Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!


Join the forum, it's quick and easy

Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

Book For Short

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

+3
.
[FM] LyLe
7 posters

    Torpe [ A Story of Love ]

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 1:40 pm

    TORPE



    Chapter 1:

    Sayang bakit hindi kita niligawan
    Ngayon ako'y nanghihinayang
    Kasi naman tatanga-panga pa ako noon
    Walang humpay na paghintay
    Sa hindi dumarating na pagkakataon

    Lagi namang kitang nakakasama
    Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
    Kahit na napakagaling mong kausapin
    Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring angkinin
    Madalas naman tayong naglolokohan
    Dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
    Kaya siguro hindi mo sineryoso aking mga sinabi
    Yan tuloy wala.....

    *Pak*

    Marielle: "Sapul! Hahaha."


    "Marielle! Ano ba naman. Batuhin ba ko ng unan. Saka bakit mo pinatay yung radyo!"

    Hay. Nako. Magkaroon ka ba naman ng kapatid na ganyan. Ewan ko na lang ano. Sakit sa ulo as in.

    Marielle: "Haay.. Kuya JC.. Di ka pa nagsasawa sa kantang yan. Sa bagay, bagay na bagay sayo." (sabay ngiting nang-aasar)

    Binato ko nga ng unan. Sabay takbo naman siya palabas ng kuwarto ko. Lagi na lang ako inaasar nun. Kala mo naman siya may boyfriend. Subukan lang may manligaw dun nako. Sapok ang aabutin sakin ng mga yun.

    O Sige. Fine. Strict na kung Strict. Eh Second Year Higschool pa lang tong kapatid ko. Sabi nina Papa, minsan OA ako. Mas strict pa raw ako sa kanila. Ewan ko ba.

    "Eh maghanap ka na kasi ng girlfriend, iho.. Aba, Second Year College ka naman na eh.."

    Haay. Yan ang laging sinasabi ng mga magulang ko sa akin. San ka pa? Sila pa nagsasabi na manligaw na ko. Oo. Wala pa akong girlfriend. Naiinis ako minsan natsismis akong bading sa school. Aba naman. Si John Christopher Delgado, bading?? Sa Guwapo kong ito?!

    Unfair nga eh. Kapag babae, no boyfriend since birth. Conservative ang dating. Tapos kapag lalaki, no girlfriend since birth, bading. No Way!

    Isang malaking katanungan sa sangkatauhan kung bakit wala pa akong girlfriend.




















    Haay.. Kung alam lang nila....
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 1:45 pm

    Chapter 2:

    Okay. Wala pa akong girlfriend. Ako lang ang walang syota sa tropa. Aba. Sino kamo ang date ko nung prom at gradball namin? Sino pa nga ba? Ang napakaganda kong kapatid. Oo. Kahit Grade 6 pa lang siya noon. Matangkad naman siya kaya hindi halata.

    Stephen: "Pare, ang KJ mo naman. Sana man lang naghanap ka ng ibang date. Utol mo pa dinala mo."

    "Bakit pa ayaw mo pa magkagirlfriend?" Yan ang laging tanong sa akin ng tropa ko. Ang lagi ko naming sagot?

    "Sus. Gastos lang yan."

    Okay Fine. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanila. Ang suwerte ko nga raw kasi ang daming nagkakagusto sa akin sa school namin. Uy. Sila nagsabi nun ah. Kasi nung Valentines, may chocolates at card ba naman ako sa upuan ko?? Nakakahiya kaya yun. Di ko nga alam kung pinagtripan lang ako nina Stephen eh. Sabi naman nila, wala raw silang ginagawa.

    Hanggang pagdating ko sa college. Wala pa rin. Subsob lang ako sa pag-aaral saka sa basketball. Binabalak ko nga magtry-outs sa team next sem eh kaso natatakot ako baka mapabayaan ko studies ko. Mahirap na di ba?

    Hanggang isang araw...

    "Whaaaat??!! 7 am na??"

    Nagmadali akong lumabas sa kuwarto. Pasok sa banyo. Ligo agad. Bihis. Lagay ng gel. Takbo!

    "Bye Ma.. Bye Pa. Oi Marielle, maaga uwi ah?"

    Marielle: "OOooopooo.. kuuyaaa"

    Ayun. Pagkatapos, kumaripas na ko papuntang sakayan. Sumakay ako sa unang jeep na makita ko na papuntang MRT. After 20 minutes, nasa may MRT na ako. Hala. Ang haba ng pila. Bumili na ko ng ticket papuntang Quezon Ave.

    "7:40 na.. Di bale. Aabot ako sa class ko niyan. Kaya yan."

    8:30 kasi first class ko. First day naman ng class ngayon kaya medyo wala pa masyadong nagpapasok niyan. Pero dahil masipag ako, pasok pa rin ako. Sayang din allowance ah.

    Ang daming tao sa loob. Ang hirap talaga magcommute. Buti na lang nakahanap agad ako ng upuan. Kaso may nakita kong matandang babae eh nakatayo, naguilty tuloy ako.

    "Lola, Dito na ho kayo maupo." (sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko)

    Tinignan ako nung matanda. Umupo siya. "Salamat iho. Pero di pa ko lola, miss pa lang"

    Hala. Pahiya ata ako dun. Lumipat tuloy ako ng puwesto.

    "Haay. Salamat.."

    Mga 8:10 na ako nakarating sa Quezon Ave. Nagmadali akong bumaba at naghanap ng jeep papuntang UP. Jackpot. May dumating kaso puno na sa likod kaya dun ako sumakay sa harap sa tabi ni manong drayber.

    Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni manong. Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likod.

    "Hoy, Manong yung sukli ko.. Kanina ko pa hinihingi ah.. Bingi ba kayo?"

    Napatingin ako sa Rearview mirror. Ang aga-aga ang sungit sungit naman nun. Di ko masyado makita yung mukha eh. Naka-cap kasi. Nanlaki mata ko. Teka, Babae yun?? Ang angas ah.

    Iniabot ni Manong yung sukli nung babae. Tapos pumara siya sa may McDo.

    Manong: "Siya na na naman? Ang malas ko naman nasakay ko na naman yun."

    "Bakit ho?"

    Manong: "Nasakay ko rin yun kahapon eh. Ewan ko ba dun. Ang sungit. Tapos kung kumilos, machong macho."

    Tinignan ako ni manong saglit. Tapos parang natawa siya.

    Manong:"Daig ka pa nga eh.." (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)

    Aba. Ang kapal ni Manong ah. Napahawak tuloy ako sa biceps and triceps ko.




















    Sinong hindi macho?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 1:48 pm

    Chapter 3:

    Yahoo. 8:35! May palugit kasi na 15 minutes bago ka maconsider na late eh. Eh di takbo naman ako pagbaba ko ng jeep. Sa CAL (College of Arts and Letters) pa kasi first class ko, 4th floor pa. Kapagod talaga.

    Pagdating ko ng room, nagbibigay pa lang ng classcards yung prof ko. Lumingon lingon ako .


    Stephen: "Pssst, Toph.. Dito o."(sabay turo sa upuan sa tabi)

    Tumabi ako kay Stephen, ang katropa ko since highschool. Nagkumpara kami ng sked at magkaklase kami sa dalawang subjects etong English 1 saka Geog 1. Astig nga eh.

    Stephen: "Bat ang tagal mo ah?"

    "Naku po, naabutan ako ng trapik saka medyo nalate ako ng gising."

    "Delgado."

    Ayun. Tinawag na pangalan ko. Kinuha ko classcard ko at sinulatan. Yun lang lang naman ginawa namin. Pagkatapos kaming bigyan ng syllabus at list ng required readings, dinismiss na rin kami.

    "O San na tayo ngayon? What time ba next class mo?"

    Stephen: "11:30 pa eh. Eh ikaw?"

    "11:30 rin eh. Ang Haba ng break natin nito.''

    Stephen: "Eh kung mag-Katips muna tayo. Sa Shakey's muna siguro tayo. Tambay lang. Daanan na rin natin sina Adrian sa may Hobby Stop baka nandun lang yun nag-dodota. Kukunin ko na sa kanya yung hinihiram kong CD eh."

    Naglakad kami papuntang parking lot. Nandun kasi yung CRV ni Stephen eh. Papasok na ako ng kotse nang biglang may nagpark na sasakyan sa tabi. Napalingon ako. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita kong may bumaba.. Parang si.. Parang si..



















    Siya nga!!!
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 1:54 pm

    Chapter 4:

    *DUGDUuuuG.. DUGDUuuuG.. DUGDUuuuG *

    Parang sumikip yung Dibdib ko. Feeling ko nasa last 1 minute ako ng isang basketball game namin. Tension talaga.

    Siya ba yun??

    Mas lalo siyang gumanda. Nagpagupit pala siya. Shoulder-length na yung hair niya kumpara dun sa mala-shampoo commercial niyang haba ng hair dati. Pero nandun pa rin yung dimples niya na kitang-kita pag ngumingiti siya.. Tapos.. Tapos..

    Stephen: 'Oi, Toph?? Okay ka lang?? Mukha kang t-anga diyan! Nakangiti ka mag-isa."

    "Huh? Ano?"

    Lumingon ako. Nasan na siya??! Haay.. Ayun. Malayo na pala siya. Naglalakad na siya papuntang library. Wala na rin yung kotse sa tabi. Siguro hinatid lang siya ulit nung driver nila. Sh*t. Mukha na pala kong panga di ko namalayan. Nakita kaya niya ko? Nakakahiya...

    "Ah. Eh. Wala may naalala lang ako."

    Tinignan ako ni Stephen na parang naweirduhan ata sa akin.

    Stephen: "Tara na nga. Kung di lang kita kilala, baka mapagkamalan pa kitang baliw diyan."

    Sumakay na ko sa loob tapos pumunta na kaming Katips. Bago kami pumuntang Shakey's dinaanan muna namin sina Adrian sa Hobby Stop.

    Adrian: "Oi, Tol. Long time no see ah. Mustah bakasyon? May class na nga pala kayo ngayon. Next Monday pa yung amin eh. Pero sa condo na ko mag-stay uli."

    "Okay naman. Buti pa kayo. Pero okay lang din, wala pa naman masyado ginagawa ngayon. Break nga namin ni Stephen ngayon eh."

    Adrian: "Ay si Peter pala saka Jason mga blockmates ko." "(Sabay turo sa dalawang katabi niyang nag-cocomputer) "Si Stephen saka Toph, tropa ko nung highschool na sa UP na ngayon nag-aaral. Uy, Dota tayo. Bilis di na tayo masyado naglalaro ah."

    "Sige, Tol Next Time. Pero di ako masyado nagdodota eh. Saka kahit R.O (Ragnarok) medyo di na rin masyado"

    Stephen: "Eh sa basketball naman yan adik eh."

    Adrian: "Oo nga pala. Ay may bago ngayon, yung Freestyle. Astig yun. Basketball naman yun eh. Try mo."

    "O nga, narinig ko nga yun. Pinapahiram nga ako nung pinsan ko ng CD. O sige tol. Alis na rin kami."

    Adik talaga tong si Adrian sa PC oh. Sa bagay, mula naman nung highschool ganyan na siya. Kahit ngayong college na at sa Ateneo na nag-aaral, ganun pa rin. Second Home na niya ang mga computer shop.

    Pagkakuha ni Stephen nung hinihiram niya kay Adrian, nagpark na kami sa may Shakey's. Jackpot. May nakatabi kaming pagong este Volkswagen.

    "Twelve.."

    Stephen: "Anong binubulong mo diyan?"

    "Ah eh. Wala naman"

    Nagbibilang kasi ako ng Volkswagen na sasakyan. Okay. Okay. Nakuha ko yung ideyang yun kay Marielle. Nagbibilang kasi siya ng ganun. Napansin ko lang one time habang nasa biyahe kami papuntang Batangas dati.

    Marielle: "Twenty"

    "Anong binibilang mo diyan?"

    Marielle: "Pagong. I mean yung Volkswagen. Sabi kasi ni Badette, magbilang daw ng ganun tapos kapag naka-50 ka na. Kung sino unang kakalabit sayo, siya daw yung soulmate mo."

    "Soulmate. Soulmate. Naniwala ka naman kay Badette? Inuuto ka lang nun eh."

    Marielle: "Sus. Wala namang mawawala pag ginawa ko di ba? If I know, mamaya magbibilang ka na rin ng pagong niyan.."

    "Asa."

    Ewan ko ba. Trip trip lang. May nakita ko nung isang linggo eh kaya ayun tuloy-tuloy na yung pagbilang ko. Saka wala nga naming mawawala di ba? Wag lang malaman ni Marielle tong ginagawa ko't aasarin ako nun sigurado.

    Pumasok kaming Shakey's tapos nag-order lang. Parehas kami ni Stephen na Bunch of Lunch ang inorder.

    "Kumukulo na ata tiyan ko. Di ako nakapag-breakfast eh."

    Pagkabigay sa amin ng order. Galit-galit muna. Walang pakialamanan. Gutom na kami eh.

    Tumambay lang kami dun hanggang mga 11 tapos bumalik na kaming school. Dinaan muna ako ni Stephen sa Math Building kasi dun yung sunod na class ko. Siya kasi sa CAL ulit ang class niya.

    Pagdating ko, may note sa blackboard.

    (MHV2) We'll meet on Thursday.

    Tinignan ko yung form 5 ko kung anong section ko. MHV2 nga.

    "Bad trip. 11:15 pa lang tapos next class ko 2:30 pa."

    Sumakay ako ng jeep papuntang Palma Hall. Tinignan ko yung room namin sa next class ko umaasang baka sakaling may note din. Pagsilip ko... aba meron nga!!

    "Socsci1 class (MTh 2:30-4) No meeting today! Ayos! Makakauwi na ko."

    Kaso pagtalikod ko..

    *PAK.*

    "Ouch!"

    *BLaaaG.*

    Naku po. Ang t-anga mo talaga Toph! Napalunok ako. Nakita ko ang isang 3650 na nasa sahig na nakakalat na yung cover saka battery niya. At isang...























