Book For Short

Welcome
sa
Forum ng Book!!!


Mag log-in o magregister sa Forum ng Book

o kaya pumunta sa blog ng book

Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome! Welcome!

May friendster na ang book!!! nasa linkz add ninyo
June 15 po pasukan na naman
Welcome sa Forum ng Book
Panoorin nio po Music Video ng IT2, BDI, Duh Anknowns, wala pa sa vala...
Bawal magspam!!!

    Torpe [ A Story of Love ]

    Share

    Poll

    Rate this story from 1-5 where 5 is the higest:

    Total Votes: x

    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 4:47 pm

    Chapter 25:

    Tita Sofia: I'm sorry?

    Alex: Uh.. Sinong Pia?

    Tumingin sa akin si Marielle. Malamang gusto niyang magsalita ko.

    "Uhmm.." [hinga ng malalim] "Sige.. Alex.. mauna na siguro kami.."

    Alex: Pero..

    Hinila ni Marielle yung sleeves ng t-shirt ko. Tinignan ko siya.

    Marielle: Sige.. mauna na kami..

    "Baka abutan din kasi kami ng traffic.."

    Hinatid kami ni Alex hanggang labas ng bahay nila. Sumakay kami ng tricycle palabas ng village at sumakay ng taxi papuntang bahay.

    Tahimik lang kaming magkapatid habang nasa loob.

    Marielle: Sigurado ko si Ate Pia yun eh..

    "Hayaan mo na.."

    Marielle: Sa tingin mo, nakalimutan na kaya niya tayo? Ibig sabihin nakalimutan niya na rin si Kuya Lester?

    "Marielle.."

    Marielle: Pero kuya.. siya yun.. siya yun eh..

    "O sige.. sabihin na nating siya yun.. sabihin na nating nakalimutan na niya tayo.. hayaan na nga natin siya.. ni hindi nga siya nagpuntang burol o libing ni kuya eh.. kahit bisita man lang sa ospital.. let's just.. not talk about it okay?"

    Marielle: I'm sorry.. [hinga ng malalim] It's just that.. i suddenly remembered kuya lester when i saw her..

    Hinawakan ko ang kamay ni Marielle.

    Marielle: He loved her so much.. so much..

    "I know.."

    Mga 4 pm na kami nakarating sa bahay. Wala pa rin sina Mama at Papa pero dumating na si Ate Tess. Tumawag daw sina Mama.. mga 7 pm na raw sila makakauwi tamang-tama dinner na. Umakyat kami ni Marielle sa mga kwarto namin. Nagpalit ako ng damit. Naisip kong magpuntang park para magbasketball pero pakiramdam ko sobrang pagod ako. Humiga ko saglit. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ko.

    "JC.. JC.."

    Binuksan ko mga mata ko.

    "Mama?"

    Mama: "Dinner na.. iho.."

    "Sige po.. susunod na po ko sa baba.."

    Nag-hilamos muna ko at nag-ayos bago bumababa para mag-dinner. Pagtingin ko sa wall clock. 7:30 na pala. Mahigit tatlong oras din pala kong nakatulog ah.

    Papa: "So.. ano ginawa niyo buong araw? Huwag mong sabihing natulog lang kayo ah.."

    "Hindi naman.. Nakaidlip lang ako kanina.. Nagpunta kaming Glorietta pagkatapos magsimba.."

    Marielle: "Musta po lakad niyo?"

    Mama: "Okay naman.. May mga inayos lang kaming papeles.. Saka nag-date na rin kami ng Papa niyo.."

    "Aba. Business trip daw ah.."

    Papa: "Alam niyo naman ang Mama niyo.. Patay na patay pa rin sa akin kaya ayun pinagbigyan ko na nung niyaya akong magdate.."

    Mama: "Talaga lang ha.. Papa niyo talaga o.."

    Pagkatapos ng dinner. Nag-stay muna ko sa may living room at nanood ng TV.
    Lipat-lipat ng channel hanggang sa napunta ko sa Star World. That's 70 Show yung palabas. Trip ko yung show na yun. Laughtrip kasi eh saka crush ko yung Jackie dun eh. Nung wala na kong mapanood, saka ko na naisipan umakyat.

    "Ate Tess, sige akyat na po ko."

    Ate Tess: "Sige.. Ako na bahala magpatay ng mga ilaw.."

    "Sige po.."

    Ate Tess: "Oo nga pala.. May tumawag sayo kaninang tulog ka.."

    "Sino po?"

    Ate Tess: "Ah.. Pasensiya na.. Di ko matandaan eh.. Di ko kasi masyado naintindihan.."

    Ngumiti ako. "Tsk.. Tsk.. Tumatanda na ata kayo.. Sige. Akyat na po ko.."

    Nung paakyat na ako..

    Ate Tess: "Teka.. Naalala ko na.. Larisse.. Tama.. Larisse nga.."

    Napatigil ako. Bigla akong kinabahan. Ewan ko ba.

    "Larisse po? Larisse?"

    Ate Tess: "Tama yun nga.."

    "Bakit daw po?"

    Ate Tess: "Hindi sinabi eh.."

    Umakyat ako papuntang kwarto ko. Eto na naman. Naririnig ko na naman ang kalabog ng dibdib ko. Naku po..

    Bad Trip. Dapat hindi na lang ako natulog!! Bad Trip talaga.. Eh di sana.. Sana narinig ko yung boses niya sa telepono.. Sana.. Sana..

    Tapos naisip ko bigla.. Kinuha ko yung backpack ko.. Hinalungkat ko yung laman.

    "San na ba yun?"

    Halungkat dito. Hanap doon.

    "Hayan.. Nandiyan ka lang pala.."

    Binuksan ko yung papel na may malalaking letrang nakasulat na APPLICANT'S DIRECTORY.

    Lumabas akong kwarto tapos kinuha ko yung phone. Haay. Buti na lang naimbento ang cordless phone..

    Hinanap ko yung pangalan niya.

    [Hinga na malalim] "Kaya ko to.. Tatanungin ko lang naman siya.. Kung bakit siya tumawag di ba.."

    Tinitigan ko yung telepono. Sinimulan ko na i-dial yung number niya pero bago ko pindutin yung huling number.

    "Haay.. Sino ba niloloko ko.. Di ko kaya.. Baka.. Baka kung ano na naman masabi ko.."

    Ayun. Binalik ko na lang yung phone. At humilata sa kama. Haay. Duwag. Duwag. Duwag. Ano ba namang buhay to?!

    Nagulat ako biglang nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko kung anong oras na. 10:30 na pala. Buti na lang di ako tumawag baka nabulabog ko pa siya. Sino naman kaya to?

    1 Message Received








    Opening Message...




















    "Si Larisse?"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 4:53 pm

    Chapter 26:

    Inhale.

    Exhale.

    From: +63917*******
    Hi. c Larisse pala to. tnawagan kc ako ni hannah. okay lng b kung tyong 3 nina stephen mag-ackaso ng outreach? pumayag n pala si stephen

    Binasa ko paulit-ulit yung text. Kinuha ko yung directory. Tinignan ko kung yun nga yung number niya. Si Larisse nga. Mga ilang minuto rin ata akong wala sa sarili. Di ko lam kung ano i-rereply ko eh.

    To:+63917*******
    Hello .ganun ba? sige, okay lang po..

    Tinignan ko yung reply ko. Okay na siguro to. Magrereply kaya siya uli? Teka..

    To:+63917*******
    Hello . ganun ba? sige, okay lang po.. . Uh.. Kaw po ba yung tumawag kanina?

    Ayan. Sana magrereply siya uli. Pagkatapos, dagdagan yung irereply ko. Sinend ko na sa kanya. Nakatingin lang ako sa wall clock sa kwarto ko. Maya-maya nag-vibrate na yung phone ko.

    From: +63917*******
    Ah oo. Tulog ka raw kasi kanina eh. May 'po' pa talaga ah.. hehe.. .

    Napangiti naman ako sa reply niya. Nag-reply naman ako agad.

    To:+63917*******
    Hehe. Wala lang. . Ano gawa mo?

    I-sesend ko na sana. Kaso napatingin ako sa clock.. 11 pm na pala. Tinignan ko yung reply ko. Kinabahan ako. Iniistorba ko na siya.. Baka kung ano isipin niya.. Saka baka ano.. Haay ewan. Kaya pinalitan ko na lang yung reply ko.

    To:+63917*******
    Hehe. Wala lang. . cge..gud nyt na po .

    Pagkatapos, sinend ko na ulit yung reply ko. Gusto ko pa sana siyang makatext eh. At least sa text, hindi ako kinakabahan. At least sa text, hindi ako papalpak kasi na-checheck ko kung ano irereply ko. Mga ilang minuto rin akong naghintay sa reply niya. Pero, wala na. Di na siya nagtext uli. Baka nakatulog na siya. Nawalan ng load o kung ano. Ewan ko pero kahit papaano medyo nalungkot din ako. Siguro nag-eexpect din ako na magreply siya ulit. Pero.. Ganun talaga eh. Di nagtagal, nakatulog na rin ako.

    Yaaaaaawn!

    Naginat-inat ako. Nagising na naman ako ng maaga. Monday na naman eh. As usual, 8:30 na naman pasok ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho banyo na para maligo. Pagkatapos, nagpalit na ako ng damit saka bumaba. Nag-breakfast uli kami ng sabay ng family ko. Ang sarap ng ulam namin ah. Tapa saka sinangag. Busog na naman ako. Nagpaalam na ako kina Mama kasi baka puno na naman yung mga jeep at wala na naman akong masakyan. Paglabas ko ng gate, kinuha ko yung phone ko para patayin. Ugali ko na kasi yun, saka ko na lang uli i-oon kapag nasa school na ako. Pagtingin ko sa phone ko..

    1 message received

    Binuksan ko naman. Sino naman kaya to? Nagulat ako nung nabasa ko!

    From:+63917*******
    ganun? .gud nyt na rin 'po' . tc! .

    Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Wow. Nagreply pala siya kagabi? Di ko mapigilang ngumiti. Bago ko in-off yung phone ko. Sinave ko na yung number niya.

    "Ang ganda talaga ng simula ng araw ng to.."

    Mga 8 o'clock nakarating na rin akong school. Direcho agad ako sa room namin. Nandun na rin si Stephen.

    Stephen: "Uy.. Aga natin ah.."

    "Uy.."

    Stephen: "Nasabi na ba sayo ni Larisse?"

    "Ah.. oo"

    Stephen: "Okay ka lang? Parang wala ka na naman sa sarili mo? Nakangiti ka tapos nakatingin ka sa kawalan?"

    "Wala.. Okay lang ako.."

    Stephen: "Lagi ka namang ganyan.. Yung ngiti mo parang nanalo ka ba sa lotto o ano?"

    "Pano mo nalaman?"

    Stephen: "Ewan ko sayo pare.."

    Di nagtagal dumating din yung prof namin. Okay talaga ang araw na to. Di ko ma-explain eh. May quiz kami sa dalawang subject. Akalain mo perfect ko yun parehas. Kanina naman, may recitation kami. Nasagot ko yung tanong ni Ma'am. Swerte talaga. Di ko na namalayan last subject ko na pala para sa araw na to. Maaga-aga rin ako nakarating sa classroom. Magkakatabi yung mga kagrupo ko kaya nakisama na rin ako sa kanila.

    Emm: "Hi Romeo.."

    "Uy.. Ano Meron.."

    Mara: "Wala naman.. usap-usap lang.."

    "Tungkol san? Sa project?"

    Emm: "Hindi naman.. Kung anu-ano lang.."

    Nagulat ako bigla akong kinalabit ni Alex.

    Alex: "Bat ang aga niyo umalis kahapon?"

    "Ah.. yun ba? Kailangan na rin namin kasi umuwi saka baka makaabala pa kami sayo saka may bisita ka pa di ba?"

    Alex: "Ah.. Bat nga pala tinawag ni Marielle si Tita ng Ate Pia?"

    "Naku.. Yaan mo na.. May kamukha lang kasi yung Tita mo.."

    Alex: "Ah.. ganun ba.."

    Emm: "Wow.. Ayos na pala kayo.. Nice.."

    Ngumiti lang kaming dalawa.

    Maya-maya pumasok na yung prof namin. Wala kaming activity ngayon kaya discussion lang daw. Maaga rin nga kami natapos eh. Mga 3:30 tapos na kami. Ang saya! Uwian na! Kaso.. Naisip ko dumaan sa org tambayan. Magpapasign na rin ako sa applicant's sheet. Naglalakad na ako sa may hallway tapos nagulat ako may papalabas dun sa isang room. Si Larisse?

    Okay.

    Inhale.

    Exhale.

    Binilisan ko na lang yung lakad ko. Hindi naman niya siguro ko mapapansin.

    Larisse: "Uy.. Toph.."

    Napapikit ako. Lumingon ako. Wala na. Nakita na niya ko eh.

    "Uy.. Dito rin pala class mo.."

    Larisse: "Oo. Geog1 ikaw?"

    "Socsci1.. Sige mauna na ako.."

    Larisse: "Sige.. San ka na?"

    "Sa tambayan.."

    Larisse: "Talaga? Papunta na rin ako dun eh.."

    Napalunok ako. Ano gagawin ko?

    Larisse: "Gusto mo sabay na tayo? Kung okay lang.. Kasi baka may dadaanan ka pa.."


















    "Uh.. Sige.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 4:57 pm

    Chapter 27:

    Lumabas na kaming Hall at sabay kaming naglakad papuntang tambayan. Sa lahat ng pinakaewang kausap, ako na ang pinakaewan. Wala akong masabi eh. Ano ba naman yan. Buti na lang at nadaanan naman si si Manong Peter.

    "Uh.. Ice Cream?"

    Ngumiti lang siya.

    "Ay. Diet?"

    Larisse: "Oy, hindi ah.. Manong Peter, isa nga ho yung tulad ng dati.."

    Nagulat ako. Kilala pala niya si Manong Peter?

    Manong Peter: "Aba, magkakilala pala ang dalawa sa mga suki ko ah.."

    "Kilala mo si Manong?"

    Larisse: "Oo naman.. Eh Mahilig kaya ako sa ice cream. Kaya nagulat ako nung tinanong mo ko.."


    "Ay.. yung akin po chocolate-strawberry ah.."

    Manong Peter: "So Dalawang chocolate-strawberry?"

    "Isa lang po.."

    Mang Peter: "Yun din yung sa kanya eh.." Sabay turo kay Larisse.

    Tumawa naman si Larisse.

    Larisse: "Gaya-gaya ka ah.."

    "Hindi ah.. ikaw naunang nag-order pero mas nauna kong naging favorite yan.. di ba Manong?" :Smile

    Larisse: "Ah.. Ganun ah.."

    Manong Peter: "O siya.. siya.. peyborit na kung peyborit.. eto na.." Sabay abot sa amin nung ice cream. Kinuha naman namin yung kanya-kanya naming ice cream.

    Binuksan ni Larisse yung bag niya at hinanap yung wallet niya.

    "Uy.. Ako na.."

    Larisse: "Wow.. Ililibre mo ko?"

    "Hinde uy.. Sabi ko hahawakan ko lang ice cream mo para makuha mo na wallet mo.. Di ba ikaw manlilibre? Pumayag na nga akong sumabay ka sa akin eh para may bodyguard ako.."

