhan ng mga naging boyfriend mo? O di kaya mga manliligaw mo?”

    “Hindi pa ako nagkakaboyfriend..”

    “Ha? Hala..Bakit naman? Strict siguro parents mo no? O ayaw mo lang talaga?"

    "Nung highschool kasi ako, tingin sa akin ng mga lalake, boring kasama at parang manang..."

    "Sino yung mga yun at masapak nga ng matauhan! Kakaiba ka nga sa ibang babae eh, kahit sinong lalake makakasundo mo. Magkapareho nga tayo ng mga interests eh! Naku, kung nakilala lang kita ng mas maaga, niligawan na kita! Uy joke lang ah! Baka sumbong mo ako kay Gale nyan!"

    "Kidding aside,Hindi ka boring kasama...I enjoy being with you...Sobra..."

    He was the first guy na nakapagsabi sa akin ng ganun.

    We went to a accessory shop. Medyo maliit lang sya pero maganda ang mga accessories.

    "Ano kaya maganda dito na necklace? Pili ka nga.."

    "Ha? Ayun oh!" Tinuro ko yung simple na necklace na mukhang native. Haha. Iba talaga mga trip ko.

    Napatingin lang si Angelo. Ang tanga ko talaga! Para nga pala sa girlfriend nya yun! Eh panglalake yung itsura! Badtrip!

    "Ay sori! Sabi ko sayo, di ako marunong pumili. Baka di lang yan magustuhan ng girlfriend mo. Teka, pipili ulit ako."

    "Wag na. Kukunin ko na ito."

    Binili nya yung necklace. Tsk tsk...Magustuhan kaya yun ng girlfriend nya?


    FASTFORWARD: English Class. Last weeks na ng 1st Semester naming.

    “Wala nanaman si Ms. Lucero? Ayos talaga nung prof na yun..”

    “Tara! Spin the bottle tayo! Truth or consequence!”

    “Ito! May mineral ditto na walang laman! Ito na lang gamitin natin!”

    “Sige! Uy! Mikaela! Sali ka naman sa amin!”

    “Ha? Ah…Sige….”

    Nagpabilog kami. Ang daming nabunyag dahil sa larong yun..Mas maraming pumili ng truth kesa consequence. Hindi pa kami close ni Jacky nun, dun naming nalaman na si Paul pala ay nanligaw kay Jacky. Ang daming may gusto kay Paul at Angelo. Ang kulit nga ni Marco eh, tinatally nya pa kung sino ang mas madaming tagahanga. Maya-maya, tumuro ang bote kay Angelo.

    Consequence ang pinili nya. Pasafe ata. Pero magaling yung mga classmates ko, ang pinagawang consequence sa kanya eh hawakan ang kamay ng crush sa classroom. Magkatabi kami ni Angelo nun. Mukha pa syang kabado na nahihiya. Tapos biglang..

    “Mikaela! Apir!” Nakipagapir sya sa akin. Ang daming naghiyawan. Nagulat ako dun. Hawakan nga pala ang kamay ng crush sa classroom, hinawakan nya ang kamay ko sa pamamagitan ng pakikipagapir sakin.

    “Mikaela pala ha! Haha! Mikaela! Lagot ka kay Gale!”

    Laking pasalamat ko at hindi tumama sa akin ang bote hanggang sa dumating na yung next prof naming.

    FASTFORWARD:Last Day Of 1st Semester

    “Oh? Sino sasama sa outing natin sa sembreak?”

    “Ako, Ikaw si Paul,Angelo,Joseph,Ryan,Erika,Jana at Jacky. Sila lang kasi pinayagan eh”

    Gustong gusto ko sumama nun. Hindi pa kasi ako nakakasama sa mga outings nung highschool ako. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganun. Pero ewan ko kung bakit parang gusto ko sumama ngayon.

    “O? Mikaela, ayaw mo bang sumama?”

    “Ha…Eh…Kasi…”

    “Gusto mo pagpaalam kita? Sayang naman kung hindi ka sasama diba?”

    “Ha? Pagpapaalam mo ako? Naku, wag na..Papayagan naman siguro ako..”

    “Pagpaalam na din kita.. Para sigurado..Hatid kita sa bahay mo mamaya. Tapos ipagpapapaalam kita. Ok?”

    Hindi na ako makahindi. Mapilit sya eh. Pero panigurado naman papayagan ako eh.

    “Uy! Tol! Si Gale? Balak mo bang isama?”

    “Cool-off kami pare..”

    “Haha! Panigurado, maglalasing ka sa outing natin! Kawawa ka naman!”


    FASTFORWARD: Sa Bahay Namin.

    Hinatid ako ni Angelo sa bahay. Nakaabang na si Kuya sa labas. Nagulat sya nung nakita nya kami ni Angelo.

    “Mikayla! Lika dito, may naghatid kay Mikaela! Would you believe it?!”

    Lumabas agad si Ate. Nakarollers pa, nagaayos pala sya dahil may lakad sya, lumabas lang dahil dun sa sinabi ni Kuya.

    “Oh My God! Dalaga na si Mikaela! Hi cutie! What’s your name?”

    Nahiya tuloy si Angelo. Si Kuya at Ate talaga oh!

    “Ah…Ako po? Good Evening nga po pala.”

    “May iba pa bang cutie ditto?”

    “Ako! Hahaha!”

    “Manahimik ka Mikhail ha! Iniinterview ko ang boyfriend ni Mikaela!”

    “Hindi ko sya boyfriend! Ate naman! Katropa ko lang sya!”

    “Naku. Padeny effect pa! Ano ba kasi name mo ha?”

    “Angelo po…Totoo po yun, katropa ko lang po sya. Pumunta lang po ako ditto para ipagpaalam si Mikaela sa outing naming sa Lunes. 3 days and 2 nights po kami sa Lake Villa Resort Angono,Rizal. Pwede po ba sya?”

    “Oo naman! Pinapayagan naman naming yang si Mikaela eh! Himala nga at sasama sya ngayon sa outing nyo. Nung highschool kasi hindi sya sumasama sa outing ng mga friends nya kahit pinapayagan naman naming sya.”

    “Ah ganun po ba…Sige, yun lang po..Thank You po…”

    Tumingin si Angelo sa akin.

    “Paano ba yan? Sa Lunes ha! Kita-kita tayo! Bye! Goodnight!”

    “Bye! Goodnight! Ingat ka ha! Text ka pag nakauwi ka na!”

    Ng makaalis na si Angelo, akala ko tapos na ang lahat. Hindi parin tumigil si Ate at Kuya.

    “Yikeeeeeee…Inlove na kapatid ko!”

    “Inlove ka dyan. Katropa ko lang sabi yun eh.”

    “Kaya pala iba ang sparkle sa eyes mo kanina nung hinatid ka nya?”

    “At bakit mo pa sya pinapunta ditto para ipagpaalam ka? Alam mo namang pinapayagan ka naman naming? Gusto mo lang magpahatid eh!”

    "At ano yung Goodnight! Ingat ka ha! Text ka pag nakauwi ka na! effect mo? Naku ha..Ngayon ko lang narinig sayo yan eh!"

    “May girlfriend na sya ok?”

    “Asus! Kung asawa nga nasusulot eh!”

    "Mikayla! Naku, Mikaela..Iwasan mong mainlove sa kanya. Masasaktan ka lang pramis."

    FASTFORWARD: Terminal Ng Bus.

    Lagot na. Dapat, LRT kami papuntang santolan at magFFX na lang papuntang Antipolo. Kaso sira yung LRT! Badtrip! Ngayon, magbubus tuloy kami! Madali pa naman akong mahilo pag sumasakay sa bus. T_T

    “O Mikaela? Sakay na! Bakit parang ayaw mo pa?”

    “Ha? Ah! Oo…Sasakay na..”

    Dun kami sa dulo. Magkatabi kami ni Angelo nun. Nilabas ni Angelo ang ipod nya at sinaibing,

    “Gusto mong makinig? Share tayo sa earphones!”

    “Ha? Sige…”

    Naguumpisa na ang hilo ko. Naisipan kong matulog habang nakikinig ng music para hindi na ako makaramdam pa ng hilo.

    “Sandal ka sa balikat ko oh..Mukhang masama pakiramdam mo eh..Tulog ka muna..”

    Sumandal ako sa balikat nya. Kaso hindi ako makatulog pag nakasandal ako sa kanya. Ewan ko ba. Kinakabahan ako na ewan.

    “O? Di ka makatulog? Kanta na lang tayo! Hehe! Ito favorite song ko eh,”

    Linipat nya ang kanta sa…

    Huling El Bimbo…

    “Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay!”

    Kumanta na din ako…Haha…Baka sakaling mawala hilo ko kung kakanta na lang ako at di ko masyadong iisipin yun..

    “Ng tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay!”

    Tapos…Hinawakan nya ang kamay ko..

    Nahihilo nanaman ako…At nasusuka pa! Ayoko na! T_T

    “Ang lamig ng kamay mo ah! Nilalamig ka? Gusto mo patayin ko yung aircon?”

    Grabe…Ang bilis pa magpatakbo ng bus…Lubak-lubak yung daan…Hindi ko na kaya ito..

    “Ha? Hindi…Ok lang a-“

    “Urrrggghhh” Napahawak na lang ako sa bibig ko.

    “Mikaela! Hindi mo sinasabing nahihilo ka at nasusuka!”

    Nataranta yung iba kong kaibigan. Kumuha sya ng plastic at bimpo sa bag nya. Pinasuka nya ako sa plastic.