    "Pucha! Bulag ka ba??!"
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 1:58 pm

    Chapter 5:

    "Sorry miss.. Sorry talaga.."

    Napatingin ako dun sa babae. Parang familiar yung voice niya eh.. Parang nakita ko na siya pero di ko lang matandaan ko san.

    Miss: "Anong sorry? Di mo ba pupulutin cellphone ko?"

    Aba. Nagulat ako. Pagtaasan ba ko ng boses. Tinitignan tuloy kami ng mga taong dumadaan. Ako naman pinulot ko yung battery saka cover. Inayos ko tapos sinubukan kong i-on.

    (Hinga ng malalim)

    Lord, please. Please... Hindi siya sira.. hindi siya sira... Pagtingin ko sa cellphone, okay siya! Nakahinga ko ng maluwag. Biglang hinablot nung babae sakin yung cellphone.

    Miss: "Akin na nga. Pasalamat ka.. Naku, kung hindi. Patay ka sakin."

    Kung hindi lang to babae eh, pinatulan ko na to. Kala mo kung sino eh.. Teka..

    Alam ko na! Eto ata yung babaeng macho sa jeep. Titignan ko sana ulit kung siya nga kaso nakalakad na siya paalis. Alangan namang habulin ko pa?!

    "Ang tigas din nung babaeng yun. Macho talaga. Parang monster.."

    Monster? Hmm.. Bagay... Kakatakot naman talaga yun. Parang bulkan kung magtatalak. Mga babae talaga o.

    Nag-commute na uli ako pauwi. Maaga pa kaya di pa trapik. Nakarating akong bahay mga 12:30. Wala pa parents ko saka si Marielle. Si Ate Tess lang, yung maid namin yung nandun.

    Ate Tess: "O JC, Ang aga mo ah.."

    "Wala ho kasi akong class ng hapon. Sige, ate, akyat lang akong kwarto ko"

    Natulog muna ko. Walang magawa. Ayoko namang lumabas. Ang init eh. Nagset na lang ako ng alarm ng 4:00 para makapagbasketball ako ng saglit sa may park ng hapon.

    *RRRiinnnGGG!*

    Nagising ako sa alarm. Pagtingin ko sa watch 4 na nga. Nagbihis ako ng pangbasketball at bumababa. Pagtingin ko sa may dining table, nandun si Papa nagbabasa lang ng dyaryo. Si Mama naman nasa Kitchen mu~g naghahanda ng meryenda.

    "Uy, ano yung naaamoy ko? Bango ah. Lasagna ba? Tamang-tama, yan may kakainin ako sa pagbalik ko.."

    Mama: "Basta uwi ka bago mag-6 ah. Mahirap na medyo madilim na sa labas."

    "Sige, Ma.. Pa.. Alis na ko.."

    Palabas na sana ako ng pinto nang may nakita akong pumasok sa may gate namin. Aba. Aba. Sino tong kasama ni Marielle?! ???

    Marielle: "Ah.. Eh.. Hi.. Kuya? Bat ang aga mo ata?"

    "Sino ka?"

    Guy: "Ho? Ah. TJ po"

    "Ano? CJ?"

    Guy: "TJ po"

    "PJ?"

    Marielle: "Kuya.. TJ nga eh.. (napatingin sa basketball na hawak ko)O magbabasketball ka pala eh.. ingat.."

    Nginitian ko si Marielle. Tinignan ko yung TJ na yun.

    "Ah. Hinde.. nagbago ka na isip ko. Bigla akong tinamad. Halika, pasok na dali."

    Napansin kong sumimangot si Marielle at bumulong ng "pasensiya na.." dun sa lalaking yun.

    "Pa, may bisita si Marielle o."

    Papa: "O, TJ iho, mustah na daddy mo? Di na kami nakakapag-usap ah. Pakikamusta ako sa kanya ah."

    Ano? Close sila? Aba. May hindi pala ako nalalaman sa mga nangyayari dito.

    "Ah. Sinong daddy?"

    Mama: "Ah. Anak siya ni Tito Bert mo. Yung kumpare ng Papa mo. Kabarkada niya nung highschool."

    Lumapit ako kay Papa at binulungan siya.

    "Pa, eh mu~g manliligaw yan sa utol ko eh. Wag niyo namang kunsintihin.."

    Papa: "Wag ka ngang ganyan. Magkabarkada lang yan ano. Saka wala ka bang tiwala sa kapatid mo."

    Hay naku. Umiral na naman ang pagkakunsintidor ng mga magulang ko. Mahirap na. Kahit anak pa siya ng kung sinong presidente pa yan.. Di natin alam ang tumatakbo sa isipan niyan..

    TJ: "O sige po.. Alis na ako.."

    Mama: "Magmeryenda ka muna.."

    TJ: "Naku.. Wag na po.."

    "Oo nga.. dito ka muna.. kain ka lang kahit saglit.. Masarap lasagna ni Mama."

    Tinignan ako ni Papa, Mama saka Marielle. Parang nagulat ata sila ah.

    Umupo si TJ sa sofa katabi si Marielle. Aba. Parang nag-init ang dugo ko. Lumapit nga ako sa kanila. Tinignan ako ni Marielle na parang nagtataka. Ngumiti ako... at...




















    Umupo't siniksik ang sarili ko sa gitna nilang dalawa.
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:03 pm

    Chapter 6:

    Di nagtagal umalis na rin yung mokong na yun. Okay na sana kaso tinalakan na naman ako ni Marielle.

    Marielle: "KUUUUYAAA!! Anong problema mo? Kulang na lang eh subuan mo ng lasagna si TJ. Grabe."

    "Teka.. Kinakausap ko lang naman ah.. Pero.. Oo nga noh? Next taym nga.. Gagawin ko yan."

    Marielle: "Urrrggh! Kaibigan ko lang yun noh!" (sabay dabog papuntang kwarto niya)

    "Friends lang daw.. Showbiz ah.."

    Papa: "JC naman.. Sa uulitin wag mo na gagawin yun.. Nakakahiya dun sa bata.."

    "Pero Pa.."

    Mama: "Haay.. Wala ng pero pero.. Lagi mo na lang ginaganyan kapatid mo. Imbes na maging open yan sa atin baka matuto pang magtago ng sikreto.."

    Okay. Pagtulungan ba ko ng mga magulang ko. In-on ko na lang yun TV baka mas may mapala pa ako. Mga 7:30 kami kumain ng dinner. Si Marielle di sumabay sa amin, busog na raw siya. Ewan ko ba dun.

    "Sige po. Akyat na ako sa kwarto."

    Mama: "Sige goodnight iho. Patayin mo yung ilaw sa kwarto mo ah minsan nakakatulugan mo eh."

    Umakyat ako sa taas. Naghilamos saka nagtoothbrush. Pagkahiga ko sa kama, di pa ako makatulog. Umidlip kasi ako kaninang tanghali eh. In-on ko muna yung radyo pampalipas oras lang...

    Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin akoy
    Napatingin
    Sa dalagang nababalot ng hiwaga.
    Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
    Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka

    Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan,
    Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan
    Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
    Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

    Ang swerte nga nman ni ding, lagi ka nyang kapiling
    Kung ako sa kanya niligawan na kita
    Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
    Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka

    Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,
    Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
    Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
    Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

    Tumalon kaya ako sa bangin,para lang iyong sagipin
    Ito ang tanging paraan para mayakap ka
    Darating kayasa dame ng ginagawa
    Kung kaagaw ko sila paano na kaya?

    Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,
    Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
    Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
    Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

    Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
    Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

    "Kahit sulyap lang darna.. Sapul. Naaalala ko tuloy siya.."

    FLASHBACK: (First Year First Sem)

    Ang tagal naman nung prof namin. Four na ah. Baka wala siguro kaming class pero third day of classes na eh. Tumingin ako sa mga tao sa classroom. Nagkukuwentuhan lang karamihan. Wala man lang akong naging classmate na kabatch ko nung highschool. Biglang may pumasok sa pinto.. Napatingin ako baka yun na yung prof.

    Natulala ako..

    Ang ganda niya..

    Di ko namalayan lumapit siya sa akin..

    Girl: "Kay Prof. Garcia po ba to? Math 17?"

    Nagulat ako. Titingin sana ako sa likod ko baka iba yung kinakausap niya pero mu~g ako naman talaga ang kinakausap. :Smile

    "Ah. Oo"

    Girl: "May nakaupo po ba dito?"

    "Ah. Wala. Wala."

    Umupo yung babae sa upuan sa kaliwa ko. Di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Sobrang kabado ko kasi.

    Girl: "Hi. Ako nga pala si Larisse. Freshie ka rin ba?"

    Sobrang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakausap lang naman ako ng babae ah? Ang labo talaga. Napatingin ako sa kanya. Ang cute niya. Naka-smile siya't kitang-kita yung dimples niya.

    "Ah. Oo. First year din ako."

    Girl: "Haay, kinakabahan ako. Sana mabait yung teacher natin. Ay, ano nga pala name mo?"

    Napangiti ako. Parang ang bait-bait niya. Ngayon pa lang kami nagkausap pero ang gaan-gaan ng loob ko kanya.

    "Oo nga.. Sana nga mabait siya.. saka magaling magturo.. Ako si -----"

    Biglang may pumasok na matandang lalaki sa classroom.

    "Good Afternood class, I'm Professor Rovan Garcia."

    Prof. Garcia: "I'll just give you your classcards for you to sign and your syllabus. To make it easier for me to record your recitation and recognize everyone, I'll arrange your seats alphabetically."

    Waaah! O Hinde! Napatingin ako kay Larisse. Sana letter D ang apelyido niya, Dela Cruz, Del Norte, Del Sur, o basta D. Nung tinatawag na kami isa-isa, Wala akong ibang iniisip kung hindi sana makatabi ko siya.

    "Delgado"

    Pang-lima ako sa harapan. Ang tagaaaaaaal bago ko siya nakitang umupo.

    "Vergara"

    Haaay. Ang layo naman ng letter D sa V. Pesteng Alphabet yan! Sa may pinakalikod tuloy siya nakaupo. Nag-start mag-discuss si Sir. Ako naman sulat ng notes. Natapos ang class nang hindi ko namalayan. Lumingon ako sa likod. Pero wala na siya!

    Nagmadali akong bumaba. Ayun nakita ko siyang pinagbuksan ng pinto ng driver ata nila. Hindi ko man lang siya nakita uli. Tapos bigla kong na-realize... Di ko pala nasabi na..


















    "..ako si Toph.."
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:08 pm

    Chapter 7:

    Di nagtagal inabutan na rin ako ng antok. Pinikit ko ang mga mata ko. Napangiti ako.. Isa lang ang nasa isip ko bago matulog...

    Siya... (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)

    RiiiiiiiiiNNNGGggg!!

    Nagising ako sa alarm. YaaAAaaWWwnn! Inaantok pa ko. Haay.. Pero ayun, tumayo na ko. Nag-ayos at pumasok sa banyo para maligo na. Bumaba ako para makisabay magbreakfast kina Mama.

    "Good Morning, pipol!"

    Mama: "Good Morning, ayos ba tulog mo?"

    "Okay lang naman.."

    Papa: "Ano oras ba pasok mo? (sabay tingin sa orasan) 6:30 na ah."

    " 10:00 pa po. Pero dirediretso na yun hanggang 4:00. Walang break."

    Mama: "Ah. Ganyan ba sked mo ngayong sem pag Tuesdays saka Friday? Eh di kumain ka ng heavy breakfast niyan ah."

    "Opo."

    Tinignan ko si Marielle. Mu~g tahimik pa rin siya. Nagtatampo pa rin ata.

    "Uy. Marielle.. Sorry na nga kahapon ah.. Lam mo naman ganun lang talaga ako eh.. Bati na tayo ah? Dadalhan kita ng Chocnut?"

    Marielle: "Sa tingin mo ba, madadaan mo ko sa Chocnut?"

    "Sige na.."

    Marielle: "Haay nako.. Sige na nga.."

    Mga 6:50 umalis sina Papa saka Marielle kasi ihahatid pa ni Papa sa school yung kapatid ko. Pasok nun 7:30 eh. Si Mama naman sumunod umalis ng 7:15 papuntang ospital, doktora kasi si Mama, pediatrician siya. Si Papa naman lawyer. Isa siya sa may ari ng isang law firm dito sa Pilipinas.

    Naiwan akong mag-isa sa bahay. Si Ate Tess naman, yung maid namin inutasan ni Mama na magbayad ng bills namin eh. In-on ko muna yung PC para may magawa naman ako. Nag-check ako ng e-mail tapos naisipan ko na rin mag-check ng friendster ko. Mag-iisang buwan na ata akong di nagbubukas ng friendster eh.

    [b]10 New Testimonials
    15 New Friend Requests

    Karamihan ng mga testi galing sa mga pinsan ko saka kabatch ko nung highschool. Nangangamusta. Yung mga ganun.

    Tapos bigla kong naalala..

    Nagpunta kong USER SEARCH.

    Tinayp ko Larisse Vergara. Lumabas yung profile niya. Nagdadalawang-isip pa ko kung iki-click ko eh dati ko pa to ginagawa eh. Saka yung Profile niya naman can be viewed by friends o closely connected members lang. Alam ko ang solusyon ay i-add ko siya. Simpleng pag-add lang sa kanya di ko magawa eh. Ewan ko ba. Nakukuntento na nga lang ako sa pagtingin sa picture niya. Yun lang ang tanging magagawa ko..

    Yun lang.. Haay..

    FLASHBACK ULIT (First Year First Sem)

    Ilang beses ko inisip kung pano ko sasabihin pangalan ko sa kanya. Nagpapraktis pa man din ako sa harap ng salamin. Ang labo ko talaga.

    "Hi.. Ako pala yung nakatabi mo nung first day ng class. Di ba tinanong mo pangalan ko? John Christopher pero Toph na lang.."

    "Panget.. Di kaya maweirduhan sa akin yun?.."

    "Kung ano kaya.." "Hi.. I'm Toph.. You're Larisse, am I right?"