    Larisse: "Aba.."

    "Joke lang.. Manong eto po bayad.."

    Larisse: "Bodyguard pala ah.."

    Nginitian ko lang siya. Hindi naman. Sa totoo lang, angel nga eh. Haay. Eh di sana nasabi ko yun di ba?

    Tumuloy na kaming maglakad. As usual, tahimik na naman. Hindi ko alam kung nasa sarili ba ko kanina? Yun na ata pinakamatinong usap namin eh. Ata?

    Larisse: "Di kita maintindihan?"

    "Ha?"

    Larisse: "Wala lang.. Parang kakaiba ka.."

    Parang kakaiba ka? Aba. Katakot naman yun.

    "in a good or bad way?"

    Larisse: "hmm.. secret?"

    "Secret? Deodorant yun eh.."

    Larisse: "Sira.. Parang ganyan.. Minsan kasi tahimik ka.. Tapos ngayon.."

    I know. I know. Ewan ko. Pakiramdam ko kasi.. swerte ako ngayon dahil sa kanya.. Parang nanalo na ako sa lotto ngayong napapangiti ko siya, napapatawa. Haay. Ngayon, nasa harap ko siya. Akalain mo. Nakangiti siya na kitang-kita yung dimples niya. Tapos hinahangin-hangin pa ng hangin yung buhok niya. Tapos.

    "Hoy.."

    Nagulat ako kung sino yung tumapik sa likod ko. Si Stephen lang pala..

    Stephen: "San kayo punta? tambayan?"

    "Uy.. Oo.. Kaw?"

    Stephen: "Oo eh.. Pero saglit lang ako.. Hi Larisse.. tambayan ka rin?"

    Larisse: "Oo.. Di rin kasi ako masyadong nakadaan last week.."

    Nung nakapasok na kami sa Hall, nagpaalam si Larisse. Daan daw muna siyang canteen. Kami naman ni Stephen dumirecho ng tambayan.

    Stephen: "Tahimik ka kanina ah.."

    "Di ka na ba nasanay.."

    Stephen: "Sa bagay.."

    Kilala ko ng mga tao na medyo di masyado lapitin sa babae. Hindi ako yung tipong unang lalapit, para makipagkaibigan o anuman. Hindi rin ako makuwento kaya lagi akong sinasabihang suplado, mahiyain etc. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bumabaliktad ang mundo ko pag nasa harap ko na si Larisse. Nag-jojoke ako, namumula, natutuyuan ng lalamunan.. Sintomas na ba to ng sakit?
    Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor eh.. Sa totoo lang..



















    ...may tama na ata ako eh..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:01 pm

    Chapter 28:

    Gumising ako mga 8 o' clock na ng umaga. Wala na sina Mama. Malamang pumasok na kaya nagbreakfast akong mag-isa sa baba. Ewan ko ba't di ako tinablan ng alarm clock ko kanina. Paggising ko naman, ang bigat ng pakiramdam ko. Buti na lang 10 pa ang pasok ko.

    Buong maghapon, wala ata ako sa sarili ko. Masama pakiramdam ko. Dagdagan mo pa na diredirecho ang class ko mula 10 hanggang 4. Wala man lang break.

    Pagkadismiss na pagkadissmiss sa amin sa last class ko, labas agad ako ng room. Pumunta muna kong canteen. Bumili ng iced tea at umupo dun sa malapit sa electric fan. Hinawakan ko yung ulo ko at pinikit yung mata ko. Ano ba naman yan. Pano ko uuwi nito?

    Nagulat ako, biglang may tumapik sa akin.

    "Uy.. okay ka lang?"

    Binuksan ko yung mata ko. Nginitian ko siya at umupo siya sa may harap ko.

    "Okay lang.. Medyo nahihilo ko eh.."

    Hinawakan ni Alex yung noo ko.

    Alex: "May sinat ka.. Nagpunta ka bang clinic?"

    "Hindi.. Okay lang.. Pauwi na rin naman na ako.. Pahinga lang ako saglit.."

    Alex: "Aba.. Pasaway ka rin ano ah.. Baka mamaya himatayin ka rin.. Di kita kayang buhatin.. Kailan pa binuhat ni Juliet si Romeo.."

    Ngumiti ako. Ewan ko ba pero wala akong energy ngayon. Bad trip talaga pag ganito.

    Alex: "Wait.. May Biogesic ako dito.. At least matanggal man lang yung hilo mo para makauwi ka.." Sabay binuksan niya yung bag niya para hanapin ata yung gamot.

    "Naku.. Wag na.. Ano lang to siguro kasi di pa ako nakakakain.."

    Alex: "Ay.. Talagang pasaway ka ah.. Di ka pa kumakain? Bakit? Teka nga.." Tumayo siya bigla. Siguro nag-CR lang. Maya-maya nagulat ako. May dala-dala ng kanin saka ulam, burger at spaghetti.

    "Di ka rin gutom no?"

    Alex: "Sira.. O Ayan. Kain na.."

    "Ha? Sa akin yan?"

    Alex: "Hmm.. Di naman.. Bale akin yung burger saka spaghetti.. Sayo tong adobo saka kanin. Para makainom ka ng gamot."

    Nilapag niya yung plato sa harap ko. Tapos siya naman inupakan na yung spaghetti.

    Alex: "Teka.. Ba di ka pa kumakain?"

    "Wala.. Wala lang.." Ako naman, sinimulan ko na rin kainin yung pagkain ko. Tinitignan ko si Alex. Isang platong spaghetti tapos burger pa?

    "Diet ka no?"

    Alex: "Haha.. Pasensiya.. gutom.." Pagkatapos ko kumain, bumili ako ng mineral water. Pagbalik ko, wala naman na si Alex. Pero nandun pa yung bag niya. Aba. Paglingon ko, nandun.. Bumibili ng donut.

    Alex: "O eto.. Biogesic.." Kinuha ko yung tablet at ininom.

    "At talaga namang diet ka no.." Bumili siya ng dalawang donut? Di pa siya nabusog kanina?

    Alex: "Masarap kaya.. Gusto mo rin ano?" Tapos binibigay niya sa akin yung isa.

    "Di ka ba naglunch?"

    Alex: "Naglunch.. Tikman mo, masarap to.." Ako naman. Kinuha ko na yung donut. Kinain ko.

    Alex: "O ano.. Sarap?"

    "Okay lang.. O sige na nga.. Masarap. Masarap siya.."

    Napansin ko biglang kumaway si Alex. Tinignan ko kung sino yung kinawayan niya.

    Alex: "Si Larisse.."

    "Ha?"

    Alex: "Siya yung kinawayan ko.."

    "San? Nandito siya?" Sabay lingon naman ako at hanap kung nasan. Tapos pagharap ko kay Alex. Tumatawa?

    Alex: "Wala.. nakalabas na.. Sabi ko na nga ba.."

    "Bakit? Anong sabi mo na nga ba?"

    Alex: "Crush mo siya no?"

    "Ha.. A-anong crush? Hindi ah.. Di ko crush si Larisse.."

    Alex: "Teka, wala naman akong sinabing Larisse ah.. Sabi ko yung ano babaeng yun o.." Sabay turo dun sa babaeng mahaba yung buhok na hindi ko naman kilala.

    "Ngeee.."

    Alex: "Huli ka.."

    "Anong huli?"

    Alex: "Okay lang yan.. Madami talagang nagkakagusto kay Larisse.. Kahit noon pa.."

    Tahimik lang ako. Baka kung ano pang masabi ko eh. Mabuking pa ko lalo.

    Alex: "Isa siyang triple m.."

    "Triple M?"

    Alex: "Maganda.. Mabait.. Matalino"

    "Kaw din naman triple m ah.."

    Tapos ngumiti si Alex.

    Alex: "Naman.."

    "Matakaw.. Macho.. Maganda.."

    Alex: "Sapak gusto mo.. Di na nga sana kita sisingilin sa adobo mo eh.. 50 pesos ko?"

    "Joke lang.. Sinabi ko na nga maganda eh.."

    Alex: "Ngee.."

    "So? Sige tuloy mo lang kwento.."

    Alex: "Yun nga.. Madaming nanliligaw sa kanya.. Pero ano eh.." Sabay tingin sa akin. "Lahat Basted."

    "O Bat nakatingin ka sa akin?"

    Alex: "Wala lang.."

    "At bat mo nga pala kinukwento sa akin to? Di naman ako nanliligaw ah.. Di ako interesado.."

    Alex: "Sinasabi ko lang.. Haay.. Pero pag nakikita ko siya nalulungkot ako sa nangyari sa kanila ni Paolo.."

    "Paolo?" Sabay hinawakan niya yung noo ko.

    Alex: "Ayan wala ka na sinat masyado.. Mu~g okay-okay ka na.." Tapos kinuha na niya yung mga gamit niya. "Sige, mauna na ko. Ingat.."

    "Ha.. Teka.. Sinong Paolo?"

    Nginitian ako ni Alex.

    Alex: "Kala ko ba di ka interesado ha? Buh-Bye.."

    Okay?




















    Sinong Paolo yun?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:07 pm

    Chapter 29:

    Nakauwi naman ako ng maayos. Tumalab-talab naman yung Biogesic ni Alex. Pero pagdating ko sa bahay, direcho tulog agad ako pagkatapos magbihis. Hindi na nga ako nakapagdinner eh.

    Maaga ako gumising kinabukasan. Eh mga 6 ata ng gabi tulog na ako eh. Ayos na pakiramdam ko. Buti naman. At dahil Miyerkules, walang pasok. Tambay na naman ako sa bahay. Haay. Nag-breakfast kami sabay-sabay nina Mama, Papa saka Marielle.

    Mama: "May lakad ka ba iho?"

    "Wala.. Dito lang po ko bahay.."

    Marielle: "Ay, Ma.. May papabili po pala ko sa inyo, kailangan ko sa school bukas eh.."

    Mama: "Naku, may board meeting ako mamaya.. Wala akong time.. Pa?"

    Papa: "Gagabihin din ako ngayon eh.."

    Mama: "JC.. kaw na lang, pwede?"

    "Sure, ano bang bibilhin?"

    Marielle: "Konti lang naman.. nasa may malapit sa telephone yung list.."

    "Okay.."

    Mga 9 o' clock ako naligo. Nanood muna ako ng TV. Mga 10:30 ako nagbihis tapos saka nagpaalam kay Ate Tess. Habang nasa taxi, binuklat ko yung papel na iniwan ni Marielle.

    "Hmm.. Eto lang pala eh.. 2 1/8 illustration, 2 black cartolina, art paper, 1 inch styro balls..."

    Dumirecho na ako agad ng National Bookstore para bilhin yung mga kailangan ni Marielle. Kumuha ko nung red na basket at nagikot-ikot na sa loob para kunin yung materials. Bumili na rin ako ng 3 bagong ballpen ko. Pawala na yung tinta eh nung akin eh. Kinuha ko ulet yung papel at chineck yung mga kailangan niya habang naglalakad.

    "illustration board.. checked.. cartolina.. checked.. art paper.. checked.. styro balls.. checked.. nap--" Nanlaki mata ko. Bat hindi ko to napansin kanina?!

    "ARAY!" Hala. May nabunggo pala ko! Pagtingala ko kung sino. Aba naman.

    "Uy.."

    Alex: "Ano ginagawa mo dito? Ang sakit nun ah.."

    "Sorry ah.. May pinapabili kasi sa akin si Marielle.. Sige.."

    Alex: "Sige.. may bibilhin lang din ako.."

    Umalis din si Alex. Naiwan ako dung nakatitig dun sa papel. "Anong gagawin ko?" Sa totoo lang, di ko talaga nakita to kanina eh. "Napkin?" Iisipin ko sana yung napkin na napkin kaso napkin na 'girl thing' ika-nga nga ni Marielle kasi may nakasulat pang brand eh.

    "Naku po.." Habang piniproblema ko kung pano bibili, pumila na rin ako sa counter. Tapos nabaling ang tingin ko kay Alex, nandun siya sa may books section. Naghahanap ata ng libro.

    "Alam ko na.." Pagkatapos, kung bayaran yung mga pinamili ko. Pinuntahan ko na si Alex. Tumayo ko dun sa harap niya.

    Alex: "Ano ginagawa mo diyan?"

    "Anong hinahanap mong libro?"

    Alex: "Ha? House of Spirits. Kailangan ko kasi si Eng12.. Bakit?"

    Pagkasabi niya nun, umalis ako agad. Pagbalik ko dala-dala ko na yung librong hinahanap niya. Paano? Kasi nakabili na ko nun dati kaya lam ko na kung san nakapwesto yun.. nag-Eng12 din kasi ako.

    Alex: "Okaaay? Thanks.." Nagsalubong yung kilay niya. Nagtataka ata. Pumunta siya sa counter para magbayad. Sinundan ko naman siya.

    Alex: "Hmm.. Kung di tayo magkakilala, mapagkakamalan kitang stalker ah.."

    "Grabe ka naman.. Sinasamahan ko lang naman yung kaibigan ko ah.."

    Alex: "Talaga lang ha?"

    Pagkatapos niyang magbayad. Lumabas na siyang bookstore. Ako naman sunod pa rin. Makulit ako pag may kailangan eh. Kinalabit ko siya. Lumingon naman siya.

    "Uhmm.. Favor?"

    Alex: "Kaya pala ah.."

    Nilabas ko yung listahan. Tapos tinuro ko yung pinapabili ni Marielle. Natawa siya bigla.

    Alex: "Kaya mo na yan no.." Tapos nagpatuloy siya maglakad. Ano ba naman tong babaeng to? Hinabol ko naman siya.

    "Uy. Sige na.."

    Alex: "May mga kailangan pa kasi akong bilhin eh.."

    "Okay.. Samahan kita.. Ako magdadala ng mga bibilhin mo.."

    Tinignan naman niya ko tapos ngumiti siya.

    Alex: "Talaga lang ha?"

    "Opo.."

    Ayun. Kinuha ko na rin yung dala-dala niyang libro. Tapos sinamahan ko siyang maglibot sa mall. Okay din ang mga trip nitong si Alex eh. Kala ko pupunta kami sa mga kadalasang pinupuntahan ni Marielle tulad ng Body Shop, Watsons, Cinderella. Pero hindi eh. Unang pinasukan namin, Odyssey, sunod American Boulevard, Human, Guess. Yung mga nabili niya, cap, cap uli, DVD, at t-shirt ata yung huli. Pumunta kaming department store naman, akala ko kung san kami pupunta. O Hinde.. mu~g alam ko na kun san.

    "Psst.."

    Alex: "Bakit?"

    "Dun ka ba pupunta?" Tinuro ko yung Lingerie Section.

    Alex: "Hmm.. Pano mo nalaman? Nagdududa na talaga ko sayo ah.." Sabay tawa.

    "Ngee.. Sige, mauna ka na. Hintayin na lang kita dito sa may malapit sa counter."

    Alex: "Ano ka hilo?"

    "Ba--Bakit?"

    Alex: "Madami kasi akong kailangang bilhin. Pinapabili ni Lola Papadala ko sa US yun eh."

    "So?"

    Alex: "Kala ko ba ikaw magbibitbit?"

    "Ano??"

    Alex: "Sige.. Okay lang.."

