Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Grow Old With You [ Love Story ]

    Share

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:35 pm

    Grow Old With You [ Love Story ]


    -----------------------------------------------------------------------------------------

    Ako nga pala si Marjorie.. Isang junior sa isang eck-eck na private school.. Sikat sa campus -- op cors, maganda ako eh! Very Happy Active sa halos lahat ng clubs -- wag lang may kinalaman sa Science, English, at lalo na sa Math! Wag na nating pag-usapan ang academics chu-chu.. :Smile
    Bukod dun, masaya ang life ko.. as in! Live your life to the fullest nga, di va?


    Tapos dumating si Johann...


    Senior transferee si Johann galing kung saan mang bundok..
    Pero wag ka, hanep na papable na taga-bundok ang mokong! Razz
    Crush na kagad ng bayan (pati barangay!) dahil, bukod sa mukhang hinakot nya na ang kagwapuhan sa mundo, eh may brains pa!


    Pero -- sOOoOOOooRrRyyyyy -- yoko sa kanya.. Epal, pakielamaro, at saksakan ng kapal ang gwapo nyang mukha! hmpf! >Sad
    Pero, on the other hand, konti na lang talaga ang matinong gwapo sa mundo... Wink


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:36 pm

    2:


    Kinabukasan, sarap ng kain ko ng Clover sa usual table namin ng tropa ko... Un lang kinakain ko sa recess at isang can ng pepsi, may energy na kong magpasaway sa mga teachers ng dalawang subjects ko bago mag-lunch... Very Happy


    Raphael: Naku, ahyan na ang boyprend ko, naglalakad na palapit... :Smile


    Nag-ikutan ang mga ulo namin sa direction na tinitingnan nung bakla...



    What the--?! O_O


    Raven: (ngiti sa'kin) Ooooh... interesting...



    Palapit sa'min si Jerome, 4th year na editor-in-chief ng schoolpaper, at, guess who?!... si Johann.. Ibang klase ang ngiti sa'kin ng mokong...



    Johann: (umupo sa tabi ko) Eiz...
    Ako: Naliligaw ka ng table?
    Johann: Hinde, dumadaan lang...
    Jerome: Aba, nagsusungit ka nanaman, Marjorie... Sayang ang ganda mo..
    Ako:Tigilan mo nga ako, Jerome... Anong ginagawa nyo dito?
    Crizelle: (ngiti kay Jerome) Miss mo na ko?
    Raphael: Gaga, ako hinahanap nyang dalawang yan... (tumingin kina Jerome at Johann) Mamamaya pang hapon date natin ah.. Very Happy


    Kaloka tohng mga toh... Hilig manggulo... :Smile


    Jerome: Oo, Raphael, may date nga pala tayo mamaya.. Wink



    Nakisakay naman.. ;D



    Jerome: (tingin sa'kin) Kasi, Marjorie, balita ko maling way daw ang pagkakakilala nyong dalawa nitong insan ko..



    Pinsan mo?! ???



    Ako: Point?
    Jerome: Kaya sinasabi ko lang sa'yo, mabait toh...
    Johann: Oo nga... Mahal ako ng nanay ko...
    Ako: (napangiti) Mabuti naman... Eh di dun ka na lang sa nanay mo.. Smile



    Biglang nag-ring ung bell... Nagtayuan na kami para bumalik sa mga classrooms namin...
    Bago ako pumasok sa building, humabol pa sa'kin si Johann...



    Johann: So, how about ung tutoring sa Geom? Very Happy


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:37 pm

    3:


    Nung uwian, di ako sumabay sa mga kabarkada kong umuwi... Nagpaiwan ako sa gym, nanood sa mga basketball players (at wanna-be players Very Happy ) na nag-ttry out para sa varsity... Sarap talagang manood pag ganyan kadame mga papable sa harap mo! Very Happy



    Nag-sscan ako ng mga prospect, nang may nakita akong di kanais-nais...



    Hanggang dito ba naman?!



    Johann: Oy, mag-ttry out ka rin?
    Ako: Uh, tatawa na ba ako? :Smile
    Johann: Sungit mo talaga... Binibiro ka lang eh... Parang mangangagat ka pa!
    Ako: Wag kang mag-alala... Wala akong rabies...
    Johann: Uh, tatawa na ba ako?


    Loko talaga toh!


    Johann: (ngiti sa'kin) Joke lang... So, anoh na?
    Ako: Ano na rin?
    Johann: Papa-tutor ka na sa geom?
    Ako: Kuhlet talga ng lahi mo... Hinde na noh... Mapapasa ko pa un...
    Johann: Ahsuz... :Smile



    Nagbibiruan kami nang biglang...



    "Marge?"



    Napalingon ako (pansin nyo parang ang daming nangyayari sa likod ko noh? Razz ), sabay biglang tayo...



    Ako: Hey... Sang lupalop ka ba ng mundo nanggaling? Kanina pa kita hinihintay...


    Lumapit sa'kin ung bagong dating, nakangiti...tapos napatingin sya kay Johann...



    Ay, makiramdam, Marjorie...



    Tumingin ako kay Johann...



    Ako: Johann, nga pala, ehto si George... (hinawakan ni George kamay ko) Boyfriend ko...



    Oooohhh... what's with the face, Johann?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:37 pm

    4:


    Tumitig sandali si Johann kay George... La namang masama, ung tingin lang...


    George: (kay Johann) Mag-ttry out ka ba? Sunod ka na kagad... Magwwarm up na kami... (tingin sakin) Sige na, Marge. Umuwi ka na... Wag mo na kong hintayin... Tatawagan na lang kita mamaya...



    Wha--? Surprised ??? Surprised



    Pagkaalis ni George para tipunin ang mga papable na wanna-be varsity, napatingin sa'kin si Johann...


    Johann: Boyprend mo un?


    Last time, I checked... yeah... kahit tinataboy nya ko ngayon...


    Ako: Oo, bahket? (Nakz, feeling sure ah...)
    Johann: (ngiti) La lang... tanong ko lang... Parang ehwan eh... Razz Captain ba un?
    Ako: Oo, bahket?
    Johann: Panget ka rin... Very Happy ;D



    Hala?!?! La nanaman magawang matino tohng taong toh?!



    Nagsimula nang tumakbo si Johann para makisali dun sa hudle ng mga lalake... Ako naman umikot na para umuwi...mag-isa... feeling unwanted... T_T Tsk... drama mo, Marjorie! :Smile



    Johann: Oi!



    Napaikot uhlet ako... Di pa pala nangangalahati ung mokong papunta sa gym...



    Johann: Kung gusto mo hintayin mo ko, para di ka feeling lonely dyan!



    Hala! O_O


    Ako: Neknek mo! Mahiya ka nga sa balat mo!
    Johann: (natawa) Bahket naman? Eh ang gwapo-gwapo ko?! Very Happy



    Ano raaaaaawwwwwwwww?!?!?!?



    Pagkatapos nun, tumakbo na sya talaga para maki-warm up... Ako naman, ahyun, nakatayo, parang eng-eng... mag-isang nakangiti... :Smile




    _____________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:38 pm

    5:


    We-el... Di ko hinintay si Johann noh... Umuwi na ko, at nag-abang ng tawag ni George -- na alas dose na eh di pa rin dumadating! Kaya, ahyun... nakatulog ako na katabi ung telepono at cellphone... Puyat pa!


    Kinabukasan, pagdating ko sa school...


    Raphael: (pagkakita sa'kin) Naku poh! Puyat nanaman ang bruha! :Smile
    Crizelle: Anong oras nanaman kayo natapos ni George sa telepono?
    Ako: Di kami nag-usap...
    Raven: Sino kausap mo?
    Martha: Si Johann noh?


    Bakit naman napasok un?! ???


    Pauline: Kayo ha... Bagong kilala nyo pa lang, close na kagad kayo... Very Happy
    Ako: Mga loka... Wala akong kausap... As in... Napuyat ako sa kakahintay ng tawag ni George... (bumulong) Di naman tumawag... T_T


    Natahimik silang bigla... Nagtinginan...


    Ako: Suz, wala un noh... Kayo naman... Di lang sya tumawag eh..



    ..kahit sinabi nyang tatawag sya...



    Raven: Marge... Ilang araw na syang di nagpaparamdam syo ah...
    Crizelle: Oo nga... Mga kowtz mo dyan sa inbox mo mga last month pa!



    Kowtz ba alalahanin? :Smile



    Ako: Ay nako...wala nga un... Suz, ok lang un noh... Dame-dameng pwedeng hilahin dyan at sabihing tawagan ako eh...
    Raphael: Aaay, ang taray ng bakla! Very Happy
    Ako: Loka, ikaw lang bakla dito noh... Very Happy


    ~~~


    Ako: You're breaking up with me?!


    Nung hapon, kahit na madilim at mukhang may bagyo pa, sinama pa rin ako ni George sa park......... para lang makipag-break...


    George: I'm really sorry, Marjorie... It's just that, hinde na tayo tulad ng dati eh...
    Ako: Si Kathy noh!?



    Whoops! Gusto mo ba talaga malaman sagot dyan?!



    Pewo di naman nakasagot si George... Ni di nga nakatingin sa'kin eh... So un nga... Si Kathy na kapitbahay nya na matagal na syang pinipilit sungkitin sa sampayan ko...


    Ako: (nakangiti pa ko oh!) Okay lang un... At least di tayo naglolokohan, di ba? Nakush, wag mo kong alalahanin, lam mo naman ako...



    Naku, plastik mo, Marjorie! :Smile



    Alangan namang humagulhol ako sa harap nya?!



    George: Okay ka lang?



    Okay-in ko yang mukha mo eh! Pano ako magiging okay?!?!


    George: Hatid na kita snyo...Mukhang uulan na eh...
    Ako: Hinde, sige, mauna ka na... Dito muna ako... Kakain lang ako sa Jollibee, tapos uuwi na rin ako..
    George: Sure ka?
    Ako: Yup!
    George: Sige... Kita na lang tayo bukas...