    "Ang Presko ng dating eh.. Di pwede.."

    Haay. Wala. Palpak. I had the chance and I blew it.. Right there and then. Bad Trip.

    Dumaan ang mga araw at linggo. Yun na ang una at huli naming pag-uusap. Nakakalungkot nga eh. Kasi pag dumarating ako sa classroom halos kasabay ko yung prof. kaya discussion agad. Pagkadismiss naman, bumababa rin siya agad papunta sa sundo niya. Kaya di kami nagkakalapit..

    Madalas bumababa rin ako tapos sisilipin ko sa may gilid kung nakasakay na siya. Lagi naman siyang maagang sinusundo eh. Maliban sa isang araw..

    Mga 5:40 na nun. Wala pa rin yung sundo niya. Nagtataka nga ako eh. Ayun, nandun lang siya nakaupo sa bench. Wala na masyadong tao dun sa Math Building. Umalis na rin yung mga kaklase ko. Ako nandun lang nakatago sa bandang hagdan. Hinihintay ko siyang makauwi eh.

    "Ang ganda niya talaga.."

    Oo. Simple pero iba ang dating niya. Nung nakaupo siya dun, hinahangin pa nga yun buhok niya eh. Para tuloy siyang nasa commercial, nakakatuwa. Naglabas din siya ng libro, Tuesdays with Morrie. Mahilig din pala siya magbasa? Gusto ko rin si Mitch Albom eh yung author nung librong yun.

    "At least may alam na ko tungkol sa kanya, may something in common na kami??"

    Natawa ko sa sarili ko. Talagang naghanap talaga ko ng similarity namin eh no? Nung nakasilip ako sa kanya, biglang napatingin siya dun sa pinagtataguan ko.

    Hala. Kinabahan ako. Parang nakahalata ata siya eh..

    Tumayo siya..

    Papalapit na..

    Ayan na.




















    OH NO!!
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:10 pm

    Chapter 8:

    FLASHBACK PA RIN (First Year First Sem)

    Pinagpapawisan talaga ako nung papalapit na siya. Dinig na dinig ko na yung tibok ng puso ko eh.

    VRrOOOOOoooMMM...

    Parang motor sa bilis.

    Ang Tindi!




    Beeeeeeeeeep!! Beeep!!




    Dumating na yung sundo niya!! Whooo! Buti na lang.. Pagsilip ko, nakita ko kinuha na niya yung mga gamit niya tapos papasok na sa kotse nila. Tapos, bigla siyang tumigil. Lumingon siya dun sa pinagtataguan ko. Mga ilang segundo rin siyang nakatangin dun tapos saka siya pumasok.

    "Pucha. Muntik na ko dun ah!"

    Mula noon, medyo naging maingat na ko. Pero hindi na rin naman nasundan na nalate siya ng sundo. Lagi na ulet on time ang sundo niya. Araw-araw yun hanggang sa patapos na ang sem.

    Oo. Mabilis lang pala ang isang sem. Hindi mo namamalayan patapos na. Parang ayaw ko nga matapos ang sem na to dahil sa kanya. Iba pala ang pakiramdam pag may matindi kang dahilan para pumasok eh ano?

    Magkahalong excitement saka lungkot ang nararamdaman ko nung last day na namin sa Math. Parang farewell party kasi namin sa class. Nakakalungkot kasi mamimiss ko rin mga classmates ko kahit papaano saka..

    ..syempre di ko na siya madalas makikita. Haay..

    Excited din kasi nagdala ako ng camera at balak ko sana kumuha ng mga pictures. Siyempre, sa picture, nandun siya, nandun ako. Ang saya!


    Prof. Rovan Garcia: "Aba, ang sarap ng mga pagkain ah"

    Kanya-kanyang dalang food yung mga kaklase ko. Ako dinala ko dalawang malaking Doritos. Yung iba may dalang pizza, doughnut etc.

    Tumingin ako sa watch ko.

    Four na ah.. Nasan na kaya siya?

    Four Fifteen..

    Four Thirty...

    Five..

    Wala pa ring anino man lang ni Larisse. Kumuha na ako ng pictures namin. Ang kulit nga nila eh. Pero.. Nalungkot ako.. Wala siya eh..

    Sayang last day pa naman.. Pero naisip ko baka naman late lang siya.. Baka..baka sakaling dumating pa siya.. Kaya kahit umalis na lahat.. Dun muna ko tumambay sa may bench sa labas ng Math Building dun sa mismong inupuan niya nung isang beses.. Naghintay ako hanggang mga five thirty.. Habang nandoon.. Narealize ko..




















    Mahirap pa lang maghintay sa wala..
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:15 pm

    Chapter 9:

    Miyerkules. Wala akong pasok pero ang aga ko nagising. Bakit ganun kung kailan kailangan gumising ng maaga hindi ako makabangon.. Ngayon naman pwede akong matulog ng matagal ang aga ko naman magising.. Haay Buhay. At least, makakasabay kong magbreakfast sina Mama .

    "Wow. Tapsilog for breakfast. Busog na naman ako nito! Sarap talaga ng buhay pag may nanay kang magaling magluto ah.."

    Papa: "Aba. May ipapabili ka ba?"

    "Papa, naman.. Totoo naman yung sinasabi ko ah.." (sabay tawa)

    Marielle: "Ay, Mama late po pala ako makakauwi, gagawa po kami ng project eh para sa Biology."

    "Anong oras ka na uuwi? Sino maghahatid sayo? Kailangan mo ba talaga pumunta diyan? Pano kung gabihin ka na, delikado na yan, kaya mo ba umuwi?"

    Marielle: "Kuya naman, exagge ka ah. Alin ba dun ang sasagutin ko? Ang dami mong tanong eh.." ???

    Mama: "San ba kayo gagawa ng project niyo?"

    Marielle: "Kina TJ po yata.."

    "ANOO?!!"

    Papa: "Puso mo, JC, puso mo.."

    Tinignan ko si Papa. Parang nang-aasar pa eh. Di ba siya nag-aalala??

    Marielle: "Marami naman kami eh. Seven kami sa group. Apat na babae saka tatlong lalaki. Nandun naman yung parents ni TJ eh. Nagkausap pa nga si Papa saka Tito Bert."

    Papa: "Kinausap ko nga kanina kasi nagkasabay kami nung hinatid ko sa school tong si Marielle eh. Nasabi nga ni Bert na dun gagawin yung project nila. Okay nga yun at least panatag ang loob natin."

    "Teka.. mga what time ka na niyan makakauwi? Pano ka uuwi?"

    Marielle: "Depende kung anong oras kami matatapos."

    "Eh di susunduin na lang kita."

    Marielle: "Ha?"

    Papa: "Sa bagay, may meeting kasi Mama niyo mamaya kaya ihahatid ko siya kaya pwede gamitin ni JC yung kotse ni Mama."

    "O kitams.. tamang-tama pala eh"

    Mama: "Gagawan na rin ako ng lasagna para may maibigay ka naman kina Tito Bert niyo"

    "Buti pa sila may lasagna.."

    Mama: "Sige na, gagawa rin ako para sa inyo may meryenda kayo rito."

    "Yahoo!"

    Inihatid ni Papa si Marielle ng mga 7 o'clock pero bumalik din siya agad kasi ihahatid niya nga si Mama sa meeting. Umalis sina Mama, mga 10 o'clock na rin kasi 11 yung meeting nila saka tinapos pa niya yung ginagawa niyang lasagna.

    Ako naman nasa kuwarto lang buong hapon. Tinapos ko yung last four episodes ng Naruto. Ibabalik ko na rin kasi siya kay Stephen bukas kasi hiniram ko lang sa kanya yun.

    Tinignan ko yung watch ko. 3:30 na pala.

    "Naku, nakalimutan ko pala itanong kay Marielle kung san yung address nung bahay nung TJ na yun saka kung anong oras ko siya dadaanan."

    Kinuha ko yung phone ko para itext yung utol ko.

    To: Marielle
    Ano oras kita sundo? Ska san bhay ni Tender Juicy?

    Ilang minuto lang nag-reply naman siya.

    From: Marielle
    Anong Tender Juicy?!! TJ noh! Ano mga 6:30 cguro, dun daw sa Crystal Village, Sampaguita st.. Mlapit lng cya s skul nmin. Kulay peach yung bahay.. txt txt na lng maya.

    "6:30 pa? Punta na lang muna kaya ko sa Qbix. Bili ako bago DVD."

    Nagpaalam ako kay Ate Tess na aalis na ako. Pinaandar ko na yung kotse tapos pumunta na akong Qbix. Nagpark ako dun sa bandang harapan.

    "Oi. Mang Nestor. Ano po bago ngayon?"

    Ang Qbix ang madalas kong bilihan ng DVD. Suki na ako niyan kaya magaganda yung mga kopya na nakukuha ko. Saka kasundo ko si Mang Nestor yung nagbabantay nung store. Di ko rin naman kasi afford na bumili ng orig eh.

    Mang Nestor: "Long time no see ah. Tapos mo na ba yung mga binili mo dati?"

    "Oo nga ho eh kaya eto napapabili ako ng di oras."

    Nagtingin-tingin ako kung ano magandang bilhin. Yung kinuha ko na lang yung Season 6 ng CSI Las Vegas. Pagkatapos, pumunta ako dun sa Mitsubishi Photo sa katabi lang naman ng Qbix. Nagpappicture na rin ako para sa 1x1 kasi madalas kailangan yun sa class eh. Hinintay ko rin siya ng mga 30 minutes para madevelop. Pagtingin ko sa watch, six o'clock na pala kaya tinext ko na si Marielle na papunta na ko.

    "Patay! Yung Lasagna pa pala ni Mama!" Ayun binalikan ko pa tuloy sa bahay.

    Mga 7 na ata ako nakarating dun sa bahay ni Tender Juicy. Medyo nawala kasi ako eh. Malaki rin pala yung Crystal Village kaya nakakalito yung mga streets niya.

    Bumaba ako sa kotse tapos kinuha ko yung lasagna. Naglakad ako papunta sa gate. Tumigil ako sa saglit. Ewan ko pero naisipan kong buksan at silipin yung lasagna.

    Eh di binuksan ko naman. "Hmmm.. ang bango talaga.. ginugutom ako.."

    Tapos may narinig akong boses papalapit dun sa gate.

    "O sige po.. Bye.. Balik na lang po ulit ako."

    Nagpanic ako bigla. Inayos ko ulit yung takip nung lalagyan ng lasagna. Lalapit na sana ako sa gate kasi baka pagbubuksan ako't tinext ko na kasi si Marielle na nandun ako.

    Kaso..

    Di pala patag yung daan dun!

    Natisod tuloy ako..

    Nabitawan ko yung lasagna..

    Lumipad yung lalagyan..

    Sakto pa at bumukas yung gate!

    Pinikit ko ang mga mata ko..




















    ... hala! ...
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:24 pm

    Chapter 10:

    "UgghH!! Yung Shirt ko... Yung Pants ko! Pano ko uuwi nito??!"

    Binuksan ko ang mga mata ko. Patay! Babae pa. Nilapitan ako nung babae. Galit na galit. Hinablot niya yung shirt ko.

    "Ano bang problema mo ah?!"

    "Sorry.. Sorry na.. Natisod kasi ako eh.. Nahulog tuloy yung dala-dala ko.."

    Kinilabutan ako. Talagang sinisigawan niya ko.

    "Teka.. Teka.. Kilala kita ah.."

    Binitawan niya yung shirt ko. Napaatras siya ng onti.

    "Ikaw nga!! Ikaw rin yung lalaking bumunggo sa akin nung isang araw kaya nahulog yung cellphone ko!"

    Pucha. Oo nga. Siya nga yung babaeng macho. Ano ba namang buhay to ah. Baka bugbugin na ko nito.

    Biglang may lumabas na lalaki sa gate.

    "Anong problema, Alex? Sinong kaaway mo diyan?"

    "Tito Bert, eto kasing lalaking to eh. Tingnan mo naman nangyari sa akin?! Pano ko uuwi sa amin nang ganito itsura ko?"

    Tinignan ni Tito Bert yung babae. Parang natatawa siya sa itsura niya.

    "Pasok ka na lang sa loob at magpalit ka. May damit pa naman diyang extra si Tita mo. Kasya naman siguro sayo yun.."

    Papasok na sana siya tapos biglang lumingon siya sa akin.

    "Teka nga, ano bang ginagawa mo dito ah? Hindi naman kami nagpadeliver ng lasagna ah?"

    Aba. Aba. Ang kapal! Mukha ba kong delivery boy?

    "Iho, bat ka nga pala napadpad dito?"

    "Kasi po susunduin ko sana yung kapatid ko si Marielle. Pinadalhan din po pala kayo ni Mama ng lasagna kaso..uhmm.." Napatingin ako dun sa babae. Parang tigreng kakagatin ako. "nabitawan ko po.."

    "Ah. Ikaw ba yung anak ni Lito? Teka tatawagin ko siya ah." Pumasok uli si Tito Bert sa loob.

    Naiwan kami nung babae sa labas. Tinititigan talaga niya ko. Marielle, asan ka na ba? Labas na dali. Baka ihawin ako ng buhay dito.

    Marielle: "O kuya.." (napatingin sa babae) "Uh.. Ano nangyari?"

    "Ewan ko diyan sa magaling mong kapatid! Tatanga-t anga kasi."

    "Sige.. mauna na kami."

    Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Marielle tapos pumasok na siya. Ako naman papasok na sana ko sa kotse. Pero napansin ko, nandun pa rin yung babae. Nginitian ko nga siya.




















    "Uy.. Masarap yung lasagna ni Mama no?"
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:29 pm

    Chapter 10 part 2:

    "Ayun sinugod niya ko sa kotse pagkasabi ko nun.. Buti na lang nakapasok ako agad.. Pinaandar ko agad yung kotse ni Mama.. "

    Stephen: "Eh sira ka pala pare.. Inasar mo pa! Teka maganda ba yung chick na sinasabi mo?"