    "Fine.. Fine.." Ako naman sumunod sa kanya. Palingon-lingon naman ako at baka may makakita sa akin. Si Alex naman panay buklat ng underwear. Ano ba naman to.

    Alex: "Hmm.. Toph.. Sa tingin mo okay na ba yung L o XL yung Lola ko?" Sabay pakita pa sa akin nung underwear. WAAAAAAAAAAAAAAHHH. Tulong?!

    Pagkatapos ng 1 million years, natapos din ang pagbili ni Alex. Ang dami ngang pinamili ni Alex. At ako ang pinagdala niya ha?! Pinagtitinginan nga ako nung mga salesday dun eh. Grrrrr.

    "O Ayan.. Tapos pwede ako naman.."

    Alex: "Oo na.. Bibilhin ko na.."

    Pumunta na rin sa wakas si Alex sa Watsons para bumili nung pinapabili ng utol ko. Pagkabigay na bigay niya sa akin nung plastic, kinuha ko agad tapos binigay ko na rin sa kanya yung mga binili niya.

    "Sige.. uwi na ko.."

    Alex: "Wait.."

    "Bakit? May bibilhin ka pa?"

    Alex: "Hindi naman.. Baka gutom ka na rin?"

    "Eh kung lilibre mo ba naman ako di ba? Okay lang sana. Di mo rin naman ako masyado pinagod?"

    Alex: "Hmm.. Sorry na.. Libre ko.."

    "Aba.. Sige ba.."

    Naglakad kami ni Alex papasok ng McDo. Biglang nagvibrate yung phone ko.

    1 message received







    opening message..


















    From: Marielle
    kuya, nkalmutan ko. wag mo na bilhin yung huling cnulat ko ha. cge. ingat.
















    "Ano daw??!!!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:33 pm

    Chapter 30:

    Hinga na malalim. Pagkatapos ng lahat ng yun?! Ano ba naman yan.. Pumasok akong McDo at sinundan si Alex sa may counter.

    Alex: "Isang 2 pc chicken, iced tea, large fries, saka chocolate sundae.. ikaw?"

    Grabe ring tong babaeng to ah. Pero mukha namang hindi siya nataba?

    "Uh.. Kahit ano kaw bahala.."

    Alex: "Same din nung kaninang sinabi ko.."

    Ha??

    "Sige.. ako na lang magbabayad nung akin.."

    Alex: "Hinde.. sabi ko lilibre kita eh.."

    Nung binigay na yung order namin. Ako na lang nagdala nung foodtray. "Sige ako na magdadala." Tapos sinundan ko siya.

    Nung naghahanap na kami ng mauupuan, may tumawag sa akin bigla. "Uuy.. Toph.. pare.." Si Mark pala, classmate ko sa Math ngayong sem.

    "Uuy.. Dito ka rin pala.." Tapos, umupo kami dun sa nahanap ni Alex na upuan.

    Alex: "Sino yun?"

    "Classmate ko sa Math.."

    Alex: Sino yung kasama niya?

    "Malay ko.. Baka girlfriend.. nakasandal sa kanya eh.."

    Alex: Ganun? Eh Nakita ko rin siya nung isang araw may ka-holding hands na babae sa campus.. kung di ako nagkakamali siya yun eh..

    "Baka nga.." Tapos sinimulan ko ng kagatin yung chicken ko.

    Alex: Oh well.. what's up with you guys?

    "Ha?" Ang sarap talaga ng chicken pag sinasawsaw sa gravy ah.

    Alex: Can't stick to just one girl?

    Natigilan ako dun ah. Bat biglang napunta dun usapan? Si Mark kasi eh..

    "No Comment?" Tumaas yung kilay ni Alex. "Siguro para sa iba exciting yun.."

    Alex: Ganun? Ikaw ano naman ang opinion po sa mga ginagawa ng mga kapwa mo?

    "Haay.. Uh.. Mali.. Mali yun kasi hindi mo dapat pinaglalaruan ang damdamin ng iba..."

    Ngumiti si Alex.

    Alex: Wow.. San mo nakuha yun ah?

    "Pinag-isipan ko naman yun ah.."

    Alex: Alam mo tama ka diyan..

    "Ako pa.. Joke lang.. Pero ganun naman yun di ba.. saka ang love love na yan.. minsan kasama diyan yung mga risks.. tulad nung masasaktan ka.. iiyak.. nasa sayo na yun kung handa ka i-take yun.." Tapos kumagat na ako dun sa burger ko.

    Alex: Eh bat ikaw ayaw mong i-take yung risk?

    "Hindi pa ko handa eh.. Ayoko pa masaktan.. at lalong ayokong makasakit.." Tapos kumagat uli ako sa burger ko.

    Alex: Lahat naman tayo.. Ganyan talaga.. Teka, ano pala yung sinasabi mo tungkol sa kuya mo dati?


    "Ayokong matulad sa kanya.. Naalala mo yung si Pia? Siya yung girlfriend ni kuya.. Alam mo ba ni anino niya di ko nakita nung nagkasakit yung kapatid ko.. Anong klase yun?!" Nag-iinit dugo ko pag naalala ko.

    "Mahal na mahal pa naman siya nung kuya ko.. Walang ibang bukambibig kung hindi siya pag nagkukwento.. Saka lam mo siya ang first.. and last girlfriend niya.. Kaya mula nun.. siguro.. natakot na rin akong masaktan kasi nakita ko kung pano nasaktan si kuya.. minsan sa ospital, tulog siya nun.. binabanggit pa niya yung name nun tapos makikita mo naluluha siya.."

    Alex: Ang paranoid mo..


    Ha?

    "Ano??"

    Alex: Ang sinasabi ko lang..Wag mong isipin na matutulad ka sa kuya mo.. O kaya makakakita ka ng tulad nung Pia na sinasabi mo.. Kasi iba-iba tayo ng kapalaran..

    "Ewan ko.. Basta.." Kinuha ko yung sundae ko tapos tinikman. Naisip ko din yung sinabi niya. Siguro nga tama siya. Pero pinangungunahan pa rin ako ng takot.

    Alex: Minsan sa buhay kailangan magtake ng risks.. Ganun talaga.. Kaya i-try mo.. Lalo na ngayon.. nandiyan na si Larisse..

    Umiinom pa naman ako ng iced tea nun. Muntik na kong mabilaukan ah.

    "Ano?"

    Alex: Hmm.. Naging magkaklase ba kayo ni Larisse dati?

    "Uh.. Last year.. Sa Math.. Bakit?"

    Alex: Tignan mo.. Isang taon na? Grabe ah.. Balita ko sinisilip-silip mo pa siya bago sumakay ng kotse niya no?

    Hala? Teka.. Paano niya nalaman yun?

    "Paano mo nalaman??"

    Tapos bigla siyang tumawa.

    Alex: Hindi nga?? Wala lang... Hula lang..

    Grrrr. Grabe tong babaeng to. Nadala ko dun ah.

    Tapos nagseryoso siya.

    Alex: You know what? A lot of guys have courted her in the past.. Most of them are jerks..

    "Ha?"

    Alex: Pramis.. Kala yata nila trophy si Larisse eh.. Yung iba magkakabarkada pa.. sabay nanliligaw.. Buti nga.. Basted..

    "Aah.." Di ko alam kung ano pa sasabihin ko kasi klarong-klaro na sa akin na basted silang lahat.

    Alex: Ewan ko ba.. Paano napasagot ni Paolo yun..

    Ah. So yun pala si Paolo. Boyfriend ni Larisse.. Ano??! May boyfriend na siya?

    Alex: Si Paolo.. Pinsan ko yun.. Ka-age din natin.. Nakita niya yung isang picture na meron ako na kasama ko si Larisse.. Mula noon kinukulit-kulit niya ko sa number niya.. Deadma lang ako kasi kilala ko si Paolo.. Chickboy yun sobra.. Hindi ko alam kung paano pero nakuha pa rin niya yung number.. Sinabi lang sa akin ni Larisse na nagtetext sa kanya.. Ako naman.. Deadma ulit. Kasi di ba wala nga siyang sinasagot sa mga nanliligaw sa kanya? Kaya grabe.. nagulat ako nung nalamang kong sila na ng mga May ata bago mag-third year.. Gulat talaga ko nun. Pero nung nakita ko naman si Larisse, masaya naman siya. Mga August kasi umalis na ko ng Pilipinas, at lumipat sa Canada. Kaya wala na akong nabalitaan sa kanila. Nalaman ko na lang by September, break na sila.. Sino nakipagbreak? Si Paolo.. Grabe talaga.. Kung hindi ko lang siya pinsan.. Naku po..

    Kahit di ko pa nakikita yung Paolo na yun. Gusto ko nang sapukin.

    Alex: Sobrang guilty nga ko eh.. Kasi parang ako may kasalanan kung bat nakilala ni Paolo si Larisse.. Saka dapat sinabihan ko na agad si Larisse o kaya pinigilan ko na si Paolo.. Basta..

    "Ano ka ba? Sadyang sira-ulo lang talaga yung pinsan mo.." Tapos ngumiti si Alex.

    Biglang tumunog yung cellphone ni Alex. Kinuha niya tapos binasa. Ngumiti siya.

    "Bakit?"

    Alex: Ha.. Wala.. Tignan mo to.. Sabi kasi.. Parang Based sa isang study ang number 1 na hinahanap ng mga lalaki ngayon, beauty inside and out.. yung mga babae naman.. sense of humor.. Wala lang.. Tapos ka na kumain? Halika na?

    Tapos tumayo na kami at lumabas ng McDo.





















    Sense of Humor daw? Hmmm..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:37 pm

    Chapter 31:

    Nasa kwarto ako ngayon. Nakatingin sa may ceiling. Naisip ko rin yung mga sinabi ni Alex. Babae pa nagsabi sa akin ah. Sa bagay, di ko pa rin naman nasasabi yung tungkol dun kay Stephen. Di rin naman palatanong yun. Siguro nga paranoid lang ako.. Pero natatakot pa rin ako..

    Naalala ko bigla si Larisse.

    Oo. Gusto ko nga siya. Masaya ko pag nakikita ko siya. Basta...

    Gagawa na kaya ng move? Haay..

    Tapos kinuha ko yung phone ko. Nagcheck ako kung may bagong messages tapos nagkataon nandun pa yung mga reply ni Larisse last time. Kumuha ako ng maliit na notebook dun sa cabinet ko. Kinopya ko yung mga reply niya. Tapos naalala ko yung sinabi ni Alex..

    "Sense of humor daw ha.." Tapos nagbrowse ako ng mga messages sa phone ko. Tinignan ko kung ano yung mga nakakatawa talaga.

    To: Larisse
    Daddy: anak,bli mo ko ng softdrinks.
    Anak: coke o pepsi?
    Daddy: coke
    Anak: diet o regular?
    Daddy: regular
    Anak: bote o can?
    Daddy: bote
    Anak: 80z o litro?
    Daddy: tubig na lng!!!
    Anak: mineral o natural?
    Daddy: mineral
    Anak: malamig o hindi?
    Daddy: hampasin kta ng walis e!!!
    Anak: tambo o tingting
    Daddy: HAYOP ka!!!
    Anak: baka o baboy


    Sana napangiti ko man lang siya kahit papano. Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko.

    From: Larisse
    uy.. ang kuleet nun ah.. natawa talaga ako dun.. hehe. tnx.

    Sobrang napangiti talaga ko nung nabasa ko yung reply niya. Haay. Huminga ko ng malalim. "Ano kayang gagawin ko? Lord.. help naman diyan.." Napatingin ako dun sa notebook ko. "Hmm." Tapos nagsimula na akong magsulat. Mga simpleng notes lang. Kung anong nararamdaman ko pag nakikita ko siya.. Kung pano ko sumasaya pag ngumingiti siya.. Kapag kinakabahan ako pag nandiyan siya.. Haay.

    Maya-maya di ko namalayan nakatulog na pala ko.

    Nagising ako ng di oras dun sa alarm ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho c.r agad para maligo. Kinuha ko yung backpack ko tapos hinablot ko na yung mga gamit na makita ko. Nag-ayos ako tapos bumaba agad para magbreakfast. Unang bumati sa akin si Marielle.

    Marielle: Kuya!! Naku.. Thanks talaga ha.. Binili mo pa rin ako ng napnap kahit sinabi ko huwag na.. Kasi kala ko baka diyahe sayo yun di ba? Pero binili mo pa rin ako..

    Mama: Aba.. Totoo ba yun?

    Ngumiti lang ako. Naku po. Kung alam lang nila.. Nagpaalam na rin ako sa kanila maya-maya at sumakay ng jeep papuntang MRT. Mga 8 am nasa campus na ako. At ang sumalubong sa akin sa board?!

    No class today. We'll meet next Monday. Don't forget to bring again your take home quiz.

    "Di ko alam kung ngingiti ako o mababadtrip.. Haay.." Ang aga-aga ko nagising tapos ganito. Buhay nga naman. Pag labas ko ng room, nakasalubong ko si Stephen. "Uy.. Wala tayong class.."

    Stephen: "Ano?! Ano ba namn yan.. San ka na punta ngayon?"

    "Ewan ko nga eh.. Kaw?"

    Stephen: Samahan mo naman ako.. Philcoa tayo..

    "Sige ba.." Pumunta kaming parking lot tapos sumakay na ko sa kotse niya. Nagpark siya sa may harap ng McDo. Akala ko kakain siya tapos dumirecho lang siya sa may loob. Sinundan ko naman siya. "Pare, san ka ba pupunta ha?"

    Tapos biglang tumigil kami sa may isang shop. Flower Shop?!

    Stephen: Ano kaya magandang bilhin?

    "Teka.. teka.. Bibili ka?"

    Stephen: Malamang.. Ano ka ba?

    "Aba.. May pinopormahan ka ba ngayon?"

    Stephen: Tol.. this time tinamaan na ko..

    "Mukha nga.. hindi mo nga binibilhan ng bulaklak yung dalawa mong naging girlfriend eh.."

    Stephen: Iba to pare..

    "Sige na.. Sabi mo eh.."

    Pagkatapos niyang makapili, saka kami nagmeryenda at tumambay saglit sa may McDo.

    Stephen: Halika na.

    Tumingin ako sa watch ko. Teka, ang aga pa ah. Eh parehas kaming 11:30 pa ang next class eh 9:30 pa lang halos.

    "Ang aga pa ah.."

    Stephen: Bibigay ko na sa kanya to..

    Sumunod na lang ako sa kanya sa kotse tapos nagpark siya uli sa may parking lot. Nagpunta kami dun sa may likod ng library.

    "Dito pa talaga kailangang magkita ah.."

    Umupo kami dun sa mga benches dun. Ang tagal ha. Sino kaya yung babaeng sinasabi ni Stephen?

    Stephen: Ayan na siya..

    Lumingon ako. Hinahanap ko kung sino yung sinasabi niya. Tapos biglang may kumalabit sa akin. Nagulat pa ko. Si Alex lang pala.

    Alex: "Uy.. Sino hinahanap mo diyan ah?"

    "Uy.. Yung babaeng sinasabi ni Stephen.."

    Alex: "Aaah.."

    "Asan na ba yun?"

    Tapos kinalabit ako ni Stephen.




















    Stephen: "Kausap mo na tsong.."














    "Ha?!" Si Alex?


