Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Share

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 8:56 am

    Sa lahat ng ginawa ni Andrei. Ito talaga ang labis na ikinagalit ko. Below the belt na ang ginagawa nya. Pinapakialaman nya na ang personal kong buhay.

    "Labas ng kwarto.."

    "Mikaela.."

    "Labas sabi eh!" Tinulak ko sya palabas ng kwarto ko at naglock ng pintuan. Humiga ako at tinakpan ko ng unan ang ulo ko sa sobrang inis.

    "Mikaela..Sorry na.." Kumatok si Andrei sa pintuan pero hindi ko talaga sya pinapasok.

    Maya-maya sumilip ako sa labas. Wala si Andrei. Bumaba ako para kumain ng tanghalian. Nadatnan ko lang dun ay si Kuya. Wala si Ate. Pati narin si Mama at Papa.

    "Asan sila?"

    "Yung ate mo, may group project na gagawin. Si Mama namalengke. Si Papa, lumabas lang saglit. May pupuntahan atang kapitbahay. Tara, sabay na tayo kumain.."

    "Ah...Okay.."

    Naghain si kuya habang naglagay naman ako ng pinggan at kubyertos sa mesa.

    "Hindi mo ba tatanungin kung nasaan si Andrei?"

    "At bakit ko tatanungin? Bwisit yun eh."

    "Andun sya sa labas, sa may tuyo na ilog, hinahanap yung kwintas mo.." Pinatong nya ang ulam naming kare-kare sa mesa.

    "Pabayaan mo sya dun..Kasalanan nya naman kung bakit nahulog yun dun eh.." Naglagay ako ng kanin sa pinggan ko.

    "Hindi sa kinakampihan ko sya ha. Alam ko namang mali ang ginawa nya eh. Pero..Ganito kasi napagusapan namin kanina.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 8:57 am

    ***FLASHBACK

    "O? Ano nanaman bang topak ng kapatid ko?"

    "Hindi...Kasalanan ko kasi Kuya eh..Yung kwintas..Tinapon ko.."

    "Ah...Yun ba? Alam mo Andrei, alam kong gusto mong makalimot na si Mikaela.. Hindi mo naman kailangan madaliin eh.."

    "Naiinis lang ako dahil parang nakastuck na sya sa past..Ayaw nya na magmove on.."

    "You think so? Kung ayaw nya magmove on, eh bakit ikaw ang boyfriend nya ngayon? Yes, she's trying to get over her past, pero sa tingin mo kakalimutan nya na lang lahat yun basta-basta? Hayaan mong may matira naman kahit konting alaala sa kanya...Kahit yung masasaya lang...Coz kung ano sya ngayon, eh yun ay dahil sa nakalipas nya..She became a stronger person dahil dun..And about moving on, atleast make her move on in her own little ways.."

    "Oo...Naiintindihan ko po kuya...Ayoko lang talagang nakikita syang nahihirapan eh...Pero, Oo naiintindihan ko na.."

    Tumakbo palabas ng bahay si Andrei.

    "O? San ka pupunta?"

    "Hahanapin ko yung kwintas!"

    ***END OF FLASHBACK


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 8:59 am

    "Kuya talaga oh, isa ka pang pakialamero eh.."

    PAK!

    Aray!

    Hinampas ako ni Kuya ng dyaryo sa ulo.

    "Pasalamat ka nga pinangaralan ko boyfriend mo eh.."

    "Bayaan mo sya maghalungkat sa may ilog..Tignan natin kung makakatagal sya.."

    Pagkatapos kumain, naghugas ako ng pinggan at umakyat na ako sa kwarto..

    Sumilip ako sa bintana at nakita kong andun parin si Andrei na naghahalungkat sa tambakan ng basura.

    "Maya-maya wala na sya dyan.."

    Natulog ako ulit. Pag ako, natulog dere-deretso at hindi nagpapaistorbo.. Nagising ako dahil sa lakas ng patak ng ulan, tumingin ako sa orasan, alas-otso na ng gabi...Panigurado, wala na si Andrei dun.. At umuulan na kaya pinauwi na rin sya siguro ng mga tao dito sa bahay.

    Pagsilip ko sa bintana, ANDUN PA RIN SYA! MAY DALANG FLASHLIGHT AT NAGHAHANAP PA DIN!

    Tumakbo ako pababa ng hagdan, nakita kong kumakain na sila ng hapunan. Kumpleto silang lahat.

    "Ano ba naman kayo! Bakit hinayaan nyo si Andrei sa labas? Paano kung magkasakit yun?"

    "Sa determinasyon ng batang yun, sa tingin mo magpapapigil yun sa amin?" Sabi ni Papa habang ngumunguya-nguya pa.

    "Alam naman namin na ikaw lang makakapigil dun eh! Haha!" Sinabayan ng malakas na tawa ni Mama.

    "Like that's sooooo sweet Mikaela? It's raining outside tapos pupuntahan mo sya..Then magkakasalubong ang tingin nyo...Awwww! That's so sweet! Like, the ones in the movie di ba?"

    PAK!

    Napalo ng dyaryo sa ulo si Ate.

    "Yeah...Like that's so eewww kasi tambakan lang naman ng basura ang nasa likuran ng bahay natin? Tigil mo nga kabaduyan mo. Uy Mikaela, puntahan mo na yun sa labas at baka pag nagkasakit yan, tayo pa managot sa magulang nyan."

    Kumuha ako ng payong at lumabas ako papunta sa tuyong ilog sa likod ng bahay namin. Hindi na sya tuyo dahil unti-unti ng tumataas ang tubig dun. Lumusong na ako sa tubig at lumapit kay Andrei.

    "Andrei, lika na dito. Wag mo na hanapin yun. Okay lang sakin."

    "Ayun! Nakuha ko din! Mikaela! Nakuha ko na yung kwintas mo!" Inangat nya ang kwintas ko na nakasabit pa sa kailaliman ng basura.

    "Mikaela...Sorry talaga..." Naku! Nanghihina na si Andrei! Bumagsak sya at napayakap sya sakin! Nabitawan ko tuloy yung payong! Ang init nya! Mataas siguro ang lagnat nya!

    "Sorry...Ayoko lang nakikitang nahihirapan ka.."

    "Mikaela..."

    "I love you.."