    "Anong chick? Chicken ka mo! Grabe magtatalak!" ???

    Stephen: "Alam mo parang kakaiba yang babaeng yan.."

    "Sinabi mo pa."

    Stephen: "..kasi biro mo ngayon lang sa taaagaaal nang pagkakakilala ko sayo ah.. ngayon ka lang nagkwento tungkol sa isang babae.."

    "Teka.. Teka.. anong ibig mong sabihin?"

    Stephen: "Wala.. Wala.. "

    Tinignan ko si Stephen. Napaisip tuloy ako. Oo nga. Di pala ako nagkukuwento tungkol sa mga baba-babae. Eh wala naman talaga ako dapat ikwento eh. Pwera lang yung kay Larisse. Wala namang may alam tungkol dun eh.

    Tumingin ako sa orasan sa may canteen. 11:15 na pala. Di ko namalayan yung oras ah. Kanina ko pa kasi kinukwento yung nangyari sa bahay ni Tender Juicy kay Stephen.

    Stephen: "Oi, punta na ko class ko.. Kaw?"

    "Punta na rin akong Math Building. Sige.."

    Stephen: "Teka, wag mo kalimutan ah. Yung App's Party sa Saturday."

    "Ah. Ngayong sabado na ba yun? Sige, sabihin ko sa erpats at ermats ko."

    Sumali kami ni Stephen sa isang academic org. Parehas kami ni Stephen na ECE ang course. Balak namin sana sumali last year pero hindi natuloy kaya ngayon namin naisipan ituloy.

    Pagkatapos ng Math ko. Pumunta muna ko sa library. 2:30 pa kasi next class ko. Kumuha ako ng MALAKING libro. Di ko siya babasahin ah. Inayos ko lang na parang babasahin ko sa harap ko. Tapos.. Ayun natulog ako. Para di obvious di ba?

    ZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..

    Zzzzzzzzzzzzzzzzz..

    zzzzzzzz..




    "Wah.. Wah??"





    Nagulat ako. Kala ko kung ano. Nag-vibrate pala yung cellphone ko. In-alarm ko kasi siya ng 2:15 para magising ako. Nagpunta muna kong c.r para mag-ayos kasi mu~g binagyo yung itsura ko eh saka ako nagpuntang next class.

    Pagpasok ko sa room. Wow. Ang daming tao. Konti na nga lang yung upuan eh. Balita ko astig daw yung prof. Kaya maraming kumukuha sa class niya. Buti nga nakakuha ako ng slot.

    Ayun nakakita ako ng upuan sa bandang gitna at umupo. "Jackpot! Suwerte ko talaga.."

    "Malas.."

    Lumingon ako sa likod. Oh no. Oh no. Hindi ito maaari. Lord, Bakit? Bakit?

    "Mu~g nagulat ka. Ako rin nagulat eh."

    Nilapit niya yung mukha niya sa akin.

    "Tandaan mo, may atraso ka pa sa akin. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa bading.."

    Nginitian ko siya.

    "Bakit? Ayaw mo yun, sister? Aayusan kita.. Libre manicure.. pedicure.."

    Mas lalong naasar yung Alex. Akala niya ah. Humarap na lang ako sa board. Nasan na ba yung prof.? Ang tagal ah.

    After 100 years, dumating din yung prof. Ang bata ng itsura niya parang estudyante.

    Prof: "Hi, class. This is SocSci 1. I'm Professor Jennifer Lucas. But you guys from now on will call me Ma'am J. Okay?"

    Aba. Kaya pala. Mabait talaga tong prof. na to. Ang saya naman.

    Ma'am J: "Look around you. Ayan ang mga tao na makakasama niyo sa buong sem na to."

    Tinignan ko yung mga classmates ko. Mu~g okay naman. Pwera lang dun sa nasa likod ko. Haay.. Naku.

    Ma'am J: "Saka eto pa. Magkakaroon tayo ng project. Bale by group naman siya saka you can work on it the whole sem so you don't have to worry. Hahatiin natin ang class into five groups, tig-anim sa isang group. So start na tayo.. count off na lang siguro.."

    Nag-count off kami. 1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 1.. 2 .. 3.. 4.. 5

    "Four.."

    Tapos nag-grupo grupo na. Nakita ko nag-raise ng hands yung mga ka-grupo ko na four rin ang number kaya lumapit ako sa kanila. Uupo na ko dun sa natitirang upuan dun biglang..

    "Hoy, Diyan ako noh.."

    Lumingon ako. Ano ba yan? Wag mong sabihing.. Magkagroup pa kami??!




















    Kung mamalasin ka nga naman.....
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:33 pm

    Chapter 11:

    Stephen: "Yaan mo ipagdadasal kita pare.."

    "Bakit naman kasi ganun? Biro mo magkagroup pa kami? Ano na ang gagawin ko ngayon.. Bad trip talaga! Aaargh.."

    Stephen: "Alam mo tawag diyan Toph?"

    "Ano?"

    Stephen: "..destiny.."

    "Anak ng.. Destiny. Destiny ka diyan.. "

    Stephen: "To naman.. di mabiro.. Wag mo na nga isipin yun."

    "Teka, nasan na ba tayo? Naliligaw na ata tayo. Tama ba yang address na nasa sayo?"

    Stephen: "Oo, Dela Rosa St. na to o"

    "Ayun na ata. Tignan mo. Yung maraming nakapark na kotse."

    Nagpark si Stephen dun sa may malaking bahay. App's party na kasi nung org na sasalihan namin. Parang dun mo makikilala yung ibang mga miyembro saka kasamang applikante.

    Naghintay kami sa labas. Pinindot namin yung doorbell. Maya-maya pinagbuksan kami ng maid tapos tinuro kami sa garden. Wow. Ang ganda sa loob!

    Stephen: "Pare, tignan mo yung mga babae dun o. Ganda.."

    Tinignan ko yung mga babaeng tinuturo niya. Okay lang. Maganda nga. Lumingon-lingon ako. Medyo marami-rami na rin ang tao. Pero may nakita akong babae dun sa may sulok. Mag-isang nakaupo. Nagmumukmok ata. Medyo malayo kaya di ko masyado makita yung mukha niya.

    Biglang kinalabit ako ni Stephen.

    Stephen: "Toph, si Joey nga pala, siya yung head ng application ngayon. Siya rin yung may-ari ng bahay."

    Kinamayan ko yung Joey. "Uy.. Toph pare"

    Joey: "Kain muna kayo. Maya-maya na tayo magsisimula."

    Chibugan na. Naunang pumila si Stephen. Buffet style siya. Ako nag-cr muna. Pagbalik ko saka ako kumuha ng pagkain.

    Nung kukuha na ako ng plato, may.. may nakasabay akong humawak nung plate eh. Cool

    Pagtingin ko kung sino..

    "Uh.. Sige, sayo na.."

    Tumalon yung puso ko! Totoo ba to?? Totoo ba to??

    Larisse?? Surprised

    "Hiiinde, sige.. ma.. mauna ka na.. ladies first.."

    Pinauna ko siya saka ko kumuha ng sarili kong plate.

    "Thanks.. Uhmm.. Parang naging classmate na kita dati?"

    Parang di ako makahinga. Pinagpapawisan na naman ako.

    OO!! Magkaklase nga tayo! Talaga naaalala mo ko? Talaga??! Cool

    "Uh.. Uhmm.. Oo ata.."

    Larisse: "Sa Math 17? Tama ba?"

    Tama! Tama! Very Happy

    "Oo nga ata.."

    Larisse: "Naaalala mo pa ba ko? Larisse nga pala.."

    Ha? Naaalala? Oo naman! OO!

    "Larisse? Ah.. To..Toph pala.."

    Larisse: "Ah.. nice.. Sige.. una na ko.."

    Tinignan ko siya pag-alis niya. Wow. As in WOW.

    "Uh.. Steak sir? Uh.. Sir?"

    Nagulat ako. Hinihintay na pala ko nung nagseserve.

    "Ah. Sorry.."

    Hinanap ko kung saan umupo si Stephen. Pagkakita ko, nilapag ko yung plato ko't umupo.

    "Pare, kurutin mo nga ako?"

    Tinignan ako ni Stephen.

    Stephen: "Okay ka lang?"

    "Nanaginip ba ko?"

    Hinawakan ni Stephen yung noo ko.

    Stephen: "Tol, dapat sinabi mong may sakit ka.. para di ka na sumama.."

    "Hindi.. Wala kong sakit.. Wala.."

    Lumingon ako. Nandun siya sa kabilang table. Tapos, naalala ko. Siya ata yung babaeng napansin ko kanina. Siya nga yun!

    Biglang lumapit sa amin si Joey.

    Joey: "Kain lang kayo ah. Oo nga pala. Yung mga nasa kabilang table saka yung sa isa pang table.. Yan ang mga kasama niyong mag-aaply. Bale 25 kayo ngayon."

    Tinignan ko ulit si Larisse. ECE din pala siya? Haay.. Di ako makapaniwala..

    Stephen: "Uy, Toph.. Mukha ka na namang sira diyan.. Nakangiti ka diyan mag-isa.."

    "Ah. Wala. Wala to."




















    Kilala na niya ko!! Alam na niya pangalan ko! Yahoo! Razz
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:42 pm

    Chapter 12:

    Pagkatapos kumain. Pina-form kami ng circle. Sabi ni Joey informal lang naman daw. Usap-usap. Nag-share ng experiences yung mga members.

    Joey: "O, tapos na yung mga members kayo namang mga apps. Ganito ah. Kwento lang kayo kahit ano basta makilala namin kayo kahit papaano tapos sabihin niyo kung sino crush niyo sa apps din. Kahit yung nagagandahan o nagwagwapuhan na lang. Katuwaan lang naman.."

    ANOOO??!!

    Hala. Nag-panic ako. Tinignan ko naman yung ibang kasama ko. Bat ganun? Parang wala lang sa kanila.

    Ayun. Kwento-kwento. May mga 3rd year na saka 4th year. May mga nagkwento tungkol sa family sa friends, sa lovelife at kung anu-ano. Pagdating sa akin..

    "Hi. Ako pala si John Christopher Delgado. Sa bahay JC tawag sa akin. Sa school, madalas Toph naman. Sumali ako sa org kasi gusto ko maexperience kasi mu~g masaya naman saka sa tingin ko makakatulong naman siya sa acads. Saka marami kang mamimeet na ibang tao. Wala naman kaming problema sa family. May kapatid akong babae, second year highschool na siya ngayon. Sabi nila, medyo strict daw ako sa kanya.."

    Stephen: "Sobra.."

    "Uy. Grabe ka. Oo nga pala. Si Stephen din. Tropa ko na yan since highschool. The best yan. I love you pare."

    Tawanan naman lahat.

    Joey: "Lovelife?"

    "Ah. Wala.. Wala.."

    Pasimple akong tumingin kay Larisse.

    Joey: "O sige.. Ano na lang crush sa apps?"

    "Uh.. Wala eh.."

    Joey: "Ganun? Ibig mong sabihin walang maganda sa kanila?"

    "Hindi naman... Wala eh.. Wala talaga."

    Joey: "Imposible.. Sige yung nagagandahan ka na lang.."

    Napalunok ako. Hindi ba ko makakalusot dito?

    Stephen: "Naku po. Wag niyong pilitin yan. Walang kataste-taste yan sa babae. Ang type niyan si Mahal saka Madam Auring."

    Tawanan naman yung mga pipol. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Stephen o Babatukan ko siya?

    Sumunod na nagkuwento yung mga katabi namin. Hinihintay kong magkwento si Larisse.

    Maya-maya si Larisse na yung nagkwento.

    Larisse: "Larisse Abigail Vergara. Larisse yung tawag sa akin madalas. Second year. Uhmm.. Only child pala ako. Mahilig akong magbadminton saka bowling. Hobby ko magluto. Kasi yung Mom ko saka Dad ko mahilig magluto eh."

    Joey: "Lovelife?"

    Larisse: "Ah..Eh.."

    Joey: "Ba't parang ayaw niyo magkwentong lahat tungkol sa lovelife.. Kayo ah.. sige crush na lang sa apps.."

    Larisse: "Wala pa kasi akong masyado kilala sa kanila.."

    Joey: "Sige.. kahit yung sa tingin mo okay...."

    Larisse: "Uhmm.. si Toph na lang siguro?"

    Napalingon sila sa akin.





















    Tama ba yung narinig ko? AKO? AKO?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:47 pm

    Chapter 13:

    "Waah.. Wah?"

    Marielle: "Kuya? Kuya? Gising na.."

    Binuksan ko mga mata ko. Nandun si Marielle sa harap ko.

    Marielle: "Nananaginip ka ata at nagsasalita ka diyan."

    "Ha?"

    Haay. Di ko talaga malimutan yung nangyari nung Sabado. Sana totoo na lang yung panaginip ko.

    Sana.. Sana ako na lang yung sinabi niya. Ang babaw ko...

    Ewan ko ba pagkasabi niya nung "Si Jeffrey na lang siguro..." Parang may kumurot sa dibdib ko. Ang labo talaga. Sa bagay, Para namang may ibubuga ko dun. At least kilala na niya ko.

    Marielle: "Bumangon ka na nga.. Di ba 8:30 pasok mo?"

    Bumangon ako at nag-ayos. Naligo't kumain ng breakfast. Dumating ako sa class pero wala pa naman yung prof.

    Stephen: "Toph sa Wednesday daw may meeting tayo."

    "Talaga?!"

    Stephen: "Di ka naman masyado excited?"

    Makikita ko na naman siya. Tignan mo nga naman o.

    "Ah. Hindi naman. Wala kasi magawa sa bahay eh."

    Buong period hanggang sa sunod na class ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang gusto ko na mag-Miyerkules.

    Kaso pagdating ng Socsci 1, nag-iba ng ihip ng hangin.

    "Groupmate, halika dali, usap tayo saglit tungkol sa topic natin sa project. Wala pa naman si Ma'am."

    Umupo ko sa tabi ng mga ka-grupo ko.