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:43 pm

    Chapter 32:

    "Teka.. You mean.. Ikaw.." Tinuro ko si Stephen. "At ikaw?" Tinuro ko si Alex.

    Tapos nagkatinginan si Alex saka Stephen. Ngumiti sila. Tapos biglang tumawa. Sobrang tawa talaga.

    "May nakakatawa ba dun sa sinabi ko?"

    Alex: "Sabi ko na nga ba yun ang iisipin mo eh.. Ano ba sinabi mo?" Tingin kay Stephen.

    Stephen: "Pare.. may tama na ata ako.." With facial expression pa.

    "Pinagloloko niyo ba ko?"

    Stephen: "Halika nga.." Tapos umupo mo kami dun sa may table dun.

    "Paki-explain nga ang mga pangyayari.."

    Stephen: "Ganito kasi yun.. Kinausap ko si Alex na kausapin ka.."

    "Ano?!"

    Stephen: "Kasi naman no.. Tol, bestfriend mo ko pero halos di mo naman ako sinasabihan ng mga sikreto mo.. Kung di dahil kay Alex di ko malalaman yung tungkol sa naging syota ng utol mo.. Gusto ko na nga magtampo sayo eh.."

    "Teka.. Ano?"

    Stephen: "Saka gusto ko na rin iconfirm kung may gusto ka nga kay Larisse?"

    "Pano siya napasok dito?"

    Stephen: "Ano ka ba.. Kahit papaano naman napapansin ko yung mga tingin mo sa kanya no.. Saka natatandaan mo yung isang beses na bumaba yung isang babae sa kotse tapos nakatitig ka sa kanya? Namukhaan ko na si Larisse yun nung App's orientation.."

    Kaya pala parang sinabi agad ni Alex na may gusto ako kay Larisse si Stephen pala nagsabi sa kanya.

    "So para san yung flowers.."

    Tumingin si Stephen kay Alex. Tapos ngumiti si Alex.

    Alex: "Basta.."

    "Ha?"

    Stephen: "O ano na.. ligawan mo na ha.."

    "Pero.."

    Stephen: "Tol.. Wala ng pero-pero.."

    Mga 11:00 naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Pumunta kami sa kanya-kanyang class namin.

    Ang tagal kaming dinismiss dun sa 1:00 class ko. Akala ko nga malelate na ko sa next class ko eh. Pagdating ko sa room, halos kasabay ko lang pumasok yung prof. ko. Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako papasok sa room. Bad trip talaga. Eh nakalimutan ko palang isara yung backpack ko kaya nahulog yung maga gamit ko. Hinablot ko na lang yung mga makita ko. Buti na lang nasa bandang harap si Alex kaya tinulungan niya ko magpulot.

    Discussion lang ulit kami. Napatingin ako kay Alex. Naalala ko bigla yung flowers na binigay ni Stephen. Wala naman sa kanya. San kaya napunta yun? Nahiya siguro magdala ng bulaklak sa campus. Maya-maya dinismiss na kami. Pumunta agad akong tambayan. Nandun si Leila at Jeffrey.

    Leila: "Uy.. Kayo pala nina Stephen saka Larisse mag-aayos ng outreach?"

    "Oo nga raw.."

    Jeffrey: "May nakita na kayo?"

    "May mga pinagpipilian pa kaming mga lugar.."

    Leila: "Ayan na pala si Larisse o.."

    Lumingon ako. Nagulat ako. Bat ganun?!

    Jeffrey: "Wow.. May flowers.. Hanep.."

    Larisse: "Oo nga eh.. Nagulat ako.. May isang bata kanina.. Iniabot sa akin to.."

    Leila: "Ang sweet naman.."

    Jeffrey: "Kanino kaya galing? Tignan mo may card o.." Sabay turo.

    Kinabahan ako. Kinuha ni Larisse yung card. Di ko napigilan yung sarili ko. Kinuha ko sa kanya bago pa niya mabasa.

    Larisse: "Uh.. Toph?"

    "Ah.. Eh.. Beautiful flowers for a beautiful lady.. From.. Romeo??" Tapos binalik ko yung card sa kanya.

    Larisse: "Romeo.. Ano yun real name niya kaya.."

    Naku po. Kilala ko na kung sinong may pakana nito. Yung mga yun talaga. Aatakihin ako sa puso ng di oras eh.



















    May pa-Romeo.. Romeo.. pang nalalaman..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:46 pm

    Chapter 33:
    Pagdating ko sa bahay tinext ko agad si Stephen. Tong mga to talaga.

    To: Stephen
    Hoy! Ano na nmang gnawa nyo at pnbgay nyo kay Larisse yng flowers?

    Tapos sinend ko na sa kanya. Maya-maya nagreply naman agad.

    From: Stephen
    Ha? Anong Flowers?

    Aba. Kunyari pa to ah.

    To: Stephen
    Pg d ka umamin, tatawagan ko si Vina. Patay k dun.

    Si Vina yung girlfriend ni Stephen dati.

    Nagreply naman agad.

    From: Stephen
    So nagustuhan niya ba yung flowers? hehe.

    Sabi ko na nga ba eh. Yung mga yun talaga.

    Umakyat na ako sa kwarto ko. Inayos ko na yung mga gamit ko. Sira na pala yung zipper nung bag ko kaya di masarado ng maayos eh.

    "Haay.." Naalala ko na naman si Larisse. Isusulat ko nga yung mga nangyari ngayon. Hinanap ko yung blue na notebook ko sa desk ko. Wala naman. "Nasan na yun?!" Bumaba ako. Tinanong ko si Ate Tess. "Ate Nakita mo ba yung blue na notebook ko sa taas?"

    Ate Tess: "Hindi eh.. Di ako nakapaglinis ngayon diyan.."

    "San na kaya napunta yun.." Kinabahan ako bigla. Dinala ko ba siya sa school? Hindi ko na kasi matandaan. Nagmamadali na kasi ako. Pano kung nadala ko nga? Hinalungkat ko na naman yung gamit ko sa bag ko. Pero walang blue na notebook.

    "Sa bagay.. wala namang nakasulat na pangalan dun.."

    Humiga ako sa kama. "Kaso sayang.. sayang yung mga naisulat ko.." Maya-maya nakatulog na ako.

    Late na ako nagising. Mga 7:00 na ata. Wala na sina Mama saka Papa. Nagbreakfast ako mag-isa. Naligo at nag-ayos tapos direcho school na. As usual, direrecho na naman ang class ko kaya heavy breakfast ang kinain ko.

    Sumakit pa ang ulo ko pagkatapos ng Math ko. "Grabe yun ah.." Nag-exam kasi kami, first exam pa man din. Halos mga 15 items ata yun pero worth 65 points all in all. Sana naman ayos yung grade ko dun.

    Mga 3:30 natapos yung last class ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung dadaan akong tambayan. Pero in the end, dumaan na rin ako. Naabutan ko lang na kapwa ako applicant din, sina Leila sak Larisse. Wow. Ganda naman ng araw ko.

    "Uy.." Bati ko.

    Tinignan lang nila akong dalawa tapos bumalik sa ginagawa nila. May binabasa ata sila. Ayoko namang makiosyoso baka kung ano pang sabihin nila.

    Leila: "Ang sweet.. Siguro yan din yung nagbigay sayo ng flowers.."

    Pagkarinig ko palang nun. Kinabahan na naman ako. Ano na naman to?!

    Biglang dumating si Stephen. Hinila ko papalayo.

    "Ano na namang ginagawa niyo?"

    Stephen: "Ha?"

    "Di nga?"

    Stephen: "Wala.. Wala akong alam diyan.."

    Lumapit kami ulit kina Larisse.

    Stephen: "Ano yan.." Sabay turo dun sa binabasa nila.

    Leila: "Parang personalized card para kay Larisse.."

    Tapos binasa niya.

    "The first time I saw you.. Your smile made my heart beat faster as it could.. Each day, Each night you never left in my mind, my sight.. and in my heart.."

    Stephen: "Okay ah.."

    Tapos biglang bumulong sa akin si Stephen.

    Stephen: "Hindi ako gumagawa niyan.."

    "Alam ko.."





















    Galing yun sa notebook ko eh..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:50 pm

    Chapter 34:

    Mga ilang oras din akong nag-stay dun sa tambayan. Nagpasign ako dun sa mga members na nandun. Mga 5:30 ata ako umalis at nagpaalam umuwi.

    "Sige.. mauna na ako.."

    Stephen: "Sige.. pare.. oo nga pala.. kailangan natin titignan yung mga tinawagan nating lugar para sa outreach?"

    "Ah. Kayo.." Tinignan namin si Larisse.

    Larisse: "Kayo bahala.."

    Stephen: "Gusto niyo bukas ng Wednesday para matapos na.."

    "Okay.."

    Larisse: "Fine.."

    Nagpaalam na ko sa kanila tapos sumakay ng jeep papuntang sakayan ng MRT at direcho uwi na.

    Pagdating ko sa bahay, nagpalit ako ng pambahay agad at humiga sa kama. Nagulat ako nang may napansin akong short brown envelope na nakatape pa sa may desk ko. Kinuha ko tapos binuksan ko. Aba.

    Yung blue notebook ko! May note pang nakasulat.

    "Ang buhay parang pagsakay sa bisekleta.. Minsan natatakot kang sumakay sa una.. Kasi baka mahulog ka, baka masugatan ka.. Kapag nakasakay ka na, may aalalay sayo at biglang tutulak ng napakalakas para umandar ka lang.. Kapag tinulak ka, malamang magagalit ka sa una.. Pero di mo mamamalayan.. kaya mo na pala mag-isa.."

    "Hmm.. kanino naman galing to?" Sinilip ko ulit kung may nakasulat dun sa notebook ko. Kung may pangalan man o ano pero wala eh. Sakto biglang pumasok si Ate Tess sa kwarto ko.

    Ate Tess: "Iho.. Mga pantalon mo o.. Kakaplantsa ko kanina.."

    "Sige po.. Pakilapag na lang po sa kama.."

    Ate Tess: "Okay.."

    "Uh.. Kanino po pala galing to.." Sabay pakita ko nung envelope.

    Ate Tess: "Ay.. hindi ko lang alam.."

    Nagtaka naman ako. Pano naman mapupunta sa desk ko to? Kinagabihan, kumain kami ng dinner nina Mama't Papa.

    "Ay.. Bukas po pala may lakad ako.. May aasikasuhin po ko para sa inaayos naming outreach.."

    Mama: "Ganun ba? San ba kayo pupunta?"

    "Sa may bandang Quezon City lang po muna kami titingin.."

    Marielle: "Ah.. Kuya.. Nakita mo na ba yung pinatong ko sa desk mo?"

    "Ha? Sayo galing yun?"

    Marielle: "Pinabigay lang sa akin ni TJ yun eh.."

    "Si TJ?"

    Tapos naalala ko bigla. Ah. Siya pala kumuha.

    Si Alex.

    Kinabukasan, mga 9:00 ako nagpuntang school. Sabi nina Larisse sa may harap ng library kami magkita-kita. Makikisabay na lang kami kay Stephen para iisang sasakyan na lang yung gamit namin. Pagdating ko dun, nandun na nakaupo si Larisse.

    "Uy.. si Stephen?"

    Larisse: "Wala pa eh..

    "Uhmm.. Kanina ka pa?"

    Nakakahiya. Siya pa nauna sa amin.

    Larisse: "Hindi naman.. Kanikanina lang din.."

    Tinignan ko yung relo ko. 9:45 na halos. Sa bagay, ang usapan naman namin is 10:00 am.

    Biglang nagvibrate yung phone ko..

    1 message received




    Opening..










    From: Stephen
    tol, cencia d ako mkkapunta, yaw ako pygan ni mama. sama ng pakrmdam ko.. taas lagnat ko.











    Te-teka.. Pano na to?!


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:55 pm

    Chapter 35:

    Hinga ng malalim. Magsasalita sana ko.. Kaso naunahan niya ko..

    Larisse: "Naku.. nagtext si Stephen.. May sakit daw siya.."

    Pag wala talagang sakit si Stephen, patay sa akin yun.

    "Oo nga eh.. Pano yan?"

    Larisse: "Hmm.. okay lang naman sa akin magcommute eh.."

    "Sige, punta na tayo sa may sakayan.. Isang sakay lang naman papunta dun tapos tricycle ata.. Yun yung sabi ng tumawag ako.."

    Larisse: "Tara.."

    Naglakad kami papuntang sakayan. Mahaba-haba rin yung pila. Nung dumating na yung taga-kulekta ng bayad, binigay ko na yung 20 pesos. "Manong dalawa ho." Tapos napatingin sa akin si Larisse.

    Larisse: "Naku.. Nakakahiya.. Ako na lang magbabayad sa tricycle mamaya.."

    "Okay lang yun.. Sisingilin ko naman si Stephen kasi siya dapat transpo di ba?" sabay tawa siya. Sisingilin ko talaga yung Stephen na yun. Naku po.

    Sumakay na kami ng jeep. Tapos bumaba dun sa may mga tricycle. "Kuya dun po sa may Children's Paradise." Yun yun pupuntahan naming orphanage. Titignan naman kung pwede kami dun mag-organize ng outreach.

    Binaba kami dun sa may kanto. Medyo masikip na yung daan papunta dun kaya di na kasya yung tricycle. Inunahan ko na magbayad si Larisse. Nakakahiya naman kung siya pagbabayarin ko. Sabi nung driver, direchuhin lang namin yung daan. Naglakad-lakad kami nang biglang..

    AAARFF.. AARF. ARF..

    Larisse: "Toph.."

    Napatigil kaming dalawa. Nagulat ako biglang humawak si Larisse sa sleeves ng shirt ko. Nagtawag pa ng backup. Biglang may lumabas pang isang aso. Lumakas tuloy yung tahol nila.

    "Huwag ka tatakbo.."

    Dalawang kamay ni Larisse na yung nakahawak sa left arm ko, di na sa shirt ko. Ang higpit nga nung hawak niya eh. Rinig na rinig ko na yung paghinga niya eh. Takot na takot siya.

    Larisse: "Ta-takot ako sa a-aso.."

    "Di naman siguro tayo kakagatin niyan.. Dahan-dahan lang tayo maglalakad.."

    Dahan-dahan kaming naglakad kaso palakas ng palakas yung tahol nila. Naramdaman ko na lang biglang bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Larisse.
    Tumakbo siya!

    "Larisse!!"

    Hinabol tuloy siya ng aso. Napatakbo tuloy ako para habulin sila. Biglang lumabas yung isang lalaki dun sa isang gate. "Blackie.. Brownie.." Tapos tumakbo papasok yung mga aso dun sa gate. "Pasensiya na.." Sinarado niya yung gate. Lumingon ako.

    "Nasan na siya.." Pagtingin ko sa kaliwa nandun siya.

    Hala. Tumakbo agad ako para puntahan siya.

    "Anong nangyari.."

    Larisse: "Toph, ang sakit.." sabay turo niya dun sa paa niya. "Natapilok ako nung tumakbo ako eh.."

    Kinarga ko siya. "Pano yan?" Pagtingin ko dun sa dulo ng kalsada may naka paskil na CHILDREN'S PARADISE, "DIto lang pala.." Pumunta kami dun sa may gate. "Tao po?" Tapos maya-maya may lumabas na babae. "Nandiyan po ba si Ms. Vergel?" sabi ko. "Ako nga.. Sino sila?"