    At nagdedeliryo na ata dahil kung ano-ano na ang sinasabi nya...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 9:02 am

    Pumasok na kami sa loob ng bahay at nakaabang pa talaga silang lahat..

    "Awwww...The both of you looks soooo sweet!" Bati agad ni Ate.

    "And..Ewwww..smells so yucky too!" Hirit nya naman paglapit nya samin.

    "O..Punasan mo boyfriend mo..O Eto ang damit.." Inabutan ako ni Kuya ng towel at mga damit nya.

    "Bakit ako? Paliguin mo na lang sya.."

    "Gusto mo magkapulmonya yan? Dali...Linalagnat yung tao o..Dalhan ko na lang kayo ng gamot at pagkain sa kwarto.."

    Inakyat ko na ang nanghihinang si Andrei papunta sa kwarto ko.

    "Tangalin mo muna yung damit mo.."

    "Lahat? Mikaela, alam kong boyfriend mo ako..Pero masyado pang maaga para dito.."

    "Che! Wag ka ng mangasar! Syempre itira mo yung shorts mo!"

    Nakakailang ang ganito. Dapat pauwiin na ito sa kanila eh.

    Tinanggal nga ni Andrei ang damit nya at nakashorts na lang sya.

    "Ako na magpupunas. Mukhang naiilang ka ata eh."

    "Hindi na! Humiga ka na lang." Grabe. Kahit sobrang lamig nun, dahil umuulan, pinagpapawisan parin ako sa ginagawa ko.

    "Bilisan mo naman ginagawa mo! Ang lamig kaya!"

    "Pasensya na ha! O yan. Tapos na, magsuot ka na ng damit mo."

    Pumasok ng banyo si Andrei at nagpalit ng damit.

    Pumasok si Kuya sa kwarto na may dalang sabaw at basong may laman na tubig.

    "O ito, pakainin mo muna saka mo painumin ng gamot." Linapag ni Kuya sa maliit kong mesa yung pagkain at baso. At lumabas na agad.

    Pagbalik ni Andrei, humiga na ulit sya. Mukhang nanghihina talaga sya. Nagtakip sya ng kumot. Inangat ko yung kumot.

    "Hoy. Kumain ka muna at uminom ng gamot!"

    "Ayoko!" Nagtakip ulit sya ng kumot.

    "Aha...Takot ka sa gamot no?" Inangat ko nanaman yung kumot.

    "Hindi ah..Di ko kailangan nyan. Di naman malala sakit ko eh.."

    "Naku, dali na, wala naman masama sa paginom nito eh?"

    "Ayoko pa rin!"

    "Kumain ka muna. Mamaya na natin pagusapan yang gamot na yan.."

    "Sige...Subuan mo ako ah.."

    "Aba, maswerte ka.."

    "Masakit ang braso at kamay ko. Kawawa naman ako eh..Sige na.." Nagpaawa effect pa si Andrei.

    "Sige na nga.." Sinubuan ko na din. Kawawa kasi eh. Parang walang sakit ah, sunod sunod ang subo.

    "O..Ito inom ka na ng gamot.."

    "Ayoko sabi nyan!" Ano ba itong si Andrei! Matanda na, takot pa rin sa gamot!

    "Ano ba! Wag nga matigas ang ulo!"

    "Sige na nga...Pero may kondisyon..."

    "Huh? Ano yun?"

    "Kiss muna! Mas mabisa yun kaysa gamot eh!"

    "Ano ka hilo? Sige, wag mo na inumin itong gamot..Bahala kang manigas dyan.." Linapag ko yung bote ng tempra sa table.

    "Hmmm...Muntik ko ng makalimutan! Lumabag ka nanaman nga pala sa kontrata kahapon!"

    "Ano nanaman linabag ko? Huh?"

    "Andrei’s Constitution, page 6, article XVI,section 5."

    Teka, familiar yun sakin ah..Ay oo nga pala! Nagyosi ako! Bwiset talaga!

    "O..Kiss mo na ako..Tapos inumin ko na yung gamot!" Tinuro nya yung pisngi nya.

    NAKU! PASALAMAT KA TALAGA! AFTER 100 DAYS MAKIKITA MO!

    "Hay..May magagawa pa ba ako?" Nasabi ko na lang sa kanya. Medyo kabado pa ako. Pagkiss ko sa pisngi nya, bigla syang humarap! Sinadya nya siguro yun! Siguro gets nyo na kung anong nangyari diba?

    Kung hindi..It means..

    Labi nya ang nahalikan ko at hindi ang pisngi nya. Umatras ako agad.

    "Sinadya mo yun no!" Nakangiti lang si Andrei. Ako, nakatulala parin.

    Hindi nya ako pinansin at ininom nya na agad yung gamot na dala ko at nagtakip na ulit ng kumot.

    Nakakainis talaga ito! Maya-maya naligo na ako at nagpalit ng damit. Pagbalik ko, tulog na si Andrei. Natulog na din ako.

    Hindi pa ako makatulog dahil mahaba ang tulog ko kanina. Habang pinagmamasdan ko si Andrei. Napansin kong nanginginig sya sa lamig. Para bang lumambot ang puso ko at naisip ko syang yakapin muna..

    "O? Bakit? Matulog ka na dun..Okay lang ako.."

    "Manahimik ka na nga lang dyan.."

    Bakit ganun? Ako pa rin ba ang dating Mikaela? Ang laki na ng pinagbago ko. Ang apathetic at dating walang pakialam at malamig sa mga lalake na si Mikaela ay andito ngayon at inaalagaan ang lalaking ito. Nakayakap pa ako sa kanya.

    Anong meron si Andrei at...

    He melted my heart which was once so cold and frozen?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 9:05 am

    Pagising ko nung umaga, nasa kama na ulit ako at nakatakip ng kumot.

    "Wow. Good Afternoon!" Aba, gising na si Andrei at mukhang wala ng sakit.

    "Uy, salamat sa pagalaga mo sakin kagabi ha. Mukhang napagod ka ata sa pagtingin sakin."

    "Hindi naman." Umiinat pa ako nun.

    "Tara, bihis ka."

    "Bakit?"

    "Bibili kita ng bagong necklace."

    Ito talaga! Pagsinabi, gagawin talaga. Hay nako. Syempre, kailangan sumunod. Sabi ng 'boypren' eh.