    "Di pa pala tayo nagpapakilala ng maayos. Ako si Mara," sabi nung babaeng nakaponytail at nakaglasses na tumawag sa akin.

    "Emm," pakilala naman nung payat na bading na katabi ni Mara.

    "Trina," yung nakapigtails na medyo chubby na babae.

    "Rex" yung chinito at matangkad na lalaki.

    "Alexandra.. pero Alex na lang," yung.. yung... babaeng macho.

    "Toph"

    Alex: "Hay nako.. ang malas naman ng group na to..kasi naman yung iba diyan.."

    "Ano sabi mo? Ako ba pinariringgan mo?"

    Alex: "Batu-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit"

    Mara: "Uhmm. Okaay.. So magkakilala kayo?"

    Alex at Toph: "HINDE!"

    Biglang dumating si Ma'am J. Kaya bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan. Tinignan ko si Alex. Ano bang problema niya?

    Ma'am J: "Dahil di pa tayo masyado magkakakilala, magkakaroon tayo ng activity. Kuha kayo ng paper kahit anong size."

    Wala akong dalang papel. Napansin ko meron si Alex. Pero wala akong balak humingi sa kanya at alam kong wala ring siyang balak bigyan ako. Humingi na lang ako dun sa isa pa naming classmate.

    Ma'am J: "Bago tayo, magsimula.. Pakilala muna kayo isa-isa. Sabihin niyo yung name or nickname niyo."

    Eh di nagpakilala naman isa-isa.

    Ma'am J: "Isulat niyo yung name niyo sa paper then at the count of three ipass niyo sa katabi niyo. Pagkapass, isulat niyo kung anong first impression niyo sa taong yun."

    Ma'am J: "Okay.. Let's start.. 1.. 2.. 3"

    Kadalasan sinusulat ko.. Mu~g mabait.. Maganda.. Mu~g Matalino.. Mu~g mataray.. Ganun naman pag first impresssion di ba?

    Pagdating sa akin ng paper ni Alex. Pinag-isipan ko talaga kung anong ilalagay ko. Naisip ko.. ako naman talaga may kasalanan kung bakit siya nagalit sa akin eh. Kaya nilagay ko na lang..

    Boyish..

    Ma'am J: "Now you have your papers now.. Tignan niyo.."

    Pagdating sa akin nung sarili kong papel. Tinignan ko kung anong mga nakalagay..

    Gwapo.

    Aba naman.

    Mu~g mabait.

    Talaga? Good Boy pala dating ko..

    Tapos biglang may nakita ako sa bandang gilid, kaya di mo agad mapapansin.. ALL CAPS pa talaga.

    MAYABANG! ANTIPATIKO! BADING!

    Isa lang ang magsusulat nito.. Lumingon ako sa likod ko..




















    Aba. Ang kapal. Nginitian ba ko?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:50 pm

    Chapter 14:

    Di nagtagal dinismiss na kami ni Ma'am. Nung palabas ng class, hinabol ko si Alex. Hinawakan ko siya para pigilan.

    "Alex, I'm sorry.. Alam mo dapat ayusin natin to kasi magkaklase tayo eh.. Alam mo yun.. Tapos magkagrupo pa.."

    Emm: "Uuuuyy.. Deny deny pa.. LQ lang pala kayo. Parang.. Parang eksena sa movie.." ;D

    Bumitaw si Alex sa pagkakahawak ko.

    "Ah. Hinde ah. Anong LQ?"

    Tinignan lang ako ni Alex. Tapos naglakad siya paalis. Hindi ko na siya hinabol. Pakiramdam ko kinausap ko ang hangin.

    Naglakad na rin ako palabas ng Palma Hall. Papunta na akong sakayan. Napansin ko bigla si Alex. Parang wala siya sa sarili? Tatawid siya papuntang sakayan.

    Paglingon ko sa kanan, may paparating na kotse.. Surprised

    "Hala.. Si Alex.. ALEX!!"

    Pero di ata ako marinig eh. Tumakbo ko tapos hinila ko siya. Tamang-tama kung hindi nasagi siya nung kotse.

    "Magpapakamatay ka ba?"

    Tinignan lang niya ko. Tapos..

    Bigla siyang nahimatay. Hinawakan ko yung noo niya. Inaapoy siya ng lagnat! Surprised Kaya pala parang hinang-hina siya eh. Binuhat ko siya.

    Hala. Ang bigat naman nito! Razz

    "Ano nang gagawin ko ngayon? Medyo malayo pa clinic dito. Baka mamatay ako pag nilakad ko hanggang dun?" ;D

    BEEP.. BEEP!

    Dumating yung CRV ni Stephen. Binuksan niya yung bintana.

    Stephen: "O, bat may buhat-buhat kang chicks diyan?"

    "Nahimatay siya.. Eh kung tulungan mo na lang ako."

    Dinala namin ni Stephen si Alex sa clinic. Naghintay kami sa labas. Di nagtagal may lumabas na nurse.

    Nurse: "Okay na siya. Natutulog lang. Maya-maya gigising din yun. Ang taas ng lagnat niya. Dapat nagpahinga na lang sa bahay at hindi pumasok." (Tumingin sa akin) "Paalala mo yung gamot ng girlfriend mo inumin niya mamayang 8 pm uli ah."

    GIRLFRIEND? Ano daw? ???

    "Ay. Classmate ko lang po siya. Nakita ko po kasi siya kanina.." :-\

    Nurse: "Ah ganun ba. Basta paalala mo na lang sa kanya."

    Pagkaalis nung nurse..

    Stephen: "Girlfriend."

    "Tumahimik ka."

    Stephen: "Halika, pasok tayo sa loob."

    "Baka magising siya eh."

    Stephen: "Basta.. Halika na.. dali.."

    Binuksan namin yung pinto. Nandun si Alex. Nakahiga. Natutulog.

    Stephen: "Siya ba yung kinukwento mo sa akin?"

    "Uh."

    Gumalaw si Alex. Tapos bumukas yung mga mata niya.

    Alex: "Na..Nasan ako?"

    "Sa clinic. Nahimatay ka kanina eh."

    Alex: "Ganun ba.."

    Stephen: "Niligtas ka nitong tropa ko.. Siya ang iyong tagapagligtas.. hero.. savior.." :Smile

    Tinapakan ko nga si Stephen.

    Stephen: "Aray!" Razz

    *SILENCE*

    "Uh.. Uy, Pwede bati na tayo?"

    Wala. Di pa rin siya sumasagot.

    "Alam mo kahit man lang maging civil lang tayo sa isa't isa. Yun man lang."

    Alex: "Fine with me."

    "Sige.. Mauna na kami.. Sabi nung nurse tinawagan na raw niya family mo eh.. Oo nga pala.. Yung gamot mo raw inumin mo mayang 8 pm ah." Wink

    Di pa rin siya nagsasalita. Wala man lang bye o kung ano.

    Nung pasara ko na yung pinto..

    Alex: "Wait.."





















    Alex: "Uhmm.. Thanks.." Smile
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 2:59 pm

    Chapter 15:

    RIIIiiiiiiiiinGG!!

    Binuksan ko mga mata ko. In-off ko yung alarm.

    YaaaWWwwnn!

    "Ano ba ngayon? Wednesday na pala.. WEDNESDAY?!"

    "Ngayon nga pala yung meeting namin nina Stephen.."

    Tinignan ko yung watch ko. 6:30. Medyo Maaga pa. 10:00 kasi yung meeting namin nina Stephen sa may Philcoa sa McDo.

    Pumasok akong banyo't nag-ayos saka bumaba. Sumabay akong magbreakfast kina Mama't Papa.

    Papa: "May lakad ka ba ngayon, iho?"

    "Meron po eh. Punta akong Philcoa kasi may meeting po kami nung mga kasama kong nag-aaply sa org."

    Mama: "Ah ganun ba. What time ka uwi?"

    "Di ko lang po sigurado. Pero saglit lang naman yun eh."

    Pagkatapos kumain, nagpaalam na rin ako kina Mama saka Papa kasi papasok na sila sa trabaho.

    Ako naman umakyat akong kwarto.

    "7:30 na. Ano kayang susuotin ko?"

    Binuksan ko yung cabinet ko. Naglabas ako ng pantalon. Kaso hindi ko alam kung anong isusuot kong pantaas eh.

    "T-shirt ba? Ano kayang kulay maganda?"

    Nilabas ko yung tatlong paborito kong t-shirt. Sabi kasi ni Marielle, bagay daw sa akin yung tatlong yun.

    Nilagay ko sa kama yung tatlo para pagpilian.

    "Hmm.. Pano kaya to.. Alam ko na!"

    "Mini.. Mini.. Mayni.. Moo..." :Smile

    "Uh.. JC.. Ano ginagawa mo?"

    Nagulat ako. Paglingon ko si Ate Tess pala, yung maid namin nasa pinto.

    "Ah. Eh. Teka, may kailangan po ba kayo?"

    Ate Tess: "Hindi. Dala-dala ko lang tong damit mo. Kakaplantsa ko lang kasi."

    "Ay. Akin na po. Ako na lang maglalagay sa cabinet."

    Kinuha ko yung hawak-hawak niyang mga damit na nakahanger. Pinasok ko sa loob ng cabinet. Tapos napansin ko yung isang polo shirt ko. Nilabas ko.

    "Eto na lang. Gusto ko rin tong kulay na to. Blue."

    Pinasok ko ulit sa cabinet yung mga t-shirt na nilatag ko sa kama. Tapos nagbihis na ako. Naglagay ako ng onting gel tapos inayos ko yung buhok ko.

    Kumuha ako ng pabango. Ginamit ko yung regalo sa akin ni Papa nung Christmas.

    Humarap ako sa salamin. "Yan. Okay na." Tinignan ko uli yung watch ko.

    8:30?? Ganun ba ako katagal nag-ayos? Razz

    Bumaba na ako tapos nagpaalam kay Ate Tess.

    Ate Tess: "Parang bihis na bihis ka ata.."

    "Mas gwumapo ba ko?"

    Ate Tess: "Pwede na rin.. Sige ingat ka." Razz

    Pumunta na akong sakayan at dumirechong MRT.

    "Sana nandun si Larisse..."

    Mga 9:45 ako nakarating ng McDo. Nandun na sina Stephen at yung iba pa pero wala pa si Larisse eh.

    Stephen: "Aba. May okasyon ba at nagpolo shirt ka ngayon? Bihira ka lang mag-ganyan ah.."

    "Wala lang.. Gusto ko lang.."

    Stephen: "Inspired ka no.."

    "Ha?"

    Teka, obvious na ba ko na may gusto ako kay Larisse? :-\

    Stephen: "Eh kasi bati na kayo nung Alex.."

    "Ano??"

    Stephen: "Yaan mo na nga.. Kumpleto na ba tayo?"

    "Hindi pa eh.. Wala pa si Amy, Carmina, Larisse, Randy, Arvin at Jason." Sabi ni Hannah, siya yung head namin eh. 3rd year na siya.

    Nasan na kaya siya?

    "Si Larisse di raw sigurado kung pupunta eh.." sabi ni Leila, isa sa kaclose ni Larisse.

    Parang nalaglag yung puso ko. Pagkasabi niya nun. Crying or Very sad

    "C.R muna ko."

    Parang nawalan na ako ng gana. Dapat naisip ko agad na baka nga naman di sya makapunta di ba. Haay..

    Pagkalabas ko ng C.R, nagulat ako kung sino yung papalapit kina Stephen...

    "Dumating siya!"

    Nagmadali akong lumapit sa kanila.

    Larisse: "Hi.."

    Tapos napansin ko parang natatawa yung iba. Uh. May dumi ba sa mukha ko?

    Stephen: "Teka, oorder lang kami ni Toph ng food"

    "Ha.. ano? Wal---"

    Bigla akong hinila ni Stephen palayo.




















    Stephen: "Uy, zipper mo raw tol.. bukas.." Surprised
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:05 pm

    Chapter 16:

    Pagkasabi sa akin ni Stephen. Gusto ko na mawala ng parang bula. Pucha. Nakakahiya! :-\ :-\

    "Eh kung, umuwi na lang ako?"

    Stephen: "Grabe ka naman.. Teka, order na nga tayo baka magtaka sila ala tayong binili.. Saka.. gutom na rin ako.."

    Pagbalik namin, parang wala na lang nangyari KUNYARI. ;D

    Stephen: "Ano na nga pala pag-uusapan natin?"

    Hannah: "Eto na pala yung applicant's sheet. Bale magpasign daw tayo sa members na makikita natin sa tambayan pag pupunta tayo dun. Saka magset na pala tayo ng date para sa outreach."

    Leila: "Teka, dapat magkaroon tayo ng directory." (Naglabas ng papel) "Eto, pakisulat naman yung name, schedule saka contact nos."

    Hannah: "At saka, medyo marami kasi tayo. Twenty Five. Bale limang First Year, siyam na Second Year, pitong Third Year saka apat na fourth year. Mag-assign siguro ko ng dalawang taga-contact o taga-inform. Isa para sa First at Second year at isa rin para sa Third at Fourth Year."

    Leila: "Kami na lang ni Larisse. Siya yung sa First at Second Year. Ako sa Third at Fourth Year."

    Hannah: "O sige guys, pakisulat na lang yung sked dun sa papel na pinapass ah. Kailan niyo nga pala gusto gawin yung outreach?"

    Jeffrey: "Bandang mga August siguro."

    Stephen: "Oo nga. Pagkatapos ng midterms?"

    "Eh kung sa Quezon city day? August 19?"

    Hannah:"Teka.. Oo nga. Ano bang araw yun?" (Tingin sa cellphone calendar) "Saturday? Pwede rin"

    Larisse: "Eh di yun muna yung tentative schedule natin.."

    Hannah: "Ayan at least may naachieve na tayo ngayon."

    Stephen: "Ano na gagawin natin? Uwian na ba?"