    “Tol! Sino may mineral water sa inyo? Nagsuka si Mikaela eh!”

    “O? Mikaela? Ito, mineral water…Sayang, wala akong dalang bonamine” Sabi ni Jana sabay abot ng Mineral Water..

    Binasa nya yung bimpo nya ng mineral water at pinunasan ang bibig ko.

    “Wag na…Ako na…Ok na ako..”

    “Wag ka na masyadong gumalaw Mikaela..Lalo ka mahihilo eh..Ito, may bonamine ako. Inumin mo, lagi kasi ako pinapabaunan ng mama ko ng ganito kahit hindi naman ako sumusuka sa sasakyan.”

    Ininom ko yung bonamine na binigay nya. Grabe. Nanghina ako sa pagsusuka ko.

    “Wag na tayo kumanta…Hehe..Tulog ka na lang…”

    Inakbayan ako ni Angelo at nakatulog na ako sa wakas.

    Mali ba ang ginagawa kong ito?



    FASTFORWARD: Hating gabi sa loob ng kubo sa Lake Villa.

    Hating gabi na at nagiinuman parin sila sa kubo. Ako lang ang hindi umiinom nun. Ok pa silang lahat maliban kay Angelo. Lasing na lasing na sya.

    “Ano ba kasi pinagawayan nyo ni Kumander Gale?”

    “Paano ba naman kasha Pare..Dapat magcecelebrate kami ng Anniversary naming nung Biyernes. Pinaghandaan ko yung anniv naming! Tapos biglang ang hirit, bushy daw sya sha shkul?”

    “Tsk..Tsk…Bakit ka pa kasi nagtyatyaga dyan kay Gale eh? Ilang taon ka ng nagpapakag*go dun eh! Tanda ko, nung highschool pa lang tayo, on and off na kayo nun! Himala nga at ngayon, umabot kayo ng isang taon!”

    “Kay Mikaela ka na lang pare! Tutal, single naman si Mikaela diba?”

    “Uy, umayos ka nga Paul..”

    “Oo nga naman! Ano bang meron si Gale na wala si Mikaela?”

    “Onga e. Hindi kami magkashundo nun ni Gale. Lahat ng ayaw nya, gushto ko, lahat ng ayaw ko, gushto nya. Buti pa shi Mikaela, nagkakashundo kami sha maraming bagay! We share the shame interests! Sharap pa kashama!”

    Strinaight nanaman ni Angelo ang isang bote ng san mig light.

    “Uy..Tama na yan..Lasing ka na eh..”

    “Yun pala Mikaela eh! Mas compatible kayo sa isa’t isa! Eh bakit hindi na lang kayo?”

    “Oo nga Mikaela! Hindi mo ba gusto si Angelo? Tanda ko dati, inamin mo sa akin na crush mo- Ay sori! Forget what I said!”

    Jana talaga! Ang daldal!

    “YUN PALA EH! Pero syempre, kailangan nila ng tahimik na atmosphere diba guys?”

    “Oo naman. Para lalo silang magkadebelopan diba?”

    “At lalong maging intimate sa isa’t isa..”

    Hindi ko ata magugustuhan ang susunod nilang gagawin ah…

    “Kaya….”

    “ALISAN NA!!!”

    Naglabasan silang lahat sa kubo at dumeretso sa cottage! Hindi ako makahabol dahil nakasandal sa akin si Angelo.

    “Wag kang umalish…Mikaela..Kailangan kita ngayon..Wag mo akong iwan please..”

    To be continued.... ;D
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:50 am

    Continuation.

    Naiwan kaming dalawa ni Angelo sa kubo. Nakasandal parin sya sa akin. Maya-maya. Napansin kong umiiyak na pala sya.

    Niyakap ko sya.

    “Wag ka ng umiyak…Dahil…”

    Para bang gusto ko na din umiyak nung mga oras na yun. Habang nakikita ko syang nasasaktan, doble ang nararamdam kong sakit. Ayoko syang makitang ganito.

    “Dahil nasasaktan din ako..”

    “Mikaela…Mahal mo ba ako?”

    “Hindi mahalaga kung anong nararamdaman ko..”

    “Mahal mo ba ako?”

    “Oo…Pero alam ko naman kung saan ako dapat lumugar..Alam kong girlfriend mo si Gale at-“

    My mind took a few seconds before it totally registered what happened.

    He kissed me.

    Naramdaman ko na lang na ang mga labi nya pala ay nakalapat na rin sa mga labi ko…
    Ganito pala ang pakiramdam ng first kiss. Masaya ako. Sobrang masaya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang babaw mo talaga Mikaela. Pero mali ito. May girlfriend sya. Ako na rin ang nagsabing alam ko kung saan ako dapat lumugar…

    Pero..

    How could it be wrong when the feeling just seems to be so right?

    Kinabukasan…

    Nagising ako na nakasandal ako sa kanya. Nakaakbay sya at nakayakap sa akin. Andun parin kami sa kubo. Maya-maya nagsulputan na yung iba.

    “Effective ang ginawa natin! Yikeeeeeee! Kayo na ba?”

    “Ha? Anong pinagsasabi nyo?”

    “Kunwari ka pa…”

    Nagising na rin sa wakas si Angelo. Ano kaya ang magiging reaksyon nya?

    “Tara, kumain na tayo ng breakfast.”

    “Naku! KJ ng dalawnag ito! Ayaw magkwento!”

    Kumain kami sa resto sa may resort. Gusto ni Angelo, humiwalay kami dun sa iba. Kaya ayun. Kumain kami ng kaming dalawa lang. Sweet nya nga eh, sinubuan nya pa ako.

    Ang dami naming ginawa together. Ang saya nga eh. Nagbangka kaming dalawa. Nagswimming syempre. Nanood kami ng banda. Ang saya talaga!

    Nung gabi na, andun kaming dalawa sa may duyan malapit sa kubo. Habang yung iba, andun sa bar. Nagulat ako ng linabas nya yung necklace na binili naming sa mall.

    “Ha? Akala ko ba, para kay-“

    “Hindi…Para sayo talaga yan..”

    “Pero..”

    “Ayaw mo ba?”

    “Gusto…Salamat ha..”

    “Isusuot ko sayo..”

    Sinuot nya sa akin yung kwintas. Unang beses pa lang ako naregaluhan ng isang lalake. Ang saya-saya ko! Babaw ko talaga. Hirap talaga pag 1st timer. Haha.

    Ewan ko kung bakit, pero bigla ko na lang nasabi..

    “I love you Angelo..”

    Hindi sya makasagot..Ano ba ito? Ako pa nauunang magsabi! Baliw na talaga ako!

    “Mikaela…Tulog na tayo..”

    Nung nasa cottage na kami, hinatid nya ako hanggang kwarto. Sya daw magpapatulog sa akin. Sabi ko wag na, pero mapilit sya.

    “Goodnight Mikaela..”

    Pagising ko, nasa floor si Angelo. Hindi sya tumabi sa akin. Gentleman nya talaga.

    “Uy..Gising ka nga..Wag ka matulog dyan!”

    Hindi ko magising si Angelo..Napuyat ata dahil sa pagpapatulog sa akin. Baliw talaga..

    Nagpasukan nanaman ang mga kabarkada naming.

    “Uuuyyy! Natulog nanaman ulit sila magkasama! O bakit nasa sahig si Angelo? Haha!”

    “Magayos-ayos na kayo dahil mamayang tanghali, aalis na tayo..”

    Nagising na si Angelo. Umalis muna kami ng kwarto. Naiwan sila dun ni Jerick. Paglabas, kasama nya na si Angelo. Nagusap ata yung dalawa.

    Tahimik si Angelo. Walang kibo. Hanggang paguwi naming. Naghiwa-hiwalay na kami ng daan pauwi. Pero, hinatid parin ako hanggang bahay ni Angelo. Nagjeep kami papuntang Edsa Central at saka sumakay ng MRT.

    “Mikaela…Bye…Salamat ha…”

    “Bye…”

    Hindi ko akalain, na yun na pala ang huli naming paguusap.

    Kinabukasan, tinext ko sya. Hindi sya nagreply. Nalaman ko na lang mula kay Jana na naholdap si Angelo nung pauwi sya galling sa amin. Nakakapangonsyensya tuloy.

    Lumipas ang mga araw. Wala kaming komunikasyon. Halos ikabaliw ko yun. Andun lang ako sa kwarto at nagmumukmok. Hanggang sa dumating sa akin ang realization na may girlfriend sya. At si Gale yun. Ang sakit. Sobra. Wala akong masandalan nung mga oras na iyon. Hindi ko masabi ang problema ko kahit kila Ate at Kuya. Ganun naman ako eh. Mas gusto kong sinasarili ko ang problema. Ayokong ipakita ang kahinaan ko sa iba.

    “Mikaela! Lumabas ka naman ng kwarto! Bakit ka ba nagmumukmok dyan? Hindi mo man lang kwinento yung outing nyo!”

    “Mikaela, dahil ba yan sa lalakeng yun? Yan na nga ba sinasabi ko eh.”

    “Mikaela, alis tayo para makapaglibang ka man lang. Hindi pwedeng buong sembreak, nakakulong ka lang sa kwarto mo.”

    Makalipas ang isang lingo, napagisip-isip kong tama si Ate. Naisip kong asikasuhin muna ang banda at kalimutan ang lahat.