    Naligo ako at nagbihis agad. Deretso na agad kaming mall. At syempre una naming pinuntahan ang isang accessory shop. Alam nyang wala akong hilig sa mga silver necklaces kaya dinala nya ako dito.

    "O? Gusto mo ba ito?" Pinakita nya sakin yung necklace na may pink na bato. Tapos bulaklak ang design. Though simple tignan, wala akong hilig sa pink and floral designs.

    "Hindi..."

    "Okay...Ito bibilhin ko.."

    Nangaasar ba talaga sya?

    Binili nya na yung necklace at sinuot sakin.

    "Alam mo kung bakit yan ang binili ko para sayo?"

    "Bakit?" Syempre hindi ko naman pinahalata na ayoko sa necklace. Nakakahiya naman.

    "Kasi, ayokong bumili ng necklace na 'type' mo na..Kasi syempre yun na ang gusto mo eh. Gusto ko, matutunan mo syang magustuhan, dahil bigay ko."

    Huwaw. Hanep ah. Okay. Im impressed whatever. Pero parang tama sya, parang naappreciate ko kahit papano yung necklace.

    "Tara, kumain na tayo."

    Dinala nya ako sa japanese restaurant. Yak. I hate japanese food. At di ako marunong gumamit ng chopsticks. Pero may choice pa ba ako?

    Umupo na lang ako sa upuan at pinabayaan ko syang umorder.

    Pagbalik nya,

    "Sushi inorder ko sayo ha."

    "Ha? Hilaw na isda yun diba?"

    "Magugustuhan mo din yun."

    Hay nako. Taliwas talaga kami ng gusto ng lokong ito.

    Dumating na yung order ni Andrei at ayun kumain ako.

    Medyo pinagtyagaan ko na kahit ayoko ng lasa. Ayoko syang madisappoint. Sya na nga ang nanlibre eh.

    "Try mo isawsaw sa sauce diba?"

    "OKAY. Di naman po kasi ako kumakain nito." SInawsaw ko yung sushi sa sauce, at onga, sumarap nga kahit papano.

    After namin kumain, napadaan kami sa ice skating rink.

    "Tara, iceskating tayo!"

    "Ayoko nga!"

    "Tara na! Please!" Kulang na lang tumalon sya eh. Kaya pumayag na din ako.

    Hindi talaga ako marunong kaya panay ang dulas ko. Tawa lang ng tawa si Andrei. Nagiice hockey daw kasi sya nung nasa states sya kaya sya marunong.

    Umiinit na talaga ulo ko, pero maya-maya di ko napansin na nageenjoy na pala ako.

    "Wow. Fast learner ka pala Mikaela eh.."

    "Oo na."

    "Teka, pwede mo na ako bitawan."

    "Ayoko. Baka mahulog ka nanaman. Lampa ka pa naman."

    "Okay na nga sabi eh.."

    "Ayoko. I won't let you go."

    "Paano ako matututo kung hindi mo ako bibitawan?"

    Ewan ko ba. Pero parang mauulit ulit ang conversation na ito sa ibang pagkakataon.

    Umuwi na kami pagkatapos. Nagpaalam na sya at nagpasalamat sa amin. Grabe. 2 days din sya tumira sa bahay namin ha.

    Kinabukasan,

    "Uy! Musta naman date nyo ni Vhon?"

    "Okay lang.." AYoko magkwento kay Jacky. Baka ipagkalat pa nya eh.

    "Tipid mo naman magkwento. Sige na, magkwento ka na."

    Hay ang kulit nya. Syempre, nagkwento na rin ako.

    "Wala. Starcity. Tapos dalawang araw syang andun sa bahay namin"

    "As in dun sya natulog?"

    "Oo."

    "Sa iisa kayong kwarto?"

    "Unfortunately, Yes."

    "GRABEEEEEEEEEEEE!!! AYYYYYYY!" Grabe naman makatili itong si Jacky

    Di ko inaasahang lalapit sa akin si Bea.

    "Excuse me, But can we talk?" Paingles ingles pa ito.

    "We're talking now.."

    "Just the TWO of us?"

    "Ah..Sige aalis na ako. Pasensya na huh?" Nagirapan si Jacky at Bea.

    "What?"

    "Kasi, I know you're Andrei's girlfriend but there's something you don't know."

    "Ano yun?"

    "We're exclusively dating na. And I don't know kung bakit ka pa nya syinota. But I guess I know what the reason is."

    "Ano?"

    "Ginagamit ka lang nya para magrebelde sa magulang nya. He knows that his parents would really be against your relationship. May sama sya ng loob sa magulang nya kaya nya ginagawa ito."

    "What's wrong with our relationship?"

    "Sorry for being too frank but, You're too simple. A 'typical' teenager. There's nothing special about you. The way you dress. Your lifestyle and whatnot. Your reputation's not enough for you to be matched with someone like him. If you think that being a vocalist and a scholar would impress his parents, then, You're definitely-"

    "So what's your point? What do you want me to do?"

    "Stay away from him. Don't you have any idea that he's using-"

    "I don't care at all. This is the usual scene in filipino telenovelas. Antagonist talks sh*t about the protagonist's leading guy and they end up breaking up coz stupid protagonist doesnt analyze the situation at all."

    "Sorry. Pero hindi ako ang 'typical' na bida na magpapadala sa mga sinasabi mo. I won't break up with him. And anyway, that's just your wild guess. So why would I go jumping to conclusions? "

    Natulala si Bea. Di nya siguro akalain na sasabihin ko yun.

    Pero ang totoo, nasaktan ako. Kahit na ba kontrata lang ang relationship namin. Nasaktan ako.

    Lumabas ako ng classroom at nakasalubong ko si Andrei.

    "Mikaela! Anong sinabi sayo ni Bea? Ano?"

    "Wala naman bakit?"

    "Imposible! Hindi nga?" Mukhang takot na takot ang itsura ni Andrei.

    "Bakit ba parang takot ka. Guilty ka ba?"

    "Hindi ah! Pero baka kung ano kasi sinabi nya sayo eh!"

    "Kung ano man yun, hindi ako naniniwala."

    "Talaga?"

    "Oo. May tiwala ako sayo eh. Boyfriend kita diba?" Ngumiti ako sa kanya.

    "O sige, baba lang ako saglit. May kukunin lang sa locker. ha?"

    "Ah..O..Sige.." Napatulala naman ngayon si Andrei.