    Tumayo nga ang loko! Sandale! Iiwan mo ko dito!??! Oh, well, ahyun na nga oh, naglakad na paalis...



    Tumitig lang ako sandali kung san pumunta si George tapos umikot na rin ako para pumunta ng Jollibee sa kabilang ibayo ng kalsada... o kaya dun na lang kaya ako pumunta sa dulo ng park?... Siguradong la tao dun... Uupo na lang ako sa ilalim ng puno...


    Suz... care ko ba kung wala na kami!? Daming iba dyan naka-scattered noh...


    Kakaupo ko pa lang sa ilalim ng isang malaking puno nang mag-sink in sa brain ko ung nangyari...


    Oh God... Iniwan nya nako........ :'( :-[ :'(



    At sa pagpatak ng luha ko...dun na rin bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:38 pm

    6:


    Di ko alam kung gano ako katagal nakaupo dun sa ilalim ng puno... Basta, ang alam ko, nakapag-reflect na ko sa lahat ng mga naging boylet ko (which by the way is marami-rami na rin...)... kaya malamang matagal na kong naliligo sa di pa rin humihinang ulan... :Smile


    At alam nyo ba napansin ko? Most of the time, lagi na lang akong naiiwan for someone else!!!!


    Siguro may mali sa'kin... Siguro.... Siguro....


    Siguro alien ako! Long-lost cousin ni ET! o ni Mojacko! o ni Doraemon!!! O_O


    Langya naman, Marjorie... akala ko ba nag-eemote ka?


    Tapos, bigla kong napansin na tumigil ung patak ng ulan sa'kin, habang todo pa rin ang buhos sa paligid ko...




    Ehto na ang mothership... Sinusundo na ko?!?



    "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"



    Nagtatagalog ung alien? Surprised ??? Surprised



    Napaikot akong bigla at ahyun, sa tabi ko lumantad ang mukha ni Johann!



    Sheesh! Mas gusto ko na ung idea na mothership toh eh!



    Ako: Anong ginagawa mo dito?
    Johann: (lipat ung payong sa kabilang kamay nya) Hinahanap ka ng tropa mo... Pati sa'kin hinanap ka...



    Loka talaga ung mga un...-__-


    Johann: So, break na kayo...?



    Langya, gano ba kabilis mag-travel ang balita?! Surprised ???


    Ako: San mo naman narinig yan?
    Johann: Kay Raphael... Sinabi raw sa kanya nung girlfriend nung kabarkada ni George... Nag-aalala yata syo ung gurl... tapos nung la sumasagot ng cellpone at telepone nyo, eh nagkagulo na mga kabarkada mo kung nasan ka na...
    Ako: Walang tao sa bahay... Nasa business trip si Mommy...
    Johann: Dad mo?
    Ako: Nasa Amerika...
    Johann: Bakit di mo tinawagan tropa mo?
    Ako: Then what? Para mag-alala lang sila?
    Johann: Tange... Mas nag-aalala na nga sila ngayon eh... Kaya nagprisenta na kong hanapin ka...


    Tiningnan ko lang sya... Bakit ba sobrang pakielamero nito?


    Johann: Umiiyak ka ba?
    Ako: Ano?
    Johann: Basang-basa ka kasi eh, di halata kung umiiyak ka o ano...
    Ako: Care mo ba?
    Johann: Sungit mo talaga!
    Ako: Umuwi ka na nga... Uuwi na rin ako maya-maya...



    Tinitigan ako ni Johann... Tapos, he shoved na lang bigla ung payong sa kamay ko...



    Johann: Oh sige... (tumayo na para umalis)
    Ako: Hoy! Eng-eng ka ba?! Mababasa ka!
    Johann: Kesa naman ma-todo basa ka pa sa pag-uwi mo... Sa'yo na yang payong ko, kunin ko na lang bukas...
    Ako: (napatayo para payungan sya) Sira ka talaga! La ka bang magawang matino?! Bahket ba kung san-sa ka sumusulpot?!? BAHKET BA ANG KULIIIITTTT MO?!?!?!?!


    Marjorie, sumisigaw ka?


    Johann: Sinisigawan mo ko dahil sa payong? Wow, sobrang concern naman yan... Wink
    Ako: (binalik ung payong sknya) Sira! Managinip ka ng gising...


    Tinalikuran ko na sya... Shockingnez, kahiya ah, nawala poise ko...


    Johann: Lam mo, okay lang namang umiyak ka eh... Kung di mo naman mahal ung g*gong un, di ka magpapaulan dito eh...
    Ako: Bakit naman ako iiyak sa harap mo? o ng kahit sino? Ayokong maging mahina noh...
    Johann: (hinaltak buhok ko) Sira! Anong masama dun? Di naman ibig sabihin pag umiiyak ka, mahina ka... Ibig sabihin nun, di ka alien..


    Umiiyak ako kanina di ba? Ibig sabihin di ako alien? O__O

    Sheesh! Di ko pala kamag-anak si Doraemon! Sayang!


    Ako: Di lang ako sanay na nakikita ng iba na... lam mo na... Ung parang vulnerable...


    Nung di nagsalita si Johann, napatingin ako sa kanya (baka natutunaw na di ko pa alam eh!)... Instead, ang nakita ko ung pagkalalim-lalim nyang mata na nakatitig sa'kin...


    Johann: Sige, ganito na lang, Marjorie... Whenever you feel vulnerable -- or sad -- asahan mo, andito ako... Umiyak ka, sumigaw ka, hampasin mo pa ko sa sobrang galit mo, basta, nandito ako....


    Wow…….. ??? Razz


    Johann: Pero syempre, siguraduhin mong di mo ko mapapatay ha... Very Happy


    Natawa ako... Tiningnan ko lang sya sandali, tapos, ngumiti na ko...


    Ako: So, papayungan mo ba ko hanggang sa bahay? Yoko nang mabasa ng ulan eh...
    Johann: Ano kah? Dinala ko toh, para ikaw magpayong sa'tin noh!
    Ako: Sira ka ba?!




    Op cors, ako panalo...hehe.. Hanggang sa bahay, pinayungan ako ni Johann... Todo alalay sa'kin...



    Okay na sana eh...




    Kaya lang, nanghingi pa ng pamasahe pauwi ung loko... :Smile




    ___________________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:38 pm

    7:


    Isang linggo na ang nakakalipas since nung break-up namin... Isang linggo akong nagka-sipon... Loka kasi, maligo ba naman sa pagkalakas-lakas na ulan! Pero si Johann, sya yata ang alien eh! Di man lang tinablan! Ni ubo wala! Surprised Ay nako, never the mind...


    Einiweiz, since naging single ako, parang linta na kung makakapit sa'kin si Johann... Di na nga tumahimik cellpone ko dahil sa kanya! "Elow Marjorie, musta na?" "Ano ginagawa mo Marge?" "Gumawa ka n ba ng assignment mo sa geom?" Pag di naman ako nag-reply, "La ka ba load? Kawawa ka nman...” "Huy, buhay ka pa ba? bkt d ka nagrrep?"
    Aarrrghhhh!!! Ayaw akong patahimikin!!!



    Lunch time namin, at ahyun ako, tinititigan ung Geometry book ko... Umaasang baka sakaling lumitaw ung sagot... Maya-maya...



    Ako: Ay bwiset! Bahket ba kailangang malaman kung congruent chuva yang triangle na yan?!?! Papakainin ba ko ng measurement nyan?!
    Crizelle: (natawa) Lam mo, Marge, ilang taon nang tinatanong ng mga estudyante yan...


    Nginitian nila akong lahat -- mga bruha, la lang kasi silang test sa geom kaya ako pinagdidiskitahan... Napaikot tingin ko, at, well, well, sa dinami-dami nga naman ng makikita... Si Johann pa...


    Abah! Mukhang papunta dito ang mokong!


    Ako: Sheesh... Ehto na naman si Bugs Bunny...


    Umikot mga ulo ng mga kabarkada ko, tapos tumingin sa'kin...


    Pauline: Bugs Bunny? Bahket? Di naman sya mukhang rabbit ah...
    Raphael: Oo nga... Gwapo-gwapo ni papa Johann eh!
    Ako: Sa'yo na kung gusto mo... Bugs Bunny lang tawag ko sa kanya...kasi he keeps on BUGGING me!!!
    Raven: Ahsuz... Deep inside, flattered ka naman...
    Ako: Che!


    Tumayo sa tabi ko si Johann... (sabi na nga ba, dapat di ako umupo sa dulo ng table eh...)


    Ako: Anong ginagawa mo dito?
    Johann: La lang... Tinitingnan lang kita...
    Ako: (taas kilay) Anong tingin mo sa'kin? Display sa window ng Penshoppe?!
    Johann: Anoh? ???
    Ako: Wala, never mind. Bakit ba nandito ka?
    Johann: (hinila ng konti buhok ko) Sungit mo talaga... Wala lang, yayayain lang kita mamayang kumain...
    Ako: Lilibre mo ko?
    Johann: Hinde ah! Isasama kita, di ko sinabing lilibre kita...


    Langyang kuripot nito!


    Ako: Eh bahket mo pa ko niyaya? Mapapagastos lang pala ako eh
    Johann: Libre kita, kung tayo na... Wink

    Barkada ko: Oooooohhhh... Very Happy


    Tiningnan ko sila -- parang nanonood ng kung anong movie ang mga loka... Ganda pa ng mga ngiti...


    Ako: (kay Johann) Neknek mo...
    Johann: Ms. Taray... :Smile


    Ngumiti lang sya sa'kin tapos umalis na uhlet para bumalik dun sa mga naghihintay nyang mga pwendz...


    Pauline: Gaga! Bakit di ka pumayag?!


    Whoa! O_O


    Ako: Bakit naman ako papayag? Haller! Kakabreak lang namin ni George noh!
    Crizelle: So?
    Ako: So-so ka dyan... (tingin uhlet sa geom book ko) Tsaka syempre, di nga nanliligaw un eh!
    Raven: Tange ka talaga... Halata namang may gusto sa'yo ung tao eh!


    Tao ba un? Very Happy


    Raphael: Oo nga... Sige ka, aagawin ko un..