    Dalawang bagay lang ang ginawa ko buong bakasyon. Magkulong sa kwarto o di kaya magpractice sa studio nila Ace, ang aming vocalist. Nagtataka man ang mga kabanda ko kung anong dahilan ng pagbabago ko, hindi nila ako magawang tanungin dahil alam nilang ayoko ng pinapakialaman ako.

    Nagcoconflict ang mga nararamdaman ko. Galit ako. Galit sa ginawa ni Angelo. Pero tuwing naiisip ko ang nangyari sa amin, nawawala ang galit ko, at sa halip gusto ko pa syang antayin. Na baka magbago pa ang isip nya. Na marealize nya na ako ang nararapat sa kanya. Na ako talaga ang mahal nya.

    Pero…

    Minahal nya ba talaga ako?

    Enrollment. Nakita nya ako, nagkatitigan pa kami, pero di nya ako nagawang batiin. Magkaiba pa kami ng section. Naging classmate ko si Jacky at dun kami naging close.

    Nung birthday ko, may nagbigay sa akin ng bouquet. Nilagay na lang sa locker ko. Itatapon ko sana sa basurahan ng pigilan ako ni Jacky.

    “Wag ka naman ganyan Mikaela! Ano bang problema mo? Hindi ka naman ganyan sa mga may gusto sayo dati ah!”

    “Lahat ng bagay nagbabago Jacky…At aanhin ko naman ang basurang ito?”

    “Pero, isipin mo naman ang mararamdaman ng nagbigay nyan sayo?!”

    “Ano pakialam ko sa nararamdaman nila? Pero..Sige…Sa bahay ko na lang itatapon..”

    Sinaksak ko na lang basta yung bouquet sa loob ng messenger bag ko. Natanggal pa yung mga dahon at petals nung bulaklak. Litaw na litaw na basta-basta ko nalang nilagay yung bulaklak dun.

    Nakita ako ni Angelo. Nakita nya yung messenger bag ko at biglang umalis. Anong problema nun?

    Nagbago na nga ako. Hindi na ako ang palangiting Mikaela. Madalas, wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Kahit sa mga nararamdaman nila. Naging manhid ako. O nagpipilit maging manhid dahil alam kong may hinihintay akong isang tao?

    ***FLASHBACK ENDS
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:50 am

    “Mikaela… Hindi pwedeng mabuhay ka na lang sa nakalipas…You need to get over him…Hindi ka ba napapagod?”

    Niyakap ako ni Jacky. Kaso umalis din ako sa pagkakayakap nya.

    “Hindi mo rin pala naiintindihan ang nararamdaman ko Jacky.”

    “Mikaela..”

    “Tama na Jacky. Matulog na tayo..”

    Pumasok na kami sa kwarto. Umiiyak pa din ako. Nakatulog ako ng umiiyak. Ng magvibrate ang phone ko.

    Angelo:Mikaela, lbas ka. Magusap tyo..

    Parang ito yung sa panaginip ko ah.. Naku..Ano nanaman ba ang pwedeng mangyari?

    Lumabas ako ng dorm may mga tao pa sa bandang likod. at nakita ko si Angelo nakaupo sa bench…Dala nya yung tatlong bulaklak na prinesent nya kahapon.

    “Mikaela..para sayo..”

    Sinampal ko sya…

    “Bakit bigla kang nawala? Pinagmukha mo akong tanga! Ano ako panakip butas mo lang?”

    “Mikaela..Di mo naiintindihan eh…Naalala mo ba yung bulaklak na tinapon mo nung bday mo?”

    Naalala ko bigla. Isang striped carnation nga pala yun.

    “Sayo galling yun?”

    “Oo…Sa akin galling yun…Akala ko alam mo na ako nagpadala nun..May card na kasama yun eh..Yun ang way of closure ko kung anong meron sa atin dati..Nung tinapon mo, akala ko galit ka sa akin..Pero nagulat na lang ako at pinapansin mo na ulit ako ngayon..Ano ba talaga?”

    Naalala ko nung itatapon ko yun dapat sa basurahan, natanggal yung card pero di ko na pinansin.

    “Wala akong nakita..”

    “Mikaela..I’m sorry..I’ve been such a jerk.. Dahil siguro sa unsuccessful closure na ginawa ko kaya ka nagkakaganito..I’m sorry kung ganun na lang bigla ang inasal ko..I was just so confused..”

    Hindi na ako dapat magtapang-tapangan pa. Dapat sabihin ko na talaga ang dapat matagal ko ng sinabi..

    “I don’t need a closure…Gusto ko…Gusto kong mabalik yung dati…”

    “Alam mo ba kung bakit ako ganito ha? Kasi, hanggang ngayon, naghihintay pa din ako. Umaasa pa din ako na maibabalik pa kung ano man ang meron tayo dati..”

    “Mikaela..”

    “Wala na akong inentertain ba ibang lalake dahil naniniwala akong ikaw lang ang nararapat sakin!”

    “Naghihintay ako Angelo! Na baka sakali, sa sobrang pagmamahal mo kay Gale, eh yung sobra, itira mo na lang sakin!”

    “Mikaela..Ayoko ng malito pa..Mikaela, alam mo ba kung bakit lumayo ako sayo after the incident?”

    “I was confused..I needed to choose between you and Gale.. And now, nalaman ko kung sino talaga ang mahal ko..”

    “At si Gale yun..”

    “Pero..Pero..We shared the same interests…We had a lot of things in common..Hindi pa ba sapat yun? At lagi naman kayong di magkasundo ni Gale diba?”

    Ang sama ng ginagawa ko…Parang sinusulot ko sya sa girlfriend nya..Pero ngayon ko na masasabi lahat…Maipaglalaban ko na ang pagibig ko sa kanya..

    “Magkaiba ang masarap kasama sa gusto kong makasama..Masarap ka kasama Mikaela..Yeah, we had a lot of things in common..Pero si Gale…Though marami kaming differences, pagsinet aside ko yun, I realized na sya parin ang gusto ko makasama no matter what..When I gave the bouquet, nakapagdesisyon na ako nun..”

    Parang gumuho ang mundo ko nung mga oras na yun…

    “Please…You have to move on..Kahit ako, nahihirapan sa ginagawa mong ito..”

    “Pero..Yung sa atin dati…It’s the memories kasi eh…That’s the reason why I can’t let go…I’m holding on to the memories…Nalimutan mo na ba yun?”

    “Mikaela, the times we spent together is priceless indeed..Pero Mikaela, you can’t live with memories forever…While everybody’s moving forward, you’re still stucked in the past..Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?”

    Tama sya…Nahihirapan na nga ako…

    “Merong lalake para sayo…Hindi mo man napapansin, pero he’s better than me…He’s definitely worthy of your love…”

    Sino naman ang tinutukoy nya…

    “Wait…I just want to know…Minahal mo ba ako?”

    “I almost fell for you..Any guy would..Alam mo, if I met you first, I would fall for you completely…”

    "I'm sorry Mikaela..Hindi ko alam na 3 taon ka na palang naghihirap dahil sa akin...I'm really sorry.."

    Tapos, niyakap nya ako ng mahigpit…I hugged him back…Ang hirap…Pero sa wakas, nasagot na din yung mga katanungan ko..It felt good that time..Pero reality really does hurt…

    [OT:Mala Bianca and Zanjoe Scene Nyahahaha..]

    At tamang timing naman, yung mga nagjajamming sa bandang kabila, nagpatugtog ng kanta…

    “Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y meron ng laman…”

    I couldn’t hold back my tears anymore…Umiyak nanaman ako…Sayang…Sana kung nakilala nya sana ako ng mas maaga..

    “Sana’y nalaman ko…Na darating ka sa buhay ko, di sana’y naghintay ako”

    “Ikaw sana ang aking yakap-yakap. Ang iyong kamay ang aking lagging hawak. At hindi ka nya, hindi ka nya..”

    “Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko pilit binubuksan ang sarado ko ng puso, ikaw ba ay nararapat sa akin. At sya ba’y dapat ko ng limutin? Nais ko malaman..Bakit ngayon ka lang dumating..”

    “Talaga naman…”

    “So, hindi ka na masyadong magsusungit nyan?”

    “Oo…”

    “Promise?”

    “Oo nga…”

    “Iwasan mo din ang pagsimangot ha?”

    “Opo! Opo!”

    Umakbay sya sa akin at dinala na ako sa pintuan ng dorm.

    “Tulog ka na…Puyat ka na nyan..Goodnight…Ay Good Morning na pala!”

    Then, he kissed me on the cheek..

    “Ikaw din..Di ka pa ba papasok?”

    “Maya-maya…Sige pasok ka na..”

    Hindi ko pa naiiyak lahat..Malungkot pa din ako na masaya..

    May napansin akong anino sa corridor ng dorm..Patay ang ilaw at medyo Malabo pa ang tingin ko dahil sa mga luha ko. Si Andrew pala yun! Nalaman ko na sya yun dahil sa pabango nya..

    Napayakap na lang ako sa kanya. Niyakap nya din ako..Nakita nya siguro ang nangyari..

    “Narinig mo ba? Alam mo, masaya na ako dahil sa wakas the truth has set me free..Kaso malungkot pa din ako..Dahil the truth hurts so much pala..”

    Hindi sya umimik…Sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. I did the same thing..Iyak ako ng iyak...

    Is the long wait finally over?

    Should I give Andrew a chance?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:50 am

    Kinabukasan, sobrang maga ng mga mata ko. Halatang puro iyak ang ginawa ko magdamag.