    Hannah: "Gusto niyo pumunta sa amin? Isang sakay lang mula rito. Kahit kwentuhan lang.. Kailangan din kasi nating makilala isat-isa para di na tayo nagkakailangan. Yun eh kung pwede kayo.."

    Leila: "Sa bagay.."

    Sabay-sabay kaming umalis sa Mcdo. 19 kaming pumunta sa bahay nina Hannah. Wala kasi yung anim. Yung iba nakisabay kay Hannah papunta, tapos yung iba naman sa amin ni Stephen.

    Hinintay namin sina Hannah dumating kasi nauna kami sa kanila.

    Hannah: "Pagpasensiyahan niyo na tong bahay namin ah. Di ganun kalaki."

    Jeffrey: "Okay lang yun.."

    Binuksan niya yung gate.

    Hannah: "Pasok kayo.."

    Nagstay lang kami dun sa living room nila. Kanya-kanyang hanap ng pwesto. Sa dami ba naman namin?

    Hannah: "Teka, kuha lang ako ng juice para may inumin tayo.."

    Pagbalik ni Hannah, may dala-dala na siyang isang pitsel ng orange juice saka mga plastic na baso. May dala-dala rin siyang cards.

    Jeffrey: "Ano lalaruin natin at may dala kang cards?"

    Hannah: "Kayo bahala.. pampalipas oras lang naman.."

    Stephen: "Ano na lang yung 1.. 2.. 3.. pass?"

    Hannah: "Sige ba.." (tapos kumuha na siya ng cards) "Kaso 13 lang pwede maglaro eh"

    Yung iba di muna sumali. In-on muna yung TV at nanood. Eh di nagstart na yung game.

    Leila: "1.. 2. 3.. pass"

    "1.. 2. 3.. pass"

    "1.. 2. 3.. pass"

    Isang Ace na lang kumpleto na ko. Isa na lang!

    "1.. 2. 3.. pass"

    Yes! 4 na Ace ko! Nilagay ko agad yung kamay ko sa gitna. Tapos nagulat ako..

    Napatong ni Larisse yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Surprised

    Leila: "Ang bilis naman ni Toph.. Baka nandadaya na kayo ah"

    "Hinde ah.."

    Hannah: "Teka.. Bat parang namumula ka Toph?"

    Larisse: "Okay ka lang?"

    "Ah. Eh. Oo naman." :-\

    Stephen: "Oo nga noh.. Teka, di ba namumula ka pag nahihiy----" (siniko ko nga siya)

    "Wala to." :Smile

    Jeffrey: "Toph, Pahangin ka kaya muna sa labas kung gusto mo.."

    Tumayo si Larisse.

    Leila: "San ka pupunta Larisse?"

    Larisse: "Bili lang ako saglit sa may tindahan diyan sa kanto." (Tumingin kay Hannah) "Malapit lang naman yun dito di ba?"

    Hannah: "Oo, pwedeng lakarin.."

    Leila: "Naku.. Toph.. Mas mabuti pa samahan mo na lang din si Larisse kung lalabas ka rin.."

    "Uhmm.. Sige."




















    HA? Kaming dalawa lang. Siya. Ako. As in? Surprised
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:09 pm

    Chapter 17:

    Nung papunta na kaming tindahan, ang tahiiimiiik. Naririnig ko pati ihip ng hangin eh.

    Gusto ko naman magsalita ka.. kausapin siya.. Pero parang natuyo lalamunan ko.. :Smile

    Larisse: "Uy, Bat tahimik ka? Masama ba pakiramdamdam mo.. Namumula ka kanina.."

    "Ha? Hindi okay lang ako.."

    Haay.. Nahiya kasi ako kanina eh. Nagulat kasi ako nung nahawakan mo kamay ko.

    Larisse: "Sure ka ah.."

    ~ SILENCE ~

    Pasimple kong tinitignan si Larisse. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. ???

    Eh kung kwentuhan ko siya? Ano naman kukwento ko?

    Eh kung joke kaya? Baka sabihin niya corny?

    Eh kung bumalik na lang kaya ako kina Hannah? Naku po.

    ~ SILENCE pa rin ~

    Pagdating sa tindahan..

    Larisse: "Manang pabilhan nga po.. Dalawang malaking V-Cut. "

    "Uh.. Mauubos mo yan?"

    Napatingin si Larisse bigla. Nagulat ata nung nagsalita ko. Razz

    Larisse: "Hinde kay Leila yan.. Saka ho 20 pisong chocnut.."

    "Kay Leila pa rin yun?"

    Larisse: "Eto yung akin.. Takaw ko no.. Mahilig kasi ako dito eh."

    Ngumiti lang ako.

    Nung naglalakad kami pabalik kina Hannah, tinignan ko ulit siya..

    Toph, naman magsalita ka.. Ilang salita pa lang nababanggit mo.. Baka sabihin niya pipi ka.. Eto na..

    Hinga ng malalim..




    "Uh.. Mahilig ka pala sa Chocnut?" ??? :Smile



    Ay Sus. Mali! Obvious ba? Kakasabi niya nga lang pala yun..

    Larisse: "Oo nga eh.. Ewan ko ba.. Sarap eh."

    ~ SILENCE ulit ~

    "Uhmm.. Eh Ano mas gusto mo Chocnut o Hany?"

    Larisse: "Ha?"

    Ano ba yan? Ayoko na! Dapat di na lang ako nagtanong.. Palpak na naman..

    Larisse: (sabay tawa) "Chocnut? Di ko pa na-try Hany eh. Halos parehas lang din ata sila di ba?"

    "Ah.." Ngumiti na lang ako. "Ganun ba? Next taym try mo.."

    Haay. Anak ng Chocnut naman o! Dapat pala di na lang ako nagsalita.

    Napatingin kami sa bahay nina Hannah.

    Larisse: "Uy, Dito na pala tayo.. muntik na nating malagpasan" (sabay bukas nung gate)

    Haay. Palpak talaga ko kahit kailan.. Sa tagal naming naglakad, Chocnut pa ang ginawa kong topic? ;D

    Pagpasok namin sa gate.. Bago pumasok sa loob.. Napatigil si Larisse.

    Nagulat ako kinuha niya yung kamay ko.. Tapos kumuha siya dun sa supot na dala niya ng isang chocnut at pinatong niya sa kamay ko.

    Larisse: "Ayan.. Salamat ah.. sinamahan mo ko.." Nginitian niya ko. "Binigyan na kita kasi sigurado hihingi na sila pagpasok natin.. ubos to sigurado.." (sabay tawa)

    Nauna nang pumasok si Larisse sa bahay. Napatitig ako dun sa binigay sa akin ni Larisse..

    Dahan-dahan kong binuksan yung balot..

    Kinain ko..

    Habang ninanamnam ko siya..

    Di ko maiwasang isipin..




















    "Good Shot kaya ko.. o Bad shot?" :-\
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:22 pm

    Chapter 18:

    Nakakahiya.. Siguro iniisip nun ang weird ko.. Haay.. Badtrip talaga..

    Stephen: "HOY!"

    "Ah?"

    Stephen: "Kanina ka pa wala sa sarili? Salita ko ng salita dito.. Di ka naman nakikinig."

    "Sorry.. may iniisip lang ako.."

    Stephen: "Ayan.. time na.. punta na ko sa class ko.."

    "Sige.. Wala akong Math ngayon eh. Wala yung prof. ko."

    Stephen: "San ka punta ngayon?"

    Toot.. Toot.. Toot..

    "Wait lang ah.." (sabay kuha ng cellphone)

    From: +63917*******
    Hi! Groupmates, si Mara to.. Kung may wala kayo class punta
    Kayo sa main library sa Social Science Section tapos sabay-sabay na tayo puntang class.

    Stephen: "Himala may mga textmates ka na.. dati rati bumagyo na't umulan.. di ka pa rin nagtetext.." ;D

    "Ano to.. groupmate ko sa Socsci1.. magkita daw sa main lib"

    Stephen: "O Sige.. Sabi mo eh.. mauna na ko.."

    Naglakad ako papuntang library galing canteen. Pagpasok ko sa lib, hinanap ko kung nasan yung mga kagroup ko. Tapos nakita ko si Emm tinatawag ako. Dun sila nakaupo malapit sa GIANT electric fan.

    Emm: "Hi.. Toph.. Ang gwapo po ngayon ah.."

    "Siyempre.."

    Emm: "Aba. Sineryoso mo naman.."

    Mara: "So ang wala ay si Rex, Trina at Alex. May class siguro sila.."

    Emm: "Wait, di ba si Alex yun?"

    Mara: "Oo nga noh." (sabay senyas kay Alex)

    Alex: "Hi.." (umupo sa tabi ni Emm)

    "Uhmm.. Okay ka na?"

    Alex: "Okay na.."

    "Bat ka pala pumasok nung Monday eh may lagnat ka pala?"

    Alex: "Ganun kasi ako eh ayokong may namimiss na class kaya kahit may sakit ako pumapasok pa rin ako.."

    "Naku.. Mahirap yan.. Magpahinga ka na lang sa bahay pag may sakit ka.." Wink

    Emm: "Uhmm.. Wait a minute.. Bati na kayo?"

    Tumungo lang kami ni Alex.

    Emm: "Wow. Ano nangyari?"

    Kwinento naman ni Alex na dinala ko siya sa clinic nung nahimatay siya nung Monday.

    Emm: "OMG. Toph? Talaga ginawa mo yun? Gusto ko na ring mahimatay.." Razz

    "Sira... Di kita kaya buhatin no.."

    Mara: "Bat ba kayo nag-away in the first place?"

    "Ah.. Mababaw lang eh.. Kasi ganito.."

    Alex: "Ha? Anong mababaw dun?"

    "I mean. Parang di naman dapat pinag-awayan.."

    Alex: "Ikaw kaya tapunan ko ng lasagna saka ihulog ko phone mo?"

    Emm: "Uhmm.. Okay? Di ba bati na kayo?"

    "Hindi ko naman sinasadya eh.. Nagsorry na ko.."

    Alex: "So napilitan ka lang magsorry?"

    "Uy.. Wala akong sinasabing ganyan ah.."

    Mara: "Wait lang.. yung group project pala.."

    Alex: "Pero ganun na rin yung pinopoint out mo.."

    "Ewan ko sayo. Labo mo."

    Emm: "Ah, Mara C.R lang ako ah.."

    Mara: "Wait ako rin.. Uy, C.R lang kami.."

    Alex: "Mas malabo ka.."

    "Ano? Ako pa ngayon malabo?"

    "Excuse me.."

    Alex at Toph: "Ano?!!"

    Paglingon namin.

    Hala! Yung librarian pala! Surprised

    Tumaas yung kilay nung librarian. Sabay turo dun sa PLEASE KEEP SILENT na karatula.

    "Kung may tampuhan kayo, dun.. Dun sa labas!" Sabay talikod. "Mga kabataan talaga o.."

    Tapos napansin ko dalawa na lang pala kami dun sa table.

    "Teka, sina Mara?"

    Alex: "Oo nga noh? Ikaw kasi eh!"

    "Anong kasalanan ko? Ikaw kaya nagsimula.." :-X

    "Toph!"

    Napalingon ako.

    "Uy."

    Larisse?

    Lumapit siya sa amin.

    Larisse: "Buti nandito ka. Eto pala directory. Nandiyan yung sched saka contact nos. ng mga co-applicants natin."

    Alex: "Larisse!?"




















    "Uh. Magkakilala kayo?" ???
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:27 pm

    Chapter 19:

    Larisse: "Alexandra Santillan? Alex?"

    Alex: "Yup."

    Larisse: "Teka, di ata kita masyado nakikita sa campus?"

    Alex: "Last sem lang ako lumipat dito eh.. galing akong UP manila.."

    "Uh.. Hello?"

    Nakalimutan ata nung dalawa na nandun ako ah.

    Larisse: "Uy Pasensiya na. Tagal ko na kasi nung huling nakita si Alex. Batchmates kami nung highschool.. Pero nagtransfer siya bago kami mag- 3rd year eh." (Tumingin uli kay Alex) "Musta na?"

    Alex: "Okay lang naman.. Nabanggit sa akin.. Salutatorian ka pala ng batch ah.. Galing ah.."

    Napatingin ako kay Larisse. Salutatorian siya? Wow. (IMG:style_emoticons/default/ohmy.gif)

    Larisse: "Parang ikaw hinde.. Di ba nung 2nd year tayo.. Top 1 ka pa nga.. Sayang kung di ka lang talaga lumipat."

    Tumingin naman ako kay Alex. Matalino rin pala tong babaeng to ah.


    Alex: "Ikaw mustah na.. Yung tungkol pala kay ano.." Tumingin muna sa akin. "Alam mo na.. Sorry ah.."

    Ano daw? Ano bang pinagsasabi nito? ???

    Larisse: "Hayaan mo na yun.. Tapos naman na.. Sige.. Alis na pala ako kasi may dadaanan pa ako.. Ingat.." (Tumingin naman sa akin) "Bye."

    "Magkakilala pala kayo ni Larisse?"

    Aba. Di ako pinansin ni macho.

    "Hoy."

    Alex: "Yah.. Di ba kakasabi nga niya batchmates kami? Saka ano siya nung ---- Teka nga, Paki mo nga pala? Ha?"

    Nakita ko si Emm saka Mara pabalik sa table namin.

    "Bat bigla kayong nawala?"

    Mara: "Ha? Busy kasi kayong dalawa kaya di niyo siguro napansin.. Tara na nga, dun na lang tayo sa classroom magstay."

    Alex: "Mabuti pa nga.. Masyadong.." (tumingin sa akin) "Mainit dito eh"

    Dumirecho na lang kami sa classroom at dun naghintay. Maya-maya dumating din yung prof. namin.

    Ma'am J: "May activity tayo ngayon.. Group yourselves according to your group number.."

    Eh di lipat-lipat uli ng upuan. Lumapit ako kina Mara saka iba pang groupmates ko.

    Ma'am J: "Socsci 1 is about behavioral sciences. But for now, let's try to start at our homes, at our families. Family as they say is the basic unit of society. Ngayon may pieces of paper ako dito, each group bubunot ng isa."