    Ang tarush! :Smile


    Ako: Oki pyn... Tigilan nyo na ko... Basta, never magiging kami noh...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:39 pm

    8:

    Gabi na, as usual, ako lang ang tao sa bahay... Nasa business mommy ko, wala naman akong kapatid... At si dad, naku, taon pa ang bibilangin bago umuwi un... Sa sobrang boredom ko, eh nagbihis ako para kumain na lang sa labas... Malay mo di va, may makita pa kong papable... Very Happy


    Lonely, I'm Miss Lonely
    I want somebody to call my own..
    Ahoooooooooooooo


    Anoh ba yan?


    Sa dinami-dame naman ng maiisip na kanta, yan pa... Einiweiz, ehto ako at iniienjoy ang aking palabok, french fries, at coke... All alone sa world ng jollyhotdog, chickenjoy, at spaghetti... Kawawa naman ako... tsk tsk tsk...


    Nangangalahati na ko sa kinakain ko nang may lumapit sa'kin...


    "Miss?"



    Napataas ung ulo ko... Sino kaya tohng pumapagitan sa'kin at sa palabok ko?



    Isang matandang guy -- di naman ganon katanda -- na mukhang... no comment...



    Ako: Ano poh un?



    Baka kidnapin ako nito! Oh no! Mababawasan pa ang maganda sa world! Surprised

    Marjorie... Shut up...


    Mysterious Guy: Pwedeng umupo? Wag ka mag-alala, di ako masamang tao...


    Un naman lagi sinasabi nila...Teka lalamunin ko lang palabok ko tapos tatakbo na ko paalis!


    Di pa ko sumasagot, umupo na si tatang sa harap ko... Syempre ako, pasimpleng takot, tiningnan lang sya...


    Mysterious Guy: Ako nga pala si Jimmy Cruz... (inextend nya ung kamay nya para makipagshake hands -- inabot ko naman) Kanina pa kasi kita tinitingnan... Naisip mo na bang mag-model?



    Ano raw?!?!?!



    Jimmy: Talent scout ako, naligaw lang dito... (ngiti sa'kin) Ano nga palang pangalan mo?



    Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba?



    Di ko na malasahan ung kinakain ko -- sheesh! Sayang pera!



    Ako: M-Marjorie poh...
    Jimmy: Ah, Marjorie... Good... Good... (may kinukuha sya sa pocket nya)



    Oh no! Ahyan na! Kikidnapin nya na ko!


    Wag poh! Wag poh!!!


    Habulin mo ko~~... Very Happy


    Tama na nga yan, Marjorie...


    Jimmy: (may inabot sa'king papel) Ehto card ko... Next Saturday, umatend ka ng VTR sa building na nakalista dyan...


    Kinuha ko ung card, tinitigan... Saang lupalop naman ng mundo toh?!?!


    Jimmy: Okay? I'll be expecting you...
    Ako: Uh, sir, ano -- ano poh bang VTR toh?
    Jimmy: TV commercial... Lam mo ung commercial ng Coke na kumakanta? Parang ganon... Punta ka ha... (tumayo na sya) At, nga pala, kuya na lang tawag mo sa'kin... 25 y/o lang ako, parang ang tanda ko na kasi pag sir eh... Razz Sige, iwan na kita...


    Umalis na si "kuya raw"... Ako naman tiningnan uhlet ung card sa kamay ko...



    VTR daw... TV commercial...



    Shosyal... haha... ;D












    Ano nga ba nangyari?!?! O_O


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:39 pm

    9:


    Kinabukasan, nakatambay ako sa terrace ng bahay namin... Tinawagan ko na si mommy para sabihin ung nangyari -- mas excited pa sa'kin ah! :Smile Kesyo, "big break" raw, "mana raw ako sa kanya"... Mommy talaga...



    "MARRRJOOOOORIIIIIIIIIEEEEEE!!!"




    Kabayo! Surprised



    Napatayo ako sa upuan ko, sabay silip sa gate... Sino ba un? Nasa second floor ung terrace kaya, kailangan mag-lean para makita kung sinong tao sa labas...



    Ay, bubwit na tumatakbo sa cornfield! Si Johann nanaman!



    Ako: (sigaw sa kanya) Anong ginagawa mo dito?!
    Johann: Binibisita ka! Obvious ba?! Papapasukin mo ba ko o ano?!



    Demanding?! ???


    Ako: Ano ka? Bababa pa ko? Umuwi ka na nga!


    Biglang sumulpot si Ate Julie -- ung daytime maid namin -- sa likod ko...


    Ate Julie: Marjorie, papasukin ko ba un?
    Ako: Wag na... Uuwi na yan...



    Tumingin uhlet ako kay Johann...



    Johann: La magawa sa bahay! Dali na! Aakyatin ko tohng gate nyo! Promise!


    Nanakot pa ang loko!


    Ako: (kay Ate Julie) Sige na nga, pabukas na lang nung gate... Tapos, papuntahin mo dito...



    Maya-maya, nasa tabi ko na si Johann... Laki ng ngiti... :Smile



    Ako: Ano? Manggugulo ka na lang, dito pa...
    Johann: (hinila ung upuan para lumapit sa'kin) Miss ko ka-sungitan mo eh... La nang-aaway sa'kin sa bahay... Ayaw mo naman mag-text. Smile
    Ako: La akong load eh...
    Johann: Ahsuz... :Smile


    Umiikot siguro ung mata nya kaya nakita nya ung card ni "kuya Jimmy Cruz raw" sa sidetable sa tabi ko... Kinuha nya, binasa, tapos tiningnan ako..


    Johann: Ano toh? ???
    Ako: La lang... Inimbita akong umatend ng VTR next week... TV commercial raw...
    Johann: Weh? O_O
    Ako: Oo nga!



    Mahirap bang paniwalaan un? Sa ganda kong toh? Charing! Very Happy



    Johann: Sama ako! Very Happy
    Ako: Sira! Di nga ako pupunta eh...
    Johann: Nyeh! Bahket?
    Ako: La lang... Talented kailangan dun, mapapahiya lang ako...


    Binatukan ako bigla ni Johann


    Ako: Aray! (binatukan ko rin sya) Ano ba?!
    Johann: Aray! (napahawak sa ulo nya) Eh eng-eng ka pala eh... Bakit di ka aatend? May dahilan naman siguro kung bakit ka nilapitan ng.... :-X kung ano mang tawag dun... ::)Baka bulag kaya nilapitan ka... ;D
    Ako: Sira! Bulag... Eh di nadapa un...
    Johann: (natawa) Basta, pumunta ka, hahatid pa kita... Matatanggap ka dun... Pustahan pa tayo eh..


    Todo confidence nito ah... ???


    Ako: Sige ba...
    Johann: 60 pesos
    Ako: Ano?!



    May perang kasama?!



    Johann: 55 pesos? ???


    Ay tange... :Smile



    Ako: Sira! Bakit may pera?
    Johann: Syempre! Ano ang pustahan kung walang puhunan? Very Happy
    Ako: Maraming naghihirap sa pinas noh...



    Natahimik sandali si Johann, nag-iisip... Tapos bigla na lang syang ngumiti...



    Johann: O sige, ganito na lang... Smile



    Parang masama toh ah... :-X



    Johann: Pag di ka natanggap, bibilhan kita ng load, 300 pa! Pero pag natanggap ka...
    Ako: Bibilhan kita ng load? 30 pesos pa? Very Happy
    Johann: Kuripot mo talaga... Hinde... Pag natanggap ka, sasama ka sa'kin, nood tayo ng sine, kakain sa labas at kung ano-ano pa...



    HUWAAAAaaTTttTT!?!?!?! Surprised



    Ako: Ano ka?! Sinuswerte?! O_O
    Johann: Medyo... Very Happy Sige na... Pusta na... Pumayag ka naman eh...



    Sheesh! Oh well, di naman talaga ako matatanggap eh... Sa dinami-dami ng mag-aaudition dun, mapapansin pa ba ko? Di ba? :Smile



    Ako: Oh chige... Pyn... Payag na... Basta... 300 load ko ah!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:39 pm

    10:


    Monday... Di ko sinabi sa KAHIT SINO about ung commercial chuva na un... Pagkatapos ng napakahabang taon, ngayon ko lang napagtanto na may hiya pa pala akong nakatago... Very Happy Einiweiz, nakatambay uhlet ako sa gym nung dismissal -- patago at pasulyap-sulyap sa papable kong ex...

    Loka ka talaga, Marjorie!



    "BULaGA!"




    Ay kabayo! Surprised


    Napatalon ako sa gulat... Bigla ba namang may sumulpot sa likod mo... Umikot ako para tingnan kung sino un... Mas magugulat ka kung si Bugs Bunny pa nanggulat syo... Yah...Si Johann nanaman...



    Johann: (natawa) Ang cute mo pala pag nagugulat!
    Ako: (hinampas sya -- mahina lang naman) Ano ba?! Para kang kabute, bigla-bigla kang sumusulpot!
    Johann: Aray! (hawak sa braso nyang hinampas ko) Child abuse ka!
    Ako: Sira! Mas matanda ka sa'kin noh... At isa pa, kahit langgam di mamamatay sa hampas na un!


    Napatingin uhlet ako sa gym nung marinig ko ung boses ni George na nagtatawag sa mga players... Ehwan ko ba... di ko nanaman sya namimiss nung mga nakalipas na araw -- tapos ngayon, ehto ako, biglang pasulyap-sulyap...


    Johann: (silip din sa loob) Abaaaaa.... Mukhang may broken hearted dito ah...
    Ako: (tingin sa kanya) Ha..ha... Sumisilip lang ako noh...
    Johann: Eh di namimiss mo nga?!
    Ako: Anong masama dun? Sabi ng nakita kong libro about these stuffs, it's completely normal raw...
    Johann: Marunong kang magbasa? O_O
    Ako: Nung kinder pa!


    Inadjust ko ung bag ko -- di ko nga alam bakit pa ko nagba-bag, la namang laman kundi kikay kit! :Smile -- tapos lumakad na paalis...