    “Mikaela! Are you okay na?”

    “So-so…Parang something in the middle of being okay and not okay..”

    “Tara na, let’s eat na..Hungry na ako eh”

    Lumabas kami ng dorm..Paglabas naming, nakita kong nakatambay sa labas sila Andrei. Tumayo si Andrei para lapitan ako pero kay Andrew ako lumapit.

    “Hi Andrew! Hi Angelo! Good Morning!”

    “Teka, may lagnat ata si Mikaela eh..” Hinawakan ni Jacky ang noo ko.

    “Uy! Ano bang ginagawa mo?”

    “Naku! Hindi! Baka nauntog sya sa kung saan! Teka, tignan ko kung may bukol sya.” Kinapa naman ni Sophia ang ulo ko.

    “Mga baliw! Lika Andrew! Sabay na tayo papuntang lunchroom!”

    Nauna kami ni Andrew papunta sa lunchroom. Yung iba, naiwan. Hindi pa ata makarecover sa nakita nila.

    “Andrew..Hindi pa pala ako nagpapasalamat…Thanks ha..Ang dami mo ng nagawa para sa akin..Babawi din ako..”

    Mukhang puzzled yung mukha ni Andrew hindi na lang sya umimik at pumunta na kaming lunchroom.

    Himala at noong araw na yun hanggang sa paguwi namin, tahimik si Andrei. Kakaiba din mood swings ng taong ito eh noh. Pero bakit ko ba sya pinupuna.

    Nung pababa na kami ng bus, sinabayan ako ni Angelo at bumulong sya sa akin,

    “Sana matuto ka sa nangyari sa akin. Wag kang malito tulad ko para hindi ka masaktan..”

    Huh? Hindi ko ata nagets yun…






    Kinabukasan, nagkakagulo ang buong classroom. May nabuo na daw na banda si Andrei. Hindi ko narinig kung anong pangalan eh..Hmmm...

    Nalalapit na kasi ang Battle Of The Bands ng college namin. Pagkatapos nun, yung mananalo sa bawat college, maglalaban naman sa University Battle Of The Bands at ang mananalo dun, irerepresent ang school sa Band Fest kung saan maglalaban laban ang mga banda mula sa La Concepcion College, Holy Child College at iba pang colleges and universities within Mendiola.

    Nung break, nakasalubong naming sila Marlon at Dennis.

    “Mikaela! May problema tayo! Nakakainis talaga!”

    “Oh? Bakit?”

    “Tama ba naman yun?! Bring your own instruments daw sa Battle Of The Bands!”

    “At bawal pa manghiram sa ibang contestants!”

    “Paano na lang yung mga drummers? Paano nila dadalhin yung drumset?!”

    “Mali. Paano na lang ang mga drummers na walang drumset tulad ko?”

    “Pwede mo naman hiramin yung sa kuya ni Marlon eh!”

    “Si Kuya, pupunta na ng states..Dala lahat ng instruments nya..Badtrip nga eh!”

    “Di bale, gagawan ko ng paraan yan. Wag kayong magalala.”

    “Sige..Mikaela..Pasensya na, wala kaming maitulong dalawa..”

    Paano na yan. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang ako magpabili ng drumset kila Papa. Hindi naman kami mayaman. Wala na akong maisip na mahihiraman. Wala naman kasi ako masyadong kaibigan.

    “Mikaela, gusto mo ba na pahiramin kita?”

    Si Andrei nanaman. Andun pala sya sa likuran naming at nakikinig. Ano nanaman problema nya?

    “Mikaela, gusto mo ba na pahiramin kita?”

    “Naku, kung sayo din lang, wag na..”

    “Dali na!”


    “Huh?!”

    “Tara, pagusapan natin yan sa kinakainan natin..”

    Pumunta kami sa carinderia at doon, binuksan nya ulit yung topic tungkol sa drumset.

    “Ganito kasi yun, may drumset na drummer naming. Yung kuya ko kasi may shop ng mga musical instruments. Kung gusto mo, ipapahiram ko sayo yung mga drumset na binebenta nya. Pwede ka mamili. Ano?”

    “Haha. Sigurado, may hihilingin kang kapalit nito no?”

    “Galing mo talaga. Syempre naman.”

    “At ano yun?”

    “Maliit lang naman ang hihilingin kong kapalit eh…” Naku, ngiting-aso. Ano kaya hihingin nyang kapalit?

    “Kailangan mong magkunwaring girlfriend ko for 100 days.”

    “ANO?!”

    “Tama! Sige, Mikaela pumayag ka na! Ang ganda ng offer nya oh!”

    Anong maganda sa nagging offer nya? Ayoko nga magkunwaring girlfriend nya!

    “At kahit after 100 days, you can still use the drumset.. Lifetime warranty pa..Ano?”

    Eh parang binibigay nya na din sakin yung drumset eh?

    Yung pride mo Mikaela…

    “Isipin mo na lang para rin ito sa banda mo..”

    “Sa Battle Of The Bands..”

    “Sa Bandfest…”

    Ayos ah! Parang pinapaligiran ako ng dalawang alagad nya! Ang kulit talaga! Pero maganda na din offer nya. Kunwari lang naman diba? Hindi naman totohanan..

    “Sige payag na ako..”

    “YAHOO!” Sigaw ng tatlong ungas.

    “Teka, kailangan mo pumirma dito..” Naglabas ng papel si Andrei. Ayos ha! May kontrata pa syang nalalaman. 10 pages? Computerized pa! Pinagplanuhan nya siguro ito?

    “Huh? Ang O.A. mo masyado!”

    “Mahirap na..Baka di ka tumupad sa usapan eh..”

    “Baka gusto mong basahin muna ang laman nyan..”

    “Hindi na…Ito para matahimik ka na..”

    Pinirmahan ko na ng matahimik na sya.

    “Ito pang isa.. Tigisa tayong kopya..Huy Angelo at Jacky, witness kayo ha..Hehe”

    Tawa lang ng tawa si Angelo at Jacky. Ano bang nakakatawa?

    Pinirmahan ko na din. Tapos, pinagpatuloy na naming ang pagkain. Maya-maya, bumili na ako ng yosi kay Manong. Pagbalik ko sa mesa naming, hindi ko pa nasisindihan yung yosi, inagaw na agad sa akin ni Andrei.

    “Ano ba?!”

    “Andrei’s Constitution, page 6, article XVI,section 5. Basahin mo.”

    Kinuha ko yun kopya ko at nabasa ko na may mga rules pa pala syang nilagay habang may relasyon kami! Ang daya! Bakit hindi ko binasa ito? Pumunta ako sa page 6 at binasa ko agad ang pinapabasa nya.

    “Drinking alcohol and smoking tobacco is prohibited for 100 days.”

    “Teka, Ang daya naman nito! Bakit ako susunod sa mga batas mo? Hindi porket boyfriend kita ngayon eh susunod na ako sayo!”

    Lalong lumakas ang tawanan nila Jacky at Angelo. Uupakan ko na tong dalawang ito eh!

    “Wag mo sabihing hindi kita binalaan. Sabi ko sayo basahin mo muna bago pirmahan diba? Basahin mo yung paragraph sa ibabaw nung pinirmahan mo..”

    “From now on, I will follow all the rules indicated in this constitution. I am not allowed to complain and disregard any of the rules. If ever, I will have to face the consequences given by my boyfriend.”

    ANO BA ITONG PINASOK KO?! Pero wala naman kwentang kontrata ito diba? Bakit ko ba seseryosohin ito?

    “Tsk tsk…Nagsisimula palang tayo, umaangal ka na agad..Paano ba yan? May kaukulang parusa yan?”

    “Pinirmahan ko palang itong kontratang ito, parusa na agad yun!”

    LAGOT NA! T_T
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:52 am

    Akbay na agad sakin ang loko. Badtrip talaga. Nakakainissss! Dumeretso kami ng Food Lab dahil magluluto kami ngayon. Kagrupo ko pa talaga si Andrei. Badtrip na buhay ito.

    Pagpasok namin, pumunta agad sa harap si Andrei na nakaakbay parin sakin.

    "Ehem, ehem...Sa mga boys dyan na may pagnanasa kay Mikaela, gusto ko lang ipaalam sa inyo na girlfriend ko na ang pinagpapantasyahan nyo. Kaya kalimutan nyo na sya."

    Hindi maipinta ang mukha ni Andrew nun. Badtrip naman. Pero lalong hindi maipinta ang reaksyon ni Bea. Ewan ko kung bakit..Baliw kasi itong si Andrei eh!

    Aangal dapat ako ng tinakpan ni Angelo ang bibig ko.

    "Mikaela, basahin mo muna yung kontrata. Baka lumabag ka nanaman. Ikaw rin."

    "Bawal ipagsabi kahit kanino yung tungkol sa kontrata. Maliban syempre sa amin nila Angelo at Jacky. Para saan pa ang pagkukunwari natin kung alam naman nilang lahat na dahil sa kontrata lang ang lahat? Kaya manahimik ka na lang dyan ha?"

    Ngumiti sakin si Andrei. Yung ngiting aso nanaman. Hay magpigil ka Mikaela. For 100 days lang naman ito.

    Maya-maya dumating na din ang prof namin at nagsimula na ang aming pagluluto. Pork Cocido ang lulutuin namin. Dahil ako ang leader, binigyan ko na sila ng mga kanya-kanyang gawain. Si Andrei ang pinaghiwa ko ng mga sibuyas at bawang.