    Nilapitan isa-isa ni Ma'am per group. Si Emm yung bumunot sa group namin.

    Ma'am J: "I'll give you 30 minutes to prepare. Maximum of 10 minutes siguro ang skit. Just make it modern if you want.."

    "Ano nabunot mo Emm?"

    Emm: "Uh.. Romeo and Juliet??"

    Mara: "Ha? At least madali na lang.."

    Emm: "I guess it's something about dun sa pag-aaaway nung dalawang families.."

    Mara: "Gawin nating modern saka nakakatawa.."

    Emm: "Sige.. Pwede ako yung wicked stepmom?"

    Mara: "Sira.. Sa Cinderella saka Snow White lang yun.."

    Emm: "Oo nga pala.. Basta gusto ko anak ko si Juliet.."

    Trina: "Oo nga.. Modern naman.. Pano kung si Emm anak si Juliet.. Tapos si Rex saka Mara.. siguro anak si Romeo.. Ako narrator ah.."

    Emm: "I like that.. So that leaves Alex and Toph as Romeo and Juliet?"

    Alex: "Joke ba yan.."

    "Si Rex na lang yung Romeo.. Bat ako?"

    Rex: "Mas bagay sayu pare.."

    Mara: "Pwede happy ending naman? Yokong mamatay si Romeo and Juliet ah.."

    Emm: "Tapos siyempre di mawawala ang... KISS.. Haay.. So romantic.."




















    Alex at Toph: "ANO???!"
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:36 pm

    Chapter 20:

    Mara: SssHH!

    Emm: Whoa.. Huwag kayo maingay..

    Alex: Ha?! Eh ano ba namang klaseng story yun?

    Emm: Girl, kailangan talaga ang kiss sa mga lovestory.. Paano mabubuhay si Sleeping Beauty.. Snow---

    Alex: Ha? Eh di ikaw na lang si Juliet.

    Tinignan ko si Alex.

    "Okay lang sa akin.. Di naman ako maarte eh.."

    Alex: Baka ikaw ang maarte.. Sige Fine, game ako..

    Eh di ayun. Ginawa na namin yung script. Medyo maikli lang naman kasi for ten-fifteen minutes lang. Si Emm mostly yung gumawa nung script. Tagalog yung ginawa niya. Sabi ni Ma'am okay lang daw.

    "Pabasa nga nung script" Kinuha ko yung paper tapos binasa ko.

    "Teka, So wala na yung kiss?"

    Emm: Eh Akala ko ba ayaw niyo?

    "Sabi ko nga.."

    Trina: Pero mas maganda kung meron eh..

    Emm: Tanungin niyo si Romeo and Juliet..

    Mara: Sige na.. Sa forehead na lang..

    "Uhmm.. Tanungin niyo na lang si Alex.."

    Tinignan namin si Alex. Ang tagaaal bago sumagot ang babae.

    Alex: Okaay.. Okaay.. Sa forehead lang ah.. Saka.. (Sabay tingin kay Trina) Paalala nyo sa akin maghilamos ah..

    Aba.. Ang Kapal nito!

    Tinawag na yung group namin. Okay naman yung naging simula. At mu~g nagugustuhan naman ng mga kaklase namin.

    Emm: Juliet.. Ilang beses ko na sinabi sayo ha.. Iwasan mo na yang Romeo na yan.. Yang pamilya niyan mga walang.. Walang modo..

    Alex: Mama! Minsan kailangan pakinggan niyo rin ako.. Hindi mo ba inisip ang nararamdaman ko? Si Romeo lang ang tanging minahal ko ng ganito.. Siya lang.. Sana maintindihan niyo..

    Emm: Hindi ko naiintindihan at wala akong balak intindihan ka!

    Alex: Ganyan naman kayo.. Wala kayong inisip kundi sarili niyo! Si Romeo lang ang nagmamahal sa akin.. Tanggap ako kung sino ko.. Mahal ako ng buong-buo!

    Emm: Maldita ka! Sabay sampal kay Alex. Tumakbo palayo si Alex.

    Aba. Talagang in character tong si Emm ah. Si Alex maluha-luha na talaga. Tinotoo ata ni Emm yung sampal niya eh. Sakit nun ah.

    Trina: Nagpakalayo-layo si Juliet. Bakit hindi sila maintindihan ng mga pamilya nila? Hindi ba't pamilya dapat ang unang makakaunawa.. magmamahal?

    Alex: Sabi nila.. Pag nagmahal ka masaya ka.. bakit ganito? Bat ako umiiyak?

    "Minsan kailangan talaga natin umiyak.. Ibuhos ang nararamdaman.."

    Lumingon si Alex at tumingin sa akin.

    Alex: Romeo?! Pano mo nalaman na nandito ko?

    Hinawakan ko ang dibdib ko. Talaga namang sinulat pa ni Emm yun sa script di ba. Mahilig ata sa telenovela yung baklang yun.

    "Hinahanap-hanap ka nitong puso ko eh.. Dito niya ko dinala.. Saka di ba dito tayo unang nagkita.."

    Alex: Romeo.. Ayaw ng pamilya ko sa yo.. Ayaw ng pamilya mo sa akin.. Paano tayo magiging masaya?

    "Di ko alam..Mahalaga magkasama tayo ngayon.. Sapat na yun para maging masaya ko.."

    Umupo kaming dalawa. Tumingin muna si Alex kina Emm. Tapos sumenyas si Emm.

    Kahit alam kong ayaw niya, Humiga si Alex sa lap ko..

    Alex: "Sana ganito na lang tayo lagi.."

    Pinikit ni Alex yung mata niya. Kunyari nakatulog na siya.

    "Sana nga Juliet.. Sana.."

    Hinawakan ko yung pisngi ni Alex. Muntik na kong matawa kasi sumimangot ba naman ang babae nung hinawakan ko ang mukha niya. Buti na lang di napansin ng klase.

    "Mahal na mahal kita.."

    Eto na..

    Eto na..

    Nilapit ko ang mukha ko kay Alex. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ah.

    Emm: (pabulong) "Pssst.. Dali..."

    Pinikit ko ang mata ko at..

    Ayun hinalikan ko ang noo niya..

    Hiyawan naman ang klase...

    Maya-maya natapos din ang skit namin. Natuwa naman si Ma'am. Buti naman..

    Pagbalik namin sa mga seats namin.

    Mara: "Bat ang tagal mo naman halikan si Juliet ah.. Romeo??"

    Hindi ako nakasagot.

    -0-0-0-

    Kinabukasan.. Biyernes..

    Magkasama kami ni Stephen na naglalakad papunta sa klase.

    Stephen: "Ha? Akala ko okay na kayo?"

    "Ewan ko ba. Basta. Malabo talaga yung babaeng yun eh."

    Stephen: "So.. Ano feeling?"

    "Ng ano?"

    Stephen: "Nung hinalikan mo siya?"

    "Ano ka ba.. Sa forehead lang naman saka skit lang yun.."

    Stephen: "Wala kang naramdaman?"

    "Wala.."

    Stephen: "Owws?"

    "Next topic na nga.."

    Stephen: "Pero di nga.. kahit konti?"

    "Stephen?!"
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:50 pm

    Chapter 21:

    YaaAawWNnnnnnnn!

    Pagbukas ko ng mga mata ko, napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 9:00?! Di pala ko tinablan ng alarm clock. Buti na lang Sabado ngayon. Pagbaba ko, may isang plato na nakalatag dun.. Tapos may ulam na bacon, hotdog saka rice.

    "Siguro pumasok na sina Mama saka Papa.. Si Marielle kaya?"

    Chineck ko sa room niya. Wala naman.

    "Nasan na kaya yun?"

    Nakita ko si Ate Tess nagpaplantsa.

    "Ate, nasan si Marielle?"

    Ate Tess: Naku, umalis eh.. inihatid ng Papa mo.. May project ata sila.. Yun yung pagkarinig ko..

    "Ah. Ganun ba. Sige magbreakfast lang ako.."

    Kumain muna ako ng almusal. Pagkatapos ko kumain, kukuha sana ako ng pitsel ng tubig ng may napansin akong papel sa may ref.

    JC,
    Sunduin mo si Marielle ulit kina Tito Bert mo.. mga 4 pm. May lakad kami ng Mama mo, gagamitin namin kotse ko. Yung susi ng kotse ni Mama malapit sa TV. Okay? Ingat.

    -Papa-

    "So pupunta na naman pala ako kina Tender Juicy?"

    Naiwan lang ako sa bahay at pinanood yung DVD ng CSI Season 6 na binili ko nung isang araw. CSI Marathon ito! Mga 2 pm, naligo ko at nag-ayos. 2:30 ako umalis ng bahay kasi mahirap na at baka abutin ako ng traffic. Sabado pa naman. Mga 3 pm nasa Village na ako nina TJ. Naisip ko maglibot-libot muna kasi maaga pa.

    "Maganda rin pala tong Village nila ah."

    Nakaabot ako hanggang dun sa park nila. Malaki yung park nila. Malawak saka malinis. Medyo madami nga taong nandun eh.

    Tapos.. Napansin ko bigla si..

    si.. Alex?

    Babalik na sana ako sa bahay nina TJ. Kaso, mukha talaga siyang problemado eh.Basta yung itsura niya parang nagpapanic.. ???

    Kaya pinarada yung kotse dun sa may gilid ng daan. Tapos nilapitan ko siya..

    "Uy, Okay ka lang?"

    Tumigil siya kakalakad tapos tinignan ako. Pero, dinedma lang niya ako.

    "Mu~g may problema ka eh?"

    Alex: Wala ka nang pakialam dun..

    "Oo nga naman.. Sige mauna na ko.."

    Alex: Uh.. Wait.. Ano bang ginagawa mo dito?

    "Uh.. Wala Sumulpot lang akong parang bula? Hinde.. Susunduin ko uli si Marielle. Wag ka mag-alala wala naman na akong dalang lasagna.. Di na kita tatapunan uli.."

    Alex: Okay fine.. sige.. Tulungan mo na ako.. Nawawala kasi yung pinsan ko.. si Miguel..

    "Miguel?"

    Alex: Oo.. Yung younger brother ni TJ. Dinala ko kasi siya dito. Pinasyal ko lang. Tapos.. biglang nawala siya kanina.. Di ko na alam ang gagawin ko..

    Parang naiiyak na siya.

    "Okay.. Wag ka magpanic.. ilang taon na ba siya?"

    Alex: Four years old..

    "Ganito.. maghiwalay na lang tayo sa paghahanap.. tapos after 30 minutes.. kita uli tayo dito sa may swing.."

    Alex: "Okay.. Uh.. Wait.."

    "Bakit?"

    Alex: Bakit naka-jacket ka? Ang init kaya..

    "Ha.. Eto? Wala lang. Bagong bili kasi ni Mama. Kaya sinuot ko.. Saka pagtingin ko sa salamin.. Mas gwapo pala ko pag nakajacket.."

    Alex: Ewan ko sayo..

    Naghiwalay kaming dalawa ni Alex. Nilibot ko yung buong park pero di ko talaga makita. Tinignan ko na yung bawat batang makasalubong ko. Moreno na medyo chubby tapos spike yung buhok. Tapos white shirt saka maong shorts daw ang suot niya. Pero wala pa rin.

    Sana nakita ni Alex. Pagbalik ko sa may swing, nandun na si Alex. At walang Miguel.

    Alex: Nakita mo?

    "Wala eh.."

    Alex: Anong gagawin ko ngayon? Baka kung ano na nangyari dun?

    "Wag ka mag-alala.. mahaha--- Teka, umaambon ah.."

    Di nagtagal bumuhos ang ulan.

    "Naku, umuulan na. Halika, pasok na tayo sa kotse."

    Alex: Hinde.. Yung pinsan ko pa!

    "Pano yan.."

    Hinubad ko yung jacket ko tapos tinalukbong ko kay Alex.

    Alex: "Pano ka?"

    "Okay lang.. Mahirap na baka magkasakit ka.. Di ba kakagaling mo lang sa lagnat.. Dun tayo sa may ilalim ng puno o.."

    Nung papalapit na kami sa may puno.. May narinig akong iyak..

    "Narinig mo yun?"

    Alex: Teka, parang si Miguel yun ah.. MIGUEL! Si Ate Alex to.. Nasan ka?

    Tapos may nakita akong gumalaw dun sa loob nung playhouse di kalayuan.

    "Tignan mo parang may tao dun sa playhouse.. Baka siya yun.."

    Paglapit namin.. Nandun nga si Miguel.. Umiiyak.. Pagkakita kay Alex, niyakap agad siya.

    Miguel: Ate..Ate..

    Alex: Tahan na.. Dito na si Ate..

    "Tara.. Hatid ko na kayo.."

    Pagdating sa bahay nina TJ..

    Tito Bert: O bat basang-basa kayo.. pasok kayo dali..

    Marielle: Kuya? Ano nangyari?

    Ipinaliwanag ni Alex sa kanila kung ano nangyari.

    Tito Bert: Buti pala dumating ka iho. Salamat ah..

    "Okay lang ho. Sige mauna na po kami ni Marielle. Tumila na po ata yung ulan."

    Alex: Tito, hatid ko lang po sila hanggang sa gate.

    Sinara ko yung pinto ng kotse pagpasok ni Marielle. Nung papasok na ako ng kotse..

    Alex: Toph..

    "Bakit?"

    Alex: Thanks ah..

    "So.. Ibig sabihin niyan.. bati na ulit tayo?"

    Alex: Oo naman.

    "Pramis yan ah. La na bawian. Sige alis na ko.."

    Alex: Uh.. Friends?

    Napatingin ako kay Alex.

    "Talaga?"

    Alex: Ayaw mo?

    "Okay. Friends."

    Ngumiti siya.

    Nginitian ko rin siya.






















    Friends na kami?
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 3:57 pm

    Chapter 22:

    Linggo. Wala sina Mama at Papa. May out of Town trip sila. Umalis sina kanina madaling araw. Gumising ako ng maaga. Aba. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. San ka pa? Pagtingin ko sa orasan, 7 o'clock. Kadalasan, 7:30 ako nagising eh.