    Ako: Uuwi na ko.
    Johann: Hala... Di mo man lang ako hihintayin?
    Ako: Bakit naman kita hihintayin?
    Johann: (pa-hurt effect) Di mo ko hihintayin, samantalang si George sinilip mo... It hurts!


    Ugh! Dinramahan pa ko... :Smile



    Ako: Don't bother na mag-peke ng luha... Wa epek yan...
    Johann: Sungit! (tumakbo na papasok sa gym) Tawagan na lang kita mamaya! Bye, Labz!



    Labz daw?!?!



    Ako: (bulong) Labz ka dyan...



    Pagkapasok ni Johann sa gym, lumabas na rin ako para umuwi...





    Tatawag raw sya mamaya..... Pano nya nalaman number ko?





    Tinawag nya pa kong "labz"!







    how shweet naman.. Very Happy ;D


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:39 pm

    11:


    Nung gabi, nanood ako ng soap opera -- feel na feel ang drama -- nang mag-ring ang telepono at cellphone ko... Syempre, napatalon ako... Ang ingay eh!



    Anong sasagutin ko?!?



    Si Johann ung tumatawag sa cellphone ko -- kaya ung telepono pinili kong sagutin... Very Happy



    Ako: Hello?


    "Uy!"



    Sheesh! La talaga magawang matino tohng taong toh... Tatawagan ako sa cp, tapos sya rin pala ung nasa landline...



    Ako: Ano ka ba? Dapat pala ung cellphone na lang sinagot ko -- para mas mapagastos ka..
    Johann: Kaw talaga, sobrang pagmamahal na yan...



    Whatchu say?!? ???



    Ako: Anong konekment?!?! Bakit ka ba tumawag?
    Johann: Syempre, di ba sabi ko tatawag ako?



    Oo nga...Pewo sinabe win ni George dati na tatawag sya, at anong petsa na, di pa rin nagrring ang telepono!



    Johann: Huy, bakit nananahimik ka dyan?
    Ako: Kasi maganda ako...
    Johann: Oh? Kailan pa?
    Ako: Since birth.. Very Happy
    Johann: Talaga lang?
    Ako: Oo... Wag ka nang kumontra... (tumitig na uhlet ako sa aking pinapanood na sabon sa tv -- bakit may umiiyak nanaman?!) Shushi...
    Johann: Ano?
    Ako: Wala. Ung pinapanood ko.
    Johann: Ano bang pinapanood mo?
    Ako: Sikretong maluphet...
    Johann: Ganda mo talaga kausap.. Pasalamat ka---
    Ako: Ano?
    Johann: Wala... Pasalamat ka lang, mabait ako...



    Ano raw... :Smile


    Johann: Oi, ako maghahatid sa'yo dun sa VTR mo sa Sabado ha
    Ako: Bahket? (nood pa rin ng tv)
    Johann: Syempre, para masaya
    Ako: Bahket? (Kabayo! Ahyan na ung kontra-bida!)
    Johann: Kasi kailangan ng mundo maging masaya...? ???
    Ako: (Ano?) Bahket?
    Johann: Panget ka rin... Very Happy
    Ako: Maganda nga ako...


    Ahyan... alam ko, napakawalang kwenta ng mga pinag-uusapan namin, pero sa kung anong himala, eh tumagal kami ng halos apat na oras sa telepono... At wala pa syang balak ibaba kung di lang kami papasok bukas... Puno ng energy ang mokong eh! :Smile


    At grabeh! Ang init ng ears ko! (Dalawa, kasi pinagpalipat-lipat ko ung telepono)... And pagkatapos nun, sa loob ng ilang linggo, I was able to sleep na rin as soon as tumama ang ulo ko sa unan....



    Ibang klaseng effect ah!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:40 pm

    12:


    Kinabukasan, usual-usual... Gising, punta school, pasaway sa teacher, napabisita sa discipline office (di naman araw-araw toh! pikon lang ung teacher namin nung araw na un Very Happy ), kain sa klase, at syempre, ang walang kamatayang pagrereklamo sa geom...


    Nung uwian... Kakatapos ko lang itambak sa locker ang mga librong di ko naman ginagamit (for display purposes only lang un), nang bigla nanamang sumulpot si Johann sa tabi ko...


    Johann: Ready ka na?
    Ako: Na?
    Johann: Umuwi.
    Ako: Care mo? (slam ung locker ko at lakad paalis)
    Johann: (sunod sa'kin) Syempre, ihahatid kita...
    Ako: Neknek mo... May paa ako noh.
    Johann: Alam ko... Di ko naman sinabing bubuhatin kita ah...



    Oo nga naman... :Smile



    Ako: Pupunta pa ko sa mga tita ko eh...
    Johann: Sama ako... Para naman di ka lonely na naglalakad -- all alone...



    Nakz.. how thoughtful... :Smile Razz



    Johann: May pagkain ba dun?


    Nyekz..how Goldilocks din… :Smile



    Ako: Malamang... Pero teka, sinong may sabing isasama kita?
    Johann: Syempre... Ihahatid kita, makita ko man lang tita mo di ba? Papakilala mo pa ko...
    Ako: Bakit naman kita papakilala? Close tayo?
    Johann: Oo! Very Happy
    Ako: Lakas mong mangarap...



    Einiweiz, kahit anong taboy ang gawin ko sa kanya, ahyun at nakabuntot pa rin sa'kin -- kahit sinabi kong maglalakad lang ako... Ang kulit-kulit-kulit-kulit talaga!



    Nasa kabilang kalye na kami nang may nakita akong mas di kanais-nais kesa kay Johann...



    Ako: (bumulong) Oh sheesh...
    Johann: Bakit?



    Tumingin din sya sa tindahan na tinititigan ko, tapos tumingin uhlet sa'kin...



    Johann: Hmmmm... Interesting... Smile
    Ako: Che!



    Nandun si George at Kathy, halos langgamin na sa sobrang ka-sweetan... Kailangan bang ganun sila ka-close?!?! ???



    Johann: Lika, dali...
    Ako: Anong--?! O_O



    Bigla akong inakbayan ni Johann habang papalapit kami dun sa dalwang lovebirds (na gustung-gusto kong batohin ng kahit ano! >Sad )...



    Ako: Anong ginagawa mo?!
    Johann: Ssshhhh... Maki-sakay ka na lang...



    Bigla syang tumigil sa harap nina George (ang ssshyyeeet!) nakaakbay pa rin sa'kin...



    Johann: (kay George) Oy, pare!
    George: (nagulat -- tingin sa'kin tapos kay Johann tapos sa'kin uhlet) Oy... Anong... ginagawa nyo dito? ???
    Johann: Pupunta kami sa mga tita ng baby ko eh...



    "Baby"?! Surprised


    eeewwwww... -__-


    George: Ahhhh...(tingin uhlet sa'kin) Kailan pa...naging kayo? :-X
    Johann: Nung minsan lang... Swerte ko nga talaga sa kanya... Buti na lang pinakawalan mo sya... Wink


    Lokong toh... Sobra ka na, oy! Surprised



    Ako: (kay Johann) Babe, (Eeeewwww!) halika na, hinihintay na tayo ni tita eh...
    Johann: (sa'kin) Uh, sure... (tingin kay George) Sige na, pare... Kita na lang tayo bukas.
    Ako: (tingin kina George at Kathy -- na sobrang sama ng tingin sa'kin.. Very Happy ) Sige, Gee,Kat... Alis na kami... See you tomorrow...


    Naglakad na kami paalis ni Johann -- acting all sweet habang nakaakabay pa rin sya... Pag-ikot namin sa kanto, bigla kong tinanggal ung kamay nya habang sya, tawa ng tawa...


    Ako: I can't believe we did that! Surprised
    Johann: Enjoy nga eh! Nakita mo ba ung mukha nya? (natawa uhlet) Parang hihimatayin! ;D Very Happy Very Happy
    Ako: Oo nga... (natawa rin) Parang ngang handa na kong patayin ni Kathy! ;D



    Naglakad na uhlet kami papunta sa mga tita ko...



    Ako: Thanks for doing that... Di ko alam gagawin ko kung kailangan kong dumaan sa dalawang un habang parang silang dalawang tuko na magkadikit...
    Johann: Pwede mong sabihing "George! Hi! Ehto nga pala si Johann, boyfriend ko... Gwapo noh?" Tapos turo mo ung girl na kasama nya, tanong mo, "Sino sya? Maid nyo?"
    Ako: (natawa) Ang lakas talaga ng tama mo... ;D Basta, thanks talaga...
    Johann: Sure... What are prendz por?!



    Oo nga naman.... What are friends for.... :Smile



    Ako: Gusto mong makilala pinsan ko? Magugustuhan ka nun, pati na rin tita ko...




    ______________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:40 pm

    13:


    Gabi na kami umuwi ni Johann... May pagka-gentleman naman pala un kahit papano sa dugo nya, hinatid naman ako hanggang sa'min bago sya umuwi... Very Happy


    Johann: Baka makidnap ka pa, ma-murder pa ko ng pamilya mo! Kawawa naman ako noh!?


    Yan reason nya kaya hinatid ako... :Smile



    Pagdating namin sa gate ng madilim naming bahay na walang tao...



    Ako: Alis ka na... Nandito na ko -- at wala akong pamasahe...
    Johann: Wag ka mag-alala, nagbulsa ako ngayon... Very Happy
    Ako: Buti naman...Kala ko lilibre pa kita ng pamasahe mo eh... Sige na, night night na... Ingat ka...
    Johann: Concerned ka? Wow... Touch naman ako...



    Lakas ng tama nito... -__-



    Ako: Neknek mo.. Umuwi ka na nga...
    Johann: Kailan tayo babalik sa mga tita mo?



    Whatchu say?!?!



    Ako: At bakit ka naman babalik dun?!
    Johann: Syempre... Mahal na ko ng tita mo eh... Mamimiss ako nun... Smile
    Ako: Yabang mo...
    Johann: Hehe... Ano pa't nabigyan ako ng gwapong mukha kung di ko rin pagyayabang?
    Ako: (hinampas ng konti) Matatangay na ko ng hangin... Lumayas ka na dahil may sandamakmak pa kong homework na gagawin...
    Johann: Sure... Basta ikaw, Labz... Wink



    Wha--?!