    "Kami po yung tumawag nung isang araw.."

    Ms. Vergel: "Ganun ba? Pasok kayo.. Dali.. Teka, anong nangyari?"

    "Natapilok po siya kasi hinabol kami ng aso.."

    Pinaupo kami dun sa sofa nila sa loob.

    "I-stretch mo nga yung kaliwang paa mo.." Nilagay ko yung paa niya sa lap ko at dahan-dahan kong inikot.

    Larisse: "A-aray.. ang sakit talaga.."

    "Pasensiya na ah.."

    Larisse: "Ano ka ba.. wala ka namang kasalanan eh.."

    Inikot-ikot ko yung paa niya ng mga ilang minuto din. "Okay na?"

    Larisse: "Medyo okay na.."

    Tapos maya-maya minasahe ko ng konti. Bigla naman akong tinadyakan!

    "O Bakit? Okay ka lang?"

    Larisse: "Ano kasi.. may.. may ano ako sa talampakan.."

    "Ha? May kiliti ka?" Tapos napangiti ako.

    Larisse: "Bakit? Ang yabang mo ah.. Bat ikaw wala kang kiliti?"

    "Wala naman akong sinasabi ah.." Tapos nakangiti pa rin ako.

    Bigla niyang binaba yung paa niya tapos nilapitan ako. Kiniliti ba naman ako sa bewang.

    "Wala akong kiliti.."

    Larisse: "Ah ganun ah.."

    Tapos nilagay niya yung kamay niya sa leeg ko.

    "Larisse..Larisse!! Wag diyan.."

    Ms. Vergel: "Juice o.."

    Umayos kaming dalawa nung dumating si Ms. Vergel.

    Ms. Vergel: "Teka, kunin ko lang yung planner ko kung kailan kayo pwede dumalaw dito para sa outreach niyo.."

    Umalis siya tapos. Naiwan kaming dalawa dun. Tumingin ako sa kanya.

    "Sino kaya may kiliti sa paa.."

    Larisse: "Ang kapal mo ah.." Tapos tumawa siya. Tumingin siya sa akin.

    Larisse: "Thank you ah.. Buti na lang kasama kita.."

    Ngumiti ako.















    "Same here..."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 5:58 pm

    Chapter 36:

    Stephen: Pare, grabe ka naman.. may sakit talaga ako kahapon.. Sabi ko na nga ba yun.. iisipin mo.. Pero may sakit talaga ako..

    "Oo na.."

    Stephen: Nakuha niyo ba yun listahan ng dates?

    "Binigay kahapon.. Na kay Larisse yung list.. Bibigay na ata niya kay Hannah.."

    Stephen: Ganun ba..

    Naglakad kami papuntang canteen para maglunch. Nilapag namin yung gamit sa isa sa mga table.

    Stephen: So kailan mo naman balak sabihin na ikaw si Romeo..

    "Sus.. Kayo kasi eh.."

    Stephen: Bakit? Di mo ba nagustuhan yung ginawa namin ni Alex.. Pero one time lang yun, ikaw na bahala sa next move..

    "Ewan ko sa inyo..."

    Stephen: Sa bagay, yan ang malaking tanong, kailan ang next move? Next year? Next millenium?

    "O.A mo.. Bumili ka na nga ng pagkain mo.."

    Stephen: Okay.. Ikaw?

    "Uh.. Labas lang ako saglit.. May kukunin lang ako.. Balik agad ako.."

    Pagkatapos naming maglunch, naghiwalay na kami at dumirecho sa kanya-kanyang class. Nakuha ko na yung results ng first exam ko sa Math. Ang taas ko!! Third to the highest ako sa class. Buti naman dahil napiga yung utak ko nung time na yun ah.

    Pagdating ko naman sa SocSci1 class ko, nandun sila Alex pati sina Emm, nag-uusap.

    Emm: Toph!

    Lumapit ako sa kanila. Mu~g tungkol sa project ito ah.

    Mara: Kailangan na natin simulan yung project na paunti-unti..

    Trina: Bale partner-partner na lang.. Kami ni Rex.. Si Mara saka Emm tapos kayong dalawa ni Alex..

    "Hmm. Okay.."

    Emm: Kayo bahala kung sino iinterviewihin niyo ah.. Yun kasi yung part niyo eh.. Interview people.. may videocam ba kayo?

    "Ako meron.. ako na magdala.."

    Alex: Ikaw.. kailan mo gusto magsimula?

    "Next week siguro?"

    Alex: Sige ba..

    Maya-maya dumating na ulit si Ma'am J. Nag-games kami ngayon ah. Kaso talo kami nanalo yung isang group. Muntik na sana kami manalo. After kami dinissmiss, pumunta na akong tambayan.

    Pagdating ko, may hawak-hawak na maliit na teddy bear si Larisse saka card. Nandun na rin si Leila saka Stephen.

    Leila: Ang cute talaga nung bear.. sino kaya yang mystery guy mo ah?

    Larisse: Di ko alam.. Di ko talaga alam.. Pinabigay na naman ulit sa akin kanina eh..

    Leila: 20 reasons why you make my heart beat so fast.. basa niya dun sa card. Number 20: You make my world stop whenever I see you.. Even when you just go down from your car... Or walk towards your room.. Teka.. Nasan na yung iba? Tinignan niya yung likod. 19 more teddy bears left til we meet..

    Larisse: Sino kaya siya? Nameet ko na kaya siya before?

    Nagulat ako bigla akong hinila ni Stephen palabas.

    Stephen: Pare, ano ka ba!!

    "Ba-Bakit?"

    Stephen: Hindi ako yung nagbigay nun.. Patay.. May karibal ka na! Gumawa ka ng paraan..

    "Stephen.."

    Stephen: Babagal-bagal ka.. Pano yan.. Mamaya niyan...

    "Pare.. HOY!"

    Stephen: Ano?





















    "Ako yung nagpabigay nun.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:00 pm

    Chapter 37:

    Mga 6:30 ako nakarating sa bahay. Tawang-tawa naman ako sa reaksyon ni Stephen. Hindi siya nakapagsalita nung sinabi ko na ako yung nagpabigay nun. Hindi niya siguro naalala na nung lunch time, umalis ako saglit. Dun ko pinabigay dun sa nakilala kong bata, pinabigay ko dun sa may classroom niya, malapit sa canteen. Chineck ko kasi yung schedule niya.

    Binili ko yung bear kahapon ng hapon. Ang tagal ko pinag-isipan kung bibilhin ko ba o hinde. Nung gabi, kabado ako kung ibibigay ko na ba sa kanya o hinde. Naisip ko ipabigay muna sa kanya.

    Nagbihis ako at naligo. Sumabay akong magdinner kasama ang pamilya ko.

    Mama: Oo nga pala.. Sa Saturday, may lakad tayo ah..

    Marielle: Tayo? Saan naman..

    Papa: Highschool reunion namin eh..

    Marielle: Naku.. Kailangan sumama ba kami? Puro matatanda na nandun.. I mean puro mga ka-age niyo po pala..

    Mama: Ganun? Di pwede kasama yung family dapat eh.. Whole Day Affair siya..

    "San ba?"

    Papa: Sa Tagaytay kaya dapat maaga kayo gumising ah..

    "Di ko lang sigurado ah.."

    Papa: Kasama sina Bert pati yung mga anak niya..

    Marielle: Si TJ?

    "Aba.. Sasama pala ko.."

    Tumawa sina Mama saka Papa.

    Kinabukasan, medyo na-late ako nagising. Kaya nagmadali akong mag-ayos para pumuntang school. Mga 10 mins na lang bago mag-time nung nakarating akong school. Tumatakbo na talaga ako papuntang classroom ko nung nakita ko bigla si Larisse. Napatigil tuloy ako.

    "Uy.. Ang dami mong dala?"

    Biro mo may hawak siyang dalawang paper bag sa kaliwa. Isang 1/4 illustration board sa kanang kamay.

    Larisse: Ah.. Para sa next class ko..

    "Tulungan na kita.."

    Larisse: Okay lang ako.. Saka malelate ka na..

    "Saglit lang naman eh.. San ba next class mo?"

    Larisse: Sa Rm. 207

    Tumingin ako sa relo ko. May five minutes pa ko.

    "Uh.. Samahan na kita.."

    Hinatid ko siya hanggang sa room niya.

    Larisse: Salamat ah..

    Binigay ko na yung mga gamit niya.

    "O-Okay lang yun.."

    Pagkatapos kumaripas na ako ng takbo papuntang first class ko.

    Dahil Biyernes, dire-direcho yung class ko. Naghihintay ako sa prof. ko para sa 11:30 class ko. Nakatingin ako sa kawalan nang biglang may kumalabit sa akin.

    "Uy!! Ano ginagawa mo dito?"

    Larisse: Wala.. Nakita ko kasi sched mo sa directory.. Dire-direcho pala class mo ah..

    Tapos nagulat ako nung may nilapag siyang iced tea saka cheeseburger sa desk chair ko.

    "Naku.. Nakakahiya.."

    Larisse: Okay lang yun no.. Sige mauna na ko.. Kain ka na..

    Tapos lumabas na siya sa pinto.

    "Wait.."

    Lumingon siya.

    "Thanks.."

    Ngumiti siya sa akin.


















    "You're welcome.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:04 pm

    Chapter 38:

    Marielle: "Kuya.. KUYA!!"

    Nagulat naman ako dun sa boses ng kapatid ko. Nagising tuloy ako ng di oras. Bad trip talaga pag tumitili yun. Ang sakit sa tenga.

    "Bakit.. antok pa ko.."

    Marielle: Antok ka diyan.. Umayos ka dali.. Di ba pupunta tayo ngayon sa Tagaytay?

    Nagulat ako biglang hinili niya yung paa ko.

    "Oo na babagon na.."

    Bumangon ako at inayos yung kama. Naligo ako at nagdamit. Kinuha ko yung backpack ko tapos kumuha ako ng extra shirt. Kinuha ko rin yung CD player ko in case wala na namang magawa dun, magsa-soundtrip na lang ako.

    Sumunod na ako pababa. Tapos sumakay ng kotse. Mga 4 am na kami umalis ng bahay. Natulog nga uli ako sa loob ng kotse eh.

    Naramdaman ko na lang na hinila ni Marielle yung t-shirt ko.

    Marielle: Kuya.. Dito na tayo..

    Pagdating namin dun, marami-rami na ring tao. Sa Picnic grove sa Tagaytay yung location nung reunion nina Papa eh. Binaba na namin yung mga gamit namin. Dinala namin dun sa isang cottage dun.

    "Haay ang sarap dito ah.. Hindi masyado mainit.. Mahangin pa.."

    Marielle: "Oo nga.."

    Lumapit ako kay Marielle tapos inakbayan ko siya.

    "Halika, tol.. Pasyal tayo.. Ma.. Pa.. Libot lang kami.."

    Marielle: Ang bigat ng kamay mo..

    "Bakit.. Para isipin nila.. bf mo ko.. Para walang lalapit sayo.."

    Marielle: Ganun?

    Naglibot-libot kami dun. Maganda yung lugar. Alam ko nagpunta na kami dito dati kasama yung mga pinsan namin pero matagal na kasi yun eh.

    MARIELLE!

    Paglingon naming dalawa..

    Marielle: Si TJ o..

    "Tender Juicy.."

    Marielle: Kuya naman eh..

    Nakita namin, pababa yung family niya. Lumapit sila sa amin.

    Tito Bert: San Papa mo?

    "Dun na po sila sa mga cottages.." Tapos tinuro ko kung saan.

    Tito Bert: Sige, punta na kami dun..

    Sumunod sina TJ pati Tita Marisse, yung asawa ni Tito Bert.

    Nagulat ako biglang may umakap sa akin.

    "Miguel.."

    Alex: Nandito rin pala kayo..

    Pagtingin ko si Alex pala.

    "Uy.. Pinasama ako ni Mama at Papa eh.."

    Alex: Ako rin eh.. Sabi ni Tito Bert.. Sumama ko.. Kasi may lakad yung Tita ko tapos wala pa parents ko..

    Marielle: Kuya, dun tayo o.. sabay turo dun sa mga kabayo.

    "Bakit marunong ka ba sumakay niyan ah.."

    Marielle: Kaya nga itatry eh.. Dali.. Sama rin kayo..

    Alex: Sige ba..

    Pumunta kami dun sa mga kabayo. Nagtanong ako dun kung magkano. Bale tatlo kasi kami plus si Miguel, mapapamahal pa kung may mag-aalay.

    "O ano, kaya niyo ba mag-isa?"

    Marielle: Hmm.. I think so..

    Alex: Na-try ko naman na siya dati eh..

    Pumili na kami ng 3 kabayo. Tig-isa sina Alex saka Marielle. Ako naman saka Miguel ang magkasama. Mga 30 minutes din kaming nag-horsebackriding. Gustung-gusto nga ni Miguel habang nakasakay siya sa kabayo eh lalo na pagbinibilisan ko yung pagtakbo.

    Nauna na kaming bumaba ni Miguel mula dun sa kabayo. Hinintay namin matapos sina Marielle saka Alex. Nilapitan ko si Marielle at inalalayan pababa. Pagkatapos nilapitan ko rin si Alex, iniabot ko yung kamay ko sa kanya.

    Alex: Okay lang ako.. Kaya ko..

    "Ano ka ba.. Baka mahulog ka.."

    Alex: Sus.. kaya ko.. Para yuuuuuuuun..

    *BLAG*

    "Aray.."

    Naramdaman ko yung sakit nung pagtama nung likod ko sa lupa. Buti na lang lupa, hindi semento.

    "Nasaktan ka ba?"

    Alex: Sorry..

    Naout of balance si Alex pagbaba niya. Ang tigas kasi ng ulo eh. Buti na lang humawak siya sa balikat ko kaso parehas naman kaming nahulog.

    Tumayo siya bigla.

    "Okay ka lang? Bat namumula ka?"

    Alex: Uh.. Ano.. Wala..

    Biglang lumapit sa amin si Marielle. Nagsalubong yung kilay niya.

    Marielle: Uhmm.. Tinatawag na ata tayo..

    "Tara na.."

    Alex: Uh.. Sige.. May babalikan lang ako sa kotse.. Halika Miguel..

    Tapos bumalik sila dun sa may parking lot.

    Marielle: Uh.. Anong nangyari dun kanina?

    "Bakit? Anong ibig mong sabihin?"

    Marielle: Kuya JC?! She was on top of you.. Akala ko nga magkikiss pa kayo parang sa mga movie.. Tapos tumawa siya.

    Nanlaki yung mata ko.

    "Ano?!"


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:08 pm

    Chapter 39:

    Marielle: Ha? You mean di mo man lang napansin?

    "Hinde nga? Ganun ba talaga itsura kanina?"

    Marielle: Tsk.. Tsk.. Halika na nga..

    Bumalik na kami dun sa may cottage. Ang ganda ng view mula dun. Kitang-kita mo yung Taal Volcano.

    Papa: Halika punta tayo dun.. May mga activities daw..

    Sabay-sabay kaming pumuntang pamilya. Mu~g merong ngang program. Nagkaroon ng mga games. Unang game, sack race. Dahil ang labanan ay per family at tig-4 ang members. Sakto lang kami. Ako yung last sa aming apat.