    Naghihiwa ng sibuyas nun si Andrei. Mukhang wala syang alam sa pagluluto. Ungas talaga ito. Dapat pala, hindi ko na sa kanya inutos yun.

    "Tol, buti pa, ako na lang maghihiwa nyan.."

    "Wag na..Ako na..Sakin inutos ng asawa ko ito eh. Dapat na akong masanay dahil pag nasa iisang bubong na kami, ako ang magiging cook ng bahay. Diba Mikaela?"

    Inirapan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagmeasure ng mga ingredients. Feeling naman nito masyado.

    "Aray!"

    Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Nahiwa si Andrei. Daldal kasi ng daldal habang naghihiwa.

    "Akin na nga. Hugasan mo ng tubig!" Hinawakan ko ang kamay nya at tinapat sa gripo.

    "Ang sweet naman ng asawa ko! Concerned!"

    "Hindi..Baka matuluan ng dugo mo yung sibuyas.."

    "Haha. Pahiya." Nagtawanan sila Jacky at Angelo.

    Hanggang sa paguwi, kadikit ko si Andrei. Medyo malungkot pa din ako sa mga pangyayari nung mga nakaraang araw, pero nakakalimutan ko dahil sa kanya.

    "Lika na, ihahatid kita sa inyo. Sakay na." Binuksan nya ang pinto ng kotse.

    Makakaangal pa ba ako? Syempre sumakay na ako.

    Paguwi ko, andun nanaman at nakatambay sa labas si Kuya.

    "Aba, Mikaela. Napapadalas ang paghatid sayo ng lalakeng yan ah. Kayo na ba?"

    Hindi na ako hinayaan ni Andrei na sumagot dahil sya na ang sumagot para sa akin.

    "Opo! Kami na nga po! Ang saya-saya ko nga eh! Kanina nya lang po ako sinagot KUYA!"

    Aba, at naki-kuya na din! Ayos talaga! Grrrrr!

    Lumabas agad si Ate. May mga rollers nanaman sa ulo.

    "ANO DAW?! MAY BOYFRIEND NA SI MIKAELA?!"

    "Oo...Tama ang narinig mo! Wohooo! Ayos! Lika, dito ka kumain sa amin ng hapunan!"

    "Kuya wag na!" Bulong ko sa kanya.

    Binatukan ako ni Kuya at inakbayan nya si Andrei.

    "Anong ginawa mo at nakuha mo ang matamis na oo ng kapatid ko? Haha! Sinabi ko na nga ba eh, may pagasa ka dyan sa kapatid ko!"

    Ngumiti lang si Andrei.

    "Alam ko na! Yung drumset! Uy, galante ka pala..Salamat dun sa drumset ha...Dumating sya kani-kanina lang..Swerte mo Mikaela! Unang araw pa lang, panay na ang regalo sayo!"

    Ano? Pinadala nya na agad yung drumset sa bahay? At di ba nila alam na hiram lang yun!

    "Oo nga pala..Salamat pare ha..Di ka na dapat nagabala pa...Pero dati pa kasi gustong magkaroon ni Mikaela ng drumset. Kaso nahihiya magpabili..At walang pambili! Haha!"

    "Syempre naman...I'll do anything to make her happy...."

    Ano daw? Sincere ba sya dun? O palabas lang?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:52 am

    Umakyat na ako agad. Ayokong sumabay sa pagkain nila. Lalo na't andun si Andrei. Kaso nga lang, kinaladkad ako ni Kuya papunta sa hapagkainan.

    "Wag ka ngang bastos sa bisita!" Bulong sakin ng kuya ko. Bwisita kamo!

    Badtrip. Andun pala silang lahat. Maagang umuwi si Papa galing trabaho. Kaya kumpleto talaga kami. Lagot na. Kainis talaga.

    "Iho, ilang buwan mo linigawan ang anak namin?"

    "Mga..Wala pa pong isang buwan ata?"

    Kapal mo Andrei! Lagot ka talaga sakin!

    "Easy to get mo pala Mikaela..." Bulong ni Ate sakin.

    "Syempre..Gwapo na, mayaman pa. San pa makakahanap si Mikaela ng lalakeng ganyan?"

    Umubo si Papa. Nagpaparinig ata dun sa dalawang nagbubulungan. Buti nga.

    "Kakaiba ka nga siguro. Mahirap pasagutin ang anak ko eh. Ngayon nga lang ulit yan nagdala ng lalake sa bahay eh. Haha!"

    "Nga pala, salamat sa regalo mong drumset sa anak ko ha!" Sabi naman ni Mama.

    "Hindi po! Hiram lang-"

    "Walang anuman po yun. Sasali po kasi sa bandfest si Mikaela at alam kong kailangan nya nun. Kaya binigay ko na lang sa kanya ang isa sa mga binebenta ng kuya ko na drumset."

    Nabulunan ako dun ah! Uminom ako agad ng tubig. Ano daw? Bigay? Akala ko ba hiram! O baka nagpapaimpress lang ito sa pamilya ko?

    "O? Astig kuya mo ah..Namimigay na lang ng drumset! Sabihin mo ako din pahingi ng-"

    Siniko ko si kuya. Nakakahiya talaga tong si Kuya. Kapal ng mukha.

    "Haha! Di nya pinamimigay yun. Binili ko pa po yun sa kanya! Walang kapatid-kapatid dun eh! Haha!"

    "Wow naman! You're so sweet talaga! Sana ako na lang niligawan mo!"

    Kinurot ni Mama si Ate.

    "Ang landi mo talaga!"

    "Nay naman! Nagbibiro lang eh! Anyway, sige..Alis na ako. May lakad pa kami ng mga friends ko eh.. Bye! Bye Andrei!"

    Nagmano si Ate kay Mama at Papa At umalis na siya. Hay. Nabawasan ng sakit ng ulo. Maya-maya, natapos na kami kumain at maghuhugas na ng pinggan. Aba si Andrei, gusto pang maghugas ng pinggan. Todo paimpress pa talaga.

    "Ako na dyan! Bisita ka eh!"

    "Ako na!"

    "Ang kulit mo ha! At baka di ka naman naghuhugas ng pinggan sa inyo! May maid ata kayo eh!"

    "Sabay na lang tayo! Ikaw ang magbanlaw!"

    Pumayag na din ako ng di na mangulit pa. Sinasabi ko na nga ba eh, hindi marunong ang lokong ito eh. Sinayang lang ang sabon.

    "Akin na nga! Di ka naman marunong eh!"

    “Ayoko nga!” At biglang sinabuyan ako ng tubig sa mukha. Aba lokong ito. Ginantihan ko nga! Sapul sya sa mukha. Natawa tuloy ako.

    At maya-maya dumating si Kuya at nakita kaming basa at panay sabon.

    “Mikaela talaga oh! Dito pa nakipagharutan! Nagsayang pa ng sabon! Andrei, pasensya ka na ditto sa kapatid ko ha!”

    Ayos ah! Si Andrei naman nagsimula eh! Tapos ako ang pagagalitan!

    “Umuwi ka na nga. Gabi na eh.” Tinulak ko sya palabas ng pintuan naming.

    “Uyy..Napatawa ko sya kanina..”

    Ewan ko pero bigla akong namula dahil sa sinabi sa kanya.

    “Uwi na sabi eh!”

    “Teka, kala mo nakalimutan ko na ang parusa ko sayo ha?”

    “Huh?”

    Hinawakan ni Andrei ang kamay ko at…
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:54 am

    Napatulala ako. Nakaalis na si Andrei, nakatulala parin ako. Ewan ko kung bakit. Biglang nagvibrate ang phone ko, pagtingin ko, si Andrei pala..

    Andrei:Galaw,galaw baka mastroke. Gudnyt!

    Hmp! Baliw talaga. Maya-maya, umakyat na ako. Nakasalubong ko si kuya at bumulong sya sakin.

    "Swerte mo sa lalakeng yun. Boto ako sa kanya!"

    Hindi ko sya pinansin. As if naman totoong magboyfriend kami. At never ko syang magiging boyfriend. Mamalasin ako pag sya ang boyfriend ko!

    Natulog na ako. Ngayong mag-isa na ulit ako, nalulungkot parin ako dahil sa sinapit namin ni Angelo. Hindi naman kasi sa isang araw ay makakalimutan ko na sya agad. Hayyy..Ang hirap ng ganito..

    “Mikaela! Gising na! Langyang bata ito o! Tulog-mantika! Alam ng may pasok kinabukasan, natulog pa ng hatingabi dahil sa kakaisip sa boyfriend nya!” at bigla syang tumawa.

    Anu ba yun? Mas gusto ko yung dialouge nya dati eh..Yung natulog ako ng hating gabi dahil sa pagcocomputer. Hmp. Simula ng pumunta dito si Andrei, sya na ang usap-usapan dito sa bahay! Nakakainis!

    Sa sobrang dami ng nangyari kagabi, nakalimutan ko na tignan ang drumset ko. At doon nakita ko na personalized pa talaga ang drumset ko dahil may pangalan pa ng banda namin sa may pinakamalaking drum. Napaisip tuloy ako, bakit ba gustong gusto nya na magkunwari kaming magboyfriend? At kinailangan nya pang gumastos ng ganito?

    Kinalimutan ko na muna lahat ng katanungan sa isip ko at nagmadali na sa pagpasok. Malalate nanaman kasi ako eh. Habang papasok na ako ng Central, nakasalubong ko si Dennis.