    Tumakbo na sya paalis, ako naman toh, nakatitig muna sa kanya...



    Ang yabang talaga nun!!!



    Ako: (sigaw para ipahabol sa kanya) Neknek mo! Labz ka dyan!



    Lumingon lang sya sandali, ngumiti, tapos tumuloy na sa paglalakad...



    Pumasok na ko sa loob... Mukha na kong sira nakatayo dun, mag-isang nakangiti eh...



    Labz daw oh... Ahsush... :Smile


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:40 pm

    14:


    Dumaan ang mga araw, at before I knew it, Sabado na! Oh my golay! Thiz iz it! Thiz iz really iz it! At 9:15 AM, nakatingin ako sa salamin sa kwarto ko, iniisip "Bakit nga ba ako pupunta dito?!" Tapos sasagot ung Safeguard ko, "Kasi nakipagpustahan ka kay Johann... Gusto mo naman ung load na un di ba?"


    "Marjorie?"



    Napatingin ako bigla sa pinto ng kwarto ko... Si Ate Julie lang pala...



    Ako: Oh, Ate? Bakit?
    Ate Julie: Nandito na ung sundo mo... Ung gwapong nandito nung isang araw... Wink
    Ako: Ate naman...



    Kinolekta ko na ung mga abubut ko at pinagpapasok sa bag ko... Tapos patakbo na kong bumaba... Nasa labas si Labs -- este si Johann pa... Razz



    Johann: Nakz, nabubulag yata ako, o maganda ka talaga ngayong araw...
    Ako: Ha..ha... Maganda ako araw-araw noh...



    Charing! Very Happy



    Johann: Tara na nga...



    Lumabas kami, at tingnan mo nga naman, may dalang kotse ang loko! O_O



    Ako: Nagddrive ka? ???
    Johann: Yup! Di ba obvious?



    Binuksan nya na ung pinto para sa'kin... Oohhh lala...



    Ako: Nice one... Very Happy



    ~~~



    Pagdating namin dun sa building na kahit anong pilit kong tandaan eh di ko maalala ang way, daming tao!!!!!!


    Umupo kami ni Johann sa bandang likod...



    Ako: (bulong kay Johann) Tingnan mo yang lahat ng taong yan! Oh my golly... Ihanda mo na ung load ko! T_T
    Johann: (hinila ung buhok ko) Sira... Masyado kang insecure... Wag kang mag-alala, mas talented ka dyan sa mga yan... Mas maganda pa... Wink
    Ako: Go on... Smile
    Johann: Yakang-yaka mo yan... At tandaan mo, may reason kung bakit nilapitan ka nung.... taong un...



    Nakz... Ahyos palang pampalaki ng ulo toh... Very Happy



    Ehwan ko kung gano katagal kaming naghihintay -- di ko na napansin, kasing kuhlet ba naman ni Johann katabi mo, sinong makakapansin ng oras? :Smile Tinawag na nila name ko...



    Johann: Yan na! Kaw na! Very Happy Very Happy



    Mas excited pa sa'kin ah... :Smile



    Nasa harap na ko ng mga scouts or kung ano mang tawag dun sa mga scary-looking people... DAME PEOPLE!!!!!! I'm scared... :-X :-\



    Johann: (sigaw) Go, Marge! Very Happy



    Okay... Now I'm embarrassed... Surprised :-[ Surprised


    Tiningnan sya nung mga tao, hehe, nag-shrink sa upuan nya ung loko...wahahahaha... ;D Very Happy



    Tapos tiningnan na ko nung mga "scouts"... And then, nag-signal na silang magpakilala ako chuva-chuva... Tumingin muna ako kay Johann, took a deep breath, and nagsimula na...



    Yakang-yaka ko toh...


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:41 pm

    15:


    Pagkatapos nung parang FOREVER na ordeal na un, nag-collapse na ko sa upuan sa tabi ni Johann...



    Johann: That was great!
    Ako: Talaga lang? Bakit feeling ko parang mukha akong sira?
    Johann: Matagal ka nang sira... Di lang halata ngayon.. Very Happy
    Ako: Ha..ha..



    Nagkukulitan pa kami nang biglang may sumulpot sa likod ko...



    "Howdy! "



    Umikot ako para tingnan kung sinong nagsalita -- at WHOA! -- Brad Pitt? Surprised Surprised



    Johann: (biglang silip galing sa likod ko) Howdy rin!
    Guy: Uh, Dumadaan lang ako... Nangangamusta... Sige, see you around...



    Wait? Umalis na si Bwad Pitt...O_O

    Tumingin ako kay Johann...



    Ako: Bakit mo tinaboy?
    Johann: Hala, wala naman akong ginagawa ah... Sabi ko lang "howdy!"
    Ako: Ung tono mo kaya...
    Johann: Ano? Na-insecure lang un... Mas gwapo ako sa kanya... :Smile
    Ako: Chu-chu...
    Johann: Halika na, mall tayo...
    Ako: Whow! Di pa ko natatanggap noh!
    Johann: Di ko naman sinabing date toh... Friendly get-together lang... Wag ka mag-alala, lilibre kita... Wink



    Ay nako... Oh well, libre naman, at tapos na rin naman tohng VTR na toh... Tatawag na lang daw sila...



    Ako: Okay... (tumayo) Tara na!
    Johann: (tumayo na rin) Kala ko papahirapan mo pa ko eh...
    Ako: Nababaliw ka ba? Eh ililibre mo ko eh! Sabi ng lola ko, wag daw tanggihan ang grasya! Kain na rin tayo sa Jollibee ha... Gutom na ko eh... Bait mo talaga! Very Happy Very Happy


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:41 pm

    16:


    Monday na! Yihee! Sa kung anong ibon na lumilipad, nalaman ng mga people sa tropa ko about the VTR (may little birdie raw na nagtsisims sa kanila :Smile )... at wala nang katapusan ang panunuksong inabot ko...



    Raphael: Ikaw ha... Ang taray-taray mo... Pa-VTR-VTR ka na lang...
    Crizelle: Baka sa susunod "Marjorie - the movie star!" ka na... Wag mong kakalimutan ang mga magaganda mong kabarkada na nagmahal at nanlibre sa'yo sa Jollibee pag sikat ka na... Ung pang-Penshoppe namin!
    Ako: Che! Sinabi ko naman sa'nyo kung bakit ako umatend dun noh... May pustahan lang kame ni Johann --
    Martha: Si Johann nanaman ha.. Iba na yan... :Smile Very Happy
    Crizelle: (kanta) I've fallen for you...
    Finally my heart gave in...
    I've fallen---
    Ako: Walang nahuhulog noh! Di naman ako matatanggap dun... Nag-enjoy lang ako kasi ang dameng papable! Very Happy Grabeh! Pag-alis ko, muntik ko nang masabi, "Hum-na-hum-na.."


    Nag-aasaran pa rin kami nang biglang may kumalabit sa likod ko... Syempre, umikot na ulo ko...


    Oh my! O_O



    Ako: H-hi? Bakit nandito ka?



    Natahimik bigla ung table namin... Bigla ba namang sumulpot si George...



    George: Ano... Marge... :-\



    Langya, ngayon pa nahiya sa'kin! ??? :Smile



    Ako: Hmm?
    George: Pwede ba tayo mag-usap?




    Oooohhh... bahket?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:42 pm

    17:



    Hinila ako ni George dun sa may water fountain na malapit sa table namin -- malapit na ilang hakbang lang, pero malayo naman para walang makarinig sa pag-uusapan namin...



    Tok-tokitok-tokitok-tokitok!



    Langyang tibok ng puso yan! Tumalon ka na lang kaya?



    Ako: (tingin sa paa nya) So?
    George: Marjorie... I'm sorry...
    Ako: Sorry? Para saan? ???



    Ngayon ka pa nag-ssorry? Eh pinagpalit mo na ko!?



    George: Nagkamali ako... Iba si Kat compared syo...


    Ngayon mo lang nalaman? Mas maganda ako dun noh?! Wahihi.. Very Happy



    Ako: Ano bang sinasabi mo?
    George: Marge, please, come back to me... Isa pang chance... Let's make things work... :-\ :-[



    Oh my golay! Bakit ako babalik syo eh ikaw umalis?!?

    Uy, Marjorie, nakikinig ka ba sa sinasabi nya?

    Teka, nakikipagbalikan sya?!?!



    George: Well??



    Ah... eh... i o u...



    Ako: Pano si Kathy?
    George: Makikipag-break ako sa kanya pag tinanggap mo uhlet ako...



    Di pa kayo break nakikipagbalikan ka na?! Abno ka talaga!



    George: Sagutin mo lang ngayon, then it's all over...



    Langya, isang tanong isang sagot?! Okay... bato... semento...at sa gitna, si Marjorie... La man lang grace period para mag-isip!?



    Bigla kong nahagilap si Johann na naglalakad -- as usual, kasama ung hyper nyang pinsan... :Smile



    Si Johann oh... Ung frend ko... Ung naligo sa ulan kasama ko... Ung naghatid sa'kin sa VTR ko... Ung nanlibre ng Jollibee nung Sabado..... :-X ??? Siga maglakad ah! Parang mang-aaway! Very Happy



    George: Marge? ???



    Tingin naman kay George... Ang gwapo mo pa win! Limang buwan na dapat kame... Ehto ung guy na minahal ko... o ung mahal ko? Hmmmm...



    Ako: (hinga malalim) George....


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:42 pm

    18:


    Nung hapon, naiwan ako sa classroom para tulungan ung adviser kong mag-decorate ng classroom... Artistic naman itich noh... 5 na kami umuwi -- mas nauna pa ngang umuwi ung teacher eh! :Smile Pagbaba ko, nagsisimula na ring maglabasan ung mga basketball players... Nakita ako ni Johann...