    "Bilisan mo, Ma.. Dali.. Para mauna tayo!!"

    Mama: Eto na.. Bilis..

    Nilagay ko agad yung mga paa ko sa sako. Talon dali. Talon! Ang hirap tumalon ah.

    Marielle: KUYA!! Ang bagal mo ah.. Bilis baka maunahan ka!!

    "E-Eto na nga.. tumatalon na!"

    Ayun. Nanalo kami sa sack race. Kakapagod. Yung ibang games naman, talo na kami. Paano ba naman yun egg race? Hindi pa nga nakakalayo si Marielle, nahulog na niya yung itlog. Basag tuloy. Tsk.. Tsk..

    Nung tanghalian, kumain na kami. Ang sarap ng pagkain. Ihaw-ihaw kasi kaya may barbeque at kung anu-ano pa. After lunch, nagpa-bingo sila.

    Marielle: Kuya.. pasyal ulit tayo..

    "Sige.. Mu~g di ako mananalo dito eh.."

    Marielle: Ma, pasyal lang kami..

    Mama: Sige.. Ingat kayo ah.. Balik kayo agad maya..

    Naglakad-lakad kami hanggang sa napadpad kami dun sa may skate park.

    Marielle: Kuya.. Dali.. skate tayo..

    "Kaw na lang.. Di ako marunong.."

    "Tsk.. Tsk.. Ano ba yan.. Di marunong?"

    Paglingon ko andun sina TJ saka Alex pati Miguel nag-seskate na.

    Marielle: Uy.. Dito pala kayo..

    Alex: Mag-skate na rin kayo.. Aba talo pa kayo ni Miguel o..

    Marielle: Oo nga naman Kuya JC..

    "Oo na.. sige na.."

    Kumuha kami ni Marielle at nagrent ng roller skates. Sinusuot ko yung skates ko pagtingin ko biglang nawala si Marielle. Paglingon ko, kasama na niya si Tender Juicy na nag-seskate.

    "Aba.."

    Sinubukan kong tumayo habang suot yung skates.

    "Ano ba naman to.."

    Humawak ako dun sa may mga railings sa gilid at naglakad-lakad. Biglang may narinig akong tumawa.

    Alex: Ano ba yan.. Toph..

    Miguel: Kuya.. skate tayo..

    "Oo na.. di na ako marunong.."

    Alex: Halika ka na nga..

    Tapos inabot niya yung kamay niya sa akin. Nagdalawang-isp ako pero kinuha ko na rin.

    Alex: Miguel, hawakan mo yung isang kamay niya.. Miguel?

    "Mu~g nag-solo na yung pinsan mo ah.."

    Alex: Mukha nga.. Mahilig yan mag-skate eh..

    "Dapat pala nag-aral din akong mag-ganito nung bata.."

    Alex: Okay lang yan.. Dahan-dahanin mo.. Madali lang yan pag natuto kang magbalance..

    "Ang hirap ah.." Nadudulas kasi ako. Pakiramdam ko matutumba ko.

    Inalalayan niya akong mag-skate ng mabagal. Paunti-unti lang yung pag-galaw namin.

    Alex: Kaya mo yan.. Bitawan na kita ah..

    Dahan-dahan niyang binitawan yung kamay ko. Medyo makakapagbalance na ako kaso..

    "Te-Teka.. A-Alex.. Waaaitt!"

    Hinila ko yung kamay ni Alex. Parehas tuloy kaming nag-slide at..

    *BLAG*

    Alex: Ouch.. sakit nun ah..

    "Sensiya.. nahila kita.. ang sakit nga.."

    Bigla siyang tumawa. Pati ako natawa rin eh. Mukha kaming ewan dun. Napaupo kami ng di oras.

    Alex: Talo ka pa nila o.. sabay turo dun sa mga bata..

    "Oo nga eh.."

    Tapos tumayo siya. Iniabot niya yung kamay niya.

    Alex: Tara.. Try and try untill you.. buy..

    "Buy?"

    Alex: Malamang may kapalit to.. Libre mo kong pagkain pagkatapos..

    "Ganun.. May bayad ang tutorial?"

    Alex: Aba.. Oo naman..

    Sabay tawa siya.

    Sinubukan ko ulit magskate. Dahan-dahan muna. Binitawan ulit niya ko. Pero this time..

    "Pano ba yan.. Yakang-yaka ko na.."

    Alex: Aba.. Sige na.. Magaling na yung estudyante ko..

    Ngumiti ako.

    "Magaling yung teacher ko eh.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:12 pm

    Chapter 40:

    Lunes na naman. Nagpuyat na naman ako. Pano ba naman.. Eh 2nd exam na namin sa Math. Sasakit na naman ang ulo ko nito.

    Umupo kami dun sa isa sa mga benches dun. Dala-dala yung pagkain namin. Walang maupuan sa canteen. Jampacked.

    "O bat may dala ka niyan?"

    Stephen: Eto? Sabay turo sa gitara. May presentation kami mamaya eh.. Ako tutugtog..

    "Ah.."

    Stephen: Bat di ka na pala masyado natugtog?

    "Hinde na eh.. Nakakapaggitara lang naman ako nung highschool pag hinihiram ko yung gitara nina Adrian.."

    Stephen: Eh di ba may gitara naman kayo sa bahay..

    "Ayokong galawin yun.. Kay.. Kay.. Kuya Lester yun eh.."

    Natahimik si Stephen.

    Stephen: Uh.. Kailan pala second exam niyo sa Math? Bukas na sa amin eh..

    "Kami nga.. ngayon na eh.. Tol.. sandali lang ah.. May pupuntahan lang ako.."

    Pagkatapos maglunch, pumunta na akong Math Building. Exam na naman. 20 items naman ngayon tapos worth 75 points. Akala ko kukulangin ako sa oras sa pagsagot pero natapos ko naman.

    Pagdating ko sa Soc Sci 1 class ko, nagulat ako nandun na yung prof ko. Tumingin agad ako sa watch ko.

    "2:15 pa lang ah.."

    Pumasok ako. Konti pa lang naman yung tao sa loob. Tapos nagsasalita yung prof. ko

    Ma'am J: "Kung gusto niyo lang naman.. extra credit.."

    Umupo ako sa upuan tapos tinanong ko si Emm.

    "Ano daw?"

    Emm: Sa Wednesday daw, nagtatanong siya kung sino gusto sumama.. may pupunta daw kasi ditong mga matatanda.. Yung galing sa Home for the Aged.. Kilala ata ni Ma'am yung org na naghahandle nun kaya nag-iinvite siya..

    Nagulat ako nagtaas ng kamay si Alex.

    Alex: Ano bang gagawin Ma'am?

    Ma'am J: I-eentertain lang naman natin.. Part din yun ng human and social interaction di ba? Dinuscass ko na yun di ba? Tapos tumawa siya.

    Emm: What time po ba?

    Ma'am J: Mga Hapon.. Basta punta na lang kayo kung may time kayo.. Diyan lang naman sa likod ng canteen.. Maluwag kasi dun..

    Hapon? Nagyaya sina Tristan mag-basketball sa park. Hmm.. Bahala na.

    Nag-start na ulit ng discussion si Ma'am. Maaga kami dinismiss mga 3:30 tapos na kami. Palabas na ako ng pinto nang narinig kong tinawag yung pangalan ko.

    "Uy.. Bakit?"

    Alex: Kailan pala tayo magstart kumuha ng video.. Kahit paunti-unti lang..

    "Hmm.. Sa Wednesday?"

    Alex: Kasi baka pupunta ako dun sa sinasabi ni Ma'am eh..

    "Ganun ba.. Kahit sa umaga lang.."

    Alex: Uhmm.. Okay.. Txt na lang kita.. Ano ba number mo?

    Binigay ko yung number ko tapos nagpaalam na kami sa isa't-isa. Dumaan na ulet akong tambayan. Wala pa akong kasamang co-applicant. Nagpasign ako dun sa mga members na nandun saka nakipag-usap na rin ako. Nagulat ako biglang may kumalabit sa akin.

    Stephen: Marami ka na napa-sign ah..

    "Medyo.."

    Stephen: Kanina ka pa? San yung iba?

    "Wala pa nga yung iba eh.."

    Maya-maya dumating na si Larisse kasama si Jeffrey. Bitbit ni Jeffrey yung mga gamit ni Larisse. Ewan ko ba. Parang sumama yung pakiramdam ko.

    Stephen: Uy..

    Jeffrey: Tignan niyo may nagbigay na naman kay Larisse o.. sabay turo dun sa hawak-hawak na bear ni Larisse. Basahin mo naman Larisse yung card..

    Ngumiti si Larisse at Binuksan yung card.

    Larisse:Number 19: Whenever I see you, I can hear nothing.. but my heart beat.. Tinignan niya yung likod ng card. 18 teddy bears more to go.

    Jeffrey: Aba naman..

    Larisse: Haay.. Sana.. Makilala ko na siya..

    Nagulat ako biglang siniko ako ni Stephen.

    Stephen: Sigurado, magpapakilala din yan.. Gwapo rin siguro yan tulad namin.. Di ba Toph?

    Tumawa si Larisse.

    "Ah... Eh.. E..Ewan.."

    Larisse: Kailan ko kaya siya makikita?




















    Haaay.. Kapag.. Kapag nagkaroon na siguro ako ng lakas loob..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:15 pm

    Chapter 41:

    "Haaay.. Napagod ako.."

    Kakagaling ko lang ng school. Dire-direcho yung class ko. Tapos, ang sakit ng kamay ko kakagawa ng plates namin kanina. Ang hirap. Drawing ka. Tapos pag mali ng onti. Erase. Drawing ulit.

    Naligo ako at nagpalit ng damit tapos humiga sa kama. Nagulat ako nagvibrate yung phone ko.

    From: +63915*******
    c alex 2. san ba tau magiinterview? common pipol daw di ba?

    Si Alex pala. Oo nga pala. Bukas na pala yung interview namin. Kailangan ko pa pala hanapin yung videocam namin.

    To: +63915*******
    kaw kht san..

    From: +63915*******
    gus2 mo around makati n lng din.. hassle sau kung pupunta ka png skul..

    To: +63915*******
    cge. puntahan n lng kta s inyo..

    From: +63915*******
    ako na lang punta.. diyan.. ano b address nyo? kc may dala kng video cam d b? tpos mgcocommute k lng hrap n tsong..

    Napag-isip-isip ko, may punto siya. Tinext ko na rin yung address ko sa kanya. Maya-maya di ko namalayan.. papikit-pikit na yung mata ko. Hanggang sa nakatulog na ako.

    *TOK.. TOK.. TOK.*

    Nagising ako dun sa katok sa pintuan ko.

    "Pasok.."

    Bumukas yung pinto.

    Ate Tess: Di ka pa ba babangon JC?

    Nagising na ako ng tuluyan pagkasabi niya. Tumingin ako agad sa wall clock ko. 7:45 na!

    Kinuha ko yung twalya ko at damit tapos direcho agad sa banyo. Binuksan ko yung shower.. Kaso..

    "Pucha.. Wag mong sabihing.."

    Binuksan ko yung pinto, at sumigaw ako.

    "Ate Tess, Walang tubig dito sa taas.."

    Haay.. Sana narinig ako.

    Maya-maya kumatok na si Ate Tess sa banyo. Tapos narinig ko siya nagsalita

    Ate Tess: Iho.. Wala ng tubig eh.. Sa banyo ka na lang sa baba maligo..

    Nagtapis ako agad ng twalya at bumaba ng hagdan. Nanlaki yung mata ko.












    "ALEX?!"

    Tapos napatingin ako sa katawan ko. Nakatwalya lang ako.

    Nagulat si Alex tapos biglang talikod.

    Alex: Uh..

    Biglang dumating si Ate Tess.

    Ate Tess: O iho..

    Tapos tumingin ako sa kanya.. Sumenyas ako at tinuro ko si Alex. Bat di niya sinabi na nasa baba siya?!

    Bumulong siya sa akin.

    Ate Tess: Sorry.. Nawala sa isip ko.. Sige dali.. punta ka na sa banyo..

    Tumakbo agad ako sa banyo dala-dala yung damit ko at nakatapis lang twalya.

    Pagdating ko sa banyo. Humarap ako sa salamin. Huminga ng malalim.

    Ano ba naman. Eh sarili ko ngang utol di pa ako nakita kahit half-naked eh. Tapos.. ganito.

    "Haay.. si Alex pa talaga ang unang nakakita ng six-pack ko.. Pinakatagu-tago ko naman to.."

    "Uy.. narinig ko yun.."

    Nagulat ako nagbukas yung pinto sumilip si Ate Tess.

    Ate Tess: "Okay na.. Yung tubig.. Maligo ka na at baka maubusan ka pa.."

    "Sige po.."

    Ate Tess: "JC.. Six-pack ka diyan.. Nangarap ka pa.."

    "Ate Tess naman o!"

    Sabay sarado niya ng pinto. Binuksan ko na yung shower at naligo. Napahawak ako sa abs ko.





















    "Bakit ba? May abs naman talaga ko ah.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:19 pm

    Chapter 42:

    Nagbihis na ako ng panlabas at nag-ayos. Bumaba ako at pinuntahan si Alex.

    "Sorry ah.. Di ko kasi alam na nasa baba ka.."

    Alex: Uhmm.. Okay lang..

    Parehas kaming natahimik.

    "Uh.. So.. Halika na?"

    Alex: Sige.. Tara na..

    "Sino ba gusto mong interviewhn?"

    Alex: Naisip ko yung guard niyo sa village..

    "Okay.. Lakad na lang tayo papunta dun.."

    Alex: Okay lang..

    Habang nalalakad kami, tahimik lang.

    "Uh.. So Okay ba?"

    Alex: Anong okay?

    "Pwede na bang pang-model yung katawan ko?"

    Tumawa siya. Buti naman kasi nakakabasag tenga yung walang nagsasalita sa amin eh.

    Alex: Asa ka pa..

    "Bakit ba? Malay mo.."

    Alex: So.. mustah na ang the moves mo ha? Umaabante ba naman?

    "Haay.. naku.. kayo kasi.. Pero okay naman.."

    Tapos kinuwento ko yung ginawa ko.

    Alex: Aba.. nag-iimprove ka ng.. uhmm.. konti..

    "Hanggang dito pa lang kaya ko.. Di ko pa kaya sa ngayon na alam mo na.. sabihin sa kanya.."

    Nilapitan namin yung guard. Nagtanung-tanong kami. Tapos nag-video kami sa mga usual na ginagawa niya. Bukod sa kanya, nag-interview din kami ng Metro-Aide tapos isang teacher dun sa malapit na pre-school sa amin. May nakilala kaming panadero din tapos ininterview din namin.

    Pagtingin ko sa relo ko. 11:00 na halos.

    "Tara, balik muna tayo sa bahay.. Dun ka na maglunch.."

    Alex: Ha? Uh.. Okay lang ba sa inyo?

    "Sus.. Okay lang yun.. Mas gusto nga ni Ate Tess yun.. Mas maraming kumakain ng luto niya.."

    Nakarating kami sa bahay ng mga 11:30. Nakahain na yung pagkain sa table.

    Alex: Uh.. Toph.. San ba yung CR?