    "Mikaela! You won't believe it, pero sa friday na ang Battle Of The Bands sa college natin! Nakakapikon na mga pagbabagong ginagawa nila ha!"

    "O? Anong problema dun? Edi magpractice tayo ngayon hanggang tuesday. Ilang songs per band? May self composition bang kasama?"

    "1 song lang! Badtrip nga eh! Walang self composition! Sa University Band Fest pa yun! 3 songs ata dun! Naks, cool ka parin ha. Goodluck sa atin! Meron lang namang bagong banda ngayon sa college natin na sa tingin ko eh may potential talaga!"

    "Tss. Sino naman yun?"

    "Hmmmm..Waiting List ang pangalan ng banda! At Kung di ako nagkakamali, yung vocalist at guitarist na nahuli ng dating sa bahay nila Marlon ang leader ng banda na yun eh..Teka...Sino nga ba yun? Ah! Oo! Yung Vhon ba yun?"

    Sila Andrei ang mahigpit naming kalaban? Hmmm..Interesting...And..Waiting List? Kakaibang name huh? Siguro waiting list sya nung nagexam sya dito sa Central. Haha.

    "Ganun? Ok lang yun. Kaya natin yan. Practice mamaya ha! Kila Marlon!"

    "Sige! Maiwan na kita ha! Baka malate na ako eh!"

    Late na rin pala ako. Ano ba yan. Tsk tsk.

    Pagpasok ko ng classroom, lumapit ako agad kay Andrew para ipaalam ang practice namin. Nakayuko lang sya at parang natutulog.

    "Andrew, mamaya may practice tayo kila Marlon ah!"

    Inangat nya ang ulo nya ng makita nya ako.

    "Sige..Tamang tama. Dala ko gitara ko ngayon."

    At sumingit nanaman si Andrei.

    "Aba, practice? Bakit di ko alam yan? Nagpaalam ka na ba sakin? Huh?! Sasamahan kita dun!"

    "Hindi na kailangan..Di ka naman kailangan dun eh. Magpractice ka na lang kasama ang banda mo.."

    "Ano ka? Kailangan samahan ka ng boyfriend mo no!"

    Yumuko na lang ulit si Andrew ng marinig nya ang sinabi ni Andrei. Nakakainis! Kung malalaman nya lang ang totoo!

    "Ok. Whatever. Bahala ka. Sumama ka kung gusto mo."

    Maya-maya. Linapitan ako ni Jacky at nakipagchikahan sakin.

    "Sweet talaga ng boyfriend mo! Haha! Pero napansin ko lang ha, bakit kaya di ka pa pinapakilala ni Andrei sa mga magulang nya? Diba? La lang! Para mas makatotohanan diba?"

    Onga naman. Nakakapagtaka nga. Pero pakialam ko ba? Nakikisakay lang ako sa kontrata-ek-ek nya eh. Kung ayaw nya akong ipakilala. Wala na akong pakialam dun.

    Nakalipas ang 4 na araw. Biyernes na. Naghahanda na lahat ng banda mula sa college namin. Mga kasali kasi mga kumukuha ng courses na HRM,Tourism,Food and Nutrition at ewan ko na kung ano yung iba. Medyo naging iwas sa akin si Andrew simula nung kumalat ang balita na boyfriend ko si Andrei. Hayyy..Anyway, okay naman performance nya sa banda eh. Sayang, pero after this naman babalik na siguro sa normal ang dati.

    Teka, bakit wala pa si Dennis? Di daw pumasok si Dennis ngayon? Subukan nyang hindi magpakita ngayon! Lagot talaga sya sakin!

    Maya-maya nakita kong si Marlon ay papalapit sakin at hinihingal.

    "Mikaela! Pasensya na. Magkakaroon tayo ng shuffle ngayon! Si Dennis kasi! Ewan ko ba dun! Napaos at ubo ng ubo! Kaya..Kaya..."

    Parang alam ko na ang gusto nyang sabihin ah..

    "Ikaw na muna ang vocalist ngayon! Kaso sino sa drums?"

    "Ako na lang...Marunong naman ako tumugtog ng drums eh.."

    Si Andrew! Grabe! Savior of the day ka talaga! Maasahan ka talaga!

    "So bale, si Dennis on lead guitars? Astig talaga ng banda natin! It really boasts versatility! Kahit ishuffle natin ang instrument assignments, kaya pa rin!"

    "Ah..O sige nga, magdrums ka nga o di kaya kumanta?" Dumating na rin si Dennis. Paos nga sya at parang may sakit ang boses.

    "Ha? Ayos ka rin ah! Manahimik ka nga dyan! Ikaw ang may kasalanan kaya nagkaloko-loko ang plano natin eh!" Sagot naman ni Marlon.

    Si Marlon kasi. Forte nya lang talaga is playing the bass. Haha. Kawawa naman. Di na sya marunong kumanta o magpatugtog pa ng ibang instruments.

    "Tama. Manahimik ka na lang dyan Dennis. Oh ano na ngayon kakantahin natin? Hindi na pwede yung kantang dapat na tutugtugin natin. Hindi ko makakanta yun dahil mas nababagay sa lalake yun eh. Dapat Mellow and noisy at the same time ang kantang kakantahin ko ngayon.."

    "Hmmm..Ano nga ba? Ah! Alam ko na! Mikaela! Naalala mo ba yung paborito mong kanta dati? Yung sa Juana ba yun? Yung paborito natin tugtugin pagnagjajamming tayo!"
    Sabi ni Marlon.
    "Ikaw pa rin?"

    "O? Pano mo nalaman yun? Wala ka pa naman sa banda namin nung mga panahon na yun ah!" Sabi naman ni Dennis.

    "Yun ang kanta ng Juana na paborito ko tugtugin gamit ang drums dati eh. Wala lang. Kaya yun unang pumasok sa isip ko."

    "Tama! Ayos na yun! Bakit nga ba paborito ni Mikaela yun?"

    Yun lang naman ang kantang nagpapaalala sakin kay Angelo dati. Sobrang napapasenti ako pag naririnig ko yun eh. Ayos naman ng suggestion nila oh.

    "Naalala ko, emo na emo ang dating ni Mikaela pag kinakanta nya yun dati eh!"

    "Manahimik na kayo. Sige yun na lang. Maguumpisa na mamaya-maya ang contest kaya humanda na kayo ha."

    Pumunta akong C.R. para magbihis. At nakasalubong ko naman si Andrei.

    "Galingan mo mamaya ha. Hindi ako magpapatalo sayo. Pangarap ko ata maging isang successful na vocalist at guitarist ng aking sariling banda. Hehe.."

    "Lalo naman ako."

    "Pero kung sakaling papipiliin ako kung ang pangarap ko o ikaw? Ang pipiliin ko ay..."

    "Secret! Haha! Abangan mo ako mamaya!"

    Tss. Weirdo. Pero inaamin kong kinakabahan ako sa banda nila Andrei. Kahit di ko pa sila nakikitang magperform, nakita ko ang galing nya nung kinanta nya at tinugtog ang Huling El Bimbo nung nakaraang buwan. Ano kayang mangyayari kung sa kauna-unahang pagkakataon ay matalo kami? At banda pa ni Andrei? Di ko ata matatanggap yun. Kailangan naming galingan. Tsk tsk..

    Maya-maya nagbunutan na. 5 banda ang tutugtog. Nauna ang bandang Soursale,Sunod kami tapos ang Kulto ni Edna, Pencilfeet at pinakahuli ay ang Waiting List.

    Pagkatapos tugtugin ng Soursale ang "Martir" ng Sugarfree, meron kaming 5 minutes para ayusin at itune up ang mga instruments namin. At nagsimula na kami.

    nang matapos ang mga araw
    na ika’y sa aking piling iniibig ka pa rin
    nang maglaho na ang sikat ng
    buwan at araw
    sa tuwing magdamag ikaw pa rin

    bakit nga ba itong pusong
    sinugatan
    tila nais pa ring maramdaman
    tamis ng yakap mo’t halik


    Naaalala mo pa ba nang tayo’y
    magkasama pa
    Iyong sinabi’t pinangako na
    nalimot mo na siya
    At kahit naglaho ka na muling
    sumama sa kanya
    Sa aking puso ay ikaw pa rin,
    ikaw pa rin

    Tuwing pag-gising sa umaga ang
    Iyong mukha
    ang nais halikan at sambahin
    sa maghapon ay iniisip ka lang
    at ang mga nakaraan na kaysaya


    Bakit nga ba yong puso’y
    sinugatan
    habang pagsisisi ay hindi na
    kailanman mawawala


    Naaalala mo pa ba nang tayo’y
    magkasama pa
    aking sinabi’t pinangako na tayo’y
    may pag-asa
    ngayon kahit siya’y sa akin sa
    kanyang yakap at lambing
    ninanais ay ikaw pa rin, ikaw pa rin


    nang matapos ang mga araw
    na ika’y sa aking piling iniibig ka pa rin
    nang maglaho na ang sikat ng
    buwan at araw
    sa tuwing magdamag ikaw pa rin


    Naaalala mo pa ba nang tayo’y
    magkasama pa
    Iyong sinabi’t pinangako na
    nalimot mo na siya
    At kahit naglaho ka na muling
    sumama sa kanya
    Sa aking puso ay ikaw pa rin,
    ikaw pa rin

    Masyado akong nadadala sa kinanta namin. Diba't bagay na bagay sa nararamdaman ko para kay Angelo yung kanta? Pero last na talaga ito. I'll move on na talaga. Napansin kong masama ang tingin sa akin ni Andrei nung mga oras na yun. Bakit kaya?