    Pagbaba ko, nakasalubong ko si Dean Buenaventura.

    "Ms. Larazabal, can I talk to you in the office?"

    "Ha? Ah Ngayon na po?...O Sige po.."

    "Oo ngayon na." Okay lang naman sakin kasi malapit lang locker ko sa office. Pero kinakabahan ako sa sasabihin nya sakin.

    Pagdating namin dun pinaupo nya ako.

    "Mikaela, sa inyo natulog si Andrei ng dalawang araw diba?"

    "Ah...Opo..Hindi po ba sya nagpaalam sa inyo? Pasensya na po.."

    "Tama ka. Hindi sya nagpaalam. Dumating kasi ang papa nya kaya alam na naming di sya uuwi sa bahay. At alam namin na sa inyo lang naman sya pwedeng makitulog."

    "Ah...Ganun po ba.."

    "Mikaela, hindi naman sa pagaano ha. Pero sa totoo lang, gusto kita para sa anak ko. Matalino ka,disiplinado at may talento sa larangan ng musika. Kaso nga lang, sa tingin ko, hindi ka nababagay sa kanya."

    Mukhang tama nga ang sinabi ni Bea.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 9:06 am

    Nagulat ako sa pinakita nya. Speechless ako. Pero dala pa din ng mga nangyari sa amin nung mga nakaraang araw nagmatigas ako.

    “Kontrata lang ang lahat diba? Bakit sineseryoso mo naman ata masyado?”

    “Mikaela…Akala ko ba…Diba? Nung inalagaan mo ako nung nagkasakit ako..Nung sinabi mong naniniwala ka sakin dahil ako boyfriend mo..Wag mong sabihin dahil sa kontrata lang yun?”

    “Oo…At kahit hindi pa tapos ang 100 days, eto at tinatapos ko na ang kontrata natin. Kunin mo na yung drumset sa bahay.” Pinunit ko ang kontrata naming sa harapan nya.

    “Andrei, we’re not meant for each other. Magkaibang magkaiba tayo. Magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Hindi pa tayo magkasundo. I found the guy who’s worthy of me at mas nakakakilala sakin, at si Andrew yun.”

    Natulala si Andrei. Nung naglalakad na ako palayo,

    “Mikaela, yan ba talaga sinasabi ng puso mo?”

    Dere-deretso ako. Napansin ko na lang na biglang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Ewan ko ba.

    Deretso uwi ako nung araw na yun. Bday na bday ko, depressed na depressed ako. Wala naman akong malabasan ng problema ko. Hindi ko naman pwede kausapin si Andrew kasi involved sya dito..Hay…

    Maya-maya mag tumatawag sa cellphone ko..Si Angelo..Sinagot ko naman..

    “Hello?”

    “Bago muna ang lahat, Mikaela, Happy Birthday..Pasensya na di kita nabati kanina. Bad mood ka ata kanina eh.”

    “Salamat Angelo..”

    “Bakit mukhang malungkot ka? May problema ba?”

    “Wala..Medyo nalilito lang…”

    “Kay Andrew ba at kay Andrei?”

    “Ha?…” Alam nya kung anong nangyayari..

    “Hindi mo naman kailangang malito eh…Alam mo naman kung sino ang nasa puso mo kaya lang, nagbubulag-bulagan ka pa..”

    “Angelo, hindi mo naman alam ang nararamdaman ang nararamdaman ko eh..It’s very complicated..Hindi mo pa kasi nararanasan ang magkaganito eh..”

    “Anong hindi? Naranasan ko na yan no…”

    “Huh?”

    “Nung nalito ako…Sa inyong dalawa ni Gale..”

    “Mikaela, tanda mo ba sinabi ko sayo dati? Iba ang masayang kasama sa gusto mo makasama.. If you set aside your differences, you’ll realize that he’s the one you really want to be with..”

    “Yeah…I remember..Hay..It’s just that everything’s so complicated..”

    “Magisip-isip ka muna..Wag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo sa huli..Sige...Mamaya na lang ulit ha…”

    “Okay..Bye..”

    Tapos, may kumatok sa pintuan.

    “Mikaela! Nahalo ata blouse ko sa damit mo. Kukunin ko lang.”
    “Mikaela, hiram naman sintas nung chucks mo..Pwede?”

    Binuksan ko yung pinto at pinabayaan ko silang pumasok.

    “HAPPY BIRTHDAY!” Bati ni Ate Mikayla at Kuya Mikhail sakin. Dala nila yung mga regalo nila sa akin nun.

    “Aba, aba. Bday na bday, di maipinta ang mukha mo ah..Anong meron?”

    “Naku…Naalala ko yang mukhang yan eh, yan yung mukha nya nung heartbroken sya dun sa…Sino ba yun?”

    “Angelo!”

    “Oo nga pala..Lagi ko nakakalimutan pangalan nun!”

    At for the very first time, hihingi ako ng payo kay Ate at Kuya…

    “Ate..Kuya..Lahat tayo may ideal guy diba? Diba may tao tayong nakikilala na nakakasundo natin sa lahat ng bagay at-“

    “Nakilala mo na sya?”

    “Oo..Pero..I always end up with the exact opposite..This other guy..It seems like destiny always finds a way para magkasama kami..I can’t understand the feeling na evernthough we have a lot of differences and we fight a lot..I just can’t stay away from him…”

    “Tapos?”

    “ What makes it more complicated is, other people is against our relationship. Lahat kontra…”

    “Anong lahat kontra! Boto kami kay Andrei no!”

    Nalaman agad nila kung sino?!

    “Kahit ako no! God, kung ikaw na isang napakaboring na tao makakatuluyan pa ang isang boring na tao na tulad ni Andrew, paano na? Kamusta naman yun diba?”

    “But…Sino ba talaga dapat ang pipiliin ko?”

    “Listen…Mikaela..Matalino ka..I know you’ll get through this..Ikaw nakakaalam ng sagot sa tanong mo. Wala kaming karapatan na mamili kung sino ang dapat mong piliin..”

    “And sis, analyze this question..Quote na sinend sa akin nung friend ko kanina..”

    “What will you do if you're torn between two lovers?
    One is funny and the other one is quiet..
    Who do you prefer,
    The funny one who makes you smile?
    Or the quiet one who is the exact reason why you smile?”