    Bumaba ako at nagpuntang kitchen. Nagtingin-tingin ako kung anong pwedeng lutuin. Wala si Ate Tess. Kaming dalawa lang ni Marielle ang nasa bahay kaya malamang ako ang maghahanda ng breakfast. Pagbukas ko ng refrigerator, nilabas ko yung tapa saka naglabas na rin ako ng itlog para iprito. Nagsaing na rin ako ng kanin. Yung tama lang para sa aming dalawa.

    Nung nag-aayos ako ng lamesa, narinig ko na pababa na si Marielle.

    Marielle: O, wala sina Mama no? at ikaw ang nagluluto?

    "Umalis sila eh.. May out of town trip."

    Marielle: Dapat ginising mo ko para natulungan kita.

    "Okay lang yun.. Saka napagod ka sa paggawa ng project niyo kahapon sigurado.."

    Marielle: Bait talaga ng kuya ko

    "Nambola ka pa.. Tara na nga kain na tayo.."

    Marielle: Sige, ako na lang maghuhugas ng plato.

    Pagkatapos magbreakfast, inayos namin ni Marielle yung pinagkainan namin. Tapos, naligo at nagpalit na kami ng damit. Nagsimba kami ng mga 9 o'clock ng umaga.

    Pagkatapos magsimba, bumalik na rin kaming bahay.

    Marielle: Ano na ngayon gagawin natin?

    "Di ko rin alam.."

    Marielle: Mall tayo!

    "Ha? Ang init kaya.."

    Marielle: Sige na..

    "O sige.. sige.. Kukuha lang ako ng pera.."

    Nagcommute kami ni Marielle papuntang Glorietta, ang aming tambayan pag walang magawa. Eto na ata ang aming second home. Buti na lang at sa Makati kami nakatira.

    Ayun. Naglibut-libot lang kami dun. Sinamahan ko mag-windowshopping ang aking little sister. Ay. Sabi niya di na raw siya little eh.. dalaginding na kasi..

    Tumigil kami banda dun sa activity center. Bumili kami ng hotdog sandwich. Kahit palakad-lakad lang kami dun. Nakakagutom din no. Habang hinihintay ang aming hotdog sandwich.. May naramdaman akong humihila sa pantalon ko.. Tumingin ako sa baba..

    Marielle: Miguel!

    Si Miguel?

    Marielle: Tignan mo.. nagpapakarga ata sayo.. Naaalala ka niya..

    "Hello." Binuhat ko naman yung bata.

    "Nandiyan lang pala yan eh.. Kala ko kung san napunta.."

    Paglingon ko kung kaninong boses yun.. Aba.. Si Alex pala.

    "Uy, Nandito rin pala kayo.."

    Marielle: Sino kasama niyo?

    Alex: Nauna lang kami ni Miguel dito.. May pinuntahan pa sina Tito Bert eh.. Baka mamayang hapon sila susunod dito.

    Marielle: Ganun ba? Eh kung sumama na lang kayo sa amin ni kuya?

    Alex: Ha? Nakakahiya.. Baka nakakaabala kami sa inyo..

    Marielle: Okay lang yun no..

    Sama-sama kaming namasyal sa loob ng mall. Buhat-buhat ko si Miguel na tuwang-tuwa pag nakaangkas siya sa balikat ko. Nung mga bandang lunch time, kumain kami sa KFC. Ang ingay sa loob ng KFC. Ang daming tao kaya kailangan mo pa ata sumigaw para magkarinigan.

    Marielle: Ate Alex.. Bat madalas ka nga pala kina Tito Bert? Pinsan mo sina TJ di ba?

    Alex: Yah. Kapatid ni Mama si Tita Marisse yung wife ni Tito Bert. Wala parents ko for one month kasi may business trip silang pinuntahan. Pag umaalis parehas parents ko, madalas pumupunta na lang ako sa kanila.. Tutal isang sakay lang naman mula sa amin papunta sa kanila eh..

    Marielle: Ah.. Ganun pala.. Alam mo ang pretty-pretty mo..

    Eto na naman tayo. Tong si Marielle talaga o. Mahilig mambola? Napatingin ako kay Alex. May itsura nga siya. Lagi kasing nakatali, nakacap, naka-rubbershoes tapos mukha naman siyang payat pero XL ata laging suot na damit. Mas astig pa siya tignan kaysa sakin eh.

    Alex: Ha?

    Marielle: Promise.. Ang simple mo pero pretty pa rin.. Kung may ate lang ako.. gusto ko kasing pretty mo..

    "Teka.. Teka.. parang nasaktan naman ako dun.. mas gusto mo pala ng ate.."

    Marielle: O.A mo naman kuya.. Iba pa rin pag may ate di ba?

    Alex: Bakit yung girlfriend ni Toph? Di ba considered as ate mo na rin yun?

    Napalunok ako. Mu~g alam ko na ang susunod na pag-uusapan ah.

    Marielle: Naku, yun nga ang problema eh.. Wala eh.. Eversince.. Grabe, kuya JC anong petsa na?

    Sige. Ilaglag ba ko ng sarili kong kadugo.

    Alex: Ha? Wait. Di ko ata naintindihan. Ano ba yan ang ingay talaga..

    "Pardon? Ano?"

    Alex: NBSB ka? Ah Mali. No Girlfriend since Birth?

    "HA?"

    Alex: NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH KA?

    Napalakas ata boses ni Alex. Tumahimik yung ibang katabi naming table sa KFC at napalingon sa amin.

    Okaaaaay.

    Alex: Oops.. Sorry..
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 4:08 pm

    Chapter 23:

    Alex: Oops.. Sorry..

    "Never mind.."

    Ring.. Ring..

    Alex: Naku, si Tito Bert na ata to.. (sabay kuha ng phone) Yes Tito, sa may KFC po.. Sige punta na lang po kami diyan..

    "Alis na kayo?"

    Alex: Oo eh.. Nasa Landmark na sila.. Sige mauna na kami..

    Marielle: Kuya, samahan mo na sila.. hatid mo hanggang Landmark..

    "Ha? Pano ka?"

    Marielle: May bibilhin lang ako saglit sa Body Shop.. Text na lang kita..

    Pagkatapos kumain, nagpunta na kami nina Alex at Miguel sa Landmark.

    Alex: Sorry kanina.

    "Naku, okay lang yun.."

    Alex: Hmm.. Bakit?

    "Anong bakit?"

    Alex: Alam mo na..

    "Anong alam ko na?"

    Alex: Yung wala ka pang ano..

    "Kulet mo ah.. bat ayaw mo sabihin? Walang syota?"

    Alex: Wala lang..

    "Ayoko pa eh.. Bata pa naman ako.. Saka.. ano.. strict ang parents ko.."

    Alex: Sira ka talaga..

    Alex: Hulaan ko na lang..

    "Ha?"

    Alex: Lagi kang basted no?

    "Hinde ah.."

    Alex: You mean di ka nanligaw?

    "Parang ganun na nga.."

    Alex: "Ah.. ayaw mo pa magkagirlfriend.."

    "Yun nga.."

    Alex: "Gusto mo boyfriend?" Razz

    "Haha.. Ewan ka talaga.."

    Alex: "Eh bakit?"

    "O ayan na pala sina TJ o.."

    Tito Bert: "O iho.. nandito ka pala.."

    "Sinamahan ko na po sina Alex.. Kasama ko rin po yung kapatid ko.. Sige po mauna na ko.. Pauwi na rin po kami.."

    Tito Bert: "Teka.. Pwede ba samahan mo si Alex pauwi.. Kasi may kailangan pa kaming bilhin.. Eh kailangan na umuwi ni Alex.. Dala mo naman yung kotse niyo ata?"

    "Ah.."

    Alex: Pero Tito.. Kaya ko naman umuwi mag-isa..

    Tito Bert: Mas mabuting may kasama ka.. O Sige.. akyat na kami.. Ingat kayo ah..

    Umakyat papuntang secondfloor ng Landmark sina Tito Bert.

    "Hala.. Di man lang ako nakapagsalita.."

    Alex: Bakit? Pasensiya na.. Naabala ko pa kayo..

    "Okay lang.. Kaso di ko dala yung kotse ni Papa eh.. Nag-commute lang naman kami.."

    Alex: Ganun ba? Okay lang kaya ko naman umuwi mag-isa..

    "Hindi.. Samahan ka na lang namin.. Text ko lang si Marielle na balik ulit tayo sa KFC.."

    Naglakad kami pabalik ng KFC. Umorder ako ng fries saka iced tea para may kinakain kami habang naghihintay.

    Alex: Sorry ah.. Kinukulet kita tungkol dun..

    "Okay lang.."

    Alex: Cencia na..

    "Mahabang istorya eh.."

    Alex: Hmmm.. Eh di isummarize mo.. Razz

    "Ganun?"

    "Ganito kasi yun.."

    Alex: Ano?

    "Ayokong matulad sa kuya ko.."

    Alex: Ha? Kuya? Di ba dalawa lang kayo magkapatid..

    "Meron kaming kapatid.. si Kuya Lester.."




















    "...he died six years ago.." Crying or Very sad
    [FM] LyLe
    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    Torpe [ A Story of Love ] Globalmodo
    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 18177

    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe Fri Mar 20, 2009 4:16 pm

    Chapter 24:

    Alex: I'm sorry..

    "No, it's okay.. Nagkaroon siya ng sakit sa kidney eh.. We opted for a kidney transplant.. Pero bago pa siya natransplant.. he.. he died.."

    Silence..

    Alex: You miss him?

    Ngumiti ako. "Sobra.."

    Alex: How old was he when..

    "Twenty.. Papasok na siya sa medical school nun eh.. Pangarap ni kuya maging doctor sana.. He would have been a very good doctor.."

    Nilabas ko yung wallet ko. Kinuha ko yung picture naming tatlong magkakapatid. Pinakita ko kay Alex.

    Alex: Magkamu~g-magkamukha kayo...

    "Sino mas gwapo?"

    Alex: Sira ka talaga..

    "Pero alam mo.. Pag nakakakita ko ng mag-kuya, naaalala ko si Kuya Lester. Alam mo yung kaninang karga-karga ko si Miguel sa balikat ko.. Madalas ginagawa ni kuya yun nung bata ko.."

    Alex: Aliw na aliw nga si Miguel eh..

    "It was very hard for us to see him in the hospital.. Minsan ayaw kaming pasamahin ni Mama eh.. Ang payat-payat niya.. Makikita mo sa mga mata niya na nahihirapan siya.. Sobrang nasaktan kami nung nawala siya.. Alam mo kung ano huli niyang sinabi sa akin?"

    Alex: "Ano?"

    "JC, aalis na si kuya.. lagi mo tatandaan ah na mahal na mahal na mahal kayo ni kuya.. alagaan mo si marielle ah.."

    Alex: He must have been a great brother..

    "That's why it hurts more.. Ang hirap talaga if you lose someone very important to you.. It made me cherish every single moment with the people I love.."

    Alex: I know.. James.. my brother.. died three years ago..

    "I'm sorry.."

    Alex: Pero unlike you.. he's younger than me.. seven years old siya nung namatay siya..

    "Anong nangyari?"

    Alex: He died because of leukemia.. mas mahirap kasi siya gamutin if you have down syndrome..

    "Down syndrome? Your brother?"

    Alex: Yah.. Alam mo.. Ang hirap.. When James was growing up, people would always.. always look at him differently.. To others, he was abnormal.. But for us, he was a blessing.. Sabi nga ni Mama.. siya ang angel namin.. At alam ko wherever he is right now, he's happy..

    "Kaya ba malapit loob mo kay Miguel?"

    Alex: Parang ganun na nga.. nakikita ko rin siguro yung kapatid ko sa kanya..

    "Haay.. Siguro.. Pinapanood nila tayo ngayon.."

    Alex: Sigurado.. Teka, ano nga palang kinalaman ng pagkamatay ng brother mo sa----

    Marielle: Pasensiya na.. Kanina pa ba kayo?

    Alex: Hindi naman..

    "Marielle, hatid muna natin si Alex sa kanila.."

    Marielle: O sige.. Maaga pa naman..

    Sumakay kami ng taxi para mas mabilis na saka direcho na kina Alex.

    "Bat kailangan mo pala umuwi agad?"

    Alex: Nagtext kasi yung maid namin sa bahay.. Darating na yung Tita ko galing Canada.. Yung bunsong kapatid nina Mama..

    "Oo nga pala.. wala parents mo no kaya ikaw kailangan mag-asikaso.."

    Di nagtagal nakarating na rin kami kina Alex. Pinagbuksan kami nung maid nila at pinapasok sa loob.

    Alex: Teka lang.. kuha lang ako ng inumin saglit..

    "Hinde.. Okay lang.. Mauna na kami.."

    Alex: Naku.. hinatid niyo na nga ko.. Sige na.. Diyan lang kayo ah..

    Umalis saglit si Alex at pumuntang kitchen.

    Marielle: Wow.. ganda ng bahay nila ah.. ang laki pa..

    "Oo nga.. Ang linis pa.."

    DING DONG!

    Alex: [may dala-dalang dalawang basong-iced tea] Eto o.. inom muna kayo.. Tignan ko lang kung sino yung nag-doorbell..

    Kinuha namin ni Marielle yung iced tea at ininom saka palingon-lingon sa bahay nina Alex.

    Aba.. Dalaga na ang pamangkin ko ah..

    Marielle: Kaninong boses yun?

    "Baka sa tita ni Alex.."

    Bumukas yung pinto at pumasok sina Alex saka yung bisita niya.

    Alex: Tita Sofia.. si Marielle ska Toph.. mga kaibigan ko pala..

    Marielle: Ate Pia??



















    Si Ate Pia?! Surprised

    Sponsored content


    Torpe [ A Story of Love ] Empty Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by Sponsored content


      Current date/time is Mon Nov 11, 2024 4:58 am