    Kulto ni Edna na ang sumunod. Gitara ng Parokya ni Edgar ang tugtog nila. Sunod naman ang Pencilfeet na Alapaap ng favorite band ko na e-heads ang tinugtog. Sumunod na ang banda nila Andrei. Nakasimangot pa din sya pagakyat ng stage. Pero maya-maya ngumiti na sya at nagsalita muna bago sila magsimula.

    "This,this,this next song is all about love. I didnt wrote it by myself but i'll sing it for this special girl in my heart."

    Nagtawanan yung iba. Tss. Gayahin ba daw at ibahin ng konti ang intro ng Toyang? Naghiyawan ang mga babae. Lalo na yung tropa nila Bea. Siguro para kay Bea yung kanta? Hmmm..Malinaw na sa akin ngayon ang lahat! Siguro pinagseselos nya lang si Bea kaya gusto nyang magkunwari kaming magboyfriend? Ayos ah. Pero pakialam ko ba. Basta may drumset na ako! Ang saya! Pero bakit parang ang bigat sa dibdib?

    Umiiyak ka na naman
    Langya talaga , wala ka bang ibang alam
    Namumugtong mga mata
    Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

    Sa problema na iyong pinapasan
    Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
    May kwento kang pandrama na naman

    Parang pang TV na walang katapusan
    Hanggang kailan ka bang ganyan
    Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
    Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
    Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka


    Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
    Iilang ulit palang kitang makitang masaya
    Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
    Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
    Tunay na halaga

    Hindi na dapat pag-usapan pa
    Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita
    Hindi ka rin naman nakikinig
    Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
    V. Sa mga payo kong di mo pinapansin
    Akala mo’y nakikinig di rin naman tatanggapin
    Ayoko nang isipin pa
    Di ko alam ba’t di mo makayanan na iwanan sya
    VI. Ang dami-dami naman diyang iba
    Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
    Na lalake na magmahal sayo
    At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
    VII. Minsan hindi ko maintindihan
    Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
    Medyo Malabo yata ang mundo
    Binabasura ng iba ang siya’y pinapangarap ko

    Binabasura ng iba ang siya’y pinapangarap ko

    Hmmmm...Bakit kaya nya inulit yun? Hindi ko na tinapos. Lumabas muna ako ng school para magyosi. Tamang tama wala si Andrei. Tamang tama pagpasok ko, iaanounce na ang panalo. May intermission number pa eh. May mga magsasayaw pa ata..

    Umupo ako sa may bandang parking lot sa school. Nagulat ako ng biglang,

    "Mikaela! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

    Si Andrei! Patay na! Parusa nanaman ito!

    "Akala mo ba nakakatuwa ang ginagawa mo?"

    "Huh?" Bakit ba parang galit na galit sya. Ang O.A. nya ha! Yosi lang eh!

    "Diba girlfriend na kita? Bakit yung kantang yun pa? Hindi ka parin ba nakakamove on? Para sa kanya yung kanta diba? At bakit hindi mo man lang tinapos ang performance ko?"

    Paano nya nalaman yun? At bakit ba masyado syang apektado? Kontrata lang ito, bakit masyado nyang sineseryoso?

    "Ano bang problema mo? Eh sa yun ang napagusapan ng banda eh. Walang ibig sabihin yun. At teka, ano bang alam mo? Anong move on ang pinagsasabi mo dyan? Nainip na ako at lumabas. Masama ba yun?"

    Bakit ba ako nageexplain? Napipikon na ako! Bayaran ko na lang kaya yung bwiset na drumset na yun?

    Nagulat ako when he suddenly pinned me on the wall. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Hindi na talaga ako natutuwa! Nakakahiya! Paano pag may dumating na tao at kung ano na lang ang isipin na ginagawa namin?

    "Hirap sayo eh! Hindi ka ba nahihirapan? Kasi..Kasi..May taong nahihirapan..Sa mga ginagawa mo..Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh!"

    "Sinong tao?! At pwede ba-"

    "At bakit umalis ka kaagad? Manhid ka ba talaga o hindi marunong makaappreciate? Alam mo kasi, para sa-"

    "Anong ginagawa mo kay Mikaela? Alam kong boyfriend ka nya pero hindi mo sya dapat sinisigawan ng ganyan. Nakakainis na kasi ang ginagawa mo eh."

    Si Andrew! Savior ka talaga!

    "Pwede bang wag kang makialam dito? Wala ka na sa away namin!"

    Hinawakan ni Andrew sa kwelyo si Andrei. Naku, magaaway ata ang dalawa!
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:54 am

    Dumating si Angelo at ang iba pang kabanda ni Andrei.

    “Anong ginagawa nyo dito? Alam nyo bang announcing of winners na? Tara na!”

    Napansin ni Angelo ang tension na namamagitan kay Andrei at Andrew kaya hinila nya na agad si Andrei papalayo. Ako naman sumabay na kay Andrew.

    Tahimik lang si Andrew pero halatang inis parin sya. Kung alam nya lang sana na ginagawa ko ito para sa banda naming.

    Pagpasok naming, kabado kami ng mga kabanda ko. 2nd runner up ang Soursale habang 1st runner up naman ang Kulto Ni Edna. Kaya ibig sabihin, either kami o ang banda ni Andrei ang mananalo.

    Linabas na ng organize ng Battle Of The Bands na si Mr. Dela Rosa ang papel na naglalaman kung sino ang nanalo..Mukhang gulat ang reaksyon nya. Bakit kaya?

    “And the champion for the STOURFEN-HRM College Battle Of The Bands is…The Waiting List!”

    Napayuko na ako..Masyado ko silang minaliit. Ngayon ako naman ang nanliliit dahil sa pagkatalo naming..

    “It’s not over yet..It’s a tie! Melancholic Rhapsody had the same score as that of The Waiting List! So it means, we have two champions! The Waiting List and Melancholic Rhapsody!”

    Huh? Ayos yun ah. Tie sa isang band contest? Ngayon lang ata nangyari ang ganun!

    “YAHOOOO!” Talon ng talon sila Marlon at Dennis. Habang si Andrew naman, tahimik lang.

    “Tara! This calls for a celebration! Gimik tayo!” Sabi ni Marlon

    “Naku…Kayo na lang dahil-“

    “May sarili kaming celebration ni Mikaela.” Nasa likuran ko na pala si Andrei. Ok na sya ulit. Akala ko ba galit sya sakin?

    “Teka, wala naman tayong napagusapan na ganito ah!”

    “Wow! Sinasabi ko na nga ba, totoo ang balita eh! Kayo na?”

    Bago pa ako makasagot syempre inunahan nanaman ako ni Andrei.

    “Oo. Haha. Sige alis na kami ha. Pasensya na, next time na lang kayo gumimik magkakasama..”

    “Ok lang! Kung saan masaya si Mikaela, dun kami! Ingatan mo yan si Mikaela ha! Sige! Ingat kayo!” At umalis na papalayo si Marlon at Dennis.

    Ay oo nga. Oo. Grabe sobrang saya ko nga pagkasama ko si Andrei no? >Sad

    “Lika, aalis tayo!”

    “San tayo pupunta?”

    “Sa bahay ko!”

    Aba, ngayon nya lang ata ako dadalhin sa bahay naming. Bakit kaya?

    “Gabi na. Baka pagsarhan ako ni kuya eh.”

    “Hindi yan. Kinausap ko na sya kaya tara na.”

    Hinila na ako ni Andrei papunta sa sasakyan nya.

    “Mikaela, sorry nga pala kanina ha. Masyado lang siguro akong nagpadala sa mga emosyon ko.”

    Emosyon? Diba peke lang yun? Nagkukunwari lang naman tayo diba?

    “Huy…Sorry na sabi eh..”

    “Oo na..”

    “Mikaela….May sasabihin ako sayo..Wag ka sanang magagalit..”

    “Lahat naman ng gawin at sabihin mo, kinagagalit ko eh..”

    “Wag ka naman ganyan..”

    “Ano ba yun?”

    “Kasi…”

    “Kasi..ano eh…”

    Napansin kong nawawala na ang konsentrasyon ni Andrei sa pagdridrive. Muntik tuloy kaming makabangga ng tao! Hindi kasi tinitignan yung traffic lights eh!”

    “Huy! Ano ka ba! Muntik mo ng mabangga yung babae oh! Magconcentrate ka na muna sa pagdridrive mo pwede?”

    “Pero Mikaela..”

    “Bababa ako ditto. Sige ka.”

    “Sige na nga.”

    Maya-maya nakarating na kami sa kanila. Sa makati lang pala sya nakatira. Teka..Forbes Park? Grabe! Mayaman pala itong si Andrei. Kaya di na ako magtataka pa kung may sarili syang kotse.

    Tumigil kami sa isang malaking bahay na color green. Ang laki ng gate nila! Mas malaki pa ata sa bahay namin. Bumukas ang gate at pumasok na kami sa loob. Pagbaba naming ng kotse, parang gulat ang itsura ni Andrei.

    “Si Papa….Andito?” Bulong nya sa kaniyang sarili..

    “Tara! Mikaela, sakay na sa kotse. Wag na lang pala, may bisita ata si Mama eh. Sa ibang lugar na lang tayo!”

    “Huh? Sige..”

    Sumakay na agad kami sa kotse at pinaandar nya na agad ang sasakyan. Iniwan nya ng bukas ang gate nila.