    Kinuha na ni Ate at Kuya ang kailangan nila sa kwarto ko at lumabas na.

    Naguguluhan pa din ako. Alam ko na naman ang sagot sa tanong ko eh..

    Pero si Andrew…Sya ang nakakaalam ng lahat…Yung sa amin ni Angelo..Sya ang dumamay sa akin nung mga oras na yun.. Maaring may alam din si Andrei pero nalaman nya lang siguro ito dahil kwinento ni Angelo. Wala syang nalalaman sa nararamdaman ko. Ni hindi nya pa ako nakikitang umiyak di tulad kay Andrew.

    Nakatulog na ako kakaisip. Ng may nagtext sa akin.

    Andrew:Mikaela, alis tyo ngyon. Pwd kb?

    Pumayag naman ako. Ng makakapagunwind muna.

    Naligo ako, kumain at nagbihis agad. Nagkita kami ni Andrei sa SM Megamall.

    “Kumain ka na?”

    “Di pa nga eh..”

    “Ako rin eh..San mo gusto?”

    “Kaw? Kahit saan ako..”

    “French Baker. Gusto mo?”

    Wow. Favorite ko din yun ah. Ang galling. Buti pa talaga pag si Andrew kasama ko. Pero bakit kahit favorite ko ang French Baker, eh parang mas gusto ko na kumain ngayon sa Japanese Restaurant? Eh wala naman akong hilig dati sa Japanese Food.

    “Eh medyo mahal dun diba?”

    “Ok lang yan..Tara na..”

    Pumunta kaming French Baker. Umorder ako ng La Primavera Pasta. Si Andrew na nagbayad. Nangulit kasi eh.

    Habang inaantay naming yung order. Medyo naiinip na ako. Dumaan yung waiter malapit kay Andrew at ewan ko ba at nasabi kong,

    “Andrei! Pafollow-up mo naman order natin sa waiter oh!”

    Natulala si Andrew sakin. Syet. Ano ba itong nasabi ko? Nakakahiya naman kay Andrew. Sya kasama ko tapos ibang pangalan ang binabanggit ko.

    “Waiter, yung order naming pakifollow-up..”

    Parang wala lang syang narinig. Pero I’m sure narinig nya yun eh. Natulala pa nga sya eh..Tsk tsk..


    Hindi ako makakain ng maayos. Nakatulala lang ako sa malayo. Masaya ako..Pero..parang may kulang pa din..

    Napadaan kami sa skating rink. Tanda ko dati, kinaladkad pa ako ni Andrei para lang magice-skating kami. Eh wala naman akong kahilig-hilig sa ganun. Pero ewan ko ba kung bakit bigla ko syang nagustuhan nung nagskate na kami..

    “Ice-skating tayo!”

    “Naku..Di ako marunong nyan eh…Ikaw na lang..Babantayan kita..”

    “Ay..Wag na lang..”

    Maya-maya… Nagarcade na lang kami ni Andrew.. Wala pa din akong gana. Nanood kami ng movie pero wala akong naintindihan. Nakahalata na ata si Andrew at nangyaya ng lumabas.

    "Yosi tayo sa labas.."

    "Ha? Ah...Hindi na ako nagyoyosi eh.." Bakit ganun? Parang ayoko na nga talagang manigarilyo?

    Habang palabas kami parang may narinig ako..

    “Heh..Sino bang niloloko ko?”

    “May sinabi ka ba?”

    “Mikaela…Alam mo, may dapat kang malaman..”


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 9:06 am

    “Alam mo kasi..Kung meron mang taong mas nakakakilala at mas nakakaintindi sayo..Hindi ako yun..Si Andrei yun..”

    “teka..Andrew naguguluhan ako sayo eh..”

    Kwinento nya sa akin yung nangyari nung retreat naming..

    ***FLASHBACK

    Nung 1st day nung retreat natin nung pumunta ka sa dorm after lunch. Ito ang nangyari

    “Andrew, lika nga at magusap muna tayo..”

    “Bakit naman kita kakausapin?”

    “Wag ka na kasing umangal!” Hinila ako ni Andrei papunta sa likod ng lunchroom.

    “Bakit wala kang ginagawa?”

    “Anong walang ginagawa?”

    “Hindi mo ba napapansin si Mikaela? Yung kakaibang pagkilos nya?”

    “Huh? Natural nya na yun diba?”

    “Wala ka talagang kwenta! Wala kang kaalam-alam na nasasaktan sya. Pilit nya lang tinatago. Hindi ko akalain na hindi mo pa pala ganun ka kilala si Mikaela!”

    Sinuntok ko si Andrei sa sobrang inis. Hindi gumanti si Andrei. Tumayo lang sya at hinarap ako. That explains kung bakit nakashades si Andrei nung nakita natin sya.

    “Ibig mong sabihin mas kilala mo sya kaysa sakin? Ayaw nya nga sayo eh.”

    “Yun nga eh. Alam kong hindi ko sya magagawang damayan dahil ayaw nya sakin. Maiinis lang sya pag lumapit ako sa kanya. Kaya..”

    “Kaya ano?”

    “Ikaw na ang gumawa nito para sakin. Puntahan mo sya. Para mabawasan man lang ang sama ng loob nya. Nahihirapan kasi ako pag ganun sya.”

    “Naiintindihan na kita. Pero bakit nga ba ganun sya?”

    “May hinanakit sya na matagal nya ng tinatago. May tao syang hinihintay. Ewan ko pero yun ang pakiramdam ko.”

    “Sino naman yung taong yun?”

    “Ewan ko eh. May hinala na ako. Pero pag nalaman ko lang kung sino sya, lagot talaga yung taong yun sakin.”

    “Hindi ko akalain na ang tanga na tulad mo, may nalalaman din pala kahit papano.”

    “Tigilan mo nga ako! Antayin mo lang mawala ang galit sakin ni Mikaela, pinapangako ko, hindi mo na sya mapopormahan!”

    “Tandaan mo, hindi ko ito ginagawa para sayo. Kundi para kay Mikaela..”

    Ang totoo, masama ang loob ko nun. Bakit nararamdaman ni Andrei ang nararamdaman ni Mikaela. Bakit ako di ko man lang nalaman na may sama ng loob syang tinatago. Sa lahat ng tao, si Andrei pa. Iniisip ko nung mga oras na yun, ipagtapat na ang nararamdaman ko para kay Mikaela para hindi na makaporma pa si Andrei. And that explains yung black eye ni Andrei nung retreat.