    Johann: (humabol sa'kin) Oist, Ms. Taray... Bakit ngayon ka lang uuwi? Hinihintay mo ko noh? Very Happy
    Ako: Asa... Ano namang kahintay-hintay syo?
    Johann: Deny ka pa dyan...
    Ako: (hinampas ko sya) Yabang mo...



    Paglabas namin ng campus, nakasalubong namin si George at mga tropa nya... Tiningnan nya lang ako, tapos tumalikod na... Ang taray nga eh... Razz



    Johann: Mukhang kakainin ka na ni George ah... ???
    Ako: Nakikipagbalikan sya kanina eh...
    Johann: Oh? Surprised
    Ako: Yeah...
    Johann: Ganon? Eh di ba ang alam nya tayo? ???
    Ako: Malay ko
    Johann: Anong sabi mo?
    Ako: Ayoko na.
    Johann: Oh? O_O



    Ano bang di kapani-paniwala dun?



    Ako: Yeah... Di ko na feel eh..
    Johann: Alin? ???
    Ako: Ung chuva chuchu...
    Johann: Ano? ??? ???
    Ako: Igno ka talaga... La un... :Smile



    Naglalakad na kami papunta sa bahay namin -- loko kasi tohng si Johann eh, ayaw dalhin ung kotse nya sa school!


    Maya-maya...



    Johann: Marge, ano bang nawala? Bakit di mo binalikan si George?
    Ako: Kasi maganda ako...
    Johann: Hala... Di nga, bakit nga?



    Ayaw mag-give in ah... -__-



    Ako: La lang... Parang di ko na nakikita na tatagal pa kami eh... Alam mo un? Kasi, sa'kin, pag mahal ko, gusto ko ung tatanda kasama ko... Na kahit anong puti ng hair ko, or wrinkled ng face ko -- na sana naman eh wag muna mangyari! -- eh nandun sya... Getz mo?
    Johann: Uhmmmm.... Hinde.


    Ang slow!


    Ako: Alam mo ung makikita mong makakasama mo habang buhay? Hinde ko na makita un kay George... Napuno na yata ng high school love stories utak ko, feeling ko dadating ung soulmate ko habang highschool... High school sweethearts... sweet di ba?
    Johann: Sabi mo eh... Razz
    Ako: Yabang mo talga!
    Johann: May pagyayabang naman... Cute ako eh! Very Happy
    Ako: Ano ka, aso? :Smile
    Johann: Yabang nito... Pasalamat ka, mahal kita --



    SsccReeeEechhh! Tigil sa paglalakad at biglang napatingin sa kanya... O_O



    Ako: Anong sabi mo?
    Johann: Uh, eh... :-\ Maganda ako?
    Ako: Ulitin mo ung sinabi mo, kundi... Kundi... (Ano ba?) Wag mo na kong kausapin kahit kailan!


    Exagge ka naman, Marjorie... :Smile



    Johann: Sabi ko... Pasalamat ka.... Maganda ako...
    Ako: Johann! Isa!
    Johann: Un na nga!
    Ako: Dalawa!
    Johann: Tatlo?
    Ako: Dalawa't kalahati!



    Bakit mo ba pinipilit, Marjorie? Narinig mo naman!


    Syempre noh! Para naman kiligin ako! Very Happy



    Ako: Mag-tatatlo na..!
    Johann: Oo na! Sige na! Mahal kita! Un na... nasabi ko na.... MAHAL KITAAAHHH!!!!



    Wow... Very Happy


    Ako: (bumulong) Sabi ko ulitin mo lang... Di ko sinabing isigaw mo... Razz


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:43 pm

    19:


    Johann: Ahyun lang sasabihin mo?


    Tiningnan ko si Johann... Ano ba dapat isagot pag sinabihan ka ng "Mahal kita" ni Bugs Bunny? "Eh... What's up, doc?"?


    Ako: Yah... Ano gusto mong sabihin ko?



    Nagsimula na uhlet kaming maglakad...



    Johann: Uhmmm... Let's see... (gaya boses ko -- as if... :Smile ) "Langya, nang-aasar ka na naman ba?!" , "Haha...funny..."... ?
    Ako: Ah, okay... Sige, next time... sasabihin ko un... :Smile
    Johann: Sama nito...T_T
    Ako: FYI, mabait ako noh...


    Hanggang sa dumating na kami sa tapat ng bahay, pinupuno nya pa rin ako ng kung anu-anong sentences na nireply ko dapat... Demanding, grabeh! O_O


    Kinabukasan, avaaahhhh, maaga akong nagising -- all the time in the world to get ready for school! Very Happy Tamang paglabas ko ng bahay, bumulaga sa'kin ang itim na kotse at si Bugs Bunny na naghihintay...


    Johann: Anong petsa na? Ano bang ginagawa mo at inaabot ka ng syam-syam para lang magbihis?
    Ako: Anong ginagawa mo dito?
    Johann: Syempre, ihahatid ko ung labs ko... Wink Baka mapagod eh..
    Ako: (taas kilay) Oh? Sino? Nasan? ??? Razz
    Johann: Ha..ha... :Smile Ano ba? Sasakay ka ba? O kailangan pa kitang pagbuksan ng pinto?


    Nyekz...


    Ako: (umikot para sumakay sa passenger seat) Yabang mo... Pasalamat ka, tamad akong maglakad...
    Johann: Pakipot ka pa... (ngiti sa'kin pagsakay ko) Lam ko namang namiss mo ko... :Smile
    Ako: Aircon ba un? O mahangin ka lang talaga?



    Tumawa sya, habang ni-rrev up ung car... Tapos tumingin sya sa'kin sandali...


    Johann: Kaya mahal kita eh... Wink


    Ano bang sinabi ko? ??? ???


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:44 pm

    20:


    Recess at lunch... todo to the max ang papansin ni Johann! Naghihinala na nga mga kabarkada ko eh... Kung kami na raw ba, kasi, talaga naman! Parang glue kung makadikit si Bugs! -- mighty bond pa nga yata eh! Surprised


    Parang nung lunch... Kakatapos ko lang papakin ung Oreo ko (with a lot of help galing sa mga cookie-die-hard kong mga kabarkada) nang sumulpot si Johann sa tabi ko...


    Johann: Bulaga!
    Ako: (sarcastic) Ay grabeh... Nagulat ako... Nalaglag yata puso ko... :Smile
    Johann: Gusto mo pulutin ko? Smile
    Ako: Corny mo...
    Johann: Gwapo naman... Anyway, (naglabas ng Chips Ahoy sa bulsa nya) baka gutom ka pa, binili kita ng makakain...
    Ako: Wow... Gano kalaki yang bulsa mo? O_O



    Ang galing eh! Very Happy



    Johann: Sira, kanina ko pa hawak yan! (tumayo na) Sige, labz, maya na lang... Wink


    Pagkaalis ni Johann...



    Raven: Labz?
    Crizelle: Oh my golay! Kayo na?! Very Happy
    Ako: Hinde ah.. (binubuksan ung Chips Ahoy -- nakakaadik kumain ng cookies eh! Very Happy )
    Martha: Nako nag-deny pa... :Smile
    Ako: Hala, hinde nga...
    Raphael: Nanliligaw?
    Ako: Yata? :-\ ???
    Pauline: Gaga... Ano ba talaga? Dali! Naiintriga ako eh! Very Happy


    Napatingin ako dun sa table na inuupuan nina Johann... Nakita nya kong nakatingin, kaya kumaway... Syempre, pahiya ako, tingin kagad ako sa iba... Razz


    Martha: Naku, pasulyap-sulyap ka pa dyan... Kailan mo sasagutin?
    Ako: Bakit mo naman naisip na sasagutin ko?
    Raphael: (tumawa) Naku naman, obvious na obvious ka naman eh! Loka ka, pa-hard-to get ka pa... :Smile
    Crizelle: Sungkitin mo na, baka maagaw pa yan... Sayang!
    Ako: Naloloka na ba kayo? Parang ngang di nanliligaw eh! Lam nyo ba tanong nya sa'kin kagabi sa telepono? Ilan ba raw ang bilbil ko!?!?
    Raven: (natawa) Meron ba? ;D Very Happy Ang sweet nyo namang dalawa...
    Ako: Anong sweet dun?!!? Surprised ??? Surprised


    Ilang minuto pa yang Question and Answer portion na yan, bago ako na-saved by the bell... Nagmumuni-muni pa ko habang naglalakad papunta sa pila nang biglang may humaltak ng buhok ko... Di naman ung haltak na haltak, parang hinila lang ng konti...


    Umikot ako para tingnan kung sinong nagddoorbell sa hair ko... As usual, si Bugs Bunny nanaman... :Smile


    Ako: Ano?
    Johann: (ngumiti) La lang... Mahal lang kita...


    Tapos nun, tumakbo na rin sya sa pila ng mga seniors sa kabilang dako...


    Martha: (tumigil bigla sa tabi ko) Huy, mukha kang sira dyan, nakangiti mag-isa... :Smile
    Ako: (tingin sa kanya) Ha..ha... :Smile


    Tiningnan ko uhlet si Johann sa kabilang dako, tapos ngumiti... Sweet... Sabi nga ni Raven... How sweet..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:44 pm

    21:


    Nung hapon, habang naka-park kami sa labas ng house ko, naisip ko nang sabihin kay Johann na friend lang tingin ko sa kanya... Ay nako, wag nyo nang itanong kung bakit, sinasabi ko yan sa lahat ng nanliligaw sa'kin... :Smile Ehwan ko ba, parang naging test na yan... Pag tinuloy pa rin nila pangliligaw, eh di masaya... Kung hinde, eh di wag... Ayaw mo kong paghirapan, chuva, marami pang iba! Very Happy


    Einiweiz, ahyun nga at tinutukso nanaman ako ni Johann, kung bakit raw ang takaw-takaw ko, pero di ako tumataba... Tama ba naman un?! Nung natahimik sya, kinalabit na ko ng Safeguard ko para magsalita...


    Ako: Johann, nanliligaw ka ba?


    Syempre, dapat sure muna ako noh... Baka naman di pala, tapos ddramahan ko... Kahiya!