    Maya-maya, papunta na kaming Vito Cruz. Aba, Pasay na ito ah. Iuuwi nya na ba ako sa amin?

    “Star City tayo!”

    Para namang bata itong si Andrei! FYI, buong buhay ko, hindi pa ako nakakapunta sa ganyan klaseng lugar. Maraming tao. Not to mention the rides. The rides! Sa bus pa nga lang, nasusuka na ako eh ditto pa kaya? Hindi nya man lang ba naisip yun?

    Pumila na kami sa bilihan ng ticket. Medyo konti ang tao dahil hindi pa naman Pasko.

    “Lika..This is a good way para masanay ka no. Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Ikaw lang ang bata na hindi pa nakakasakay ng mga rides?”

    “It’s none of your business. Teka panong..” Pano nya nalaman yun? Haha. Syempre, ang dalawang kumag nanaman ang nagsabi nun sa kanya. Si Kuya at Ate.

    “At akala mo nakalimutan ko ha, yung paninigarilyo mo! Itigil mo na kasi! Akala mo ba hindi ko napapansin na napapadalas na yang ubo mo.. At may history ang pamilya mo ng Lung problems diba?”

    “That’s none of your business either..”

    “It’s my business coz you’re my girlfriend remember?”

    “Girlfriend by contract remember?”

    “Excuse me, mahaba na yung pila sa likuran nyo. Mas mabuti pong bumili na po muna kayo ng ticket para mabilis po tayo ditto.” Sabi nung babae sa may ticket booth.

    Ayan. Napansin naming inis na yung mga tao sa likuran naming. Bumili na si Andrei ng Ride All You Can na ticket. Ano pa bang magagawa ko?

    Inuna talaga nya yung Zyklone Loop! Hindi mahaba yung pila kaya nakasakay na kami agad. Matagal pa bago umandar ang sasakyan kaya kinausap nya muna ako.

    “It’s no use hiding your fears. Hindi rin tama na hindi mo ito harapin. You need to face it..”

    Tinamaan ako ng husto dun ah.. Naalala ko kasi, ang pagtatago ko ng takot at nararamadaman ko para kay Angelo. Tinatago ko ang takot ko sa reality na hindi kami para sa isat isa. Natagalan din ako bago harapin ang takot na yun. Harapin ang reality na hindi sya para sa akin.

    “Tumingin ka ng diretso. Pag nasa paikot na tayo, tumingin ka sa direksyon ng pinaiikutan. Kailangan mastabilize mo ang kinaesthetic and vestibular senses. Using your vision to stabilise these senses will minimise your nausea. The worst thing you could do is, shut your eyes. Kaya dapat lagi mong buksan ang mga mata mo. Okay?

    Ayos ah. May scientific explanation ek-ek pa sya.

    At ang pinakahuli at pinakaimportante ay…Tandaan mo na…”

    “Na ano?”









    “Andito ako at hinding hindi mawawala sa tabi mo...” Humawak sya ng mahigpit sa kamay ko.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 17705

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe Fri Apr 17, 2009 8:55 am

    Umandar na yung rollercoaster! Ang higpit ng hawak ko kay Andrei nung umpisa. Sinunod ko yung advice nya. Hindi ako pumikit. Maya-maya na lang, napansin kong nageenjoy na pala ako at tinaas ko na yung mga kamay ko! Ang daming nagsisigawan, ewan ko, pero parang isa na rin ako sa mga sumisigaw na yun.

    "Mikaela! May sasabihin ako sayo!" Sigaw ni Andrei.

    "Ano yun!"

    "I..."

    Nung malapit na kami sa paikot, may tumili na mga babae sa likuran namin!

    "AHHHHHHHHHHHHHH!!!"

    Ang sakit sa tenga! Hindi ko narinig yung sinabi ni Andrei!

    "you!"

    Maya-maya tapos na yung ride at nakababa na kami.

    "Ano ulit yung sabi mo?"

    "Hindi mo narinig?"

    "Paano ko maririnig may mga babaeng tumili sa likuran natin!"

    "Hirap sayo eh! Bahala ka nga dyan!"

    Aba, kasalanan ko pa?

    "Tara, sa Gabi Ng Lagim tayo."

    "Naku, para ka namang bata! Wag na dun!"

    "Natatakot ka no?"

    "Syempre hindi no!"

    "O kaya tara na!"

    "Oo na...Sige na..."

    Pumunta na kami sa Gabi Ng Lagim. Hindi pa masyadong mahaba yung pila kaya nakapasok kami agad..

    Ang lakas mangyaya ni Andrei at sasabihin pang takot daw ako, eh sya pala ang takot. Papasok pa lang kami eh nakahawak na sya agad sa braso ko.

    "Bitawan mo nga ako! Di naman totoo yan eh!" Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at naglakad ako ng mabilis.

    Humabol naman si Andrei at sinabing,

    "Uy Mikaela..Yung sa kanina..Yung sasabihin ko.."

    "Ano?"

    Sa sobrang dilim, nagkawalaan na kami ni Andrei. Paglabas ko, nakita ko syang namumutla at parang takot na takot.

    "Bakit mo ako iniwan?"

    "Huh? Eh ikaw ang nawala dyan eh!"

    "Hindi mo narinig yung sinabi ko?"

    "Anong sinabi mo?"

    May lumabas na dalawang babae mula sa Gabi ng lagim.

    "Kanina, may bumulong sakin ng 'I love you' dun sa loob! Tapos nung may lumabas na patay dun sa kabaong, biglang sumigaw at nagtatakbo palabas! Ang weird no? Sino kaya yun?" Sabi nung babae sa kasama nya.

    "Nakakainis naman!"

    "Anong nakakainis?"

    "Wala!"

    Ano nanaman kayang topak meron itong si Andrei? Kanina pa ako naweweirduhan sa kanya ha!

    Maya-maya pagkasakay sa mga rides. Kumain kami ni Andrei at pagkatapos nangyaya na ako umuwi.

    "Nagenjoy ka ba?"

    "Ewan.."

    Pero ang totoo, nagenjoy ako. Ewan ko ba, tuwing kasama ko sya yung inis ko sa kanya napapaltan ng saya. Masaya ako pag kasama ko sya. Ayoko man aminin pero sa tingin ko yung totoo.

    Pagdating sa bahay, nakaabang si Kuya sa labas. Ang tindi nya ha.

    "Dito mo na patulugin yang boyfriend mo!"

    "Huh? Kuya?" Kontra ko agad.

    "Dito mo na sya patulugin okay?"

    "Salamat Kuya ah!" Payag naman agad si Andrei. Pinagusapan ata nila ito eh.

    "Bahala kayo." Pumasok na ako sa bahay.

    Naligo muna ako at pagkalabas ko ng banyo, nakita ko si Andrei na nakahiga sa sofa namin.

    "Okay ka lang dyan?"

    "Bakit? Gusto mo akong patulugin sa kwarto mo?"

    "Asa ka pa.."

    "Goodnight!"

    Parang may narinig ako pagkatapos nung 'Goodnight' nya...Di ko narinig kasi pabulong..Basta may 'you' yun sa dulo..

    "Di mo nanaman narinig?"

    "Hindi!"

    "Hopeless ka talaga..."

    "Hopeless Bingi..."

    "Ewan!" Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Hindi ako makatulog. Ewan ko ba. Parang ang sarap ulit-ulitin ng mga ngyari kanina. Ang saya kasi eh. Masaya talaga ako. Ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya.

    Kinabukasan, paggising ko, andun si Andrei at may dalang plato na may sunog na itlog at corned beef. May juice na din na kasama.

    "Good Morning! Breakfast in bed para sa girlfriend ko!"

    "Ikaw nagluto nyan no?"

    "Oo..Bakit?"

    "Kung ganyan ka ng ganyan, di ka papasa sa HRM subject natin. In the first place, di mo na dapat kinuha ang course na yan.." Sabi ko habang kinakain ko yung dala nyang pagkain. Ang pait! Sunog kasi eh! Pero kinain ko na din, baka magtampo kasi eh.

    "Napilitan lang naman ako eh..." Yumuko si Andrei.

    "Naku, sayang lang pera ng magulang mo. Dapat kumuha ka na ng course na talagang gusto mo."

    "Ano itong necklace na ito? Sino nagbigay?" Nakita ni Andrei ang nagiisang accessory na nakasabit sa salamin ko. Yun yung bigay sa akin ni Angelo nung nagouting kami nung 1st year pa kami.

    "Wag mo ngang pakialaman yan!" Tumayo ako at kukunin ko na sana yung kwintas ng

    "Siya ba?"

    'Wala ka ng pakialaman dun.."

    "Itapon mo na nga ito! Di mo na kailangan ito!" Binuksan nya yung bintana at tinapon nya dun yung necklace!

    "Ano ba? Hindi na ako natutuwa sa pakikialam mo ha!" Dumungaw agad ako sa bintana para tignan kung saan bumagsak ang necklace.

    "Ibibili na lang kita ng bago! Mas maganda pa dyan! Problema pa ba yun?" Sinara nya na ulit ang bintana.

    "Eh yun ang gusto ko eh!"

    "Para ka namang bata eh! Magbihis ka at pupunta tayo sa mall. Bibili na lang kita ng bago."






    "Lahat ng bahagi ng nakalipas mo, itatapon ko na. Para malimutan mo na.. Para di ka na mahirapan pa.."

    Sponsored content


    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story ) Empty Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by Sponsored content


      Current date/time is Tue Mar 19, 2024 11:22 am