    FASTFORWARD: Boy’s Dorm. 1st Night ng Retreat.

    Dahil wala nga akong kasama, niyaya ako ni Andrei sa kwarto nila ni Angelo. Natulog na ako agad. Pinikit ko na ang mga mata ko pero hindi pa ako masyadong nakakaramdam ng antok nun. At di ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan ni Andrei at Angelo.

    “Classmate mo si Mikaela nung 1st year sya diba? May nalalaman ka ba tungkol sa lovelife nya dati?

    “Ha..Ah..Eh…” Hindi makasagot ng maayos si Angelo.

    “Ikaw yun no? Ikaw yung lalakeng hinihintay nya diba? At para sa kanya yung bulaklak nga prinesent mo kanina?”

    “Mahirap man aminin..Pero oo..Kasi..Kami ni Mikaela…Dati..”

    Hindi na pinatapos pa ni Andrei sa pageexplain si Angelo. Sinuntok nya ito agad. Tumalsik at napahiga sa sahig si Angelo.

    “Hindi mo ba alam kung gaano naghihirap ngayon si Mikaela ng dahil sayo? Wala akong pakialam kung ano man ang meron sa inyo dati! Pero paano mo sya nagawang saktan?!”

    Tumayo si Angelo na medyo nahihilo pa.

    “Nalito ako..Kinailangan kong mamili sa kanilang dalawa ni Gale..At si Gale ang napili ko..”

    “Ano ka? Collect and select? Sana hindi mo na pinaibig pa si Mikaela! Alam mo naman na may girlfriend ka eh!”

    “Di ko talaga sinasadya…Pasensya na..Wag ka na sana magalit..”

    “Kausapin mo si Mikaela…Ayokong nakikita syang ganyan.. Hindi ko akalaing kaibigan ko pa ang magiging dahilan ng pagluha ng babaeng pinakamamahal ko..”

    Nung mga oras na yun. Nagalit din ako kay Angelo. Pero wala akong nagawa. Wala lang siguro akong lakas ng loob na harapin sya tulad ng ginawa ni Andrei.

    “Sinabi ko na nga ba’t mahal mo rin sya eh! Uyyyyyy!”

    “G*go. Naiinis parin ako sayo. Magseryoso ka nga dyan.” Nagseryoso na ulit si Angelo.

    “Kakausapin ko naman talaga sya eh. Akala ko lang talaga, galit sya sa akin pero nagulat na lang ako ng pinansin nya ako. Kahit ako, ayokong nakikitang ganyan sya. Nahihirapan din ako.”

    ***FASTFORWARD 2nd Night ng retreat

    Gabi na kami nakapagshower nila Andrei at Angelo dahil sa pinagawang activities ni Kuya Red. Nauna si Angelo matapos. Kakausapin ka na pala nya nung gabing yun. Pagkatapos naming maligo ni Andrei, pumunta na kami sa kwarto naming para magbihis.

    “Naman! Si Angelo, kung saan nanaman nilagay yung pabango ko!”

    Nakita ni Andrei ang pabango ko at kinuha na lang ito basta.

    “Payatot! Enge muna nito ha!”

    “Matutulog ka na lang, magpapabango ka pa.”

    “Syempre naman..Dadalawin ko pa sila Mikaela sa dorm nila para magoodnight. Syempre dapat mabango ako. Mabango ba naman itong pabango mo?”

    Hindi ko na lang sya pinansin at pinabayaan ko na lang sya.

    Paglabas ni Andrei at pagdaan nya sa corridor, tamang tama naman na pumasok si Mikaela na kakatapos lang makipagusap kay Angelo.

    ***FLASHBACK ENDS

    “Ibig sabihin, hindi ikaw at si Andrei ang kasama ko nung mga oras na yun?”

    “Oo…Mikaela..Patawarin mo sana ako..I thought na mas deserving ako para sayo..Hindi pala..Si Andrei pala yun..”

    Nagulat ako sa mga nalaman ko. Hindi ako nakaramdam ng inis o galit kay Andrew. Sa halip, laking pasasalamat ko dahil malinaw na sa akin ang lahat.

    At alam ko na kung sino ang pipiliin ko…















    Kinabukasan, maganda ang mood ko. Gumising ako ng maaga para makapunta na agad sa school at makausap si Andrei.

    Pagpasok ko palang ng school, nakasalubong ko na agad si Mr. Dela Rosa. Yung organizer ng mga Band Fest sa school.

    “Miss Larazabal! I’m happy to tell you na kayo na ang lalaban para sa Mendiola Consortium!”

    “Ha? Paano po nangyari yun? Paano na banda ni Andrei?”

    Lumapit ang isang estudyante sa kanya na may hawak na mga papel.

    “Sir, ito po yung mga papers na kailangan natin. Pakicheck na lang po…”

    “Ay…Mamaya na lang iha ha…Marami kasi akong aasikasuhin ngayon eh!”

    Umalis na si Mr. Dela Rosa ng di nasasagot yung tanong ko. Masama ang kutob ko. Ano kaya ang nangyari? Binilisan ko ang pagpunta sa classroom. Sinalubong agad ako ni Jacky at Angelo.

    “Oh My God! I can’t believe na nagawa mo pang pumasok! Anong ginagawa mo ditto?”

    “Ha? Teka, naguguluhan ako. Bakit hindi ako papasok?”

    “Aalis si Andrei ngayon! Pupunta na syang America! Hindi mo man lang sya pipigilan?”

    “Ha? Wala akong alam!”

    Naalala kong iniwan kong patay ang cellphone ko simula nung matapos ang nakaraang battle of the bands.

    Teka, ano pa bang ginagawa ko ditto? Kailangan ko ng umalis!

    “Salamat ha! Aalis na ako ngayon din!”

    Nagabang na ako agad ng taxi. Uubusin ko na baon ko sa pamasahe. Bahala na. Sa NAIA daw ang sakay nya. 12:00 ang flight nya. 3 hours before sya sumakay. Sana umabot pa ako.

    Grabe…Traffic. Anong oras na? Magaalas otso na! Hindi na ako aabot!
    Pumasok na ako sa airport. At pagdating ko dun, nakita ko si Dean Buenaventura kasama si ang kuya ni Andrei.. Pero…Asan si Andrei?