    Johann: Di pa ba halata? ???
    Ako: Hinde... Very Happy joke! Ano... hinde, kasi, Johann, kaibigan lang tingin ko syo eh... Di ba pwedeng ganon na lang?



    Parang luma na ung linya noh? La na kong maisip na revival eh.. Razz


    Johann: Oh?


    Un lang? Ano ba namang reaction yan?


    Ako: Yah...
    Johann: Ngayon?


    huh? ???


    Ako: So, friends tayo, stop saying na mahal mo ko... Weird eh...
    Johann: Bahket? ???
    Ako: Kasi nga... Nakikinig ka ba?


    Ang hirap namang mag-explain!


    Johann: Hinde.
    Ako: Langya... -__-
    Johann: Tagal na... Very Happy Na-expire na ung binili kong hiya eh..
    Ako: Ano ba? Seryoso ako dito!
    Johann: Alam ko... Ganda mo pala pag seryoso ka... ;D
    Ako: Alam ko rin! Very Happy (hinga malalim) Teka nga, the point is, stop saying mahal mo ko, dahil I don't love you... And it's hard...
    Johann: Hmmmmm....



    Walang pupuntahan itong pag-uusap na toh.... -__-



    Ako: Ay nako... Sige na, see you na lang tomorrow...


    Bumaba na ko ng kotse... Nawiwindang ang utak... Halos lahat ng sinabihan ko nun either nagalit or nag-give in -- nag-sorry, or pumayag -- tapos tuloy pa rin sa panliligaw -- which by the way is konti lang... Pero, si Johann... Wala... No reaction... Wa care... Alien yata talaga sya eh! OoO


    Bago ko mabuksan ung gate, bigla akong tinawag ni Johann na nakasilip sa bintana ng car...



    Johann: Marge! (umikot ako para humarap sa kanya) Naisip ko lang, ang sabi ko mahal kita.... Di ko sinabing mahalin mo rin ako...


    Tapos nun, nag-drive na sya paalis... Ako naman, na-shock... Nagcalculate kagad ang brain ko tungkol sa sinabi nya -- at parang geom -- nagkagulo-gulo nanaman ang brain cells ko!



    Kung ang ibig sabihin nun ay ang sa palagay ko ay ibig sabihin nun.........



    Oh my mama mia de kalabaw! WOW!




    Okay... wala pang nagsasabi sa'kin nun -- EVER!




    __________________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:45 pm

    22:


    Pagkaalis ni Johann, nagbihis na ko, kumain, nanood ng mga soap opera (ibang klase rin ang drama ng mga buhay ng mga taong toh noh? :Smile ), at after ilang oras, eh nagring na ang telepono -- sino pa nga ba? eh di Johann... Razz Inabot kami ng midnight sa pag-uusap -- narinig ko na ngang pinapatulog sya nung sister nya.. ;D



    Kinabukasan, wala naman masyadong nangyari sa umaga... Usual usual... Pero pagdating ng lunch... Hmmm...


    Nanahimik ako sa isang tabi nang biglang sumulpot si Johann at Jerome dun sa other end ng table, malapit kay Raphael at Crizelle...


    Jerome: Hello mga naggagandahang mga dalaga... (tumingin kay Raphael) at syo na rin, magandang bakla...
    Raphael: Thank u... Very Happy
    Crizelle: (natawa) Anong ginagawa nyo dito?
    Jerome: (tinuro si Johann) Nais sana ng pinsan kong imbitahin kayo mamayang hapon na manood ng sine... Kung iyon ay ayos lamang sa inyo...
    Martha: At sinasabi ng dalagang ito na nawa'y tigilan mo iyang pagsasalita mo ng malalim na tagalog sapagkat ako'y kinikilabutan sa aking naririnig... -__-
    Jerome: Hehe... Pasensya na, magandang dalaga... Very Happy
    Johann: (binatukan si Jerome) Tama na nga yan... (tumingin uhlet sa'min) Ano? Gusto nyo bang manood ng sine? Wag kayong mag-alala, lilibre ko kayo...
    Jerome: Pati ako? Very Happy
    Johann: Ano ka? Di naman kita niyaya, niyaya mo sarili mo eh...


    Nagtinginan sa'kin mga kabarkada ko...


    Ako: Lahat kami? Lilibre mo? Alam mo ba kung magkano un? ???
    Johann: Oo noh... Magaling ako sa Math eh.. Wink
    Ako: (bulong) Hmp, yabang... :Smile
    Jerome: Ano? Sama na kayo... Nood lang tayo sine, kain sa kung saan, tapos uwi na...



    Nagtinginan sandali mga kabarkada ko... Nagdadalawang isip tohng mga toh... 80 pesos ang sine, at ilan din kami! Mahihiya sila... Di papayag...haha... Very Happy ;D



    Martha: Okay!



    Ano?! Surprised



    Crizelle: Kita na lang tayo mamaya sa entrance ng school...
    Johann: Great! Sige, bye... (tumingin sa'kin) See ya later, Marge...


    Pagkaalis nila, tinitigan ko mga kabarkada ko...


    Ako: Uh, hello?
    Raven: Ano? Sayang naman... Lilibre tayo eh..
    Pauline: At sabi ng nanay ko, wag raw tatanggihan ang grasya... Very Happy



    Haaaayyyyyyy....



    ~~~



    Nung hapon, nasa Jollibee kami (ang official kainan ng tropa ko)... At sobrang pa-charming si Johann sa mga kabarkada ko ah... Sinama nya pa ung mga kabarkada nyang makukuhlet kaya ang ingay-ingay ng table namin... :Smile Oh well, nag-eenjoy naman silang lahat eh... Pagkatapos naming kumain, nagkanya-kanya nang samahan... Si Jerome, dikit kay Crizelle, na nililigawan nya yata... Nakz... Very Happy Maya-maya, sumabay na rin sa'kin si Johann...



    Ako: Okay... Anong strategy ito at pa-charming ka sa tropa ko?
    Johann: Wala. Smile
    Ako: Lokohin mo lelang mo... Kuri-kuripot mo, tapos ngayon nanglilibre ka ng anim na tao?
    Johann: Sabi ko naman sa'yo mahal kita eh... Wink
    Ako: Haayyy... Sabi ko naman sa'yo wag mo na uhlet---
    Johann: (bigla akong tinigilan) Oops!
    Ako: What? Sasabihin ko lang na---
    Johann: Whoosh!
    Ako: Fine... Mahal na kung mahal... Ano ngang plano mo at bigla kang sumisipsip sa bar..ka.... Huh! Surprised (gasps at turo kay Johann) Sumisipsip ka sa kanila!



    Nginitian ako ni Johann, tapos tinawag na sya ni Larry (kabarkada nya) para bayaran ung ticket namin...



    Johann: Syempre, kailangan ko ng kakampi... Sino pang mas magandang ally kundi tropa mo? Wink



    Tapos nun, naglakad na sya papunta sa counter... Lumapit naman sa'kin si Pauline...



    Pauline: Nice one... ;D


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:46 pm

    23:


    Overnight, na-realize ko kung gano ka-desperado si Johann.. Imagine, pati tropa ko dinadamay! Nakz naman.... :Smile At kagabi, natanggap ko na rin ung call nung modeling agency.... Tingnan mo nga naman.... Natanggap ang lola moh! Very Happy Surprised Very Happy



    Kinabukasan, sa recess, naisip kong ibalita sa barkada ko ung call....


    Ako: Hmmmm... May sasabihin ako sa'nyong good news or kung ano man itich...
    Crizelle: Kayo na ni Johann? Very Happy
    Ako: NO! Surprised Sabi ko good news... Di news NEWS... :Smile
    Crizelle: Good news naman un ah...
    Pauline: (nakatayo sa likod ko) So anong balita mo?
    Ako: (hinga malalim) Natanggap ako dun sa VTR...
    Lahat sila: HUWAAAAttttTTTT??!!?!??!



    And before I realized, nakatayo na silang lahat at nagtatalunan at nagyayakapan dun sa likod ko -- mas excited pa sa'kin ah! ??? Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa canteen eh... Oh well... Naki-join na rin ako sa pagtalon at pagyakap... ;D



    "Whow!"



    Napatigil bigla ako at napatingin sa kung sinong niyakap ko... Oh my....



    Ako: Uh... Johann... :-[ Surprised :-[



    Dahan-dahan kong tinanggal ang braso kong nakapulupot sa leeg nya -- pasimple ba... Very Happy Nanahimik na rin mga kabarkada ko... Okay... Gano ka-pula mukha ko?



    Johann: (nakangiti) Let's try that again! Very Happy
    Ako: Neknek mo...



    Yan kasi, Marjorie! Yakap ka ng yakap, di mo naman tinitingnan!



    Johann: Mukhang may sobrang gandang balita para magtatalon kayo dyan -- at yakapin mo pa ko! Very Happy
    Martha: Natanggap si Marge sa commercial!
    Johann: (uminom sa binili nyang Pepsi, tapos tumingin sa'kin) Really? Eh di magaling! Congrats! Very Happy
    Ako: Thanks...



    Namumula pa ba ko? Di na siguro... Razz

    Tiningnan ko sya...



    Johann: Kailan shooting mo?
    Ako: Tatawag na lang daw uhlet sila...
    Johann: Great! Eh di may panahon pa pala tayo mag-date... Smile



    Date? ???



    Crizelle: Really?!
    Ako: Anong date? O_O
    Johann: Pustahan? Lam mo na?



    Oh sheesh! Oo nga pala! Surprised



    Ako: ..... Ahhhhh.... Date.... OoO


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:48 pm

    24:



    Dumaan ang mga araw at next thing I know, Sabado na... Ang araw ng "date" namin ni Jowhann... Next week pa kasi ung shooting, kaya free pa ko... Sheesh!