    "Direcho ka lang.. Tapos kaliwa.."

    Ako naman... kumuha ng tubig sa may kitchen. Tapos sinundan ko si Alex. Pagtingin ko naman sa CR. Walang tao.

    "Ha? Nasan na yun?"

    Nagulat ako biglang may kumatok dun sa loob ng pintuan at sa may katapat.

    "Hala.. Wag mong sabihing.."











    Alex: Help.. Na-lock ako.. Tulooong!!

    Lumapit ako sa pinto.

    "Alex?? Wait lang.."

    Sinubukan kong buksan yung pinto pero ayaw pa rin.

    "Teka ah.. Kunin ko lang yung susi.."

    Hinanap ko yung susi. Kaso isang bungkol ng mga susi yung nakasabit dun! Ano ba naman to?!

    Kailangan ko pa isa-isahin. Bumalik ako sa may pinto at inisa-isa yung mga susi.

    Alex: Bilisin mo.. Ang dilim kaya dito!

    "Hala ka.. May mumu pa naman diyan.."

    Alex: "Ah ganun ah.. patay ka sakin pag nakalabas ako dito.."

    "Bat ka naman kasi napunta diyan ah.."

    Alex: Malay ko ba.. Pumasok ako dito tapos biglang nagsara yung pinto?!

    "Eto na.. Eto na.."

    Maya-maya nabuksan ko yung pinto.

    Alex: Haay.. Salamat..

    "Ayan.. Okay na.. Halika na nga.."

    Alex: Uh.. Wait.. Kaninong gitara yun? Nag-gigitara ka?

    Sabay turo niya dun sa gitara sa dulo ng kwarto.

    "Hindi na masyado eh.. Hindi sa akin yan.. sa kuya ko.."

    Lumapit ako at kinuha yung gitara. Medyo inaalikabok na. Pero sinubukan kong tugtugin.. gumagana pa naman.

    Alex: Tara.. Tamang-tama ikaw tumugtog mamaya..

    "Ha? Ayoko nga.. Saka ano.."

    Alex: Sige na.. Wala ka namang gagawin dito eh..

    "Uh.."

    Tapos hinila ako ni Alex kaso biglang ..

    *BLAG*

    Nabunggo niya yung isang box, nahulog tuloy yung laman.

    Alex: Oops.. Sorry..

    Tapos inayos niya at nilagay ulit sa loob.

    "Wait.. Ano ba yan?"

    Tinignan ko kung ano..

    Alex: Ewan ko.. Parang mga sulat..

    Tinignan ko yung sinasabi niyang sulat.. Nagulat ako nung nabasa ko yung sobre..






















    "To: Lester... From: Pia.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:22 pm

    Chaper 43:

    Alex: Huh? You mean.. Galing yan sa gf nung kuya mo?

    "I think so.."

    Binuksan ko yung isang letter..

    Lester,
    Thanks sa letter. Parang kanina lang eh magkausap tayo eh no. Tinanong nga nung nurse kung sino yung kausap ko ng pagkatagal-tagal. Nagulat nung sinabi ko na sa isang room sa third floor. Pagaling ka na ah. I love you. I love you. I love you.

    Pia

    Tinignan ko yung date. Eto yung time na nasa ospital si Kuya Lester. All this time nagsusulatan sila. At anong ibig sabihin nun nasa iisang lugar sila? nasa ospital din si Ate Pia?

    Binuksan ko na naman yung isang letter at yung isa pa at isa pa. Dalawang sobre na lang ang hindi ko pa nababasa. Binuksan ko yung isa..

    Lester,
    Gusto kita puntahan diyan sa kwarto mo pero sabi ng doctor di ako pwedeng maglakad-lakad lalo na malapit na operasyon ko.. Sa makalawa na.. Natatakot ako, Lester. Bakit ganito? Kung kailan kailangan natin ang isa't isa, sabay pa tayong nagkaganito. Sabi ng doctor, pagkatapos ng brain operation ko baka maging okay na ang lahat.. sana.. Ikaw ah. Maaga ka matulog ah.. Nung isang araw lang yung transplant mo hindi ba? Ingat parati. Inom ka ng gamot saka kumain ng marami ah. I love you.

    Pia

    Tapos huli kong binasa yung isang letter, pagtingin ko dun sa date, eto yung araw na.. araw na nagpaalam si kuya..

    "Wait.. Iba na ata to.." Iba yung sobre eh. Pagtingin ko dun sa sobre, nakasulat dun sa likod.

    To the girl I love the most.. Pia..

    Kay kuya na to galing ah. Binuksan ko at binasa yung sulat...

    Pia,
    Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ang kulit ko ba? Gusto ko sabihin na paulit-ulit sayo.. Gusto kita puntahan pero ayaw rin ako payagan nung nurse. Para tayong si Romeo and Juliet no?

    I am trying to fight and hold on.. You should too.. You must.. Not just for me.. but for yourself.. for your family and everyone who loves you..

    Huwag ka mag-alala sa operation. Kaya mo yun. Ikaw pa. Fighter ka di ba?

    I may leave.. but that doesn't mean that it's the end. I'll always be here.. I'm not saying goodbye.. I'm just telling you how much you mean to me.. how much I love you..

    I love you. I really do.

    Lester

    Alex: Ano ba kasi yan? Ang dami mo na nabasa ah.. Patingin nga..

    "Wait.. Kailangan ko makausap sina Mama.. Tawagan ko nga..Alam kaya nila to?"

    Tumayo ako at naglakad palayo.

    "Alex?"





















    Alex: "Teka.. handwriting ng tita ko to ah.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:24 pm

    Chapter 44

    "Ha? Di nga?"

    Alex: Oo.. Kilala ko handwriting nun..

    "You mean.. Yung tita mo yung gf ni kuya?"

    Alex: Siguro nga.. Di ko alam yung tungkol dun kasi bata pa ko eh saka bihira ko makita si tita nung bata ko.. ang alam ko lang nagkasakit nga siya tapos pumunta na sa Canada at nagka-amnesia ata or something..

    "So that explains everything.."

    Alex: Uh? Ano ba yung hawak mo?

    Napatingin ako dun sa sulat ni kuya lester.

    "Teka, kung lahat nasa box puro galing kay ate pia bukod dito. Ibig sabihin.."

    Alex: ..hindi pa nababasa ni tita yung letter?

    "Tama.. Kaya kailangan mabasa niya.. Nasan na ba yung tita mo?"

    Alex: Wala siya sa bahay eh.. Teka, sa makalawa na yung alis nun eh..

    "Hmm.. Bukas.. Kailangang makausap natin siya.."

    Alex: Uh.. Okay..

    "Tara na.. kain na tayo.."

    Alex: Sige.. this time sa C.R na ako pupunta..

    Tapos lumabas na ako agad dun sa kwarto dala-dala yung box ng mga sulat at pinatong sa sahig sa may living room. Maya-maya, nagulat ako biglang may narinig akong nag-strum ng gitara galing sa kwarto.

    Napatigil ako. Bumalik ako dun sa kwarto, dahan-dahan ko binuksan yung pinto. Walang tao. Ang dilim. Kinabahan ako bigla..

    "Kuya?!"

    Tahimik pa rin.

    "Walang ganyanan.."













    Alex: Mumu daw ah?

    Nagulat ako biglang bumulaga sa mukha ko si Alex hawak-hawak yung gitara.

    "Ano ka ba naman?! Akala ko kung ano.."

    Alex: Pahiram ah..

    Huminga ako ng malalim.

    "Di pwede.." Tapos kinuha ko yung gitara.

    Alex: Ha? Babalik ko bukas..

    Ngumiti ako.






















    "Ako na lang.. Ako na lang tutugtog.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:27 pm

    Chapter 45:

    Ma'am J: "O.. Mr. Delgado.. Ms. Santillan.. Buti nakapunta kayo.."

    Alex: "Oo nga ho.. Ano po bang pwedeng maitulong.."

    Ma'am J: "Nagmemeryenda sila ngayon eh.. Aba. Okay ah. May gitara kayong dala.. Kung gusto niyo tumugtog kayo habang kumakain sila.. Punta kayo sa may harapan.."

    "Okay lang ho.. Tara Alex.."

    Alex: "Bakit? Eh ikaw lang namang tutugtog.."

    "Ganun? Sinong kakanta.. Ikaw kaya.."

    Alex: "Bat ako??"

    "Bat hindi ikaw? Halika na nga.."

    Hinila ko siya papuntang harapan. Inayos ko yung mike tapos inabot sa kanya yung isang mike.

    "Magandang hapon po.. Nais po sana naming handugan kayo ng kanta.."

    Alex: "Ayoko ko talaga... Ikaw na.. Go Toph.."

    "Ah ganun.. Di ba ho gusto niyong marinig kumanta tong kasama ko?"

    Lolo: "Aba'y oo.. Kagandang dilag.."

    Palakad na si Alex palayo nung nagsipalakpakan yung mga lolo't lola. Tumingin sa akin si Alex. Ang sama ng tingin. Bumalik siya tapos kinuha yung mike.

    Alex: "Patay ka sa akin mamaya.."

    Lola: "Galingan niyo ngay.. Duet ba.. Yung paborito namin ni Jose.. Ano nga bang pamagat nun mahal.. yung tinugtog dire sa atin.."

    Alex: "Oo nga naman.. dapat kakanta rin si Toph.. Di ba?"

    Ngumiti si Alex. Nang-aasar. Naku po naman.

    "Hinde na.. kaya mo yan alex.. Go Alex.."

    Alex: "Ah hinde.. Papayag ba kayo na hindi marinig ang napaka.. gandang boses ng kasama ko?"

    Nagsigawan yung mga matatanda at pumalakpak. Haay naku.

    "Sige na.. sige na.."

    Lumapit yung isang babae sa amin at bumulong sa amin.

    Miss: "Yun kasi yung tinugtog sa kanila nung isang banda dati.. Nagustuhan nina Lolo Jose saka Lola Magda.."

    Alex: "Alam mo ba tugtugin yun.."

    "Oo.. Ikaw lam mo lyrics.."

    Alex: "Okay lang.. duet naman eh.."

    Humarap ako at nagsalita sa mike.

    "Eto na po.. Para kay Lolo Jose at Lola Magda.."
















    "Bakit ngayon ka lang
    Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron nang laman.."

    Alex: Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko
    'Di sana'y naghintay ako..

    "Ikaw sana.."

    Alex: "ikaw sana.."

    ang aking yakap-yakap

    Alex: "ang aking yakap-yakap.."

    "Ang iyong kamay.."

    Alex: "ang iyong kamay.."

    "ang aking laging hawak.."

    Alex: "lagi ang aking hawak.."

    "At hindi kanya.."

    Alex: "at hindi kanya.."

    "Bakit ngayon.."

    Alex: "bakit ngayon ka lang.."

    "ka lang dumating sa buhay ko.."

    Alex: "dumating sa buhay ko.."

    "Pilit binubuksan"

    Alex: "pilit binubuksan.."

    "ang sarado ko nang puso"

    Alex: "ang aking puso.."

    Ikaw ba

    Alex: "ikaw ba'y.."

    "ay nararapat sa akin"

    Alex: "nararapat sa akin.."

    "At siya ba'y"

    Alex: "at siya ba'y.."

    "dapat ko nang limutin"

    Alex: "dapat limutin.."

    "Nais kong malaman"

    Alex: "nais malaman.."

    "bakit ngayon"

    Alex: "bakit ngayon lang.."

    "ka lang dumating"

    "Nais kong malaman"

    Alex: "nais malaman.."

    "ba't ngayon"

    Alex: "bakit ngayon lang.."

    "ka lang dumating.."

    Palakpakan naman yung audience namin.

    Lola Magda: "Kaganda.."

    "Isang kiss naman diyan lolo kay lola.."

    Sigawan yung mga matatanda nung hinalikan nina Lolo Jose si Lola Magda. Kinikilig din pala ang mga matatanda.

    Pumunta kaming dalawa sa mga kaklase naming iba.

    "May future ka rin pala sa pagkanta kala ko hanggang banyo ka lang.."

    Alex: "Ang kapal mo no.. May mga offers nga ko dati.. tinanggihan ko lang.."

    "Asus.. Imbento.."

    Alex: "Joke lang.."

    "Seryoso.. Maganda boses mo.."

    Alex: "Well.. Ikaw din magaling mag-gitara saka may bubuga ka rin sa pagkanta.."

    "Haay.. Mahirap talaga pag talented.."

    Sinuntok ako ni Alex sa bandang kanang braso. Yung mahina lang naman..

    Alex: "Ang feeling mo.. haha.."

    "Aray.. Aray.. "

    Alex: "Ha.. Naku sorry.. Mahina lang naman yun ah.."

    "Ang lakas mo... Pwede mo na talunin si Pacquiao.."

    Alex: "O.A ah.. haha.."


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:31 pm

    Chapter 46:

    Stephen: Talaga.. Akalain mo.. Yung tita ni Alex yung Pia na sinasabi mo?

    "Oo nga eh.. Akala noon baka kamukha lang..."

    Stephen: Kailan niyo ba kakausapin..

    "Baka mamaya siguro.. Pupuntahan ko sana kina Alex.."

    Stephen: Good Luck.. Di kaya magulat yun sa sasabihin mo?

    "Siguro.."

    Stephen: Sige, punta na ako class ko.. Ikaw? Sabay kuha ng bag niya.

    "Wala ako class ngayon eh.. Wala yung prof. kasi kakaexam lang namin nung isang araw di ba? Punta na lang muna akong tambayan.."

    Stephen: Sige.

    Naglakad kami sabay ni Stephen pero naghiwalay din kami. Ako dumirecho na sa tambayan.

    "Pssst.. Psstt.."

    Habang naglalakad ako, may naririnig akong sitsit. Di ko naman pinapansin.

    "Uy.."

    Tumigil ako tapos lumingon. Parang tumigil na naman yung paghinga ko.

    "La-Larisse.. ikaw pala.."

    Larisse: Akala ko hindi ikaw yan.. Di ka naman lumilingon.. Punta ka ring tambayan?

    "Akala ko kung sino eh.. sorry.. Ah.. oo.."

    Tahimik lang kaming naglalakad. Pagdating namin sa tambayan, wala kaming co-applicants. Haay. Awkward na naman to ah.

    Larisse: Uhmm.. Naglunch ka na ba?

    "Di pa.."

    Larisse: Tara.. Canteen tayo..

    "Si-sige.."

    Kinuha ko yung panyo ko. Pinagpapawisan ata ako.

    Pumila na kami dun para mag-order. Ang cute niya ngumiti talaga. Haay..

    Larisse: Toph? Ano orderin mo?

    "Ah.." Tumingin ako kung anong merong ulam. "Ayun na lang siguro.." Tapos tinuro ko yung beef steak.

    Larisse: Parehas pala tayo.. Fave ko yan eh..

    Ngumiti ako.

    Nauna siyang nakakuha ng order niya sa akin. Hinintay ko yung sukli ko tapos sinundan ko siya dun sa table na pinili niya.

    Larisse: Binigay ko na pala kay Hannah yung list nung dates.. Baka mag-meeting daw tayo lahat para i-open up kung kailan gusto gawin yung outreach..

    "Ah.."

    Nagsimula na kaming kumaing dalawa.