    “Miss Larazabal! I’m sorry but he just left…” Sabi ni Dean sa akin.

    Parang gumuho ang mundo ko nung mga oras na yun…

    “Teka po..Bakit? Bakit biglaan ang pagalis nya? Naguguluhan po ako!”

    “Hindi mo ba alam? Bati na sila ng Papa nya. Ipinaglaban ka nya ka nya sa Papa nya. At dahil dun, natauhan na sya. Tuwang tuwa sya nun. Kaso nga lang, nung bday mo ata yun, umuwi sya na malungkot. Kaya naisip nyang sumama sa Papa nya sa pagpuntang states para ipursue ang music career nya.”

    FLASHBACK: Gabi ng Battle Of The Bands

    “Papa! Matagal na akong nagging sunudsunuran sa mga gusto nyo. May banda ako sa states, iniwan ko yun dahil gusto mong magHRM ako dito sa Pilipinas.”

    “Lahat ng inuutos nyo, sinusunod ko. Para maging proud kayo sa akin! Para maimpress kayo sa akin! Pero bakit ganun? Hindi nyo pa rin ako magawang pahalagahan? Nung retreat, gusto ko kayong kausapin ni Mama, pero hindi nyo ako bingyan ng pagkakataon! Para bang lahat na lang ng gawin ko ay mali!”

    “Kung iniisip nyong nagrerebelde ako, nagkakamali kayo. PagreRebelde ba ang pagsunod ko sa lahat ng gusto nyo? Mahal ko si Mikaela. I dated Bea kasi yun ang gusto nyo. Pero ngayon, ininsulto nyo sya! Ang babaeng pinakamamahal ko! Kaya simula ngayon, hindi na! Hindi na talaga ako magiging sunudsunuran sa inyong lahat!”

    END OF FLASHBACK.
    “Pero..Pero..” Naiiyak na ako. Bakit kailangan magkaganito?

    “And he decided to give up his band para kayo na lang ang lumaban sa Mendiola Consortium…”

    How could I be so stupid? Ngayon ko lang narerealize lahat lahat…Kung gaano sya kahalaga sa akin…Kung gaano ko sya…kamahal…

    Umiyak na ako..Di ko na napigilan pa..Niyakap ako ni Dean..

    “I’m sorry…It was also my fault.... Masyado akong nagging sunud-sunuran sa asawa ko. Sa totoo lang, gusto talaga kita para kay Andrei. Kung hindi ko lang sana kayo pinigilan dati…”

    “No..It’s my fault..Nagbulag-bulagan ako. Masyado kong inisip ang differences naming ni Andrei..Not realizing na mahal ko pala talaga sya..Hindi ko sya pinahalagahan…Ipinaglaban nya ako, pero di ko sya nagawang ipaglaban.”

    Lumapit si ang kuya ni Andrei sa akin at sinabing,

    "the greatest ironies of life, having the right person at the wrong time, having the wrong person when the time is right, and finding out that you love someone after the person walks out of your sight.."

    “Kuya…”

    Wala na ba talaga? Wala na ba talagang pagasa para sa amin?

    “But if you’re really meant for him, destiny will find a way to bring you back to him.”



    THE END?!



    Dahil nga ba sa pagaantay ni Mikaela sa wala, eh mawawala ang taong talagang minamahal nya?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12381

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by [FM] LyLe on Fri Apr 17, 2009 9:08 am

    Wala na kaming communication ni Andrei. Si Dean, nagresign na rin after a week. Sumunod na din sya sa America dahil si yung Kuya ni Andrei, dun na rin magtratrabaho. Tinanggap ko na na hindi talaga kami para sa isa’t isa. Nanalo nga pala kami sa Mendiola Consortium. Couldn’t been possible kung hindi dahil kay Andrei.

    Maraming nagbago sa akin dahil kay Andrei. Nakakaya ko ng iexpress ang nararamdaman ko ng walang takot at pagaalinlangan. Isang bagay na talagang gusto kong ipagpasalamat sa kanya.

    Nakagraduate na kami sa wakas. Si Jacky, pagaartista ang papasukin. Langya, dapat di na sya nag-hrm. Si Angelo, magbabarko naman. Pag nakaipon na daw, papakasal na daw sila ni Gale.

    Nakalipas ang apat taon. Hindi na talaga kami nagkita. Ni walang contact sa isa’t isa. Magaantay nanaman ba ako ng matagal? Ewan ko. Pero kahit papaano, masaya na din ako dahil magpapatayo kami ng isang bar and grill ng mga kabanda ko. Syempre, kailangan ko din gamitin ang pinagaralan ko no. Hilig ko naman eh pagtugtog at pagluluto eh. So Bale, chef na ako sa bar na yun, kami pa ang tutugtog! Nagiipon kami ngayon ng pangtayo nun sa pamamagitan ng pagtugtog sa mga bar. May partime job din ako sa isang hotel malapit sa amin. Wala pa sa plano naming ang gumawa ng album o pumasok sa music industry.

    At isang araw, nagkita ulit kami ni Jacky. Birthday ko kasi noong araw na yun. Nagkita kami sa isang restaurant malapit sa amin.

    “Uy! Happy Birthday! Ikaw talaga, may trabaho na, wala parin balak magcelebrate ng birthday! Ayusin mo nga buhay mo!” Inabot sa akin ni Jacky ang regalo nya sa akin.

    Umorder kami at pagkatapos, doon na nagsimula ang kwentuhan namin.

    “Uy! Alam mo ba, nung nasa set ako ng TV Series na, Sketch, may nabalitaan ako dun sa kasama ko dun!”

    “Ano naman yun?"

    “Si Andrei! Miyembro na pala sya ng isang sikat na banda! Kaibigan kasi nung kasama ko dun yung drummer ng banda ni Andrei! Pinarinig nga sa akin yung latest single nila! Guess what yung title?”

    Ano? Grabe, hindi na nakapagtataka. Sa galing ni Andrei, talagang walang duda na sisikat sya.

    “Ano?”

    “Waiting For Ela! Alam mo, feeling ko para sayo yung kantang yun! He’s waiting for you! Alam mo ba yun?”

    “Magtigil ka nga dyan Jacky. Nakalimutan na ako nun. Ilang beses ko sya sinaktan at binalewala. Siguradong may iba na yun.”