    7 PM, nagdoorbell na si Johann, at pinapasok na sya ng bagong dating kong mommy... Di muna nagpahinga si mommy, at gusto nya raw makita tohng "interesting na lalaking ito"... Interesting daw!!!! :Smile



    Pagbaba ko ng hagdan, nandun na si Johann at nakikipagbiruan sa mother dear ko... Avah... Very Happy Mukhang kagalang-galang ang mokong! wahahahaha! ;D



    Mommy: (nung nakita ako) Marge! Di mo sinabing napaka-sweet na bata pala nitong si Johann... Smile



    Sweet?! Bata?! Mommy! Mas matanda pa sa'kin yan! at anong sweet?!?!



    Ako: (lumapit na kay Johann) Oh well, mommy, baka di ko lang napansin...
    Mommy: Okay, sige na... Matutulog na rin ako at napagod ako sa byahe ko... May susi ka ba, Marjorie? (tumango ako) Okay... (ngumiti sya kay Johann) Mag-enjoy kayo, okay? At midnight ang curfew.
    Johann: Opo...



    Nagpaalam na kami kay mommy... Lumabas at sumakay na sa car...



    Johann: (tumingin sa'kin) You look beautiful...
    Ako: Yah, I know.. :Smile
    Johann: (natawa) Naniwala ka naman... :Smile Very Happy ;D Joke! Di, ganda mo talaga...



    Binuksan nya na ung makina nung car, tapos we drove away na... After a while, tumigil kami dito sa mukhang mamahaling restaurant (mukhang mamahalin kasi mukhang kagalang-galang ung mga waiter eh! Razz )... Muntik na kong mapatulala... Napatingin na lang ako kay Johann...



    Johann: (ngiti) Ganda noh? Wink Lika na...



    Kaya pala sabi nya magsuot raw ako ng medyo formal (di naman gown!), shosyal pala ung pupuntahan namin... Wow! Ni-lead kami nung isang waiter sa "table for two" sa garden... Grabeh! Nalaglag yata puso ko! O_O



    Ako: Anong ginagawa natin dito?
    Johann: (kinuha ung menu) Kakain... Di ba halata? :Smile
    Ako: Duh! Bakit dito? Mahal yata dito eh!
    Johann: Para memorable.... Baka sakaling sagutin mo na ko eh... Very Happy
    Ako: Washa... :Smile
    Johann: Hehe... Umorder ka ng kahit anong gusto mo, di ikaw magbabayad, promise!



    Ahyun... Di naman pala talaga ganun ka-kuripot tohng taong toh eh... ;D Nung dumating ung inorder namin, usap-usap kami... Biruan... Sarap talagang kumain! Very Happy Pagkatapos naming maubos ung main course, tumayo bigla si Johann...



    Ako: San ka pupunta? Akala ko ba ikaw magbabayad nito? O_O
    Johann: (natawa) Oo nga... Sandali lang...



    Lumakad sya dun sa maliit na stage sa harap, pinaalis ung kumakanta, tapos nag-request ng song dun sa banda... Shosyal... Very Happy Kahiya! ;D



    Johann: (nilapit ung mic sa kanya) Ehem! Itong kantang toh ay para sa magandang dalagang napakabait upang saluhan ako ngayong gabi... Ugh... :-X Ang sagwa nito... (ngumiti sa'kin) Tinulungan kasi ako ni Jerome sa speech na yan, kaya corny... Razz Bastah, Marjorie, para sa'yo toh... At kahit gano ka pa katagal magpakipot, hihintayin pa rin kita... Wink



    Whow! Pakipot?!?! >Sad Surprised



    Nakita nya siguro ung expression ng face ko...



    Johann: Joke lang... Yung sinabi mong meaning sa'yo ng isang relationship, kaya kong gawin un... Mahal kita, at kaya kong tumanda kasama mo... Kahit gano pa maging puti ung buhok mo, at ka-kulubot ung balat mo... :-X (napatigil sandali) Nahawahan yata ako ni Jerome sa ka-cornihan... Bastah, Marge, mahal kita... Wink



    Pinapanood na sya ng mga tao sa pitong table sa garden, at mga anim na waiter yata... Nakakahiya!!!! Di man lang sya bumili ng daily dose nya ng hiya bago nya ko sunduin! O_O


    Maya-maya, nagsimula na ung music ng "Grow Old With You"... Wedding Singer?!



    Johann: (kanta)I wanna make you smile whenever you're sad
    Carry you around when your arthritis is bad
    All I wanna do is grow old with you

    I'll get your medicine when your tummy aches
    Build you a fire if the furnace breaks
    Oh it could be so nice, growing old with you

    I'll miss you
    I'll kiss you
    Give you my coat when you are cold

    I'll need you
    I'll feed you
    Even let ya hold the remote control...




    Nag-lean sa'kin ung middle-aged na woman na nasa kabilang table...



    Woman: Dear, saan mo naman nakita yang boyfriend mo? May kapatid ba yang makukuha ko? Wink



    Ngumiti lang ako.... Tapos tumingin uhlet kay Johann na tinatapos na ung kanta... Nag-bow pa sya sa applause pagkatapos... :Smile


    Pagbalik nya sa table...



    Johann: So? (umupo)
    Ako: Buti di umulan... :Smile
    Johann: Best effort ko na sa pagkanta un noh! La man lang "Ang galing mo, Johann"? Nagustuhan nung mga people oh! (turo sa mga tao sa paligid)



    Ngumiti lang ako... Tapos hinawakan ko ung kamay nya na nakapatong sa table...



    Ako: Thank you, Johann... I---



    Screeechhhhhh!!! I love you?!?!? Bakit mo naman sasabihin un!?!?! Surprised Surprised Surprised



    Johann: Ano? ??? ???
    Ako: Wala... :-X
    Johann: Sabi mo, (gaya boses ko -- yata) "Thank you, Johann... I ----" ...?
    Ako: Wala nga... (tingin sa paligid) Uuwi na ba tayo? O may dessert pa? O_O
    Johann: Uh, may dessert pa... Sa harap mo... OK ka lang ba? Na-aabno ka nanaman eh... ???



    Oo nga naman! Nasa harap mo ung dessert, Marjorie! BuuuLaag! Nasabihan ka pa tuloy na abno... Razz



    Ako: (tawa nervously) Ah, oo nga naman... Haha... :Smile (kuha spoon) Geez!



    Tiningnan ako ni Johann, tapos tumirada na rin dun sa dessert nya... Ako naman, pinapakalma pa ung puso ko...



    I love you?!?!?!







    Muntik ka nang madulas, Marjorie noh?




    Oh my golay.... OoO





    __________________________
    ♥ To Be Continued.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12387

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by [FM] LyLe on Tue Apr 14, 2009 3:48 pm

    25:


    Monday... As usual, ang usual-usual ang mga pangyayari... Kuhlet si Johann, pasaway sa teacher, kalat sa classroom, pa-good shot sa teachers, tutukso mga kabarkada... Ang bago lang, si Crizelle at Jerome na!!! Very Happy


    Ako: Bruha ka! Naunahan mo pa ko!
    Martha: Ang bagal mo kasi eh... Ayaw pa sagutin si Johann... :Smile
    Pauline: Oo nga, kung ako niligawan nun, isang araw pa lang, tingnan mo, may papa na ko! Very Happy
    Crizelle: Ahem...
    Pauline: At syempre, ikaw ang bida sa oras na ito kaya mananahimik na kami...
    Martha: Ang bilis namang naging kayo.. Grabeh! Parang kailan lang nagpapa-cute ka pa dun ah...
    Crizelle: (ngiti) Oh weeelllll... What can I say? Mahirap nang maging maganda! :Smile
    Raphael: Ginayuma mo lang un eh... ;D
    Crizelle: Ssshhhh! Wag kang maingay! Baka mabisto ako! Very Happy



    Maya-maya, biglang dumating si Raven... Malamang galing na naman sa teacher's lounge -- sya na pinakamatino sa'min eh... Razz


    Ako: Avah, nabuhay ka! Ano? Pinapa-renovate nanaman ni Miss ung classroom nyo?
    Raven: Di naman... Ung bulletin board lang... Ay oo nga pala, Marjorie... May nakita akong REALLY interesting sa hallway...
    Raphael: OOhhhh... tsisims ba itich?


    Tsismosa talaga ng baklang itoh! :Smile


    Crizelle: Ano na? Dali, Raven! Naiintriga na ko!


    Isa pa palang tsismosa...


    Raven: (tingin sa'kin) Well... Nakita ko si Johann...
    Ako: May bago pa ba dun? Eh taong gala un eh!
    Raven: May kasamang gurl...
    Lahat sila: (tingin sa'kin) OOoooooohhhhhhh....
    Ako: What? Gurl lang eh... :Smile
    Raven: May pinag-uusapan sila eh...
    Martha: As in usap USAP?
    Raven: Yah... Seryoso talaga...
    Lahat sila: (tingin again sa'kin) OOooooooohhhhh....
    Ako: Hey, hinde kami noh...
    Pauline: Di ka man lang nagseselos? May nanunungkit na ng sampay mo, oy!
    Ako: Na-ah!
    Martha: Well, kung hinde ka nag-jjelly... (tumango sa door ng canteen) Tingnan mo kung sinong bagong pasok....



    Umikot kaming lahat, tamang-tama na pagpasok ni Johann at nung 4th year na choir member, Lanie yata name nun...


    And will you look at that? Kayong dalawa na lang ba ang tao sa mundo?! Baka gusto nyong paglayuin ng konti yang mga mukha nyo! Di maganda ang itsura pag naging babae si Johann! O_O >Sad



    Pauline: Di nagseselos ha... Makakapatay na yang tingin mo eh... :Smile
    Ako: (tingin sa kanya sandali) Hinde ah! (balik tingin kina Johann)



    Tumingin sa direction namin si Lanie, at lumapit sya kay Johann -- may binulong yata... Ehto namang si Johann, tumawa tapos inakbayan sya! Surprised >Sad Surprised



    Ako: (bagsak can ng pepsi sa table) Malanding lalaki toh! >Sad >Sad >Sad >Sad


    Sponsored content

    default Re: Grow Old With You [ Love Story ]

    Post by Sponsored content Today at 4:35 pm


      Current date/time is Wed Dec 07, 2016 4:35 pm