    Larisse: Uhmm.. Madalas ko kayo nakikita ni Alex ah.. Kayo ah.. Nililigawan mo ba?

    Muntik na akong mabalaukan dun ah. Uminom agad ako ng iced tea.

    "Huh? Hi-hinde.. Friends kami nun.. saka kaklase ko kasi siya sa isang subject at groupmate din.."

    Larisse: Oh.. sorry.. Kala ko kasi.. malapit na magka-boyfriend si Alex..

    "Ah.. Bakit naman.." sabay subo ko ulit.

    Larisse: Di pa nagkakaboyfriend yun eh.. Ayaw pa niya.. May mga nanligaw din sa kanya dati pero wala eh.. Saka strict ata family niya.. only girl kasi..

    "Uh.. Ganun ba kasi siya dati pa?" sabay subo ko ulit.

    Tumawa si Larisse.

    Larisse: Uhmm.. Medyo mataray nga yan.. Pero mabait talaga siya.. Medyo boyish nga kumilos siguro kasi mga lalake yung madalas niyang kasama niya mula pagkabata.. puro lalaki ata yung mga relatives niya..not sure..

    "Halata nga.."

    Larisse: Uh.. Toph..

    Nagulat na lang ako biglang lumapit sa akin si Larisse.

    Ayan na.

    Palapit na ng palapit yung mukha niya

    Kinabahan ako bigla.

    Napaatras ako.

    "Ba-bakit?"

    Tapos biglang pinunasan niya yung gilid ng lips ko.

    Larisse: May sauce ka kasi sa ano mo..

    Tapos ngumiti siya.

    "Uh.. Thanks.."

    Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano.

    "Ah.. Ehem.."

    Napalingon kaming dalawa ni Larisse.

    Larisse: Uy.. Stephen..

    Pagtingin ko kay Stephen. Todo ngiti.

    Naku po, nakita niya ata. Haay..


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:33 pm

    Chapter 47:

    Stephen: Talaga naman.. Alam mo yung reaksyon mo kanina? Ang kulet pare.. Ano bang akala mo.. hahalikan ka niya? hahaha.

    Sabay tawa siya. Sabi ko na nga ba eh. Bat kasi di pumasok yung prof. ni Stephen?? Haay naku. Eto palakad na kaming dalawa. Naiwan si Larisse sa may tambayan. Papunta na kaming next class namin.

    "Hinde ah.. Nagulat lang ako.."

    Stephen: Kunyari ka pa.. haha..

    "Sige.. Dito na ko.."

    Stephen: Sige.. Di ko talaga makakalimutan yung eksena mo kanina.. hahaha..

    "Sus.. magtigil ka nga.."

    Pumasok na ako sa room. Wala pa yung prof ko. Pero as usual nandun na ang mga ka-group ko.

    Mara: Ano nangyari? Marami ba kayong nainterview kahapon?

    "Oo marami-rami din.. Saka kinuhan rin namin ng video yung event kahapon.."

    Emm: Nagpunta ka? Kayong dalawa?

    "Oo.. Masaya nga eh.."

    Maya-maya dumating na si Alex.

    "Uh.. Alex!"

    Alex: Bakit?

    "Nasabihan bo yung tita mo?"

    Alex: Naku po.. sorry.. nawala sa isip ko talaga.. Pero di naman aalis ng bahay yun kasi mag-aayos na ng gamit yun dahil bukas na alis niya..

    "Ganun ba.."

    "Good afternoon, class.."

    Biglang pumasok yung prof. namin sabay patong ng mga gamit niya sa table. Ngumit siya.

    Ma'am J: Gusto ko lang mag-thank you sa mga nagpunta kahapon.. Sobrang natuwa yung mga lolo't lola sa ginawa natin..

    Nagulat ako nung tumingin ng direcho sa akin si Ma'am.

    Ma'am J: At syempre, palakpakan natin si Mr. Delgado.. Ilang beses siya tumugtog dahil panay request nila.. At saka magaling din pala siya mag-magic tricks ah.. turuan mo nga kami.. sabay tawa siya. Pati rin si Ms. Santillan na kaduet pa ni Mr. Delgado....

    Nagkatinginan kami ni Alex sabay ngiti. Patuloy na nagsalita at nag-thank you si Ma'am sa mga nagpunta. Enjoy naman talaga kahapon eh. Nakakalungkot lang na pinabayaan sila ng mga pamilya nila.

    Pagkatapos nag-discuss lang ulet si Ma'am. Pagkatapos kaming idismiss, nilapitan ko si Alex.

    "Uwi muna ko saglit.. tapos punta ko sa inyo.."

    Alex: Sige.. text text na lang..

    Sumakay na ako ng jeep at direchong uwi na sa bahay. Kumain muna ako at nagmeryenda. Nagpalit ako ng t-shirt at naghilamos. Tinignan ko yung wall clock.

    "5:30 na.. punta na siguro ko.."

    Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko, si Alex? Tumatawag. Sinagot ko nga.

    "Hello?"

    "Toph.. Si Alex to.. Kasi ganito.. Wala si tita dito eh.. Ewan ko nga eh.. sabi nung maid di nagsabi kung saan.."

    "Ano? Sige.. Text mo na lang ako ulet.."












    *DING DONG*

    Mama: "Ako na sasagot nun.."

    Binuksan ni Mama yung pintuan.

    Mama: "Sino sil.."

    Nagulat ako bat parang natulala ata si Mama. Nilapitan ko siya.

    Pagtingin ko..


















    Yung tita ni Alex.

    Si Ate Pia.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:36 pm

    Chapter 48:

    "Ma?"

    Ate Pia: Hello po.. Di ko lam kung bakit pero sobrang familiar nitong place na to.. Teka.. Di ba kaw yung kaibigan nung pamangkin ko?

    "Pasok po kayo.."

    Mama: Sige.. kukuha lang ako ng maiinom..

    Umupo kami dun sa may living room. Maya-maya bumalik si Mama na may dala-dalang isang pitsel ng iced tea.

    Ate Pia: Alam ko po ang weird.. You must think I'm crazy.. pero basta nung napadaan ako dito.. Parang may nagsabi sa akin na bumaba ako.. Ang hirap po i-explain.. Kasi ang alam ko may mga bagay akong hindi maalala eh.. Kasi nagsakit po ko tapos.."

    "Nagka-sakit ka sa brain.. tumor.. pero inoperahan ka.. kaso ang side-effect nun amnesia.. tapos dinala ka sa Canada.."

    Ate Pia: Pano mo nalaman yun..

    Tumayo ako at kinuha ko yung box.

    Mama: San mo nakuha yan.. Bat ngayon ko lang nakita yan?

    "Siguro, hindi lang natin napapansin kasi nasa kwarto eh nakatambak.. You mean di mo alam na nagkasakit siya.."

    Mama: Hinde eh.. Wala kasing nababanggit si Lester sa akin.. Ayoko namang itanong yun tungkol sa kanya.. Alam mo naman may sakit na rin siya nun..

    Inisa-isa niyang basahin yung mga sulat.

    Ate Pia: Oh my.. Lester? Sino siya? Boyfriend ko?

    Nagkatinginan kami ni Mama.

    Ate Pia: Nasan na siya?! Kailangan ko siya makita.. After all these years..

    Mama: Wala.. Wala na siya..

    Ate Pia: Asan.. Lumipat na ba siya?

    Iniabot ko yung huling sulat ni Kuya Lester sa kanya.

    "Here.. Hindi na niya napabigay sayo.."

    Habang binabasa niya yung sulat, kita ko yung pagpatak ng luha niya.

    "He died.. the same day you were about to undergo your operation.."

    Tahimik lang kami. Pinagmamasdan namin siya habang umiiyak.

    Kinubukasan, pagkatapos ng klase. Dumirecho uwi na ako. Nagbihis ako at sabay-sabay kaming pamilyang pumunta sa puntod ni kuya. Kasama namin si Ate Pia.

    Ate Pia: Now I know why I had the feeling I have to go back here.. Di pa kasi nakukumpleto yung identity ko.. Ngayon.. Kumpleto na..

    Mama: He loved you so much..

    Ate Pia: Alam ko po..

    Pinikit niya yung mga mata niya.

    Ate Pia: Nararamdaman ko..

    Niyakap namin si Ate Pia isa-isa. Pagkatapos nun, inihatid namin siya sa airport.

    "Bye.. Ingat ha.."

    Ngumiti siya.

    Ate Pia: Ingat.. Siguro pagbalik ko may mga asawa na kayo..

    "Let's see.."

    Ate Pia: Dapat pag nakita mo na yung taong sa tingin mo para sayo.. Mahalin mo siya.. Ipadama mo.. Parang ginawa ng kuya mo..

    Sabay kindat niya.

    "Oo naman.. mana ako kay kuya eh.."

    Tapos naglakad siya at hinintay namin hanggang sa makapasok na siya sa loob.

    Marielle: "Tara na.."

    Habang naglalakad kami pabalik ng kotse biglang parang may dumaan na malamig na hangin.

    Marielle: "Ang lamig.. Ramdam mo yun?"

    Huminga ako ng malalim.

    Tapos na kuya.

    Everything's fine now.


    [FM] LyLe
    Resignin
    Resignin


    ...And How can I stand here with you and not be moved by you?...Would you tell me how could it be any better than this?...
    Number of posts : 4396
    Points : 12391

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by [FM] LyLe on Fri Mar 20, 2009 6:41 pm

    Chapter 49:

    Magtatatlong linggo na rin ang lumipas mula nung nakaalis si Ate Pia. Gumaan yung pakiramdam ko pagkatapos nun kasi alam ko eto yung gustong mangyari ni kuya. Maliwanagan ang lahat at yung maalala ni Ate Pia ang lahat.

    Tumingin ako sa relo ko.

    "4:15 na.. Anong oras ba yung meeting sa tambayan?"

    Stephen: 4:30 ata.. Makakahabol pa tayo..

    Nagmamadali kaming maglakad ni Stephen. May meeting kasi kami. Tungkol ata sa outreach. Napag-usapan kasi namin na sa Sabado yung tentative date. Three Days from now.

    Pagdating namin dun, di pa naman nagsisimula. Wala pa si Hannah eh. Umupo kami sa tabi nina Jeffrey. Sa tapat namin, kita ko si Larisse may hawak-hawak ulit na teddy bear.

    Stephen: Aba.. Pang-ilan na ba yan ah?

    Leila: Di na nga mabilang eh.. Basahin mo nga..

    Larisse: Hmm.. Number 10: My heart just can't stop shouting your name...9 teddy bears more to go..

    Stephen: Okay ah..

    Hannah: Naku.. guys.. sorry medyo late ako.. So ganito, nakipag-usap na kami dun sa orphanage bale sa Saturday daw pwede kung gusto natin, okay ba sa inyo?

    Umoo naman halos lahat kasi kakatapos naman ng mga exams. Pinag-usapan yung oras kung what time magkikita-kita sa school para sabay-sabay na pupunta dun. In the end, nafinalize na 7:30 am na lang pupunta dun.

    Sabado.

    Tumingin ako sa relo ko.

    "7:30 ah.. Eh mag-aalas-otso na.."

    Stephen: Alam mo na.. Ganyan naman talaga eh.. May palugit..

    Maya-maya nagsidatingan na rin yung iba. Sabay-sabay na kaming nagcommute papunta dun. Kanya-kanyang dala ng utensils, saka yung mga ipapakain namin sa kanila pati na rin yung mga laru-laruang binili namin panregalo sa kanila.

    Pagdating namin, inayos at nilapag na namin sa table yung mga pagkain. Binubuksan ko yung isang box ng Zesto dun nung nakita ko si Larisse, bitbit-bitbit yung isang bilao ng pansit. Tumakbo ko para lapitan siya.

    "A-Ako na.."

    Larisse: Naku, Thank you ah..

    Ngumiti ako.

    Nung nakaayos na kami saka pinalabas ni Ms. Vergel yung mga bata dun sa pagdadaausan namin ng mga activities. Umupo muna sila at nagsalita si Hannah.

    Hannah: Hello! Ako si Ate Hannah. Kami lahat dito mga ate at kuya niyo. Magpapalaro kami ng mga games. Gusto niyo yun di ba?

    Kids: Opoooo..

    Hannah: Okay.. Ang first game natin.. Bring me.. Alam niyo ba yun?

    Kids: Opoooo..

    Hannah: Sige.. Basta walang tulakan ah.. Bring me. Uhmm.. Isang panyo..

    Takbuhan na naman yung mga bata. Kanya-kanyang kuha ng panyo.

    Hannah: Galing ah.. Bring me.. Isang sinturon..

    Yung iba. Pinagkukuha yung mga belt namin. Ang kukulit nga nila eh.

    Hannah: Wow.. Eto naman.. Bring me.. Yung Pinakamagandang ate..

    Nagsitakbuhan lahat ng mga bata. Kanya-kanyang hila dun sa mga girls, kina Leila.. Larisse atbp. Tawa kami ng tawa eh.

    Stephen: Ano naman.. Pinakagwapong kuya.. Ako! Ako!

    Tawanana kaming lahat.

    Hannah: Ngayon naman.. Ganito ah.. Hanap kayo ng ate saka kuya niyo para makapartner.. Dahil madami kayo.. Bawat isang kuya o ate.. dalawang bata.. Okay?

    Takbuhan na naman. Hila dito. Hila diyan. Maya-maya may kasama na akong dalawang bata.

    Twins.

    "Hello.. Anong mga pangalan niyo.."

    "Jennifer po."

    "Jennica po."

    "Ahh.. Ilang taon na kayo?"

    Jennifer: Mag-eeight na.. di ba ate?

    Jennica: Oo..

    "Mas matanda ka?"

    Jennica: Opo. By 4 minutes daw..

    "Nasan na parents niyo.."

    Jennifer: Di namin alam eh.. Sabi ni Nanay babalikan naman niya kami..

    "Ilang taon na ba kayo dito.."

    Jennica: Mag-one year na po..

    Napatingin ako sa kanilang dalawa. Naawa ako. Ang babata pa nila.

    Hannah: Ngayong may kasa-kasama na kayo. Games ulit. The boat is sinking naman.

    Hannah: Uhmm.. The boat is sinking.. Group yourselves by 9..

    Takbo naman kaming tatlo. Hanggag sa.. Nakagrupo namin sina Larisse saka Jeffrey.

    Jeffrey:kakapagod to ah..

    Larisse: Hinihingal na nga ako..

    Hannah: Group yourselves by.. six..

    Nagsitakbuhan na naman ulit. Tumakbo papaalis sina Larisse tapos tumigil tapos humarap ulit.. kaya..

    *DUG*

    Larisse: Aray..

    "Aray.."

    Larisse: I'm sorry..

    "Okay lang.. Napango lang yata yung ilong ko."

    Tumawa si Larisse.

    Sabay hawak ko sa ilong ko. Ang sakit nun ah. Tumama ba naman yung noo niya sa ilong ko.

    Nagulat ako nung hinawakan nya yung mukha ko. Pakiramdam ko naninigas ako.

    Larisse: Upo ka muna siguro..

    "Siguro nga.."


    Sponsored content

    default Re: Torpe [ A Story of Love ]

    Post by Sponsored content Today at 3:43 pm


      Current date/time is Fri Dec 09, 2016 3:43 pm