    “Naku, ikaw talaga kahit kailan! Ngayon lang daw kasi yun nakauwi ng Pinas. Nagtapos muna ng Conservatory Of Music sa states! Pustahan, babalikan ka nun dito!”

    “Imposible..”

    Dumating na yung order namin, pagkatapos kumain nagpaalam na din agad si Jacky.

    “Naku, sige. Aalis na ako ha. May taping pa ako eh! Happy Birthday ulit!” Nakipagbeso-beso sa akin si Jacky at umalis na sya sa restaurant.


    Narealize ko na, lalong Hindi ko na sya maaabot ngayon. Kasalanan ko din naman kasi ito, di ko sya pinahalagahan dati.
    Wala talaga sa balak ko na magcelebrate ng birthday. Trabaho na muna ang nasa isip ko. Sa Club Dredd daw ang gig namin ngayon.

    “Mikaela! Happy Birthday!"

    Rinegaluhan ako ng acoustic guitar ng mga kabanda ko. Ang sweet talaga nila. Si Andrew ang nagabot ng guitar sa akin. Matapos ang konting kwentuhan, nagbukas na yung Bar.


    Wala masyadong tao. Mga 5 pa lang ata ang andun. Pero sinabihan na kami na tumugtog na agad. Pero sabi sa akin ng manager, ako daw mag-isa ang tumugtog. Request daw ng audience. Pumayag naman ako at ginamit ko ang acoustic guitar na regalo sa akin ng mga kabanda ko.. Tamang tama, may nacompose pa naman akong bagong kanta.

    I didn’t mean to hurt you badly.
    Maybe I was just to blind to see.
    All the efforts you have done for me.
    I should have looked much closely.

    But now you’re gone.
    And I can’t bring you back anymore.
    I’m left alone.
    Thhen suddenly realized, what you mean to me.

    I’ve waited in vain for someone who’s not worthy.
    Not knowing that your love would set me free.
    You were here all along.
    Ready to sing with my song.
    I’m waiting in vain for nothing..
    Not noticing I already have everything.

    I was finally over that guy.
    When you suddenly said your goodbyes.
    Tears start streaming down from my eyes.
    I should have think twice

    And now you’re gone.
    And I can’t bring you back anymore.
    I’m left alone.
    I suddenly realized, what you mean to me.


    I’ve waited in vain for someone who’s not worthy.
    Not knowing that your love would set me free.
    You were here all along.
    Ready to sing with my song.
    I’m waiting in vain for nothing..
    Not noticing I already have everything.

    Tell me, do I have to wait again?
    When will this heartache ever end.
    But now I’m ready..
    To wait in vain again!


    Nagulat ako ng biglang may kumanta mula sa audience.

    Ela..Kumusta ka na?
    Matagal na tayong, hindi nagkikita.
    Ela, Miss na kita.
    Hanggang ngayon ba, suplada ka pa?

    Hindi mo na kailangang maghintay,
    Andito naman ako!
    Hindi mo na kailangang malumbay,
    Andito naman ako!

    Ela…Baduy ka na pala..
    Pakanta-kanta ng love song na ganyan.
    Ela..Nasabi ko ba?
    Kung hindi pa, uulitin ko na lang.

    Lumapit sya sa harap ng stage. Oo, si Andrei nga yon. Hindi ko sya nakilala kanina dahil nakacap sya.

    Mikaela..Mahal parin kita..


    Tumalon ako sa stage para lapitan sya, sinalo nya ako at niyakap ko sya ng mahigpit.

    THE END.


    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14323

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by W32.Downadup.D on Sat May 02, 2009 4:55 pm

    waw anghaba naman nito


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10602

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:08 pm

    parang pare-pareho lang sinasabi mo ah,
    haha!
    maganda ito... hihi! :]


    _________________

    .so much love you take from me.

    Resignin
    Resignin

    ƭaǁeϰ † Ѻŋe
    Number of posts : 5086
    Points : 17666

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by  on Tue May 05, 2009 11:14 pm

    haha ganyan lng magspam* si alvin

    nabasa nio na?


    _________________
    "~ He who sleeps half a day has won half a life. ~"
    ~ Silence is the sleep that nourishes wisdom. ~


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10602

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by .bad cheetah. on Tue May 05, 2009 11:32 pm

    ikaw din ЅРAϺϺΕR AKO!!! yan eh,
    haha!
    nabasa ko na...


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14323

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by W32.Downadup.D on Sun May 10, 2009 11:06 pm

    haha..
    spammer* ka?


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10602

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by .bad cheetah. on Mon May 11, 2009 3:44 pm

    pwede din! haha...

    "sa libu-libong pagkakataon,
    na tayo'y nagkasama...
    iilang ulit palang kitang nakitang masaya!"


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14323

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by W32.Downadup.D on Mon May 11, 2009 3:55 pm

    ano nga ulit kanta yan?
    basta pne yan


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10602

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by .bad cheetah. on Mon May 11, 2009 4:00 pm

    halaga!
    ang ganda nun,
    super peyborit ko un...
    haha!


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14323

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by W32.Downadup.D on Mon May 11, 2009 4:10 pm

    haha..


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10602

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by .bad cheetah. on Mon May 11, 2009 4:12 pm

    nice, hihi...
    peybowit mo din?


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14323

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by W32.Downadup.D on Mon May 11, 2009 4:31 pm

    hindi eh


    _________________


    .bad cheetah.
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    i think sometimes you forget where the heart is... :]
    Number of posts : 2558
    Points : 10602

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by .bad cheetah. on Mon May 11, 2009 7:36 pm

    ah, buti naman! hehe...


    _________________

    .so much love you take from me.

    W32.Downadup.D
    sO taMad Ko!!
    sO taMad Ko!!


    Number of posts : 3209
    Points : 14323

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by W32.Downadup.D on Tue May 12, 2009 12:49 am

    haha...
    ako naman dito


    _________________


    kar :)
    Estudyante
    Estudyante

    Number of posts : 3
    Points : 5185

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by kar :) on Thu Dec 17, 2009 4:57 pm

    grabe, ang cute nito. nakakaiyak. Smile

    Sponsored content

    default Re: Waiting for vain for nothing, not noticing I already have everything ( Story )

    Post by Sponsored content Today at 10:14 pm


      Current date/time is Sun Dec 04, 2016 10:14 pm